Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




LUBOS NA KASAMAAN

YOUR TOTAL DEPRAVITY
(Tagalog)

ni Dr. C. L. Cagan

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Sabado, Ika-17 ng Oktubre taon 2015

“Na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:9).


Ang lahit ng tao ay “nangasa ilalim ng kasalanan.” Sinasbai ng Bibliya ito ng maraming beses. Sinasabi nito “tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Tayo ay “patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Isinulat ng Apostol Pablo, “kasalanang tumitira sa akin” (Mga Taga Roma 7:20). Tayong lahat ay nasa isang teribleng kondisyon. Ikaw ay nasa isang teribleng kondisyon.

Ang kondisyon na ito ay tinatawag na lubos na kasamaan. Ang lahat ay lubos na masama. Ikaw ay lubos na masama. Ngayong gabi titignan natin ang hindi kasamaan, at tapos kung ano ang kasamaan.

I. Una, ang hindi kasamaan.

Ang lubos na kasamaan ay hindi parehas ng isa-isang mga kasalanan na iyong nakamit. Huwag kang magkakamali – mayroon kang maraming mga kasalanan, at ang mga ito ay terible. Sinasabi ng Bibliya, “ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan” (I Ni Juan 3:4). Kapag iyong nasisira ang batas ng Diyos, ika’y nagkakasala.

Kapag ang Diyos ay nagsasabi na huwag gumawa ng isang bagay ginagawa mo ito, ika’y nagkakasala. Sinasbai ng Bibliya, “Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa [huwag kang magsisinungaling]” (Exodo 20:16). Alam mong hindi ka dapat magsisinungaling, ngunit ginagawa mo ito kahit na alam mo ito. Nagkakasala ka laban sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “Huwag kang magnanakaw” (Exodo 20:15). Kapag magnanakaw ka nagkakasala ka laban sa Diyos.

Kapag ang Diyos ay nagsasabing gumawa ng isang bagay at hindi mo ito ginagawa, nagkakasala ka. Sinabi ni Hesus, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo” (Mateo 22:37). Gayon nabubuhay ka nang maraming taon na para bang ang Diyos ay hindi mahalaga. Bawat pagkakataon na hindi ka nagpupunta sa simbahan ng Linggo, sinisira mo ang utos na iyan. Nagkakasala ka.

Sinasabi ng Bibliya, “Huwag kang mangangalunya” (Exodo 20:14). At sinasabi ni Hesus, “Na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso” (Mateo 5:28). Bawat beses na tinitignan mo ang pornograpiya sa iyong computer, kinakamit mo ang teribleng kasalanan na iyan.

Sinasabi ng Bibliya, “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” (Exodo 20:12). Hindi nito sinasabing igalang mo sila kung sila’y mga Kristiyano, o kung sila’y tama sa lahat ng mga bagay – sinasabi lang nito na igalang mo sila. Bawat pagkakataon na sinisira mo ang utos, nagkakasala ka. Mayroong ilan sa inyo na narito ngayong gabi na talagang kinamumuhian ang inyong ama o inyong ina. Iyan ay isang teribleng kasalanan.

Mayroon kang isang mahabang, teribleng tala ng mga kasalanan. Ang iyong talaan ay sumumpa sa iyo sa Huling Paghahatol. Sinasbai ng Bibliya na lahat na ginagawa mo, sinasabi at iniisip ay naisulat sa talaan ng Diyos – ang “mga aklat” ng Diyos. Sa Huling Paghahatol, “ang mga patay ay [hahatulan] ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12). Ika’y tatayo sa harap ng Diyos. Ang tala ng iyong buhay ay babasahin sa harap ng maraming tao. Sinasbai ng Bibliya, “mga duwag [masyadong takot sa sasabihin ng mga tao], at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid [Griyego pornois, iyong mga tumitingin sa pornograpiya, o nakikipagtalik sa labas ng pagkakasal], at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling [lahat na nagsisinungaling – ikaw ba ay nagsinungaling na?], ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre” (Apocalipsis 21:8). Ika’y mahihiya sa iyong sarili. Ika’y itatapon sa Lawa ng Apoy.

Hindi makatutulong na sabihin na ika’y kasing buti ng karamihan sa mga tao. Hindi makatutulong na sabihin na ika’y “mabuting tao.” Alam mo na ika’y isang makasalanan. Alam rin ito ng Diyos. Hindi makatutulong na sabihin na mayroong ibang mas malubha sa iyo. Pareho kayong maitatapon sa Lawa ng Apoy.

Hindi makatutulong na isusuko mo ang ilang mga kasalanan o subukang maging mas mabuting tao. Ang iyong mga kasalanan mula sa nakaraan ay nasa mga aklat ng Diyos na. Kahit na hindi ka kailan man nagkasala muli, ika’y magpupunta sa Lawa ng Apoy para sa anong ginawa mo na. Hindi tutulong na sabihin na ika’y mas malubha. Ika’y noon pa masamang sapat na. Ika’y nasa teribleng gulo, at wala kang magawa upang makatakas.

Ang tala ng iyong mga kasalanan ay terible. Ngunit hindi iyan ang ibig sabihin ng “lubos na kasamaan.” Ang iyong talaan ng mga kasalanan ay wala kumpara sa kasamaan at katatakutan ng iyong kalikasang kasalanan. Mula sa iyong makasalanang kalikasan ay nanggagaling ang mga masasamang mga bagay na iyong ginagawa. Sinabi ni Hesus, “Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya. Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling” (Marcos 7:21-23). Ang salitang “sa loob” ay nangangahulugang “nasa loob.” Ang bersong ito ay tumutukoy patungkol sa kung paano ka sa loob. Hindi mo lang ginagawa ang masasamang mga bagay, ikaw ay masaman. Gumagawa ka ng masasamang mga bagay dahil ikaw ay masama. Hindi mo lang ginagawa ang mga kasalanan, ikaw ay makasalanan. Ginagawa mo ang mga kasalanan dahil ikaw ay makasalanan. Mula sa kung ano ka ay dumarating ang mga bagay na ginagawa mo. At dinadala tayo nito sa sunod na punto.

II. Pangalawa, ano ang lubos na kasamaan.

Ang lubos na kasamaan ay tumutukoy sa kung paano ka. Ibig nitong sabihin na ikaw ay makasalanan at masama sa loob. Kaya ginawa mo ang mga bagay na ginawa mo. Lumabas ito mula sa iyong kalikasan. Sinasabi ng Bibliya ikaw ay “noo'y katutubong mga anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3). Ganyan ang paraan mo. Namana mo kalikasang ito mula sa iyong unang amang si Adam. Nagkasala siya, at ipinasa ang kasalanan sa buong lahi ng tao, pababa sa iyong mga magulang at tapos pababa sa iyo. Iyan ang dahilan na isinulat ng Salmista, “ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina” (Mga Awit 51:5). Ngayon ikaw ay isang makasalanan. Iyan ka lang lahat. Ika’y maging iyan lang lahat. Iyan lang lahat ang maaring mong maging.

Lubos na kasamaan ay nangangahulugan na ikaw ay nasa isang permanenteng kalagayan ng kasalanan at hindi ka makalabas mula rito. Sinasabi ng Bibliya ikaw ay “patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Ikaw ay “patay dahil sa mga pagsalansang at mga kasalanan.” Sinasabi ng ating teksto na ikaw ay “nasa ilalim ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:9). Ikaw ay nasa pagkagapos ng kasalanan. Sinabi ni Hesus, “Ang bawa't nagkakasala ay alipin [Griyego doulos, alipin] ng kasalanan” (Juan 8:34). Sinabi ng Apostol Pablo ika’y mga “alipin ng kasalanan” (Mga Taga Roma 6:20). Ikaw ay hindi anak ng Diyos. Pinagmamay-ari ka ng Diablo. Ikaw ay nasa “sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban” (II Ni Timoteo 2:26).

Sa iyong puso, sa iyong gitna, ikaw ay kalaban ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya nga ito. Sinasabi nito, “ang kaisipan ng laman [di pa napagbagong loob] ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Iyan ang dahilan na ikaw ay makasarili. Iyan ang dahilan na nilalabanan mong gawin ang gusto ng Diyos, at sa loob gusto mong gawin ang ibang bagay. Kahit na hindi ka magsabi ng kahit anong malakas, lumalaban ka sa loob, dahil ang iyong puso ay kalaban ng Diyos. Ikaw ay laban sa Diyos.

Hindi mo maintindihan ang espiritwal na mga bagay, kahit na subukan mo. Sinasabi ng Bibliya, “Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya: at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14). Iyan ang dahilan na walang punto sa pagtatanong na, “Paano ako magtitiwala kay Hesus?” Hindi ito isang bagay na maari mong matutunan!

Ang iyong kaisipan at imahinasyon ay mali. Sinasabi ng Bibliya, “sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata” (Genesis 8:21). Ang iyong mga pag-iisip ay masama, rin. Ganyan ka sa loob, wala kang magagawang kahit ano upang mabago iyan.

Hindi mo mabago ang iyong sarili o magawang mabuti ang iyong sarili. Sinasabi ng Bibliya hindi mo magawa ito! Sinasabi nito na ang nawawalang tao “hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari (Mga Taga Roma 8:7). Hindi ka maaring maging mabuti. Sinubukan mo at nabigo. Nabigo ka muli’t muli. Ikaw ay laging mabibigo.

Hindi mo mababago ang iyong kalikasan – kung paano ka sa loob. Sinasabi ng Bibliya, “Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama” (Jeremias 13:23). Hindi mo mabago ang iyong balat. Hindi mabago ng leopardo ang kanyang mga batik. At hindi mo mawawala ang iyong masamang kalikasan. Sinabi ni Job, “Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala” (Job 14:4). Hindi mo mababago ang iyong sarili mula sa marumi sa malinas. Subukan mo ito! Matatagpuan mo agad na mananatili kang marumi pagkatapos ng lahat.

Tanungin na kita. Mapipigilan mo bang maging tao? Makapagbabago ka ba, upang ikaw ay din a isang tao? Siyempre hindi mo kaya ito! Ngunit lahat ng mga tao ay makasalanan! Sinasabi ng Bibliya, “ang lahat ay nangagkasala” (Mga Taga Roma 3:23). Sinasabi ng Bibliya, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa” (Mga Taga Roma 3:10). Dahil hindi mo magpigil maging tao, hindi mo mapipigil maging isang makasalanan. Hindi mo mababago ang iyong makasalanan, masamang kalikasan. Wala kang pag-asa sa iyong sarili.

Wala kang magagawa upang mapalugod ang Diyos. Ginagawang malinaw iyan ng Bibliya. Sinasabi nito, “ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:8). “Nangasa laman” ay simpleng tumutukoy sa nawawalang mga tao. Kung ikaw ay nawawala, wala kang magagawa upang mapalugod ang Diyos – upang gawin Siyang malugod sa iyo. Kahit ang tinatawag mong mabuting gawain o relihiyosong mga gawain ay hindi nagpapaglugod sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi” (Isaias 64:6). Maari mong isipin na maari mong mapalugod ang Diyos, o maari mong sabihin na kaya mo – ngunit sinasabi ng Diyos hindi mo kaya! Tama ba ang Diyos o mali? Kung susubukan mong maging tama sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatuto, o pagsubok na maging mas maigi, sinasabi mo na mali ang Diyos. At ika’y mabibigo muli’t muli. Wala kang magagawa kailan man na makapapalugod sa Diyos.

Hindi ka makatututo ng kahit anon a makaliligtas sa iyo. Muli, iyan ang dahilan na walang punto sa pagtatanong, “Ngunit paano ako magtitiwala kay Hesus?” Ang pagkakatutong sa isang bagay ay hindi makatutulong sa iyo. Ang pagkakatuto sa isang bagay ay hindi pagbabago sa iyong kalikasan. Sinabi ni Hesus sa nawawalang tao tulad mo, “Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita” (Juan 8:43). Muli, sinabi ni Kristo, “Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios” (Juan 8:47).

Hindi mo sa kahit anong pagsisikap makapupunta kay Kristo o magtitiwala sa Kanya. Sinabi Mismo ni Hesus, “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44). Hindi ko sinabi na – sinabi ito ni Hesu-Kristo! Maari mong subukang gawin ang iyong sariling ligtas – ngunit mabibigo ka. Maari mong subukang matutunan ang tamang mga salita. Maari mong hanapin ang pakiramdam na ito o ito – o walang pakiramdam na anuman. At hindi ka kailan man mapupunta. Hindi ka mapagbabagong loob – dahil hindi mo kayang mapagbagong loob ang iyong sarili! Kung ika’y patay. Kung ika’y masama sa loob. Paano mo mapagbabagong loob ang iyong sarili? Hindi mo kaya.

Bilang isang nawawalang makasalanan, ikaw ay “patay sa Diyos” – lubos na makasalanan at walang pag-asa. Hindi mo kayang makuha ang kaligtasan. Hindi mo kayang magawa ang iyong sariling pagbabagong loob na mangyari. Ika’y patay sa Diyos. Ika’y “patay sa mga kasalanan.” Maari mong subukan na hindi pag-isipan ang iyong pagkamakasalanan, ngunit ito pa rin ay narito. Nakikita pa rin ito ng Diyos, gusto mo man o hindi. Ang Diyos ay galit sa iyong kasalanan. Ang Diyos ay nandidiri sa iyong kasalanan. Isang babae ang nagsabi, “Ako’y nandiri sa aking sarili.” At dapat ikaw rin. Kung ika’y hindi nandiri sa iyong sarili, ibig nitong sabihin hindi ka nagising sa katotohanan.

Ano ang sagot? Sa iyo, walang sagot at hindi kailan man magkaroon! “Kaligtasa'y sa Panginoon” (Jonas 2:9). Dapat mayroon ka si Kristo! Ang dugo lamang ni Kristo ang “[nililinis tayo] sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Ang iyong magpatayung-tayong ay hindi magdadala sa iyo saan man – maliban sa Impiyerno. Ang iyong pagtatanong ay di magdadala sa iyo saan man – maliban sa Impiyerno. Ang iyong magtataka at pagsusubok ay di magdadala sa iyo saan man – maliban sa Impiyerno. Wala kang pag-asa.

Dapat mong magkaroon si Kristo! Dapat kang magkaroon ng Kanyang Dugo! Dapat magkaroon ng awa ng Diyos upang dalhin ka kay Kristo. Hindi mo maliligtas ang iyong sarili. Dapat mong magkaroon si Kristo! Sinabi ni Hesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Iyan ba ay totoo, o hindi? Naniniwala ka ba o hindi? Sinabi ni Hesus hindi ka makapupunta sa Diyos maliban sa Kanya – Si Kristo Mismo! Walang ibang paraan, walang ibang katotohanan, walang ibang buhay! Nasubukan mo ang ibang mga bagay at nabigo. Walang kahit anong bagay roon. Mayroon ka si Kristo! Si Kristo! Si Hesu-Kristo Mismo! Si Kristo! Kailangan mong mapatawad ang iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo! Dugo! Dugo! Dugo! Dapat mong magkaroon si Kristo! Kristo! Kristo! Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.


ANG BALANGKAS NG

LUBOS NA KASAMAAN

YOUR TOTAL DEPRAVITY

ni Dr. C. L. Cagan

“Na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:9).

(Mga Taga Efeso 2:5, 1; Mga Taga Roma 7:20)

I.    Una, ang hindi kasamaan, I Ni Juan 3:4; Exodo 20:16, 15;
Mateo 22:37; Exodo 20:14; Mateo 5:28; Exodo 20:12;
Apocalipsis 20:12; 21:8; Marcos 7:21-23.

II.   Pangalawa, ano ang lubos na kasamaan, Mga Taga Efeso 2:3;
Mga Awit 51:5; Mga Taga Efeso 2:5; Mga Taga Roma 3:9; Juan 8:34; Mga Taga Roma 6:20; II Ni Timoteo 2:26; Mga Taga Roma 8:7;
I Mga Taga Corinto 2:14; Genesis 8:21; Mga Taga Roma 8:7;
Jeremias 13:23; Job 14:4; Mga Taga Roma 3:23, 10; 8:8;
Isaias 64:6; Juan 8:43, 47; 6:44; Jonas 2:9; I Ni Juan 5:7; Juan 14:6.