Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT AYAW NI SATANAS NA MAG-AYUNO KA PARA SA MGA PAGBABAGONG LOOB!WHY SATAN DOESN’T WANT YOU ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) – [KJV]. |
Oo, nangangaral nanaman ako ng isa pang pangaral patungkol sa tekstong ito. Ngunit magsasabi ako ng higit pa tungkol rito ngayong gabi. Marahil ay ginagawa tama ang ginagawa ko, dahil ako’y nasalakay ng Diablo ng marami nang araw! Nagkaroon ako ng mas higit na hirap sa paghahanda ng pangaral na ito kaysa sa ibang pangaral nitong lumipas na isang taon o dalawa. Sa isang punto nadama ko na ako’y direktang sinasalakay ni Satanas. Alam ko na ang ilang mga tao (kahit ilang mga mangangaral) ay maaring isipin na ako’y nagpapalabis. Ngunit hindi ako nagpapalabis. Ako’y kumbinsido na ako’y sinasalakay ng mga demonyo simula noong huling Linggo ng gabi. Mula sa oras na nangaral ako sa tekstong ito noong huling gabi ng Linggo ako’y nagkasakit at nawalang laman ang isipan. Tapos biglang naging malinaw sa akin na gusto ng Diyos akong mangaral sa Marcos 9:29 ng pangalawang beses. Ngunit si Satanas ay gumagawa ng matinding panlilito sa akin at pinapanatili ako mula sa paggawa nito.
Noong huling gabi ng Linggo (“Panalangin at Pag-aayuno sa Panahon ni Obama”) binigyan ko kayo ng anim na mga dahilan kung bakit ang mga salitang “at pag-aayuno” ay hindi dapat alisin mula sa katapusan ng Marcos 9:29. Ang lahat ng mga bagong pagsasalin ay ay inalis ang dalawang mga salitang iyon. Ang Griyegong teksto na nag-alis ng mga salitang iyon ay ang Sinaiticus na manuskrito na natagpuan ni Tischendorf (1815-1874) sa Monastaryo ni Sta. Katerina sa Sinai Peninsula, mga 400 na milya mula sa Alexandria. Iyan ang sakop kung saan Gnostisismo ay lumago, kasama ng pagtatanggi ng pisikal na mundo at ang pagdiin sa imateriyal.
Ang Monsateryo ni Sta. Katerina ay itinayo noong 548 A. D. Ang Sinaiticus na manuskrito ay kinopya gamit sulat kamay mga 360 A. D. Mukhang sinasinabi nito na ito’y binuhat mula sa kung saan, posible mula sa Alexandria mismo. Mas higit ko itong inaral ito, mas higit akong nakumbinsi na ang mga naging Gnostikong monghe ay inalis ang mga salitang “at pag-aayuno” dahil hindi nito umaakma sa kanilang mga pananaw.
Kailangan nating tignan ang problemang ito na mayroong Kristiyanong kaisipan, isang kaisipan na seryosong trinatrato ang mga demonyo at si Satanas. Ito’y isang pagkakasang-ayon na ang manuskritong ito ay natagpuan sa parehong panahon na ang “desisyonismo” ay pumalit sa mga pagbabagong loob sa ating mga simbahan? Hindi ba ito isang pagkakasang-ayon na ang mga simbahan ay pinapasukan ng mga demonikong doktrina sa parehong beses na ang manuskritong ito ay itinataguyod sa buong mundo? Ito ba ay isang pagkakasang-ayon na ang “desisyonismo” ni Finney, ang bautismal na kaligtasan ng mga Campbellites, ang tatalong mga diyos ng mga Mormon, ang mga pag-salakay ng Bibliya ng mga liberal, ang gawaing-makatuwiran ng mga Saksi ni Jehovah, at ang Sabataryanismo ng Ikapitong Araw ng mga Adventista ay lahat nagsidating sa loob ng 50 ng taon ng isa’t isa sa ika-19 na siglo? Ito ba ay isang pagkakasang-ayon na ang mga aklat ni Darwin sa ebolusyon ay ipinatnugot sa loob ng parehong panahon na ito? Ito ba ay isang pagkakasang-ayon na ang huling pangunahing muling pagkabuhay sa Kanlurang mundo ay naganap noong mga taong 1857-59, sa loob ng parehong panahon na natuklasan ni Tischendorf ang manuskrito ni Sinaiticus? Ito ba’y isang pagkakasang-ayon na di pa kailan man nagkaroon ng isang malaking muling pagkabuhay sa Kanlurang mundo simula na ang mga salitang “at pag-ayuno” ay inalis sa pagkakatuklas ng Sinaiticus na manuskrito? Paano na ang mga ito ay pagkakasang-ayon? Hindi, nakita ng panahong ito ang ilan sa pinaka dakilang pagsalakay laban sa ortodoks na Kristiyanismo sa kasaysayan – at ang pag-aalis ng “at pag-aayuno” ay isa sa mga ito!
Tayo ay binigyan ng espesyal na babala tungkol sa mga demonikong gawain sa huling mga araw. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Ni Timoteo 4:1).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,
Ang mga nanlilinlang na mga espiritung ito, pinagsisilbihan ang kanilang prinsipe, ang Diablo, ay di nakikitang mga puwersa sa likod ng huling mga araw na paglisan mula sa pananampalataya. Ang kanilang tunay na pakay ay ang dalhin ang mga kalalakihan at mga kababaihan upang sundan si Lucifer, o Satanas, ngunit dapat nilang gawin ito sa palihis na paraan kaysa bukas na paraan” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], World Publishers, 1995, pah. 1345; sulat sa I Ni Timoteo 4:1).
Kahit na di ako sumasang-ayon sa kanya sa Dugo ni Kristo, sinabi ni Dr. MacArthur na ang demonikong gawain na ito ay aabot ng isang “rurok di magtatagal bago bumalik si Kristo” (Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ni MacArthur [The MacArthur Study Bible]; sulat sa I Ni Timoteo 4:1).
Ako’y kumbinsido na ang mga demonyo “ay mga di nakikitang mga puwersa sa likod ng” dakilang mga pagkakamali ng “huling mga araw” – mga pagkakamali tulad ng “desisyonismo,” Campbelismo, Mormonismo, Ikapitong Araw na Adventista, liberalism, Mga Saksi ni Jehovah, Kristiyanong Siyensa, at pinalalakas ang Islam. Alam ng Diablo rin na sa Marcos 9:29 at Mateo 17:21 ay ang mga nag-iisang mga lugar sa Bagong Tipan na nagsasabi sa atin ng kapangyarihan at pangangailangan ng pag-aayuno at panalangin. Na wala ang mga dalawang bersong iyon walang direktang pagtuturo sa pag-aayuno mula sa bibig ni Hesus. Pag-isipan iyan! Walang partikular na pagtuturo kung paano at bakit tayo mag-ayuno kung ang mga salitang “at pag-aayuno” ay inalis! Ito ba ay isang pagkakasang-ayon na ang ating mga simbahan ay naging mahina at walang kapangyarihan simula na ang mga salitang “at pag-aayuno” ay inalis? Hindi sa palagay ko! Hindi sa anumang paraan!
Sa mga mas naunang mga panahon naintindihan ng mga pastor na ang demoniko ay nasa likod ng huwad na relihyon. Gayon din, sa mas maagang mga panahon, ang mga mangangaral ay naintindihan na si Satanas at ang mga demonyo ay maaring minsan maging napaka nakabaon na hindi sila matatagumpayan ng panalangin lamang. Sila gayon ay titingin kay sa admonisyon ni Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Mark 9:29) – [KJV]. Ang lahat ng mga ebanghelista at pangunahing mga mangangaral bago ng pangalawang hati ng ika-19 na siglo ay alam na si John Weslsy (1703-1791) ay tama noong sinabi niya, “Ang ilang uri ng mga diablo [demonyo] ay napatalsik ng mga apostol bago nito na hindi nag-aayuno” – ngunit “Ang ganitong uri ng diablo [mga demonyo] ay di lumalabas kundi sa pamamagitan ng masidhing panalangin” (Isinalin mula sa Sulat ni Wesley sa Bagong Tipan [Wesley’s Notes on the New Testament], kabuuan. 1, Baker Book House, 1983 inilimbag muli; sulat sa Mateo 17:21).
Ang lahat ng mga dakilang mga Taga-Reporma ay nag-ayuno at nanalangin – si Luther, Melanchthon, Calvin, Knox – ang lahat sila ay nag-ayuno at nanalangin! Pag-aayuno at panalangin ay ginamit ng mga dakilang mga mangangaral tulad ni Bunyan, Whitefield, Edwards, Howell Harris, John Cennick, Daniel Rowland, McCheyne, Nettleton at maraming iba. Ngunit ngayon, na ginagamit ang mga salita ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang simbahan ay nadroga at nalilinlang; siya ay tulog, at hindi nagkakamalay ng gulo [kay Satanas] sa anumang paraan” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Ang Kristiyanong Digmaan [The Christian Warfare], The Banner of Truth Trust, 1976, pah. 106).
Ang pagtuturo ni Kristo na “manalangin at mag-ayuno” ay hindi dapat gamitin lamang sa pagpapatalsik ng mga demonyo, kundi sa ibang mga kondisyon ng pagbabagong loob, lalo na ang mga mahihirap na mga pagkakataon – at sa huling mga araw, ang lahat ng mga kondisyon ay maging mukhang mas mahirap! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Pati na nagkukulang ng direktang pag-aari dapat nating makita ang katunayan na ang ating kaaway, ang diablo [ay pinaaalintuntunan] ang isang paniniil at kapangyarihan sa ibabaw ng marami. Dapat nating maintindihan na tayo ay nakikipaglaban para sa ating mga buhay laban sa matinding kapangyarihan. Tayo ay laban sa isang makapangyarihang kalaban” (Isinalin mula sa Mga Pag-aaral sa Pangaral sa Bundok [Studies in the Sermon on the Mount], bahagi 2, Eerdmans, 1987, pah. 148).
Tayo ay nakikipaglaban sa isang espiritwal na digmaan. Ang mga puwersa ni Satanas ay lumalagong mas malakas kailan man. Nanalangin kami para sa pagbabagong loob ng nawawala at walang nangyayari. Hindi sila napupunta sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan. Hindi nila nararamdaman ang kanilang pangangailangan para kay Kristo. Tumatanggi silang mapunta sa Kanya. Ang kanilang mga isipan ay madilim, ang kanilang buong pagkakaintindi ng espiritwal na mga bagay ay nadiliman. Nagpapatuloy tayong manalangin, ngunit wala pa ring nangyayari. Napaka kaunting bagong mga tao ang nagpupunta sa simbahan at nananatili. Gusto na naming sumuko Ngunit, sandali! May higit pa! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,
“Nagtataka ako kung ito’y kailan man nangyari sa atin na dapat nating isaalang-alang ang paksa ng pag-aayuno? Ang katunayan ay, hindi ba, na ang buong paksang ito ay mukhang bumagsak mula sa ating mga buhay, at mula sa ating buong Kristiyanong pag-iisip” (Isinalin mula sa Mga Pag-aaral ng Pangaral sa Bundok [Studies in the Sermon on the Mount,] bahagi 2, pah. 34)
.Noong ang mga Wesley na magkakapatid ay nanalangin at nag-ayuno, ang mga bagay ay nangyari. Si Charles ay madalas nalililiman ng kanyang kapatid na si John. Ngunit kapag si Charles Wesley ay nangaral ito’y naiulat na matinding bilang pati ng mga pagbabagong loob ang nagaganap na maraming pagkakataon. Hindi mo ba nararamdaman ang kapangyarihan ng Diyos na bumababa kapag si Charles Wesley ay kumkanta!
Sinisira Niya ang kapangyarihan ng nakanselang kasalanan,
Pinapalaya Niya ang bilango;
Nagagawa ng Kanyang dugong malinis ang pinaka marumi;
Ang Kanyang dugo ay nakinabang para sa akin!
Hesus! ang pangalan na umaakit sa ating mga takot,
Na nag-uutos sa ating mga pagdurusang huminto;
Ito’y musika sa tainga ng makasalanan,
Ito’y buhay, at kalusugan, at kapayapaan!
(“O Para sa Isang Libong Mga Dilang Kumanta.” Isinalin mula sa
“O For a Thousand Tongues to Sing” ni Charles Wesley, 1707-1788;
sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).
Hesus, Taga-ibig ng aking kaluluwa,
Hayaan akong sa Iyong dibdib lumipad,
Habang ang mas malapit na mga tubig ay umaagos,
Habang ang bagyo ay mataas pa rin:
Itago ako, O aking Tagapagligtas,
Hanggang ang bagyo ng buhay ay lumipas;
Ligtas sa taguan ako ginagabay,
O tanggapin ang aking kaluluwa sa wakas!
(“Hesus, Taga-ibig ng Aking Kaluluwa.” Isinalin mula sa
“Jesus, Lover of My Soul” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Iyon ay magagandang mga himno ni Charles Wesley!
Lumipat kasama ko sa Isaias, kapitulo 58. Ito’y nasa pahina 763 sa Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Isaias 58, berso 6. Tumayo at basahin ito.
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).
Maari nang magsi-upo. Paki salungguhitan ang besrong iyan sa iyong Bibliya. Ang bersong iyan ay naglalarawan ang tamang paraan upang mag-ayuno. Ipinapakita rin nito ang uri ng pag-aayuno na gusto ng Diyos na gawin ng mga Kristiyano. Gusto kong memoryahin ninyo ito. Ito’y ang bago nating memoryang berso, Isaias 58:6. Ang isang makadiyos na pag-aayuno
(1) makakalag ang mga tali ng kasamaan.
(2) makapagaan ang mga pasan.
(3) makapapaging layain ang napipighati.
(4) makaalis ng lahat na atang.
Sinabi ni Arthur Wallis, “Ang isang pag-ayuno ay makapalalakas ng tagapamagitan [panalanging mandirigma] upang mapanatili ang puwersa hanggang sa ang Kalaban [si Satanas] ay mapipilitang paluwagan ang kanyang kapit sa nadakip. Ganito [nagbibigay ang Diyos] ng kaligtasan mula sa kapangyarihan ni Satanas (Isinalin mula kay Arthur Wallis, Ang Napiling Pag-ayuno ng Diyos [God’s Chosen Fast], 2011 edisiyon, pah. 67). Gusto ko iyong mga namemorya na ang mga berso ng Malachi na ngayon ay memoryahin ang Isaias 58:6.
Magkakaroon na naman tayo ng isang araw ng pag-aayuno sa ating simbahan nitong darating na Sabado. Gusto ko kayong bigyan ng ilang mga punto kung paano ito gawin.
1. Gawin ang iyong pag-aayunong lihim (kung posible). Huwag mag-ikot na nagsasabi sa mga tao (kahit ang iyong mga kamag-anak) na ika’y nag-aayuno.
2. Gumugol ng panahon na binabasa ang Bibliya. Basahin ang ilang bahagi ng Aklat ng Mga Gawa (mas mapipili ang malapit sa simula).
3. Memoryahin ang Isaias 58:6 habang ng iyong pag-ayuno sa Sabado.
4. Manalangin para sa Diyos na parangalan ang pag-aayuno sa pagsasagot ng ating mga panalangin.
5. Manalangin para sa pagbabagong loob ng ating mga di ligtas na mga kabataan (sa pangalan). Manalangin para sa Diyos na gawin para sa kanila ang sinabi Niya sa Isaias 58:6.
6. Manalangin na ang mga unang pagkakataong mga bisita ngayon (Linggo) ay maaakit na bumalik muli sa sunod na Linggo. Manalangin gamit ng kanilang pangalan kung posible.
7. Manalangin para sa Diyos na ipakita sa akin kung anong ipapangaral sa sunod na Linggo – sa umaga at panggabi.
8. Manalangin para sa imbitasyon lamang grupo na mayroon ang ating mga kabataan (mayroong tatlo sa kanila). Hanapin si John Samuel Cagan kung ika’y interesado.
9. Uminom ng maraming tubig. Mga isang baso kada oras. Maari kang uminom ng isang malaking tasa ng kape sa simula kung sanay kang iniinom ito araw-araw. Huwag uminom ng soda, pampalakas na inumin, atb.
10. Saliksikin ang isang doktor bago ka mag-ayuno kung mayroong kang tanong sa iyong kalusugan. (Maari mong saliksikin si Dr. Kreighton Chan o Dr. Judith Cagan sa ating simbahan.). Huwag mag-ayuno kung mayroong kang isang seryosong sakit, tulad ng diyabetes o mataas ang presyon. Gamitin lamang ang Sabado upang manalnagin para sa mga hiling na ito.
11. Simulan ang iyong pag-aayuno pagkatapos ng panggabing hapunan ng Biyernes. Huwag kumain ng kahit ano pagkatapos ng hapunan sa Biyernes hanggang sa maghapunan tayo rito sa simbahan ng 5:30 ng gabi ng Sabado.
12. Tandaan na ang pinaka mahalagang bagay na ipagpanalangin ay para sa mga nawawalang mga tao sa ating simbahan na mapagbagong loob – at para sa mga bagong kabataan na pumapasok sa panahong ito, na manatili kasama nating permanente.
Sa katotohanan ito’y ang Panginoong Hesu-Kristo na magpapaluwag ng mga kadena ng kasamaan, nagpapagaan ng pasan ng kasalanan, palayain iyong mga pinipighati ni Satanas, at sisirain ang bawat demonikong atang. Si Hesu-Kristo ang gumagawa ng lahat ng mga gawain iyon, ngunit dapat tayong manalangin at mag-ayuno sa Diyos para palayain ni Hesus ang kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos sa ating simbahan, upang bigyan tayo ng kaligtasan at kaligtasan sa mga bagong tao at nawawalang mga bata sa simbahan! Bibigyan namin kayo ng nalimbag na kopya ng pangaral na ito upang iuwi. Basahin ito muli, at tignan ang 12 na punto sa bawat pagkakataon na ika’y manalangin sa Sabado.
Ngayon, magbibigay ako ng ilang mga salita doon sa inyo na di pa napagbabagong loob. Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang supremang multa ng iyong kasalanan, para ika’y di mahusgahan para sa iyong kasalanan. Si Hesus ay bumangong pisikal, sa Kanyang nabuhay na muling laman at butong katawan. Ginawa Niya iyan upang mabigyan ka Niya ng walang hanggang buhay. Si Hesus ay umakyat pabalik sa kanang kamay ng Diyos sa Pangatlong Langit. Maari kang magpunta sa Kanya sa pananampalataya at ililigtas ka Niya mula sa kasalanan, at paghahatol! Pagpalain ka ng Diyos. Amen. Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.
Sa ibaba ay isang artikulo sa Sinaiticus na manuskrito kinuha mula sa isang pagpapaskil ng “Isang Maliit na Pako” [“One Little Nail”] sa “Puritanong Tabla” [“Puritan Board”] na bloge, Ika-24 ng Disyembre, taon 2013.
http://www.puritanboard.com/showthread.php/81537-Sinaiticus-is-corrupt
Ang sumusunod ay ang kwento kung paano nahanap ni Tischendorf ang Codex Sinaiticus:
“Noong taong 1844, habang naglalakbay sa ilalim ng patronahe ni Frederick Augustus Hari ng Saxony, sa paghahanap ng mga manuskrito, naabot ni Tischendorf ang Kumbento ni Sta. Katerina, sa Bundok Sinai. Dito, pinagmamasdan ang ilang mga lumang mga dokumento sa isang basket na puno ng mga papel handa para sa pagsisindi ng kalan, pinulot niya ang mga ito, at natuklasan na apat na pu’t tatlong mga naisulat kamay na dahong mga papel ng Bersyong Septuagint. Ang ilang mga kalaban sa depensa ng Haring Santiagong Bibliya ay nagsabin na ang manuskrito ay hindi natagpuan sa isang “basurahan,” ngunit ang mga ito nga ay natagpuan doon. Ganyan saktong inilirawan ito ni Tischendorf. “Nakit ko ang isang malaki at malawak na basket na puno ng lumang mga papel; at sinabi sa aking ng bibliyotekaryo na dalawang bunton tulad nito ay naitapon na sa apoy. Anong pagkagulat ko na mahanap sa gitna ng bunton ng mga papel na ito…” (Isinalin mula sa Kwento ng Pagkakatagpo ng Sinaitikong Manuskrito, [Narrative of the Discovery of the Sinaitic Manuscript] pah. 23). Si John Burgon, na buhay noong natuklasan ni Tischendorf ang Codex Sinaiticus at personal na bumisita sa Sta. Katerina upang magsaliksik ng mga lumang manuskrito, ay tumestigo na ang mga manuskrito “ay nalagay sa isang basurahan ng Kumbento.” (Isinalin mula sa Ang Pagbabagong Binago, taong 1883, mga pah. 319, 342)
Kaya tiyak na nagpapakita ito sa akin na ang mga Ortodoks na mga monghe ay mapapatunyan na matagal na nilang napagpasiyahan na ang napaka raming pag-aalis at pagbabago sa manuskrito ay ibinibigay itong walang silbe at itinago ito sa isang aparador kung saan ito’y nanatiling di nagagamit sa loob ng mga siglo. Gayon itinaguyod itong malawakan ni Tischendorf at malakas bilang kumakatawan ng isang mas wastong teksto kaysa sa libo-libong mga manuskrito na sumosuporta ng Textus Receptus. At saka, ipinalagay niya na ito’y nanggaling mula sa ika-4 na siglo, ngunit hindi niya kailan man natagpuan ang kahit anong aktwal na na patunay na ito’y na petsang mas maaga kaysa ika-12 na siglo.
Isaalang-alang ang mga katunayan at kakaibhan na mga ito patungkol sa Codex Sinaiticus:
1. Ang Sinaiticus ay isinulat ng tatlong iba’t ibang mga manunulat at iwinasto maya maya ng maraming iba’t ibang mga tao. (Ito ang konklusyon ng isang masusing imbestigasyon ni H.J. M. Milne at T.C. Skeat ng Britanyang Museo, na inilimbag sa Mga Manunulat at mga Tagawasto ng Codex Sinaiticus, sa London, 1938.) Si Tischendorf ay bumilang ng 14,800 na pagwawasto sa manuskritong ito (David Brown, The Great Uncials, 2000). Si Dr. F. H. A. Scrivener, na naglimbag ng Isang Punong Paghahambing ng Codex Sinaiticus [A Full Collation of the Codex Sinaiticus] noong 1864 ay tumestigo: “Ang Codex ay natakpan ng mga pagbabago ng isang halatang pagwawastong karakter – na dinala ng sa pinaka kaunting sampung iba’t-ibang mga tagapagbago, ang ilan sa kanila ay systematikong ikinalat sa bawat pahina, ang iba ay pamin-minsan, o limitado sa magkakahiwalay na bahagi ng manuskrito, marami sa mga ito ay kaalinsabay sa unang manunulat, ngunit sa pinaka malaking bahagi ay nasasapi sa ika anim o ika pitong siglo.” Kung gayon, ito’y malinaw na ang mga manunulat ng nakalipas na mga siglo ay hindi isinaalang-alang ang Sinaiticus na kumakatawan sa isang purong teksto. Bakit ito napaka iginagalang ng mga makabagong tekstwal na mga kritiko ay isang misteryo.
2. Isang matinding halaga ng pagpapabaya ay ipinapakita sa pagkokopya at pagwawasto. Ang “Codex Sinaiticus ay sumasagana sa mga pagkakamali ng mata at panulat sa isang hangganan na hindi sa katunayan ay mapapantayan, kundi maligaya kaysa di pangkaraniwan sa mga dokumento ng unang antas ng kahalagahan.’ Sa marmaing pagkakataon 10, 20, 30, 40 na mga salita ay inalis sa pamamagitan ng lubos na pagpapabaya. Mga letra at mga salita, pati buong mga pangungusap, ay madalas naisulat dalawang beses o lampas pa, o nasimulan o agad-agad nakansela; habang niyang laganap na pagkakamali, kung saan ang isang sugnay ay pinangungunahan, ay nagaganap na di kakaunti sa 115 na beses sa Bagong Tipan.” (Isinalin mula kay John Burgon, Ang Pagbabago ay Binago) Ito’y malinaw na ang mga manunulat na kumopya sa Codex Sinaiticus ay hindi mga mapagpananampalatayang mga tao ng Diyos na trinato ang mga Kasulatan na mayroong sukdulang paggalang. Ang pangkalahatang bilang mga salita na naalis sa Sinaiticus sa mga Ebanghelyo lamang ay 3,455 kumpara sa Griyegong Natanggap na Teksto (Isinalin mula sa Burgon, pah. 75).
3. Ang Marcos 16:9-20 ay inalis sa Codex Sinaiticus, ngunit ito’y orihinal na naroon at naalis.
4. Ang Codex Sinaiticus ay nagsasama ng apokripong mga aklat (Esdras, Tobit, Judith, I at IV Maccabees, Wisdom, Ecclesiasticus) at dalawang eretikal na mga pagsusulat, ang Sulat ni Barnabas at ang Pastol ni Hermas. Ang apokripal na Sulat ni Barnabas ay puno ng mga erehiya at maimahinatibong pag-aalegorya, na nag-aangkin, para sa halimbawa, na alam ni Abraham ang Griyegi at bautismo ay kinakailangan para sa kaligtasan. Ang Pastol ng Hermas ay isang gnostikong pagsusulat na kumakatawan sa erehiya na ang “Espiritu ni Kristo” ay dumating kay Hesus sa kanyang bautismo.
5. Panghuli, ang Codex Sinaiticus (kasama ng Codex Vaticanus), ay nagpapakita ng malinaw na gnostikong impluwensya. Sa Juan 1:18 “ang bugtong na Anak” ay nabago sa “ang bugtong na Diyos,” kung gayon ay pinamamalagi ang lumang Arianong erehiya na tinatanggal ang Anak na si Hesu-Kristo mismo sa Diyos Mismo sa pagsisira ng malinaw na koneksyon sa pagitan ng “Diyos” ni Juan 1:1 sa “Anak” ng Juan 1:18. Alam natin na ang Diyos ay hindi bugtong; ito’y ang Anak na bugtong sa inkarnasyon.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Marcos 9:17-29.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ako’y Maging Totoo.” Isinalin mula sa
“I Would Be True” (ni Howard A. Walter, 1883-1918).