Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KATUWIRANG UMAAPOY!LOGIC ON FIRE! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Apocalipsis 7:14). |
Si Dr. W. A. Criswell ay isang dakila at makapangyarihang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas. Nangaral siya doon sa loob ng anim na pung taon. Sa edad na walong pu ang puting buhok na patnyarkang ito ng Katimugang Bautistang Kumbensyon ay hinulaan ang tadhana ng Amerika sa Kanluran. At sinabi ni Dr. Criswell,
Pinalampas natin ang moral na mga na mga kalubusan…Gobyerno at politiko ay pinalampas ang pagpatay ng tao, mga kasinungalingan at pagnanakaw bilang mga makatuwiran…Ang mga propesor [sa ating mga kolehiyo] ay pinatutunayan ang sekswal na kawalang delikadesa bilang mga pagpapahayag ng personal na kalayaan. Ang mga minister sa pulpit, sa di mabilang na bilang, ay pinahihintulot ang mga [pagsalakay] sa Salita ng Diyos bilang akademikong kalayaan; ginagawa natin iyan sa sarili nating [Katimugang Bautistang] mga unibersidad at mga seminaryo. Pagkabaho, karahasan, at imoralidad ay tinatanggap sa kanta, drama, radyo, at telebisyon. Ang henerasyong ito at ang henerasyon na darating ay malulunod sa materyalistikong hedonismo at paghahanap ng kasiyahan…Ang buong [Katimugang] mundo ay nagiging di-Kristinyano sa isang antas ng 125,000 sa isang araw (Isinalin mula kay W A. Criswell, Ph.D., Mga Dakilang Doktrina ng Bibliya [Great Doctrines of the Bible], kabuuan 8, Zondervan Publishing House, 1989, mga pah. 148, 147).
Simula nang ibinigay ni Dr. Criswell ang malungkot na ulat na iyan ang mga Katimugang Bautista ay namamatay na. Ang kanilang mga bilang ay bumababa bawat taon ngayon. Noong huling taon lamang 200,000 na mga Katimugang Bautista ay nilisan ang kanilang mga simbahan na di kailan man babalik. Bawat taon lampas sa 1,000 na mg Katimugang Bautistang mga simbahna ang nagsasara sa kanilang mga pintuan na magpakailan man sa bansang ito lamang. Noong huling taon ang mga Katimugang Bautista ay kinailangang magpauwi ng halos 800 na mga banyagang misyonaryo mula sa mga lugar ng misyon ng mundo. Ang halaga ng mga pag-aalay para sa misyon ay bumagsak na napaka liit na hindi na nila sila masuporta. At ang ating mga independyenteng Bautistang simbahan ay hindi mas mahusay. Isang Pagpulong ng Diyos [Assembly of God] na pastor ay nagsabi sa akin na ang kanilang denominasyon hindi halos ito nakakayanan. At mas malubha pa sa lahat ng ibang denominasyon. Nasa aking kamay ay dalawang mga aklat na nagsasabi ng kwento. Ang isa ay tinatawag na, Ang Dakilang Ebanghelikal na Resesyon: 6 na mga Salik na Babagsak sa Amerikanong Simbahan [The Great Evangelical Recession: 6 Factors That Will Crash the American Church] (John S. Dickerson, Baker Books, 2013).
Ang bawat aklat na aking nababasa, at bawat artikula na aking nakikita, ay tumuturo sa katunayan na ang ating ebanghelikal na mga simbahan ay nasa malubhang kaguluhan. Ang mga kabataang pinalaki sa simbahan ay lumilisan, at ang mga simbahan ay hindi naka tatagumpay ng mga kabataan mula sa mundo. Sinabi ni John Dickerson, “Nabibigo tayong gumawa ng mga bagong disipolo. Ang mga nabubuhay na mga disipolo ay hindi sa karamihang nagbubunga sa kanilang pamumuhay o nababago sa kanilang pag-iisip” (Isinalin mula sa ibid., pah. 107, 108). Ngunit nagpatuloy siya upang magpahiwatig ng isang bilang ng mga bagay upang ayusin ang problema. Sinubukan ko ang lahat ng mga ito, at alam ko na hindi sila umuubra. Bakit? Dahil hindi sila napupunta sa ugat ng problema.
Kunin mo ako bilang halimbawa. Bilang binatilyo ako’y isang piraso ng hinog na prutas, handang nang pitasin. Gusto kong maging nasa simbahan. Nanggaling ako mula sa isang wasak na tahanan. Hindi ako nanirahan kasama ng aking mga magulang. Gusto ko talagang maging bahagi ng isang simbahan. Ngunit ang puti (Kaukasyon) na simbahan sa Huntington Park, California ay hindi sumang-ayon sa akin! Bakit? Maraming mga dahilan – ang mga paglilingkod ay nakadesenyo upang mapalugod ang mga karnal na gitnang edad na mga kababaihan, hindi isnag nawawalang binatilyo. Ang mga tao sa simbahan ay hindi interesado sa akin, pati ang pastor ay hindi lubos na interesado. Tapos, gayon din, naroon ang pangangaral. Mayroon akong tatlong mga pastor habang naroon ako. Sinubukan kong lubos na makinig sa kanila, ngunit wala akong matandaang kahit anon a sinabi nila sa kanilang mga pangaral! Wala talaga mula sa naunang dalawa. At walang napaka halaga mula sa huli. Ang kanilang mga pangaral ay hindi lang kumausap sa akin. Hindi nila ako napukaw. Hindi nila ako nasubok. Hindi nila ako nakumbinsi ng aking mga kasalanan.
Diyan namamalagi ang ugat ng ating problema – sa pangangaral! Maliban nalang na ang ating pangangaral ay magbabago walang pag-asa – wala sa kahit anong paraan – para sa ating mga simbahna! Kababasa ko lang ng isang artikulo sa Pebrero 2014 na Banner of Truth na magasin ni John J. Murray. Nagbigay siya ng pitong mga punto sa “kondisyon kung saan kailangan natin ng kaligtasan.” Sumasang-ayon ako sa lahat mga punto na ibinigay niya, ngunit di ako sumasang-ayon sa ayos na ibinigay niya ang mga ito. Ibinigay niya ang “kapangyarihan ng pangangaral” bilang ang ika pitong bagay na kailangan ng pagbabago. Di ako sumasang-ayon. Sa tingin ko ito ang pinaka-unang bagay. Sinabi niya kailangan nating maligtas mula sa “kawalan ng kapangyarihan ng pangangaral.” Sinabi niya, “ang pangangaral ay hindi popular ngayon.” Bakit hindi? Dahil ito ay nakayayamot. Ito’y kasing simple niyan! Sinabi niya, “Mayroong pagkagutom ng pakikinig ng mga salita ng Panginoon.” Bakit mayroong pagkagutom ng pakikinig? Dahil ang pangangaral ay nakayayamot. Ito’y kasing simple niyan. Ngunit bakit ang pangangaral ngayon ay napaka yayamot? Mayroong maraming dahilan.
Una, karamihan sa mga mangangaral ay hindi pa kailan man “natawag upang mangaral.” Hindi pa nga natin sinasabi na ito’y pagiging “natawag upang mangaral.” At maraming mga mangangaral ay hindi pa nga napagbagong loob. At iyong mga napagbagong loob ay madalas hindi natawag upang mangaral. Wala silang pasan, walang takot, walang pagbabasbas, walang pagkahabag para sa nawawala. Karamihan sa kanila ay hindi pa nga alam ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtuturo at pangangaral! Si Dr. Timothy Lin ay ang aking pastor na maraming taon. Sinabi niya na isang seminaryong propesor ay ginawa ang pahayag na ito, “Ang pagtuturo at pangangaral ay parehong-pareho.” Sinabi ni Dr. Lin, “Bilang isnag seminaryong propesor, hindi niya pa nga masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtuturo at pangangaral. Ang kanyang mga mag-aaral ba ay makapangangaral gayon? Ang sagotay isang malinaw na ‘hindi’” (Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], pah. 20).
Pakinggan si John MacArthur. Nangangaral ba siya? Pakinggan si John Piper. Nangangaral ba siya? Pakinggan si David Jeremiah, o Paul Chappell, o Bill Hybels, o Rick Warren, o Charles Stanley. Nangangaral ba sila? Alam ba nila kung ano ang pangangaral? Ang ilan sa kanila ay mga mabubuting mga tao. Oo, sila ay mabubuting mga tao, ngunit sa tingin ko ay di nila alam kung ano ang tunay na pangangaral. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Ano ang pangangaral? Katuwiran na umaapoy! Pangangaral ay isang teyolohiyo na bumababa sa pamamagitan ng isang taong umaapoy” (Isinalin mula sa Pangangaral at mga Mangangaral [Preaching and Preachers], pah. 97). Ang mga kalalakihan na binanggit ba’y umaapoy? Kanila bang kailan man narinig ang isang mangangaral na umaapoy? Ang nag-iisang tao tulad niyan sa radyo ay isang tao na patay na ng halos 30 na taon! Sinong nangangaral tulad ni Oliver B. Greene ngayon? Oo, “Ang pangangaral ay teyolohiyo na bumababa sa pamamagitan ng isang taong umaapoy” – isang taong tulad ni Luther, isang taong tulad ni Whitefield, isang tao tulad ni Howell Harris, tulad ni Daniel Rowland, tulad ni W. P. Nicholson, tulad ni Dr. John Sung, tulad ni Spurgeon, tulad ni McCheyne, tulad ni John Cennick o John Knox.
Sa parehong Banner of Truth na magasin ay isang artikulo kay John Knox (mga pah. 29, 30). Ang artikulo ay nagsabi si Knox ay nangaral na “may kapangyarihan.” “Ang pangaral ay ibinigay na may puwersa ng isang kidlat mula sa langit.” Ang artikulo ay tinapus sa pagsasabin, “Kung ang simbahan ay makakikita ng isa pang Repormasyon sa mga araw na ito, kailangan ng isang bagong henerasyon ng ganoong umaapoy na mga mangangaral…Tulad ni Knox ng luma, dapat nilang ipahayag ang punong bilin ng Diyos, [maging ito man ay] popular o hindi, na walang pag-uutal.” Sinabi ni Spurgeon, “Ang ebanghelyo ni John Knox ay ang aking ebanghelyo; iyon na kumidlat sa Scotland ay dapat kumidlat sa Inglatera muli” (Isinalin mula sa (Sariling Talambuhay [Autobiography], kab. 1, pah. 162).
Tama na sa mga kalalakihang ito na nagpapatulog sa atin sa kanilang mahinaong mga salita at pambabaeng impluwensya! Pinatutulog nila tayo! Pinatutulog nila tayo sa kamatayan! Di nakapagtataka na kinamumuhian ng ating mga kabataan na marinig sila! “Ang pangangaral ay isang teyolohiyo na dumarating sa pamamagitan ng isang taomg umaapoy!” Sinong kinatatakot nila? Mag-isip ngayon! Maaring sila’y takot sa isang tao! Sino ito? Sasabihin ko sa iyo kung sinong kinatatakutan ng mga makabagong mangangaral na ito. Sila’y takot sa karnal na mga gitnang edad na mga kababaihan na nagpapatakbo ng kanilang mga simbahan. Paano nila pinatatakbo ang mga ito? “Kung mangaral ka tulad niyan hindi kami babalik!” Alam ko kung paano iyan umuubra! Sinubukan nila ito rito! Nagpatuloy lang akong mangaral kung paano ko gawin ito – hanggang sa nadaig sa tagal ko sila! Si John Knox ay hindi takot kay Madugong Maria – at dapat hindi tayo maging takot sa kahit sinong karnal na babaeng organist o karnal na babaeng Linggong Paaralang tagapangasiwa! Sa tingin ko dapat natin silang ipangaral papalabas – at tapos ang mga kabataan ay papasok! Iyan ay hindi nakayayamot! Iyan ay kukuha sa atensyon ng mga kabataan! At sa katapusan mayroong tayong isang grupo ng mga kabataan na umaapoy para sa Diyos – tulad nang mayroon kami rito ngayong umaga ng Lingo! Huminto sa pagiging takot at mangaral tulad ni John Knox!
Ang pangangaral ay hindi lamang nagbibigay ng impormasyon! Patalsikin ang tinatawag na “pagpapaliwanag na mga pangaral.” Patalsikin ang mga ito! Nangaral si Dr. Lloyd-Jones na isa o dalawang mga berso lamang, tulad ng ginawa ng mga Puritano. Sinabi niya, “Ang mangangaral ay hindi nasa pulpit simple upang magbigay ng kaalaman at impormasyon sa mga tao. Kanya silang dapat pukawin, kailangan niya sila mapakitaan ng interes, kailangan niya silang gisingin at ipadala silang pinupuri ang Espiritu” (Isinalin mula sa Ang Mga Puritano [The Puritans], pah. 316).
“Ang pangangaral,” sinabi “ng Doktor,” ay “dinesensyo upang gumawa ng isang bagay sa mga tao” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, Pangangaral at mga Mangangaral [Preaching and Preachers], pah. 85). Ano dapat ang gawin ng pangangaral sa mga tao? Una, dapat nitong gawin silang galit o natatakot! Galit dahil sinasabi mo sa kanila na sila’y mayroong mga mabaho, mapagrebeldeng mga puso! Galit dahil sinasabi mo sa kanila na sila’y di napaka talino at napaka mapagmalaki tulad na kanilang iniisip. Sila ba’y mga di mananampalataya dahil sila’y matalino? Walang isa sa kanilang kasing talino ni Dr. Chan. Walang isa sa kanilang kasing talino ni Dr. Cagan. At walang isa sa kanilang kasing talino tulad ko, sa aking sariling paraan, at alam ko ito. Iyan ang dahilan na hindi ako takot sa kanila! Si Ron Reagan ay nagpunta sa TV noong huling linggo at nagsabi, “Ako ay si Ron Reagan. Ako’y isang buong buhay na ateyista. At hindi ako takot na masunog sa impiyerno.” Iniisip ba ng madulas, nakadidiring, mananayaw na iyan na siya’y mas matalino kaysa sa kanyang amang si Pangulong Reagan? Hindi siya kailan man hahawak ng isang kandila sa kanyang ama. Maari niyang itusok ang kanyang daliri sa mata ng kanyang ama, ngunit hindi siya kailan man magiging ang tagapanulat, ang publikong mananalita, ang pinuno ng malayang mundo, ang pinaka dakilang pangulo sa pangalawang hati ng ika-20 na siglo, na tulad ng kanyang ama! Hindi siya kailan man, babangon sa ibabaw ng pagiging wirdong mananayaw ng balet (ganoong nga siya) – isang mananaya ng balet na kumikita dahil sa pangalan ng kanyang patay na ama!
Hindi, sila’y di mga mananampalataya dahil sila’y matalino. Sila’y di mananampalataya dahil hindi nila haharapin ang katunayan na mayroong silang masamang puso ng di paniniwala, isang baluktot na rebelyon laban sa Diyos na gumawa sa kanila! “Huwag mong sabihin iyan! Tatakutin mo sila!” Maaring matakot ko ang isa sa kanila papalayo, ngunit matatakot nito ang dalawa papasok – kaya lalabas kaming nauna ng isa! Kung hindi ka mangangaral tulad nito walang maliligtas. Sa aking pangangaral kailangan kong sabihin sa iyo na ang iyong puso ay marumi, di malinis, wirdo, at rebelde! Oo, kailangan kong sabihin sa iyo na sinabi ni Hesu-Kristo na ika’y pupunta sa Impiyerno dahil sa iyong mga kasalanan. Si Ron Reagan ay hindi takot sa Impiyerno dahil siya ay isang ganap na hangal na nag-iisip na siya’y mas matalino kaysa sa Panginoong Hesu-Kristo, at ang Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika. Hindi mo matutulungan ang isang hangal na tulad niya. Ang “Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios” (Mga Awit 14:1). Masyado na siyang matanda upang maging isang mananayaw ng balet ngayon. Maari na lamang siyang kumita sa pamamagitan ng pangungutya ng pananampalataya ng kanyang ama. Anong isang hamak na tao!
Mayroong Impiyerno na naghihintay para doon na ang mga puso ay nakaayos sa rebelyon laban sa Diyos! Sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo,
“Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:13, 14).
Oo, mayroong maapoy na Impiyerno na nag-aantay doon sa mga masyadong rebelde upang magtiwala sa Panginoong Hesu-Kristo!
Ngunit “Hindi […] ibig [ng Diyos] na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi” (II Ni Pedro 3:9). At iyan ang dahilan na ipinadala Niya ang Kanyang nag-iisang Anak upang mamatay sa lugar ng makasalanan, bilang kapalit, namamatay sa Krus upang bayaran ang halaga para sa ating mga kasalanan.
At dinadala tayo nito pabalik sa ating teksto. Ang Apostol Juan ay binigyan ng isang pangitain ng Paraiso. At doon nakita niya ang “isang dakilang karamihan, na walang tao ang makabibilang, sa lahat ng mga bansa, at mga kamag-anakan, at mga tao, at mga dila [sino] ay tumayo sa harap ng trono, at harap ng Kordero… Ang mga ito ay ang mga lumabas mula sa dakilang tribulasyon, at hinugasan ang kanilang mga damit, at ginawa ang mga itong puto sa dugo ng Kordero” (Apocalipsis 7: 9, 14). Iyong mga nasa Langit ay ginawang malinis sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus, dahil ang “dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Sinabi ni Dr. Andrew Murray (1828-1917),
Maari kong harapin ang kamatayan na mayroong punong lakas ng loob – mayroon akong karapatan sa langit… Sino sila na makahahanap ng lugar sa harap ng trono ng Diyos? “Hinugasan nila ang kanilang damit at ginawa ang mga itong puto sa dugo ng Kordero” …Huwag mong lokohin ang iyong sarili sa pamamagitan ng isang pag-asa ng langit kung ikaw di pa nalinisan sa pamamagitan ng isang mahal na dugo. Huwag kang mangahas na salubungin ang kamatayan na hindi nalalaman na si Hesus Mismo ay nilinis ka sa pamamagitan ng Kanyang dugo (Isinalin mula kay Andrew Murray, D.D., Ang Kapangyarihan ng Dugo ni Hesus [The Power of the Blood of Jesus], CLC Publications, 2003 edisiyon, pah. 221).
Sinusubok kita ngayong umaga magtiwala kay Hesus. Sa sandaling ilagay mo ang iyong tiwala sa Kanya lamang ikaw ay mahugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Dugo! Iyan ay ka nagiging isang tunay na tao! Diyan ka nagiging isang sundalo ng krus!
Pakinggan ang mga salita ng ilan sa mga kamakailan lang na mga napagbagong loob sa aming simbahan. Ang mga ito ay mga tunay na mga kabataan na narito ngayong umaga. Isang batang babae ang nagbigay ng testimonyong ito,
“Magtitiwala ka ba kay Hesus?” Tinanong ako ni Dr. Hymers. “Lumuhod at magtiwala sa Kanya.” Ginawa ko ito. Nagtiwala ako sa Kanya. Itinapon ko ang sarili ko kay Hesus. Iniibig ako ni Hesus! Iniibig ako ni Hesus! Wala nang pagtatanong at wala nang isang pangangailangan upang makaramdam ng katiyakan…iniibig ako ni Hesus! Nagdugo Siya at namatay sa Krus para sa akin, upang bayaran ang multa para sa aking kasalanan…Nakamamanghang pag-ibig! Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pagdadala Niya sa kin sa Kanyang mahal na Anak. Iniibig ko si Hesus dahil una Niya akong inibig.
Narito ay isa pa, mula sa isang kolehiyo ang edad na batang lalake,
Sa umaga na ako’y naligtas, si Dr. Hymers ay nangaral sa kung paano binubulag ni Satanas iyong mga wala si Kristo. Sinabi niya na isa sa mga paraan na ginagawa ni Satanas iyan ay sa pagkikilos sa loob ng isipan ng isang nawawalang tao at ginagawa siyang isipin na dapat siyang magkaroon ng isang pakiramdam ng kasiguraduhan upang mayroong siyang isang bagay na sasabihin sa tagapagpayo. Naisip ko sa aking sarili, “Iyan ay ako! Iyan mismo ang aking iniisip” …ako’y nagpapa-ikot-ikot at di kailan man tumingin kay Kristo. Doon ang buhay ay nag-aantay sa akin, at gayon tumanggi akong isuko ang aking sarili sa Kanya… Paano ko Siya masipa muli? Paano ako nakakapit sa aking kasalanan at hindi tumingin kay Hesus? ang Isang umibig sa aking kaluluwa? O, napaka desperado kong kinailangan Siya upang kunin ang bigat ng kasalanan mula sa akin. Paano na ang kadiliman ng aking puso ay kumontra sa purong ganda ni Hesus at Kanyang katuwiran…hindi ako nag-antay na makinig sa mga kasinungalingan ni Satanas. Alam kong kinailangan ko si Hesus noon at doon. Hindi ako dapat mag-antay! Ang mag-antay ay ang manatili sa pagkabilanggo, ang manatiling alipin ni Satanas. Kinailangan kong magpunta kay Hesus para sa paglilinis mula sa kasalanan. Kaya nagpunta ako sa Kanya!...Papuri sa DIyos na ibinigay Niya ang Kanyang Anak, si Hesus upang iligtas ako at patawarin ang aking kasalanan gamit ng Kanyang Dugo!
At narito ay isa pa. Ang mga ito ay mga tunay na mga kabataan. Isa sa kanila ay lumaki sa simbahan na ito. At ibang dalawa ay mga kolehiyong edad na mga kabataan na dinala sa aming simbahan upang marinig ang Ebanghelyo. Nairot ay mula sa isang binata na di pa kailan man nagpunta sa simbahan bago siya dinala rito. Sinabi niya,
Napaka kaunti ang pag-iisip ko sa mundong ito sa kung anong magiging nito kailan man simula hay skul. Binuhay ko ang aking buhay na dumaraan lamang. Magtapos mula sa paaralan, kumuha ng isang mabuting karir at magsimula ng isang pamilya. Iyan ang ideyal na hinaharap ko ngunit ang lahat ng ito’y walang halaga sa akin. Sa panahong iyon, wala akong tiyak na relihiyosong mga paniniwala – iyon lamang na akala ko ay mabubuting mga moral. Iba’t ibang mga relihiyon naka-iinteres na mga paksa para sa akin rin. Gayon man, si Hesus ay isang lamang relihiyosong katauhan sa akin sa panahong iyon. Ang Kanyang pagpapako sa krus ay mga simpleng mga salita sa isang kwento.
Pagkatapos na narinig ang Ebanghelyo, nagsimula akong magtaka kung sino si Hesus. Sa aking makasalanang kalikasan, sinubukan kong pag-aralan kung paano maging ligtas sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at panonood ng bawat tao. Ang bawat beses na sinubukan kong magtiwala kay Hesus ay isang pagkabigo, at sa mga oras na akal ko ako’y ligtas ay ako lamang na sinusubukan kong iligtas ang aking sarili. Si Hesus ay mukhang mas malayo araw-araw. Mas malayong sinubukan kong humabol, mas mahaba ang layo sa pagitan Niya at ako.
Noong ika-7 ng Hunyo taon 2015, sinabihan ako ni Dr. Cagan at Dr. Hymers na nawawala pa rin ako. Ako’y sinabihan na maraming beses noon kung gaano ako nawawala ngunit ito’y iba sa pagkakataong ito. Ang Diyos ay naroon. Ang aking mga kasalanan ay nagsimulang magsanhi ng pagkabigat sa loob ng aking puso na hindi ko kailan man naramdaman noon, kinamuhian ko ang aking sarili para sa pagtatanggi kay Hesus muli’t muli. Nawala ko ko ang lahat ng pag-asa para sa aking sarili, ngunit sa sandaling iyon, isang himala ang nangyari. Si Hesus ya tunay! Ang Kanyang nagmamahal na sakripisyo ay ang lahat na aking maisip habang nagbuhos ako ng mga luha, nanalangin at nagpasalamat sa Kanya para sa Kanyang pagmamaha. Hinayaan Niya ang Kanyang sariling mapahirapan at magbuhos ng Kanyang Dugo sa Krus upang hugasan ang aking mga kasalanan. Ito’y naka-gigilalas kung gaano kahigit na pag-ibig ang ibinuhos Niya sa mga makasalanan. Walang iba ang gagawa niyan kundi si Hesus. At lahat na hinihingi Niyang kapalit ay ang simpleng magtiwala sa Kanya. O, napaka mamangha ito na malaman si Hesus. Hindi na ako nag-iisa, dahil mayroon ako si Hesus upang maka-usap. Hindi na ako nagliligaw, dahil ginagabayan Niya ako. Siya ang aking kaibigan, aking Diyos at Tagapagligtas.
At ngayon, aking kaibigan, magtitiwala ka ba kay Hesus at malinisan mula sa lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo? Kapag magtiwala ka sa Tagapagligtas ika’y makakakanta,
Sinasabi nito ang patungkol sa pag-ibig ng Tagapagligtas,
Na namatay upang palayain ako;
Sinasabi nito sa akin ang tungkol sa Kanyang mahal na dugo,
Ang ganap na pagmakaawa ng makasalanan.
O, napaka-iibig ko si Hesus, O napaka-iibig ko si Hesus,
O napaka iibig ko si HEsus, Dahil una Niya akong inibig!
(“O Napaka-Iibig ko si Hesus.”I sinalin mula sa “Oh, How I Love Jesus”
ni Frederick Whitfield, 1829-1904).
Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Apocalipsis 7:9-17.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O, Napaka-Iibig ko Si Hesus.” Isinalin mula sa “Oh, How I Love Jesus” (ni Frederick Whitfield, 1829-1904).