Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PANALANGIN AT PAG-AAYUNO SA PANAHON NI OBAMA

PRAYER AND FASTING IN THE AGE OF OBAMA
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-12 ng Hulio taon 2015

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Mark 9:28, 29) – [KJV].


Ang kwento ay simple. Si Hesus ay naroon sa itaas ng isang bundok. Noong bumaba Siya nakakita Siya ng isang matinding masa ng mga taong nagsama-sama sa paligid ng mga Disipolo. Tinanong ni Hesus sila anong nangyari. Isang tao ang humakbang paharap mula sa masa at sinabi nagsabi kay Hesus na ang kanyang anak na lalake ay nasapian ng demonyo. Sinabi niya na ginawa ng demonyo ang kanyang anak na labis na mga kombulsyon. Sinabi niya na tinanong niya ang mga Disipolo na palayasin ang demonyo, ngunit hindi nila ito magawa. Sinabi ni Hesus sa lalake na dalhin ang kanyang anak sa Kanya. Pinagalitanni Hesus ang demonyo at nagsabi, “Lumabas sa kanya, at huwag ka nang pumasok sa kanya.” Ang demonyo ay sumigaw at lumabas mula sa batang lalake. Kinuha ni Hesus ang batang lalake sa kamay at itinaas siya at napagaling. Ilang minuto maya maya nagpunta si Hesus sa isang bahay. Ang mga Disipolo ay nagpunta sa Kanya at nagsabi, “Paano ito na siya’y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28).

Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Sinubukan nilan ang kanilang pinaka makakaya, ngunit nabigo sila. Nagtagumpay sila sa maraming pagkakataon. Dito sila’y nabigo sa lahat-lahat. At gayon man sa isang sandali na may matinding kadalian ang ating Panginoong [Hesu-Kristo] ay nagsalita ng isang salita lamang at ang batang lalake ay napagaling. ‘Bakit hindi namin siya mapalayas?’ ang sabi nila, at sumagot si [Kristo] at nagsabi, ‘ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]’” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pakabuhay [Revival], Crossway Books, 1994 edisiyon, pah. 9; kumento sa Marcos 9:28, 29).

Ang kwentong ito ng demonyp na hindi mapalabas ng mga Disipolo ay napaka mahalaga. Ito’y napaka mahalaga na itinala ito ng Banal na Espiritu tatlong beses sa Bagong Tipan – sa Mateo, Marcos at muli sa Lucas. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones ito’y napaka mahalaga para sa atin ngayon. Lubos akong sumasang-ayon sa kanya. Ngunit bago ko gamitin ang ibig sabihin ng kwentong ito sa aming simbahan, dapat ko munang kausapin ang mga kritiko ng Bibliya na nag-alis ng mga salitang “at pag-aayuno” sa lahat ng makabagong pag-sasalin.

Kaya bago ako magpunta sa mensahe, gusto ko kayong kausapin tungkol sa huling dalawang mga salita sa berso 29 – “at pag-aayuno.” Sinasabi ng Scofield na gitnang sulat, “Ang dalawang pinaka mahusay na MSS [manuskrito] ay inaalis ang ‘at pag-aayuno.’” Ibig sabihin nito na kahit ang pinaka konserbatibong Scofield na Pag-aaral na Bibliya ay naimpluwensyahan ng nakasisirang kritisismo ng Bibliya ng huling bahagi ng ika-19 na siglo. Bakit ang dalawang lumang manuskrito na inaalis ang pag-aayuno “ang pinaka mahusay na mga manuskrito”? Ang pangunahing manuskrito na ginamit ng mga kritiko ay ang Sinaiticus na manuskrito. Ang teyorya ng mga kritiko ay na ang pinaka matanda ay laging ang pinaka mahusay. Ngunit paano tayo makasisigurado sa teyoryang iyan?

Ako at ang aking asawa ay nasa Monasteryo ni Sta. Katerina, sa paa ng Bundok Sinain maraming taon noon. Nakita namin kung saan nahanap ang manuskrito – sa isang tambak ng mga durog na mga bato sa lumang monastaryong ito. Sa pintuan ng monasteryo ay isang tambak ng mga bungo. Ang mga bungong ito ay ang mga bungo ng mga monghe na nanirahan rito noong maraming siglo nakalipas. Sa loob ay isa sa pinaka madilim at Satanikong pakiramdam na simbahang sangtuwaryo na aking nakita. Dose-dosenang mga itlog ng ostrich na nakabitin mula sa kisame. Ang lugar ay napa-ilawan ng mga nabubulok na mga kandila. Mukha itong isang lugar na makikita mo sa “Mga Mananalakay ng Nawawalang Arko”! Hindi ko gustong manatili sa gabi sa nakatatakot na lugar na iyon! Ito’y mula sa madilim at malungkot na lugar na ito na natagpuan ni Tischendorf ang lumang manuskritong iyon ng mga Ebanghelyo. Maya-maya nakita ko at ng aking asawa ang aktwal na manuskrito sa Britanyang Museo sa London.

Kumbinsido ako na ang mga matatandang mga monghe sa monasteryong iyon ay naimpluwensyahan ng Gnostisismo. Siyempre ang mga Gnostiko ay hindi gustong idiin ang pag-aayuno. Iyan ang dahilan na ang mga naimpluwensyahan ng Gnostisismong mga monghe ay inalis ang salitang “pag-aayuno” noong kinopya nila ang Ebanghelyo ni Marcos sa sulat kamay.

Tapos may isa pang dahilan sa tingin ko ay ang salitang “pag-aayuno” ay isinulat roon ni Marcos mismo. Kita mo ang pangungusap ay hindi nagkakaroon ng kabuluhan kung iiwanang naalis ang salitang “pag-aayuno.” Ang NIV, tulad ng lahat mga makabagong pagsasalin, ay mayroon ito bilang, “ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin.” Gamitin mo lang ang iyong isipan. Hindi mo ba alam na ang mga Disipolo ay nanalangin na? Siyempre nanalangin sila! Ngunit “ang ganito” ay kinailangan ng higit pa kaysa panalangin. Hindi ba iyan halata? Itinuro ni C. S. Lewis sa isa sa kanyang mga sanaysay, ang mga kritiko ng Bibliya ay dapat nag-aral ng Ingles literature. Kung nag-aral sila ng komposisyon matatanto nila na mayroong nawawala. “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin”? Baligho! Siyempre nanalangin sila. Ang pangungusap ay di makabuluhan maliban na sabihin nitong, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno].”

Tapos mayroong pangatlong dahilan. Sa buong mahabang kasaysayan ng Kristiyanismo, ang mga Kristiyano ay naniwala na mayroong pangangailangan na mag-ayuno gayon din ay manalangin, kapag partikular na Satanikong puwersa ay pumipigil sa gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga dakilang mga mangangaral sa mga muling pagkabuhay ng nakaraan ay alam na mayroong panahon na kailangan nilang mag-ayuno. Ngunit ngayon sila ay dinadala papalayo mula sa pag-aayuno sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga salitang, “panalangin at pag-aayuno.” Alam mo ba na si John Wesley ay nag-ayuno ng dalawa o higit pang beses kada linggo noong Unang Dakilang Pagkagising? Alam mo ban a si Jonathan Edwards ay nag-ayuno sa loob ng tatalong araw bago niya ipinangaral ang “Mga Makasalanan sa Kamay ng isang Galit na Diyos” [“Sinners in the Hands of an Angry God”]? Ang pangaral na ito ay nagdala sa isang kamangha-manghang muling pagkabuhay ng kanyang simbahan, na kumalat sa buong Bagong Inglatera – at tapos sa Inglatera mismo. Ang muling pagkabuhay na iyon ba ay darating kung si Edwards ay nanalangin na di nag-aayuno? Ang higit na ito ay tiyak – ang Diyos ay nagpadala ng muling pagkabuhay noong nag-ayuno siya at nanalangin! Ang pagkawala ng pag-aayuno sa ating mga simbahan ngayon isa sa mga dahilan na walang muling pagkabuhay? Ang higit na ito ay tiyak – mayroong napaka kaunti kung mayroon mang muling pagkabuhay ngayon, sa parehong beses napaka kaunti kung mayroong pag-aayuno! Iyan ay tiyak!

Tapos mayroong pang-apat na dahilan upang panatilihin ang mga salitang “at pag-aayuno.” Si Luther ay nagsalita patungkol sa “analohiya” ng Kasulatan. Ang ibig niyang sabihin ay na dapat nating tignan ang ibang mga pagkakapareho sa mga Kasulatan upang makita kung anong sinasabi nila, kapag ating ipinakakahuluguhan ang isang pasahe. Ano ang pinaka kilalang pasahe sa Bibliya tungkol sa pag-aayuno? Tiyak na ang isang mag-aaral ng Bibliya ay dapat alam na ito’y nasa Isaias 58:6.

“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali [kadena] ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain…at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).

Alam ni Hesus si Isaias na mahusay. Nagsalita Siya mula sa Isaias 61:1, 2 noong nangaral Siya sa sinagoga ng Nazaret. Tiyak na si Hesus ay sa pinaka kaunti ay nagpapahiwatig sa Isaias 58:6 noong sinabi Niya, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29).

“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali [kadena] ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain…at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58: 6).

Gaya ni Isaias, sinasabi ni Hesus sa mga Disipolo na ang panalangin at pag-aayuno ay maaring “magpalaya sa mga napipighati” – at sirain ang bawat kadena ni Satanas! Iyan ang “analohiya” ng Kasulatan! Iyan ay ang paghahayang ang Bibliya mismo ang maging pinaka mahusay na kumentaryo sa ating teksto. Nadarama ko na si Luther ay sasang-ayon sa akin rito.

Ang panlimang dahilan para sa pagtatangap ng “at pag-aayuno” ay nanggagaling mula sa katunayan na iyong mga nagpapalayas ng mga demonyo ay laging nagturo n gang pag-aayuno ay nakatutulong sa ilang tiyak na mga pagkakataon. Ang kagalang na si John Wesley, ay nagsasalita patungkol sa magkahaliging pasahe sa Mateo 17:21, ay nagsabi, “ang ganito'y [mga demonyo ay] hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno – anong testimony rito ng pagkabisa ng pag-aayuno, kapag idinagdag sa maalab na panalangin. Ang ilang uri ng mga diablo ay napalayas ng mga apostol noon na walang pag-aayuno”ngunit ang ganitong uri ng mga diablo ay hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno (Isinalin mula kay John Wesley, M.A., Sulat ni Wesley sa Bagong Tipan [Wesley’s Notes on the New Testament], Baker Book House, 1983, kabuuan I; sulat sa Mateo 17:21).

Alam ni John Wesley (1703-1791) ang higit patungkol sa pagkakaligtas mula sa mga demonyo sa kanyang mahabang pangangasiwa bilang taga tagpo ng Weleyang Metodismo.

Si Dr. Thomas Hales ay isang medikal na misyonaryo sa Thailand. Nakahaharap ang demoniko ng maraming beses sa kaparangan ng misyon, itinaguyod ni Dr. Hale sa kanyang kumentaryo ang pag-aayuno. Nagkukumento sa Marcos 9:29, sinabi ni Dr. Hale, “Sa ilang sitwasyon ito’y kinakailangan na mag-ayuno upang makatanggap ng ating hiling mula sa Diyos…Kapag, sa pamamagitan ng pag-aayuno, ipinapakita natin sa Diyos na tayo ay seryoso…Tutugon Siya sa ating mga panalangin sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng mas higit na antas ng kapangyarihan at karunungan at espiritwal na pagpapala.” Pagkatapos na nakaharap ang demoniko sa kaparangan ng misyon, sinabi ni Dr. Hale na dapat nating panatilihin ang “at pag-aayuno” sa teksto. (Isinalin mula kay Thomas Hale, M.D., Ang Nagamit na Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary], Kingsway Publications, 1997, pah. 265; sulat sa Marcos 9:29).

Ngayon ibibigay ko sa iyo ang pan-anim at huling dahilan upang panatilihin ang “at pag-aayuno.” Mayroon lamang dalawang manuskrito na nag-aalis nito, ngunit mayroong literal na daan-daan na mga manuskrito, napaka lumang mga manuskrito na mayroon nito. Ang mga kritiko ay nagpasya na gamitin ang dalawa na nag-alis nito at nalimutan ang lahat ng tungkol sa daan-daang mga napaka tandang mga manuskrito na mayroon nito. Naway tulungan tayo ng Diyos! Hindi ko naiisip na tayo ay magkakaroon ng muling pagkabuhay hangga’t tayo ay bumalik sa pag-aayuno kasama ng panalangin!

Iyan ibinigay ko sa iyo ang anim na mga dahilan para sa pagtatanggi ng mga makabagong pagsasalin sa bersong ito! Hindi ako kailan man nangaral mula sa mga ito. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga ito. Iyan ang dahilan na nangangaral lamang ako mula sa Haring Santiagong Bibliya. Iyan ang dahilan na gusto kong magmemorya kayo ng mga berso mula sa Haring Santiagong Bibliya, at laging gawin ang iyong araw-araw na Bibliyang pagbabasa mula lamang sa Haring Santiago. Pagpapalain kayo nito at mapagkakatiwalaan mo ito!

“At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) [KJV].

Ngayon sa natitira ng pangaral na ito sasagutin ko ang dalawang katanungan:


(1) Ano ang “ganito”

(2) Paano natin mapagtatagumpayan ang “ganito”?


Hindi ako mag-aaksaya ng panahon susubukang patunayan sa iyo na ang mga demonyo at si Satanas ay nabubuhay. Kung ika’y isang nagtatagumpay ng kaluluwa alam mo na, ayon sa karanasan, ang katotohanan ng mga demonyo. Kaya ako’y magpapanday pasulong na hindi susubukang kumbinsihin ka patungkol sa kanilang pagkabuhay.

“Ang ganito” ay tumutukoy sa mga demonyo na pumipigil sa atin, na mukhang hindi natin matalo sa pamamagitan ng mga karaniwang paraan. Itinuturo ng Bibliya na ang mga demonyo ay bulag “ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 4:4). At iyan ay totoo patungkol sa bawat tao sa mundo bago ng pagbabagong lob. Tayo ay nakahaharap sa “ganito” iyan ng mahabang panahon. At madalas na nakikita na “iyang” ganito ay natatalo ni Kristo sa sagot sa ating mga panalangin.

Alam rin natin na “iyang” ganito ay pumipitas sa mga salita palabas ng mga puso ng mga di nananampalataya – “dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso” (Lucas 8:12). At madalas nating nakikita na “iyang” ganito ay natatalo ni Kristo sa pamamagitan ng sagot sa ating panalangin.

Ang Diablo ay nagpadala ng mga demonyo upang gawin ang dalawang mga bagay na iyon simula ng simula ng panahon. Binulag niya ang mga isipan ni Adam at Eba sa Hardin ng Eden. Pinitas niya ang mga salita mula sa kanilang mga puso sa maagang panahong iyon.

Masasabi natin gayon na iyon ang dalawang pangunahing paraan ng Diablo ng pag-aalipin ng mga tao sa Amerika at sa Kanluran hanggang sa makabagong panahon. Hanggang sa makabagong panahon ang mga tao sa karaniwan ay nanainiwala sa Diyos. Ang mga tao sa karaniwan ay naniniwala na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Ang kanilang mga isipan ay nabulag. Ang salita ay napitas mula sa kanilang mga puso. Ngunit naniwala pa rin sila, sa karaniwang paraan, sa Diyos at sa Bibliya. Matutukoy natin sila bilang mga “bagong-makabagong” mga kalalakihan at kababaihan. Bilang mga bagong-makabago hindi sila napunta sa Kristiyanismo na may isang kritikal na kaisipan. Maaring di sila magtiwala kay Kristo – ngunit hindi sila namuna sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay tulad ng “walang Diyos,” o “ang Diyos ay patay” – at mga ganoong mga bagay. Kaya ang lahat kailangan mong gawin sa mga bagong-makabagong mga tao ay ang mangaral sa kanila ng Ebanghelyo at manalangin para sa kanila. Ito’y makukumparang madali.

Ngunit tapos tayo ay pumasok sa “makabagong” panahon. Ang panahong ito ay teknikal na mababakas sa tinatawag na Pagkapaliwanag, na nagsimula noong huling bahagi ng 17 na siglo at nagpatuloy kay Voltaire ((1694-1778). Sa panahong iyan ang mga tao ay nagsimulang maging mga materyalistiko at kritikal sa Diyos at ang Bibliya. Ngunit ang kritikal na kaisipang iyan ay hindi nasala pababa sa karaniwang tao hangang sa ika-19 na siglo. Ang “makabagong kaisipan” ay kinailangan lahat ay “napatunayan” ng tinatawag na “siyentipikong paraan.” Ito’y kritikal patungkol sa lahat na espiritwal. Sa kanyang pangaral sa Juan 3:16 ang tanyag na ebanghelistang si Billy Graham ay nagsabi, “Hindi mo mailalagay ang Diyos sa isang pagsusuring tubo.” Nangangaral siya sa mga “makabagong” tao. Ngunit pangkalahatang pinag-sasang-ayunan na ang “makabagong” panahon ay namatay sa Hipi na henerasyon.

Ngayon nabubuhay tayo sa tinatawag ng mga pilosopong “pagkatapos ng makabagong” panahon – ang panahon pagkatapos ng pagkamakabago. Ang pagkatapos ng makabagong isipan ng mga kabataan ngayon ay walang moral. Walang mga moral. Mayroon itong kaunting “politikal na tamang” ideya, ngunit walang tunay na moral na basehan. “Iyan ay tama para sa iyo, ngunit hindi para sa akin.” Walang moral na batayan para sa tama at mali. “Kung pakiramdam nito ay tama ito’y tama” ay ang pagkatapos ng makabagong moto. Imbes na nagsasbaing “walang Diyos” gaya ng sinasabi ng mga makabago – sinasabi nila “Kung ang Diyos ay totoo sa iyo, mabuti – ngunit hayaan mo akong magkaroon ng aking sariling mga diyos.” Sa ibang salita, walang saligan. Anong umuubra sa iyo ay mabuti – para sa iyo.

Iyan ang “ganito” – iyan ang iniisip ng mga kabataan ngayon – sa mga di malinaw, nagbabago, di tiyak, “anong tama para sa iyong” mga kaisipan. Iyan ang “ganito.” Iyang ang demonyo na nilalabanan natin laban sa ngayon! Naririnig ko ang mga mas matatandang mga taong nagsasabi, at tamang nagsasabi, na simula ni Obama mayroong kadiliman. Ang lahat ay iba ang pakiramdam. Walang tiyak o matibay. Oo, maari ko itong tawaging “Obamang” espiritu, ang pagkatapos ng makabagong demonyo na itinatapon ang lahat na luma – at nagbibigay ng wala upang palitan ito. Naapektuhan nito ang ating mga simbahan? O, oo! Ang mga Katimugang Bautista ay nawalan ng 2,000 na mga simbahan noong huling taon! Di kapanipaniwala! Wala kailan mang tulad nito! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kailangan nating maintindihan nakikipaglaban tayo para sa ating mga buhay laban sa isang matinding kapangyarihan. Tayo ay laban sa isang makapangyarihang kalaban” (Isinsalin mula sa Mga Pag-aaral sa Pangaral sa Bundok [Studies in the Sermon on the Mount], bahagi 2, pah. 148).

Ang “ganito”ay masyadong malakas para sa atin. Hindi ito matatalo gamit ng panalangin lamang. Hindi – dapat tayong magkaroon ng “panalangin at pag-aayuno” o lahat ng ating mga ebanghelistikong mga gawain ay mabibigo. Kung gayon hinihiling kong kayo’y mag-ayuno at manalangin sa sunod na Sabado. Huwag mag-ayuno kung mayroon kang kahit anong medikal na problema. Alamin mula sa isang doktor kung mayroong kahit anong medikal na pagdududa. Kung mag-aayuno kasama namin, tiyakin na uminom na maraming tubig, mga isang baso kada oras. At tatapushin natin ang pag-ayuno sa Sabado ng 5:30 PM na may isang hapunan rito sa ating simbahan. “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno].” Tiyakin na manalangin ng maraming beses nitong Sabado para sa Diyos na magdala ng maraming nawawala at panatilihin sila rito, at dalhin sila kay Kristo sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo at katuwiran. Kalangit-langitang Ama, naway maging ito nga. Sa ngalan ni Hesus, Amen.

Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Marcos 9:14-29.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Para sa Libong mga Dila upang Kumanta.” Isinalin mula sa “O For a Thousand Tongues to Sing”
(ni Charles Wesley, 1707-1788; sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me).