Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DI NANGASISIRA AT NAGTUTUBOS
|
Isinulat ni William Cowper (1731-1800) ang magandang mga salita ng kilalang himnong ito:
Simula ng pananampalataya nakita ko ang sapa
Ang ibinibigay ng iyong umaagos na mga sugat
Nakaliligtas na pag-ibig ang aking naging tema,
At magiging ito pa rin hanggang sa ako’y mamatay.
Ito ang paboritong himno ni C. H. Spurgeon (1834-1892). Sinabi ng dakilang mangangaral,
Para sa akin walang mas nararapat pag-isipan o ipangaral patungkol kundi ang maringal na temang ito. Ang Dugo ni Hesu-Kristo ay ang buhay ng ebanghelyo (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Dugo ng Pagwiwisik” [“The Blood of Sprinkling”], Ika-28 ng Pebrero taon 1886, Metropolitan Tabernacle Pulpit, kab. 32, pah. 121, inilimbag muli ni Dr. Bob Ross ng Pilgrim Publications, P.O. Box 66, Pasadena, Texas 77501).
Bakit si Spurgeon ang Prinsipe ng mga Mangangaral, ay gumawa ng ganoong kalakas na pahayag? Bakit niya sinabi, “Para sa akin walang mas mahalagang pag-iisipan o ipangangaral patungkol” kundi ang Dugo ni Kristo? Makikita mo sa pagbabasa ng daan-daan sa mga pangaral na ipinangaral niya, inilimbag sa Metropilitanong Tabernakulong Pulpito [Metropolitan Tabernacle Pulpit], na ito ay totoo. Ngunit bakit? Bakit na ang pinaka dakilang mangangaral ng nagsasalitang Ingles na mundo gawin ang Dugo ni Kristo na ang pangunahing paksa? Simpleng dahil walang mas mahalagang paksa sa Bibliya!
Itinuturo ng Bibliya na walang kaligtasan para sa sangkatauhan na wala ang Dugo ni Hesu-Kristo. Gusto kong isentro natin ang ating pag-iisip sa dalawang mga bagay patungkol sa Dugo ni Kristo ngayong gabi. Parehong mga punta ay mula sa aking teksto sa I Ni Pedro 1:18-19.
1. Ang Dugo ni Kristo ay di masisisra.
2. Ang Dugo ni Kristo ay kinakialangan para sa iyong kaligtasan.
I. Una, ang Dugo ni Kristo ay di masisira.
Sa Mga Awit, ibinigay ng Diyos ang propesiyang ito, na natupad kay Kristo:
"Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan " (Mga Awit 16:10).
Ang Hebreong salita para sa “kabulukan” ay nangangahulugang “pagkasira” (Isinalin mula sa Strong's Concordance).
Ang bersong ito mula sa Mga Awit ay isinipi sa Bagong Tipan:
" Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan… Palibhasa'y nakikita na niya (David) ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan" (Mga Gawa 2:27, 31).
Ang ilan sa ating araw ay nagsasabi na ang Laman ni Kristo ay nabuhay muli; ngunit ang Kanyang Dugo ay naibabad sa dumi sa paligid ng Krus at nawala. Ngunit ang Bibliya ay nagbibigay ng isa pang berso na nagsasabi na ang Dugo ni Kristo ay dir in nasisira:
" Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto…Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo" (I Ni Pedro 1:18-19).
Ang salitang “nangasisira” sa bersong ito ay mula sa “nawala” o “nawasak” Ang besro ay nagpapakita na ang Dugo ni Kristo ay hindi mawawala o di masisira. Pilak at ginto ay ang pinaka di nabubulok sa lahat ng mga bagay sa lupa, ngunit pati pilak at ginto ay masisira kapag ang mundo ay masusunog sa paghahatol ng Diyos. Tayo ay sinabihan na ang “ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog… ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw” (II Ni Pedro 3:10-11). Ang pinaka mga bagay (Ang Griyegong salita ay nangangahulugang “atoms”) ay masusunog. Ang lahat na nasa mundo ay “mautunaw” (literal na “masisira”) sa apoy ng Diyos. Kasama riyan ang pilak at ginto; “ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw.”
Ngunit sinasabi ni I Pedro 1:18-19 ay nagsasabi sa atin na tayo ay di naligtas ng isang bagay na nasisira, “kundi ng mahalagang dugo…ni Cristo.” Ang bersong ito ay malinaw na nagpapakita sa atin ng di nasisirang, di namamatay, di nabubulok (Isinalin mula kay Strong) na Dugo ni Kristo!
Isang artikulo sa Frontline na magasin ay nagsabi,
Kapag ang Dugo ni Kristo ay naibuhos, ito’y di namuo at naglaho sa alikabok ng lupa. Hindi maari, dahil sinasabi ng Salita ng Diyos ito’y di nasisirang Dugo. Ang mga buhangin ng Bundok ng Kalbaryo ay di nahigop ang mahalagang Dugo ng Kordero ng Diyos. Dahil ang “di nasisira” kapag nailagay sa katawan ni Kristo ay tumutukoy sa Muling Pagkabuhay ng katawan, di nasisirang Dugo ay nangangahulugan lamang na ang Dugo ni Kristo ay ibinangayon sa parehong di pangkaraniwang kaganapan (Isinalin mula sa Frontline magasin, Marso/Abril 2001, pah. 5).
Noong bumangon si Hesus mula sa pagkamatay, sinabi Niya:
"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin" (Lucas 24:39).
Ang mga Disipolo ay namanghang makita ang bumangong si Kristo. “Inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu” (Lucas 24:37). Maraming mga tao ngayon ay nag-iisip na si Hesus ay bumangon bilang isang Espiritu. Ang mga bersong ito ay itinatama ang ideya ng isang “Docetic” espiritung-Kristo. Hindi, bumangon Siya na may isang laman at butong katawan. Sinabi niya sa mga Disipolo na tignan ang ngumangangang mga sugat sa Kanyang mga kamay at Kanyang paa.
"Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin" (Juan 20:27).
Sinabi ni Kristo kay Tomas na ilagay ang kanyang kamay sa butas sa Kanyang tabi, na ginawa ng sibat ng sundalo noong Siya’y nasa Krus.
Ang punto ko ay ito: Sinabi ni Kristo na tignan ng mga Disipolo ang mga butas sa Kanyang mga kamay, Kanyang paa, at Kanyang tagiliran. Dugo ay dapat lumabas mula sa mga sugat na iyon, kung mayroong Dugong naiwan sa Kanyang nabuhay muling “laman at butong” katawan. Ngunit wala nang Dugong naiwan sa Kanyang Katawan. Ang Dugo ay nabuhay muli sa kapangyarihan ng Diyos.
Noong nasalubong ni Maria Magdalena si Hesus pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay, sinabi Niya,
"Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios" (Juan 20:17).
Gayon, hindi nagtagal pagkatapos niyan, ang mga Disipolo ay “sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa” (Mateo 28:9). Hindi Niya hinayaan si Maria na hawakan Siya, dahil hindi pa Siya pumaitaas sa Diyos, gayon maikling panahon maya maya, pinayagan Niya ang mga Disipolong hawakan Siya sa kanyang paa. Ang sulat sa Scofield ay nagbibigay sa atin ng paliwanag na ito, na mukhang ganap na Biblikal sa akin:
Si Hesus ay nagsasalita kay Maria bilang Mataas na Saserdote tinutupa ang araw ng pagbabayad (Leviticus 16). Nagawang natupad ang alay, Siya ay papunta sa Kanyang daan upang itanghal ang sagradong dugo sa langit, at sa pagitan ng pagkasalubong kay Maria sa Hardin at sa pagsalubong ng Mateo 28:9, Siya ay pumaitaas at bumalik, isang pananaw sa pagkakatugma na mayroong mga tipo (Isinalin mula sa Scofield sulat sa Juan 20:17).
Ito ay parehong pananaw na pinaniwalaan ni Dr. John R. Rice.
Ang Mataas na Saserdote sa Lumang Tipan ay kumuha ng dugo at inilagay ito sa luklukan ng awa sa Banal ng mga Kabanalan. Kaya dinala ni Kristo ang Kanyang Dugo sa Langit sa pagitan ng Kanyang pagkakatagpo kay Maria at Kanyang pagtatagpo kasama ng mga Disipolo:
"Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito; At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan" (Mga Taga Hebreo 9:11-12).
Pansinin na ang pasaheng ito ay nagsasabing “pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal.” Kinailangan na iyan ay ibang panahon mula sa Kanyang pagaakyat, dahil sinasabi ng Bibliya,
"Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios" (Marcos 16:19).
Tayo ay sinabihang paulit-ulit sa Bagong Tipan na Siya ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos, at ang bersong ito ay nagsasabi sa atin Siya ay nagpunta upang umupo kaagad-agad pagkatapos makipag-usap sa mga Disipolo at pag-aakyat sa Langit. Ginagawa nitong sa pinaka kaunti na kapanipaniwala na Siya’y naunang umakyat at inilagay ang Kanyang Dugo sa “banal na lugar” (Mga Taga Hebreo 9:12) sa Langit.
"Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto…Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo" (I Ni Pedro 1:18-19).
Ang Dugo ni Kristo ay ngayon nasa luklukan ng awa sa Langit. Ito’y di nasisira. Hindi ito namamatay o nabubulok. Ang lahat ng ito ay di higit sa karaniwan. Siyempre! Alisin ang higit sa karaniwan at walang Kristiyanismo – moralidad lang. Ngunit hindi ito salamangka. Hindi mo mapatatakbo ang Dugo ni Kristo. Walang salamangka! Ang Dugo ay higit sa natural, ngunit hindi ito tumutugon sa salamangka. Ang “desisyonismo” ay salamangka! Iyan ang dahilan kung bakit tinatanggihan namin ito. Ang Diyos ang nagdedesisyon na linisan ka gamit ng Dugo.
Alam ko na si hindi pinaniniwalaan ni Dr. John MacArthur ang puntong ito. Alam ko rin na nakuha niya ang huwad na mga ideyang iyan sa Dugo mula sa isang kakaibang taong nagngangalang Koronel R. B. Thieme, Jr. Naroon ako noong taglagas ng 1961 noong ang batang si John MacArthur ang nagpunta sa isang serye ng pag-aaral ng Bibliya ni Thieme kung saan siya’y (si Thieme) ay nagturo ng parehong mga bagay na itinuturo ni MacArthur ng maraming mga taon simula noon. Ako’y kumbinsido na nakuha ni Dr. MacArthur ang kanyang mga ideya mula kay R. B. Thieme, dahil nakit ako siyang isinusulat ang mga pinaka puntong mga iyon. Itinuro ni Thieme na ang salitang “dugo” ay nangangahulugang “kamatayan” – hindi “isang dugong lumulutang sa ere sa isang lugar.” Ang mga ito’y mga kaisipan na lumilitaw maya’t maya sa buong mga pangaral ni Dr. MacArthur, at alam kong personal na nakuha niya ang mga ideyang iyong mula kay Koronel R. B. Thieme. Ito’y isang trahedya, dahil si Dr. MacArthur ay nagtuturo ng mabuting doktrina sa ibang mga bagay. Ang ating simbahan ay nananalangin para kay Dr. MacArthur kada linggo na tumalikod mula sa kakaibang doktrina ni R. B. Thieme sa Dugo ni Kristo.
II. Pangalawa, ang Dugo ni Kristo ay kinakailangan para sa iyong katubusan.
Sinasabi ng teksto na ikaw ay di tinubos ng nasisirang mga bagay, kundi maari kang matubos ng Dugo ni Kristo. Ang salitang “matubos” sa I Ni Pedro 1:18 ay ang pagsasalin ng Griyegong salita na nangangahulugang “naluwagan” o “napakawalan” (Isinalin mula sa Strong, Vine’s), “nagpapahiwatig ng isang pagkawala” (Vine’s).
Maliban na ika’y “maluwagan” at “mapakawalan” sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, ika’y magpakailan mang,
1. Nasa ilalim ng “sumpa ng kautusan” (Mga Taga Galatias 3:13). Ika’y nasumpa dahil sa kautusan dahil hindi mo ito masunod. Hindi mo kayang sundin ang mga utos sa batas ng Diyos na ganap. Iyan ang dahilan na ang batas ay sumusumpa sa iyo. Ipinapakita nito na ikaw ay nagkakasala at di nagbibigay sa iyo ng pagkatakas mula sa paghahatol. Wala kundi ang Dugo ni Hesus ang makahuhugas ng iyong mga kasalanan, upang ika’y “maluwagan” at “mapakawalan” mula sa sumpa ng Batas.
2. Maliban nalang na ika’y “maluwagan” at “mapakawalan” ng Dugo ni Kristo ika’y magpakailan mang nasa ilalim ng paghahari ni Satanas, na “bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban” (II Ni Timoteo 2:26). Walang maka “luluwag” sa kanyang hawak sa iyo, o maka “pakakawala” sa iyo, kundi ang Dugo ni Hesu-Kristo!
3. Maliban nalang na ika’y “maluwagan” at “mapakawalan” ng Dugo ni Kristo, ikaw ay magpakailan man magiging nasa ilalim ng poot at paghahatol ng isang banal na Diyos. Wala kundi ang Dugo ni Hesu-Kristo ang maka “paluluwag” sa iyo at “makapawawalan” sa iyo mula sa paghahatol ng Diyos.
O, aking kaibigan, dapat kang magkaroon ang Dugo ni Kristo! Dapat kang magkaroon ng Dugo ni Kristo upang pakawalan ka mula sa sumpa ng Batas, upang pakawalan ka mula sa iyong pagka-alipin kay Satanas, at upang pakawalan ka mula sa poot ng isang galit na Diyos! O, dapat – dapat – kang magkaroon ng mahal na Dugo ni Hesu-Kristo upang tubusin ka mula sa sumpa, mula sa pagkaalipin, at mula sa poot. Inuulit ko, dapat kang magkaroon ng Dugo ni Kristo! Panalangin ko na malapit ka nang magtiwala kay Hesus!
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito).
Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Panalangin Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith::
“Hesus, Ang Iyong Dugo at Katuwiran.”
Isinalin mula sa “Jesus, Thy Blood and Righteousness”
(ni Count Nicholas von Zinzendorf, 1700-1760; isinalin ni John Wesley, 1703-1791).
ANG BALANGKAS NG ANG DI NANGASISIRA AT NAGTUTUBOS THE INCORRUPTIBLE AND REDEEMING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto…Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo” (I Ni Pedro 1:18-19). I. Una, ang Dugo ni Kristo ay di masisira, Mga Awit 16:10; II. Pangalawa, ang Dugo ni Kristo ay kinakailangan para sa iyong |