Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAANO MANALANGIN PARA SA MULING PAGKABUHAY

(PANGARAL BILANG 22 SA MULING PAGKABUHAY)

HOW TO PRAY FOR REVIVAL
(SERMON NUMBER 22 ON REVIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Setyembre taon 2015


Lumipat sa Mga Gawa 1:8. Ito’y nasa pahina 1148 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Tumayo habang babasahin ko ito. Ang mga ito’y ang salita ni Kristo na ibinigay sa unang mga Kristiyano,

“Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa” (Mga Gawa 1:8).

Maari nang magsi-upo.

Ang ilang mga mangangaral ay nagsasabi na ito’y tumutukoy lamang sa isang pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa Pentekostes. Sinasabi nila na hindi natin maasahan ang Banal na Espiritu na bumaba sa atin gaya ng ginawa Niya noon. Marami sa kanila ay natatakot na ang kanilang mga tao ay magiging mga Pentekostal kung sasabihin nila na isang pagbubuhos ng Espiritu ay darating ngayon. Kaya pinapawi nila ang gawain ng kumbiksyon at pagbabagong loob dahil kinatatakutan nila ang Pentekostalismo. Ngunit mali sila kapag sinasabi nila na hindi namin maasahan ang Banal na Espiritu na bumaba sa ating panahon. Ang huling walong mga salita ng ating teksto ay nagpapakita na mali sila, “Hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” Isang makabagong pagsasalin ang naglalagay nito, “hanggang sa pinaka malayong bahagi ng mundo.” Dahil iyong maaagang mga Kristiyano ay di nagpunta sa “kahulihulihan” o “pinakamalayong” bahagi ng mundo, si Hesus ay nagsasalita sa lahat ng mga Kristyano, sa lahat ng panahon. Sinabi niya sa kanila, at sa atin, “Makatatanggap ka ng kapangyarihan, pagkatapos na ang Banal na Espiritu ay bababa sa iyo.” Ito’y pinatutunayan ng sinabi ni Pedro maya-maya, sa Mga Gawa 2:39. Lumipat rito.

“Sapagka't sa inyo ang pangako [ng Banal na Espiritu], at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya” (Mga Gawa 2:39).

Kaya ang mga Disipolo ay bumalik sa Jerusalem, at pumasok sa mas mataas na silid upang manalangin. Anong ipinalangin nila? Nanalangin sila sa para kapangyarihan ng Banal ng Espiritu na ipinangako ni Hesus noong sinabi Niya, “Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 1:8). Sumasang-ayon akong lubos kay Iain H. Murray. Sinabi niya,

Habang ang mga Pentekostes ay nagsimula ng isang bagong panahon, ang gawain ni Kristo sa pagkakaloob ng Espiritu ay hindi natapos riyan. At ang mas punong komunikasyon ng Espiritu na nagmamarka sa buong [Kristiyanong] panahon, ay nagsimula sa Pentekostes, ay hind maging di nagbabago at matatag; dahil kung ganito ito, anong layunin ang magagawa ng pananalangin para sa mas higit na Espiritu ng Diyos na kasing linaw ng nautusan ang mga disipolong gawin? Ito’y isang tugon sa kahilingan na ‘turuan mo kaming manalangin’ na sinabi ni Hesus: “Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa Kaniya” (Lucas 11:13). Ang pangakong ito walang patuloy na kahalagahan para sa Kristiyano maliban na lang na mayroong mas higit na matatanggap (Iain H. Murray, Pentekostes Ngayon? Ang Biblikal na Pagkakaintindi ng Muling Pagkabuhay, [Pentecost Today? The Biblical Understanding of Revival], The Banner of Truth Trust, 1998, pah. 21).

Sinabi ni Alexander Moody Stuart, “Habang ang Banal na Espiritu ay laging naroon sa kanyang simbahan, mayroong mga panahon kapag dinadala niyang mas malapit at naglalagay ng mas matinding lakas ng kapangyarihan” (Isinalin mula kay Murray, ibid., pah. 22).

Ngunit nakita lamang natin ang kaunti niyan simula ng dakilang muling pakabuhay ng taong 1859, napaka kaunti nga. Kumbinsido ako na ang pangunahing dahilan ay ang katunayan na karamihan sa mga ebanghelikal ay hindi na naniniwala na ang mga kumbersyon ay mga himala. Karamihan sa mga ebanghelikal ngayon ay nag-iisip na ang lahat na kailangan mong gawin ay himukin ang isang nawawalang taong sabihin ang mga salita ng tinatawag na “panalangin ng makasalanan.” Sabihin mo lang ang mga salitang iyon at ika’y maliligtas! Sinasabi iyan ni Joel Osteen sa katapusan ng bawat pangaral. Kinukuha niya ang mga taong sabihin ang mga salitang iyon ng panalangin. Tapos sinasabi niya, “Naniniwala kami na kung sinabi mo ang mga salitang iyon ikaw ay napagbagong loob.” Kita mo walang pangangailan na gumawa ng isang himala ang Banal na Espiritu! Kung sasabihin mo ang mga salitang iyon “ikaw ay naipanganak muli.”

Ito’y isang pagbalik sa lumang erehiya ng Pelagianismo – isang doktrina na nagtuturo sa isang tao na kaya niyang magawang mangyari ang sarili niyang muling pagkabuhay – sa kalagayang ito, sa pamamagitan ng pagsasabi ng kaunting mga salita! O sa pagpupunta sa “harap” sa isang Kristiyanong paglilingkod – o sa pagtataas ng iyong kamay! “Lahat kayong gustong maligtas, itaas mo lang ang iyong kamay.” Ito’y hilaw na Pelagianismo! Isang pagbalik sa lumang erehiya, na nagtuturo na ang isang nawawalang tao ay maaring maligtas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng isang gawain, o sa pagsasabi ng mga salita ng isang panalangin. Tinatawag ko itong ang “salamangkang panalangin.” Ito’y aktwal na isang “salamangka” kaysa Kristiyano. Sa salamangka sinasabi mo ang mga partikular na mga salita, o ginagawa ang partikular na mga pagkilos, at ang mga salitang iyon o pagkilos ay nagbubunga ng isang higit sa natural na mga resulta. Ang Engkantada ay pinagalaw ang kanyang salamangkang salamangkang patpat at nagsabi, “Bibbidi-Bobbidi-Boo” at ang kalabasa ay naging isang kalesa para kay Cinderella! Ngunit ang pagbabagong loob ay hindi tulad ng “salamangka” na nakikita mo sa isang Disney na kartun! Si Walt Disney ay interesado sa salamangka, tulad ng “Ang Baguhan ng Manggagaway”[Sorcerer’s Apprentice] sa “Fantasia,” kasama ng lahat ng mga walis na iyon na nagsisisaya! Ito’y lahat sa pamamagitan ng mga Disney na mga kartun na tampok. At sinasabi ko ito’y sa lahat ng makabagong ebanghelikal na mga ideya ng pagbabagong loob rin! Dahil isang masusing pagsusuri ng problemang ito basahin ang aklat ni David Malcolm Bennett, AngPanalangin ng Makasalanan: Ang mga Pinagmulan at mga Panganib [The Sinner’s Prayer: Its Origins and Dangers] Even Before Publishing, n.d., makukuha sa Amazon.com.

Ang bawat tunay na pagbabagong loob ay isang himala. Paki lipat kasama ko sa Marcos 10:26. Ito’y nasa pahina 1059 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield.

“At sila'y nangagtatakang lubha, na sinasabi sa kaniya, Sino nga kaya ang makaliligtas? Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao…” (Marcos 10:26, 27).

Tinanong nila, “Sino gayon ang maaring maligtas?” Sumagot si Hesus, “Hindi maari ito sa mga tao.” Ang tao sa isang kalagayan ng kasalanan ay walang kahit anong magagawa upang maligtas o matulungan ang kanyang sariling maligtas! Ngunit sinabi ni Hesus, “datapuwa't hindi gayon sa Dios: sapagka't ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios.” Ang kaligtasan ng isang tao ay isang himala mula sa Diyos! Nakakita kami ng maraming umaasang pagbabagong loob ngayong taon, dalawa sa kanila noong huling Linggo at isa ngayong umaga. Ang bawat tunay na pagbabagong loob ay isang himala. Tamang-tamang sinabi ni Paul Cook, “Ang katangian ng muling pagkabuhay ay hindi naiiba mula sa katangian ng kahit anong normal na pagkilos ng Banal na Espiritu maliban sa tuntunin ng kalakasan at lawak” (Isinalin mula sa Apoy Mula sa Langit [Fire From Heaven], EP Books, 2009, pah. 117).

Kapag ang isang tao ay napagbagong loob ito’y isang himala mula sa Diyos. Kapag maraming mga tao ay napagbagong loob sa isang maikling panahon ito’y isang himala mula sa Diyos. Ang pagkakaiba laman ay “sa tuntunin ng kalakasan at kalawakan.” Kapag tayo’y nananalangin para sa muling pagkabuhay, nananalangin tayo para sa Banal na Espiritu na kumilos sa mga puso ng maraming mga taong magkakasama.

Anong ginagawa ng Banal na Espiritu sa pagbabagong loob? Una, “pagparito niya, ay kaniyang susumbatan…tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8). Sinabi ni Paul Cook, “Ang mga tao ay hindi kailan man natural na nasusumbatan ng kanilang kasalanan; sa kalikasan sila’y nagpapatunay ng kanilang sarili. Isang tiyak na gawain ng Espiritu ay kinakailangan. At kapag ang Espiritu ay kumikilos, ang kasalanan ay nagiging kasuklam-suklam [terible, nakapandidiri], nagdadala sa isang taong kamuhian ito at iwanan ito.” Gaya ng sinabi ng isang babae, “Ako’y nandiri sa aking sarili.” Iyan ay isang mainam na kahulugan ng kombiksyon na aking nakita kailan man. “Ako’y nandiri sa aking sarili.” Kung wala kang pinaka kaunting kombiksyon ng kasalanan na tulad niyan, hindi ka magkakaroon ng tunay nag pagbabagong loob. Kaya dapat tayong manalangin para sa Banal na Espiritu na magbigay ng kombiksyon ng kasalanan doon sa mga di ligtas.

Ang pangalawang bagay na ginagawa ng Banal na Espiritu sa isang pagbabagong loob ay gawin si Kristong kilala sa isang tao na nasa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan. Sinabi ni Hesus, “Kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14). Isang makabagong pagsasalin ang naglagay nito, “Kukunin niya…ang akin at gagawin itong kilala sa iyo.” Hindi kailan man malalaman ng isang nawawalang tao si Kristong personal maliban na gawin siya ng Banal na Espiritung makilala Siya. Ngunit kung hindi ka nakumbinsi ng kasalanan, hindi gagawin ng Banal na Espiritu si Kristong totoo sa iyo sa kaligtasan.

Kaya, kapag tayo ay nananalangin para sa Banal na Espiritu na bumaba sa kapangyarihan, tayo ay pangunahing humihingi sa Diyos sa ipadala ang Espiritu upang (1) kumbinsihin ang nawawalwang tao ng kanyang teribleng kalikasan ng kasalanan, at (2) dapat tayong manalangin para sa Banal na Espiritu na ilantad si Kristo sa taong iyon, upang maari niyang aktwal na makilala ang kapangyarihan ng Dugo ni Kristo naglilinis sa kanya mula sa kasalanan. Kumbiksyon ng kasalanan at paglilinis ng Dugo ni Kristo ay dalawang pangunahin gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang tunay na pagbabagong loob, gaya ng pagkalantad nito sa ika-16 na kapitulo ni Juan. Sinabi ni Brian H. Edward, “Hindi maraming mga Kristiyano ngayon ang alam kung anong ipapanalangin pagka ito’y iminungkahi na sila’y manalangin para sa muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay [Revival], Evangelical Press, 2004 edisiyon, pah. 80).

Isa sa mga dahilan na hindi nila alam kung anong ipananalangin ay dahil karamihan sa mga Kristiyano ngayon ay di nakikita ang pangangailangan ng mga nawawalang mga tao na napupunta sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan, at hindi sila naniniwala sa “krisis na pagbabagong loob” gaya ng mga ninuno natin. Ngunit sinabi ko sa iyo na dapat tayong manalangin para sa Banal na Espiritu na bumaba at kumbinsihin ang nawawalang mga taong nagpupunta sa ating simbahan. Kung hindi sila pupunta sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan hindi sila maliligtas. Mayroong mga eksepsyon, ngunit napaka kaunti ng mga ito. Ang nag-iisang halimbawa na aking mahahanap sa Bibliya ay ang pagbabagong loob ni Zacchaeus na ibinigay sa ika-labin siyam na kapitulo ng Lucas. Hindi natin siya nakikitang lumuluha, na karaniwan sa karamihan sa mga tunay na mga kombiksyon. Gayon ipinangako ni Zacchaeus kay Kristo na ibibigay niya ang kalahati ng kanyang kayamanan sa mahihirap, at ibabalik niya sa lahat na kanyang ninakawan apat na beses na kanyang kinuha. Ipinapakita nito na siya ay nasa ilalim ng kombiksyon pagkatapos ng lahat! Sa tingin ko ang pagbabagong loob ni Zacchaeus ay nagpapakita na ang ilang mga tao, sa isang maliit na bilang, ay nagsisisi ng kanilang mga kasalanan na karaniwan ay walang mga luha na kasama ng karamihang mga paggigising.

At tapos, ang isa pang dahilan na karamihan sa mga ebanghelikal ay di alam kung anong ipananalangin ay karamihan sa mga ebanghelikal ngayon ay hindi naniniwala sa “krisi” na pagbabagong loob, gaya ng ginawa ng ating mga ninuno. Sinabi ng ating mga ninuno na ang isang tao sa ilalim ng kombiksyon ay “nagising,” ngunit hindi pa ligtas. Ang ating mga ninuno ay nagsabi na ang isang nagising na tao ay kailangang dumaan sa lubos na paghihirap ng pagtalikod mula sa kasalanan, tulad ng isang babaeng dumadaan sa mga sakit ng pagkakaroon ng isang sanggol. Sa pamamagitan lamang nito, na sinabi ng ating mga ninuno, na ang isang tao ay maaring tunay na maranasan ang muling pagkabuhay (Isinalin mula sa cf. ang pagbabagong loob ni “Kristiyan” sa Pagunlad ng Peregrino [the conversion of “Christian” in Pilgrim’s Progress]).

Sumasang-ayon ako kay Dr. Martyn Lloyd-Jones na ang Apostol Pablo ay nagbibigay sa atin ng isang halimbawa ng isang tunay na pagbabagong loob sa huling mg berso ng Mga Taga Roma 7. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones na ang mga bersong ito ay naglalarawan sa sariling pagbabagong loob ni Pablo. Sumasang-ayon ako. Sinabi ni Pablo,

“Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).

Iyan ay kombiksyon! – kapag ang makasalanan ay sumusuko sa kanyang sarili at nandidiri sa kanyang makasalanang puso na nag-alipin sa kanya. Ngunit gayon sinabi ni Pablo,

“Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 7:25).

Iyan ang pagbabagong loob – kapag ang nahihirapang makasalanan ay naligtas ni Hesu-Kristo ang Panginoon! Ito’y rito, sa unang pagkakataon, na ang makasalanan, na ginawang makita na siya ay walang pag-asang alipin sa kasalanan, ay sa wakas tumitingin kay Hesus at nalilinisan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Isa sa pinaka dakilang trahedya ng ating panahon ay na ang karamihan sa mga ebanghelikal ay di kailan man pinapayagan ang kahit sino na dumaan sa dalawa sa pinaka mahalagang mga karanasan. Sa pinaka unang kirot ng konsensya, o siguro ay di pa nga, ang desisyonista ay kukunin silang magsabi ng panalangin ng makasalanan. Naniniwala ako na iyan ang nag-iisang pinaka mahalagang dahilan na hindi tayo nagkakaroon ng nagbabago ng bansang muling pagkabuhay sa Amerika simula noong taong 1859.

Kaya, ito ang mga bagay na dapat mong ipagdasal kung gusto mo ang ating simbahan na magkaroon ng isang muling pagkabuhay. Una, manalangin para sa Diyos na ipadala ang Banal na Espiritu upang kumbinsihin ang nawawalang mga tao ng kasalanan. Pangalawa, manalangin para sa Espiritu ng Diyos na ilantad si Hesus sa kanila at dalhin sila sa Kanya, para sa pagpapatawad sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus, at paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo!

Sinabi ni Pastor Brian H. Edwards na muling pagkabuhay na mga panalangin ay nakasentro sa “napagbagong loob, ang balisa (nagising), at ang di nagising” (Isinalin mula sa Muling Pagkabuhay [Revival], Evangelical Press, 2004 edisiyon, pah. 127). Bakit ang mga muling pagkabuhay na mga panalangin ay nakasentro sa “napagbagong loob” gayon din sa “nabablisa” at “di nagising”? Dahil iyong mga napagbagong loob ay maaring nanumbalik sa dating sama. Sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan ang muling pagkabuhay ay nagsimula doon sa mga ligtas na mga tao na nagkasala sa kanilang mga puso. Nagsimula nilang ikumpisal ang kanilang mga kasalanang bukas, na may mga luha, sa harap ng lahat. Ang ilan ay mayroong pagkapait sa isa’t isa sa simbahan. Ang ilan ay pinayagan ang mga lihim na mga kasalanan na pumasok sa kanilang mga buhay. Pinahintulutan nila ang kanilang mga kasalanan, nagsasabi na hindi ito mahalaga. Ngunit ang Banal na Espiritu ay bumaba, nabiyak ang kanilang mga puso. Natanto nila na sila’y malamig at patay sa kanilang mga panalangin. Natanto nila na sila’y mapait at galit sa iba sa simbahan. Ang iba ay tumanging gawin ang alam nila gusto ng Diyos na gawin nila.

Sa isa pang muling pagkabuhay “isang malaki [malakas] na ebanghelista ay nahanap na pinipiga ang kaniyang mga kamay, na mayroong mga luha na bumabagsak sa sahig. Ang tao [ay] naggabay sa mraming kay Kristo, ngunit mayroong siyang…kasalanan na ikukumpisal at hindi makahanap ng kapayapaan hanggang sa tumayo siya sa harap ng simbahan at [ikinumpisal] ito lahat. Ang kanyang mga salita ay tulad ng isang kuryente at ang mga tao ay bumagsak sa sahig sa pagsisisi” (Isinalin mula kay Brian Edwards, Muling Pagkabuhay: Isang Grupo ng mga Taong Basangbasa Ng Diyos [Revival: A People Saturated With God], Evangelical Press, 1991 edisiyon, pah. 261).

Maaring mayroong isang Kristiyano sa ating simbahan na tumatangging sundin ang Diyos patungkol sa isang bagay. Maaring humadlang ito sa muling pagkabuhay! Noong ang muling pagkabuahy ay dumating sa Kolehiyo ng Asbury sa Wilmore, Kentucky noong mga taong 1970 daan-daan sa mga tunay na napagbagong loob na mga mag-aaral ay naramdaman na kinailangan nilang magkumpisal…sa publiko. Tumayo sila sa pila, minsan ng maraming oras, naghihintay upang makuha ang mikropono sa kapilya upang sila’y makapagkumpisal…ng kanilang [di pagsunod] at humingi ng panalangin.

Ang taong namumuno ng pagpupulong sa Asbury ay hindi nanalangin. Imbes ay madalian niyang ibinigay ang kanyang testimonyo, at nagbigay ng isang imbitasyon para sa mga mag-aaral upang mag-usap patungkol sa kanilang sariling Kristiyanong karanasan. Walang partikular na di pangkaraniwan tungkol riyan. Isang mag-aaral ang tumugon sa kanyang alok. Tapos isa pa. Tapos isa pa. “Tapos nagsimula silang magsibuhos sa altar,” ang sabi niya. “Bigla nalang itong nabiyak.” Dahan-dahan hindi mapaliwanag, mga mag-aaral at mga miyembro ng pakultad pareho ay nahanap ang kanilang mga sariling tahimik na nananalangin, lumuluha, kumakanta. Hinanap nila ang iba na kanilang nagawan ng masamang gawain at humingi ng kapatawaran. Ang paglilingkod sa kapilya ay nagpatuloy ng walong araw [24 na oras kada araw].

Ito sakto ang nangyari sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan rin, halos parehong beses ng muling pagkabuhay ng Asbury. Nagpatuloy ito ng maraming oras, habang ang mga Tsinong kabataan ay nagkumpisal at nanalangin. Ang bukas na pagkumpisal ay karaniwan sa noong 1910 na Korean na muling pagkabuhay. Ngayon bukas na pagkumpisal ng mga Kristiyano, na may mga luha, ay karaniwan sa Tsina, sa dakilang muling pagkabuhay na nagaganap doon. Sumigaw si Evan Roberts, “Panginoon, tiklupin ako,” habang siya’y sumuko sa Diyos at naging isang pinuno ng Welsh na Muling Pagkabuhay noong 1905. Paano ka? Mananalangin ka ba para sa Diyos na tiklupin ka? Kantahin “Siyasatin Mo, Ako O Diyos."

“Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso:
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
At alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip;
At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan”
   (Mga Awit 139:23, 24).

Espiritu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.
Espiritu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.
Tunawin kami, hulmahin kami, Biyakin kami, tiklupin kami.
Espiritu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.

Iyan ay maaring mangyari sa ating simbahan kung ang ipadadala ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa isang muling pagkabuhay. “Siysatin Ako, O Diyos.” Kantaihin itong mahinahon.

“Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso:
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
At alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip;
At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.”
   (Mga Awit 139:23, 24).

Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Gawa 1:4-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa “Teach Me to Pray” (by Albert S. Reitz, 1879-1966).