Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGBABAGONG LOOB AT PAGKATAWAG NI ISAIAS

THE CONVERSION AND CALL OF ISAIAH
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-1 ng Nobyembre taon 2015

“Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian” (Isaias 6:1).


Ang aklat ng Isaias ay tunay na nagsisimula sa kapitulong ito. Maraming mga taga kumento ang nagsasabi na ito ang pagkatawag ni Isaias bilang isang propeta – at ito nga iyon. Ngunit mas higit pa ito riyan. Ako’y kumbinsido na ito ay ang pagbabagong loob ni Isaias gayon din ang kanyang pagkatawag sa propesiya. Iyan ay madalas na nangyari sa mga mangangaral sa nakaraan. Noong kanilang naranasan ang pagbabagong loob, gayon kanilang natatanto na gusto sila nang Diyos na mangaral sa iba. Ngunit ang pinaka mahalagang punto ay na ang mga besrong ito at nagpapakita sa atin kung paano napagbagong loob si Isaias. At kung ika’y mapagbabagong loob, kailangan mong pagdaan ang ilan sa mga bagay na pinagdaanan ni Isaias.

I. Una, kailangan mayroong pagkakamalay ng Diyos.

Maari kang magpunta sa simbahan ng maraming taon at di magkaroon ng pagkakamalay ng Diyos. Maari mong pag-aralan ang Bibliya at sabihin ang mga salita ng isang panalangin nang maraming taon na hindi nagkakaroon ng pagkakamalay sa Diyos. Natamaan ako ng pag-iisip na iyan nang maraming beses sa aking buhay.

Bago ako nagpunta sa Tsinong Bautistang simbahan ako’y isang miyembro ng isang Kaukasyan (puting) Bautistang simbahan ng maraming taon. Kahit na isa pa lamang akong binatilyo, natatandaan kong naiisip na ang mga kabataan doon, halos lahat sa kanila, ay walang pagkakaugnay sa Diyos sa anumang paraan. Ang lahat na ginawa lamang nila sa Linggong Paaralan ay talakayin ang mga takda at ibigay ang mga sagot. Tapos sila’y kumawag at nagpasahan ng mga sulat sa isa’t isa sa gitna ng mga pangaral. Hindi ko maisip ang kahit sino sa kanilang magpunta mag-isa sa isang tahimik na lugar at nananalangin. Sila’y “nangahiwalay sa buhay ng Dios” (Mga Taga Efeso 4:18).

Anong mali sa kanila? Upang ilagay itong mas matapat, wala silang Diyos. Hindi ba nila inisip ang Diyos paminsan? O, tiyak akong ginawa nila ito. Ngunit ang kanilang ideya ng Diyos ay isa lamang mahirap unawaing doktrina, o isang pan loob na pakiramdan.

Mayroon tayong mga tao rito sa simbahan na walang Diyos. Alam mo ba hindi ito di pangkaraniwan. Ganyang ang paraan ng karamihan sa mga tao sa huling mga araw, sa pagkatapos ng makabagong kulturang ito. Kung sinabi mo na, “ang Diyos ay napaka tunay sa akin. Ang Diyos ang pinaka mahalagang tao sa aking buhay,” anong iisipin ng iyong mga kaibigan sa paaralan? Anong iisipin ng mga tao sa iyong trabaho? Hindi ka ba nila tititigan na walang laman? Hindi ba nila iisipin na ika’y kakaiba? Ngayon, ating hinaharap ang katotohanan! Hindi nila alam ang Diyos – at pati ikaw! Mayrong mga kabataan rito ngayong umaga na walang mas higit na pagkamalay ng Diyos kaysa doon sa mga nakakausap mo araw-araw sa paaralan o sa trabaho.

Ang Diyos ay wala sa loob natin. Iyan ay isang mahalagang punto. Kung sinabi mo sa iyong kamag-aral na ika’y espirituwal, hindi sila nito magugulo. Kung sasabihin mo sa kanila na nadinig mo ang tungkol sa Diyos sa simbahan sa Linggo, hindi rin sila nito magugulo. Ngunit kung titignan mo sila sa mata at sasabihing, “Ang Diyos na lumikha sa mundo ay ang pinaka mahalaga at tunay na tao sa aking buhay,” titignan ka nila at iisipin na ika’y wirdo. Bakit? Dahil sinasabi ng Bibliya,

“Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios” (Mga Taga Roma 3: 11).

Muli, sinasabi ng Bibliya,

“Hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng […] karunungan [nito]” (I Mga Taga Corinto 1:21).

Karamihan sa mga bagong ebanghelikal ay hindi mas mabuti sa natirang mga sa nawawalang mundo. Maari pa nga silang magpunta sa isang pag-aaral nsa Bibliyang grupo sa iyong kolehiyo, ngunit hindi mo sila maririnig na magsalitang seryoso tungkol sa Diyos. Ang mga kababaihan ay karaniwang nagpupunta doon upang makipag-usap at magsat-sat tungkol rito at riyan. Kung mayroong kahit sinong batang lalake doon, sila’y karaniwang naroon upang tignan ang mga babae. Ngunit hindi nila iniisip ang tungkol sa Diyos – sa pinaka kaunti hindi ang Diyos ng Bibliya! Kung sinabi mo na ika’y isang Muslim, o Katoliko, o Hudyo, o pati isang Bautista, hindi niyan sila magugulo. Kung sasabihin mo, “Ang Diyos ay nasa loob ko, at nasa loob mo rin,”hindi niyan sila magugulo. Iyan ay isang Bagong Edad na kaisipan. Ngunit kung sinabi mo, “Ang Diyos ay nasa itaas, tumitingin pababa sa atin. Nakikita Niya ang ating mga kasalanan at hinuhusgahan tayo,” anong mangyayari? Iisipin nila na ika’y wirdo, hindi ba?

Ngayon, dalhin natin itong mas malayo. Pag-usapan natin ang tungkol sa iyo. Narito ka at hindi ka pa napagbabagong loob. Anong naiisip mo tungkol sa Diyos? Naiisip mo Siya pa minsan, hindi ba? Kung hindi ka napagbagong loob tiyak na iniisip mo ang maling mga pag-iisip tungkol sa Kanya.

Si Isaias ay isang binatang lalake noong ito’y nangyari sa kanya. Pinag-aralan niya ang Bibliya. Nagpupunta siya sa mga paglilingkod sa Templo. Ngunit hindi niya kilala ang Diyos para sa kanyang sarili. Alam niya ang mga bagay tungkol sa Diyos, ngunit hindi niya kilala ang Diyos ayon sa karanasan. Siya’y tulad ng patriyarkang si Job. Sinabi ni Job sa Diyos,

“Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata: Kaya't ako'y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo” (Job 42:5, 6).

Nadinig ni Job ang tungkol sa Diyos. Ngunit ngayon ang Diyos ay nagsalita “kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi” (Job 38:1; 40:6). “Tapos ang Panginoon ay nagsalita kay Job mula sa bagyo” (isinalin mula sa NIV).

Hindi ko alam kong paano ipaliwanag ito sa wika ng tao. Siguro ito’y mas mainam na bigyan kayo ng ilang tunay na mga kwento. Si Dr. Cagan ay isang ateyista. Hindi siya naniwala sa Diyos sa anumang paraan. Tapos isang huli nang gabi si Dr. Cagan ay natakot. Mayroong siya napaka mahalagang eksam sa umaga sa UCLA. Ngunit hindi niya maintindihan ang materyal sa anumang paraan. Alam niya na babagsak siya sa sunod na araw. Biglang nanalangin si Dr. Cagan sa unang pagkakataon sa kanyang buhay. Sinabi niya, “Diyos, patawarin mo ako.” Tapos nakatulog siya. Gumising siya, na nalalaman na ibabagsak niya ang eksamen. Noong nakapunta siya sa klase at tinignan ang mga tanong sinagot niya ang mga itong madali at nakuha ang pinaka mataas na grado sa klase. Tapos alam niya na ang Diyos ay totoo. Mayroong talagang isang Diyos.

Noong ako’y labin limang taon ako’y lubos na natroma sa pagkamatay ng aking lola, at ang teribleng mga pangyayari ay nangyari sa gabi bago ng araw na iyon, at sa kanyang libing. Tumakbo ako, malayo at sa itaas ng isang burol ng Forest Lawn, Glendale. Nahulog ako sa lupa, hinihingal at basang-basa ng pawis. Tapos ang Diyos ay bumaba sa akin. Ang Diyos ay naroon at alam ko ito. Ginagawa ako nito laging maisip si Jacob, noong ang Diyos ay dumating sa kanya isang gabi,

“At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman. At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito!” (Genesis 28:16, 17).

Si Dr. Cagan o ang aking sarili ay napagbagong loob sa mga karanasang iyon, ngunit masasabi namin kasama ni Job, “Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata” (Job 42:5). Hindi nito ibig sabihin na talagang nakita niya ang Diyos. Ito’y isang maliwanag na paraan ng pagasasabi na nadinig niya ang tungkol sa Diyos, ngunit ngayon alam niya na ang Diyos ay totoo at siya ay isang makasalanan, kaya sinabi niya, “Sa anong dahilan nasusuklam ako sa aking sarili, at nagsisisi” (isinalin mula sa ibid.). At ang karanasan ni Isaias ay pareho gaya noong kay Jacob at Job – at ng kay Dr. Cagan at aking sarili – noong ako’y labin limang taong gulang, pagkatapos ng malagim na libing ng aking lola. Sinabi ni Isaias,

“Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian” (Isaias 6:1).

Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,

Sa taon na namatay si Haring Uzziah, iniisip ni Isaias, “Ang mabuting si Haring Uzziah ay patay na, at ang mga bagay ay nagiging [masama] na ngayon. Ang Israel ay makukuhang bihag. Ang kasaganaan ay matitigil. Isang depresyon ay darating, at pagkagutom ay susunod.” Sa ganyang pag-iisip ginawa ni Isaias ang dapat gawin ng bawat tao – nagpupunta siya sa templo…Sa templo ng Diyos nadiskubre ni Isaias na ang tunay na Hari ng bansa ay hindi patay. “Nakita ko ang Panginoon nakaupo sa trono, mataas at itinaas, at ang kanyang tren ay nagpuno sa templo” – ang Diyos ay nasa trono…ang Diyos ay mataas at itinaas, at hindi siya maikokompromiso ng kasalanan (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kab. III, Thomas Nelson Publishers, 1982; sulat sa Isaias 6:1).

Ngayon tignan ang Isaias 6:3. Ang Seraphim, ang mga anghel ay naroon,

“at nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian” (Isaias 6:3).

Sumigaw sila, “Banal, banal, banal ay ang Panginoon ng mga hukbo.” Sinabi ni Dr. W. A. Criswell ang dakilang pastor ng Dallas, Texas ng malapit sa anim na pung taon, “iisipin ko na ito’y tumutukoy sa tatlo sa punong Diyos,” sa Trinidad (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Isaias: Isang Pagpapaliwanag [Isaiah: An Exposition], Zondervan Publishing House, 1977, pah. 53).

Banal, banal, banal!
   Panginoong Diyos Makapangyarihan!
Maaga sa umaga
   Ang ating kanta ay tataas sa Iyo;
Banal, banal, banal!
   Mapagmakaawa at Makapangyarihan!
Diyos sa tatlong mga Tao,
   Nagpapalang Trinidad!

Banal, banal, banal,
   Kahit na ang kadiliman ay nagtatago sa Iyo,
Kahit na ang mata ng makasalanang tao
   Ang iyong luwalhati ay maaring di nakikita,
Ikaw lamang ang banal;
   Walang ibang tulad Mo
Ganap sa kapangyarihan,
   Sa pag-ibig, at kadalisayan,
(“Banal, Banal, Banal” Isinalin mula sa “Holy, Holy, Holy”
      ni Reginald Heber, 1783-1826).

Kung wala kang pagkamalay ng Diyos – at tatlong banal na Diyos ng Kasulatan – kung hindi ka nagmamalay ng Kanyang kabanalan, hustisya at awa – paano mo kailan man makaaasang maging isang tunay na Kristiyano?

II. Pangalawa, dapat mayroong kumbiksyon ng kasalanan.

Tignan ang Isaias 6:5,

“Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo” (Isaias 6:5).

Ang pagkamalay ng tatlong banal na Diyos ay gumawa sa propetang makita ang kanyang kasalanan, “lalaking may maruming mga labi.” Hindi mo kailan man mararanasan ang uri ng kumbiksyon maliban na ilahad sa iyo ng Diyos ang Kanyang sarili sa iyo bilang isang “manghuhusga ng lahat ng lupa.” Si Dr. David Wells ay isang naReporma teyolohiyano. Sinabi niya,

Ang propeta ay teribleng nagkakamalay ng [mga panganib] kung saan ang karakter ng Diyos ay nailalagay sa mga tao. Walang makatatayo sa Kanyang ilaw. Ang lahat ay nasisira dahil rito dahil ito ang uri ng ilaw na naghahayag ng sarili nito laban sa lahat na mali, baluktot, makasarili, di nananampalataya, di nagpapasalamat, at suwail…Nakita ni Isaias sa kanyang paningin at agad-agad idineklara, sa ilaw kung sino ang Diyos, ‘Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo!’ (Isa. 6:5). Isa lamang ito sa maraming mga teksto na nagsasalita ng masakit at nakatatakot na katotohanan ng lubos na kadalisayan (Isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Ang Tapang Upang Maging Protestante [The Courage to Be Protestant], Eerdmans Publishing Company, 2008, pah. 125).

Sinabi ni Dr. W. A. Criswell,

Kinakailangan ng mga mata at kaluluwa upang makita ang Diyos, mga tainga ng puso upang marinig ang Diyos. Doon sa mga bulag, hindi siya nabubuhay. Doon sa mga bingin, hindi Siya nagsasalita. Doon sa mga mayroong mata upang makakita, mga tainga upang makarinig, at isang puso upang makaramdam, ang Diyos ay naroon sa luwalhati sa harapan natin magpakailan man. Sa paningin ni Isaias, naramdaman niya ang kanyang sarili makasalanan at di nararapat. Isang tao na nakatayo sa piling ng Diyos ay mahahanap ang kanyang sariling matagumpayan sa isang baha ng di pagkanararapat at di pagkalinis na natatangay sa ibabaw niya (Isinalin mula kay Criswell, ibid., pah. 54).

Balang araw makahaharap mo ang Diyos. Sa oras ng iyong kamatayan haharapin mo ang Kanyang paghahatol kung hindi ka ligtas ngayon, sa buhay na ito. Ang Diyos na makahaharap mo ay hindi ang diyos na iyong na iisip sa iyong sariling isipan. At hindi ito ang diyos ng kahit anong mundong relihiyon. Iyong makahaharap ang Diyos ng Bibliya. At huhusgahan ka niya para sa iyong kasalanan, lalo na para sa kasalanan ng iyong puso at isipan. Mayroon lamang isang paraan para sa iyong kasalanan na mapatawad, at iyan ay sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa iyong lugar – sa Krus. At mayroon lamang isang paraan para sa iyong kasalanan na malinis at iyan ay sa pamamagitan ng Dugo ni Kristong naibuhos sa krus na iyan. Sinbi ni Dr. Martyn Lloyd- Johnes, “Ang ebanghelyo natin ay isang ebanghelyo ng dugo; ebanghelyo ng pundasyon; na wala ito walang kahit ano” (Isinalin mula sa Ang Paraan ng Diyos ng Pagkakasundo [God’s Way of Reconciliation], Mga Taga Efeso 2, The Banner of Truth Trust, 1981, pah. 240).

Ngayon tignan ang berso 8.

“At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako” (Isaias 6:8).

Ngayon si Isaias ay tinawag upang mangaral. “Narito ako. Ipadala mo ako.” At siya ay magpupunta at mangangaral sa iba ng anong siya mismo ay nakaranas.

Ikaw ay maliligtas lamang kung magtitiwala ka kay Hesus at malilinis gamit ng Kanyang banal na Dugo. Ikaw lamang ay makahaharap sa Diyos kung ika’y nalinis ng iyong mga kasalanan sa pamamgitan ng Diyos ni Hesus, Kanyang Anak. Sa langit kakantahin natin ang bagong kanta, “sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo” (Apocalipsis 5:9). Nagmamakaawa ako sa iyo ngayong umaga na magtiwala kay Hesus at maging malinis sa paningin ng Diyos sa Kanyang Dugo! Amen. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 6:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Diyos ni Abraham Papuri” Isinalin mula sa “The God of Abraham Praise” (ni Daniel ben Judah, ika-14 siglo).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAGBABAGONG LOOB AT PAGKATAWAG NI ISAIAS

THE CONVERSION AND CALL OF ISAIAH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian” (Isaias 6:1).

I.   Una, kailangan mayroong pagkakamalay ng Diyos,
Mga Taga Efeso 4:18; Mga Taga Roma 3:11;
I Mga Taga Corinto 1:21; Job 42:5, 6; 38:1; 40:6;
Genesis 28:16, 17; Isaias 6:3.

II.  Pangalawa, dapat mayroong kumbiksyon ng kasalanan,
Isaias 6:5, 8; Apocalipsis 5:9.