Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA PANALANGING MANDIRIGMA PARA SA DIGMAAN NGAYON!

PRAYER WARRIORS FOR TODAY’S BATTLE!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika 9 ng Agosto taon 2015


Ano ang pinaka mahalagang bagay na aking natutunan kailan man? Sasabihin ko ito ay na ang Kristiyanismo ay totoo! Natutunan ko na ang Kristiyanismo ay totoo sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles, mula kay Dr. Timothy Lin. Siya ay isang di pangkaraniwang mangangaral, isang tao na tunay na naniniwala sa Diyos. Kapag ang isang tao ay tunay na naniniwala sa Diyos ihinihiwalay siya nito. Ginagawa siya nitong iba sa ibang mga mangangaral, at mas malayong mas nakahihigit.

Si Dr. Timothy Lin ay isang pastor mula sa Tsina. Hindi siya nagpunta sa Amerika hangang siya’y matandang lalake na. Ang kanyang pinaniwalaan at ipinangaral ay ang aking tinatawag na “nabubuhay na Kristiyanismo.” Hindi, hindi siya kung anong tinatawag na mga taong isang Pentekostal o isang karismatiko – gayon naniwala siya sa pagpupuno ng Espiritu, sa mga demonyo, mga anghel, sa mga “mensahe” mula sa Diyos, sa tunay na mga sagot sa tunay na mga panalangin, sa pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa muling pagkabuhay. Sa maikling salita, naniwala siya sa “nabubuhay” na Kristiyanismo. Natutunan niya isang bilang isang batang tao sa Tsina. Ang kanyang sariling ama ay gumugol ng kanyang buhay bilang isang pastor.

Maraming mga tao ang nagsabi sa akin, “Ika’y mas mukhang tulad ni Dr. Lin kaysa kahit sinong mga Tsinong mangangaral na lumabas mula sa kanyang simbahan.” Sinabi sa akin iyan muli ni Dr. Cagan noong huling Huwebes. Isinasaalang-alang ko iyang isang papuri dahil naniwala si Dr. Lin sa “nabubuhay” na Kristiyanismo.

Ito’y tunay na mahirap para s aakin na manatili doon noong lahat noong mga taong iyon, dahil sa karamihan ng panahon ako lang ang nag-iisang puting bata doon. Ngunit alam ko kinailangan kong manatili, na ito’y kagustuhan ng Diyos para sa akin na manatili. At ito’y doon na aking natutunan ang karamihan ng alam ko, mula kay Dr. Timothy Lin. Hindi ako sumasang-ayon sa kanya sa bawat punto, ngunit nag-iisip tulad niya. Naniniwala ko sa nabubuhay na Kristiyanismo!

Kailangan mo talagang mag-isip katulad ni Dr. Lin kung gusto mong maintindihan ang pangalawang hati ng Mga Taga Efeso, kapitulo anim. Marami akong nabasang mga taga kumento na nalito dahil sa pasahe. Susubukan kong ipaliwanag ito para sa iyo sa sunod na kaunting minuto. Lumipat sa Mga Taga Efeso 6:10. Ito’y nasa pahina 1255 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Tumayo habang babasahin ko ang kapitulo 6, berso 10 hanggang 12.

Ito ang huling pahayag ng Apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Efesus. Ang sinabi niya doon sa mga naunang mga Kristiyano ay tunay na kinakailangan ng lahat natin ngayon.

I. Una, ang Apostol ay nagsasalita patungkol sa espirituwal na digmaan.

“Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:10-12).

Maari nang magsi-upo. Ang Apostol ay nagsasabi sa atin na nabubuhay tayo sa isang kaparangan ng digmaan. Ang Kristiyanong buhay ay isang buhay ng digmaan. Tayo ay nasa digmaan sa Diablo at kanyang mga demonyo. Si Dr. A. W. Tozer ay sumulat ng isang sanaysay na tinatawag na, Ang Mundong Ito: Palaruan o Isang Kaparangan ng Digmaan? [This World: Playground or Battleground?] (Christian Publications, 1988, mga pah. 1-4). Sinabi ni Dr. Tozer,

     Sa naunang mga araw…ang mga kalalakihan ay naisip ang mundo bilang isang kaparangan ng digmaan. Naniwala ang ating mg ama sa kasalanan at ang diablo at impiyerno bilang bumubuo ng isang puwersa, at naniwala sila sa Diyos at katuwiran at langit bilang ang isa pang puwersa. Sa kanilang kalikasan, ang mga puwersang ito ay tumutol sa isa’t isa magpakailan man sa malalim na hukay, hindi mapagkakasundong pagkapoot. Ang tao, ang ating mga ama ay kumapit, ay kinailangang pumili ng panig – hindi siya maaring sa gitna. Para sa kanya dapat itong maging buhay o kamatayan, langit o impiyerno, at kung pipiliin n iyang lumabas sa panig ng Diyos, maasahan niya ang bukas na digmaan sa mga kalaban ng Diyos. Ang laban ay tunay at nakamamatay at magtatagal hanggang sa ang buhay ay magpatuloy rito [sa lupa], ibid., pah. 2.

Sinabi ni Dr. Tozer na iyan ay nagbago sa ating panahon. Sinabi niya, “Ang ideya na ang mundong ito ay isang palaruan imbes na kaparangan ng digmaan ay ngayon tinatanggap na kaugalian ng malawak na karamihan ng pundamental na Kristiyanismo” (ibid., pah. 4).

Naisip ko na kailangan nating aminin na si Dr. Tozer ay tama. Ngayon ang ebanghelikal na mga Kristiyano ay ayaw madinig ang tungkol sa mga demonyo at si Satanas. Ayaw nilang isipin na sila’y mga sundalo sa isang kosmikong digmaan kasama ng mga puwersa ng kasamaan. Naiisip ko na ang pangunahing dahilan ay na napaka rami sa kanila ay di napagbagong loob. Ang kanilang mga mata ay nabulag sa espiritwal na kaguluhan. Kapag narinig nila ang Apostol na nagsabing, “maging matatag sa Panginoon” hindi nila alam ang ibig nitong sabihin. Bakit hindi nila alam? Dahil wala sila “sa Panginoon” – at dahil hindi sila “nasa” Panginoong Hesus, hindi sila posibleng makakuha ng lakas mula sa Kanya! Sinabi ni Dr. S. D. F. Salmond na ang pagpapalakas “ay maaring umepekto lamang sa pagsasama kay Kristo” (Isinalin mula sa “Ang Sulat sa mga Taga Efeso,” Ang Griyegong Bagong Tipan ng Ekspositor, [“The Epistle to the Ephesians,” The Expositor’s Greek New Testament,] kabuuan III, Eerdmans, n. d., pah. 382)

Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Hindi mo matatagumpayan ang Diablo sa iyong sariling lakas at iyong sariling kapangyarihan. Si Pablo ay tiyak na gumagawa ng isang laro sa dalawang Griyegong mga salitang: Ang panoplian [baluti] ng Diyos ay kinakailangan at handang makaharap ang mga methodias [mga estratehiya, lalang, o mga pamamaraan] ng Diablo. ‘Maging napalakas sa Panginoon’ – iyan ang nag-iisang lugar na ikaw at ako ay makakuha ng kapangyarihan” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan 5, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 278, 279; sulat sa Mga Taga Efeso 6:10, 11).

Dapat kang magpunta kay Kristo sa pananampalataya upang maligtas unang-una. At dapat kang magpunta sa Kanya at manalangin muli’t muli upang magkaroon ng “kapangyarihan ng kanyang lakas,” bilang isang sundalo ng krus!

II. Pangalawa, ang Apostol ay nagsasalita patungkol sa ating mga kalaban.

Tumayo habang aking basahin ang Mga Taga Efeso 6:12.

“Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12).

Maari nang magsi-upo.

Ang mga Kristiyano ng una at pangalawang siglo ay lubos na nagkakamalay ng mga demonyo na tinukoy ni Pablo sa bersong ito. Sa kanyang aklat Pag-eebanghelismo sa Naunang Simbahan sinabi ni Dr. Michael Green ay nagsabi na iyong maaagang mga Kristiyano ay naniwala na

Ang buong mundo at ang mga tumtitiklop na kapaligiean ay puno ng mga diablo; hindi lamang mga idolatriy, kundi bawat bahagi at anyo ng buhay ay pinamunuan nila. Umupo sila sa mga trono, lumipad sila sa ibabaw ng mga duyan. Ang lupa ay literal na isang impiyerno, kahit na ito’y nagpatuloy na maging isang likha ng Diyos. Ang makatagpo ang impiyernong ito at lahat ng mga diablo nito ang mga Kristiyano ay kinailangang umutos ng mga sandata na di masusupil…ang mga Kristiyano ay nagpunta sa mundo bilang mga tagapag-alis ng mga demonyo…na sumuporta sa Kristiyanong salaysay na natagumpayan ni Hesus ang demonikong mga puwersa sa krus, na siya’y dumating upang magdala ng kaligtasan (Isinalin mula kay Michael Green, Ph.D., Ebanghelismo sa Naunang Simbahan, Evangelism in the Early Church, Eerdmans, 2003, mga pah. 263, 264).

Sa ating sariling panahon, sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,

Ang kalaban ay espiritwal. Ito’y si Satanas na pinamumunuan ang kanyang demonikong mga puwersa. Ngayon kailangan nating makilala kung nasaan ang digmaan. Naiisip ko na ang simbahan sa karamihan ay nawala ang paningin sa espiritwal na digmaan (Isinalin mula sa ibid., pah. 280; sulat sa Mga Taga Efeso 6:12).

Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones ang parehong bagay. Sinabi niya, “Isa sa mga pangunahing sanhi ng masamang kalagayan ng Simbahan ngayon ay ang katunayan na ang diablo ay nalilimutan…Ang Simbahan ay nadroga at nalinlang; hindi siya nagkakamalay ng kaguluhan sa anumang paraan”(Isinalin mula sa Ang Kristiyanong Digmaan, [The Christian Warfare,] The Banner of Truth Trust, 1976, mga pah. 292, 106).

Hindi nakapagtataka na ang mga Katimugang Bautista ay nawala ang 200,000 na mga tao noong huling taon. At nawawala nila ang mas higit pa ngayong taon. Ang mga tinatawag na mga ebanghelikal ay lumalayas mula sa mga simbahan na mga kawan. Sila’y takot sa ISIS, at sila’y takot sa sekswal na rebolusyon, sila’y takot sa Iran, sila’y takot kay Obama, at sila’y takot sa lahat ng mga bagay! Ngunit hindi natin kailangang maging takot kung tayo ay nadamitan ng kapangyarihan ni Kristo!

III. Pangatlo, ang Apostol ay nagsasalita patungkol sa ating baluti.

Tumayo habang aking basahin ang berso 13 hanggang 17,

“Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran; At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan; Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios” (Mga Taga Efeso 6:13-17).

Maari nang magsi-upo.

Pansinin na sinasabi ng Apostol, “Magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios” – hindi gumawa, kundi kunin. Ang lahat ng kagayakan ay libre para sa pagkukuha. Sinabi ni Dr. McGee, “Bawat piraso ng baluti ay tunay na tumutukoy kay Kristo.” Siya ang katotohanan (b. 14a). Siya ang ating katuwiran (b.14b). Ginagabay Niya ang ating mga paa sa daanan ng katuwiran (b. 15). Siya ang ating kalasag. Siya ang turbante ng ating kaligtasan (b. 16). Ang lahat mga ito ay mga depensa. Sinasabi nito sa atin na si Kristo ay ang ating depensa. Kapag magtiwala ka sa Kanya ika’y napagbabagong loob. Dinadamitan ka ni Kristo ng mga depensang ito habang ika’y namamalagi sa kanyang piling.

Tapos sinasabi ng Apostol, na kunin ang “espada ng Espiritu, alin ay ang salita ng Diyos” (b. 17). Iyan ang dahilan na dapat mong aralin ang Bibliya at memoryahin ang higit ng ito na kaya mo. May mga panahon s aking buhay kapag ang isang berso na aking namemorya na matagal na ay bumalik sa akin, at natulungan akong labanan si Satanas. Hindi ko malilimutan ang gabi noong ang mga salitang “na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal” (Mga Taga Efeso 1:6) ay dumating sa akin at iniligtas ako mula sa lubos na kawalan ng pag-asa. Mas higit na mga berso ng Bibliya na iyong mamemorya mas higit ang malalaman mo na ang espada ng Espiritu ay ang Salita ng Diyos. Ang berso ng buhay ko ay Mga Taga Filipo 4:13,

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.”

Higit sa limampung taon na ang berso iyan ay naging aking espada laban sa takot at kahinaan. Ang ika-dalawampu’t pitong Salmo ay naging aking espada ng maraming beses noong ako’y nasa desperadong mga kalagayan, lalo na ang huling dalawang mga berso. Dapat mong memoryahin ang mga ito. Tutulungan kayo ng mga ito sa pakikipaglaban ng pananampalataya.

IV. Pang-apat, ang Apostol ay nagsasalita, sa wakas, patungkol sa digmaan ng mandirigma.

Tumayo at basahin ang mga berso 18 at 19.

“Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal; At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio” (Mga Taga Efeso 6:18, 19).

Maari nang magsi-upo.

Natatandaan ko ang isang bagay na sinabi ni Leonard Ravenhill. Hindi ko matandaan kung saan ito, ngunit nanatili ito sa aking isipan. Sinabi ni Ravenhill, “Ang Panalangin ang digmaan.” Hindi ito na ang panalangin ay naghahanda para sa atin para sa digmaan. Hindi! Ang Panalangin ay ang digmaan!

Si Dr. Merrill F. Unger ay ang matagal nang panahong propesor ng Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas. Isinulat niya ang katangi-tanging aklat na tinatawag na, Biblikal na Demonolohiyo [Biblical Demonology] (Kregel Publications, 1994 inilimbag muli). Nakarinig ako ng mga karnal na mga mangangaral na nagsabi na ito’y mapanganib na aklat. Naiisip ko na ito’y ang mga mangangaral na ito na mapanganib! Paano ka makapangangaral na hindi laging nagkamamalay ng mga demonyo, ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng panalangin? Hindi nakapagtataka na 200,000 na mga Katimugang Bautista ang lumayas mula sa kanilang mga simbahan noong huling taon!

Di nakapagtataka na maraming mga independyenteng Bautistang simbahan ay nagsasara ng kanilang Linggong panggabing mga paglilingkod! Di nakapagtataka na ang ating Bautistang mga simbahan ay nawawala ang 88% ng kanilang sariling mga kabataan sa mundo! Ang mga mangangaral na di nag-iisip tungkol sa mga demonyo, at ang kapangyarihan ng panalangin, ay tunay na di makagagawa ng kahit ano upang pigilin ang laganap na apostasiya sa ating mga simbahan. Ngunit ang kilalang eskolar na si Dr. Wilbur M. Smith ay mataas ang tingin sa aklat ni Unger sa demonolohiya. Sinabi ni Dr. Smith, “Naramdaman ko [itong] dapat nasa kamay ng bawat ministor ng ebanghelyo ngayon” (Isinalin mula sa panimula sa aklat ni Dr. Unger p. xi). Sa tingin ko tamang-tama si Dr. Wilbur M. Smith. Kung binabasa mo ito, o pinapanood ito sa aming websayt, hinihikayat ko kayong bumili ng kopya ng aklat ni Unger at ibigay ito sa isang pastor na wala nito.

Tamang sinabi ni Dr. Unger, “Ang probisyon ng panalangin [sa mga Taga Efeso 6:18, 19] ay hindi dapat itinuturing bilang bahagi ng pinagkukunan ng mandirigma…o isa pang sandata…Ang panalangin sa Mga Taga Efeso 6 ay ang aktwal na gulo na ang kalaban ay si [Satanas] ay nadaig [natalo] at ang tagumpay ay napanalunan, hindi para sa ating mga sarili, kundi rin sa pamamagitan ng pamamagitna para sa iba” (Isinalin mula sa ibid., p. 223; mga kumento sa Mga Taga Efeso 6:19, 20; ang pagdidiin sa akin).

Isang Taga Britanyang pastor na nagngangalang Paul Cook ay isinulat ang Apoy Mula sa Langit [Fire From Heaven] (Evangelical Press Books, 2009). Dapat itong basahin ng lahat. Sinabi niya, “Dapat tayong manalangin muli’t muli para sa sariwang panustos ng Banal na Espiritu…Ang ibig nitong sabihin na kailangan tayong magpatuloy na manalangin at humingi. Ginawa ito ng naunang mga simbahan, at dapat rin natin itong gawin. Ang buong gawain ng Diyos ay nakasalanan rito…sariwang unsyon [kapangyarihan] mula sa Banal na Espiritu…[kailangan tayong] magpatuloy na naghahanap para sa sariwang panustos ng kapangyarihan ng Espiritu” (Isinalin mula kay Rev. Paul E. Cook, Apoy Mula sa Langit: Mga Panahon ng Di Pangkaraniwang Muling Pagkabuhay [Fire From Heaven: Times of Extraordinary Revival], ibid., mga pah.120, 121).

Iyan ang isa sa mga pangunahing bagay na dapat mong ipanalangin araw-araw – at lalo na sa araw ng pag-aayuno ng Sabado. Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay dumarating sa sagot sa pag-aayuno at panalangin” (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Panalangin: Paghingi at Pagtatanggap [Prayer: Asking and Receiving], Sword of the Lord Publishers, 1970, pah. 225).

“Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal” (Mga Taga Efeso 6:18).

Kita mo, ang panalangin ay ang digmaan. Gusto kong manalangin ka sa detalye at sa pangalan (kung posible) para doon sa mga nawawala. Gusto kong manalangin ka para sa Espiritu ng Diyos na dalhin sila rito ating simbahan, upang maliwanagan ang kanilang mga isipan sa katotohanan ng Ebanghelyo, upang makumbinsi sila ng kasalanan, upang dalhin sila kay Kristo sa paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Ang Panalangin ay ang digmaan. Gusto ko ring ipanalangin mo na ipakita sa akin ng Diyos kung anong ipangangaral, para gamitin ng Diyos ang pangangaral sa mga puso ng mga di nananampalataya, upang palakasin ang panahon ng samahan. Sa mga publikong panalangin, tiyakin na idagdag ang iyong bigat kapag mayroong namumuno. Tiyakin na panatilihin ang iyong isipan sa kung anong ipinalalangin ng tao – at magsabi ng “Amen” sa katapusan ng bawat petisyon. Gayon rin, tiyakin na manalangin ng maraming beses sa araw ng ating pag-aayuno sa Sabado. Narito ay ibinibigay ko muli ang saligang mga bagay na ipanalangin para sa Sabado, habang kayo’y nag-aayuno. Amen. Kayo’y mga mandirigma sa panalangin sa digmaan kay Satanas! Kayo’y mga dakilang mga tao! Pagpalain kayo ng Diyos!

Hindi ako makatatapos na hindi nagsasabi ng kaunting mga salita sa inyo na nawawala. Namatay si Hesus sa Krus upang iligtas ang mga makasalanan mula sa poot ng Diyos. Bumangon si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan ang mga makasalanan ng bagong pagkapanganak at walang hanggang buhay. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi magiging totoo sa iyo kung wala ang gawain ng Espiritu ng Diyos.

Kung gayon, sa buong linggo, kapag manalangin tayo, manalangin para sa tinapay para sa mga makasalanan. Manalangin para sa Diyos na ipadala ang Banal na Espiritu pababa sa ating paglilingkod upang paliwanagin ang kanilang nadilimang mga isipan, at upang gawin silang maramdamn ang pagkakasala ng kanilang kasalanan, at ang kanilang dakilang pangangailangan para sa Panginoong Hesu-Kristo! Ngayon tignan ang Lucas 11:13. Ito’y nasa pahina 1090 sa Pag-aaral ng Bibliya ng Scofield. Magsitayo habang basahin ko ito.

“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).

Ngayon narito ang listahan ng mga bagay na ipanalangin para sa linggong ito, at lalo na sa Sabado.


1.   Gawin ang iyong pag-aayunong isang sekreto (kasing higit nang maari). Huwang mag-ikot na nagsasabi sa mga tao na ika’y nag-aayuno.

2.   Gumugol ng panahon na nagbabasa ng Bibliya. Basahin ang ilang bahagi ng Aklat ng mga Gawa (lalo na malapit sa simula).

3.   Memoryahin ang Isaias 58:6 habang ng pag-aayuno sa Sabado.

4.   Manalangin para sa Diyos na bigyan tayo ng 10 o higit pang mga bagong mga kabataan na mananatili kasama natin.

5.   Manalangin para sa pagbabagong loob ng ating mga di napagbagong loob na mga kabataan. Manalangin para sa Diyos na gawin para sa kanila ang sinabi Niya sa Isaias 58:6.

6.   Manalangin na ang unang beses na mga bisita ngayon (Linggo) ay maakit pabalik sa sunod na Linggo. Manalangin para sa kanila sa pangalan kung posible.

7.   Manalangin para sa Diyos na tulungan akong mangaral sa sunod na Linggo – sa umaga at sa panggabi.

8.   Uminom ng maraming tubig. Mga isang baso kada oras. Maaring uminom ng isang malaking tasa ng kape sa simula kung ika’y sanay sa pag-inom araw-araw. Huwag uminom ng pamapalamig na inumin, pampalakas na inumin, atbp.

9.   Siyasatin ang isang medikal na doktor bago ka mag-ayuno kung mayroon kang kahit anong katanungan tungkol sa iyong kalusagan. (Maari ninyong siyasatin sai Dr. Kreighton Chan o Dr. Judith Cagan sa ating simbahan.). Huwag mag-ayuno kung mayroon kang isang seryosong karamdaman, tulad ng diyabetes o mataas ang presyon. Gamitin lang ang Sabado upang manalangin para sa mga kahilingang ito.

10. Simulan ang iyong pag-aayuno pagkatapos ng iyong panggabing hapunan ng Biyernes. Huwag kumain ng kahit ano pagkatapos ng hapunan sa Biyernes hanggang sa magkaroon tayo ng isang hapunan rito sa simbahan ng 5:30 ng Sabado ng gabi.

11. Tandaan na ang pinaka mahalagang bagay na ipanalangin ay para sa nawawalang mga kabataan sa ating simbahan na mapagbagong loob – at para rin sa mga bagong mga kabataan na nagpupunta sa panahong ito, na manatili kasama nating permanente.

Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Efeso 6:10-19.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nananalangin Ako Para sa Iyo.” Isinalin mula sa “I Am Praying For You” (ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).


ANG BALANGKAS NG

MGA PANALANGING MANDIRIGMA PARA SA DIGMAAN NGAYON!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:10-12).

I. Una, ang Apostol ay nagsasalita patungkol sa espirituwal na digmaan, Mga Taga Efeso 6:10.

II. Pangalawa, ang Apostol ay nagsasalita patungkol sa ating mga kalaban, Mga Taga Efeso 6:12.

III. Pangatlo, ang Apostol ay nagsasalita patungkol sa ating baluti, Mga Taga Efeso 6:13-17; Mga Taga Efeso 1:6; Mga Taga Filipo 4:13.

IV. Pang-apat, ang Apostol ay nagsasalita, sa wakas, patungkol sa digmaan ng mandirigma, Mga Taga Efeso 6:18, 19; Lucas 11:13.