Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG NAKALILINIS NA DUGO

THE CLEANSING BLOOD
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-4 ng Oktubre taon 2015

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan”
(I Ni Juan 1:7).


Si Juan ay isa lamang binata noong tinawag siya ni Hesus upang maging Disipolo. Ngunit siya ay isang nakamamanghang binata. Ang kanyang pagkalapit kay Hesus ay makikita sa Hardin ng Gethsemani. Noong si Hesus ay nagpunta mas malalim sa kadiliman iniwanan Niya ang ibang mga Disipolo sa tabihan ng Hardin. Dinala lamang Niya si Juan at dalawang iba kasama Niya, “nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam; At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat” (Marcos 14:33, 34).

Noong ang mga sundalo ay dumating upang dakipin si Hesus, ang ibang mga Disipolo ay iniwan Siya at tumakas. Ngunit si Juan ay lumakad sa kalye ng Kalbaryo sa sunod na umaga, sinusundan si Hesus habang binuhat Niya ang Krus sa isang lugar ng pagpapako sa krus. Habang ang iba ay nagtatago sa takot, ang batang ito ang nag-iisang nagprotekta sa ina ni Kristo, habang pinanood niya ang Kanyang anak na mamatay sa Krus. Kung gayon si Juan lamang ang nag-iisang Disipolo na nakakita kay Hesus na namatay sa araw na iyon. Ang iba ay nagtago, na ang kanilang mga pintuan na nakakandado.

Si Hesus ay tumingin pababa sa Krus kay Juan at Kanyang ina. Sinabi Niya kay Juan na alagaan siya. Nadinig niya si Hesus, “Nauuhaw ako.” Narinig niya si Hesus na nagsabi “Tapos na” habang Siya’y namatay sa Krus. Ngunit kahit na ganoon hindi mailagay ni Juan ang kanyang sariling malayo mula sa naipakong Tagapagligtas. Nanood si Juan habang isa sa mga sundalo ay tumusok sa tagiliran ni Kristo. “At pagdaka'y [agad-agad] lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34). Maya maya isinulat niya itong napaka-igi, “upang kayo naman ay magsisampalataya” (Juan 19:35).

Noong ang aking ina ay namatay kinuha ko si Ileana at ang aking mga lalakeng anak sa kotse at nagpunta sa ospital na kasing bilis ng posible. Humakbang ako ng kaunti papasok sa kanyang silid at nakita, ng ilang segundo, na ang kanyang kawawang, sirang katawan ay nasa loob na ng isang napaglalagusan ng paningin na plastik bag. Si nanay ay napaka mahiyain patungkol sa kahit sinong makakita sa kanyang walang damit. Noong nakita ko ang kanyang paa na tumatagos mula sa loob ng plastik bag itinulak ko ang mga anak kong lalake pabalik sa pasilyo. Ngunit ang kaunting segundong tingin sa kanyang paa ay nakatatak sa aking utak magpakailan man. Iyan ay labing walong taon noon. Nakikita ko ito sa aking isipan na para bang ito’y nangyari kahapon lang.

At ito’y ganito kay Juan. Nakita niya ang sibat na tumusok sa tabi ni Hesus. Nakita niya ang Dugong umagos mula sa sugat. Hindi niya kailan man malimutan ito. Anim na pung taon maya maya, na isang napaka tandang lalake, ang huling nabubuhay na Disipolo, naiisip ni Juan ang Dugo ni Hesus na nakita niya sa araw na iyon. Na mayroong nanginginig na kamay ng isang matandang lalake, kinahig niya ang mga salita sa isang pilyego ng pergamino, “Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Bakit ang Dugo ni Hesus ay napaka halaga kay Juan?

I. Una, ito’y ang Dugo ni Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos.

Hindi lamang ito dugo ng kahit sinong kilala mo. Si Dr. W. A. Criswell, sa loob ng halos anim na pung taon ang pastor ng Unang Bautistang Simbahan sa Dallas, Texas ay nagsabi,

Siya ay Diyos na inihayag sa laman. Wala nang mas mahalagang berso mula kay Pablo kaysa sa kanyang mga salita sa Taga Efesong matatanda sa Mga Gawa 20:28. “Ingatan ninyo ang inyong sarili… ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” Doon ang pahayag ay maingay, garapal, magaspang, matapang na isinalita, ayon sa ilan [tulad ni John MacArthur], na ang dugo ng Diyos ang ibinuhos sa krus. Tunay na ang ito nga’y ang Diyos sa laman na ginabay ng Espiritu upang gumawa ng sakripisiyo para sa ating pagbabayad…makapangyarihan kung gayon, ang dugo ba ni Kristo…ay naglilinis ng ating konsensya mula sa patay na gawain upang paglingkuran ang nabubuhay na Diyos…Ang dugo ni Kristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang Kanyang sarili sa Diyos, inaalisan tayo, nililinis tayo, hinuhugasan tayo, ginagawa tayong buo. (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., “Ang Dugo ni Hesus” [“The Blood of Jesus”], Ang Mahabaging Kristo [The Compassionate Christ], Crescendo Book Publications, 1976, pah. 72).

Sinabi ni MacArthur, patungkol sa Mga Gawa 20:28, “Naniniwala si Pablo na napakalas sa pag-uugnay ng Ama at ng Panginoong Hesu-Kristo na maari siyang magsalita patungkol sa kamatayan bilang ang pagbubuhos ng dugo ng Diyos – na walang katawan at kung gayon ay walang dugo” (Isinalin mula sa Ang Pag-aaral na Bibliya ni MacArthur [The MacArthur Study Bible]; sulat sa Mga Gawa 20:28). Kung gayon, sinabi ni MacArthur sa katunayan na si Pablo ay mali, na ang Diyos ay “walang dugo.” Iyan ay isang mapanganib na pahayag, dahil mukhang pinahihina nito ang doktrina ng Trinidad. Tinatanggihan namin ang pahayag ni MacArthur. Tumatayo kami kasam ni Pablo at ni Dr. Criswell, na nagsabi, “Ang dugo ng Diyos ang ibinuhos sa krus” (isinalin ibid.).

II. Pangalawa, ito’y ang Dugo ni Hesu-Kristo na naglilinis sa atin mula sa kasalanan.

Sinabi ng Apostol Juan,

Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Sinabi ni Dr. McGee, “Ang salitang nililinis ay nasa kasalukuyang panahon – ang dugo ni Kristo ay nagpapatuloy na naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible]; sulat sa I Ni Juan 1:7). Ibig sabihin niyan na ang Dugo ni Hesus ay nabubuhay pa rin ngayon. Ang kasalukuyang kapanahunan ng “nililinis” ay nagpapakita sa atin na kahit ngayon, sa kasalukuyan, ang Dugo ni Kristo ay nariyan pa rin upang linisin tayo. Hindi iyan pinaniniwalaan ni MacArthur. Sinabi niya, “Ang sarilining pisikal na dugo ni Kristo, sa sarili nito, ay hindi naglilinis mula sa kasalanan” (Isinalin mula sa Ang Bagong Tipan na Kumentaryo ni MacArthur sa Mga Taga Hebreo, [The MacArthur New Testament Commentary on Hebrews], pah. 237). Iyan ay isang kasinungalingan!

Nililinis [kasalukuyang kapanahunan] tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,

Ang ating ebanghelyo ay ang ebanghelyo ng dugo; ang dugo ay ang pundasyon; wala nito ay walang kahit ano (Ang Paraan ng Pagkakasundo, Mga Taga Efeso 2 [The Way of Reconciliation, Ephesians 2], Banner of Truth Trust, pah. 240).

Muli, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,

Ang tunay na pagsubok maging ang tao man ay tunay na nangangaral ng ebanghelyo o hindi, ay ang pansinin ang pagdidiin na inilalagay niya sa ‘dugo.’ Hindi ito sapat na magsalita tungkol sa krus at sa kamatayan; ang pagsubok ay ‘ang dugo’ (Isinalin mula sa ibid., pah. 331).

Si Dr. C. L. Cagan ay ang kabakas na pastor ng ating simbahan. Bago napagbagong loob si Dr. Cagan siya ay nagpunta sa simbahan ni John MacArthur, bawat Linggo sa loob ng isang taon. Sinabi ni Dr. Cagan, “Umupo ako doon sa ilalim ng kanyang pangangaral bago ako napagbagong loob. Siya ang aking pastor. Itinuro niya sa akin ang Bibliya…natatandaan ko pa rin ang higit sa mga ito na nakadetalye hanggang sa araw na ito. Gayon man, hindi ako napagbagong loob sa ilalim ng kayang pangangaral…ang Pagkapanginoon na anyo ni Dr. MacArthur ng desisyonismo ay naintindihan ko bilang kaligtasan sa pamamagitan ng gawain…Naniniwala ako na dapat tayong maging malinaw sa Dugo ni Kristo sa ating ebanghelistikong pangangaral…kung gusto nating mangaral ng isang dakilang ebanghelyong pangangaral na maaring gamitin ng Diyos upang magpabagong loob ng maraming mga kaluluwa” (Isinalin mula sa Pangangaral sa isang Namamatay na Bansa [Preaching to a Dying Nation], The Baptist Tabernacle of Los Angeles, 1999, mga pah. 183, 184).

Lubos akong sumasang-ayon kay Dr. Lloyd-Jones na “hindi ito sapat upang magsalita tungkol sa krus at kamatayan [ni Kristo]…ang tunay na pagsubok kung ang isang tao ay tunay na nangangaral ng ebanghelyo o hindi, ay ang pansinin ang pagdidiin na inilalagay niya sa ‘dugo.’” Amen! Natutuwa ako na sinabi iyan ni Dr. Lloyd-Jones! Nangangaral ako ng Ebanghelyo ng halos 58 na taon. Alam ko sa pamamagitan ng karanasan na ang mga nawawalang mga makasalanan ay kailangang marinig na kaya silang linisin ni Hesus sa lahat ng mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo. Hindi sila maliligtas, bilang patakaran, sa pamamagitan ng mga pangaral sa Impiyerno, o mga pangaral sa Bibliyang propesiya – ang mga ito ay maaring OK sa simula, ngunit kapag tayo’y tunay na magiging seryoso patungkol sa paksa ng pagbabagong loob mismo – dapat tayong mangaral na mga pangaral patungkol sa Dugo ng Tagapagligtas.

Ang mga pangaral sa Dugo ay hindi lamang para sa mga nawawalang mga tao. Minsan ay naiisip ko, “O Diyos! Paano ako mabubuhay ng isang araw na wala ang Dugo ng Iyong Anak!” Walang nagpapaligaya ng aking puso, sa mga oras ng kalungkutan, tulad ng Dugo ni Hesu-Kristo! Ito’y ang aking pagkain at inumin sa mga panahon ng pagdurusa at pagkalungkot.

Pinupuri ko Siya para sa naglilinis na dugo,
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Na nagpakasundo sa aking kaluluwa sa Diyos;
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Anong nakamamanghang Tagapagligtas si Hesus, aking Hesus!
   Anong nakamamanghang tagapagligtas si Hesus, aking Panginoon!

Hindi ko pa nakanta ang lumang kantang iyan ng maraming taon, ngunit ito’y dumating sa akin sa gabi! Kinanta ko ito at kinanta, hanggang sa ang aking puso ay napuno ng ligaya! Kantahin ito kasama ko! Ito’y bilang 7 sa inyong kantahang papel.

Pinupuri ko Siya para sa naglilinis na dugo,
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Na nagpakasundo sa aking kaluluwa sa Diyos;
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Anong nakamamanghang Tagapagligtas si Hesus, aking Hesus!
   Anong nakamamanghang tagapagligtas si Hesus, aking Panginoon!
(“Anong Nakamamanghang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
      “What a Wonderful Saviour!” by Elisha A. Hoffman, 1839-1929).

Hinanap ko ang kantang iyan sa aking mga himnal at hindi ko ito mahanap. Tapos nahukay ko ang isang lumang kopya ng Bautistang Himnal mula sa 50 taon noon, ang himnal na ginamit namin sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan. Naroon ito! Ito’y para bang pagkakakita sa isang lumang kaibigan pagkatapos ng maraming mahabang mga taon. Mga luha ay bumaba sa aking mga mata habang kinanta ko ito. Kantahin itong dahan-dahan ngayon!

Pinupuri ko Siya para sa naglilinis na dugo,
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Na nagpakasundo sa aking kaluluwa sa Diyos;
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Anong nakamamanghang Tagapagligtas si Hesus, aking Hesus!
   Anong nakamamanghang tagapagligtas si Hesus, aking Panginoon!

Sinabihan ako ng mga tinatawag na mga “ekspeto” na dapat akong mangaral ng mga “nagpapaliwanag” na mga pangaral mula sa isang mahabang hanay ng mga berso sa Bibliya! Ngunit hindi ako makakadinig sa mga “eksperto!” Dapat siguro makinig ako, ngunit hindi maari! Kailangan kong sipsipin ang kaibuturan ng isang berso – o isang bahagi ng isang berso – gaya ng ginawa ng mga ninuno, ang mga Puritano at ang dakilang ebanghelista na sumunod sa kanila – tulad nina Whitefield, Wesley, at John Cennick, Daniel Rowland, at Howell Harris – pagpalain siya ng Diyos! – at si Joseph Parker, at Spurgeon, ang Prinsipe ng mga Mangangaral. Tulad nila, dapat akong mangaral mula sa isa o dalawang mga berso – o isang bahagi lamang ng isang berso. Hindi ko maaring hayaan ang aking pangangaral na lumihis mula sa isang paksa tungo sa isa pa. Gusto ko ng laman, at gusto ko ng utak na nasa mga buto! Iyan ang nagpapakain sa aking kaluluwa – at sa iyo! Ang utak sa mga buto!

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Dumarating ang Diablo at bumubulong sa akin, “Hindi nila iisipin na ika’y isang dakilang mangangaral kung gagawin mo iyan.” Inihahagis ko ang sagot pabalik sa kanya – “Anong pake-alam ko kung iispin nila na ako’y isang ‘dakilang mangangaral’ o hindi? Wala akong pake-alam para diyan.” Ang aking layunin at aking hangad, ang aking luwalhati at aking galak, ay ang makakita ng isang nawawalang kaluluwa na magpunta sa bukal, at mahugsang malinis mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo ni Hesu-Kristo.

Kilala ko ang dalawang Bautistang mangangaral na nawawalang mga kalalakihan. Ang kanilang mga buhay ay nagpapakita na hindi pa sila kailan man nabigyan ng bagong buhay, di kailan man napagbagong loob, di kailan man naligtas. Alam ko na ang una ay nagbabasa ng marami sa aking mga pangaral. Nakita ko ang pangalawang nawawalang mangangaral sa “burol” ng katawan ng isang Tsinong pastor, isang minamhal kong kaibigan ng maraming taon. Pagkatapos kong nakita ang kanyang katawan lumakad ako papalabas ng silid. Nakaharapan kami nitong nawawalang mangangaral na ito. Kilala ko siya ng maraming taon. Ang kawawang lalake ay nawala ang lahat sa pamamagitan ng pagpapasasa sa kanyang mga mailap na mga simbuyo ng damdamin. Nakipagkamay ako sa kanya. Tinanong ko siya patungkol sa kanyang kalusugan. Tapos sinabi ko, “gusto kong basahin mo ang aking mga pangaral sa Internet.” Ngumiti siya at nagsabi, “Nagbibiro ka ba? Binabasa ko ang mga ito sa iyong websayt kada linggo!” Ang aking puso ay lumundo sa galak! Ang kawawang lalake ay naging aking kaibigan sa loob ng kalahating siglo! Hindi ko siya dapat bibiguin! Hindi kita dapat bibiguin! Hindi ko pa nga dapat isipin ang pagiging isang “dakilang mangangaral.” Hindi ko siya dapat biguin! Hindi kita dapat biguin! Dapat kong sabihin sa nawawalang mga makasalanan malayo at malawak,

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Pinupuri ko Siya para sa naglilinis na dugo,
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Na nagpakasundo sa aking kaluluwa sa Diyos;
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Anong nakamamanghang Tagapagligtas si Hesus, aking Hesus!
   Anong nakamamanghang tagapagligtas si Hesus, aking Panginoon!

Alam ko ang pakiramdam na maging nawawala! Alam ko rin kung anong pakiramdam na maging nawawalang mangangaral – dahil ako rin ay noon isang nawawalang mangangaral sa loob ng tatlong taon, mula sa oras na ako’y “sumuko upang mangaral” sa edad na 17 hangang ako’y naligtas ng 20. Ito’y isang teribleng pakiramdam na maging nawawala tulad niyan. Ito’y parang Impiyerno sa lupa na maging nawawala, naisarhan ng mga tarangkahan ng komunyon sa Diyos, di kailan man sigurado, di kailan man tiyak, laging natatakot sa parusa, laging isinusumpa ang iyong sarili! O, mahal na kaibigan, tawagan ako. Hindi ko ititiwalag ang iyong kaluluwa – o tatalikuran ka. Tawagan ako at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ipakita sa iyo ang ibang paraan, ang paraan ng pagkakasundo – ang paraan ng paglilinis at bagong buhay – ang paraan ng Dugo ni Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos! Napalampasan ko ang paraan na iyan sa loob ng tatalong taon. Maaring napalampasan mo ito higit pa diyan. Ngunit bakit mag-aantay ng mas matagal pa? Alam mo na wala ka ng Dugo ni Kristo. Ngayon, magpunta at maligo nito. Ang propeta ay nagsabi kay Naaman ang may leproso, “Lumublob pitong beses sa Dagat ng Jordan at ika’y malilinis” (Isinalin mula sa cf. II Mga Hari 5:10, 14). At sasabihin ko sa iyo ngayong gabi, “Lumublob isang beses sa Dugo ni Hesus, at ika’y malilinis magpakailan man!

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Pinupuri ko Siya para sa naglilinis na dugo,
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Na nagpakasundo sa aking kaluluwa sa Diyos;
   Anong nakamamanghang Tagapagligtas!
Anong nakamamanghang Tagapagligtas si Hesus, aking Hesus!
   Anong nakamamanghang tagapagligtas si Hesus, aking Panginoon!

Si John Sung ay isang napaka talinong binatang Tsinong lalake na nagpunta sa Amerika upang mag-aral. Ngunit naramdaman niya na siya ay isang bigo. Nabigo siyang maging kung anong gusto ng ama niyang maging. Nabigo siya sa isang babae na kanyang nakilala sa seminaryo. Nabigo siyang mahanap ang kapayapaan. Siya ay nagulo ng pagkakasala. Siya ay nasa isang mabangis na espiritwal na pagkakagulo. Tapos, isang gabi noong Pebrero, nakita niya ang mga kasalanan ng kanyang buhay na nakakalat sa harap niya. Una mukhang walang paraan upang mawala ang mga ito at dapat siyang magpunta sa Impiyerno. Sinubukan niyang malimutan ang kanyang mga kasalanan, ngunit hindi niya kaya. Tinusok ng mga ito ang kanyang puso. Nagpunta siya sa kanyan baul at nahukay ang kanyang Bibliya. Tumingin siya sa pagpapako sa krus ni Hesus sa Lucas, kapitulo 23. Ang eksena ng pakamatay ni Hesus sa Krus para sa kanyang kasalanan ay napaka tindi na para ba siyang nasa paanan ng Krus, nagmamakaawa upang mahugasang malinis mula sa kanyang kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo. Nagpatuloy siyang lumuha at manalangin hanggang sa madaling araw.

Tapos nakarinig siya ng isang tinig sa kanyang puso na nagsabi, “Anak, ang iyong mga kasalanan ay napatawad.” Ang lahat ng bigat ng kasalanan ay para bang nahulog bigla mula sa kanyang mga balikat. Isang pakiramdam ng matinding kaluwagan ang dumating sa kanya at lumundag siya sa kanyang paa at sumigaw “Aleluya!” Tumakbo siya sa mga pasilyo ng dormitoriyo sumisigaw at nagpupuri sa Diyos para sa pagliligtas (isinalin mula sa hinango mula sa Isang Talambuhay ni John Sung [A Biography of John Sung] ni Leslie T. Lyall, China Inland Mission Overseas Missionary Fellowship, 1965 inilimbag muli, mga pah. 33, 34). Nagpatuloy siya upang maging ang pinaka dakilang ebanghelistikong mangangaral na nakilala ng Tsina!

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Nagmamakaawa ako sa iyo ngayong gabi na magpunta kay Hesus. Iligpit ang iyong mga pagdududa at mga takot. Magpunta sa Tagapagligtas. Maging mahugasan at malinis ng Kanyang mahal na Dugo. Amen. Dr. Chan, paki pangunhan kami sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 23:39-47.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Anong Nakamamanghang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa “What a Wonderful Saviour!” (ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).


ANG BALANGKAS NG

ANG NAKALILINIS NA DUGO

THE CLEANSING BLOOD

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan”
(I Ni Juan 1:7).

(Marcos 14:33, 34; Juan 19:34, 35)

I.   Una, ito’y ang Dugo ni Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos,
Mga Gawa 20:28.

II.  Pangalawa, ito’y ang Dugo ni Hesu-Kristo na naglilinis
sa atin mula sa kasalanan, I Ni Juan 1:7.