Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PANANALANGIN LUBOS –
HANGGANG MAKUHA MO ANG HINIHINGGI MO!

PRAYING THROUGH – ‘TILL YOU GET WHAT YOU ASK FOR!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-23 ng Agosto taon 2015


Sa Ebanghelyo ni Lucas idiniin ni Hesus ang “pananalanging lubos” – iyan ay, pananalangin para sa isang tiyak na bagay hanggang makuha mo ito, kahit na kailangan mong manalangin ng mahabang panahon bago ang sagot ay dumating. Iyan ang ibig sabihin na “manalanging lubos.” Sinabi ni Dr. John R. Rice,

Kapag tinutukoy namin ang “pananalanging lubos” ang ibig naming sabihin ay isnag Kristiyano na dinadala ang kanyang [problema] sa Diyos at nag-aantay sa Diyos hanggang sa makuha niya ang sagot sa kanyang mga panalangin…Maaring di natin kailan man makuha ang kasiguraduhan ng kagustuhan ng Diyos, na bibigyan Niya tayo ng tiyak na mga bagay, hanggang sa tayo’y mag-antay sa Diyos…Pansinin ang ilang mga halimbawa sa Bibliya ng masugid na panalangin…Si Nehemiah ay nag-ayuno at nanalanging lubos tungkol sa malungkot na kalagayan ng pinabayaang lungsod ng Jerusalem sa ilalim ng pagkabihag ng mga kaaway nito. Sinabi niya, “ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit” (Nehemiah 1:4)… Nagmaka-awa siya sa Diyos…Ang kanyang panalangin ay [sa wakas nasagot]. Ang puso ng hari ay nahawakan, at ipinadala ng Diyos si Nehemiah pabalik upang itayo ang mga pader ng lungsod…dahil nanalangin siyang lubos…
     Ang mga Hudyo ay nag-ayuno at nanalangin na ililigtas ng Diyos ang kanilang mga buhay [noong sila’y malapit nang lipulin] sa panahon ni Reynang Esther sa Persia, at sa loob ng tatlong araw at mga gabi sila’y nanalanging lubos at ang mga Hudyo ay nagkaroong ng kaligtasan at tapos ay higanti sa kanilang mga kaaway.
     Ang mga tao ng Nineveh ay nag-ayuno at nanalangin, at [iniligtas] ng Diyos ang kanilang dakilang lungsod, at [hindi ito winasak, kundi imbes ay nagpadala ng isang dakilang muling pagkabuhay].
     Sa Bagong Tipan ito’y pareho. [Bago] ng Pentekostes…ang mga disipolo ay nanalanging lubos [sa isang silid na magkakasama. At nadinig ng Diyos ang kanilang mga panalangin, at sinagot ang mga ito. Pagkatapos ng maraming mga araw ng pananalangin ipinadala ng Diyos sa kanila ang makapangyarihang muling pagkabuhay ng Pentekostes, noong tatlong libong mga nawawalang mga Hudyo ay milagrosong napagbagong loob, nakatala sa Mga Gawa 1 at 2, isang nakamamanghang halimbawa ng pananalanging lubos para sa isang bagay hanggang sa ibinigay ng Diyos ang hinihingi]…
     Sa ika labin dalawang kapitulo ng Mga Gawa berso 1 hanggang 17, makikita natin kung paano ang isang grupo ng mga Kristiyano ay nagsama-sama sa tahanan ni Maria…at nanalanging lubos hanggang sa ang Apostol Pedro ay pinalaya mula sa bilangguan ng isang anghel. [Sila’y nanalanging lubos hangang sa si Pedro ay milagrosong pinalaya mula sa bilangguan]. Iyan ay isang mahabang-nagpatuloy, sa pusong paghahanap, biyak na pusong panalangin. At iyan ang halimbawa ng mga Bagong Tipang Kristiyano sa lahat ng mga lugar (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Panalangin – Paghinggi at Pagtatanggap [Prayer – Asking and Receiving], Sword of the Lord Publishers, 1981 inilimbag muli, mga pah. 203, 206-209, mga kumento ni Dr. Hymers’ sa mga panaklong).

Si Hesus ay nagbigay ng dalawang halimbawa ng pananalanging lubos sa Ebangheliyo ni Lucas. Ang una ay nakatala sa Lucas 11:5-8. Magsitayo at basahin ang apat na mga berso na malakas. Ito’y nasa pahina 1090 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield.

“At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay; Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya? At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin, Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto, at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo. Sinasabi ko sa inyo, Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya” (Lucas 11:5-8).

Maari nang magsi-upo. Pansinin ang berso 8. Ito ang susi sa berso,

“Dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya” (Lucas 11:8).

Ang salitang “pagbagabag” [importunity sa Ingles] ay hindi na ginagamit o naiintindihan sa makabagong wika. Ibig nitong sabihin ay “pagdidiin na pagpipilit.” Sinabi ni Dr. Rices, “Ang pasahe ay maliwanag na tumutukoy sa isang [Kristiyano] na gusto ng kapangyarihan [upang ang kanyang kaibigan ay mapagbabagong loob]. Ang isang Kristiyano ay mayroong karapatang magpunta sa Diyos at magmakaawa para sa tinapay ng buhay [para] sa iba…Tinapay para sa mga makasalanan ay ibinibigay lamang doon sa mga nakaaalam ng sekreto ng ‘pagbabagabag’ [upang manalangin hanggang sa bigyan ka ng Diyos ng nagbabagong loob na biyaya sa isang nawawalang kaibigan]…Ang isang Kristiyano na gusto ng higit sa natural, milagrong kumikilos na kapangyarihan ng Banal na Espiritu [upang mapagbagong loob ang kanyang kaibigan] ay mayroong karapatan na mag-antay sa Diyos, [na manalanging lubos hanggang sa ang kanyang kaibigan ay ligtas]” (Isinalin mula kay Rice, ibid., pah. 209).

“Dahil sa kaniyang [nagdidiin na pagpipilit] ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya” (Lucas 11:8).

Muli, tinuruan tayo ni Hesus na manalanging lubos sa Lucas 18:1-8. Magsitayo at basahin ang walong mga bersong iyon ng malakas. Ito’y nasa pahina 1100 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield.

“At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay; Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan: At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit. At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao; Gayon man, sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito. At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom. At hindi baga, igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y may pagpapahinuhod sa kanila? Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:1-8).

Maari nang magsi-upo.

Ang pangunahin punto ng parabulang ito ay pananalanging lubos. Ang punto ay ibinigay sa berso isa,

“At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay” (Lucas 18:1).

Tayo ay dapat “magsipanalangin lagi, at huwag magngalupaypay.” “Mangalupaypay” ay nangangahulugang “pagsuko,” “pagbitiw.” Tayo ay dapat laging manalangin at hindi sumuko at bumitiw. Ibig niyang sabihin kapag tayoy magsimulang manalangin para sa isang bagay, dapat tayong magpatuloy manalangin para rito hanggang matanggap natin ito. Huwag sumuko, huwag bumitiw, hanggang sa makuha mo ang bagay na ipinananalangin mo.

Marami akong natatanggap na mga Pampaskong mga kard bawat taon mula sa mga kalalakihan at mga kababaihan na nasa aking Linggong Paaralan na mga estudyante limampung taon noon sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan. Malinaw kong natatandaan na nananalangin para sa bawat isa sa kanila hanggang sila’y napagbagong loob. Binibigyan ako nito ng dakilang kaligayahan na makita na sila’y mga mabubuting mga Kristiyano limampung taon mayamaya. Nakita ko ang marami sa kanila sa libing ni Dr. Murphy Lum ilang linggo lang ang nakalipas. Binibigyan ako nito ng dakilang kaligayahan na makita na sila pa rin ay mga mabubuting mga Kristiyano!

Sa loob ng aking mga taon sa Tsinong simbahan, sa mga taong 1960, ako’y nagulo patungkol sa pangangailangan ng muling pagkabuhay. Ipinaalala sa akin ni Dr. Murphy Lum na ilang taon noon na bawat beses na ako’y nanalangin sa publiko sa simbahan, lagi akong nanalangin para sa muling pagkabuhay. Kahit na ako’y minsan tinawag upang manalangin para sa hapunan, mananalangin ako para sa Diyos na magpadala ng isang muling pagkabuhay. At madalas akong manalangin para sa isang simbahang muling pagkabuhay sa aking mga pribadong panalangin. Ang iba ay nanalangin para rito rin, ngunit tapat kong masasabi na ako’y tunay na napuspos, pati napuno, na pangangailangan para sa muling pagkabuhay. Nanalangin akong lubos at mahaba para sa Dios na kumilos sa paraang iyon. At sa tag-init ng 1969 ang Diyos ay nagsimulang magbigay ng isang muling pagkabuhay na nagpatuloy, bukas at sara, sa loob ng apat na taon. Sa isang pagpupulong sa simbahang iyon apat na pung mga kabataan ang nagpunta sa harap na mayroong mga luha, nagsisiluha, pagkatapos kong mangaral sa isang ebanghelistikong paglilingkod noong ika-29 ng Agosto taon 1970 (Isinalin mula sa “Sa Diyos Maging ang Luwalhati” [“To God Be the Glory,”] 20th Anniversary booklet, FCBC, Marso 1972, pah. 28).

Para sa isang simbahan ng mga 150 na mga tao na magkaroon ng 40 na tumugon ay sapat sa isang kaganapn na mailista bilang isa sa mga “mahalagang kaganapan” ng unang dalawampung taon ng simbahan iyon. Nakita ko, mula sa talaan ng simbahan na, lahat ng apat nap u sa kanila ay bininyagan sa dalawang dakilang bautismong paglilingkod (Isinalin mula sa “Sa Diyos Maging ang Luwalhato,” pah. 29). Ang kanilang mga pangalan ay nakalista sa talaan. Halos lahat sila ay mga Kristiyano ngayon. Nakita ko ang marami sa kanila sa libing ni Dr. Lum mas maaga sa buwan na ito. Ang Diyos ay sumasagot sa masugid na panalangin, noong nanalangin kaming lubos para sa isang makapangyarihang muling pagkabuhay na dumating sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan sa huling bahagi ng mga taong 1960 at maagang mga taon ng 70. Bago ito natapos, daan-daang mga kabataan ang nagpunta sa simbahang iyon.

Sa isang Puting simbahan sa Silangang Baybayin noong mga taong 1990 akin muling naramdamang malalim ang pangangailangan para sa muling pagkabuhay. Nag-ayuno ako at nanalangin ako buong araw. Nagpunta akong nanginginig sa pulpit at nangaral ng isang simpleng mensahe ng kaligtasan. Ang sariling anak ng pastor, ang pangalawang pastor ng simbahan ay nagpunta sa harap na may mga luha, nagsasabi na siya ay nawawala at kinailangang mapagbagong loob. Ang imbitasyon ay nagpatuloy hanggang sa pagkatapos ng 11:00 ng gabi. Lampas sa 75 na mga tao ang nagpuntang lumuluha sa altar. Isang matandang lalake ang nagpuntang gumagapang sa kanyang mga kamay at tuhod na sumisigaw na, “nawawala ako! nawawala ako!” Mga binata at mga dalaga na nasa simabahan na ng kanilang buhay ay nagpunta sa harap at nagsibagsak sa pagluluha. Ang anak ni Dr. Ian Paisley, si Kyle ay nakatayo malapit sa aking asawa at mga anak na lalake. Binulong niya sa aking asawa, “Hindi pa ako nakakita ng kahit anong tulad nito!”

Sa sunod na tatlong mga buwan lampas sa limang daang mga tao ang nagpunta, lahat sila napaka seryoso, marami sa kanila lumuluha, ang ilan ay nagsisisigaw pa nga. Ang pastor mayamaya ay nagbinyag ng daan daan sa kanila sa loob ng maikling panahon. Kamakailan na narinig ko na isang tanyag na pundamental na Bautistang mangangaral ay nagsabi na hindi pa siya nakakita ng isang muling pagkabuhay na tulad niyan. Pinasasalamat ko ang Diyos na nakakita ako ng muling pagkabuhaya dalawang beses – sa sagot sa masugid na panalangin. Kung tayo’y nanalangin ng malalaking mga panalangin, at isuko ang kalokohan ng “desisyonismo,” naniniwala ako na magpapadala ang Diyos ng muling pagkabuhay muli – gaya ng ginagawa Niya noong mga lumang panahon. Alam ko na sinasagot ng Diyos tayo kapag nananalangin tayong lubos. Ang aking sariling ina ay 80 na taong gulang at hindi pa rin napagbagong loob. Nagkaroon siya ng isang ataka na maaring pumatay sa kanya. Maaring nagpunta na siya sa Impiyerno. Ngunit nanalangin ako para sa kanyang kaligtasan sa loob ng apat na pung taon, literal na araw-araw. Sa wakas, isang araw alam ko sa aking puso na nanalanagin akong lubos. Nangangaral ako sa New York. Tinawagan ko si Dr. Cagan, at hiningi sa kanyang magpunta at gabayin siya kay Kristo. Siya ay natatakot na magpunta dahil ginawa niya itong napaka linaw sa kanya na ayaw niyang makipag-usap patungkol sa “pagiging ligtas.” Ngunit sinabi ko kay Dr. Cagan na nanalangin akong lubos, at alam ko sa aking puso na siya’y maliligtas sa araw na iyon. Si Dr. Cagan ay nagpunta sa kanyang silid sa hapong iyon – at ito’y napaka dali! Ang aking ina ay napagbagong loob na agad-agad. Bininyagan ko siya sa taon na iyon sa ika-4 ng Hulyo sa simbahan ni Dr. Waldrip, sa isang pinagsamang bautismong paglilingkod. Ang aking ina ay isang bagong nilalang kay Kristo Hesus mula sa sandaling iyon, napagbagong loob sa edad na 80.

Alam ko na maari kang manalanging lubos para sa isang taong maligtas! Alam ko na maari kang manalanging lubos para sa isang muling pagkabuhay, at makuha ang hinihingi mo, sa isang lokal na simbahan. Alam ko na maari kang manalanging lubos para sa isang nawawalang kaibigan sa simbahan. At malalaman mo rin ito – kung magsimula kang manalangin para sa isang nawawalang kaluluwa na nagppupunta rito, at magpatuloy manalangin para sa taong iyon, at hindi managlupaypay, hanggang sa ibigay sa iyo ng Diyos ang hinihingi mo! Amen!

Tayo ay mag-aayuno muli sa sunod na Sabado. Kung ika’y maaring makasama namin sa pag-aayuno, paunawana huwag kumain pagkatapos ng panggabing hapunan sa Biyernes, hangang sa magpunta tayo rito sa simbahan at magkaroon ng isang hapunang magkakasama sa 5:30 sa gabi ng Sabado. Narito muli ay ang isang listahan ng mga bagay na basahin habang nag-aayuno at nananalangin sa Sabado. Ang listahan ay ibinigay sa katapusan ng mensahe. Bibigyan namin kayo ng kopya upang iuwi.

Pinagmamalaki ko kayo! Kayo’y mga dakilang mga tao! Naniniwala ako na marami sa mga kabataan ay maliligtas habang ika’y mag-ayuno at manalangin para sa kanila! Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.


1.   Gawin ang iyong pag-aayunong isang sekreto (kasing higit nang maari). Huwang mag-ikot na nagsasabi sa mga tao na ika’y nag-aayuno.

2.   Gumugol ng panahon na nagbabasa ng Bibliya. Basahin ang ilang bahagi ng Aklat ng mga Gawa (lalo na malapit sa simula).

3.   Memoryahin ang Isaias 58:6 habang ng pag-aayuno sa Sabado.

4.   Manalangin para sa Diyos na bigyan tayo ng 10 o higit pang mga bagong mga kabataan na mananatili kasama natin.

5.   Manalangin para sa pagbabagong loob ng ating mga di napagbagong loob na mga kabataan. Manalangin para sa Diyos na gawin para sa kanila ang sinabi Niya sa Isaias 58:6.

6.   Manalangin na ang unang beses na mga bisita ngayon (Linggo) ay maakit pabalik sa sunod na Linggo. Manalangin para sa kanila sa pangalan kung posible.

7.   Manalangin para sa Diyos na tulungan akong mangaral sa sunod na Linggo – sa umaga at sa panggabi.

8.   Uminom ng maraming tubig. Mga isang baso kada oras. Maaring uminom ng isang malaking tasa ng kape sa simula kung ika’y sanay sa pag-inom araw-araw. Huwag uminom ng pamapalamig na inumin, pampalakas na inumin, atbp.

9.   Siyasatin ang isang medikal na doktor bago ka mag-ayuno kung mayroon kang kahit anong katanungan tungkol sa iyong kalusagan. (Maari ninyong siyasatin sai Dr. Kreighton Chan o Dr. Judith Cagan sa ating simbahan.). Huwag mag-ayuno kung mayroon kang isang seryosong karamdaman, tulad ng diyabetes o mataas ang presyon. Gamitin lang ang Sabado upang manalangin para sa mga kahilingang ito.

10. Simulan ang iyong pag-aayuno pagkatapos ng iyong panggabing hapunan ng Biyernes. Huwag kumain ng kahit ano pagkatapos ng hapunan sa Biyernes hanggang sa magkaroon tayo ng isang hapunan rito sa simbahan ng 5:30 ng Sabado ng gabi.

11. Tandaan na ang pinaka mahalagang bagay na ipanalangin ay para sa nawawalang mga kabataan sa ating simbahan na mapagbagong loob – at para rin sa mga bagong mga kabataan na nagpupunta sa panahong ito, na manatili kasama nating permanente.

Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 18:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me To Pray” (ni Albert S. Reitz, 1879-1966).