Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG KAHALAGAHAN NG LOKAL NA SIMBAHANTHE IMPORTANCE OF THE LOCAL CHURCH ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV]. |
Ang ilang mga tao ay nagsasabi na idinidiin ko masyado ang lokal na simbahan. Ngunit hindi ito sa palagay ko. Sa tingin ko na ang lumang-paraang Bautismong pagdidiin sa lokal na simbahan ay ang saktong kinakailangan ng henerasyong ito. Nakarinig na tayo ng napaka raming nakalilitong mga kaisipan sa paglago ng simbahan na hindi nakatulong sa atin. Kailangan nating bumalik sa lumang-panahong pagtuturong Bautismo sa lokal na simbahan. Wala ng ibang makabibigay sa atin ng katatagan sa mga araw na ito ng pagkalito at apostasiya.
“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].
Ano patungkol ang bersong ito? Sasabihin ko sa inyo ang hindi nito patungkol muna. Hindi ito tungkol sa isang denominsayon. Ang simbahang tinutukoy nito ay hindi isang Metodistang denominasyon, o Presbyterianong denomination, o Katolikong denominasyon. Walang mga denominasyon noong ang bersong ito ay ibinigay! Pangalawa, hindi ito tumutukoy patungkol sa isang gusali ng simbahan. Sa unang siglo walang mga gusali ng simbahan. Basahin ang Bagong Tipan at makikita mo agad iyan. Ngayon, kapag ang mga tao ay nagsasalita tungkol sa simbahan, madalas ibig sabihin nila ay isang gusali. Sinasabi nila, “Hindi ba napaka ganda ng simbahang iyan?” Sila’y tumutukoy sa isang gusali. Ngunit walang kahit anong mga gusali ng simbahan noong ang bersong ito ay naisulat. Hindi maaring tumutukoy ito sa isang gusali. Ang mga tao ay nagpulong sa mga tahanan upang magsagawa ng mga Kristiyanong paglilingkod sa unang siglo! Kaya ang ating teksto ay hindi maaring tumutukoy sa gusaling simbahan! Pangtalo, ito’y hindi tumutukoy sa “unibersal na simbahan.” Walang kaisipang ganyan sa bersong ito. Ito’y simpleng tumutukoy sa mga totoong mga tao, na talagang nagsama-sama, sa isang tunay na lugar, sa isang lokal na simbahan! Ito’y nakilala bilang “iglesia na nasa Jerusalem” (Mga Gawa 8:1).
“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].
Hindi nito ibig sabihin na mga tao ay naidagdag sa isang denominasyon, o sa isang gusaling “simbahan,” o na sila ay mag-kakaugnay sa “unibersal na simbahan.” Hindi! Ang ibig sabihin nito’y simpleng ang sinasabi nito. Idinagdag ng Panginoon sa simbahan sa Jerusalem “yaong nangaliligtas”! Ibig sabihin nito ang sinasabi nito! Sinasabi nito ang ibig sabihin nito!
Ang salitang “simbahan” ay ang Ingles na pagsasalin ng Griyegong salitang “ekklesia.” Ito’y isang hugnayang salita, na pinag-uugnay ang pang-ukol na “ek” (labas) at ang pandiwang “kaleo” (tawagin), na literal na ibig sabihin ay “ang mga tinawag” (Isinalin mula sa cf. The Criswell Study Bible, sulat sa Ephesians 5:23).
Itinuro ni Dr. Criswell na ang “isang ‘simbahan’ ay isang grupo ng mga tao na, tinawag palabas ng kasalanan at sa di-paniniwala kay Kristo, ay nagbigay saksi sa pananampalatayang iyan sa pamamagitan ng bautismo ng nanampalataya at ipinagsama-sama ang kanilang mga sarili sa isang kagustuhang pakikisama” (Isinalin mula sa ibid.). Iyan ay isang maiging kahulugan. Ang simbahan ay isang grupo ng mga tao na nailigtas at napagsama-sama upang bumuo ng isang samahan. Iyan ang pinag-uusapan sa Mga Gawa 2:47!
“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].
Iyan ang dahilan na madalas kong sabihin, “Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi kay Hesus at maligtas.” Napaghahalo ko ba ang pagpupunta sa simbahan sa pagpupunta kay Kristo? Hindi sa anomang paraan! Sinasabi kong paulit-ulit na ang pagpunta kay Kristo at pagpunta sa simbahan ay dalawang hiwalay na mga bagay. Kung magpupunta ka sa simbahan na hindi nagpupunta kay Kristo ika’y pupunta sa Impiyerno! Si Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo! Madalas kong isipi ang Mga Gawa 16:31, “Manampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka.” Ginagawa namin iyang malinaw na lubos. Ang kaligtasan at pagiging miyembro ay dalawang hiwalay na mga bagay. Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Kristo! Iyan ang motto na dapat nating gawing malinaw na ang kaligtasan at pagiging miyembro ay dalawang magkaibang mga bagay
“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].
Narito ay tatlong simpleng mga punto na ilalabas ko ngayong umaga:
I. Una, ang pagpupunta sa simbahan ay makapagagaling ng iyong paggiging mag-isa.
Dapat mong maintindihan na kung sino ang kinakausap ko. Kinakausap kita! Ito’y lumalabas na bawat salita sa aming websayt – sa iba’t ibang bahagi ng mundo – sa 32 wika. Maaring mayroong mga taong nagbabasa nito na hindi nakadarama ng pagiging mag-isa. Hindi ko alam. Ang alam ko ay na karamihan sa mga kabataan ay nakadarama ng kalungkutan ngayon.
Maraming pag-eebanghelismong ginagawa ang simbahan natin – lalo na sa mga kampus ng maraming sekular na mga kolehiyo, at ibang mga lugar na pinupuntahan ng mga kabataan, sa distrito ng Los Angeles. Ang simbahang ito ay puno ng mga kabataang nasa kolehiyo at high school ngayong umaga bilang resulta – at kinakausap kita! Alam kong nag-iisa ka katulad ko noong bago ako nagpunta sa simbahan ang lahat ng mga kabataan at – at gayon din ikaw – sa pinaka kaunti paminsan-minsan. Sa sinasabi ko na ayaw ng Diyos na ika’y maging mag-isa. Sa Hardin ng Eden sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18). Nilikha ng Diyos si Eba mula sa tadyang ni Adan upang hindi siya mag-isa (Isinalin mula sa cf. Genesis 2:18, 21-22). Hindi gusto ng Diyos na ang tao ay mag-isa. At hindi gusto ng Diyos na ika’y mag-isa. Iyan ang isa sa mga dahilan na nilikha ng Diyos itong lokal na Bagong Tipang Bautismong simbahan – upang hindi ka mga-isa.
“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].
Isang Tsinong babae na kasama namin ng ilang linggo lamang ay nagsulat sa akin ng email na ito. Ang kanyang Ingles ay di pa perpekto, ngunit nagsalita siya mula sa kanyang puso.
Dr. Hymers and iyong pangangaral ay nakamamangha! Itinuturo mo sa akin na magtiwala kay Kristo at maging ligtas! Ginagawa mo akong malaman ang katotohanan! Gusto kong marinig ang higit pa sa iyong pangangaral! Gusto kong magpunta sa simbahang ito magpakailan man! Nananalangin akong may luha para sa ating simbahan, nananalangin ako na ang Banal na Espiritu ay magpunta sa ating simbahan! Nananalangin din ako para sa iyo na maging mas maigi at mas maigi sa iyong pangangaral!!! Ang simbahang ito ay tunay na aking pangalawang tahanan! Sa katunayan ang simbahang ito ay magiging ang aking pangunahing tahanan! Ang tahanan na hinahanap ko ng mahabang panahon na!
Salamat!!!! Salamat!!!! Salamat!!!!
Kaya sinasabi namin, “Bakit maging nag-iisa? Umuwi – sa simbahan!” Narinig ako ng batang babaeng iyon at siya ay nagpupunta sa simbahan sa bawat pagkakataon na ang pintuan ay bukas!
Mali ba kaming sabihin iyan? Maaring mayroong magsabi, “Huwag mong sabihin sa mga bata iyan. Baka magpunta sila sa simbahan para sa maling dahilan.” Mas pipilin ko pang magpunta ka para sa maling dahilan kay sa hindi magpunta kailan man! Maaring maligtas ka pa kung patuloy kang magpupunta! Pagkatapos ay magpupunta ka para sa tamang dahilan!
Kung ang pagpupunta sa simbahan dahil malungkot ka ay ang “maling dahilan,” gayon ako rin ay nagpunta dahil sa maling dahilan. Noong ako’y labin tatlong taong gulang inimbita ako ng mga kapit-bahay sa simbahan. Nagpunta ako dahil ako’y nag-iisa. Ako’y nagpatuloy magpunta dahil ako’y nag-iisa. Pagkatapos ako’y napagbagong loob. Anong mali diyan? Walang mali diyan!
Gawin natin ang lokal na simbahan na ito na isang masayang lugar! Gawin natin itong ang pinaka-masayang lugar sa lupa! Kantahin natin ang mga dakilang ebanghelyong kanta’t himno! Ipangaral natin ang lumang panahong ebanghelyong sermon – at sumigaw ng “Amen!” Umupo tayo at kumain ng hapunan (Hindi tanghalian! Tanghalian ay isang bagay na binubuhat sa isang sako!). Mag-“hapunan tayo sa paligiran ng simbahan,” tulad ng ginagawa noong mga nasa lumang panahon! Mag-karoon tayo ng lumang-paraang samahan. Kantahin natin ang kantang iyon, “Umuwi sa Hapunan.” Ito’y nasa pangatlong taludtod ng huling kanta sa iyong kantahang papel! Kantahin ito!
Ang mga taga-malaking lungsod ay
mukhang wala lang paki-alam;
Maliit ang mai-aalay nila at
walang pag-ibig na maibigay.
Ngunit umuwi kay Hesus at
iyong matutuklasan,
Mayroong pagkain sa mesa at
pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain,
Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
(“Umuwi sa Hapunan,” isinalin mula sa “Come Home to Dinner” ni Dr. R. L. Hymers, Jr., koro sa tono ng
“On the Wings of a Snow White Dove.”)
Maraming mga kabataan ang dumating upang “maghapunan sa paligiran” sa mga lumang-panahong ebanghelistikong pagpupulong ng ika-labin walo at ika-labin siyam na mga siglo – noong ipinadala ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan at yoong mga kabataan na dumating upang kumain ng hapunan ay nanatili at narinig ang isang mangangaral na ibinabayo ang pulpito at iwinawagaswas ang kanyang Bibliya sa ere – at isinisigaw ang ebanghelyo ni Kristo. Kailangan natin iyan ngayon!
“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).
Oo, ang pagpupunta sa simbahan ay makagagaling ng iyong pagiging mag-isa. Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan! Kantahin ang koro muli!
Umuwi sa simbahan at kumain,
Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!!
II. Ngunit, pangalawa, ang pagpupunta sa simbahan ay hindi makaliligtas sa iyo.
Madalas sabihin noon ng isang matandang ebanghelista, “Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi makagagawa sa iyong mas higit na maging isang Kristiyano kay sa ang pagpupunta sa isang garahe ay makagagawa sa iyong maging isang kotse.” Tama siya sa puntong iyon. Ang kausap niya ay ang mga taong iniisip na sila’y ligtas dahil nagpupunta sila sa simbahan tuwing Linggo. Ngunit hindi marami ang mga taong tulad ng mga iyon dito sa Los Angeles ngayon. Napaka-kaunting mga “modernong” tao sa ating lungsod ang nag-iisip tulad niyon sa ating panahon. Marami silang ibang mga huwad na pag-asa ng kaligtasan ngayon.
Ngunit maaring mayroong ilan sa inyo ngayon rito ngayong umaga na iniisip iyan, tulad ng isang nawawalang anak sa simbahan. Maari mong sabihin sa iyong puso, “Ako’y nagpupunta sa simbahan na. Ako’y OK.” O, hindi! Huwag mong iisipin iyan! Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi makagagawa sa iyong mas higit na maging isang Kristiyano kay sa pagpunta sa isang garahe ay makagagawa sa iyong maging isang kotse! Mayroong nakarinig sa akin na nagsabi niyan at nagsabi, “Edi di na ako magpupunta sa simbahan.” Iyan ay isang ideya na nanggangaling mula kay Satanas! Ang pagiging nasa simbahan ay hindi magliligtas sa iyo – ngunit ang pagiging nasa simbahan ay maglalagay sa iyo sa ilalim ng pangangaral ng Ebanghelyo, at gagawin itong mas posible na ika’y maligtas! Dapat kang magpunta sa simbahan upang madinig ang Ebanghelyong pangangaral!
Sinabi ni Kristo, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Dapat mong maranasan ang bagong pagkapanganak upang maligtas.
Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya lamang. Walang gawain ng tao ang makaliligtas sa iyo – hindi kahit ng pagpupunta sa simbahan. Ang paraan lamang upang mapagbagong loob ay sa pamamagitan ng pagpuntang direkta kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Sinabi ni Hesus,
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).
Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo lamang. Dapat kang magpunta kay Hesus at mananampalataya sa Kanya ng iyong buong puso, “sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid” (Mga Taga Roma 10:10). Ika’y mapagbabagong loob sa pamamagitan ng pagpupunta kay Hesus. Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi makaliligtas sa iyo
Sinasabi ng ating teksto,
“At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV].
Ikaw ay totoong “idinaragdag sa [kanilang simbahan]” lamang sa pamamagitan ng pagiging ligtas. At ikaw ay naliligtas lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus.
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” Mga Gawa 16:31).
Kantahin ang pangatlong taludtod ng koro ng “Umuwi sa Hapunan.”
Ang mga taga-malaking lungsod ay
mukhang wala lang paki-alam;
Maliit ang mai-aalay nila at
walang pag-ibig na maibigay.
Ngunit umuwi kay Hesus at
iyong matutuklasan,
Mayroong pagkain sa mesa at
pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain,
Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
III. Pangatlo, ang pagpupunta sa simbahan ay maglalagay sa iyo sa ilalim ng pangangaral ng ebanghelyo.
Sinabi ng Apostol,
“Paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” (Mga Taga Roma 10:14).
Ito’y ang pangangaral ni Pedro na ginamit ng Diyos upang makuha ang mga taong maligtas sa araw ng Pentekostes (Mga Gawa 2:37-41). Tapos sila’y naidagdag sa simbahan (Mga Gawa 2:41, 47).
“Nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa” (Mga Gawa 2:41).
Sila’y naidagdag sa simbahan sa pamamagitan ng pagkakaligtas sa ilalim ng pangangaral ni Pedro.
Naniniwala ako sa pangangaral ng ebanghelyo! Ipinangangaral ko ang ebanghelyo dalawang beses tuwing Linggo sa simbahang ito. Alam ko na ang pangangaral ng ebanghelyo ay wala na sa uso sa maraming mga simbahan ngayon. Ngunit wala akong paki-alam sa pagiging “nasa uso!” Kailangan kong mangaral upang makuha maligtas kayong mga kabataang! Sa tingin ko’y hindi natin kailan man makikita ang muling pagbabangon kung hindi tayo babalik sa pangangaral ng lumang-panahong ebanghelyo sa ating paglilingkod tuwing Linggo!
Sinabi ni Pablo sa simbahan sa Corinto,
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23).
Ang iba ay maaring magkwento upang magalak ang mga tao. Ang iba ay maaring magbigay ng mahabang paliwanag ng Kasulatan. Ang ilan ay maaring magbigay ng 15 minutong “inspirasyonal na mga mensahe.” “Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23). Dito sa Baptist Tabernacle amin pa ring “ipinangangaral […] ang Cristo na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 1:23). “Datapuwa’t aming ipinangangaral si Kristong napaka sa krus.” Anoman ang sabihin ng iba, patuloy kami sa pangangaral ng Ebanghelyo tuwing Linggo!
Hindi ba gagawin iyang mababaw ang mga tao? Siguradong hindi nito ginawang mababaw ang aming mga tao! Nasa atin ang ilan sa pinaka-maiiging Kristiyanong nakilala ko kailan man sa simbahang ito. Karamihan sa kanila ay napagbagong loob sa ilalim ng aking ebanghelyong pangangaral, tuwing umaga at gabi ng Linggo. Sila’y napakain sa pamamagitan ng aking ebanghelyong pangangaral, umaga at gabing Linggo. Sila’y napakain ng aking ebanghelyong pangangaral, umaga ng Linggo at gabi ng Linggo. Sila’y lumago na maging nakamamanghang mga Kristiyano sa pamamagitan ng aking ebanghelyong pangangaral, umaga ng Linggo at gabi ng Linggo.
Ang ating diakonong, si Gg. Griffith, ay naligtas sa ilalim ng aking ebanghelyong pangangaral – at ay isang dakilang tao ng Diyos. Ang ating katulong na pastor na si Dr. Chan, ay naligtas sa ilalim ng aking ebanghelyong pangangaral, at ay isang dakilang tao ng Diyos. Si Dr. Cagan, ang ating pangalawang pastor, ay dumating rito hindi katagalan pagkatapos ng kanyang pagbabagong loob, at iginugol ang 38 na taon sa pakikinig sa aking mangaral ng ebanghelyo tuwing umaga ng Linggo at tuwing gabi ng Linggo. Siya ay isa sa pinaka-magaling na Kristiyanong iyong makikilala kailan man. Maliban kay Dr. Cagan at Gg. Prudhomme, bawat isa sa mga pinuno sa ating simbahan ay naligtas sa ilalim ng pangangaral ng ebanghelyo. Wala na silang iba pang narinig kundi ang ebanghelyong sermon, Linggo umaga at gabi, sa buong Kristiyanong buhay nila. Sila ay mga dakilang Kristiyano. Sila naging malalakas na mga Kristiyano sa ilalim ng lumang-paraang ebanghelyong pangangaral!
Hindi, ang ebanghelyong pangangaral ay hindi makagagawa sa iyong mababaw – maliban na lang kung ito’y isang mababaw na ebanghelyong pangagnaral! Ipinangaral ni Dr. Martyn Lloyd-Jones ang ebanghelyo tuwing gabi ng Linggo sa kanyang dakilang simbahan sa London – at madalas ng umaga ng Linggo rin. Siya ay tinatangap na isa sa pinakadakilang mangangaral ng ika-dalawampung siglo. Nakarinig ako ng isang teyp ng isa sa kanyang ebanghelistikong sermon hindi katagalan noon. Ito’y lubusang nakamamangha! Nakapupukaw! Ang ganoong uri ng ebanghelyong pangangaral ay hindi lamang gagamitin ng Diyos upang mapagbagong loob ka – gagawin ka rin nitong maging isang malakas ng Kristiyano.
Ang ebanghelyong pangangaral ay makakukuha sa iyong mailigtas, at itatatag ka bilang isang Kristiyano, gaya ng ginawa nito sa panahon ng Bibliya. Ang bawat pangangaral sa Aklat ng Mga Gawa, maliban sa isa, ay isang Ebanghelyong pangangaral. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).
Oo, umuwi sa simbahan. Ngunit makinig rin sa pangangaral at magpunta kay Hesus. Magsisi at magtiwala kay Hesu-Kristo. Ang Kanyang Dugo ay lilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan! Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay! Magpunta sa Kanya at magtiwala sa Kanya – at maging ligtas! Makinig sa aking mangaral, gaya noong ginawa ng mga tao sa Pentekostes, at ililigtas ka rin ni Hesu-Kristo! Kantahin ang huling kanta sa iyong kantahang papel, “Umuwi sa Simbahan at Maghapunan.”
Umuwi kay Hesus, ang mesa ay nakalatag;
Umuwi sa hapunan at tayo’y maghati ng tinapay.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihing,
Umuwi sa hapunan at maghati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
Ang samahan ay matamis at ang iyong mga kaibigan ay narito;
Tayo’y uupo sa mesa, ang ating pusong puno ng ligaya.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihin,
Umuwi sa hapunan at maghati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
Ang mga taga-malaking lungsod ay mukhang wala lang paki-alam;
Maliit ang mai-aalay nila at walang pag-ibig na maibigay.
Ngunit umuwi kay Hesus at iyong matutuklasan,
Mayroong pagkain sa mesa at pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
Umuwi kay Hesus, ang mesa ay nakalatag;
Umuwi sa hapunan at tayo’y maghati ng tinapay.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihing,
Umuwi sa hapunan at maghati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y nakaliligaya, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
(“Umuwi sa Hapunan,” isinalin mula sa “Come Home to
Dinner” ni Dr. R. L. Hymers, Jr., koro sa tono ng
“On the Wings of a Snow White Dove.”)
Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Gawa 2:41-47.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagpalain ang Tali na Nagbibigkis.” Isinalin mula sa
“Blest Be the Tie That Binds” (ni John Fawcett, 1740-1817).
ANG BALANGKAS NG ANG KAHALAGAHAN NG LOKAL NA SIMBAHAN THE IMPORTANCE OF THE LOCAL CHURCH ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At idinaragdag sa [kanilang simbahan] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47) – [KJV]. (Mga Gawa 8:1; Mga Taga Efeso 5:23; I. Una, ang pagpupunta sa simbahan ay makapagagaling II. Ngunit, pangalawa, ang pagpupunta sa simbahan ay III. Pangatlo, ang pagpupunta sa simbahan ay maglalagay |