Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PARABULA NG MANGHAHASIK

THE PARABLE OF THE SOWER

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Nobiyembre taon 2015


Ngayon ipangangaral ko ang pangaral na ito sa ibang paraan mula sa karaniwan kong ginagawa. Gusto kong buksan ninyo ang Bibliya ninyo sa Marcos kapitulo 4. Ipaliliwanag ko sa inyo ang Parabula ng Manghahasik. Ito’y mahahanap sa Mateo, Marcos, at Lucas. Ngunit pag-aaralan natin ang Marcos ngayong gabi. Ang isang parabula ay isang kwento na sinabi ni Hesus upang ilarawan at gawing simple ang isang espiritwal na katotohanan.

Ano ang pangunahing katotohanan ng parabulang ito? Ito’y ito – ang dakilang karamihan ng mga tao na nakaririnig ng Ebanghelyo ay hindi maliligtas! Sa pinaka dakilang antas, ang pinaka malaking bilang ng mga taong nakaririnig kung paano maligtas ay hindi maliligtas. Sila’y magpupunta sa Impiyerno! Ang mga pulong ng mga tao ay magpupunta sa Impiyerno. Maliit na bilang lamang na mga tao ay maliligtas. Nagugulat niyan ang maraming mga tao ngayon. Sinasabi nila, “hindi ako naniniwala na ang Diyos ay magpapadala ng kahit sino sa Impiyerno.” Sasabihin mo gayon, “Ngunit ang Diyos ng Bibliya ay nagpapadala ng mga tao sa Impiyerno.” Sinasabi nila, “hindi ako naniniwala sa Diyos. Ang aking Diyos ay di kailan gagawin iyan.” Ang ibig nilang sabihin ay ang diyos na nilikha nila sa kanilang sariling mga isipan ay di gagawin iyan. Ngunit hindi namin tinutukoy ang tungkol sa diyos na nilikha mo sa iyong sariling isipan. Ang “Labin Dalawang Hakbang” na mga tao ay tumutukoy sa “Diyos gaya ng pagka-intindi mo sa Kanya.” Ngunit hindi ko tinutukoy ang huwad na diyos na iyan. Ang diyos na “nilikha mo” sa iyong sariling isipan ay isang huwad na diyos. Ang “Diyos gaya ng pagka-intindi mo sa Kanya” ay isang huwad na diyos. Ang tinutukoy ko ay ang tungkol sa isang Diyos gaya na di mo pagka-intindi sa Kanya! Siya ay isang Diyos na inilantad ang Kanyang Sarili natatangi sa Bibliya. Siya ang Diyos ng Bibliya! At walang iba! Hindi ko tinutukoy ang tungkol sa huwad na diyos na pinaniniwalaan mo. Ang tinutukoy ko ay isang tunay na Diyos – na nailantad sa atin sa Bibliya. Ang iyong huwad na diyos ay hindi nagpapadala ng mga tao sa Impiyerno. Ngunit ang tunay na Diyos ay nagpapadala ng mga tao sa Impiyerno. Sa Mateo 7:13 sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo na ang karamihan sa mga tao ay nagpupunta sa “pagkasira” sa Impiyerno. Sa sunod na berso ang Panginoong Hesu-Kristo ay nagsabi na iyong mga ligtas ay “kaunti” sa bilang – napaka kauntin sa katotohanan. At iyan ang pangunahing punto ng parabulang ito.

Ito’y isang simpleng kwento ng sinabini ni Hesu-Kristo. Sinabi niya na isang magsasaka ay nagpunta upang maghasik ng mga buto. Habang siya’y nagkakalat ng mga buto, ang ilan sa mga ito ay bumagsak sa mabatong mga lugar kung saan wala masyadong lupa. Ang buto ay madaling lumaki, ngunit noong ang araw ay lumabas ang halaman ay naluto at namatay, dahil wala itong malakas ng mga ugat. Ang iba ay bumagsak sa matitinik na mga damo. Ang mga damo ay lumaki at nasakal ang mga halaman, kaya hindi sila nagkaroon ng kahit anong bunga. Huli sa lahat, ang ilan ay bumagsak sa mabuting lupa, ito’y lumaki at nagbunga ng isang mainam na ani. Iyan ang parabula. Ito’y isang simpleng maliit na kwento – ngunit ipinapakita nito sa atin na isang napaka halagang katotohanan – napaka kaunting mga tao na nakaririnig ng Ebanghelyo ay kailan man naliligtas!

Ang apat na mga uri ng lupa sa parabula ay kinakatawan ng apat na mga uri ng mga taong nakarinig ng Ebanghelyo. Ang buto ay ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ang mensahe ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Ang bawat tao na nagpupunta sa simbahang ito ay naririnig ang Ebanghelyo. Ang gagawin nila tungkol rito ay kinakatawan ng apat na mga uri ng mga lupa sa parabula.

I. Una, iyong mga narinig ang Ebanghelyo at nalimutan ito agad-agad ay nawawala.

Tignan ang Marcos 4:15,

“At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila” (Marcos 4:15).

Ito ay ang mga tao na nagpupunta upang bumisita sa ating simbahan isang beses o dalawa. Narinig nila ang Salita ng Diyos, ang mensahe ng kaligtasan. Ngunit “nagsidating ang mga ibon at kinain ito” (Marcos 4:4). Ang mga ibon na kumain ng mga buto ay kumakatawan kay Satanas at kanyang mga demonyo. “Pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila” (Marcos 4:15)

Sinasabi namin sa kanila na si Kristo ay namatay sa sa Krus upang magbayad para sa kanilang mga kasalanan. Sinasabi sa kanila ng Diablo, “Wala kang kahit anong kasalanan. Ika’y isang mabuting tao.” Kaya ang Salita ay inaalis agad ng Diablo na kumikilos sa kanilang mga isipan. Sinasabi namin, “Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay.” Sinasabi ng Diablo, “Huwag mong paniwalaan iyan! Iyan ay isang gawa-gawa, isang katakataka.” Kaya ang salita ay kinukuha agad-agad ng Diablo sa kumikilos sa kanilang mga isipan. Sinabi ni Hesus na ang Diablo ay isang “sinungaling” (Juan 8:44). Sinasabihan ka niya ng isang kasinungalingan upang pigilan ka mula sa paniniwala sa Ebanghelyo at maging ligtas. Gusto ka nilang panatilihing kanyang alipin!

Nagdadala kami ng maraming mga nawawalang mga tao upang madinig ang Ebanghelyo kada Linggo. Karamihan sa kanila ay di kailan man bumabalik. Binibigyan natin sila ng mensahe ng kaligtasan. Binibigyan natin sila ng tanghalian (o hapunan) at ng isang malaking salu-salong pangkaarawan. Ginagawa naming madali upang magpunta sa simbahan. Ngunit karamihan sa kanila ay walang natatandaang isang bagay na aking ipinangangaral. Bakit? Dahil “pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila,” iyan ang dahilan! Ang ilang mga tao ay nagpupunta ng maraming beses na hindi nagkakaroon ng epekto ang pangagaral sa kanila. Bakit? Dahil bawat beses sila’y nakikinig sa Diablo, at kinukuha niya ang Salita mulasa sa kanilang mga puso. Binibigyan pa nga namin sila ng isang salita-kada-salitang manuskrito ng pangaral upang iuwi at basahin. Binabasa mo ba talaga ang mga ito at pinag-iisipan itong masinsinan? Hindi, hindi nila ito ginagawa. Alam ko ang ilan sa kanila ay itinatapon lamang ang manuskrito sa basurahan kapag sila’y umuuwi. Alam ko iyan. Ngunit ginagawa pa rin namin ito na parehas lamang. Bakit namin ito patuloy na ginagawa? Dahil sinabi ni Hesus, “Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok” (Lucas 14:23). Dahil sinabi ng Diyos sa atin,

“At iyong sasalitain ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik” (Ezekiel 2:7).

Habang tayo’y pailalim sa “huling mga araw” ang mga tao ay lumalagong mas mapaghimagsik laban sa Diyos. Kung gayon ang Diablo at kanyang mga demonyo ay mas higit na mas magagawang mapitas ang Salita ng Diyos mula sa mga puso at isipan ng mga tao. Apat na pung taon noon makalalagay ng ka ng isang karatula na nagsasabi, “Pag-aaral ng Bibliya rito ng 7:00 PM.” Mga kabataan ay magsisidating, at marami sa kanila, mula sa pagbabasa ng karatula laman ganoon lang. Alam ko. Nagsimula ako ng isang simbahan malapit sa San Francisco sa mga Hipi. Sila’y mga makasalanan. Tiyak sila nga. Ngunit kasing sama man tulad nila, sila’y malayo, mas malayong mas mainam kaysa ng mga kabataan ngayon! Ngayon karamihan nsa mga kabataan ay mayroong matitigas na mga puso na hindi ka makapapasok sa kanila gamit ng isang malaking martilyo! Gayon nagpapatuloy pa rin kami, “makinig man sila o hindi” – dahil sinabi ng Diyos sa amin na gawin ito! At pa minsan nakahahanap kami ng isang tao na kabilang mga nahirang, na nadirinig ang Ebanghelyo at naliligtas. Ngunit ito’y nagiging mas mahirap at mas bihira habang ang panahong ito ay papalapit sa isang pagsasara, at ang kasalukuyang mundong ito ay papunta na sa katapusan. Ako’y kumbinsido, rito sa Amerika sa pinaka kaunti, na ang Diyos ay hinuhusgahan ang aming mga tao sa pagpapadala ng “ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan” (II Mga Taga Tesalonica 2:11). Gayon alam natin na ang Diyos, sa pamamagitan ng di mapaglalabanang biyaya, ay magdadala papasok ng mga nahirang, kahit rito sa masama at demonikong mga araw na ito! Hindi kami naghahanap ng dakilang karamihan ng mga tao. Naghahanap kami, rito at doon, para doon sa kaunti na pinili ng Diyos upang maligtas. Dahil sinabi ni Hesus, “Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko” (Juan 15:16). Dadalhin ng Diyos iyong mga Kanyang hinirang sa pamamagitan ng pinakamataas na punong biyaya! Aleluya! Ngunit iyong mga hindi pinili ng Diyos ay magkakaroon si “pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila” (Marcos 4:15). Paano ka? Ikaw ba ay isa sa mga nahirang ng Diyos – o hahayaan mo si Satanas na pitasin ang Salita mula sa iyong puso – at lumayo upang mabuhay at mamatay sa iyons kasalanan? Sinabi ni Hesus, “Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14).

II. Pangalawa, iyong mga nakarinig sa Ebanghelyo at tinatanggap ito na may galak, ngunit lumalayo kapag sila’y natukso, ay nawawala.

Tignan ang Marcos 4:16-17.

“At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila” (Marcos 4:16-17).

Ang mga ito ay mababatong mga lupaing mga tao ay ang kabaligtaran ng unang grupo. Tinatanggap nila ang Ebanghelyo na may kagalakan at katuwaan. Nagpupunta sila sa simbahan at iniibig ito. Kumakanta sila ng mga himno na may gana agad-agad. Nagpupunta sila sa panalanging pagpupulong. Nagpupunta sila sa ebanghelismo. Ito’y mainam! Iniibig nila ito! Iniuuwi nila ang manuskrito ng pangaral at binabasa itong masinsinan.

Ngunit mayroong nawawala. Walang “nangaguugat sa kanila.” Hindi sila nakaugat kay Kristo, “na nangauugat at nangatatayo sa kaniya” (Mga Taga Colosas 2:7). At “kaya nagtitiis ngunit sa isang panahon.” Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Sila’y tunay na nagiging masigasig, ngunit wala sila’y tunay na kaugnayan kay Kristo. Ito’y isang emosyonal na pagkataas” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], sulat sa Mateo 13:20, 21).

Pagkatapos ng ilang panahon matatagpuan nila na ito’y nagsasanhi ng ilang kaguluhan upang maging nasa simbahan. Mayroong dumarating at hindi nila nararamdamang magpunta. Kapag kaguluhan at pag-uusig ay dumarating sa kanila dahil sa pagiging nasa simbahan “agad-agad sila’y nasasaktan.” Ibig nitong sabihin, literal, agad-agad sila’y lumalayo” (tignan ang NIV). Iyan ay madalas na nangyayari sa panahon ng Pasko at Bagong Taong mga “pista.” Alam nila na gusto namin silang magpunta sa Paskong salo-salo, sa Bisperas ng Paskong paglilingkod, at sa gabing panonood na paglilingkod ng Bisperas ng Bagong taon. Nagplaplano silang magpunta. Ngunit mayroong dumarating, sila’y naimbita sa isa pang salu-salo kasama ng mga di nananampalataya, o may ibang bagay na nangyayari. Nagpapatalo sila sa mundo – at umaalis sila papunta, sa unang beses mayroong isang kaunting “dalamhati” o gulo. Ikaw ba ay “lalayo” kapag ika’y masusubok ng mga “pista”? Ikaw ba ay lalayo kasama ng mga nawawalang mga kaibigan sa isang makamundong salu-salo, sa isang rayv o isang sayawan? Ikaw ba ay tatakbo sa Las Vegas, o sa ibang lugar, kasama ng mga nawawalang mga kaibigan? Bawat taon nakakikita kami ng kaunting mga tao na mayroong tunay na ugat kay Kristo, na agad-agad bumabagsak at lumalayo sa loob ng mga pista.

Si Dr. David F. Wells ay isang tanyag na Taga-Repormang teyolohiyano. Sinabi niya, “Ang [taong ito] ay walang intension ng pagbabayad ng halaga sa pangako sa sarili na kinakailangan kung ang mensahe ay sa katunayan dapat pinaniniwalaan…Ang mga [tinatawag] na mga ‘napagbagong’ na mga ito ay tumangging magkaroon ang kanilang mga buhay na maibaligtad sa paraang ganito. Mayroong mga tulad nito sa Amerika ngayon” (Isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Ang Lakas ng Loob upang maging Protestante [The Courage to be Protestant], Eerdmans Publishing Company, 2008, pah. 89).

Tinawag ni Dr. J. Vernon McGee ang mga taong itong, “Alka-Seltzer na mga Kristiyano. Mayroong maraming bula sa kanila…Wala silang tunay na kaugnayan kay Kristo. Ito’y isa lamang emosyonal na pagkataas. Sila ay nasa mabatong lupang mga tao” (isinalin mula sa ibid.).

III. Pangatlo, iyong mga nakarinig ng Ebanghelyo, ngunit nagsisiinis dahil sa mga sakit sa ulo sa sanglibutan at ang pagkalinlang ng mga kayamanan, at ang mga kahalayan ng mga bagay, ay nawawala.

Tignan ang Marcos 4:18, 19,

“At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita, At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga” (Marcos 4:18, 19).

Sinabi ni Dr. McGee, “Nakuha ng Diablo ang tao ng gilid ng daanan, at ang laman ay kumuha sa mabatong lupang tao, ngunit ang sanglibutan ay nag-iisnis sa papalabas ng Salita para sa ganitong uri ng tagapakinig. Ang mga sakit sa ulo ng sanglibutan ay pumapasok…natatagpuan ko na maraming mga tao ay nagpabaya sa mga sakit sa ulo ng sanglibutang karamihan ng mga tao papalabas ng Salita ng Diyos” (isinalin mula sa ibid.).

Nakita namin itong mangyari muli’t muli. Isang kabataan ang nagpupunta sa simbahan at mukhang napagbagong loob. Tapos, pagkatapos ng ilang panahon, sila’y nagtatapos sa pag-aaral at nagsimulang magkapera. Nagkakaroon sila ng anak. Nagsisimula silang maghangad ng mga kasakiman ng ibang mga bagay. Isisipi ko ang NIV upang gawin itong malinaw. Sinasabi nito, “naririnig nila ang salita, ngunit ang mga pag-aalala ng buhay na ito, ang pandaraya ng kayamaanan at ang mga paghangad sa ibang mga bagay at dumarating at nagpapa-inis sa salita.”

Isang karamihan ng mga tao ang umalis sa ating simbahan mga dalawam pung taon noon. Isang lalake na nagngangalang Olivas ay lumisan at nagsimula ng isang alternatibong simbahan. Sinabihan niya ang mga aming mga tao na masyado akong estrikto. Hindi nila kinailangang magpunta sa isang panggabing Linggong paglilingkod. Ang lahat na kailangan nila ay ang pang-umagang paglilingkod, kasunod ng isang pot-luck na hapunan. Hindi nila kanailangan na magdala ng mga nawawalang mga tao sa simbahan. Ang lahat na kinailangan nilang gawin ay na sila mismo ang magpunta – at kapag lamang ito’y madali. Ito’y nakatutuwa! Sila’y malaya mula sa estriktang matandang mangangaral na ito! Ngunit di nagtagal karamihan sa kanila ay lumisan mula sa alternatibong simbahang iyon. Isa sa kanilang mga kalalakihan ay nagsabi kay Gg. Prudhomme, “Ang simbahang ito ay isang lamang daanang estasyon pabalik sa mundo.” Iyan ang nangyari sa “Olivas na paghihiwalay ng simbahan.” Mangyayari ba ito muli? Oo, ito’y mangyayari muli – kung ang mga sakit sa ulo ng mundong ito, ang pandaraya ng mga kayamanan, at mga paghahangad sa ibang mga bagay ay iinis sa Salita sa iyong buhay! Oo, mangyayari ito muli sa mga matinik na lupaing mga simabahang tao! Oo, mangyayari ito muli!

Ngayon, pakinggan muli si Dr. J. Vernon McGee,

Ang tatlong uri ng lupang ito ay hindi kumakatawan sa tatlong uri ng mga mananampalataya – sila’y mga di mananampalataya sa anumang paraan! Nadinig nila ang Salita at nagdeklarang natanggap nila ito…Sa ibang salita sila’y di ligtas…Ikapa’t lamang ang tunay na naligtas. Sa katunayan, sa aking sarlinig pangangasiwa natagpuan ko na ang pursyentong iyan ay mas mababa pa kaysa riyan (Isinalin mula kay McGee, ibid., mga pah. 73, 75).

Sila’y magpupunta at magsasabi sa iyo na sila’y ligtas. Ngunit hindi sila ligtas sa anumang paraan! Lubos akong sumasang-ayon kay Dr. McGee. Sinabi niya patungkol sa mga taong ito, “ibubukod ko sila bilang mga Katimugang Californiang mga tipo” ng mga nawawalang mga ebanghelikal (isinalin mula sa ibid., pah. 73). Sinabi ni Dr. David F. Wells, “Sila’y mga eksamplar [mga halimbawa] ng mga ‘Kristiyanismong mahina lang’ na napakaraming mga ebanghelikal na simbahan ang nagpapalaganap…mas kaunti sa isa sa sampu ay mayroong may pinaka malabong kaisipan ng kung anong ibig sabihin na maging isang disipolo ni Kristo sa tuntunin ng Bibliya” (Isinalin mula kay Wells, ibid., pah. 91). Amen riyan, kapatid!

IV. Pang-apat, iyong mga nakaririnig ng Ebanghelyo, tinatanggap ito, at nagdadala ng bunga, ay iyong mga ligtas.

Tignan ang berso 20,

“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan” (Marcos 4:20).

Sino ang mga taong ito? Ito siguro’y pinaka simple na biygan kayo ng ilang mga pangalan. Ang mga ito ay ang mga tao na dapat mong sundin. Ang mga taong ito ay dapat mong imodelo sa iyong buhay. Ang mga taong ito ay mga tulad nina Dr. at Gng. Cagan, Dr. at Gng. Chan, Gg. at Gng Griffith, Gg. at Gng. Song, Gg. at Gng. Mencia, Gng. Salazar (lalo na siya!), Gg. at Gng. Sanders, Gg. at Gng. Olivacce, Gg. at Gng. Prudhomme, Gg. at Gng. Lee, Gng. Hymers, Gg. Zabalaga, Sergio Melo, Emi Zabalaga, Lara Escobar, John Samuel Cagan – mga taong tulad niyan! Makababanggit lamang ako ng kaunti sa kanil! Sundan ang kanilang halimbawa at hindi kayo magkakamali! Amen! Aleluya! Papuri sa pangalan ni Hesus!

Nagsisimula ito sa pagtitiwala kay Kristo. Lumalago ito sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Kristo. Umaagos ito sa pagigging disipolo sa pamamagitan ng pagititwala kay Kristo. Gaya nang paglagay ng lumang kanta, “Pagtitiwala sa Kanya ano mang mangyari, Pagtitiwala kay Hesus, iyan lang ang lahat!” Wala sa unang tatlong mga grupo ay kailan man nagtiwala kay Hesus! Nagpatuloy silang nagtiwala sa kanilang sarili. Kaya sila’y “tumiwalag” at lumisan sa aming simbahan. Hindi sila nagtiwala kay Hesus. Nagtiwala sila sa sarili nilang pag-iisip at sarili nilang mga pakiramdam. Huminto sa pagtitiwala sa iyong sarili – at magsimulang magtiwala kay Kristo. Magtiwala sa Kanya ngayon, at lilinisan ka niya mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo! Magtiwala sa Kanya ngayon, at ika’y agad-agad na makatatanggap ng walang hanggang buhay! Amen! Aleluya! Papuri sa pangalan ni Hesus! Dr. Chan, paki-pangunahan kami sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 8:11-15.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Makuha ko ang Mundo.” Isinalin mula sa “If I Gained the World” (ni Anna Olander, 1861-1939).


ANG BALANGKAS NG

ANG PARABULA NG MANGHAHASIK

THE PARABLE OF THE SOWER

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

I.    Una, iyong mga narinig ang Ebanghelyo at nalimutan ito agad-agad ay nawawala, Marcos 4:15, 4; Juan 8:44; Lucas 14:23;
Ezekiel 2:7; II Mga Taga Tesalonica 2:11; Juan 15:16;
Mateo 22:14.

II.   Pangalawa, iyong mga nakarinig sa Ebanghelyo at tinatanggap ito na may galak, ngunit lumalayo kapag sila’y natukso, ay nawawala, Marcos 4:16, 17; Mga Taga Colossas 2:7.

III.  Pangatlo, iyong mga nakarinig ng Ebanghelyo, ngunit nagsisiinis dahil sa mga sakit sa ulo sa sanglibutan at ang pagkalinlang ng mga kayamanan, at ang mga kahalayan ng mga bagay, ay nawawala, Marcos 4:18, 19.

IV.  Pang-apat, iyong mga nakaririnig ng Ebanghelyo, tinatanggap ito, at nagdadala ng bunga, ay iyong mga ligtas, Marcos 4:20.