Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG BIBLIYA AT ANG APOSTASIYA!THE BIBLE AND THE APOSTASY! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Paki lipat sa inyong Bibliya sa II Ni Timoteo, kapitulo tatlo. Ito’y nasa pahina 1280 sa Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Ngayon tumingala. Paki-iwan ang inyong Bibliyang nakabukas sa kapitulong iyan sa buong pangaral na ito.
Tinuturing ko ang II Ni Timoteo, mga kapitulo tatlo at apat, na isa sa pinaka mahalagang mga pasahe sa Bibliya para sa atin ngayon. II Ni Timoteo ay ang huling bagay na isinulat ng Apostol para sa Bibliya. Ito’y naisulat mga A.D. 67. Si Pablo ay dinakip ng Emperor na Nero dahil sa pagiging isang Kristiyanong guro. Siya ay nakagapos sa Mamertime na Bilanguan, malapit lang mula sa Coloseyum. Ang aking asawa at ako ay nagpunta doon sa madilim na bilangguan na iyon. Ito’y doon na isinulat ni Pablo ang kanyang sulat. Siya ay napugutan ng ulo ilang buwan pagkatapos na isinulat niya ang II Ni Timoteo. II Ni Timoteo ay isinulat upang ipakita sa atin kung paano mabuhay na mga Kristiyano sa isang panahon ng apostasiya – isang panahon ng di paniniwala at pagtanggi sa Kristiyanismo. Ito’y naisulat lalong-lalo na na para sa panahon na ating binunbuhay! Ang ika-20 at 21 na mga siglo ay ang pinaka masasamang panahon ng kasaysayan ng mundo. Tignan ang kapitulo 3, berso 1.
“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib” (II Ni Timoteo 3:1).
Magsitingala. Ang ilang mga manununulat ay nagsasabi na ito ang buong punto ng panahon simula ng pag-akyat ni Kristo. Huwag mong paniwalaan iyan. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Tayo ay, naniniwala ako, kumikilos papunta sa huling mga araw…naniniwala ako na tayo ngayon ay [nabubuhay] doon sa mapapanganib na mga araw na iyon. Hindi ko alam kung gaano ito katagal na magtatagal, ngunit tiyak ako na ito’y lulubha pa” (Isinalin mula kay McGee, Sa Buong Bibliya [Thru the Bible]; sulat sa II Ni Timoteo 3:1). Ang sunod na kaunting mga berso ay maliwanag na inilalarawan ang panahon kung saan tayo ay nabubuhay. Tignan ang berso 2-7.
“Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito. Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita, Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:2-7).
Para bang listahan ng mga taong naghiwalay ng ating simbahan noong umalis si Gg. Olivas. Tayo ngayon ay nasa huling mga araw! Ngayon tignan ang berso 12 at 13.
“Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig. Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya” (II Ni Timoteo 3:12, 13).
Tumingala.
Ang mga bersong ito ay naglalarawan ng isang ganap na tumalikod na mundo, isang mundo na tumanggi sa Diyos at sa Bibliya, isang masama at sadistikong mundo kung saan maraming mga tao ay kumikilos tulad ng mga malulupit na mga tao, isang mundo kung saan “lahat na ibig mabuhay na may kabanalan” [Kristiyanong mga buhay] ay mauusig sa isang paraan o sa iba, isang mundon kung saan mabubuting mga Kristiyano ay hinahamak [berso 3]. Nakikita natin iyan lahat ngayon. Ang mga sekularista ay binabalaan ang mga Kristiyano na tumatayo laban sa “sekswal na rebolusyon.” Tinatakot nito ang maraming mga miyembro ng timbahan. 200,000 na mga Katimugang mga Bautista ay lumisan mula sa kanilang mga simbahan noong huling taon. Higit pa ay tumatakbo para sa kanilang mga buhay nitong taong ito – dahil sa takot, sa “mapanganib,” delikado, at demonikong panahon. Ang abuso sa droga ay tumataas. Ang mga krus ay iniaalis. Ang mga bata ay sinasabihan na hindi sila maaring manalangin sa paaralan. Halos lahat ay mukhang naiintindihan na teribleng mga bagay at malapit nang mangyari sa ating bansa sa ating mundo.
Ikaw at ako ay nabubuhay sa teribleng panahon na ito. Ang Taga-Britanyang ebanghelistang si Leonard Ravenhill ay nagsabi “Ang mga ito ay ang huling mga araw!” Ang mga ito ay mapapanganib na mga araw. Ang mga ito ay mga ganap na mga tumalikod na mga panahon. Ang ating mga simbahan at puno ng mga nawawalang mga tao. Ang mga pastor ay napaka takot na mayroong aalis sa kanilang simbahan na hindi pa nila ipinangangaral ang Ebanghelyo – dahil sa takot na magawa ang isang nawawalang taong galit! Ang iyong mga kolehiyo ay puno ng mga naninigarilyo ng drogang mga propesor na nagsasabi sa iyo na ang Bibliya ay puno ng mga kasinungalingan. Alam mo na gayon nga! Alam mo na tama ako! Ano ang kasagutan? Anong dapat nating gawin? Ang Apostol ay nagbibigay ng sagot sa berso 14,
“Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan” (II Ni Timoteo 3:14).
“Manatili ka sa mga bagay na iyong pinag-aralan.” Magpatuloy magpunta sa simbahan anumang mangyari! Maging narito sa simbahan para sa Paskong bangketa sa gabi ng Linggo, ika-20 ng Disyembre. Maging narito sa simbahan sa Bisperas ng Pasko, sa ika-24 ng Disyembre. Maging narito sa simbahan sa Bisperas ng Bagong Taon. “Manatili ka sa mga bagay iyong pinag-aralan.” Si Dr. Lee Roberson (1909-2007) ay isang dakilang Bautistang patriyarka. Ang kanyang moto ay “Tatlo upang Maging Maunlad” – “isang moto na aking ipinangangaral ng higit sa anim na pung taon!” – “Ang Pananampalataya ay pagsasamba – umaga ng Linggo, gabi ng Linggo, gabi ng Miyerkules” (Isinalin mula kay Lee Roberson, D.D., “Tatlo upang Maging Maunlad na Salaysay” [“Three to Thrive Statement],” Ang Tao sa Seldo Bilang 1 [The Man in Cell No. 1,] Sword of the Lord Publishers, 1993, likurang takip).
Anong mali riyan? Wala walang mali riyan! Maging narito sa simbahan imbes na tumatakbo sa isang mabangis na salo-salo kasama ng mga di nananampalataya! Maging narito sa simbahan, kaysa tumatakbo sa Las Vegas upang magsugal, o sa isang malupit na lungsod ng San Francisco! Maging narito sa simbahan para sa Paskong bangketa, Bisperas ng Pasko, at Bisperas ng Bagong Taon! Habang ang apostasiya ay lumalagong mas madalim, “manatili sa mga bagay na iyong pinagaralan.” Amen riyan! Ngayon tignan ang berso 15.
“At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15).
Sinabi ni Dr. McGee,
Ang nag-iisang panlunas laban sa isang mundo ng apostasiya ay ang Salita ng Diyos [ang Bibliya]. Ang nag-iisang mapagkukunan at paghingi ng tulong para sa anak ng Diyos ay ang Salita ng Diyos.
Kung hindi mo babasahin ang iyong Bibliya araw-araw, malilito ka at magugulo ang isipan sa apostasiya ng ngayon. Ngayon tignan ang berso 15,
“At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15).
Sinabi ni Dr. McGee,
Ang Kasulatan ay hindi lamang nagbibigay sa atin ng [paraan] ng pagiging ligtas…kundi nililigtas tayo nito sa kasalukuyang masamang mundo...Paninindigan ko na ang patuloy na pag-aaral ng Salita ng Diyos ay ang [sagot]. Kaya nitong gawin tayong “makapagdunong sa […] sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” At…ginagawa tayo nitong madunong sa pagkakaalam kung paano mabuhay dito sa ibaba [sa masamang mundo].
Bakit natin dapat basahin ang Bibliya, at sundin ito? Ito’y dahil ang Bibliya ay hindi tulad ng ibang aklat. Tignan ang berso 16,
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (II Ni Timoteo 3:16).
Si Dr. W. A. Criswell (1909-2002) ay isang dakilang kampiyon ng Bibliya. Sinabi niya,
Ang pinaka malinaw na paraan upang ibigay ang ibig-sabihin ni Pablo ay ang isalin ito bilang mga sumusunod: “Ang lahat ng mga kasaulatan na kinashian ng Dios ay mapagkinabangan…ang pinanggalingan ng Kasulatan ay nagsasaad: ito’y hinanga ng Diyos (theopneustos, Griyego), i. e., ang mga salita ng Kasulatan ay tinanggap mula sa Diyos Mismo. Ang doktrina ng Kasulatan ay mapananatili sa pamamagitan ng Bibliya ay na ang mga salita nito ay “hininga ng Diyos” … Ang Pangalawang Pedro 1:21 ay nagbibigay ng karagdagang ebidensya na ang Banal na Espiritu ay nagbatid sa mga may-akda ng Kasulatan nang tiyak iyong mga [salita] na niniais ng Diyos na ihatid (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Ang Criswell na Pag-aaral na Bibliya [The Criswell Study Bible], sulat sa II Ni Timoteo 3:16).
Sinasabi ng II Ni Pedro 1:21 na “ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” “Naudyokan” ay mula sa Griyegong salitang pherō. Ibig nitong sabihin ay “upang dalhin.” Ang Bibliya ay hindi maaring magkamali dahil ang Banal na Espiritu ay “nagdala, o kinarga ito” sa mga may-akda na nagsalita at nagsulat ng mga salita ng Bibliya. Ang Banal na Espiritu ay nagbigay sa mga taong may-akda ng mga salita upng itala ito na walang pagkakamali. Gayon, ang mga salita ng Hebreo at Griyegong Bibliya at mga Salita ng Diyos sa tao. Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “‘Ang lahat ng kasulatan,’ bawat indibidwal na ‘kasulatan’ ay nakasama …hindi lamang mga pag-iisip kundi mga aktwal na mga kasulatan, ang mga salitang naisulat. Kung gayon ang mga salita ay [ibinigay ayon sa insipirasyon] ng Diyos…ang tunay na doktrina ay panlahatang berbal na inspirasyon ng Banal na Kasulatan” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], sulat sa II Ni Timoteo 3:16).
Ang ibig-saibihin ng “panlahatan” ay “lahat.” Ang ibig-sabihin ng “berbal” ay “mga salita. Ang ibig-sabihin ng “inspirasyon” ay “hininga ng Diyos.” Ang lahat ng mga salita ng Bibliya ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon. Iyan ay panlahatang berbal na inspirasyon, ang tamang doktrina ng tradisyonal na Kristiyanismo (Isinalin mula kay Dr. R. L. Hymers, Jr. ).
Ang Hebreong at Griyegong mga salita ng buong Bibliya ay “theopneustos” – “Hininga ng Diyos” – ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon mula sa Diyos. Ang mga propeta at mga Apostol ay nagsulat ng Hebreo at Griyegong mga salita habang ang kanilang mga isipan ay “napakilos” ng Banal na Espiritu. Ang inspirasyon ay hindi umaabot sa kahit anong pagsasalin, kasama ang KJV, kundi sa Hebreo at Griyegong mga salita lamang na naisulat ng mga propeta at mga Apostol. Ipinapakita ng mga Dead Sea na mga balumbon ang lubosang mataas na antas ng preserbasyon ng Hebreong Bibliya. Ang Textus Receptus na Griyego ay isang maaasahang transmisyon ng orihinal na Griyegong Bagong Tipan. Kapag bubuksan mo ang Haring Santiagong Bibliya iyong binabasa ang mataas na maasahang pagsasalin ng hininga ng Diyos na mga salita ng Hebreo at Griyegong mga Bibliya.
Bakit ito mahalaga? Si Dr. B. B. McKinney ay sa maraming mga taon ang puno ng departamento ng musika sa Unibersidad ng Baylor, isang Katimugang Bautistang paaralan. Nasa taon ng 1920, ang mga liberal na mga guro sa Bayloy at ibang mga Katimugang Bautistang paaralan ay nagtuturo na ang Bibliya ay Totoo.” Kaibigan ni Dr. McKinney si Dr. John R. Rice, at naniwala siya sa walang pagkakamali ng mga Kasulatan. Iyan ang dahilan na sinasabi ng kanta ni McKinney,
Alam ko ang Bibliya ay ipinadala mula sa Diyos,
Ang Luma gayon ang Bago;
Isipirado at banal, ang nabubuhay na Salita,
Alam ko ang Bibliya ay totoo.
Kahit na ang mga kaaway ay nagtatanggi na may espiritung matapang,
Ang mensaheng luma, ngunit bago pa rin,
Ang katotohanan nito ay matamis bawat pagkakataon na ito’y sinasabi,
Alam ko ang Bibliya ay totoo.
Alam ko, alam ko, alam ko ang Bibliya ay totoo;
Banal na ispirado sa kabuuan nito,
Alam ko ang Bibliya ay totoo.
(“Alam ko Ang Bibliy ay Totoo.” Isinalin mula kay
“I Know the Bible is True” ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952).
Natutunan ko ang Bibliya mula sa aking mahabang panahon na pastor, si Dr. Timothy Lin, na isang nakamamanghang eskolar ng Bibliya, at nagturo ng pagtatapos na departamento ng Unibersidad ng Bob Jones. Maya-maya nagpunta siya upang maging pangulo ng Ebanghelikal na Seminaryo ng Tsina sa Taipei, Taiwan, kasunod ng pagkapangulo ni Dr. James Hudson Taylor III, na aking nakatagpo ng maraming beses. Ang isa ko pang guro ay si Dr. J. Vernon McGee, na aking pinakinggan sa radyo araw-araw ng halos sampung taon. Natuto ako mula sa mga dakilang mga eskolar na ito na ang Bibliya ay literal na totoo.
Kaya noong nagpunta ako sa Cal State, Los Angeles, kinukuha ang aking bachelor na digri, hindi ako nalito ng mga tumatanggi ng Bibliyang mga liberal na nagturo doon. Alam ko na mali sila, at na ang Bibliy ay tama. Tapos nakakuha ako ng Masters ng Kabanalang digri sa Bautistang Teyolohikal na Seminaryo ng Golden Gate malapit sa San Francisco. Tunay na bawat propesor doon ay tumatanggi ng Bibliyang liberal. Kinamuhian kong naroon. Ito’y malamig at walang buhay at patay. Tinuruan ako ng mga propesor na “patay dahil sa pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1) – mga propesor na mayroon ang kanilang “pagkakaintinding nadiliman, dahil sa pagiging nahiwalay mula sa buhay ng Diyos sa pamamagitan ng walang pagkakaalam na nasa mga ito, dahil sa pagkabulag ng kanilang mga puso,” Mga Taga Efeso 4:18.
Namemorya ko ang mga kasinungalingan na kanilang sinabi at ibinigay ang mga kasagutan ng kanilang gusto sa mga eksamen na aking kinuha. Ngunit hindi ko pinaniwalaan ni isang salita ng liberal na basura na kanilang itinuro. Tatlong mga berso sa ika-119 na Mga Awit ay nakatulong sa akin na dumaan sa teribleng tatlong taon na ginugol ko sa masamang seminaryong iyon,
“Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin. Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko” (Mga Awit 119:97-99).
Malapit sa katapusan ng aking pag-aaral sa demonikong butas ng dagang liberalism, nadama ko halos na parang isang patay na tao. Ang nag-iisang bagay na nagpatuloy sa akin ay ang Bibliya. Maraming malamig na at nag-iisang mga gabi na natulog ako sa dormitory kasama ang aking Bibliyang bukas sa Mga Awit 119 – nakalatag sa aking dibdib. Ganap akong sumang-ayon kay Dr. McGee noong sinabi niyang, “Ang nag-iisang lunas laban sa isang mundo ng apostasiya ay ang Salita ng Diyos, Ang nag-iisang pinagkukunan at paghingian ng tulong para sa isang anak ng Diyos ay ang Salita ng Diyos…at ito’y sapat na nararaoat ang ating panganga-ilangan…Ang lahat ng Kasulatan ay ibinigay ayon sa inspirasyon ng Diyos – ito’y hininga ng Diyos. Sinasabi nito ang gusto ng Diyos na masabi, at sinabi nito ang lahat ng bagay na gusto Niyang masabi. Para sa dahilang ito napalulugod nito ang pangangailan ng puso ng tao” (Isinalin mula kay McGee, ibid.: mga sulat sa II Ni Timoteo 3:14-17).
Ginagabayan ko kayong memoryahin iyong mga pinagpalang mga salita ng Diyos,
“Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan. Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan” (Mga Kawikain 3:5-7).
Memoriyahin iyong mga bersong iyon. Ulitin ang mga ito sa iyong sarili. “Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang” (Mga Awit 119:130). Ang sunod na pasahe na gusto kong memoriyahin mo ay ang Mga Awit 119:97-99. Ito’y nasa pahina 660 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Magsitayo tayo at basahin ito ng malakas.
“Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin. Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko” (Mga Awit 119:97-99).
Maari nang magsi-upo.
Panalangin ko ang iyong mga salitang iyon na ibinigay ng Diyos Mismo, ay makatutulong sa iyong makapasa ng sekular na edukasyon na hindi naliligaw ng mga masasamang, liberal na mga propesor. Ang mga salitang iyon ay proprotekta sa iyo mula sa nagkakait ng Diyos ng mga aklat na dapat mong basahin upang makapagtapos mula sa isang sekular na kolehiyo.
Sa masasamang mga araw ng apostasiya at kasalanan, panalangin ko na iyong babasahin ang Bibliya araw-araw. Matututunan mo itong ibigin. Ito’y magiging iyong pinaka mamahal na kaibigan sa mga panahon ng pagiging mag-isa at sakit ng puso na dadaanan natin lahat sa buhay. Ang aking guro at kaibigang si Abraham Lincoln ay nagsabi, “Ang Bibliya ay ang pinaka mainam na aguinaldo ng Diyos na ibinigay sa tao. Kunin ang lahat ng kanyang mga aklat na maari at ang balanse sa pamamagitan ng pananampalataya, at mabubuhay ka at mamatay na isang mas mainam na tao.”
At isa pang bagay. Gawin ang sinasabi ng Bibliya at ika’y mapagbabagong loob. Sinasabi ng Bibliya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31). Kapag nanampalataya ka kay Hesus, kapag magtiwala ka sa Kanya ng iyong buong puso, ika’y maliligtas. Namatay Siya, napako sa isang krus, sa iyong lugar, upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan. Ang Kanyang Dugo ay naibuhos mula sa limang masasakit na mga sugat sa Kanyang katawan. Ang Dugong iyon ay ibinuhos upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Magpunta at magtiwala kay Hesus, at ika’y maliligtas sa buong walang hanggan. Sinasabi ng Bibliya ito – at ang Bibliya ay hindi maaring magsinungaling, dahil ito ang Salita ng nabubuhay na Diyos!
Ikaw ang pinaka totoo kaibigan na aking kailan man nakilala,
Ang iyong katapatan aking nasubukan;
Noong lahat ay huwad, nahanap kitang totoo,
Aking tagapagpayo at gabay.
Ang mga minahan ng lupa walang kayamanang naibibigay,
Na ang kabuuang ito ay mabibili,
Sa pagtuturo sa akin ng paraan upang mabuhay,
Tinuro sa akin nito kung paano mamatay!
Ang mahal, na di nagbabagong Tapagligtas na si Hesus ay inilantad sa atin sa mga pahina ng Banal na Aklat na ito! Amen!
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Timoteo 3:13-17.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Iyong Salita ay isang Lampara sa Aking Paa.” Isinalin mula sa
“Thy Word is a Lamp to My Feet” (ni Ernest O. Sellers, 1869-1952).