Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG DI NAGUSTUHANG HENERASYON

THE UNWANTED GENERATION
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-16 ng Agosto taon 2015

“Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang, sapagka't ang iyong pagkatao ay itinakuwil, nang araw na ikaw ay ipanganak. At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka” (Ezekiel 16:5-6).


Ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay nararamdamang nag-iisa ngayon. Marami sa inyo ay mayroong mga magulang na napaka abala na wala silang panahon para sa iyo. Ang taong bayang pamumuhay ay wala na. Ang pamilyang pangkat ay wala na, o wasak. Limampung pitong milyon sa inyong henerasyon ay pinatay sa pamamagitan ng “kaluwagang” aborsyon. Hindi lang ito “maluwag” na magkaroon sila – kaya pinatay nila nila sila bago sila ipinanganak. Ang kaunti sa inyong nabuhay ay naiwang nag-iisa – ng mga magulang na masyadong abala upang bigyan kayo ng isang nagmamahal na tahanan para sa iyo. Di nakapagtataka ang mga sosyolohista at mga psikolohista ay nagsasabi na ang pagiging mag-isa ay isang dakilang problema para sa mga kabataan ngayon. Na ang pagiging mag-isa ay ipinahiwatig ilang taon noon ng Green Day sa kanilang kantang, “Bulebar ng Wasak na mga Panaginip” [“Boulevard of Broken Dream”].

Naglalakad ako sa isang malungkot na kalye
Ang nag-iisang aking nalalaman kailan man
Hindi ko alam kung saan ito pupunta
Ngunit ito’y tahanan para sa akin at naglalakad ako mag-isa.
Nilalakad ko ang walang lamang kalye na ito
Sa Bulebar ng Wasak na mga Panaginip
Kung saan ang lungsod ay natutulog
At ako lang ang nag-iisa at naglalakad ako mag-isa
Naglalakad ako mag-isa. Naglalakad ako mag-isa. Naglalakad ako mag-isa.
   (Isinalin mula sa Green Day, Bulebar ng Wasak na mga Panaginip
      [“Boulevard of Broken Dreams,”] 2004).

Ito’y isang kanta na nakakuha ng attensyon na mga kabataan sa buong Amerika – at sa buong mundo. Maririnig mo pa rin ito sa radyo. Hindi ko ito inirerekumenda – ngunit eto na nga – isang kanta na naglalarawan ng iyong henerasyon, “Naglalakad akong mag-isa…nilalakad ang walang lamang kalyeng ito, Sa Bulebar ng Wasak na mga Panaginip.”

Naramdaman mo ba iyan kailan man? Naramdaman mo ba kailan man na di gusto at nag-iisa? Di nakapagtataka! Limam pu’t pitong milyon sa inyo sa Amerika ay pinatay sa pamamagitan ng “kaluwagang” aborsyon bago ka pa kailan man naipanganak. Ang kaunti sa inyo na nabuhay ay naiwang mag-isa – naglalaga sa mga kalye sa gabi, “aldabang-susing” mga bata – nag-iisa sa “Bulebar ng Wasak na mga Panaginip.”

At inilalarawan ng Bibliya ito sa ika-anim na kapitulo ng Ezekiel:

“Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang, sapagka't ang iyong pagkatao ay itinakuwil, nang araw na ikaw ay ipanganak” (Ezekiel 16:5).

Ang Dakilang si Spurgeon, ang prinsipe ng mga mangangaral, ay nagbigay ng isang pangaral sa bersong iyan. Ito’y tinatawag na “Ang Iniwanang Sanggol ni Ezekiel” [“Ezekiel’s Deserted Infant”] (Metropolitan Tabernacle Pulpit, Ika-7 ng Setyembre taon 1862). Sinabi ni Spurgeon,

Ang berso ay nagtatanghal sa atin ng isang sanggol na nakahilata upang mamatay…Ang mga walang pusong mga magulang nito ay naglapag nito sa sa bukas na kaparangan, na walang pag-aalala para rito na anuman; at doon ito nakahilata sa harap ng iyong mga mata, natakpan ng dugo, nakahantad sa mga mababangis na mga halimaw, nagugutom na lubha, handa nang [mamatay]. Sa gitna nang maraming mga hetanong bayan doon nabubuhay ang mga barbarong tradisyon ng pag-iiwan…ng mga bata upang [mamatay] sa mga kagubatan o kaparangan (isinalin mula sa ibid.).

Sa sunod na Linggo ng umaga mangangaral ako patungkol sa paksang ito muli. Ito’y isang espesyal na mensahe sa mga kabataan. Gusto kong bumalik kayo sa sunod na Linggong umaga upang madinig ang pangaral na iyan. Magdala ng kaibigan sa sunod na Linggo ng umaga. Punuin natin ang simbahang ito ng mga kabataan! Dalhin ang bawat kolehiyong edad at mataas na paaralang edad na batang kilala mo. Sabihin natin sa kanila na mayroong sagot sa “Bulebar ng Wasak na mga Panaginip.” Sabihin natin sa kanila na mayroong isang sagot sa kanilang pagiging mag-isa! Sabihin natin sa kanila ang ating tema – “Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!” Ngunit ngayong umaga, magdadala ako ng tatlong simpleng mga punto mula sa ating teksto.

I. Una, nararamdaman mong nawawala at nag-iisa.

Hindi ko kailangang gawing nararapat iyan. Alam ko sa pagkakausap sa di mabilang mga kabataan, nang maraming taon, na nararamdaman mong nag-iisa. At bakit nararamdaman mong nag-iisa? Ang sagot ay ibinigay sa ating teksto. Pag-isipan ito muli.

“Walang matang nahabag sa iyo … na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang …” (Ezekiel 16:5).

Hindi ba iyan ang nararamdaman mo sa higit ng panahon? Nagpupunta ka sa paaralan. Mayroong malaking pulong ng kabataan sa paligid mo – ngunit nararamdaman mong nag-iisa – nag-iisa sa pulong. Nagpupunta ka sa pamilihan. Mayroong malaking dami ng mga tao sa paligid mo – ngunit nararamdaman mong nag-iisa. Umuuwi ka – ngunit mukhang walang mayroong oras upang makinig sa iyo. Naglalakad kang mag-isa. Hindi ba ganyan ang nararamdaman mong minsan?

“Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang …” (Ezekiel 16:5).

Hindi ba ganyan ang nararamdaman mo sa gabi kapag naglalakad kang mag-isa – pababa sa “Bulebar ng Wasak na Panaginip”? Ganyan ang naramdaman ni David noong sinabi niya,

“Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa” (Mga Awit 142:4).

Ganyan ang naramdaman ni Hesus sa gabing Siya ay nadakip, at

“iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).

Ganyan ang naramdaman ni Pablo noong sinabi niya,

“Pinabayaan ako ng lahat” (II Ni Timoteo 4:16).

Sinasabi ng ating teksto,

“Walang matang nahabag sa iyo … na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang …” (Ezekiel 16:5).

Naglalakad ako sa isang malungkot na kalye
Ang nag-iisang aking nalalaman kailan man
Hindi ko alam kung saan ito pupunta
Ngunit ito’y tahanan para sa akin at naglalakad ako mag-isa.
Nilalakad ko ang walang lamang kalye na ito.

II. Pangalawa, ayaw ng Diyos na ika’y maging nawawala at nag-iisa.

Pakinggan ang Ezekiel 16:6. Narito ang sinabi ng Diyos sa Israel, at sinasabi Niya sa iyo ngayon. Pakinggan ang teksto muli,

“At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka” (Ezekiel 16:6).

Ibinigay ni Dr. John F. Walvoord ang kumentong ito sa berso:

Habang napansin ng Diyos ang naghihirap na sanggol nalululob na walang tulong (sumisipa-sipa sa kanyang dugo), nagpunta Siya sa kanyang tulong. Ang buhay ng sanggol ay nakabitin sa balanse hanggang sa ang Diyos ay naglaan sa kanya ng kaligtasan: Sinabi ko [Sa iyo noong ika’y nasa iyong dugo, Mabuhay]; (Isinalin mula kay John F. Walvoord at Roy B. Zuck, Ang Bibliyang Karunungang Kumentaryo, Lumang Tipan, [The Bible Knowledge Commentary, Old Testament] Victor Books, 1985, pah. 1255).

Ang bersong ito ay agad-agad na nagpapaalala sa akin ng parabula na ibinigay ni Kristo. Binasa ni Gg. Prudhomme ito ilang minuto noon. Sinabi niya ang tungkol sa isang tao na ninakawan ng mga magnanakaw, nasugatan at naiwang kalahating patay, nag-iisa sa kalye ng Jericho. Ang lahat ay dumaan sa nag-iisang, namamatay na lalake tinignan siya, at tapos lumakad papalayo. Isang pari ang lumapit sa kanya, ngunit

“siya ay dumaan sa kabilang tabi” (Lucas 10:31).

Isa pang tao ang bumaba sa kalye

“dumaan sa kabilang tabi” (Lucas 10:32).

Sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon,

“Ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag” (Lucas 10:33)

at iniligtas siya. Ayaw ng Diyos na ang nasugatang lalakeng iyon ay maiwanang nag-iisa, upang mamatay sa tabi ng kalye. At ayaw ng Diyos na mamatay ka sa iyong mga kasalanan at palipasin ang walang hanggan na nag-iisa sa Impiyerno. Ayaw ng Diyos na ika’y mag-isa at nawawala.

“Ang Panginoon … hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi” (II Ni Pedro 3:9).

Ayaw ng Diyos na ika’y maging mag-isa at nawawala. Iyan ang dahilan na si Kristo ay dumating – upang iligtas ang nawawalang mga makasalanan!

III. Pangatlo, ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak upang dalhin ka palabas ng iyong kasalanan at pagkalungkot.

Sinabi ng Diyos,

“At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka…” (Ezekiel 16:6).

Nagsasalita patungkol sa bersong iyan, sinabi ni Dr. W. A. Criswell,

Ang Israel bilang anak, itinaboy bilang walang halaga at narumihan, tiyak ay namatay kung ang Diyos ay di dumaan at umabot sa kanya sa biyaya at awa (Isinalin mula sa Ang Criswell na Pag-aaral na Bibliya [The Criswell Study Bible], sulat sa Ezekiel 16:6).

At iyan sakto ang ginawa ng Diyos upang iligtas ka! Ang pinaka kilalang berso sa Bibliya ay gumagawa ritong napaka linaw:

“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).

Ipinadala ng Diyos si Hesus upang mamatay sa Krus – upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan at iligtas ka mula sa paghahatol. Ika’y “narumihan” sa kasalanan,

“nangahiwalay sa buhay ng Dios” (Mga Taga Efeso 4:18).

Ngunit ipinadala ng Diyos si Hesus upang iligtas ka. Bakit? Dahil Minamahal ka niya. Kung malimutan mo ang lahat ng iba na sinabi ko ngayong umaga, tandaan ito – Minamahal ka ng Diyos! Sinabi niya, “Minamahal kitang higit na ipinadala ko ang aking Anak upang mamatay sa Krus upang iligtas ka mula sa pagiging mag-isa, kasalanan at Impiyerno.” Minamahal ka ng Diyos! Minamahal ka ni Kristo! At kami, rito sa simbahang ito, ay minamahal ka rin!

Lumabas kami sa mga kolehiyo at mga pamilihan at mga kalye, at inimbita ka namin upang magpunta sa simbahan ngayong umaga. Bakit namin hininging magpunta ka? Dahil sinabi ni Kristo na gawin iyan. Sinabi Niya,

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

Iyan ang mensahe namin sa iyo ngayong umaga: “Bakit maging nag-isa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nag-iisa? Umuwi – kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!”

Malambot at mahinahon si Hesus ay tumatawag, Tumatawag para sa iyo at para sa akin,
Tignan sa mga pasukan Siya ay nag-aantay at nagbabantay, Nagbabantay para sa iyo at para sa akin;
Umuwi, umuwi, Kayong nag-aalala, umuwi;
Masugid, malambot, si Hesus ay tumatawag, Tumatawag, O makasalanan, Umuwi!
   (“Malambot at Mahinahon si Hesus ay Tumatawag.” Isinalin mula sa
      “Softly and Tenderly Jesus is Calling” ni Will L. Thompson, 1847-1909).

Ito’y maraming mainam malinis na kasiyahan na magpunta at maging narito kasama namin sa simbahan. Bakit hindi bumalik at maghapunan kasama namin sa 6:15 mamayang gabi? Bakit hindi? Bakit hindi bumali uli sa sunod na Linggo? “Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi – kay Hesus, na nagmamahal sa iyo ng Kanyang buong puso!” Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.

Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 10:30-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Bulebar ng Wasak ng mga Panaginip.” Isinalin mula sa “Boulevard of Broken Dreams” (ng Green Day, 2004)/
“Malambot at Mahinahon si Hesus ay Tumatawag.” Isinalin mula sa “Softly and Tenderly Jesus is Calling” (ni Will L. Thompson, 1847-1909).


ANG BALANGKAS NG

ANG DI NAGUSTUHANG HENERASYON

THE UNWANTED GENERATION

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang, sapagka't ang iyong pagkatao ay itinakuwil, nang araw na ikaw ay ipanganak. At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka” (Ezekiel 16:5-6).

I.    Una, nararamdaman mong nawawala at nag-iisa, Ezekiel 16:5;
Mga Awit 142:4; Mateo 26:56; II Ni Timoteo 4:16.

II.   Pangalawa, ayaw ng Diyos na ika’y maging nawawala at nag-iisa,
Ezekiel 16:6; Lucas 10:31-33; II Ni Pedro 3:9.

III.  Pangatlo, ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak upang
dalhin ka palabas ng iyong kasalanan at pagkalungkot,
Ezekiel 16:6; Juan 3:16; Mga Taga Efeso 4:18; Lucas 14:23.