Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA PATUNAY NG BIRHENG PAGKAPANGANAK

PROOFS OF THE VIRGIN BIRTH
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Disyembre taon 2015

“Narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel” (Isaias 7:14).


Ito’y isang malinaw na propesiya ng Birheng Pagkapanganak ni Kristo – na ibinigay sa Lumang Tipang Kasulatan. Ang ilang mga tao ay mayroong problema sa dakilang Kristiyanong doktrinang ito. Ngunit ang tunay na problema nila ay hindi sila naniniwala sa himala ng kahit anong uri. Ang sekular na pagkamakatao ay nagnakaw sa kanila ng posibilidad ng mga himala – at ninakawan sila ng Diyos Mismo!

Ipinakita namin ang pelikula ni Ben Stein na “Expelled” [Pinatalsik] sa aming simbahan ilang panahon noon. Ang pinaka nakamamanghang bahagi ng pelikula sa akin, ay ang pakikipanayam ni Gg. Stein kay Dr. Richard Dawkins. Si Dr. Dawkins ang nangunguna sa lahat na ebolusyonista ng ating panahon. Gumagawa siya ng kaso para sa ebolusyonaryong proseso bumabalik sa mga edad ng panahon. Ngunit, katulad ng lahat ng mga ebolusyonista, siya ay nahaharap sa suliranin kung paano ipapaliwanag ang simula ng buhay. Si Gg. Stein ay pumiga sa kanya ng matindi sa katanungang ito. Makikita mo ang labi ni Dawkins na nanginginig kung lumapit ka ng lubos. Ipiniga ni Stein – “Sa una palang saan nanggaling ang buhay?” Mga kuwintas ng mga pawis na nagpakita sa noo ni Dawkins. Sa wakas sinabi ni Dawkins na mga dayuhan mula sa ibang planeta ay maaring dumating at “nagbigay binhi” ng buhay sa lupa. Si Gg. Stein ay lumundag riyan. “Ibig mo bang sabihin na mga dayuhan mula sa ibang planeta ay maaring nagdala ng buhay sa lupa?” Sa tingin ko nalimutan ni Dawkins na siya ay nasa harap ng kamera noong sinabi niyang, “Oo.” Maya-maya sinubukan niyang idemanda si Gg. Stein upang gawin siyang alisin ang bahaging iyan ng pelikula. Ngunit ang kontrata na kanyang pinirmahan ay nagsanhi sa kanya mula sa pananalo ng kaso.

Napaka baligho! Maliliit na mga tao sa isang sasakyang panggalagang nagdadala ng unang buhay sa ating planeta! Ang tunog nito ay parang isang siyensyang kathang-isip na kwento para sa mga bata! Kahit na kungang loko-lokong ideya ay totoo, hindi pa rin nito ipinapaliwanag kung paano ang buhay ay nagsimula sa ibang planeta! Kaya nakita natin sa pelikula ni Gg. Stein, ang napuwersa at kakaibang hangganan kung saan ang mga sekular na mga mapagmakatao ay kailangang magpunta upang maiwasan ang himala ng Diyos na naglilikha sa buhay sa lupa.

Sinabi ni C. S. Lewis, “Ginamit ko ang salitang himala upang magpakahulugang isang pag-iistorbo ng kalikasan ng higit sa karaniwang taong kapangyarihan.” Muli sinabi ni C.S. Lewis, “Kung tatanggapin natin ang Diyos, dapat ba nating tanggapin ang Himala? Sa katunayan nga, sa katunayan nga.” (Isinalin mula sa Himala [Miracles], mga pahina 105, 9).

Ang ibig sabihin ni C. S. Lewis ay na kung mayroong isang Diyos ang mga himala ay posible. Hindi mo kailangan ng maliit na berdeng mga tao na magpunta at magdala ng buhay sa lupa. Kung mayroong isang Diyos Siya ay may kakayahang lumikha ng buhay ex nihilo (mula sa wala). Sinabi ni Hesus, “Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios” (Marcos 10:27).

Ang aking ina ay napagbagong loob sa edad na 80. Walang pinaka maliit na dahilan na maiisip na siya ay kailan man mapagbabagong loob. Wala sa anumang paraan. Maari akong mapunta sa pagsasabi sa iyo kung bakit alam ko na ang kanyang pagbabagong loob ay isang himala, ngunit hindi ko iyan gagawin ngayong gabi. Ibibigay ko sa inyo ang himala na nangyari bago ng kanyang pagbabagong loob. Ako’y nasa Lungsod ng New York kasama ng aking pamilya. Ang aking ina ay tatlong libong milya ang layo rito sa Los Angeles. Nananalangin ako ng biglang, sa gitna ng aking panalangin alam ko na ang aking ina ay maliligtas. Tinawagan ko si Dr. Cagan at hiningi sa kanyang magpunta at gabayin siya kay Kristo. Siya’y takot na magpunta dahil sinigawan niya siya noong nilapitan niya siya noon. Ngunit pinilit ko na sinabi sa akin ng Diyos na siya’y ngayo’y maliligtas na. Kaya nagmaneho siya sa kanyang lugar at ginabayan siya, na madali kay Kristo – at ang kanyang buhay ay nabago. Oo, iyo’y isang himala. Ngunit hindi iyan ang gustong idiin rito. Paano ko biglang nalaman na siya’y napagbagong loob? Tatlong libong milyang layo ako mula sa kanya. Hindi ko siya nakausap sa telepono. Ngunit alam ko ito. Paano? Ito’y isang himala. Sinabi sa akin ng Diyos sa pamamagitan ng isang himala. Ito’y kasing simple niyan.

But the third miracle was, in many ways, the greatest – at least it was to me. Ang aking ina mismo ay hindi naniwala sa mga himala. Siya’y isang sekular na makatap at isang ebolusyonista. Diyan pumasok ang pangatlong himala. Una, sinabi sa aking ng Diyos na siya’y mapagbabgong loob. Pangalawa, siya’y napagbabagong loob. Ngunit ang pangatlong himala ay sa maraming paraan ang pinaka dakila – sa pinaka kaunti, para sa akin.

Ilang buwan pagkatapos niyang napagbagong loob, dinala ko sa kasama ni Ileana at aming mga anak na lalake upang bisitahin ang aking pinsan. Marami siyang mga kaibigan na malakas uminom. Isa sa kanilang mga asawa ay kalahating lasing na. Alam niya na ako’y isang mangangaral, kaya umupo siya sa mesa, katapat ko, at nagsimula punahin ako. “Paano na ang mga himalang iyon ay nangyari? Paano Niya napakain ang 5,000 na mga tao gamit ng kaunting mga isda? Paano Siya bumangon mula sa pakagmatay? Paano Niya ipinaghiwalay ang Pulang Dagat? Ha, ha, ha!”

Wala akong isang salitang sinabi. Ayaw kong magsimula ng isang away sa tahanan ng aking pinsan. Ang aking ina ay naka-upo sa tabi ko. Biglang nakita ko ang kanyang mga matang kuminang. Walang sinoman ang kailan man sumagot sa kanya kapag ang kanyang mga mata ay kuminang na tulad niyon! Tinignan niya ang lasing na babae at sinabi sa isang malaki, malakas na tinig, “Naniniwala ka sa Diyos hindi ba?” Ang kawawang babae ay tumiklop. Ang kanyang mukha ay naging puti. Sa maliit na tinig sinabi niya, “Ah…oo.” Inirapan siya ni nanay at sa mas malakas pang tinig, sinabi niya “Ano ngayon ang problema mo?” Mayroong lubos na katahimikan sa tahanan. Iyon ang katapusan ng pagtatalo patungkol sa mga himala!

Kita mo, kung naniniwala ka sa Diyos – gayon katulad ng itinuro ni C. S. Lewis – walang pagtatalo laban sa mga himala! Gaya ng paglagay nito ni Hesus, “Ang Diyos sa lahat ng mga bagay ay posible.” At dinadala tayo nito sa Birheng Pagkapanganak ni Kristo. Bibigyan ko kayo ng dalawang “mga patunay” ng Birheng Pagkapanganak. Ngunit ang mga “patunay” na ito ay kukumbinsi lamang sa iyong maniwala sa Diyos. Hindi ka nito kukumbinsihin ang kahit sinong tumangging maniwala sa pagkabuhay ng Diyos.

I. Una, ang Birheng Pagkapanganak ni Kristo ay mapapatunyan ng Lumang Tipan.

Ang unang propesiya ng Birheng Pagkapanganak ni Hesus ay sa Hardin ng Eden, isang maikling panahon pagkatapos n gang ating unang mga magulang ay nagkasala laban sa Diyos. Kinailangan nilang makinig kay Satanas na tuksuhin sila, at nagkasala. At sinabi ng Diyos kay Satanas,

“Papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong” (Genesis 3:15).

Dito ibinigay ng Diyos ang unang propesiya ng Birheng Pagkapanganak. Ang binhi ng babae ay dudurog sa ulo ng serpyente. Ang Luteranong Lumang Tipang eskolar na si Dr. Claus Westermann (1909-2000) ay nagsabi, “Mula sa panahon ni Irenaeus (130-202) ang Kristiyanong tradisyon ay naintindihan ang pasehe bilang isang propesiya tungkol kay Kristo (at Maria). Ang ‘binhi ng babae’ ay tumutukoy sa isang nag-iisang pinag-apuhan [si Kristo] na dumurog sa ulo ng serpyente [si Satanas]…Ang pagpapaliwanag na ito ay tumatakbo mula kay Irenaeus hanggang sa kasaysayan ng pag-intindi ng teksto sa parehong Katoliko at ebanghelikal na tradisyon” (Isinalin mula kay Claus Westermann, Ph.D., Genesis 1-11: Isang Kumentaryo [Genesis 1-11: A Commentary], Augsburg, 1984, pah. 260).

Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Ang ‘binhi ng babae’ ay isang [pagtutukoy] lamang sa isang hinaharap na pinag-apuhan ni Eba na walang taong ama. Sa byolohiko, ang isang babae ay di gumagawa ng binhi…sa biblikal na paggamit ay laging tumutukoy sa binhi ng lalake. Ang ipinangakong Binhi na ito, kung gayon ay kailangang maging milagrosong maitanim sa sinapupunan [ni Maria]. Sa paraang ito, Siya [si Kristo] ay hindi magmamana ng kasalanang kalikasan na nag-aalis ng karapatan sa bawat anak ni Adam mula sa pagiging isang Tagapagligtas mula sa kasalanan. Ang propesiyang ito gayon ay malinaw na inaasahan ang hinaharap na birheng pagkapanganak ni Kristo” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995, pah. 13; sulat sa Genesis 3:15).

Ang ating pambukas na teksto ay nanggagaling rin mula sa Lumang Tipan. Ang propetang si Isaias ay nagsabi,

“Narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel” (Isaias 7:14).

Ang Ingles na salitang “birhen” rito ay isinalin mula sa Hebreong salitang “almah.” Ito’y ginamit ng pitong beses sa Lumang Tipan upang tumukoy sa isang di ikinasal na dalagang babae. Sinabi ni Edward E. Hindson, “Ang [gamit] nito ay laging nagpapahiwatig ng isang birhen. Ang Biblikal na gamit ng almah ay malinaw na di kailan man sa isang kasal na babae, kundi laging patungkol sa isang di kasal na babae” (Isinalin mula kay Edward E. Hindson, “Isaiah’s Immanuel,” Biyayang Peryodiko [Grace Journal] 10, Fall, 1969, pah. 7). Ang dakilang eskolar na si J. Gresham Machen ay nagsabi, “Walang lugar sa pitong pagkaganap ng almah sa Lumang Tipan kung saan ang salita ay ginamit patungkol sa isang babae na hindi isang birhen” (Isinalin mula kay J. Gresham Machen, Ph.D., Ang Birheng Pagkapanganak ni Kristo [The Virgin Birth of Christ], Baker Book House, 1965, pah. 288).

Ngunit ang pinaka dakilang patunay ng “almah” ay nangangahulugang “birhen” ay mula sa mga rabay ng 200 mga taon bago ni Kristo. Pitompu sa mga dakilang mga rabay sa mundo ay isinalin ang Lumang Tipang Hebreong Bibliya sa Griyego, ang wikang isinasalita ng higit na mga Hudyo sa Romanong mundo. Ang mga rabay na ito ay itinuturing na pinaka dakilang mga Hebreong eskolar sa mundo sa panahong iyon, 200 na mga taon bago ni Kristo. Ang mga Hudyong mga rabay nag isinalin ang salitang “almah” sa Isaias 7:14 gamit ang Griyegong salitang “parthenos” – na tumutukoy lamang sa isang birhen – isang babae na di kailan man nakipagtalik sa isang lalake. Ang 70 na mga rabay ay isinalin ang Lumang Tipan sa Griyego. Ito’y tinatawag na Septuagint. Sinabi ni Dr. Ben Witherington III na kung ang “almah” ay di nangahulugang “birhen,” “Ito’y mahirap kung hindi imposible na makita kung bakit ang mga [rabay] na tagapagsalin ng LXX [ang Septuagint] ay ginamit ang ‘parthenos’ bilang Griyegong katumbas” (Isinalin mula kay Ben Witherington III, Ph.D., “Ang Pakagpanganak ni Hesus” [“The Birth of Jesus”], Diksyonaryo ni Hesus at ang mga Ebanghelyo [Dictionary of Jesus and the Gospels], InterVarsity Press, 1992, pah. 64).

Ang lahat ng mga patunay na ito ay nagpapakita na ang mga rabay ay tama noong isinalin nila ang Isaias 7:14 na

“Narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel” (Isaias 7:14).

Ang nag-iisang babae sa kasaysayan na isang birhen, ay nabuntis sa pamamagitan ng higit sa natural na paraan, ay si Maira, ang ina ni Kristo.

II. Pangalawa, ang Birheng Pagkapanganak ni Kristo ay pinatunayan sa Bagong Tipan.

Lumipat sa inyong Bibliya sa Mateo 1:23.

“Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23).

Si Jose ay naipangako kay Maria. Bago sila ikinasal “nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo” (Mateo 1:18). Natural na naisip ni Jose na siya’y nagkamit ng pakikipagtalik na hindi kasal. Ayaw niya siyang mapahiya sa pagsasantabi sa kanya at di siya pakasalan. Iniisip niya ang problemang ito habang siya’y patulog. Ang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kanya at nagsabi sa kanya. “huwag kang matakot na kunin si Maria bilang iyong asawa: dahil iyong nabuntis sa kanya ay [mula] sa Espiritu Santo.” Tapos isinipi ng anghel ang Isaias 7:14 kay Jose,

“Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23).

Siya nga pala, ang Septuagint na pagsasalin ay binuhat sa Mateo 1:23 sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Kaya ang salitang “parthenos” ay naging napukaw na Salita ng Diyos.

Pinagpasyahan kong tignan ang buong Bagong Tipan upang makita kung anong naisip ng mga taong nakakilala kay Hesus na pinaka mahusay patungkol sa Kanyang birheng pagkapanganak. Isinulat ko lang ito sa isang piraso ng papel kung anong naisip ng mga taong nabuhay kasama Niya.

Nagsimula ako kay Jose, ang kanyang amain. Si Jose ay naniwala sa Kanyang birheng pagkapanganak.

“At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa: At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS” (Mateo 1:24-25).

Sunod, naroon si Maria. Tulad ni Jose, nagsimula siya sa di paniniwala sa birheng pagkanganak. Sinabi niya, “Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?” (Lucas 1:34).

“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:35).

“Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan” (Lucas 1:37).

Tapos si Maria mismo ay naniwala sa birheng pagkapanganak, dahil sinabi niya, “Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita.”

“Ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:35).

naroon si Hesus Mismo. Sinabi ni Hesus Mismo,

“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).

Sinabi ni Hesus Siya ang “bugtong na Anak” ng Diyos. Sunod naroon ang Diyos Mismo. Si Juan Bautista ay naglubog kay Hesus sa ilalim ng tubig ng Ilog ng Jordan sa bautismo. Tapos ang tinig ng Diyos ay nagsalita mula sa Langit at nagsabi, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17). Tapos sinabi ni Juan Bautista, “Aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios” (Juan 1:34). Si Jose, Maria, Hesus Mismo, Juan Bautista, at Diyos Ama – lahat ay nagsabi na Siya ang Anak ng Diyos – nagpapakita na Siya ay ipinanganak ng isang birhen.

“Ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:35).

Tinignan ko ang buong Bagong Tipan. Nakita ko ang mga demonyo “sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?” Oo, pati ang mga demonyo ay alam na Siya ay birheng ipinanganak na Anak ng Diyos! Noong tinanong ni Hesus ang Kanyang mga Disipolo, “Ano ang sabi ninyo kung sino ako?” Sinabi ni Pedro, “Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16). Ganoon din si Apostol Juan, na nakakikilala sa Kanyang higit sa lahat. Sinabi ni Apostol Juan, “Ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios” (Juan 20:31). Muli sinabi ni Juan, “Tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo” (I Juan 1:3). Oo, ang Apostol Juan, na nakakilala sa Kanyang higit, ay nagsabi na si Hesus ay birheng ipinanganak ng Anak ng Diyos. Tinawag niya si Hesus, “ang bugtong na Anak” ng Diyos (Juan 1:18). Noong si Apostol Pablo ay napagbagong loob, “At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios” (Mga Gawa 9:20). At gayon lahat ng Kanyang mga Disipolo, dahil alam nilang lahat “ang banal na bagay” na ipinanganak ng Birheng Maria ay “tinawag na Anak ng Diyos” (Lucas 1:35). Ang huling mga salita ni Hesus sa Krus ay nagpatibay nito, “sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga” (Lucas 23:46). Tapos ang senturyon na nagpako sa Kanya sa Krus ay bumagsak sa kanyang tuhod at nagsabi, “Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios” (Marcos 15:39).

Ang nag-iisa lamang na kumutya sa kanyang Pagka-anak ay ang malupit na mga taong nagpako sa Kanya sa krus. Iyong mga malupit na mga taong iyon ay “pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios” (Juan 5:18). Sumigaw sila sa Kanya habang Siya’y nagdusa, “Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus” (Mateo 27:40). Ngunit kung bumaba Siya mula sa krus ipipakita nito ang saktong kabaligtaran. Ipinakita nito na Siya ay hindi ang Anak ng Diyos!

Ang banal, na birheng ipinanganak na Anak ng Diyos ay bumaba mula sa Langit, sa sinapupunan ni Maria, ipinanganak upang mamatay sa Krus upang magbayad ng multa para sa ating mga kasalanan. Nabuhay siya sa gitna ng kawawang mga makasalanan, at ibinuhos ang Kanyang banal na Dugo upang linisan tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan.

Ngunit hindi pa ako nagkumento sa huling bahagi ng ating teksto. Ibibigay ko ang Isaias 7:14 bilang pagsisipi mula sa Septuagint sa Mateo 1:23,

“Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23).

Iyan ang ibig sabihin ng salitang Emmanuel. Ibig nitong sabihin “sumasa atin ang Dios.” Iyan ay kung sino ang birheng ipinanganak na anak ay. Siya ay “sumasa atin ang Dios.”

Alam ko na mayroong Diyos noong ako’y isang maliit na bata, nagtatago sa ilalim ng mga bulaklak sa likuran ng bahay ng aking lola. Kinausap ko Siya, ngunit hindi ko Siya kilala. Alam ko lamang na maaring mayroong isang Diyos na lumikha sa mga kamangha-manghang magandang mga bulaklak na iyon! Alam ko na mayroong isang Diyos kapag tumayo akong mag-isa, palabas ng disyerto sa Arizona – na mayroong ulan na bumabagsak sa tuyong lupa – na mayroong hindi kapanipaniwalang, mayamang amoy ng lupa habang ininom nito ang ulan. Kinailangang mayroong isang Diyos na gumawa ng ganoong kamanghaan. Ngunit hindi ko Siya kilala.

Ngunit isang umaga si Hesus ay bumaba sa akin at niligtas ang aking kaluluwa. Iyan ang pagkakaiba! Ang pangalan Niya Emmanuel – sumasa atin ang Dios! Ang Kanyang Dugo ay naglilinis sa atin. Ang Kanyang Salita ay nagpapaginhawa sa atin. Ang Kanyang presensya ay kumakalma sa ating mga takot. Si Hesus – ang ating Emmanuel – sumasa atin ang Dios! Iniibig ko ang nakatutuwang Pampaskong kanta ni Charles Wesley (1707-1788)!

Si Kristo, sa pinakamataas na langit ay sinasamba;
   Si Kristo, ang Walang Hanggang Panginoon!
Huli na sa oras tignan Siyang dumating,
   Anak ng sinapupunan ng Birhen:
Nakatalukbong ng laman ang Punong Diyos nakikita;
   Papuri sa Naglamang taong Diyos,
Nalulugod gaya ng tao na kasama ng mga taong manirahan,
   Hesus ating Emmanuel,
Makinig! ang tagapghayag na mga anghel ay kumakanta,
   “Luwalhati sa bagong panganak na Hari.”
(“Makinig, Ang Tagapaghayag na Anghel ay Kumanta.” Isinalin mula sa
      “Hark, the Herald Angels Sing” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Panalangin ko na magtiwala ka kay Hesus at maligtas mula sa kaparusahan at kasalanan, malinis mula sa lahat ng kasamaan sa pamamagitan ng Kanyang banal na Dugo. Nasa langit na Ama, panalangin ko na mayroong isang magpupunta sa Iyong Anak at maligtas sa Kanyang ngayong bagi. Amen!


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 1:18-25.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Makinig, Ang Tagapaghayag na Anghel ay Kumanta.” Isinalin mula sa
“Hark, the Herald Angels Sing” (ni Charles Wesley, 1707-1788).


ANG BALANGKAS NG

MGA PATUNAY NG BIRHENG PAGKAPANGANAK

PROOFS OF THE VIRGIN BIRTH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel” (Isaias 7:14).

(Marcos 10:27)

I.   Una, ang Birheng Pagkapanganak ni Kristo ay mapapatunyan
ng Lumang Tipan, Genesis 3:15.

II.  Pangalawa, ang Birheng Pagkapanganak ni Kristo ay pinatunayan
sa Bagong Tipan, Mateo 1:23, 18; 24-25; Lucas 1:34, 35, 37;
Juan 3:16; Mateo 3:17; Juan 1:34; Mateo 16:16; Juan 20:31;
I Ni Juan 1:3; Juan 1:18; Mga Gawa 9:20; Lucas 23:46;
Marcos 15:39; Juan 5:18; Mateo 27:40.