Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAG-AAYUNO AT PANANALANGIN SA PANAHON
|
Gusto kong lumipat kayo sa Lucas, kapitulo 4, mga berso 18 hanggang 21. Inuulit ko ang mga bersong iyon mula sa pagbabasa na ibinigay ni Gg. Prudhomme ilang minuto kanina. Ang Lucas 4:18-21 ay nasa pahina 1077 ng Pag-aaral na Bibliya ng Scofield.
“Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig” (Lucas 4:18-21).
Maari nang magsi-upo.
Binasa ni Hesus ang pasaheng ito mula sa Isaias 61:1, 2. Noong binasa niya iyong mga bersong iyon sinabi Niya ang mga ito’y natupad sa Kanya. Siya ang isang itinalagang mangaral ng Ebanghelyo. Siya ang isa na ipinadala ng Diyos upang pagalingin ang mga nawasak ang puso. Siya ang isang ipinadala ng Diyos upang ipangaral ang pagkakaligtas sa mga bihag, at panunumbalik ng paningin sa bulag. Siya ang ipinadala ng Diyos upang palayain iyong mga nabugbog at napahirapan.
Kinamuhian Niya sila dahil sa pagsasabi na Siya ang isang iyon. Sila ay Kanyang mga sariling mga kapit bahay at mga kaibigan, sa Kanyang tahanan ng Nazareth. Sinabi nila, “Hindi baga ito ang anak ni Jose?” (Lucas 4:22). “At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito” – puno ng galit (Lucas 4:28). Tumayo sila mula sa kanilang mga upuan at itinaboy Siya papalabas ng kanilang bayan. Itinulak Siya ng masa papunta sa dulo ng talampas – at halos itapon Siya sa Kanyang kamatayan. “Datapuwa't pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad” (Lucas 4:30). Sinabi ni Mathew Henry na maaring binulag Niya ang kanilang mga mata o pinuno ang mga ito ng pagkalito, “Dahil ang kanyang gawain ay hindi pa tapos, kundi ito’y nagsimula pa lang.”
Nilisan Niya ang Nazareth at bumaba sa Capernaum. Sa sinagoga mayroong sinapian ng demonyong tao. Ang aking asawang si Ileana at ako ay naroon. Nakita namin ang mga lugar ng pagkawasak ng lumang sinagoga. Ang sinapian ng demonyong tao ay sumigaw nang may malakas na tinig,
“Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios” (Lucas 4:34).
At sinabi ni Hesus, “Tumahimik ka. Lumabas mula sa kanya!” Itinapon ng demonyo ang tao pababa at lumabas mula sa kanya. Ang mga taong nakakita niyan ay namangha. Sinabi nila, “Ano ang pagtuturong ito? Na may awtoridad at kapangyarihan nagbibigay siya ng utos sa masasamang mga espiritu at sila’y lumalabas!” “At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon” (Lucas 4:37).
Tapos nilisan ni Hesus ang sinagoga at lumakad sa kabilang kalye papunta sa tahanan ni Pedro. Noong si Ileana at ako ay naroon nagulat akong makita kung gaano kalapit ng tahanan ni Pedro sa sinagoga – kaunting hakabang lang ang layo, sa kabilang bahagi ng kalye. Kanilang hinukay ang tahanan ni Pedro at makikita mo ang pundasyon nito sa araw na ito. Ang biyenan ni Pedro ay nasa bahay na mayroong mataas na lagnat. Pinagalitan ni Hesus ang lagnat at nilisan nito siya. Habang ang araw ay pababa ng hapon na iyon dinala ng mga tao iyong mga nasapian ng demonyo, at mayroong mga sakit. Inilagay Niya ang Kanyang mga kamay sa kanila. Ang bawat isa sa kanila ay napagaling. Ang mga demonyo ay nagsilabas na nagsisisigaw, “Ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos!” At ang nakamamanghang kwento ay nagpapatuloy tuloy! Iniibig kong basahin ito!
Sabihin mo sa akin ang kwento ni Hesus,
Isulat sa aking puso ang bawat salita.
Sabihin sa akin ang kwentong pinaka mahal,
Pinaka matamis na kailan man ay narinig.
(“Sabihin Sa Akin ang Kwento ni Hesus.” Isinalin mula sa
“Tell Me the Story of Jesus” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
At ang kwento ay nagpapatuloy, pagkatapos na bumalik si Kristo sa Langit. Nakikita natin ang parehong kapangyarihan ni Kristo, bumababa mula sa Diyos. At nagpapatuloy ito, sa mga simbahan ng una, pangalawa, at pangatlong mga siglo – at ito’y nagpapatuloy sa maraming bahagi ng “ikatlong mundo” hanggang sa araw na ito. Bagong mga Kristiyano ay nagkukulupon sa mga “di narehistrong” mga simbahan na libo-libo sa Tsina, at sa ibang bahagi ng mga umuunlad na mundo.
Ngunit mayroong nangyari sa ating mga simbahan sa Amerika, sa Europa, at sa Kanluran. Mayroong teribleng nangyari sa gitnang ika-19 na siglo ng Kanluarang mundo. Simula noong mga 1830 maraming mga bagay ang nagbago. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones na halos lahat ng mga problema sa mga simbahan ngayon ay mababakas pabalik sa gitna ng ika-19 na siglo – pamumuna ng Bibliya, ang pagkakatagpo ng narumihan ng Gnostikong Sinaitikus at Vatinakus na manuskrito, ang “desisyonismo” ni Finney, ang mga Mormon, ang mga Saksi ni Jehova, ang mga Cambelayt, ang Ika pitong Araw ng Adventista, agad-agad na bautismo, Darwinismo – ang lahat ng mga bagay na ito ay lumitaw sa loob ng 50 na mga taon ng isa’t isa! Ito’y nakamamanghang nalito at demonikong panahon. At tapos nagkaroon ka ng Unang Makamundong Digmaan, na nag-alis ng mga panloob ng Europa. At ang mga simbahan mismo ay naalisan ng mga panloob. Hindi tayo kailan man nakaahon mula rito. Ang mga liberal ay nagsasabi sa mga simbahan na ang tao ay talagang mabuti – at na ang tao ay kumikilos papaitaas, nagbabago sa isang nakamamanghang mundo. Ang Unang Makamundong Digmaan ay umihip sa ideyang iyang malinaw mula sa tubig! Hindi alam ng mga tao na sinasabi ng Bibliya na ang tao ay masama. Ang karaniwang tao ay hindi nalalaman na nilinlang sila ng mga liberal. Akala nila na ang Kristiyanismo ay baligho. Ito’y isang engkantong kwento. Hindi tayo kailan man naka-ahon mula riyan. Tapos nariyan ang Ikalawang Makamundong Digmaan. Tignan kung gaano karami mula sa henerasyong iyan ay tinanggihan ang Diyos. Sinabi nila, “Hindi ako makapaniwala sa Diyos dahil sa Auschwitz – o dahil sa Hiroshima.” Hindi pa sila naturuan kung anong sinasabi ng Bibliya tungkol sa lubos na kasamaan ng tao. Ang ating mga nuno sa tuhod at ating mga nuno ay tumalikod mula sa mga simbahan. Sila’y naging mga henerasyon ng agnostiko at ateyista. At ngayon nakaharap namin kayo – ang kanilang mga anak.
Ang mga Pundamentalista ay nakikipaglaban para sa kanilang mga buhay laban sa liberalism. Sila’y mabubuting mga tao. Namamangha ako sa kanila. Ngunit hindi nila natanto na ang “desisyonismo” ay nagdadala ng libo-libong mga di napagbagong loob na mga tao sa mga simbahan. Iyan kapalit, ay nagbunga ng bagong ebanghelikalismo, na nagbunga ng mga tao mula sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller tulad ni Rob Bell (Ang Pag-ibig ay Natatagumpay [Love Wins] – unibersalismo). Ang mga tao ay kumikilos na para bang ito’y isang bagay na bago. Hindi ito bago sa anumang paraan. Ang mga tao tulad ni Bell ay simpleng mga bagong ani ng mga Unitariyan. Si Bell ay sa katunayan ay isang Unitaryan – gayon rin ang Seminaryo ng Fuller, sa lahat kundi pangalan. Kaya mayroon ka nitong mga bagong Unitaryanong mananampalataya na nagsisitakbo tinatawag ang kanilang mga sariling “ebanghelikal.” Ito’y isang trahedya! Noong huling taon ang Katimugang Bautistang Kumbensyon ay nawalan ng 200,000 ng mga taong iyon sa loob ng labin dalawang buwan! Pag-isipan ito – halos sangkapat ng isang milyong mga tao ay nawala mula sa Katimuang Bautistang mga simbahan sa 12 na buwan! Ito’y di kapanipaniwala! Takot sila sa ISIS; nakita nila ang mga Kristiyanong napugutan ng ulo sa balita, at sila’y natakot; natakot sila sa sekswal na rebolusyon; natakot sila kay Obama; natakot sila sa lahat – kaya nagsitakbo sila mula sa mga simbahan upang magtago! Ito’y nakagugulo ng isipan. 200,000 na mga tao ang lumisan sa mga simbahan sa loob ng 12 na buwan lamang!
Kaya diyan kami pumapasok. Narito tayo sa pambayang sentro, sa bayan ng Los Angeles, labin limang minuto mula sa Hollywood – ang kilikili ng Kanlurang mundo. At tayo ay dapat magkaroon ng simbahan na naukit mula sa mga di nananampalataya! Ibig mong sabihin na isang dami ng mga bata sa kolehiyo mula sa di Kristiyanong mga tahanan ay maaring gumawa ng isang simbahan? Ito’y imposible! Ngunit, higit pa riyan, kami ay nananalangin para sa isang muling pagkabuhay! Ha! Ha! Ha! Ito’y isang imposibleng panaginip! O hindi ba? Sa pananalita ng tao ito’y imposible. Ngunit diyan pumapasok ang Diyos. Sinabi ni Hesus,
“Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios: sapagka't ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios” (Marcos 10:27).
Wala talagang mahalagang nagbago simula ng unang siglo. Isinipi ni Hesus ang Isaias at sinabi, “Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig” (Lucas 4:21). Akala nila na Siya ay isang baliw. Sinubukan nila Siyang patayin doon. “Datapuwa't pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad” (Lucas 4:30).
Lumabas Siya mula sa sinagogang iyon upang gumawa ng isang himala pagkatapos ng isa. Sa loob ng kaunting maikling mga taon ang Kanyang mga tagasunod ay nasa lahat ng lugar sa Romanong Imperyo. Noong narating nila ang lungsod ng Tesalonica ang mga pinuno ng lungsod ay nagsisigaw, “Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan, ay nagsiparito rin naman” (Mga Gawa 17:6).
Wala talagang mahalagang nagbago. Ang tao ay pareho pa rin – puno ng rebelyon at di paniniwala. Ang Diyos ay pareho pa rin, nasa Kanyang trono pa rin, buong mapakapangyarihan pa rin, may hawak sa lahat pa rin. Si Kristo ay parehon pa rin. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at Siya ay Panginoon!
Siya ay Panginoon, Siya ay Panginoon.
Bumangon Siya mula sa pagkamatay,
At Siya ay Panginoon.
Bawat tuhod ay yuyuko,
Bawat dila ay magkukumpisal
That Jesus Christ is Lord! Na si Hesu-Kristo ay Panginoon!
(“He is Lord” ni Marvin V. Frey, 1918-1992).
“Ikaw at Panginoon.” Kantahin ito
!Ikaw ay Panginoon, Ikaw ay Panginoon,
Bumangon ka mula sa pagkamatay,
At Ikaw ay Panginoon.
Bawat tuhod ay yuyuko,
Bawat dila ay magkukumpisal
Na si Hesu-Kristo ay Panginoon!
Ang Diyos at si Kristo ay bumubuo sa pinaka matinding kapangyarihan sa daigdig! Ako’y kumbinsido na maipapadala ng Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu ngayon – gaya nang kaya Niya noon sa nakaraan! Hindi natin ito magagawa. Wala tayong kapangyarihan. Ngunit sinasabi ng Bibliya, “ang kapangyarihan ay ukol sa Dios” (Mga Awit 62:11). Kapag ang Diyos ay nagbubuhos ng Kanyang Espiritu dakila at makapangyarihang mga bagay ay nangyayari. Sinabi ni John Knox, ang Taga Eskosyang Taga Reporma, na ang Eskosya ay naligtas mula sa espada ni Madugong Maria dahil “Ibinigay ng Diyos ang kanyang Banal na Espiritu sa simpleng mga kalalakihan sa kasaganahan” (Ang mga Gawain ni John Knox Isinalin mula sa The Works of John Knox, kabuuan 1, 1946 edisiyon, pah. 101).
Kapag magdarasal ka para sa aming simbahan, manalangin para sa pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos sa gitna namin. Kapag magpupunta ka sa ebanghelismo manalangin para sa pagbubuhos ng Espiritu sa aming gawain. Kapag nagmamaneho ka sa iyong kotse, manalangin para sa Banal na Espiritu na maibuhos sa ating gawain! Sinabi ng dakailang mangangaral na si Charles Simeon, “Ang gawain ng pagbabagong loob ay dapat unti unti sa inyo, maliban kung ibuhos ng Diyos ang kanyang Espiritu sa pinaka di pangkaraniwang paraan sa iyo” (Isinalin mula kay W. Carus, Mga Gunita ni Charles Simeon [Memoirs of Charles Simeon], 2nd edisiyon, 1847, pah. 373).
Tandaan na hindi natin magagawa ang Diyos na ibuhos ang Kanyang Espiritu. Nananalangin na ako ng apat na taon para sa Diyos na ibuhos ang Kanyang Espiritu sa simbahang ito. Hindi nya pa ito ginagawa. Ngayon, lumilingon, nakikita ko, sa palagay ko ang dahilan na hindi Siya sumagot. Ngunit ngayon mayroong na tayong mas mainam na simbahan. Ngayon ang pamumuno ay napagbagong loob. Ngayon karamihan sa ating mga kabataan ay napagbagong loob. Marahil ngayon sasagutin ng Diyos ang ating mga panalangin – at sa pinaka kaunti ay ipadala ang Kanyang Espiritu upang magdala ng sampu o labin dalawang mga bagong kabataan sa ating simbahan nitong tag-init. Pakit lipat sa ating berso ng pagmemoriya sa pag-aayuno. Ito’y nasa Isaias 58:6. Ito’y nasa pahina 763 ng Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Tumayo at basahin ito ng malakas.
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).
Maari nang magsi-upo. Paki memoriya ang bersong iyan. Paki bukas ito at basahin ito ng malakas habang ika’y nag-aayuno at nananalangin sa sunod na Sabado. Pansinin kung gaano ito ka lapit sa Isaias 58:6 kumpara sa Isaias 61:1-2.
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?; Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis” (Isaias 61:1-2).
Nakikita natin sa pagkukumpara ng dalawang pasaheng iyon ang gawain ni Kristo ay maaring magpatuloy sa lupa ngayon, sa pamamagitan ng pagsasagot ng ating mga panalangin at pag-aayuno.
Sinabi ni Dr. John R. Rice (1895-1980), “Alam ko ang tunay na pag-aayuno at kahihiyan ng isipan habang nag-aantay tayo sa Diyos ay makakukuha ng pagpapala sa Diyos na gustong ibigay sa atin ng Diyos!...mag-ayuno at manalangin hanggang sa salubungin ka ng Diyos sa pagpapala” (Panalangin: Paghihingi at Pagtatanggap [Prayer: Asking and Receiving], Sword of the Lord, 1997 edisiyon, mga pah. 230, 231).
Si Jonathan Edwards (1703-1758) ay nag-ayuno at nanalangin sa loob ng tatlong araw habang naghanda siyang ipangaral ang Mga Makasalanan sa mga Kamay ng Galit ng Diyos [Sinners in the Hands of an Angry God]…ang Unang Dakilang Paggigising ay nagsimula sa pangaral na iyon (Elmer Towns, D.Min., Ang Gabay ng Nagsisimula sa Pag-aayuno [The Beginner’s Guide to Fasting], Regal Publications, 2001, mga pah. 123, 124).
Si Dr. Martyn Lloyd-Jones (1899-1981) ay nagsabi, “Nagtataka ako kung ito’y kailan man naisip natin na dapat nating isinasaalang-alang ang tanong ng pag-aayuno? Ang katunayan ay hindi ba na ang buong paksang ito ay mukhang bumagsak mula sa…ating buong Kristiyanong pag-iisip” (Mga Pag-aaral sa Pangaral sa Bundok [Studies in the Sermon on the Mount], bahagi 2, Eerdmans, pah. 34).
Ang matandang pangalawang siglong pastor, si Polycarp (c. 80-167) ay nagsabi, “Bumalik tayo sa salita na ibinigay sa atin mula sa simula; ‘nahihintay sa panalangin’ at ‘matiyagang pag-aayuno’” (Sulat sa Mga Taga Filipo [Epistle to the Philippians]).
Sinabi ni Spurgeon (1834-1892), “Nawala natin ang napaka dakilang pagpapala sa Kristiyanong simbahan sa pagsusuko ng pag-aayuno” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Isang Desperadong Kalagayan – Paano ito Sasalubungin,” [“A Desperate Case – How to Meet It,”] Ika-10 ng Enero, 1864).
Sinabi ni Dr. R. A. Torrey (1856-1928) , “Kung mananalangin tayo na may kapangyarihan, dapat tayong manalangin na may pag-aayuno” (Isinalin mula sa Paano Manalangin [How to Pray], 2007 edisiyon, pah. 37).
Ang kagalang-galang na si John Wesley (1703-1791) ay nagsabi, “Mayroong ka bang mga araw ng pag-aayuno at panalangin? Bagyuhin ang trono ng biyaya at magtiyaga doon, at awa ay bababa” (Ang mga Gawain ni John Wesley [The Works of John Wesley], kabuuan 10, 1827 edisiyon, pah. 340).
Ang dakilang Tsinong ebanghelista si Dr. John Sung (1901-1944) ay nagsabi, “Marami sa [mga kabataan] ay nagkaroon ng mga pag-aayuno at pananalangin na pagpupulong. Ang pag-ibig ng mga mag-aaral para sa Panginoon ay nakabagbag damdamin” (Ang Talaarawan ni John Sung [The Diary of John Sung], ipinagsama-sama ni Levi, Genesis Books, 2012, pah. 298).
Ang tagapangunang misyonaryo sa Tsina, si Dr. James Hudson Taylor (1832-1905) ay nagsabi, “Sa Shansi natagpuan ko na ang mga Tsinong Kristiyano ay sanay na gumugol ng panahon sa pag-aayuno at pananalangin…isang banal na isinaad na paraan ng biyaya. Marahil ang pinaka matinding hadlang sa ating gawain ay ang ating sariling ipinapalagay na lakas; at sa pag-aayuno nalalaman natin anong kawawa, mahinang mga nilalang tayo – nakasalalay sa isang hapunan ng karne para sa kaunting lakas na tayo ay napaka lamang nating sandalan” (Ang Bagong Ensiklopediya ng Kristiyanong mga Pagsisipi [The New Encyclopedia of Christian Quotations], Baker Books, 2000, pah. 360).
Sinabi ni Dr. Timothy Lin (1911-2009), “Ang ating espirituwal na pagkakaalam ay madalas nahaharangan agad-agad na tayo’y magsimulang mag-ayuno at manalangin…Ito’y nagsasalita mula sa aking personal na karanasan” (Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], First Chinese Baptist Church, 1992, pah. 23).
Magkakaroon na naman tayo ng isang ara ng pag-aayuno sa ating simbahan nitong darating na Sabado. Gusto kong bigyan kayo ng ilang mga punto kung paano ito gawin.
1. Gawin ang iyong pag-aayunong lihim (kung posible). Huwag mag-ikot na nagsasabi sa mga tao.
2. Gumugol ng panahon na binabasa ang Bibliya. Basahin ang ilang bahagi ng Aklat ng Mga Gawa (mas mapipili ang malapit sa simula).
3. Memoryahin ang Isaias 58:6 habang ng iyong pag-ayuno sa Sabado.
4. Manalangin para sa Diyos na bigyan tayo ng 10 o higit na bagong mga tao na mananatili kasama natin.
5. Manalangin para sa pagbabagong loob ng ating mga di ligtas na mga kabataan. Manalangin para sa Diyos na gawin para sa kanila ang sinabi Niya sa Isaias 58:6.
6. Manalangin na ang mga unang pagkakataong mga bisita ngayon (Linggo) ay maaakit na bumalik muli sa sunod na Linggo. Manalangin gamit ng kanilang pangalan kung posible.
7. Manalangin para sa Diyos na ipakita sa akin kung anong ipapangaral sa sunod na Linggo – sa umaga at panggabi.
8. Uminom ng maraming tubig. Mga isang baso kada oras. Maari kang uminom ng isang malaking tasa ng kape sa simula kung sanay kang iniinom ito araw-araw. Huwag uminom ng soda, pampalakas na inumin, atb.
9. Saliksikin ang isang doktor bago ka mag-ayuno kung mayroong kang tanong sa iyong kalusugan. (Maari mong saliksikin si Dr. Kreighton Chan o Dr. Judith Cagan sa ating simbahan.). Huwag mag-ayuno kung mayroong kang isang seryosong sakit, tulad ng diyabetes o mataas ang presyon. Gamitin lamang ang Sabado upang manilangin para sa mga hiling na ito.
10. Simulan ang iyong pag-aayuno pagkatapos ng panggabing hapunan ng Biyernes. Huwag kumain ng kahit ano pagkatapos ng hapunan sa Biyernes hanggang sa maghapunan tayo rito sa simbahan ng 5:30 ng gabi ng Sabado.
11. Tandaan na ang pinaka mahalagang bagay na ipagpanalangin ay para sa mga nawawalang mga tao sa ating simbahan na mapagbagong loob – at para sa mga bagong kabataan na pumapasok sa panahong ito, na manatili kasama nating permanente.
Ngayon, magbibigay ako ng ilang salita doon sa inyo na di pa napagbabagong loob. Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang supremang multa para sa iyong kasalanan, upang ika’y di husgahan para sa iyong kasalanan. Si Hesus ay bumangong pisikal, sa Kanyang muling nabuhay na laman at butong katawan. Ginawa Niya iyan upang mabigyan ka Niya ng walang hanggang buhay. Si Hesus ay umakyat pabalik sa kanang kamay ng Diyos sa Ika’tlong Langit. Maari kang magpunta sa Kanya sa pananampalataya at ililigtas ka Niya mula sa kasalanan, at paghuhusga! Pagpalain ka ng Diyos. Amen. Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 4:16-21.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magpunta, Aking Kaluluwa, Iyong Mga Salitang Naihanda.”
Isinalin mula sa “Come, My Soul, Thy Suit Prepare” (ni John Newton, 1725-1807).