Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA ARAL MULA KAY ABRAHAM AT ISAAC(PANGARAL BILANG 85 SA AKLAT NG GENESIS) LIFE LESSONS FROM ABRAHAM AND ISAAC ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta: At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:25, 27). |
Sinabihan ni Kristo ang Kanyang mga Disipolo na si Moses at lahat ng mga propeta ay itinukoy Siya. Ang Lumang Tipan ay nagbibigay ng maraming larawan ni Kristo. Ang mga ito ay mga salitang larawan ni Hesus, at ng Diyos. Ang pinaka dakilang pangangaral sa lahat ng kasaysayan ay naganap sa panahon ng Aklat ng Mga Gawa – bago ng Bagong Tipan ay isinulat. Anong ipinangaral nila? Ipinangaral nila ang patungkol sa Diyos at si Kristo mula sa Lumang Tipan! Ang pinaka dakilang mga pangaral na aking kailan man nadinig ay mula sa Lumang Tipan. Ang aking mahabang panahon nang pastor si Dr. Timothy Lin ay isang dakilang Lumang Tipang eskolar. Pagkatapos ng limampung mga taon, natatandaan ko pa rin ang kanyang pangaral sa Jeremias 1:10, ang kanyang pangaral sa Daniel 10:13, 20, 21, sa Malachi 4:6, at sa Genesis 3:21. Isa sa pinaka dakilang mga pangaral na aking nadinig ay ang “Payday Someday” ni Dr. R. G. Lee – sa paghahatol ng ni Ahab at Jezebel – alin ay ipinangaral mula sa Lumang Tipan ng aklat ng I Mga Hari. At hindi ko kailan man malilimutang personal ang pagkakadinig kay Dr. M. R. DeHaan na mangaral ng isang serye ng mga pangaral mula sa Ezekiel 37 hanggang 39. Nadinig ko rin ang pakakarekord ng mga bahagi ng limang oras na pangaral ni Dr. W. A. Criswell, na “Ang Iskarlatang Lubid na Dumadaan sa Loob ng Bibliya” [“The Scarlet Thread Through the Bible”], na ipinangaral sa Bisperas ng Bagong Taong, ng 1961, sa dakilang Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas. Kung mayroong kang limang oras minsan, maririnig mo ang pagkarekord nito sa www.wacriswell.org. Higit sa kalahati ng makapangyarihang pangaral na iyan ay isang eksposisyon ng buong Lumang Tipan! Narinig ko rin si Dr. J. Vernon McGee halos araw araw sa loob ng mga sampung taon, habang itinuro niya ang buong Lumang Tipan sa radyo. Mula sa mga dakilang mga kalalakihang ito ng Diyos natutunan kong magtiwala at ibigin ang Lumang Tipan. At natutunan ko na si Hesu-Kristo ay hinulaan sa halos bawat pahina ng Lumang Tipan, Minsan siya ay hinulaan sa tiyak na mga salita, tulad ng, “isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel” (Isaias 7:14). Sa ibang pagkakataon Siya ay tinukoy ayon sa mga larawan o mga tipo. Gaya nang nakita natin kaninang umaga, isang tipo ay isang tao, isang lugar o bagay sa Lumang Tipan na naglalarawan sa isang tao, luagar, o bagay sa Bagong Tipan.
Ang ika-22 na kapitulo ng Genesis ay napaka yamang tipo ng Diyos Ama, at ni Kristo ang Anak. Gusto kong lumipat kayo sa inyong Bibliya. Ito’y nasa pahina 32 at 33 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Paki-iwan ang inyong Bibliyang nakabukas rito sa buong pangaral na ito.
Ang Genesis 22 ay isa sa pinaka dakilang Kristolohikal na mga pasahe ng Lumang Tipan. Sa Mga Awit 22 at Isaias 53, mababasa natin ang propesiya ng pagdurusa ni Kristo para sa ating kasalanan. Ngunit sa Genesis 22 matututunan natin na si Hesu-Kristo ay ang pumapalit na alay. At tayo ay binigyan rin ng larawan ng Diyos ang Ama at ang tao sa kasalanan. Nabasa ko na ang dakilang kapitulong ito ng maraming beses, at sa palagay ko ay ligtas na sabhin na ito’y
mga larawan ni Abraham bilang mga tipo ng tunay na Kristiyano,
mga larawan ni Abraham bilang tipo ng Diyos Ama.
Na ito’y
naglalarawan ng kanyang anak, si Isaac bilang tipo ng Kristo,
at inilalarawan nito si Isaac bilang isang tipo ng isang nawawalang
makasalanan, din.
Narito gayon iyong mga larawang iyon o mga tipo.
I. Una, ang pasahe ay naglalrawan ng pagsusubok ng mga Kristiyano.
Tignan ang Genesis 22:1, 2,
“At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako. At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo” (Genesis 22:1, 2).
Ang isinaling salita na “tinukso” [ang salitang ginamit sa KJV] ay masyadong matapang. Isinasalin ito bilang “sinubok” sa NASV. Sinabi ni Dr. Ryrie, “Hindi tinutukso ng Diyos ang kahit sino gamit ang masama (Santiago 1:13), kundi…Kanyang sinusubok, pinatutunayan tayo, gaya ng sa kaso ni Abraham” (Isinalin mula sa Pag-aaral ng Bibliya ni Ryrie [Ryrie Study Bible]; sulat sa Genesis 22:1). Natatandaan ko noong ako’y malakas na pinagsabihan maraming taon noon dahil sa pagbibigay ng saktong pagsasalin ng NASV, at saktong ang paliwanag ni Dr. Ryrie. Ngunit ako ay tama noon, at ako ay tama ngayong gabi, higit sa limampung taon maya-maya. Sinasabi ni Santiago 1:13 na hindi tayo tinutukso ng Diyos sa kasalanan. Ngunit ang Genesis 22:1 ay ngpapakita sa atin na sinusubok tayo ng Diyos sa ating Kristiyanong buhay. Si Abraham rito, ay isang tipo ng Kristiyano na sinusubok, gaya rin na tayong lahat ay sinusubok.
Tamang sinasabi ng sulat sa Scofield, “Ang espiritwal na karanasan ni Abraham ay namarka ng apat na dakilang krisis, ang bawat isa sa mga ito ay may kasamang pagsusuko ng isang bagay na natural na pinaka minamahal.” Ang mga ito ay,
1. Kinailangang isuko ni Abraham ang kanyang bansa at kanyang mga kamag-anak (Genesis 12:1). Ako’y kumbinsido na si Abraham ay hindi kailan man naligtas kung hindi niya sinunod ang Diyos sa puntong ito. Maraming mga tao (lalo na mga kabataan) ay di kailan nararanasan ang kaligtasan dahil hindi nila isususko ang makamundo nilang mga kaibigan. Kumakapit sila sa kanila – kung gayon hindi sila kailan man naliligtas.
2. Kinailangang isuko ni Abraham ang kanilang pamangkin na si Lot, sino ay napaka malapit sa kanya, at posible tagapagmana, Genesis 13:1-8.
3. Kinailangang isuko ni Abraham ang kanyang plano para sa kanyang anak na si Ishmael, Genesis 17:17, 18.
4. Kinailangang isuko ni Abraham ang kanyang anak na iniibig sa pinaka ibuturan ng kanyang puso, Genesis 22:1, 2.
“At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo” (Genesis 22:2).
Isuko si Isaac! Isuko si Isaac! Isuko si Isaac! Bakit, nag-antay si Abraham ng kanyang buong buhay para sa batang lalakeng ito! At ngayon sinasabi ng Diyos na ialay siya bilang isang nasunog na pang-alay! Iyan ang pagsubok! Tinatanong ng Diyos sa iyo, “Anong isusuko mo para sa akin?”
Gusto kong maging isang banyagang misyonaryo. At tapos kinuha ito ng Diyos. Nagtayo ako ng isang simbahan na higit sa 1,000 ang nagpupunta, at tapos kinuha ito ng Diyos.
Kahit na ang daan ay mukhang diretso at makipot,
Lahat ng inangkin ko ay nawala;
Ang aking mga ambisyon, mga plano at mga hangarin,
Sa aking paa na mga abo na latag.
(“Pupurihin Ko Siya.” Isinalin mula sa “I Will Praise Him”
ni Mrs. Margaret J. Harris, 1865-1919).
Ang iyong lahat ba sa altar ng pag-aalay ay naka latag?
Ang iyong puso ba ay kontrolado ng Espiritu?
Ikaw lamang ay mabibiyayaan at magkaroon ng payapa at
Matamis na pahinga,
Habang iyong isuko sa Kanya ang iyong katawan at kaluluwa.
(“Ang Iyong Lahat ba ay nasa Altar?”. Isinalin mula sa
“Is Your All on the Altar?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
Ang lahat ng mga tunay na dakilang mga Kristiyano sa kasaysayan ay kinailangang isuko ang kanilang mga plano at hangarin. Lahat sila ay kinailangang dumaan sa maraming mga sakripisyo upang palugurin ang Diyos.
Bawat isa sa mga Apostol maliban kay Juan ay binitay. Namatay sila ng mga teribleng mga kamatayan kaysa sa itanggi si Kristo. Ang maagang mga Kristiyano ay itinapon sa Coloseyum kung saan sila’y napunit-punit ng pira-piraso ng mga leyon at mga oso sa harap ng mga dakilang pulong ng mga taong nagpapalakapakang mga pagano. Binitay ng mga Nazis si Dietrich Bonhoeffer sa kanyang leeg gamit ng isang alambre ng piyano ilang araw bago ng pinalaya ng mga kaalyado ang Alemanya. Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay pinuna at itinakwil dahil sa pagsusuporta ng “desisyonismo” ng mga krusada ni Billy Graham. Si Harold Lindsell ay sinalakay at itinakwil dahil sa pagsusulat ng “Ang Digmaan para sa Bibliya” [“The Battle for the Bible,”] inilalantad ang liberalism sa mga seminaryo. Si dr. Bill Powell ay namatay mag-isa sa pagkatalsik, dahil sa paggagawang publiko ang mga salakay sa Bibliya ng mga Katimugang Bautistang seminaryo. Libo-libong mga Kristiyano ay pinupugutan ng mga makabagong Muslim.
Si Abraham ay nag-antay na higit sa 100 taon bago siya binigayan ng Diyos ng kanyang anak na lalakeng si Isaac. Tapos sinubok siya ng Diyos sa pagsasabi sa kanyang dalhin ang kanyang anak na kanyang iniibig at patayin siya, at ialay siya bilang isang nasunog na alay sa Bundok ng Moriah. Ang bawat mabuting Kristiyano ay mayroong nawawalang isang bagay na kanyang minamahal na hinahawakan, o hindi niya napapasa ang pagsubok na ipinadadala ng Diyos sa kanya. Bawat mabuting Kristiyano ay alam ang ibig sabihin ni Gng. Harris noong isinulat niya iyong mga salitang iyon,
Kahit na ang daan ay mukhang diretso at makipot,
Lahat ng inangkin ko ay nawala;
Ang aking mga ambisyon, mga plano at mga hangarin,
Sa aking paa na mga abo na latag.
Alam nila lahat ang ibig sabihin ni Gg. Hoffman noong tinanong niya ang tumatagos na tanong,
Ang iyong lahat ba sa altar ng pag-aalay ay naka latag?
Ang iyong puso ba ay kontrolado ng Espiritu?
Ikaw lamang ay mabibiyayaan at magkaroon ng payapa at
Matamis na pahinga,
Habang iyong isuko sa Kanya ang iyong katawan at kaluluwa.
II. Pangalawa, inilalarawan ni Abraham ang Diyos Ama.
Kahit na siguro hindi isang tipo, tiyak na inilalarawan ni Abraham ang Diyos Ama, na nagpapadala ng Kanyang nag-iisang Anak upang magdusa at mamatay sa Krus. Tiyak na binibigyan tayo ng Genesis 22:2 ng isang larawan ng puso ng Diyos Ama. Kinukuha Niya ang Kanyang Anak, na Kanyang iniibig, sa Bundok ng Kalbaryo, alin ay ang parehong tagaytay ng Bundok Moriah, at inaalay Siya doon upang bayaran ang multo para sa mga kasalanan ng sangkatauhan.
Tignan ang Genesis 22:9, ang pangalawang hati. “tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy.” Ang sulat sa Scofield sa ibaba ng pahina ay nagsasabi, “Si Abraham, isang tipo ng Ama, na ‘hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat’ [Mga Taga Roma 8:32].” Nadinig ba natin ang Juan 3:16 na napaka dalas na hindi na natin naiisip masyado ang tungkol rito?
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak...” (Juan 3:16).
Pag-isipan ang Juan 3:16 habang tignan mo muli ang Genesis 22:2,
“Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak ... na iyong minamahal... ihain mo siya roong” (Genesis 22:2).
Sinabi ni J. Vernon McGee, “Noong huling tatlong oras, ang krus na iyon ay naging isang altar kung saan ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mundo ay inialay. Ang unawaan ay sa pagitan ng Ama at ng Anak sa krus…Ang larawan ay pareho rito: ito’y si Abraham at Isaac na mag-isa” (Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kab. 1, p. 91).
Sinabi ni Dr. M. R. DeHaan, “Anong nangyari sa pagitan ng [Diyos] ang Ama at Kanyang Anak na si Hesu-Kristo sa loob noong mga huling mga oras na iyon ng lubos na pag-hihirap hindi natin kailan man maiintindihan. Ito’y isang pag-uunawa sa pagitan ng Ama at ng Anak. Walang taong mga mata ang makakikita ng eksena [dahil mayroong kadiliman sa ibabaw ng lupa]…Noong ang wakas na krisis ay dumating at ang pang wakas na sakripisyo ay nagawa, ang Diyos ay [nagpadala ng kadiliman]…hanggang sa sa wakas ang kulminasyon ay dumating sa isang pangwakas na nagdurusang lubos na sigaw [ni Hesus mula sa krus], ‘Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?’” (Isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Mga Larawan ni Kristo sa Genesis [Portraits of Christ in Genesis], Zondervan Publishing House, 1966, pah. 137).
Tiyak na ang puso ni Abraham ay nabiyak sa padating na kamatayan ni Isaac. At, kasing tiyak lang rin, ang puso ng Diyos ay nabiyak noong Kanyang tumalikod Siya at iniwan ang Kanyang Anak na si Hesus sumisigaw sa kadiliman para sa Kanya, “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak” – upang iligtas ka at ako mula sa kasalanan at Impiyerno. Tiyak na nadinig ng Diyos ang tinig ng Kanyang Anak na sumisigaw para sa Kanya sa Krus, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Tiyak na ang mga luha ng Diyos Ama ay umagos habang tumalikod Siya habang si dinala ni Hesus ang ating mga kasalanan nag-iisa sa krus na iyon!
III. Pangatlo, inilalarawan ni Isaac si Hesus.
Sinasabi ng Scofield, “si Isaac ay tipo ni Kristo, ‘masunirin hanggang sa kamatayan’ (Mga Taga Filipo 2:5-8).”
“Palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus” (Mga Taga Filipo 2:8).
Ngayon tignan ang berso 6,
“At kinuha ni Abraham ang kahoy ng handog na susunugin, at ipinasan kay Isaac na kaniyang anak” (Genesis 22:6).
Inilalarawan nito si Kristong buhat ang Kanyang Krus,
“Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong… sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota: Na doo'y ipinako nila siya sa krus” (Juan 19:17, 18).
Ngayon tignan ang mga berso 7 at 8,
“At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama, na sinabi, Ama ko: at kaniyang sinabi, Narito ako, anak ko. At sinabi, Narito, ang apoy at ang kahoy, nguni't saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin? At sinabi ni Abraham, Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko: ano pa't sila'y kapuwa yumaong magkasama” (Genesis 22:7, 8).
Sinasabi ni Isaac, “Narito, ang apoy at ang kahoy, nguni't saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin?” Sinabi ni Abraham, “Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko.” Ngayon tignan ang berso 9,
“At sila'y dumating sa dakong sa kaniya'y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy” (Genesis 22:9).
Inilalarawa nito si Hesus, habang sinasabi sa atin ni Isaias,
“Gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7).
Itinuro ni Dr. McGee na si Isaac ay 33 taong gulang. Nakuha niya ang bilang na iyan sa masinsinang inaral ang buong kwento ng Genesis. Masuniring hinayaan ni Isaac ang kanyang ama upang itali siya at ilatag siya sa ibabaw ng kahot. Ngayon tignan ang berso 10,
“At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak” (Genesis 22:10).
Kahit na hindi naintindihan ni Abraham kung anong ginagawa niya, natutunan niya mahabang panahon na na sundin ang anuman ang sinabi ng Diyos na gawin niya. At sa paggawa nito, napasa ni niya ang pagsubok. Tignan ang berso 12,
“At sa kaniya'y sinabi, Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak” (Genesis 22:12).
Sinabi ni Dr. McGee, “Sinubok ng Diyos si Abraham. Naniwala ako na ang kahit sinong tao na tinatawag ng Diyos…kahit sinong tao na ginagamit ng Diyos ay masusubok…upang palakasin ang ating pananampalataya, upang gawin tayong matatag, at upang gawin tayong mapaglingkod sa Kanya” (isinalin mula sa ibid., sulat sa Genesis 22:12). Pakinggan muli ang himno ni Gng. Harris,
Kahit na ang daan ay mukhang diretso at makipot,
Lahat ng inangkin ko ay nawala;
Ang aking mga ambisyon, mga plano at mga hangarin,
Sa aking paa na mga abo na latag.
Ngunit nagpapatuloy siya,
Tapos ang apoy ng Diyos sa altar
Ng aking puso ay pinaapoy;
Hindi ako kailan man titigil na purihin Siya,
Luwalhati, luwalhati sa Kanyang pangalan!
Pupurihin ko Siya! Pupurihin ko Siya!
Papuri sa Kordero para sa makasalanan ay pinatay;
Bigyan Siya ng luwalhati, kayong lahat na mga tao,
Dahil ang kanyang dugo ay makahuhugas ng lahat ng mantsa.
Sa palagay ko iyan ang kanyang testimony. Ang lahat na inangkin niya ay naglaho. Ang kanyang mga ambisyon, mga plano at mga hangarin nakalatag na mga abo sa kanyang paa. “Tapos” – o iyan ay mainam! “Tapos ang apoy ng Diyos sa altar ng aking puso ay pinaapoy; hindi ako kailan man titigil na purihin Siya! Luwalhati, luwalhati sa Kanyang pangalan!” Gaya ng paglagay nito ni Gg. Hoffman, “Maari ka lamang mabiyayaan at magkaroon ng mapayapa at matamis na pahinga, habang iyong isuko sa Kanyang ang iyong katawan at kaluluwa.”
Pag-isipan ngayon ang mapagpananampalatayang mga tao na nagligtas sa ating simbahan mula sa pinanasyal na pagkasira. Lahat sa kanila ay kinalangang maipasa ang mga pagsubok na ipinadala ng Diyos sa kanila. Ang iba ay nagsitakbo noong naghiwalay ang simbahan na ito. Ngunit ang mapagpananampalatayang mga tao ay nanatili, kahit na nagkahalaga ito ng higit higit upang manatili at maipasa ang pagsubok. Natatandaan ko kung anong halaga nito kay Gg. Salazar. Natatandaan ko kung anong halaga nito kay Gg. Prudhomme. Natatandaan ko kung anong halaga nito sa aking asawa, anong halaga nit okay Dr. Chan, Dr. Cagan, Gng. Cagan, Gng. Bebout, at lahat ng iba. Masasabi nila, “Ang lahat na inangkin ko ay nakuha lahat; aking mga ambisyon, mga plano at mga hangarin sa aking paa mga abo naka latag.” Iyan ang nangyari kay Amang Abraham, noong itinaas niya ang kanyang kutsilyo upang patayin ang anak na kanyang iniibig higit sa buhay mismo! Ang lahat ng kanyang mga ambisyon, mga plano at mga hangarin sa kanyang paa ay mga abong nakalatag! At ganyan siya at ang lahat ng iba ay naipasa ang pagsubok. Nagtataka ka ba kung bakit si Gng. Salazar ay isang santo? Ang lahat ng kanyang mga ambisyon, mga plano at mga hangarin sa kanyang mga paa mga abong naka latag!
Hindi ka nagiging isang dakilang Kristiyano sa simpleng pag-aaral ng Bibliya. Ika’y nagiging isang dakilang Kristiyano sa pag-aalay ng iyong mga ambisyon, mga plano at mga hangarain sa Diyos! Ika’y nagiging isang dakilang Kristiyano sa parehong paraan na si Abraham ay naging Kristiyano! Walang ibang paraan! Magsitayo at kantahin ang himno bilang 4, “Hesus, Aking Krus ay Kinuha,”
Hesus, Aking krus kinuha, Lahat iniwan at sundan Ka;
Salat, hinamak, iniwanan, Dahil rito, Ikaw ang maging lahat sa akinl:
Patayin ang bawat minimithing ambisyon,
Lahat na aking hinanap, at hinangad, at nalalaman;
Gayon napaka yaman ng aking kondisyon, Ang Diyos at Langit ay akin pa rin!
Hayaan ang mundo ay hamakin at iwanan ako,
Iniwan rin nila ang Tagapagligtas ko;
Makataong mga puso at mga paningin ay nakalilinlang sa akin;
Ikaw ay di tulad ng taong, di tunay;
At, habang Ikaw ay ngumiti sa akin,
Diyos ng karunungan, pag-ibig at kapangyarihan,
Ang mga Kaaway ay maaring mamuhi, at mga kaibigan a maaring layuan ako;
Ipakita ang iyong mukha at ang lahat ay maliwanag.
Ang mga tao ay maaring gumulo at magpakabalisa sa akin,
Ganito nga ngunit dadalhin ako sa Iyong dibdib;
Ang buhay na may mga pagsubok mahirap maaring pigain ako;
Dadalhan ako ng Langit ng matamis na pahinga.
O ito’y hindi sa pagdurusa na sumasakit sa akin,
Habang ang Iyong pag-ibig ay iniwan ako;
O hindi ba sa galak na akitin ako, Kung ang galak na iyon ay di nahalo sa Iyo.
Magmadali mula sa biyaya sa luwalhati,
Naka-armas ng pananampalataya, at may pakpak sa panalangin;
Ang walang hangganang araw ng Langit bago mo,
Ang sariling kamay ng Diyos ang maggagabay sa iyo roon.
Malapi na isasara ang iyong makalupaing misyon,
Mabilis na dadaan ang iyong peregrinnong mga araw,
Ang pag-asa ay magbabago sa nakatutuwang pagbubunga,
Pananampalatay sa paningin, at panalangin sa papuri.
(“Hesus, Aking Krus ay Kinuha.” Isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).
Maari nang magsi-upo.
Ah, hindi ko plinano ang pangaral na ito na ganito sa anumang paraan! Nagsulat ako ng isang magandang balangkas bago ako nagsimulang isulat ang pangaral. Buong Biyernes ang kinailangan ko. Sa katapusan, ang aking magandang balangkas ay “nakuha, at lumatag sa abo sa aking mga paa!” Hayaan itong tumayo mag-isa! Gayon naniniwala ako na ibinibigay nito ang mensahe ni Abraham at Isaac, siguro ay mas mahusay kaya kung sinundan ko ang aking magandang pangaral na balangkas!
Sinabi ni Dr. DeHaan, “Rito ang tipolohiyo ay nagbabago at mayroong tayong isang halimbawa ng isang dobleng tipo. Si Isaac ay maaring maging isang tipo ni Kristo lamang at hindi na lalayo pa rito, dahil si Isaac mismo [ay isang makasalanan] na nangailangan ng isang kapalit na dapat patayin kapalit niya. At kaya ang anyo ay nagbabago mula sa kay Isaac bilang isang larawan ni Kristo , sa isang lalaking tupa bilang isang kapalit ni Isaac” (Isinalin mula sa ibid., pah. 141). Ngayon tignan ang berso 13,
“At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak” (Genesis 22:13).
Pansinin ang pariralang, “na inihalili sa kaniyang anak.” Sa larawang ito sa pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo sa lugar ng mga makasalanan. Ang lalakeng tupa ay inalay sa lugar ni Isaac ay isang ganap na larawan ni Hesus na inaalay sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan sa Krus, si Hesus, “Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy [sa Krus],” I Ni Pedro 2:24.
Pinapakiusapan kita na magtiwala ka kay Hesus. Sa sandaling magtiwala ka sa Kanya, ang Kanyang pakamatay sa Krus ay nagbabayad ng punong multa para sa iyong kasalanan. At ang Dugo na ibinuhos Niya sa Krus ay maglilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan – sa sandaling magtiwala ka sa Kanya ng iyong buong puso. Magtiwala sa Kanya lamang. Magtiwala sa Kanya lamang. Magtiwala sa Kanay ngayon. Ililigtas ka Niya. Ililigtas ka Niya. Ililigtas ka Niya ngayon. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Genesis 22:1-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Iyong Lahat ba ay Nasa Altar?”. Isinalin mula sa
“Is Your All on the Altar?” (ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
ANG BALANGKAS NG MGA ARAL MULA KAY ABRAHAM AT ISAAC (PANGARAL BILANG 85 SA AKLAT NG GENESIS) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta: At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:25, 27). (Isaias 7:14) I. Una, ang pasahe ay naglalrawan ng pagsusubok ng mga Kristiyano, II. Pangalawa, inilalarawan ni Abraham ang Diyos Ama, Genesis 22:9; III. Pangatlo, inilalarawan ni Isaac si Hesus, Mga Taga Filipo 2:8; |