Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN, AT ANG BUHAY

THE WAY, THE TRUTH, AND THE LIFE
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-15 ng Nobiyembre taon 2015

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).


Kapag ating babasahin ang mga kapitulo 13 at 14 ng Juan makikita natin kung gaano ka bulag ang mga Disipolo. Kasama na nila si Hesus ng tatlong taon at bulag pa rin sila. Nagpagaling na sila ng mga may sakit at nagpalayas ng mga demonyo at bulag pa rin sila. Namamangha ako na mababasa ng mga tao ang apat na mga Ebanghelyo at hindi ito nakikita! Sinabi ni Hesus sa kanila nang paulit-ulit na Siya ay ipapako sa krus, na Siya ay mamamatay, na Siya ay babangon mula sa pagkamatay.

“At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:31-34; tignan rin ang Mateo 12:38-42; 16:21-23; 17:22-23; 20:17-19; Marcos 10:32-34).

Ang Kanyang mga Disipolo ay hindi naintindihan ang basehang katotohanang iyan. “Hindi nila napagtalastas ang sinabi.” Hindi nila naintindihan ang Ebanghelyo! Dito ay mahahanap natin si Hesus kasama ng mga Disipolo na pinagsasaluhan ang Huling Hapunan. Siya ay ipapako sa krus sa sunod na araw. Gayon ang Kanyang mga Disipolo ay bulag patungkol sa pinaka simple mga katotohanan ng Ebanghelyo!

Hinuhugasan ni Hesus ang kanilang mga paa pagkatapos ng Hapunan. Sinasabi ni Pedro sa Kanya, “Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man.” Sinasabi ni Hesus, “Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.” Sinasabi ni Pedro, “Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo” (Juan 13: 8, 9). Hindi nila naintindihan ang pangangailangan para sa pagpapakumbaba (13:14-17). Tapos si Hudas ay lumabas mula sa ibang mga Disipolo upang itakwil si Hesus (13:30). Tapos sinasabi ni Pedro, “Panginoon, saan ka paroroon?” (Juan 13:36). Sinabi ni Hesus kay Pedro na hindi niya Siya masusundan ngayon, ngunit magagawa niya ito mayamaya (Juan 13:36). Walang pagkaalam si Pedro na tinutukoy ni Hesus ang tungkol sa pagtaas pabalik sa Langit. Ibinulalas ni Pedro, “Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo” (Juan 13:37). Sinabi ni Hesus, “Hindi titilaok ang manok, hanggang ikaila mo akong makaitlo” (Juan 13:38). Tapos sinabi ni Hesus, “Ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan” (Juan 14:2). Wala silang kaalaman na Siya tumutukoy sa pagbalik sa Langit. Ibinulalas ni Tomas, “Panginoon, hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?” (Juan 14:5). Gaya ng sinabi ko, ang mga Disipolo ni Hesus ay lubos na bulag patungkol sa mga pinaka katotohanang mga ito. Ang Scofield na tala sa Juan 3:3 ay nagpapaliwanag ng kanilang pagkabulag,

Ang kanilang pangangailangan para sa bagong pagkapanganak ay lumalago mula sa kawalang-kaya ng natural na tao upang “makita” o “makapasok” sa kaharian ng Diyos. Gaano man ka likas na matalino, moral, o dalisay, ang natural na tao ay lubos na bulag sa espiritwal na mga katotohanan, walang magagawa upang makapasok sa kaharian; dahil hindi siya makasusunod, maka-iintindi, o makapalulugod ng Diyos.

Lubos akong sumasang-ayon sa pahayag. Ang di napagbagong loob na tao ay “patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Gaya ng sinabi ng Scofield na tala, “ang natural na tao ay ganap na bulag sa espiritwal na mga katotohanan.” At ito pa rin ang kondisyon ng Disipolo sa gabi bago na naipako sa krus si Hesus. Sinundan nila Siya ng tatlong mg ataon, ngunit sila pa rin ay mga patay na mga tao ayon sa espiritwal! Dahil

“ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).

Ang mga Disipolo ay nanatiling patay sa espiritwal, sa isang di napagbagong loob na kalagayan, hanggang sa si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay at dumating sa kanila noong gabi ng Linggo ng Pagkabuhay! Mayroong isang nagsabi, “Saan nasabi iyan?” Napaka bulag namin sa pagbabagong loob sa mga araw na ito ng apostasiya! Sinasabi nito na sa katapusan ng lahat na apat na mga Ebanghelyo! (Tignan ang Juan 20:19-22; Lucas 24:36-45; atb.). Nagugulat ako nito na maraming mga mangangaral sa huling mga araw ay hindi alam ang ganoong simpleng bagay! Hindi nakapagtataka hindi na nila ipinangangaral ang Ebanghelyo! I hardly ever hear pastors who preach the Gospel now! Hindi ko halos naririnig ang mga pastor na mangaral ang Ebanghelyo ngayon! Dati natin silang naririnig. Ngunit hindi na natin sila naririnig ngayon, sa pinakakaunti ay hindi sa Amerika! Mukha para sa akin na maraming mga mangangaral ay bulag gaya ng Disipolong si Tomas, na nagsabi, “Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya” (Juan 20:25). Si Tomas ay katulad lang ng mga natira. Siya ay di nananampalataya, di ligtas na tao, isang nawawalang tao. At ang nawawalang taong ito, si Tomas ang nagtanong kay Hesus, “Panginoon, hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?” (Juan 14:5).

Hindi galit si Hesus kay Tomas at ibang mga Disipolo. Tinanong ni Tomas ang tungkol sa Langit at kung paano makapupunta doon. Sinagot siya ni Hesus sa pagsasabing,

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Hinango ko ang natitira nito mula kay Robert Murray McCheyne (1813-1843), ang dakilang Ekosyang mangangaral na nakita ang Diyos na magpadala ng isang muling pagkabuhay sa kanyang simbahan, bago siya mamatay sa edad na 29 lamang. Sinabi ni Robert McCheyne, “Patungkol sa [Juan 14:6] bilang isang kumpletong paglalarawan ng ebanghelyong kaligtasan, ating tignan ang iba’t ibang bahagi nito.”

I. Una, si Kristo ang daan sa Diyos.

Si Hesus Mismo ang daan sa Langit. Ang artikulo ay isang pang-uri, “Ako ang daan.” Hindi lamang ipinapakita ni Hesus sa atin ang daan sa Diyos – Siya ang daan sa Diyos. Walang ibang daan! Si Hesus lamang ang makadadala sa atin sa diyos!

Noong ako’y labin dalawang taong gulang nagmaneho ang aking ina mula sa Phoenix, Arizona papuntang Toronto, Canada. Noong nakarating kami sa sakop ng Chicago tinanong niya ang isang pulis kung aling haywey ang dadaanan. Sinabi niya sa kanya na mag-U-turn. Sinabi niya na iyon ang daan. Nagmaneho kami ng isang oras, ngunit bigla kong mapansin ang mga bagay, sa tabi ng kalye, na nakita ko na noon. Sinabi ko, “Nanay, sa tingin ko tayo ay bumalik sa daan na pinanggalingan natin.” Tumabi siya sa haywey at isang taksi ang nakaparada doon. Sinabi ni Nanay, “Kami’y papuntang silangan ng Chicago papuntang Toronto. Kami ba ay nasa tamang daan?” Ang tsuper ng taksi ay mayroong sigarilyong nakabitin mula sa tabi ng kanyang bibig. Sinabi niya, “Mis ika’y napasama! Kailangan mong tumungo papunta sa daang iyon!” Itinuro niya kung saan kami ay nanggaling na. Kaya umikot kami at bumalik, sa parehong daan na pinanggalingan namin noong umpisa! Binigyan kami ng pulis ng maling direksyon! Tayog lahat ay papunta sa maling daan hanggang sa si Hesus ay dumating sa atin. Sa lumang mundo ito’y sinabi, “Ang lahat ng mga daan ay nagdadala sa Roma.” Sa mundo ngayon masasabi natin, “Ang lahat ng mga daan ay nagdadala sa Impiyerno” Si Hesus lamang “ang daan” papunta sa Diyos!

Sinabi ni Robert McCheyne, “Pinagmakaawaan ng Diyos ang kawawang mga anak ni Adam walang saysay na naghahanap ng daan papunta sa paraiso ng Diyos, at iniwanan Niya ang paraiso at bumaba upang buksan ang daan patungo sa Ama sa Langit. Paano Niya ito ginawa?...Siya’y naging isang tao sa ating lugar. Kinarga Niya ang ating mga kasalanan sa krus. Ngayon ang pinaka nagkasalang makasalanan ay maari nang pumasok sa pamamagitan ng Kanyang dumurugong katawan, at mahanap ang paraiso ng Diyos, at mabuhay magpakailan man. Magpunta agad-agad kay Hesus, huwag magduda; dahil sinasabi Niya, ‘Ako ang daan.’”

Hindi ito sa pagsasabi ng “panalangin ng makasalanan” na ika’y magpupunta sa Ama. Ito’y hindi sa pamumuhay ng mas mabuting buhay. Ito’y hindi sa pagsusuko ng ilang kaunting mga kasalanan. Ito’y hindi sa paniniwala ng mga bagay tungkol kay Hesus.

Sinabi ni Robert McCheyne, “At ngayon, aking mga kaibigan, ito ba ang iyong daan papunta sa Ama? Sinasabi ni Kristo, “Ako ang daan… sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.’ Tapos, kung magpapatuloy kang magpunta sa iyong sariling paraan – maging ito man ay ang daan ng repormasyon ng sarili, o sa pamamagitan ng pag-aasa na ang Diyos ay hind imaging estrikto – kung hindi ka bibigyang babala, matatagpuan mo sa araw ng paghahatol na ika’y babagsak sa mga apoy ng Impiyerno.”

Dapat kang magpunta sa Ama sa pamamagitan ng pagpunta kay Kristo. Walang ibang paraan upang maligtas, dahil mayroong lamang “isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).

II. Pangalawa, si Kristo ang katotohanan.

“Hindi masasabi na ang di napagbagong loob ay alam ang katotohanan. Walang pagdududa na mayroong maraming mga katotohanan na hindi alam ng di napagbagong loob na tao. Maaring alam niya ang mga katotohanan ng matematika – maaring alam niya ang maraming mga karaniwang mga katotohanan; ngunit hindi ito masasabi na ang isang di napagbagong loob na tao ay alam ang katotohanan, dahil si Kristo ay ang katotohanan” – sinabi ni Robert Murray McCheyne

.

Mayroong akong dalawang mga tiyo na parehong dakilang mga mambabasa. Noong Ikalawang Makamundong Digmaan, bago ng telebisyon, maraming mga tao ang nagbabasa higit. Ito’y napaka karaniwan para sa mga taong magbasa ng aklat noon. Ngunit ang dalawang mga tiyong ito ay nagbasa ng mas higit kaysa sa iba, kahit na mas karaniwan noon na magbasa ng aklat kaysa ngayon.

Isa sa mga tiyong ito ay nagngangalang Porter – Robert Porter Elliot. Ngunit ang lahat ay tumawag sa kanya sa kanyang gitnang pangalan na Porter. Si Tiyo Porter ay laging mayroong aklat sa kanyang mga kamay. Siya’y nasa Hukbo, ngunit siya na ngayon ay isang mekaniko, nagtratrabaho sa isang tindahan ng preno sa Santa Monica. Siya ay laging nagbabasa. Tuwing oras ng tanghalian, pagkatapos ng trabaho, pati habang nanonood ng telebisyon, siya ay laging nagbabasa ng isang aklat. Titingala siya sa Telebisyon at tapos titingin pababa sa aklat na kanyang binabasa. Binasa niya ang mga misteryong pagpapatay, Agatha Christie, ganyang mga uri ng mga bagay. Ngunit ang kanyang paboritong mga aklat ay tungkol sa siyensa at siyensyang kathang-isip. Literal na mayroong siyang daan-daang mga aklat tungkol sa siyensyang kathang-isip. Siya ay isang dakilang mananampalataya ng Darwinyang ebolusyon. Kaya niyang magsalita tungkol rito ng isang oras.

Ako’y lubos na nagulat noong isang Linggo ng umaga na makita siyang papunta sa ating simbahan. Umupo siyang napaka tahimik sa likuran ng silid at nakita sa aking mangaral. Pagkatapos pinasalamatan ko siya sa pagpupunta. Sinabi niya na ang aking pangaral ay nakamamangha. Pagkatapos niyan nagpunta siya kada Linggo. Sa wakas, pagkatapos ng maraming linggo, kinausap ko siya tungkol sa pagiging isang Kristiyano. Nakinig siya na napaka masinsinan, at nagabay ko siyang magtiwala kay Hesus. Hindi ko halos mapaniwalaan ito! Lagi siyang malamig, intelektwal na tao na takot akong kausapin siya noong ako’y bata pa. Mukha siyang si Humphrey Bogart suot iyong makakapal na mga pambasang mga salamin. Ngunit pagkatapos niyang napagbagong loob ngumiti siya at nakipag-usap sa ating mga kabataan na parang isang lubos na ibang tao. Tapos nagsimula siyang humingi sa akin ng mga Kristiyanong mga aklat. Binigyan ko siya ng isang aklat laban sa ebolusyon, isang malaki, makapal na aklat. Nilamon niya ito. Sa sunod na Linggo humingi siya muli sa akin ng marami pang mga aklat. Tinambakan ko siya ng halos apat na pu o limam pung mga aklat. Binasa niya ang lahat ng mga ito, at binasa ang mga ito dalawa o tatlong beses. Hindi siya kailan man nagbasa ng isa bang misteryong patayang aklat o siyensyang kathang-isip na aklat muli. Bininyagan ko siya at naging isang mapagpananampalatayang miyembro ng ating simbahan. Natatandaan ni Gng. Sally Cook si Tiyo Porter na mahusay. Tapos namatay siyang biglaan mula sa isang atake sa puso.

Anong nangyari kay Robert Porter Elliott? Bakit siya tumalikod mula sa siyensyang kathang-isip at ebolusyon? Ito’y simple – nahanap niya ang Panginong Hesu-Kristo! Hindi niya na kinailangan ang kathang-isip. Nahanap niya ang katotohanan – si Hesus, na nagsabi, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay.” Si Tiyo Porter ay maging isa sa mga unang mga taong hahanapin ko kapag marating ko ang Langit! Siya ay naligtas ni Hesus, siya ang susi sa lahat ng katotohanan!

Ang isa pang tiyo ay ang mas matandang kapatid ng aking ina, si Lloyd V. Flowers, Jr. Siya ay nasa U.S. Hukbong Dagat sa Ikawalang Makamundong Dignaan. Tulad ni Porter, si Tiyong Lloyd ay isang dakilang mambabasa. Siya ay partikular na interesado sa mga aklat sa metapisika at Silangang relihiyon. Mayroong siya laging isang aklat sa kanyang kung saan man siya nagpunta. Siya isang hardinerong pantanawin, ngunit lagi siyang mayroong isang aklat tungkol sa mga piramide o mga lumang mga hiroglypiko, o Oriyental na mga relihiyon sa kanya. Siya ang aking kaibigan, at napakinggan ko siyang magsalita tungkol sa mga piramide at mga Silangang relihiyon oras oras. Kahit na sinubukan kong makuha siyang basahin ang Bibliya, hindi siya kailan man nagpakita ng kahit anong interes sa anumang paraan. Siya, rin ay namatay mula sa isang biglang atake sa puso. Ngunit di tulad ni Porter, si Tiyo Lloyd ay namatay na wala si Kristo. Madalas niyang sinabi sa akin na hinahanap niya ang katotohanan. Ngunit hindi niya ito kailan man nahanap. Hindi niya kailan man nahanap si Hesus, sino ay ang sagisag ng lahat ng katotohanan! Nakalulungkot, na kapag marating ko ang Langit na hindi ko hahanapin si Tiyo Lloyd- dahil alam ko na wala siya roon, dahil sinabi ni Hesus, “Ako ang…katotohanan…sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Si Tiyo Lloyd ay nasa Impiyerno.

Sino sa aking mga tiyo ay tulad mo? Ikaw ba ay tulad ni Porter, na nahanap ang katotohanan kay Hesus? O ikaw ba ay tulad ni Lloyd, na di kailan man nahanap ang Tagapagligtas?

III. Pangatlo, si Kristo ang buhay.

Sinabi ni Robert McCheyne, “Parehong Kasulatan at karanasan ay parehong tumetestigo na tayo ay sa kalikasan patay sa pagsalansang at mga kasalanan…Totoo, iyong mga patay sa mga kasalanan ay di alam na sila ay patay. Gayon man kung ang Banal na Kasulatan ay nagkukumbinsi sa iyo ng iyong makasalanan, patay na kalikasan, malalaman mo ito…Kung iyo kailan man ay sumubok na panatilihin ang mg autos ng Diyos, kung iyo kailan man ay sinubukan na hindi mag-isip ng mga makasalanang mga kaisipan, kung iyo kailan man ay sinubukang pigilan ang iyong puso mula sa mga kayamuan at kasalanan – kung iyong sinubukan ang mga ito kailan man, hindi mo ba ito nahanap na imposible? Ito’y parang pagsusubok na ibangon ang patay! O, napaka simple ito na ikaw ay patay – hindi naipanganak muli! Dapat kang maipanganak muli. Dapat kang maipagsama kay Kristo, dahil si Kristo ay ang buhay.”

Ang iyong kaluluwa ba ay tulad ng isang kulubot na sangay – tuyo, walang bunga at patay? Magpunt akay Hesus! Magtiwala sa Kanya. Maging mahugasang malinis sa Kanyang Dugo. Maging buhay sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay. Tapos mahahanap mo na mayroong kang buhay kay Kristo! Maari mong sabihin kasama ng Apostol Pablo, “ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin” (Mga Taga Galacias 2:20 NKJV). Sinabi ni Hesus,

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Paano niya masasabi iyan? Dahil ito’y totoo. Si Kristo lamang ang nag-iisang Anak ng Diyos. Siya lamang ang isang maaring mamamatay upang magbayad para sa ating mga kasalanan sa Krus. Siya lamang ang isa na bumangaong pisikal mula sa pagkamatay. Kung gayon “sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan [Niya].” Panalangin ko na magtitiwala ka kay Hesus ngayong umaga at maging nahugasang malinis mula sa lahat ng kasalanan sa pamamgitan ng Kanyang mahal na Dugo!

“Isang Tao ng Kapanglawan,” anong isang pangalan
   Para sa Anak ng Diyos na dumating
Nasirang mga makasalanan upang matubos!
   Aleluya! Anong Tagapagligtas!

Nagdadala ng hiya at kinukutyang walang pakundangan,
   Sa aking lugar nahatulan Siya tumayo;
Sinelyuhan ang aking kapatawaran gamit ng Kanyang dugo;
   Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya, Anong Tagagpagligtas!” Isinalin mula sa
   “Hallelujah, What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Juan 14:1-6.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Para sa Lahat ng Aking Kasalanan” Isinalin mula sa “For All My Sin” (ni Norman Clayton, 1943).


ANG BALANGKAS NG

ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN, AT ANG BUHAY

THE WAY, THE TRUTH, AND THE LIFE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

(Lucas 18:31-34; Juan 13:8, 9, 14-17, 30, 36, 37, 38;
Juan 14:2, 5; Mga Taga Efeso 2:1; I Mga Taga Corinto 2:14;
Juan 20:19-22; Lucas 24:36-45; Juan 20:25; 14:5)

I.      Una, si Kristo ang daan sa Diyos, Juan 14:6a; I Ni Timoteo 2:5.

II.     Pangalawa, si Kristo ang katotohanan, Juan 14:6b.

III.    Pangatlo, si Kristo ang buhay, Juan 14:6c; Mga Taga Galacias 2:20.