Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA LUHA NG TAGAPAGLIGTAS

THE TEARS OF THE SAVIOUR
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-4 ng Oktubre taon 2015

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).


Kamakilan lang nakakita ako ng isang videyo ng isang mangangaral na pinagagalitan ang isang grupo ng mga makasalanan sa labas ng kanyang simbahan. Patuloy niya silang sinisigawan, “Pupunta kayo sa Impiyerno!” “Masusunog kayo magpakailan man sa mga apoy ng Impiyerno!” Pinatay ko ang videyo at nasukang lubos sa loob ko. Walang isang salita ng kabutian mula sa mangangaral, wala ni isang salita ng pagdurusa para sa nawawala at nalitong mga tao na nakaharap niya, wala ni isang pagbanggit ng pag-ibig ni Hesus para sa nawawalang mundo.

Hindi ako makaisip ng kahit anong pagkakataon kung saan si Hesus ay nangaral na tulad niyan sa nawawalang karamihan. Oo, nagsalita siya ng malupit na mga salita. Oo, sinabihan niya ang mga kalalakihan na sila’y magpupunta sa Impiyerno. Ngunit inilaan niya ang mga salitang iyon sa mga manunulat at mga Fariseo – at mga huwad na mga relihiyosong pinuno ng Kanyang araw. Nadinig ko ang mga mangangaral na nagalit at sumigaw laban sa mga Mormon, mga Katoliko, mga Muslim, ang mga taong naligaw sa landas, at pati mga kolehiyong mag-aaral sa kanilang mga kampus. Ngunit habang tumatanda ako, mas higit kong naiisip na inilaan ni Hesus ang Kanyang pinaka malakas na paggalit para sa mga relihiyosong pinuno ng ating panahon. Iyong mga tulad ng mga Fariseo, na nangaral ng pagkarelihyoso kaysa ng Ebanghelyo, iyong mga sumalakay sa Bibliya sa mga seminaryo tulad ng Fuller, iyong mga nangral para sap era, iyong mga nangaral ng mga pantulong sa sariling psikolohiya, iyong mga nangaral “pangalanin ito at angkinin ito” na teyolohiya, iyong mga nangaral ng isang yumaman ng mabilisang mensahing kasaganahan, at iyong mga nangaral ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagbibigkas ng mga salita ng tinatawag na “panalangin ng makasalanan.” Oo! Naiisip ko na kung si Hesus ay narito ngayon, ipangangaral Niya, “Ika’y magpupunta sa Impiyerno.” Ngunit higit sa ganyang uri ng pangangaral Kanyang irereserba para sa mga mangangaral at mga huwad na mga guro ng ating panahon! – para sa mga kalalakihan na isinasara ang kanilang Linggong panggabing mga paglilingkod, at iniiwan ang kanilang mga kabataan na walang lugar para sa pagsasamahan sa gabi ng Linggo, para sa doon sa mga nangangaral na tuyo tulad ng alikabok na berso kada bersong pag-aaral ng Bibliya, nakatutok sa mga relihiyoso ngunit nawawalang mga tao na nagpupunta sa umaga lamang ng Linggo, para doon sa mga nagdadala ng rock na musika – at inaalis ang ebanghelistikong pangangaral – ng kanilang mga simbahan, para doon sa mga nagsasabi na ang Dugo ni Hesus ay nalipol at wala na upang maglinis ng nawawalang mga kalalakihan at kababaihan mula sa kanilang mga kasalanan! Sa tingin ko ay babaligtarin ni Kristo ang mga mesa ng pera, sa kanilang mga templo, at sasabihin sa kanila,

“Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13).

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan” (Mateo 23:25).

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal” (Mateo 23:27).

“Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33).

Oo, sa tingin ko si Kristo ay mangangaral tulad niyan sa huwad na mga mangangaral at huwad na mga guro ng ating araw at ating panahon!

Ngunit hindi Siya kailan man nangaral tulad niyan sa mga karamihan ng mga makasalanan na nagpunta upang marinig Siya. Para sa kanila Siya ay “isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman.” Nagsalita Siyang mahinahon sa babae sa balon, kahit na ikinasal na siya ng limang beses, at nabubuhay sa pagkakasala ng pangangalunya noong Kanya siyang nasalubong. Nagsalita Siyang mahinahon noong sa mga may sakit at namamatay, “ang lahat ng nangagsihipo [ng Kanyang damit] ay pawang nagsigaling” (Mateo 14:36). Sa babae na kinuha mula sa pinaka kilos ng pangangalunya sinabi Niyang napaka mahinahon, “Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala” (Juan 8:11). Sa magnanakaw sa krus sa tabi Niya, sinabi Niya, “Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43). Sa isang lumpo sinabi Niya, “Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na” (Mateo 9:2). Sa makasalanang babae na humalik sa Kanyang paa, sinabi Niya, “Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:48).

Si Hesus ba ay kailan man tumawa? Maari nga, ngunit hindi ito naitala sa Bibliya. Sa mga pahina ng Kasulatan tayo ay sinabihan na Siya ay isang “isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3). At sa mga pahina ng Kasulatan tayo ay sinabihan ng tatlong beses na Siya’y lumuha, at sa ating teksto makikita natin na ito’y bahagi ng Kanyang pagkatao – at isang mahalagang bahagi. Mahirap mailarawan ang walang silakbong damdamin na Buddha na lumuluha – imposibleng isipin ang hindi nakararamdam na Romanong diyos, o ang malamig ang dugong Allah ng Islam, na nagbubuhos ng mga luha. Ang mga luha ni Hesus ay nagpapakita sa atin ng pagkahabag ng Kanyang puso tungo sa pagdurusa ng tao.

Karamihan sa inyo ay alam na mayroon akong dakilang paggalang para kay Winston Churchill. Ngunit maari mo siya kilala gaya ng pagkakilala ng Inglatera sa kanya sa loob ng Ikalawang Makamundong Digmaan.

St. Paul's Cathedral
Ang Katedral ni Sto. Pablo, sa London sa loob ng pagbobomba.

Maari nalalaman mo ang kanyang mabagsik na mukha mula sa ikonikong larawan ni Yousuf Karsh. Ngunit sa mahabang mga buwan na ang London ay tinupok at sinunog ng mga bomba ni Hitler, ang mga Ingles na mga tao ay madalas siyang makita sa iba paraan. Pagkatapos ng isang gabi ng pagbobomba, makikita natin siyang naglalakad sa gitna ng mga pinagwasakan ng kanilang mga tahanan na may mga luha na bumabagsak pababa sa kanyang mga pisngi.

Sir Winston Churchill
Si Churchill sa loob pagbobomba ng London.

Humihinto siya sa labas ng isang nawasak na kanlungan kung saan apat na pung mga matatanda at mga bata ay namatay kagabi lamang. Isang dami ng mga tao ay nagpupulong habang si Churchill ay nagpupunas ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ang pulong ay nagsisigaw, “Inasahan naming ikaw ay darating!” Isang matandang babae ay sumigaw, “Kita niyo, tunay siyang nag-aalala, lumuluha siya.” Tapos mayroong isa pang sigaw mula sa pulong, “Kaya natin ito! Sabihin mo kay Hitler, kaya natin ito!” Maari sirain ni Hitler ang kanilang mga tahanan at kanilang mga lungsod gamit ng kanyang mga bomba, ngunit sa pagkasira lamang ng kanilang espiritu na matatalo mo sila. Sinabi na ang mga luha ni Churchill para sa kanyang mga tao ay gumawa ng higit kaysa sa kahit ibang bagay upang matalo ang kapangyarihan ng pandigmang makina ng mga Nazi. Lumuha Siya noong nakita niya ang mga taong nakatayo sa pila sa nasirang mga kalye, nag-aantay na bumili ng mga buto para sa kanilang mga ibon. Lumuha siya noong nakita niya ang mga katawan ng mga patay na mga katawan at namamatay na mga bata sa mga durog na mga bato. Hindi siya kailan man lumuha dahil sa takot, ngunit laging para sa pagdurusa ng kanyang mga kababayan.

Hindi, si Churchill ay hindi isang Kristiyano ayon sa doktrina. Ngunit natutunan niyang maramdaman ang mga emosyon tulad ng isang Kristiyano mula sa kanyang matandang Metodistang yaya, si Gng. Everest. Ang kanyang larawan ay nakasabit malapit sa kanyang kama hanggang sa araw na siya’y namatay. Gayon, mayroon siyang mga emosyon ng isang Kristiyano, higit sa kahit sinong pinuno na aking maisip sa ating panahon. Imposibleng mailarawan ang Ayatollah Ali Ali Khamenei, o Vladimir Putin, o Barack Obama na lumuluha dahil sa pagka-awa para sa mga nagdurusang ng kanilang mga tao. Pagka-awa ay isang Kristiyanong katangian – na itinuro sa malamig na Romanong mundo ng Unang Siglo ni Hesus, “isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3).

“Isang taong sa kapanglawan,” anong pangalan,
   Para sa Anak ng Diyos na dumating,
Nasirang mga makasalanan upang tubusin!
   Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya, Anong Tagapagligtas!”. Isinalin mula sa
“Hallelujah, What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

Tatlong beses tayo ay sinabihan sa Kasulatan na si Hesus ay lumuha.

I. Una, Si Hesus ay lumuha para sa lungsod.

Dumating siya sa Jerusalem isang umaga sakay ang isang buriko. Isang dakilang dami ng mga tao ang sumunod sa Kanya sumisigaw, “Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan” (Mateo 21:9). Ito’y tinatawag na “Matangloy na Pagpasok” ni Hesus sa Linggo ng Palaspas,

The Triumphal Entry
Ang matangloy na pagpasok ni Hesus sa “Linggo ng Palaspas.”

Ngunit bihira tayong nasasabihin kung paano natapos ang araw na iyon,

“Nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan” (Lucas 19:41).

Si Dr. W. A. Criswell ay isa sa mga pinaka dakilang mangangaral na aking nadinig kailan man. Siya ang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas sa loob ng anim na pung taon. Sa isa sa kanyang mga pangaral, si Dr. Criswell ay nagsalita patungkol sa isang mangangaral na kamakailan lang ay nagpunta sa isang pastor ng isang simbahan sa isang dakilang lungsod.

      “Noong ang panahon para sa kanya ay dumating upang mangaral wala siya doon. Ang diakono ay sinabihan upang humanap ng isang mangangaral. Noong nahanap niya siya ang mangangaral ay nasa kanyang opisina, nakatayo sa tabi ng kanyang bintana, tumitingin sa malawak na sakop ng mga dukha ng bumabagsak na lungsod. Sinabi ng diakono sa kanya, ‘Ginoo ang mga tao ay naghihintay at ang oras ay dumating para sa inyong mangaral.’ Ang pastor ay sumagot, ‘Ako’y naipit sa pagdurusa at paghahapis at pagkasira ng puso at kawalan ng pag-asa ng mga tao. Tignan mo lang. Tumingin ka lang – habang siya’y tumuro sa lungsod. Ang diakono ay sumagot, ‘Oo, ginoo, alam ko po. Ngunit ikaw rin ay masasanay rito. Ang panahon ay dumating para sa inyong mangaral.’”

At tapos sinabi ni Dr. Criswell,

“Iyan ang ikinatatakot ko sa akin, sa simbahan, sa lahat ng mga simbahan. Masasanay tayo rito. Ang mga tao ay nawawala – ano ngayon? Wala silang pag-asa – ano ngayon? At sa wakas nasanay tayo – at palalampasan ito. Dito tayo ay naiiba mula kay Kristo. ‘Nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan’” (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Ang Mahabaging Kristo [The Compassionate Christ], Crescendo Book Publications, 1976, pah. 58).

Noong si Hesus ay tumyo sa Bundok ng Olivo sa araw na iyon at tumingin ibabaw ng lungsod ng Jerusalem, sinong mag-akala na apat na taon maya-maya ito’y magiging wala na? Sinong mag-aakala na isang henerasyon maya-maya ang mga lehiyon ng Romanong heneral na si Titus ay mamartilyohin pabagsak ang mga tarangkahan at mga pader, at susunugin ang templo ng Diyos? Walang matitira kundi bahagi ng isang batong pader na pumaligid sa Banal na Templo. “Ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.” At tapos lumuha Siya. Lumuha si Hesus dahil sa nawawalang lungsod.

Mayroong isang nagsasabi, “Ngunit pastor anong maari naming gawin?” Hindi namin maligtas ang lahat ng mga tao. Hindi namin maligtas ang karamihan ng mga tao. Ngunit maliligtas namin ang ilan sa mga tao. Maari kang magpunta sa Miyerkules at Huwebes ng gabing ebanghelismo. Maari kang magpunta sa ebanghelismo ng Sabado ng gabi! Maari kang magpunta at kunin sila sa Linggo ng hapon! Maari mong gawin iyan! Balang araw ang mga kalye ng ating lungsod ay mapupuno ng mga labi at usok at dugo at kamatayan. Balang araw ito’y huli na upang iligtas ang kahit sino. Ngayon, sa oras na ito, magpunta bilang mga sundalo ng krus at tagasunod ng Kordero. Ngayon ay ang oras upang tulungan ang mahirap, mga nawawalang mga makasalanan na mahanap si Kisto, at mahanap ang kapatawaran, at mahanap ang pag-asa! “At nang malapit na siya, nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan.”

II. Pangalawa, si Hesus ay lumuha sa pagkakakadalamhati.

Sinabi Niya sa Kanyang mga Disipolo, “Si Lazaro na ating kaibigan…ay patay” (Juan 11:11, 14). Sinabi Niya, “Magpupunta ako upang gisingin siya” – iyan ay, upang ibangon siya mula sa pagkamatay. Kaya nagpunta sila sa Bethany, sa tahanan ni Lazarus. Ang mga pagano ay tumukoy patungkol sa isang “libingan.” Ngunit ang mga Kristiyano ay tumutukoy sa isang “sementeryo” – alin ay Griyegong salita na nangangahulugang isang lugar ng tulugan, kung saan inilalagay natin ang ating mga patay hanggang sa dumating si Hesus upang gisingin sila. Iyan ang gagawin ni Hesus para kay Lazarus. Ngunit nag-antay Siya ng apat na araw upang ipakita ng himala ang Kanyang pagka-diyos at Kanyang kapangyarihan, upang Siya’y kanilang paniwalaan.

Ngayon nilapitan ni Hesus ang libingan ni Lazarus. Si Maria, ang kapatid na babae ni Lazarus, ay sinalubong si Hesus habang Siya’y papalapit.

“Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan” (Juan 11:33).

Sa orihinal na Griyego ibig nitong sabihin na si Hesus ay lubos na nasira, ang Kanyang dibdib ay humihika, tumataghoy, sumisinghal, humihingal (ĕmbrimaŏmai) – lubos na nabalisa, bumalugha tulad ng dagat sa isang bagyo, lubos na nagulo, lubos na naligalig (tarassō). Nadama mo ba iyan kailan man kapag mayroong isang taong napaka lapit sa iyo na namatay? Naramdaman ko iyan. Bumagsak na ako at tumataghoy, at sumisinghal at humihika. Ako’y lubos na nagulo at bumalugha tulad ng isang kumukulong tubig, lubos na nabalisa. Naramdaman ko lamang iyang lubos na sakit at pagkabigat kaunting beses sa aking buhay – ngunit ang mga iyon ay sapat upang gawin akong maintindihan ang naramdaman ni Hesus. Naramdaman ko iyan noong ang aking malambing na lola, si Inang Flowers, ay namatay. Naramdamn ko iyan noong ang aking buhay ay gumuho sa liberal na Katimugang Bautistang seminaryo. Naramdaman ko iyan noong ang aking inang si Cecelia, ay namatay. Hindi ito mali. Ipinapakita ni Hesus sa atin, sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa, na hindi ito kasalanan para sa atin na minsan ay maramdaman ang pagdadalamhati pa minsan rin. Siya ay nadala ng malakas na pagdadalamhati sa pagdadalamhati ni Maria, at Marta, at ang mga kaibigan ni Lazarus, na lumuha dahil siya ay namatay.

Alam ni Hesus na ibabangon Niya si Lazarus mula sa pagkamatay sa ilang minuto maya maya. Ngunit Siya nasira at nahapis sa pinaka katunayan ng kamatayan, at ang dala nitong pagdurusa sa atin. At tapos, dalawang mga berso maya maya, sa ika labing isang kapitulo ng Juan, tayo ay binigyan ng pinaka maikling berso sa buong Bibliya. Sa pamamagitan ng Kanyang hapis at pagluha, sinabi ni Hesus, “Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo.” Tapos ang pinaka maikling berso,

“Tumangis si Jesus” (Juan 11:35).

Hinati Niya ang pagdurusa ni Maria at Marta, dahil minahal Niya rin ang kanilang kapatid na si Lazarus. At hinahati ni Hesus ang ating pighati at pagdurusa rin. Kinaawaan ko ang iyong henerasyon. Sa napaka raming mga simbahan hindi na nila kinakanta ang mga lumang mga himno – ang mga nakahahawak sa mga pusong mga puso at nagpapalugod sa kaluluwa. Ang mga kabtaan ngayon ay di alam ang mga ito, at gayon hindi makatingin sa mga ito sa mga panahon ng kaguluhan. Ngunit ang lumang mga himno ang mga bumuhat sa aking kaluluwa sa loob ng kadiliman.

Anong kaibigan ang mayroon tayo kay Hesus,
   Ang lahat ng ating mga kasalanan at pighati upang buhatin!
Anong pribilehiyo na buhatin
   Ang lahat sa Diyos sa panalangin…
Makahahanap ba tayo ng kaibigan na lubos na tapat,
   Sinong ay hahatiin ang lahat ng ating pagdurusa?
Alam ni Hesus ang bawat lahat ng ating kahinaan,
   Dalhin ito sa Panginoon sa panalangin.
(“Anong Isang Kaibigan Na Mayroong Tayo kay Hesusu.” Isinalin mula sa “What a Friend We Have in Jesus” ni Joseph Scriven, 1819-1886).

“Tumangis si Jesus” (Juan 11:35).

Ang mahal na mga luha ni Hesus. Ang pagkahabag ni Hesus. Salamat sa Diyos para sa pagdadalamhati ni Hesus.

Dinala ako ni Dr. Henry M. McGowan kasama ng kanyang pamilya sa isang Bautistang simbahan sa unang pagkakataon noong ako ay isang batang lalake. Minsan ay sinabi niya sa akin na ako ay parang isang anak sa kanya. Ang aking pamilya at ako ay bumalik sa Vernon, Texas upang makita siya ng maraming beses. Sa isa sa mga paglalakbay na iyon binigyan niya ako ng isang maliit na blankong bersong tula na nagpapaliwanag ng maraming mga bagay. Ito’y isinulat ng isang batang babae na nagngangalang Mary Stevenson noong siya ay 14 na gulang lamang:

Isang gabi napaniginipan ko ang isang panaginip.
Habang ako’y naglalakad sa tabi ng dapat kasama ng akin Panginoon.
Sa gitna ng madilim na langit ay isang iglap
Na nagpakita ang mga eksena ng aking buhay.
Sa bawat eksena, napansin ko ang dalawang piraso
Ng bakas ng paa sa buhangin,
Isa ay sa akin at isa sa aking Panginoon.

Pakatapos ng huling eksena ng aking buhay ay nagpakita sa harap ko,
Tumingin ako sa aking likod sa mga bakas ng paa sa buhangin.
Napansin ko na sa maraming pagkakataon sa daanan ng aking buhay,
Lalo na sa pinaka mababa at pinaka malungkot na panahon,
Mayroon lamang isang piraso ng bakas ng paa.

Nagulo talaga ako nito, kaya tinanong ko ang Panginoon tungkol rito.
“Panginoon, sinabi mo na sa oraas na nagpasiya akong sundan ka,
Lalakad ka kasama ko sa buong daan.
Ngunit napansin ko na sa loob ng pinaka malungkot
At pinaka nakagugulong mga panahon ng aking buhay,
Mayroon lamang isang piraso ng bakas ng mga paa.
Hindi ko maintindihan kung bakit, kapag kinailangan Kitang higit,
Iiwanan Mo ako.”

Binulong Niya, “Aking mahal na anak, minamahal kita at
Hindi kita kailan man iiwanan.
Hindi, kailan man, sa loob ng iyong mga pagsubok at paghihirap,
Noong nakita mo ang isang piraso lamang bakas ng mga paa,
Ito noon na ika’y aking binuhat.”
   (“Mga Bakas ng Paa sa Buhangin.” Isinalin mula sa
      “Footprints in the Sand” ni Mary Stevenson, 1922-1999; isinulat noong 1936).

Si Hesus ay tumangis dahil sa mga lungsod – nawawala, na walang pag-asa. Si Hesus ay tumatangis kasama natin sa mga panahon ng pagdurusa.

III. Pangatlo, si Hesus ay tumatangis para sa atin habang nagbabayad Siya sa ating mga kasalanan.

Sinasabi ng Mga Taga Hebreo 5:7,

“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7).

Ito’y si Hesus, lumuluha sa Harding ng Gethsemani, sa gabi bago Siya naipako sa krus. Sinabi ni Dr. Criswell,

Sinabi ni Isaias, “Makikita ng Diyos ang pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan.” Sa paanuman, sa isang misteryo na hindi natin mapasok, ginawa ng Diyos Siyang maging kasalanan para sa atin. At sa pagbubuhat ng bigat at karga ng lahat ng kasalanan sa mundo, sumigaw Siya na may malaks na pagsigaw at mga luha, “Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito.” (Isinalin mula sa ibid., pah. 60).

Si Hesus ay sumigaw na may mabigat na mga luha, para sa Diyos na illigtas ang Kanyang buhay sa Gethsemane, upang Siya’y mabuhay upang dalhin ang ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa Krus sa sunod na umaga. At sa Krus sumigaw Siya, “Tapos na” (Juan 19:30) – at yinuko Niya ang Kanyang ulo at namatay. Na may malakas na pagsigaw at luha, Siya ay ipinako sa Krus upang bayaran ang buong multa para sa ating mga kasalanan.

Mataas sa bundok ng Kalbaryo, isang katakot-takot na umaga,
   Lumakad si Kristo aking Tagapagligtas, nag-aalala at pagod na pagod;
Humaharap para sa mga makasalanan kamatayan sa Krus,
   Upang iligtas Niya tayo mula sa walang katapusang pagkawala.
Pinagpalang Tagapagligtas! Mahal na Tagapagligtas!
   Mukhang nakikita ko Siya sa puno ng Kalbaryo;
Nasugatan at dumurugo, para sa pagmamaka-awa ng makasalanan –
   Nabulag at malingat – namamatay para sa akin!
(“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa “Blessed Redeemer”
   ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).

Hinihingi kong magtiwala ka kay Hesus, na nagbuhos ng maraming luha, at ibinuhos ang Kanyang Dugo sa Krus upang iligtas ka mula sa kasalanan at Paghahatol. Siya na ngayon ay nasa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Magpunta na may simpleng pananampalataya at magtiwala sa Kanya. Ang Kanyang mahal na Dugo ay maglilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan – at bibigyan ka ng walang hanggang mbuhay. Amen. Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 22:39-44.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa “Blessed Redeemer” (ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).


ANG BALANGKAS NG

ANG MGA LUHA NG TAGAPAGLIGTAS

THE TEARS OF THE SAVIOUR

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

(Mateo 23:13, 25, 27, 33; 14:36; Juan 8:11;
Lucas 23:43; Mateo 9:2; Lucas 7:48)

I.   Una, Si Hesus ay lumuha para sa lungsod, Mateo 21:9;
Lucas 19:41.

II.  Pangalawa, si Hesus ay lumuha sa pagkakakadalamhati,
Juan 11:11, 14, 33, 35.

III. Pangatlo, si Hesus ay tumatangis para sa atin habang nagbabayad
Siya sa ating mga kasalanan, Mga Taga Hebreo 5:7;
Lucas 22:44; Juan 19:30.