Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DAKILANG DOKTRINA NG MULING PAGKABUHAY(PANGARAL BILANG 20 SA MULING PAGKABUHAY) THE GREAT DOCTRINES OF REVIVAL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal. Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo” (Judas 3, 4). |
Ang Apostol na si Judas ay ang kalahating kapatid ng Panginoong Hesu-Kristo. Plinano niyang magsulat tungkol sa kaligtasan sa pangkalahatan. Ngunit habang nagsimula siyang magsulat, ang Banal na Espiritu ay gumabay sa kanya sa ibang paksa. Nadinig niya na partikular na mga kalalakihan ay nagdala ng mga huwad na mga pagtuturo sa kanilang simbahan. Kaya pinalitan niya ang paksa at sinabihan sila na “makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya.” Sinabihan niya silang ipaglaban ang mga tunay na pagtuturo ng Bibliya. Dapat silang malakas na makipaglaban – epagonizesthai – naghihirap nang lubos na ipaglaban ang dakilang mga doktrina ng Kristiyanismo! Malakas na ipaglaban ang pananampalataya na alin ay minsan para s alahat ay ibinigay sa kanila, na hindi dapat napapabayaan, o maidadagdag sa, o aalisan!
Hindi pa kailan man nagkaroon ng isang panahon noong ang mga salitang iyon ay mas mahalaga! Nabubuhay tayo sa isang panahon kung saan ang mga simbahan ay namamatay sa Amerika at Europa. 88% ng mga kabataan ay iniiwanan ang mga simbahan bago ng edad na 30. Ang mga Pastor ay walang ideya kung paano makakuha ng mga kabataang mapagbagong loob mula sa mundo. May sinabi si Dr. Carl F. H. Henry na pumukaw sa aking hininga noong una ko itong nabasa.
Ang ating henerasyon ay nawawala sa katotohanan ng Diyos, sa katotohanan ng banal na paglalantad, sa kaluguran ng kagustuhan ng Diyos, sa kapangyarihan ng Kanyang kaligtasan, at sa awtoridad ng Kanyang Salita. Para sa pagkawalang ito [tayo ay] nagbabayad ng lubos sa isang mabilis na pagbalik sa dati sa paganismo…Ang mga ganid ay naghahalo ng alikabok ng isang sirang sibilisasyon at tumatalilis sa mga anino ng isang baldadong simbahan (Isinalin mula kay Carl F. H. Henry, Th.D., Ph.D., “Ang mga Barbariko ay Padating,” Takipsilim ng isang Dakilang Sibilisasyon: Ang Pagkatangay Patungo sa Bagong Paganismo, [“The Barbarians Are Coming,” Twilight of a Great Civilization: The Drift Toward Neo-Paganism], Crossway Books, 1988, mga pah. 15, 17).
Sa nakaraang apat na pung taon nasubukan ko ang lahat na maisip ko upang magbuo ng isang simbahan kung saan ang mga kabataan ay makahahanap ng pag-asa, sa gitna ng nakadudurog, walang pag-asa, nag-iisang tapunan ng basura sa tinatawag nating isang lungsod. Ang ating mga simbahan ay namamatay at hindi nila matulungan ang karamihan sa mga kabataan ngayon – at alam mo na tama ako! Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay nagsalita patungkol sa “teribleng apostasiya na lumalago nang naglarawan sa simbahan sa huling [150] na mga taon” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, pah. 55).
Sinasabi ko sa iyo, “Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos.” Ngunit ang karamihan sa inyo ay hindi ako madirinig hangga’t paa-apuyin ng Diyos ang simbahang ito! Oo! Umapoy ng Banal na Espiritung muling pagkabuhay! Iyan ang gusto namin! Iyan ang desperado naming kinakailangan! Isang Banal na Espiritung muling pagkabuhay – upang paapuyin ang simbahang ito para sa Diyos!!! Upang iyan ay mangyari, dapat nating ilatag ang pundasyon, dapat nating “makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal” (Judas 3). Ang pananampalatayang ito ay ang pundasyon kung saan maari nating maranasan ang muling pagkabuhay.
Isinulat ni Dr. Lloyd-Jones ang pinaka dakilang makabagong aklat sa muling pagkabuhay. Rito sinabi niya,
Walang muling pagkabuhay ang kailan man nakilala sa kasaysayan ng mga simbahan na nagkakait o winawalang bahala ng partikular na mahalagang mga katotohanan. Isinasaalang-alang ko ito bilang isang lubhang kataka-takang mahalagang punto. Hindi ka pa kailan man nakarinig ng isang muling pagkabuhay sa mga simbahan, ang mga tinatawag, ay ipinagkakait ang kardinal, at ang pundamental na mga artikula ng Kristiyanong pananampalataya. Halimbawam di mo pa kailan man narinig ang isang muling pagkabuhay sa mga Unitariyano, at di mo pa kailan man narinig ito dahil di pa kailan man nagkaroon ng isa. Iyan ay isang lubos na katunayan ng kasaysayan (Isinalin mula kay (Lloyd-Jones, ibid., pah. 35).
Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Na walang nag-iisang eksepsyon ito’y ang muling pagkakadiskubre ng mga kardinal na mga bagay na ito na nagdalang sa wakas sa muling pagkabuhay…Kaya ipinipilit ko na mayroong mga partikular na mga katotohanan na lubos na mahalaga sa muling pagkabuhay. At habang ang mga katotohanang ito ay ikinakait, o pinawawalang bahala, o di pinapansin, wala tayong karapatan upang asahan ang pagpapala ng muling pagkabuhay” (isinalin mula sa ibid., mga pah. 35, 36, 37). Tapos inilista ni Dr. Lloyd-Jones iyong mga dakilang doktrinang iyon.
1. Una, dapat tayong makipaglaban para sa pagkakataas-taasan ng nabubuhay ng Diyos, kung gusto natin ng muling pagkabuhay.
Siya ang Diyos na kumikilos sa kasaysayan ng Kristiyanismo. Ano mang huwad na mga ideya mayroon ang mga tao, sinasabi ni Apostol Pablo, “Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili” (II Ni Timoteo 2:19). Ang matatag na pundasyon ng Diyos ay tumatayong matatag, ano mang mangyari sa mundo – ano mang sabihin ng mga tao tungkol sa Bibliya at tungkol sa Kristiyanismo – “ang pundasyon ng Diyos ay tumatayong tiyak.”
Ako’y pinalaki sa gitna ng mga di nananampalataya. Ang ilan sa kanila ay mga agnostiko. Ang ilan sa kanila ay mga ateyistita. Ang ilan sa kanila ay sinusundan ang “bagong panahong” pag-iisip. Ang ilan sa kanila ay mga espiritwalista, na nag-akala na maari silang makipag-usap sa mga patay.
Wala sa mga kamag-anak ko ay mga Kristiyano. Ngunit naranasan ko ang Diyos. Kaya alam ko na ang Diyos ng Bibliya ay tunay na Diyos. Alam ko ito noon, at alam ko ito ngayon. Siya ang pinakamataas na punong Panginoon, ang nag-iisang tunay na Diyos, ang nabubuhay na Diyos. Maari tayong manalangin sa Kanya at maari siyang gumawa ng mga nakamamanghang mga bagay! Hindi maaring magkaroong ng muling pagkabuhay kung saan ang nabubuhay na Diyos ay di pinaniniwalaan. Paano tayo makapananalangin sa Kanya kung hindi siya ang nabubuhay na Diyos? Bakit tayo dapat manalangin sa Kanya kung hindi Siya makabababa at makapagbabago ng mga bagay?
2. Pangalawa, dapat tayong makipaglaban para sa Bibliya kung gusto natin ng muling pagkabuhay.
Ang Bibliya ay ang paglalantad ng nabubuhay na Diyos. Inilantad ng Diyos ang Kanyang sarili sa tao sa pamamagitan ng Bibliya. Mayroong maraming mga relihiyon at mga kulto at mga pilosopiya. Paano natin malalaman ang totoo at ang huwad? Ang lahat ay mayroong sariling opiniyon. Gumawa sila ng sarili nilang mga ideya tungkol sa Diyos. Ngunit wala silang awtoridad upang gawin iyan. Noong ako’y bata pa nakinig ako sa kanila at naisip ko na kinontra nila ang isa’t isa. Nagsalita sila na tulad ng mga eksperto, ngunit kumilos silang tulad ng mga hangal. Noong ako’y bata pa natatandaan kong iniisip, “Ang mga taong ito ay walang alam na kahit ano tungkol sa Diyos. Ibinabahagi lamang nila ang kanilang kawalan ng pagkaalam.” Napagpasiyahan ko, bago pa ako naligtas, paniniwalaan ko ang mga salita ng Bibliya – hindi ang mga opinyon ng tao. Isinaulo ko ang Mga Awit 119:130 bilang isang kabataan,
“Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang” (Mga Awit 119:130).
“Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling” (Mga Awit 119:103, 104).
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (II Ni Timoteo 3:16, 17).
Kapag binabasa mo ang kasaysayan ng mga muling pagkabuhay makikita mo na iyan ang paraan na naniwala ang mga tao. Hindi pa kailan man nagkaroon ng isang muling pagkabuhay sa kahit anong panahon sa kasaysayan sa gitna ng mga taong tumatangging maniwala sa bawat salita ng Bibliya. Wala pa kailan mang isang muling pagkabuhay kung saan inilalagay ng mga tao ang kanilang sariling mga opinyon sa lugar ng Bibliya. Bakit? Dahil ang Bibliya ang Salita ng nabubuhay na Diyos. May mga kilala akong mga taong naniniwala lamang sa mga bahaging pinaniniwalaan nila. Ngunit hindi sila mabubuting mga Kristiyano. At hindi nila nakita ang mga himalang dumarating sa sagot sa kanilang mga panalangin. Ang di paniniwala sa Bibliya ay isa sa pinaka dakilang dahilan hindi tayo nakakikita ng muling pagkabuhay ngayon.
3. Pangatlo, dapat tayong makipaglaban para sa tao sa kasalanan, taong nasira ng kasalanan, kung gusto natin ng muling pagkabuhay.
Ang pangatlong doktrina na di binibigyang halaga ay ang tao ay ipinanganak sa kasalanan, na ang tao ay isang makasalanan sa kalikasan, at ay nabubuhay sa ilalim ng poot ng Diyos. Basahin ang kasaysayan ng Kristiyanismo at makikita mo na sa lahat ng panahon ng pagkapatay hindi naniwala ang mga taong sila’y naipanganak sa kasalanan. Ang lubos na kasamaan ng tao sa kasalanan ay isang doktrina na laging lumalabas muli sa mga panahon ng muling pagkabuhay. Kapag ang Diyos ay nagpapadala ng isang muling pagkabuhay, makikita mo ang mga kalalakihan at mga kababihan na umuungol at umiiyak sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan. Naranasan nila ang naranasan ni Apostol Pablo noong sinabi niyang,
“Sapagka't nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti Abang tao ako!” (Mga Taga Roma 7:18, 24).
Kapag lamang na ang isang tao ay makita na siya ay puno ng kasalanan at rebelyon na siya ay mandidiri sa kanyang sarili. Pagkasuklam sa sarili ay isa sa mga bagay na lubos na nawawala mula sa ating mga simbahan. Ito’y lubos na di pangkaraniwan para sa isang taong makumbinsi ng kanilang kasalanan ngayon. Ang ating mga ninuno sa pananampalataya ay nakumbinsi ng kanilang kasalanan na napaklakas na hindi sila makatulog – at sila’y sumigaw para sa awa. Ang ating mga Bautistang ninunong si John Bunyan ay ganyan sa loob ng labing walong buwan bago siya iniligtas ni Hesus. Ngunit hindi ka maaring magkaroon ng muling pagkabuhay na hindi nararanasan ng mga tao ang kahit isa sa mga iyan. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kung hindi ka magkakamalay ng sakit ng iyong sariling puso, at ang pagkabaho ng kalikasan na iyong namana mula kay Adam; kung hindi mo makita ang pagkawalan mo ng pag-asa, at ang iyong ganap na desperasyon, sa harap nitong banal, makatuwirang Diyos, na kinamumuhian ang kasalanan sa kabuuan nito, wala kang karapatang magsalita tungkol sa muling pagkabuhay, o manalangin para rito. Ang inilalantad ng muling pagkabuhay higit sa lahat ay ang pagkamakapangyarihan ng DIyos, at ang kasamaan, kawalang ng tulong, kawalan ng pag-asa ng tao sa kasalanan” (isinalin mula sa ibid., pah. 42).
4. Pang-apat, dapat nating ipaglaban ang nagbabayad ng alay ni Kristo sa Krus – at ang Kanyang nagbabayad na Dugo, kung gusto natin ng muling pagkabuhay.
Ito’y isang malungkot na katotohanan na mayroong mas higit na pag-uusap tungkol kay Kristo sa Katolikong Misa kaysa doon sa karamihang mga Bautista at ebanghelikal na mga simbahan ngayon. Oo, alam ko ang kanilang ideya ng Misa ay mali. Ngunit alam ko rin na mali rin tayo. Tayo ay ganap na mali dahil sa hindi pagsasalita ng mas higit tungkol sa nagbabayad na gawain ni Kristo sa Krus. Maraming mga ebanghelikal ay nag-iisip na maari silang makakuha ng kapatawaran mula sa Diyos, na wala si Kristo, at ang Kanyang pagbabayan para sa kasalanan sa Krus.
Ang mga mangangaral tulad ng malupit na liberal na si Harry Emerson Fosdick, at iyang nasapian ng demonyong liberal na Obispong James Pike ay sinalakay ang birheng pagkapanganak, ang Dugong pagbabayad, at ang pisikal na muling pagkabuhay ni Kristo Ngunit mas pino na sila ngayon. Ngayon iniiwa nalang nila si Kristo at ang Kanyang gawain na nakaalis mula sa kanilang mga pangaral na buo! Huminto na lamang sila sa pangangaral kay Kristo Mismo. Tiyak ako na iyan ang dahilan na ang isang kolehiyong babae sa simbahan ni Rick Warren, na nagsabi na nagpunta siya doon buong buhay niya, ay di makapagsabi ng isang salita! pag-isipan ito – ni isang salita – tungkol kay Hesu-Kristo – noong tinanong ko siya na hayaan akong pakinggan ang kanyang testismonyo. At hindi lamang siya. Noong ang mga Bautista ang mga ebanghelikal ay hininging ibigay ang kanilang testimony wala ni isa sa kanila sa 20 ang makapagluluwalhati kay Kristo. Magsasalita sila tungkol sa kanilang mga sarili, anong naiisip nila, anong nararamdaman nila. Ngunit napaka kaunti – lubos na kaunti – ang magkapagsasabi ng higit sa isang salita o dalawa tungkol sa Panginoong Hesu-Kristo. Hindi sila nakarinig ng higit tungkol sa Kanya sa mga pangaral, kaya paano mo maasahan ang mga kawawang, nawawalang mga ebanghelikal na itong magsabi ng higit kung mayroong man tungkol sa Kanya sa kanilang mga testmimonyo! Si Dr. Michael Horton ay nagtuturo ng sistematikong teyolohiya sa Westminister Seminaryo sa Califormia. Ang malakas tumamang aklat ni Dr. Horton ay tinatawag na Walang Kristong Kristiyanismo: Ang Alternatibong Ebanghelyo ng Amerikang Simbahan [Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church (Baker Books, 2012 edisiyon).
Ang teribleng kalakarang ito ay nag-alis sa Panginoong Hesu-Kristo paalis mula sa Kanyang sariling mga simbahan! Ito’y napakadalas na totoo sa ating sariling independyenteng Bautistang mga simbahan. Isa sa mga dahilan ay maraming sa ating mga Bautistang mga simbahan ay ngayon sarado na sa gabi ng Linggo. Kaya ang mga pastor ay mayroong 30 minuto kada linggo upang mangaral sa kanyang mga tao. Kaya iginugugol niya ang lahat ng kanyang oras sa pagtuturo ng mga di ligtas na mga miyembro ng simbahan kung paano mabuhay ng “Kristiyanong buhay,” karaniwan sa pamamagitan ng kasing tuyo ng alikabok na, berso-kada-berso na “pagpapaliwanag” na mga pangaral. Sa katapusan humihingi lamang siya ng pagpapakita ng mga kamay para doon sa mga gustong maligtas. Di kailangang ipangaral ang Ebanghelyo ni Kristo, ang Kanyang Dugong pagbabayad, at ang Kanyang muling pagkabuhay. Hindi ito kailangan ng mga tao ngayon. Ang lahat na kailangan nilang gawin ay sumulat sa isang tarheta, itaas ang kanilang kamay, ang bumulong ng ilang mga salita na hindi nila maintindihan (isang tinatawag na panalangin ng makasalanna) at tapos sila’y nabinyagan. Kung gayon libo libong sa ating mga kabataan ay nabibinyagang nawawala, na di kailan man naririnig ang isang tunay na Ebanghelyong pangaral tungkol sa Panginoong Hesu-Kristo – at nagtataka tayo kung bakit walang tunay na muling pagkabuhay sa loob ng 150 taon! Paanong posibleng magkaroon ng isang muling pagkabuhay sa “Walang Kristong Kristiyanismo” ng ating mga simbahan? Iyan ang isa sa mga dahilan na sinasabi ko sa YouTubr at sa ating websayt kada linggo na huwag magpunta sa isang simbahan na walang Linggong gabing paglilingkod! Gaya ng sinabi ni Lot sa kanyang asawa, “Lumisan at huwag lumingon!”
Mga kabataan kailangan mong tumingin kay Kristo, at mahugasang malinis sa pamamagitan ng mahal na Dugo na Kanyang ibinuhos sa Krus, upang iligtas ka mula sa kasalanan, at sa poot ng Diyos! Sinasabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Muling pagkabuhay higit sa lahat, ay isang pagluluwalhati sa Panginoong Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos” (ibid., pah. 47).
Tangi sa riyan, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Matatagpuan mo sa bawat panahon ng muling pagkabuhay, na walang eksepsyon, mayroong matinding pagdidiin sa dugo ni Kristo” (Isinalin mula sa ibid., pah. 48). Ang aking ikalawang si Dr. Cagan ay nagpunta sa simbahan ni Dr. John MacArthur na higit sa isang taon – tuwing Linggo. Ako mismo ay mayroong mga teyp ni Dr. MacArthur. Alam naming pareho na ipinapawalang halaga ni Dr. MacArthur ang Dugo ni Kristo, at binabago rin ang “dugo” sa “kamatayan” paulit-ulit sa kanyang mga pagtuturo. Bakit niya ginagawa iyan? Simple! Siya ay isang makabagong mangangaral na hindi talaga interesado sa lumang panahong muling pagkabuhay. Ngunit si Dr. Lloyd-Jones ay tama noong sinabi niya, “Ang pinaka lakas ng loob, at sentro, at puso ng Kristiyanong ebanghleyo ay ito: ‘Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo’ (Mga Taga Roma 3:25). ‘Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo’ (Mga Taga Efeso 1:7)” (isinalin mula sa ibid., pah. 48). Muli, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Wala akong nakikita pag-asa para sa muling pagkabuhay kapag ang mga kalalakihan at mga kababihan ay ipinagkakait ang dugo ng krus, at nagbubuhos ng uyam doon sa dapat nating ipagmalaki” (isinalin mula sa ibid., pah. 49). Sa muling pagkabuhay, mayroong laging isang matinding pagdidiin sa Dugo ni Hesus sa pangangaral, at sa mga himno. Pakinggan ang ilan sa mga ito na isinulat noong mga panahon ng dakilang muling pagkabuhay,
Nakalulungkot! at ang aking Tagagpagligtas ay nagdugo?
At ang aking Pinakamakapangyarihan ba ay namatay?
Ilalaan ba Niya ang banal na ulong iyan
Para sa isang uod na tulad ko?
(“Nakalulungkot! At Ang Aking Tagapagligtas ay Nagdugo?”
Isinalin mula sa“Alas! And Did My Saviour Bleed?”
ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
Mayroong isang bukal na puno ng dugo
Nakuha mula sa mga ugat ni Imanuel;
At ang mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng baha,
Nawawala ang lahat ng kanilang makasalanang bahid.
(“Mayroong Isang Bukal.” Isinalin mula sa
“There Is a Fountain” ni William Cowper, 1731-1800).
Nabubuhay Siya magpakailan man sa itaas,
Para sa akin na mamamagitan;
Ang Kanyang buong nakaliligtas na pag-ibig,
Ang Kanyang mahal na Dugo upang magmakaawa,
Ang Kanyag dugo ay nagbayad para sa ating buong lahi,
At dinidiligan ang trono ng biyaya,
At dinidiligan ang trono ng biyaya.
(“Bumangon! Aking Kaluluwa, Bumangon!” Isinalin mula sa
“Arise! My Soul, Arise!” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Ang Krus at ang Dugo ni Kristo ay laging dumarating sa dakilang kabantugan sa mga panahon ng muling pagkabuhay – gaya ng sinabi ni Dr. Lloyd-Jones.
5. Panglima, dapat tayong makaipaglaban para sa nagkukumbinsi at nagbabagong gawain ng Banal na Espiritu kung gusto natin ng muling pagkabuhay.
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagpapalakas at isinasagawa ang lahat ng ibang mga doktrina. Anong ginagawa ng Espiritu? Ginagawa Niya ang Diyos na totoo sa atin sa pamamagitan ng pagpapaliwanag. Binubuksan Niya ang ating espiritwal na mga mata upang makita ang katotohanan sa Bibliya at tanggapin ito. Kinukumbinsi Niya tayo ng kasalanan, upang maramdaman natin ang pangangailangan sa Dugo ni Hesus na maglilinis sa atin! “Pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Tapos dinadala ka Niya kay Hesus, at ginagawa kang magtiwala kay Hesus kapag ika’y malinis mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus. Sinabi ni ni Hesus, “Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha [niya ang akin at gagawain itong malaman mo]” (Juan 16:14).
Aking mga mahal na kaibigan, nananalangin kami para sa pagbubuhos ng Banahl na Espiritu sa ating simbahan – dahil hangad naming makita ang mga nawawalang mga tao sa ating paligid na mapunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan at madala kay Hesus para sa paglilinis ng Kanyang Dugo. Ngunit sila’y mga alipin ng kasalanan, at hindi makalaya mula sa bilangguan at magpunta kay Hesus. Ang Banal na Espiritu lamang ang maka wawasak na bukas ng bilangguan kung saan sila’y nakakulong sa kasalanan. Ang Banal na Espiritu lamang ang makagagawa sa kanilang mandiri sa kanilang sariling mga puso. Ang Banal na Espiritu lamang ang makadadala sa kanila kay Hesus para sa kaligtasan ng Kanyang Dugo, at Kanyang Krus!
Dapat kang bumalik sa rito sa simbahan upang matutunan ang higit pa patungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano. Gawin ito! Gawin ito! Magsi-tayo at kantahin ang himno bilang 3, “Mayroong Kapangyarihan sa Dugo.”
Ikaw ba’y maging malaya mula sa bigat ng kasalanan?
Mayroong kapangyarihan sa dugo, kapangyarihan sa dugo.
Ikaw ba laban sa kasamaan ay magtatagumpay?
Mayroong nakamamanghang kapangyarihan sa dugo.
Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan,
Nakamamanghang gawaing kapangyarihan
Sa dugo ng Kordero;
Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan,
Nakamamanghang gawaing kapangyarihan
Sa mahal na dugo ng Kordero.
Ikaw ba’y mahuhugasan sa mula sa iyong kasalanan at iyong pagmamalaki?
Mayroong kapangyarihan sa dugo, kapangyarihan sa dugo.
Magpunta para sa isa paglilinis sa alon ng Kalbaryo;
Mayroong nakamamanghang kapangyarihan sa dugo.
Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan,
Nakamamanghang gawaing kapangyarihan
Sa dugo ng Kordero;
Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan,
Nakamamanghang gawaing kapangyarihan
Sa mahal na dugo ng Kordero.
(“Mayroong Kapangyarihan sa Dugo.” Isinalin mula sa
“There is Power in the Blood” ni Lewis E. Jones, 1865-1936).
Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Panalangin Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Muling Buhayin ang Iyong Gawain, O Panginoon” Isinalin mula sa “Revive Thy Work, O Lord” (ni Albert Midlane, 1825-1909).
ANG BALANGKAS NG ANG DAKILANG DOKTRINA NG MULING PAGKABUHAY (PANGARAL BILANG 20 SA MULING PAGKABUHAY) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal. Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo” (Judas 3, 4). 1 Una, dapat tayong makipaglaban para sa pagkakataas-taasan ng nabubuhay ng Diyos, kung gusto natin ng muling pagkabuhay, II Ni Timoteo 2:19. 2. Pangalawa, dapat tayong makipaglaban para sa Bibliya kung gusto natin ng muling pagkabuhay, Mga Awit 119:130, 103, 104; II Ni Timoteo 3:16, 17. 3. Pangatlo, dapat tayong makipaglaban para sa tao sa kasalanan, taong nasira ng kasalanan, kung gusto natin ng muling pagkabuhay, Mga Taga Roma 7:18, 24. 4. Pang-apat, dapat nating ipaglaban ang nagbabayad ng alay ni Kristo sa Krus – at ang Kanyang nagbabayad na Dugo, kung gusto natin ng muling pagkabuhay, Mga Taga Roma 3:25; Mga Taga Efeso 1:7. 5. Panglima, dapat tayong makaipaglaban para sa nagkukumbinsi at nagbabagong gawain ng Banal na Espiritu kung gusto natin ng muling pagkabuhay, Juan 16:8, 14. |