Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG TUBIG AT DUGOTHE WATER AND THE BLOOD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig. At ang nakakita ay nagpatotoo, at ang kaniyang patotoo ay totoo: at nalalaman niyang siya'y nagsasabi ng totoo, upang kayo naman ay magsisampalataya” (Juan 19:34, 35). |
Ang apostol Juan ang pinaka bata sa labin dalawa. Si Juan ay mga 18 taong gulang. Gayon siya lamang ang sumunod kay Hesus sa krus. Ang natira sa kanila ay nagtatago pa rin. Mayroong aral riyan. Ang hukbo ng Estados Unidos ay gusto ng mga kalalakihan na edad 18 hanggang 22 para sa labanana. Ang mga mas matatandang mga kalalakihan ay mas konserbatibo at mas kaunting mapaghamon. Sa tingin ko iyan ang isa sa mga dahilan na ang bawat pangunahing muling pagkabuhay sa kasaysayan ay pinangunahan ng mga kabataan – ang lahat ng ito! Hindi pa ako nakaririnig ng isang matatandang mga taong muling pagkabuhay.
Kailangan kong mag-ingat. Hininto ko ang pagdidiin sa muling pagkabuhay dahil masyado akong nakakita ng maraming pagkalito, at masyadong kaunting pagkagising. Kailangan niya pa rin ako para sa pagpapayo sa mga bagay tulad ng mga iyan. Ako’y mas matandang sundalo. Ako’y nasa marami nang digmaan – ang ilan sa mga ito ay napaka dakilang mga digmaan! Ang digmaan para sa Bibliya sa seminaryo. Ang digmaan laban sa aborsyon. Ang digmaan laban sa teribleng pelikulang, “Ang Huling Temptasyon ni Kristo.” Ang digmaan laban sa Ruckmanismo. Ang digmaan laban sa desisyonismo. Gayon din ang mahabang panahong digmaan doon sa mga lumisan sa ating simbahan sa paghihiwalay ni Olivas. Gayon din, ako’y naging saksi sa tatlong higit na di pangkaraniwang, ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Kaya ang matandang sundalong ito ay nagsabi, “Sandali! Hindi pa tayo handa!” Alam ng mga matatandang mga sundalo ang mga bagay tulad niyan.
Si Douglas MacArthur ay isa sa pinaka dakilang heneral ng Amerika. Hinatak siya ni Pangulong Roosevelt mula sa Pilipians noong Pangalawang Makamundong Digmaan. Ngunit habang siya’y papaalis, sinabi ni Heneral MacArthur, “Babalik ako.” At ginawa nga niya ito! At tayo ay nanalo! Salamat sa Diyos! Mga kabataan, tayo ay babalik – at maniwala, mas malapit o maya maya, makikita natin ang muling pagkabuhay sa ating panahon!
Panginoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay,
Panginoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay,
Panginoon magpadala ng isang muling pagkabuhay –
At hayaan itong bumaba mula sa Iyo!
Pabalik kay Juan! Anong isang lalake! Mas matapang siya kaysa kay Pedro! Mas marami siyang pananampalataya kaysa kay Thomas. Doon siya nakatayo malapit sa krus. Itinaya niya ang kanyang buhay sa pagiging naroon, alam mo ba! Doon nakatayo siya prinoprotektahan ang ina ni Kristo. Isa lamang siyang binatilyo. Ngunit anong lalake! Anong bayani! Sinusundan niya ang kanyang Tagapagligtas hanggang sa krus! Naroon siya pinanonood ang Kanyang Panginoon mamatay sa krus! Tiyak ako na akala niya na ang lahat ng ito ay tapos na. Ngunit hindi pa. Hindi kailan man ganito. Sinabi ni Kristo, “babalik ako.” At ang ating dakilang Tagapagligtas, at ang ating dakilang heneral ay babalik! Sinabi niya, “Babalik ako muli” (Juan 14:3). At gagawin Niyang sakto ang sinabi Niya!
Tinatalo nila tayo sa Iraq. Tinatalo nila tayo sa Iran. Tinatalo nila tayo sa Syria. Tinatalo nila tayo sa Hilagang Aprika. Tinatalo nila tayo pati sa Puting Tahanan [White House]! Maari pa nga siyang maging isang diktador! Nadinig ko ang isang U.S. Senator na nagpahiwatig sa posibilidad. Maari tayong mapasok sa paghahari ng pagkasindak! Maari kailangan nating maging lihim – gaya nang pagkapilit sa kanila sa Tsina. Ngunit ano mang gawin nila, ang ating dakilang Komander ay nagsabi, “Babalik ako muli!” Salamat sa Diyos! Mayroong tayong pangako! “Siya ay Babalik Muli!” – kantahin ang koro.
Siya ay babalik muli, Siya ay babalik muli,
Ang pinaka parehong Hesus, tinanggihan ng mga tao;
Siya’y babalik muli, Siya’y babalik muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati,
Siya’y babalik muli!
(“Siya ay Babalik Muli.” Isinalin mula sa “He is Coming Again”
ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
Pabalik kay Juan! Anong bayani! Anong lalake! Tumatayo siyang pinapanood ang kanyang Panginoong mamatay sa krus! Tiyak ako na akala niya tapos na ang lahat. Ngunit siguro, siguro lang… Ang mga salita ni Hesus ay maaring tumakbo sa kanyang isipan,
“Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao: At siya'y papatayin nila, at sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon” (Mateo 17:22, 23).
“Siguro!” “Hindi, hindi ito maari!” Ngunit siguro!” Tiyak ako na ang mga kaisipang iyon ay tumakbo sa isipan ni Juan. At kaya nanood siya. Pinatibay niya ang kanyang sarili at pinanood ang bawat detalye. Alam ni Juan na ang nakikita niya ay napaka mahalaga. Sa katunayan, ito ang pinaka mahalagang bagay na nakita niya kailan man. Sa tingin ko alam ito ni Juan. Iniisip ko pa nga na alam niya na magsusulat siya patungkol rito balang araw! Kinailangan niya itong makuhang tama. Kinailangan niyang matandaan ang bawat detalye. Tulad ni Ernest Hemingway, naisip niya na kailangan niyang isulat ito “lubusang totoo – lubos na walang pagpepeke o pandaraya ng kahit anong uri.” Kaya pinanood ni Juan ang lahat ng bagay na napaka maingat, at itinala ito sa kanyang isipan.
Hindi ba iyan ang ginagawa natin kapag mayroong namamatay na ating minamahal? Tinatandaan natin kung nasaan tayo. Natatandaan natin ang maliit na mga detalye. Pinauulit-ulit natin ang mga teyp sa ating isipan. Hindi mo ba ginagawa iyan?
Ang bawat Amerikano sa aking edad ay natatandaan ang maraming mga detalye ng araw na nabaril si Pangulong Kennedy. Ang mga ito’y naitala sa ating mga isipan magpakialan man. Natatandaan ko ang pinaka maliit na detalye ng araw na namatay ang aking lola – at ito’y 58 na taon noon noong ako’y 15. Natatandaan ko ang pinaka maliit na detalye ng araw na ang aking matamis na ina ay namatay. Alam ko kung nasaan ako. Alam ko kung anong binabasa ko. Alam ko kung anong itsura ng silid sa ospital. Natatandaan ko kung anong larawan ang nasa pader. Natatandaan ko kung ano ang itsura niya. Natatandaan ko kung anong sinabi ng nars. Natatandaan ko kung anong itsura ng doktor. Natatandaan ko pati ang mga damit na mayroon siya. Natatandaan ko ang amoy ng ospital. Ang mga detalyeng ito ay nakaukit sa aking isipan magpakailan man.
At ganyan ang nangyari kay Juan sa araw na iyon. Hindi niya kailan man malimutan ang nakita niya sa araw na namatay si Hesus sa krus.
“Ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig. At ang nakakita ay nagpatotoo, at ang kaniyang patotoo ay totoo: at nalalaman niyang siya'y nagsasabi ng totoo, upang kayo naman ay magsisampalataya” (Juan 19:34, 35).
Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski, “Ito ang pinaka katotohanan na ipinagkait ng [eretikong si Cerinthus at] iyong mas maagang Gnostiko. Sa kanilang espekulasyon ang Logos [Salita] ay hindi naging laman; ang Espiritu o Logos (‘ang eon ni Kristo’ gaya ng pagkasalita nila rito) na bumaba kay Hesus ay lumisan mula sa kanya bago sa kanyang pasyon; ang ‘Kristo’…ay hindi nagdusa, alin ay isang uri ng Docetismo. Ang erehiyang ito ay nag-angkin ng isang samahan o komunyon na wala ang sakripisyo at paglilinis ng dugo ni ‘Hesus, ang kanyang (Diyos) Anak.’ Ito ang pag-aangkin noong lahat niyon ngayon ay inuuyam [hinahamak] ‘ang lumang dugong teyolohiyo.’ ‘Ang dugo’ ay mas tiyak kaysa ‘sa kamatayan’ dahil ang ‘dugo’ ay nagpapahiwatig ng alay. Ito’y laging ang dugo na naibuhos. Ang Kordero ng Diyos ay nagbuhos ng kanyang dugo sa kaparusahan [pagbabayad]…Ito’y ang dugo ‘ni Hesus, ang kanyang Anak,’ ni Hesus bilang isang tao na mayroong kalikasang tao at gayon rin dugo na ‘kanyang Anak’ ang Logos ng Buhay, ang pangalawang katauhan ng Pagkadiyos, na naging laman (Juan 1:14), na ang kanyang dugo, noong ibinuhos, ay mayroon ang kapangyarihan upang linisin tyao mula sa lahat ng kasalanan” (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Th.D., Ang Interpretasyon ng mga Sulat ni San Juan [The Interpretation of the Epistles of St. John], Augsburg Publishing House, 1966, pah. 389; mga kumento sa I Ni Juan 1:7).
Si Dr. Lenski ay isang Luterano. Ngunit wala akong paki-alam sa anong sabihin ng kahit sino (at ibig kong sabihin kahit sino) – siya’y saktong tama – at tama siya sa pinaka panahon na “ang lumang dugong teyolohiyo” ay tinatanggihan.
“Sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay” (Levitico 17:11).
“Sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5).
Iniibig ko itong kantahin, na walang takot. Gusto kong kantahin ito sa simbahan ni John MacArthur! Ibinababa niya ang Dugo. Gusto kong kantahin ito kay John MacArthur mismo!
Ikaw ba’y nagpunta na kay Hesus
Para sa paglilinis na kapangyarihan?
Nahugasan ka na ba sa dugo ng Kordero?
Iyo bang lubos na pinagkakatiwalaan ang
Kanyang biyaya sa oras na ito?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Nahugasan ka na ba sa dugo,
Sa nakalilinis na dugo ng Kordero?
Ang iyong mga damit ba’y walang bahit?
Ang mga ito ba ay puti tulad ng niyebe?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
(“Ikaw Ba’y Nahugasan sa Dugo?” Isinalin mula sa
“Are You Washed in the Blood?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
Siya nga pala, ano sakto ang mali sa “lumang dugong teyolohiyo”? Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, ‘Kinamumuhian ng mga tao itong ‘teyolohiyo ng dugo,’ ngunit wlaang teyolohiyo ang nararapat ng pangalan hiwalay mula sa naibuhos na dugo ni Kristo” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D.,Kasiguraduhan (Mga Taga Roma 5) [ Assurance (Romans 5]), Banner of Truth Trust, 1971, pah. 148)
Mayroon lamang talagang dalawang teyolohiyo – ang teyolohiyo ng mabuting gawain, at ang teyolohiyo ng Dugo ni Kristo. Ang teyolohiyo ni Finney at ang teyolohiyo ni Luther. Ang teyolohiyo ng desisyonismo at ang teyolohiyo ng Repormasyon – dalawa lamang mga teyolohiyo, pumili ka. Sana ay piliin mo ang tama, dahil “maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (Mga Taga Hebreo 9:22). Si Cain ay dumating na may isang pag-aalay ng mga gulay (gawain, panalangin, mga desisyon). Ang kanyang kapatid na si Abel ay dumating sa Diyos na may isang pag-aalay ng dugo. Si Cain ay tinanggihan. Si Abel ay naligtas. Iyan ang matagumpay na ilustrasyon ng dalawang mga bagay – kaligtasan sa pamamagitan ng gawain o kaligtasan sa pamamagitan ng dugo. Ito’y naroon sa Bibliya, malinaw at payak! Iniisip ng mga tao na sila ligtas sa pagiging mabuti – o natatanto nila na hindi sila kailan man maging mabuting sapat, at kung gayon kailangan nilang mahugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. Sinabi ni Dr. Lensko, “Ang banal at mahalagang dugo ni Kristo lamang ang nagdadala sa atin mga kawawang makasalanan sa samahan ng Diyos at pinananatili tayo doon” (isinalin mula sa ibid., pah. 390). Sinabi ni Luther, “Ang dugo ni Kristo ay ang dugo ng Diyos. Ang tao ay walang hanggan at walang katapusan, at kahit isang patak ng Kanyang dugo ay maging sapat upang iligtas ang buong mundo” (isinalin mula sa kumento sa Isaias 53:5). Muli, sinabi ni Luther, “Si Kristo ay maaring nakabigay ng kaluguran para sa mga kasalanan ng mundo gamit ng isang patak ng Kanyang dugo” (pahayag sa Mga Taga Galacias 2:16). At pangatlong beses ang dakilang Taga Repormang si Luther ay nagsabi, “Siya ang nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Ang Kanyang dugo ay ang dugo ng Diyos, ang Makapangyarihang Manlilikha, ang dugo ng Panginoon ng luwalhati, ang dugo ng Anak ng Diyos. Kaya ang mga Apostol ay nagsasalita patungkol rito, at rito kanilang puwersang tumetestigo” (mga kumento sa I Ni Juan 1:7; Apocalipsis 1:5).
Sinabi ng Apostol Juan,
“Ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34).
Hindi niya lang ibinibigay ang simpleng mga katunayan kung anong nangyari kay Kristo sa krus. Alam niya ang dakilang kahalagahan ng Dugo ni Kristo. Sa kanyang unang sulat sinabi ni Juan, “Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Muli, sa kanyang unang sulat sinabi ni Juan, “may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa” (I Ni Juan 5:8).
“Ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34).
Si Kontes Nicholas von Zinzendorf (1700-1760) ay isa sa pinaka dakilang mga Kristiyano ng kasaysayan. Siya ay napagbagong loob habang pinag-iisipan niya si Hesus na nagdurugo sa krus upang linisan siya mula sa kanyang kasalanan. Ang mga salita ng naipakong Kristo, sa tuktok ng isang larawan na kanyang nakita, ay kumapit sa kanyang puso, “Ito’y aking ginawa para sa iyo; Anong gagawin mo para sa akin?” Ang batang maharlikang ito ay napuno ng kombiksyon ng kasalanan; at tapos alam niya na ang kanyang mga kasalanan ay nalinis ng Dugo ni Hesus. Nagsimula siya ng isang gawain ng nagpadala ng mga Moravian na mga misyonaryo sa mga dulo ng lupa. Sinimulan niya ang makabagong misyonaryong kilusan. Isa sa kanyang misyonaryo ay naggabay kay John Wesley kay Kristo, gayon mayroong siyang isang mahalagang impluwensya sa Unang Dakilang Pagkagising at ang buong Metodistang kilusan. Kanyang lubos na naimpluwensyahan si William Carey (1761-1834) na si Carey ay nagpunta sa unang Bautistang misyonaryo sa Indiya. Tapos daan-daang mga Bautistang misyonaryo ang sumunod sa kanya.
Ang pangangaral ni Zinzerdorf at teyolohiyo ay lubos na naka sentro kay Kristo. At sinabi ni Zinzendorf, “Ang dugo ni Kristo ay hindi lamang ang pinaka makapangyarihang lunas para sa kasalanan: ito rin ang puno [pangunahing] pagkain para sa Kristiyanong buhay.” Nangaral siyang patuloy sa mga sugat ni Kristo, at sa Dugo ni Kristo. Sinabi niya, “Ang Espiritu ay nagpupunta sa atin sa pamamagitan ng dugo para sa punong kaligtasan.” Sinabi niya, “Nauuhaw ako, sa Iyong nasugatang Kordero ng Diyos, Upang hugasan ako sa Iyong naglilinis na dugo.” Isinaulat niya ang himnong ito sa Aleman, at isinalin ito ni John Wesley sa Ingles,
Hesus, ang Iyong dugo at katuwiran,
Ang aking kagandahan ay, aking maluwalhating damit;
Sa gitna ng umaapoy na mga mundo, ang mga ito’y nakaayos,
Na may kagalakan aking itataas ang aking ulo.
Panginoon, naniniwala ako sa Iyong mahal na dugo,
Alin ay sa awing luklukan ng Diyos,
Ay magpakailan man para sa makasalanan ay nagmamakawa,
Para sa akin, pati para sa aking kaluluwa ay naibuhos.
Si Augustus Toplady (1740-1778) ay hindi isang hangal. Siya ay nag-aral sa Paaralan ng Westminister at Kolehiyo ng Trinidad sa Dublin, Ireland. Siya ay napagbagong loob sa edad na 15. Siya ay naordina sa Simbahan ng Inglatera sa edad na 24. Sinabi ni Elgin S. Moyer, “Ang dakilang kampiyon ng Kalvinismo ng Simbahan ng Inglatera, ay nakipaglaban at sumulat na may dakilang pagkaalab” (Isinalin mula sa Sino Siya sa Kasaysayan ng Simbahan [Who Was Who in Church History], Moody Press, 1968, pah. 408). Ang dakila at masipag mag-aral na tao ay isinulat ang himno na kinanta natin bago ako nangaral ng pangaral na ito. Sa himno tinawag ni Toplady si Hesus na Bato ng mga Panahon. Nadinig ko ang himno na ito sa unang pagkakataon sa libing ng aking lola, noong ako’y labing limang taong gulang. Gumawa ito ng isang impresyon sa aking batang isipan na kumuha ako ng isang himnong aklat at binasa ang mga salita ng paulit-ulit. Ito’y bilang isa sa inyong kantahang papel. Kantahin ito.
Bato ng mga Panahon, Nabiyak para sa akin,
Hayaan kong itago ang aking sarili sa Iyo;
Hayaan ang Tubig at ang Dugo,
Mula sa iyong nasugatang tabi na umaagos,
Maging kasalanan ang dobleng gamot,
Linisan ako mula sa pagkasala at kapangyarihan.
(“Bato ng mga Panahon, Nabiyak Para sa Akin.” Isinalin mula sa
“Rock of Ages, Cleft for Me” ni Augustus M. Toplady, 1740-1778).
Ito’y isang panalangin kay Hesus, na nabiyak (napunit) sa Krus. Ito’y isang panalangin kay Hesus, humihingi sa Kanyang linisan tayo mula sa kasalanan sa pamamagitan ng tubig at Dugo na umaagos mula sa Kanyang nasugatang tagiliran. Nakita ni Juan ang Dugo at tubig na lumabas mula sa tabi ni Hesus. Ibig nitong sabihin na ang sibat ng sundalo ay natagusan ang sako ng tubig sa paligid ng puso ni Hesus – at matubig na Dugo ay lumabas. Ito’y ang matubig na Dugo na sariwa pa rin at nariyan upang luminis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan at magligtas sa iyong kaluluwa sa lahat ng panahon, at sa buong walang hanggan. Kapag magpunta ka kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya ikaw ay agad-agad na nahuhugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo mula sa lahat ng kasalanan sa paningin ng Diyos. Huwag kang maghanap ng emosyon o ng isang pakiramdam. Tumingin kay Hesus. Magtiwala sa Kanya sa iyong puso. Hindi mo kailan man malilimutan ang araw na ikaw ay nalinis sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng banal at mahal na Dugo ni Hesus.
Isinulat ni Juan ang ating teksto sa pangatlong tao, ngunit ilalagay ko ang ating teksto sa unang tao para sa pagdidiin.
“Ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig. At […] [nakita ko at nagpatunayan ko], at ang [aking patunay] ay totoo: at nalalaman [kong ako’y nagsasabi ng totoo], upang kayo naman ay magsisampalataya” (Juan 19:34, 35)
Isinulat ni Juan iyan upang ika’y maniwala at maglitas mula sa kasalanan at paghahatol sa pamamagitan ng Dugo at tubig na umaagos mula sa tabi ni Hesus, ang Anak ng Diyos. Huwag mong subukang initindihin ang lahat ng ito. Masyado itong malalim para sa iyong lubos na maintindihan. Isinulat ito ni Juan upang ika’y maniwala sa iyong puso. Kapag magtiwala ka sa Panginoong Hesus, ikaw ay mahugasang malinis, at ika’y maligtas. Amen. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Juan 19:31-37.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Korona ng mga Tinik.” Isinalin mula sa
“A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).