Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGHINGI NG TINAPAY PARA SA MGA MAKASALANAN

ASKING BREAD FOR SINNERS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Agosto taon 2015

“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).


Ang isang parabula ay isang kwento na naglalarawan ng isang espiritwal na katotohanan. Ang parabulang ito ay napaka simpleng kwento. Isa sa mga Disipolo ay nagsabi, “Panginoon, turuan mo kaming manalangin” (Lucas 11:1). Ibinigay ni Hesus sa kanila ang Panalangin ng Panginoon (Ang Ama Namin). Ito’y isang panalangin na aking pinalangin isang beses araw-araw sa aking buong buhay. Ngunit gayon ibinigay sa kanila ni Hesus ang maliit na kwentong ito, ito’y isang simpleng parabula.

Si Kristo ay nagsalita patungkol sa isang kaibigan na nagpunta sa kanyang tahanan ng madaling araw, ngunit ang tao ay taong iyon ay walang tinapay. Kaya nagpunta siya sa tahanan ng kanyang kapit-bahay at hiningan siya ng tatlong piraso ng tinapay. Sinabi niya sa kanyang kapit-bahay na isang kaibigan ay nagpunta sa kanyang tahanan mula sa isang mahabang paglalakbay. “At wala akong maihain sa kaniya.” Sinabi sa kanya ng kapit bahay na lumayo. Siya at ang kanyang mga anak ay natutulog na. Gayon man ang tao sa labas ay nagpatuloy na kumatok sa pintuan. Sa wakas ang kapit-bahay ay nagbukas ng pintuan at ibinigay sa kanya ang kailangan niya.

Tapos ibinigay ni Hesus ang susi sa parabulang ito; ang dating tinatawag ng mga taong “moral” ng kwento, ang dahilan sa pagsasabi nito:

“At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan” (Lucas 11:9).

Ang wika sa orihinal na Griyego ay may kasamang patuloy na paghingi, paghahanap, pangangatok. Sinabi ni Dr. John R. Rice na ang bersong iyon ay maaring isalin, “Magpatuloy na humingi at ito’y ibibigay sa iyo; magpatuloy na kumatok, at ito’y bubuksan para sa iyo” (Panalangin: Paghingi at Pagtatanggap [Prayer: Asking and Receiving], Sword of the Lord Publishers, 1970 edisiyon, pah. 94).

Tapos mayroong pangalawang susi sa parabula. Ang tao ay humihingi ng “tinapay” noong kumatok siya sa pintuan. Ano ang “tinapay” na ito? Ang berso ay nagbibigay ng tatlong kasagutan, “gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” Alam ko na mayroong ibang mga aplikasyon, ngunit kumbinsido ako na ang pangunahing punto ay ito – dapat tayong humingi, maghanap, at kumatok para sa Diyos na ibigay ang Banal na Espiritu sa mga makasalanan, upang paliwanagan sila, upang patunayan sila ng kasalanan, upang dalahin sila kay Kristo. Gayon, naniniwala ako na ang “tinapay” sa parabula ay nagsasalita patungkol sa Banal na Espiritu. Sa berso anim ang taong humihingi ng tinapay ay nagsabi, “Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya.” Na wala ang presensya ng Banal na Espiritu, wala tayong maiaalay sa nawawalang makasalanan na nagpupunta sa ating mga paglilingkod.

Natatandaan ko ang mga panahon noong kapag ako’y nakapaghanda ng isang pangaral na napaka-igi. Ngunit kapag nagpupunta ako sa pulpit para bang aking iniihip ang hangin mula sa aking bibig! Ang pangaral ay mayroong mainam na mga punto, at maaring natulungan ang nawawalang mga makasalanna. Ngunit walang kapangyarihan rito. Walang pinagpala. Ang ilang mga mangangaral sa huling mga araw ay walang ideya kung anong sinasabi ko. Hindi pa nila kailan man naranasan ang kahit anong pagkakaiba kapag sila’y nangangaral. Ito’y malungkot, dahil ibig nitong sabihin sila’y lubos na di nagkakamalay sa Banal na Espiritu. Hindi pa nga nila masabi kung ang Espiritu ng Diyos ay naroon kapay sila’y nangangaral.

Minsan dinala ko ang aking nawawalang ama upang marinig ang isang pangaral mula sa isang tanyag na mangangaral mula sa Kalye ng Bourbon sa New Orleans. Sinabi ng mga tao sa akin na ang taong ito ay maaabot ang aking ama dahil nagsasabi siya ng mga biro at nagagawang makinig ang mga gitnang edad na mga kalalakihan – at tumugon sa Ebanghelyo. Ito’y ang nag-iisang panahon na nagpunta ako sa simbahan na mag-isa kasama ng aking ama. Ang mangangaral mula sa Kalye ng Bourbon ay tumayo at nagsimulang magsabi ng mga biro. Siya’y napakagaling sa pagawa nito. Napaka galling! Sa katapusan ng kanyang salita nagsabi siya ng isang salita o dalawa patungkol sa pagiging ligtas. Tapos nagbigay siya ng imbitasyon – upang magpunta sa harap at maligtas. Ang aking ama ay di kumilos. Noong kami ay nasa kotse ilang minuto maya maya tinanong ko siya kung anong naisip niya. Sinabi ng Tatay ko, “Hindi siya kasing galing ni Bob Hope.” (Para sa inyong mga mas bata – si Bob Hope ay isang tanyag na komedyante na nagsabi ng mga biro). Sinabi lang ni Tatay, “Hindi siya kasing galing ni Bob Hope.”

Ang kongregasyon ay tumayo sa buong mensahe ng mangangaral sa Kalye ng Bourbon. Tiyak ako na akala niya na ito’y isang dakilang tagumpay. Ngunit ang Banal na Espiritu ay wala roon! Wala sa anumang paraan! Alam ko ito noon, at alam ko ito ngayon. Ang aking ama ay nagpunta dahil nagmaka-awa ako sa kanya. Oo, ang aking Tatay ay nagpunta – ngunit ang Banal na Espiritu ay hindi nagpunta! Ang aking ama ay isang nawawalang makasalanan – ngunit walang “tinapay” para sa kanya sa simbahang iyon, na malapit sa Downey.

“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

Kung tumayo ako rito upang mangaral at ang Banal na Espiritu ay wala rito, walang matutulungan, walang maliligtas, walang magiging isang disipolo ni Kristo. Iyan ang dahilan na ipinagdarasal ko ang bawat pangungusap, at bawat talata, habang isinusulat ko ang mga pangaral na ito. Iyan ang dahilan na hinihingi kong manalangin ka para sa mga pangaral sa lahat ng tatlong ng ating mga panalanging pagpupulong. Iyan ang dahilan na tinatanong namin ang dalawang panalanging mandirigma upang manalanging magkasama sa kabilang silid habang ako’y nangangaral. Kung hindi wala tayong ibibigay mula sa pulpit – “Wala akong maihain sa [kanila].” Iyan ang trahedyang sitwasayon sa maraming mga simbahan sa huling mga araw! Manalangin na hindi iyan mangyayari sa atin rin!

Paano tayo dapat manalangin para sa Diyos na magpadala ng “tinapay” para sa mga makasalanan? Paano tayo dapat manalangin para sa Banal na Espiritu? Tignan ang berso 9,

“Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan” (Lucas 11:9).

Magpatuloy na humingi! Magpatuloy na maghanap! Magpatuloy na kumatok! Huwag sumuko. Huwag huminto. Manalanging masigasig para sa Diyos na sindihin ang iyong kaluluwang umaapoy – upang ika’y makapanalangin para sa Banal na Espiritu – para sa tinapay para sa ginogutom na mga makasalanan!

Tapos ngayon, dapat tayong humngi para sa Diyos na gamitin ang pakikisama upang magbigay ng tinapay sa makasalanan. Magkakaroon tayo ng nakamamanghang pagkain na inihanda ni Gg. Cook, Gg. Lee, Robert Lewis, Gg. Dixon at iba pa. Ngunit kung ang Banal na Espiritu ay wala rito, ang ating mga hapunan pagkatapos ng umaga at panggabing paglilingkod ay hindi makatutulong sa mga tao. Alam ko ang isang simbahan na dati ay mayroong mga hapunan pagkatapos ng mga paglilingkod. Sinabi ng asawa ng pastor sa akin ito na may pagkagalak. Sinabi niya marami ang pumasok sa simbahan dahil sa mga hapunang iyon. Tapos tinanong ko, “Mayroon pa rin ba kayo noong mga hapunan iyon?” Sinabi niya, “Wala. Mukhang hindi na nakatutulong ng mga tao ang mga ito, kaya tumigil na kami sa pagkakaroon ng mga ito.” Wala akong sinabi, ngunit alam ko ang dahilan. Hindi ito na dahil ang mga hapunan ay hindi tumulong sa mga tao. Ang tunay na dahilan ay dahil huminto sila sa pananalangin para sa mga hapunan! Tapos ang Banal na Espiritu ay hindi naroon, bakit gugustuhin ng mga taong magpunta sa isang hapunana? Kung ang Banal na Espiritu ay wala roon ito lamang ay isa na namang hapunana! Bakit mag-aabala pa? Bakit hindi nalang kumain ng isang Big Mac? Bakit hindi nalang kumain sa bahay?

“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

Isang mangangaral ang naka-isip na ang ating mga hapunan ay kahanga-hanga! Ngunit naisip niya na babaguhin niya lang ito ng kaunti – dahil mahirap na magluto ng isang malaking hapunan gaya ng ginagawa natin. Kaya binago niya ito “ng kaunti lang.” Imbes na nag-aalay ng isang hapunan ipahahanda niya ang mga kababaihan ng simbahan na maghatid ng mga pampagana. Noong si Alfred Hitchcock ay malapit nang maglabas ng kanyang nakatatakot na pelikulang “Psycho” inimbita niya ang lahat ng mga pelikulang mogol sa estudyo. Binigyan niya sila ng “pagkaing daliri” – “gawa sa tunay na mga diliri” – ang sabi niya sa kanila! Isang babae ang sumigaw at nahulog ang pagkain niya sa sahig!

Ang mga pampagutom ay OK sa isang resepsyon, ngunit nito natutulungan ang isang grupo ng gutom na mga kabataan na kauupo lamang sa isang mahabang paglilingkod ng simbahan. Naniniwala ako na maari nakita ng pastor na ito ang pagkakamaling ito kung siya at ang kanyang mga tao ay seryosong nananalangin tungkol rito. Kita mo, kahit ang pagkain na ating ipinapapamigay ay hindi magiging pagpapala sa mga tao kung ang Banal na Espiritu ay hindi natin kasama. Kung ang Espiritu ng Diyos ay wala rito – wala tayong maihahain sa kanila!

“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

Isang mangangaral mula sa Silangan ay nagsabi sa akin na ang kanyang simbahan ay naghahain ng isang hapunan pagkatapos ng pang-umagang paglilingkod. Tapos ang mga tao ay lahat bumabalik sa awditoriyum para sa isang maikling pag-aaral ng Bibliya. Kung gayon, sanabi niya, hindi nila kialangan ng panggabing paglilingkod. Sinabi niya na sa pagkakaroon ng tanghalian, kasunod ng mas marami pang pag-aaral ng Bibliya ay kasing inam na rin na pagkakaroon ng panggabing paglilingkod. Kinokak niya, “Nakakukuha rin sila ng kasing higit na Bibliya!”

Naisip ko, “Ang kawawang tao! Hindi nakapagtataka na hindi siya kailan man naging isang matagumpay na pastor!” Ang layunin ng isang panggabing paglilingkod ay hindi upang magsiksik ng mas marami pang berso ng Bibliya sa mga utak ng mga magpagrebeldeng “bata ng simbahan!” Hindi ba niya ito makita? Sa pagtatapon ng panggabing paglilingkod, nawawala niya ang oportunidad para sa kanyang mga tao na magdala ng mga nawawala para sa isang ebanghelistikong paglilingkod! Diyos tulungan tayo! Kung ang mga pastor at kanyang mga tao ay nananalanging seryoso tungkol rito, tiyak ako na ipapakita sa kanila ng Diyos ang kahangalan ng ginagawa nila. Ang mga nawawalang mga tao ay hindi pumapasok at naliligtas dahil ang Banal na Espiritu ay wala doon upang gabayan ang pastor, at pasiglahin ang mga tao! Tulungan tayo ng Diyos sa masasamang mga araw na ito!

“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

Sa huling mga araw, ang mga mangangaral at mga miyembro ng simbahan ay mukhang nadarapa sa kadiliman! Ang lahat na ginagawa natin sa simbahan ay dapat mababad sa panalangin. Kung hindi sasabihin patungkol sa atin, “Ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay” (Apocalipsis 3:1). “Mayroong kang pangalan na ika’y nabubuhay – ngunit ika’y tunay na patay.” Iyan ay maaring mangyari sa kahit anong simbahan – lalo na sa masamang panahon na ito – sa huling mga araw! Kung hindi tayo magmamaka-awa para sa presensya ng Banal na Espiritu sa lahat na gagawin natin, di magtatagal tayo ay magiging kasing patay ng simbahan sa Sardis!

“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

Natatakot ako na iyan ay totoo sa karamihan ng ating mga simbahan ngayon. Kapag ang ating mga tao ay nagbabakasyon, halos lagi silang bumabalik na nagsasabi sa akin na sila’y nabigo ng simbahan na kanilang pinuntahan. “Ang pakakanta ay patay.” “Ang mangangaral ay nakakaantok.” “Ang mga tao ay di palakaibigan.” “Wala silang panggabing Linggong paglilingkod.” “Nagpunta kami sa isang panalanging pagpupulong, ngunit walang tunay na panalangin – isa lamang isa pang pag-aaral ng Bibliya.” Kung iniisip ng ating mga tao iyan, gayon din ng mga nawawala! Hindi nakapagtataka na ang mga simbahan ng mga huling mga araw ay napaka hina!

“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).

Ngayon, huwag tayo dapat maging mapagmalaki. Tandaan na tayo ay hindi mas maigi! Dapat nating ikumpisal ang ating sariling kahinaan o hindi natin makukuha ang kapangyarihan ng Diyos. Natutunan nating mag-ayuno at manalangin – dahil ang pag-aayuno ay isa sa mga kinakailangan para sa malakas na kapangyarihan laban kay Satanas at ang demoniko! (Marcos 9:29). Nag-ayuno na tayo at nanalangin, at nakatanggap ng ilang pagpapala. Ngunit dapat tayong magpatuloy na mag-ayuno sa sunod na Sabado hanggang sa magkaroon tayo ng hapunan magkakasama ng 5:30 rito sa simbahan.

Ngayong gabi hinihingi kong manalnangin kayo para sa presensya ng Banal na Espiritu sa lahat ng ating mga gawain. Na wala ang presensya ng Espiritu ng Diyos, “wala [tayong] maihain sa” nawawalang mga makasalanan! Kung gayon dapat tayong manalangin na nakadetalye para sa Banal na Espiritu na bumaba sa lahat na gawin natin. Ang Banal na Espiritu ay ang “tinapay” na dapat mayroon tayo, o ang mga makasalanan ay aalis mula sa ating simbahan na gutom – at hindi maliligtas.

Oo, namatay si Hesus sa Krus upang iligtas ang makasalanan mula sa poot ng Diyos. Oo, bumangon si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan ang mga makasalanan ng bagong pagkapanganak, pati magbigay ng walang hanggang buhay sa loob nila. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi magiging totoo sa kanila kung wala ang gawain ng Espiritu ng Diyos. Kung gayon, sa buong linggo, kapag manalangin ka, manalangin para sa tinapay para sa mga makasalanan. Manalangin para sa Diyos na ipadala ang Banal na Espiritu sa ating mga paglilingkof upang paliwanagan ang kanilang dumilim na mga isipan, at gawin silang nararamdamang nagkasala ng kanilang mga kasalanan, at ang kanilang matinding pangangailangan para sa Panginoong Hesu-Kristo! Ngayon tignan ang Lucas 11:13. Ito’y nasa pahina 1090 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Tumayo habang basahin ko ito.

“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).

Ngayon narito ang listahan ng mga bagay na ipagdarasal para sa linggong ito, at lalo na sa Sabado.


1.   Gawin ang iyong pag-aayunong lihim (kung posible). Huwag mag-ikot na nagsasabi sa mga tao.

2.   Gumugol ng panahon na binabasa ang Bibliya. Basahin ang ilang bahagi ng Aklat ng Mga Gawa (mas mapipili ang malapit sa simula).

3.   Memoryahin ang Isaias 58:6 habang ng iyong pag-ayuno sa Sabado.

4.   Manalangin para sa Diyos na bigyan tayo ng 10 o higit na bagong mga tao na mananatili kasama natin.

5.  Manalangin para sa pagbabagong loob ng ating mga di ligtas na mga kabataan. Manalangin para sa Diyos na gawin para sa kanila ang sinabi Niya sa Isaias 58:6.

6.   Manalangin na ang mga unang pagkakataong mga bisita ngayon (Linggo) ay maaakit na bumalik muli sa sunod na Linggo. Manalangin gamit ng kanilang pangalan kung posible.

7.   Manalangin para sa Diyos na ipakita sa akin kung anong ipapangaral sa sunod na Linggo – sa umaga at panggabi.

8.   Uminom ng maraming tubig. Mga isang baso kada oras. Maari kang uminom ng isang malaking tasa ng kape sa simula kung sanay kang iniinom ito araw-araw. Huwag uminom ng soda, pampalakas na inumin, atbp.

9.   Saliksikin ang isang doktor bago ka mag-ayuno kung mayroong kang tanong sa iyong kalusugan. (Maari mong saliksikin si Dr. Kreighton Chan o Dr. Judith Cagan sa ating simbahan.). Huwag mag-ayuno kung mayroong kang isang seryosong sakit, tulad ng diyabetes o mataas ang presyon. Gamitin lamang ang Sabado upang manilangin para sa mga hiling na ito.

10. Simulan ang iyong pag-aayuno pagkatapos ng panggabing hapunan ng Biyernes. Huwag kumain ng kahit ano pagkatapos ng hapunan sa Biyernes hanggang sa maghapunan tayo rito sa simbahan ng 5:30 ng gabi ng Sabado.

11. Tandaan na ang pinaka mahalagang bagay na ipagpanalangin ay para sa mga nawawalang mga tao sa ating simbahan na mapagbagong loob – at para sa mga bagong kabataan na pumapasok sa panahong ito, na manatili kasama nating permanente.


Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

CREDITS

ANG BALANGKAS NG

OUTLINE