Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAANO GUMAWA NG MGA ALAGAD!
|
Naituro sa akin ang pagkasentro at kaunahan ng lokal na simbahan matagal nang panahon ang nakalipas. Hindi ko ito natatandaan sakto kung saan ko ito narinig – ngunit maaring ito ay maaring napaka aga dahil hindi ko matandaan ang panahon na na hindi ko ito pinaniniwalaan. Ang lahat ng bagay sa Bagong Tipan ay naka sentro sa lokal na mga simbahan. Sinabi ni Jim Gent, “Ang salitang ‘simbahan’ ay ginamit ng halos 100 beses sa Bagong Tipan…Ang simbahan ay hindi nahuling isip lamang…Sa naunang mga Kristiyano, ang lokal na simbahan ay kabanal-banalang inalaang pangkat kung saan pinipili ng Diyos na kumilos, at ang nag-iisang pangkat” (Isinalin mula kay Jim Gent, Ang Lokal na Simbahan: Ang Plano ng Diyos para sa Planetang Daigdig [The Local Church: God’s Plan for Planet Earth], Smyrna Publications, 1994, mga pahina 81, 83, 84).
Ang Griyegong salitang isinaling “simbahan” ay “ekklesia” – ibig nitong sabihin isang kapulungan ng mga tinawag – ang mga naitipong kawan noong mga tinawag ng Diyos mula sa mundo, at nagsama-samang magkakasama kay Kristo sa Kanyang Espiritu. Sa wastos pagsasabi, hindi kami “nagpupunta sa simbahan.” Kaming mga ligtas ay ang simbahan! Sinabi sa atin ni Kristo ang tungkol sa pagkakahanap ng simbahan sa Mateo 16:17, 18. Tapos sinabi Niya sa atin ang tungkol sa mga disipolo at ang awtoridad ng isang simbahan sa Mateo 18:15-20. Ngunit ito’y nasa Dakilang Komisyon na sinasabi sa atin ni Kristo kung ano dapat ang gawin ng simbahan, ano ang layunin nito at ang misyon nito. Sinabi sa Marcos 16:15,
“Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15).
Ang utos na ito ay magpupunta sa buong sanglibutan ay inulit ng maraming beses. Ngunit hindi iyan ang pangunahing tema ng Dakilang Komisyon sa Mateo 28:19, 20. Sinabi ni Dr. W. A. Criswell, “Ang komisyon ni Hesus ay na sa…simbahan sa bawat panahon. Ang pautos na salita sa komisyon ay ‘ipangaral,’ mas literal na maisasalin ‘gumawa ng mga alagad’” (Isinalin mula sa Ang Criswell na Pag-aaral na Bibliya [The Criswell Study Bible, Thomas Nelson Publishers, 1979; sulat sa Mateo 28:19-20).
Ang ilan ay nagsabi na ang utos na ito ay ibinigay sa mga Apostol. Iyan ang huwad na pananaw. Kailangan lamang nating basahin ang Aklat ng mga Gawa upang makita na ang lahat ng mga Bagong Tipang mga simbahan ay pinaniwalaan ito bilang isang utos na ibinigay sa sa kanila – at sa lahat ng mga simbahan. Itinuro rin ni Dr. Criswell “gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa” ito ay nasa nag-uutos na kalooban at literal na ibig sabihin “gumaga ng mga alagad.” Ang aking mahabang panahong pastor si Dr. Timothy Lin ay isa sa mga tagasalin ng Bagong Amerikanong Batayang Bibliya. Nagturo siya sa Teyolohikal na Seminaryo ng Talbot at nagpatuloy upang maging pangulo ng Ebanghelikal na Seminaryo ng Tsina. Ibinigay ni Dr. Lin ang paliwanag na ito ng Mateo 28:19-20.
Mayroong apat na mga pandiwa sa Dakilang Komisyon: “magsiyaon,” “gawing mga alagad,” “bautismuhan” at “ituro.” Ang pandiwa lamang na “gawing mga alagad” ay ang nasa nag-uutos na kalooban; ang lahat ng ibang tatlo ay mga pandiwari o mga salitang pang-uri. Kung gayon, ang tumpak na pagsasalin ay dapat:
Nagpupunta kung gayon, dapat kang gumawa ng mga alagad ng lahat ng mga bansa, binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu, tinuturuan silang obserbahan ang lahat ng mga iniutos ko; at tignan, ako’y kasama mo palagi, kahit sa katapusan ng panahon.
Sa ibang salita, “magsiyaon” ay hindi isang utos [rito], kundi “gawing mga alagad” ay, at ito rin ang pangunahing tema ng Dakilang Komisyon (Isinalin mula kay Timothy Lin, S.T.M., Ph.D., Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], FCBC, 1992, p. 59).
Sinabi ni Albert Barnes ang parehong bagay, “Ang salitang [magturo] ay nararapat na nangangahulugang ‘alagad’ o ‘gawing mga alagad ng (Isinalin mula sa Mga Sulat ni Barnes sa Bagong Tipan [Barnes’ Notes on the New Testament], Baker Book House, 1983 edisiyon; sulat sa Mateo 28:19). Ang Bagong Pandaigdig na Bersyon ay nagsasalin nito bilang “gumawa ng mga alagad” (Isinalin mula sa NIV, Mateo 28:19). Si Dr. R. C. H. Lenski, ang Luteranong kumentador, ay isinasalin rin ito sa ganitong paraan, “Magsiayon gayon, gawaing alagad ang buong daigdig” (Isinalin mula sa Ang Interpretasyon ng Ebanghelyo ni Sto. Mateo [The Interpretation of St. Matthew’s Gospel], Augsburg Publishing House, 1961 edisiyon, pah. 1170). “Gawing mga alagad” ay ang pagsasalin rin na ibinigay ni Charles John Ellicot at John Peter Lange sa kanilang mga kumentaryo. Sinabi ni William Hendriksen, “Magsiayon kung gayon, gumawa ng mga alagad’ sa sarili nito ay mapag-utos. Ito’y isang matuling utos, isang pag-uutos” (Isinalin mula sa Ang Ebanghelyo ni Mateo [The Gospel of Matthew], Baker Book House, 1981 edisiyon, pah. 999). Kung gayon, ang tema ng Dakilang Komisyon ay ang misyon at layunin ng isang lokal na simbahan. Ang lahat na ginagawa namin sa lokal na simbahan ay dapat naka sentro sa pagpupunta at paggagawa ng mga alagad, tapos binabautismuhan sila at tinuturuan sila upang obserbahan ang alaht na iniutos ni Kristo. Ang lokal na simbahan ay dapat ang sentro ng pagsasanay upang “gumawa ng mga alagad sa lahat ng mga bansa.” Ang lahat ng nagbibigay ng masusing atensyon sa aking mga pangaral ay alam na hinahangaan ko si Dr. John R. Rice.
Hindi ako sumasang-ayon sa kanya sa bawat punto, ngunit malakas akong sumasang-ayon sa kanyang pagdidiin sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa. Pakinggan si Dr. Rice na palawakin ang Dakilang Komisyon ng Mateo 28:19, 20. Sinabi ni Dr. Rice,
Halos lahat ay sumasang-ayon na ang Dakilang Komisyon plano ng Tagapagligtas ay humihingi na ang pagwawagi ng kaluluwa ay ang kaunahan, na ang pagwawagi ng kaluluwa ay ang pangunahing tungkulin ng mga Kristiyano, mga pastor, at mga simbahan…[“Magsiyaon nga kayo, at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa”] Pansinin na ang “ituro” rito ay hindi ibig sabihing pagpapalawak ng mga Kasulatan sa mga Kristiyano. Ibig nitong sabihin ay “gawing mga alagad.” Ang Griyegong salita ay “matheteuo,” ibig nitong sabihin “gumawa ng isang alagad” …Kaya, ang unang pagtuturo ay nag-utos sa Dakilang Komisyon ay gumawa ng mga alagad (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Litt.D., Bakit Ang Ating Mga Simbahan ay Hindi Nagwawagi ng mga Kaluluwa [Why Our Churches Do Not Win Souls], Sword of the Lord Publishers, 1966, p. 22).
Ang Griyegong salitang isinaling “alagad” ay inilarawang ganap ni W. E. Vine – “ang isang alagad ay hindi lamang isang mag-aaaral, kundi isa ring tagasunod; kaya sila ay tinukoy bilang mga imitador ng kanilang mga guro” (Isinalin mula kay W. E. Vine, Isang Nagpapaliwanag na Diksyonaryo ng Bagong Tipang mga Salita [An Expository Dictionary of New Testament Words], Fleming H. Revell Publishers, 1966 edisiyon, pah. 316).
Ngunit ang tanong ay bumabangon – paano kami mang-aalap ng mga bagong alagad? Sa tingin ko iyan ay isang kritikal na katanungan sa ating panahon. Natagpuan namin na marami sa mga lumang paraan, na umubra sa nakaraan, ay hindi kumukuha ng mga bagong tao sa lokal na simbahan ngayon. Hindi lang sila umuubra! Pamimigay ng mga polyeto ay hindi kumukuha ng mga bagong disipolo sa isang simbahan. Pagbibitin ng mga imbitasyon sa mga busol ay hindi gagawa nito. Pagpupunta sa bawat pintuan at pananalangin ng tinatawag na “panalangin ng makasalanan” kasama ng mga tao ay hindi gumagawa nito. Ang lahat na mga seryosong sinusubukan ang mga lumang paraan na ito ay alam na hindi sila nakakakuha na mga bagong alagad sa isang simbahan.
Noong ako’y unang napagbagong loob binabasa ko ang Talaarawan ni John Wesley. Ito’y ang paraan ni John Wesley upang magpunta at mangaral sa mga kaparangan. Ang ilang mga tao ay gayon ay magpupunta sa kanya at ibubuo niya sila sa maliliit na mga grupo. Akala ko iyan ang paraan upang mag-ebanghelismo. Kaya bawat araw pagkatapos ng trabaho magpupunta ako sa mga kalye sa bayan ng Los Angeles at nangangaral. Ngunit mayroong napaka kaunting resulta. Ako’y umaasang naggabay sa isang matandang mag-asawa kay Kristo sa kanilang tahanan, pagkatapos na ang lalakeng asawa ay nadinig ako sa kalye. Ngunit ang dalawang taong iyon ay ang nag-iisang bunga pagkatapos ng pangangaral sa kalye sa loob ng dalawang taon!
Sunod sinubukan kong mamigay ng mga polyeto. Tapos sinimulan namin ang simbahan na ito namigay kami ng mga polyeto lagi. Mahuhulaan ko na namigay kami ng halos kalahating milyong mga kaligtasang polyeto. Ang mga ito ay ang aming sariling mga polyeto, na mayroong ang pangalan at numero ng simabahn. Ngunit pagkatapos ng maraming taon, at pagkatapos na pamimigay ng libo-libong mga polyeto, hindi kami nakatanggap ng kahit isang tao sa aming simbahan! Hindi kahit isa!
Tapos sinubukan naming magpunta sa mga pintuan at ituro ang plano ng kaligtasan. Sa wakas gumawa ako ng isang teyp na nagtatala, ng ipinapaliwanag kung paano maligtas. Ang ating mga tao ay ipinapanood ang pagtatalang ito sa daan-daang mga nawawalang mga tao. Napaka kaunting mga tao, halos wala, ang nagpunta sa simbahan! Wala sa mga kaunti ay nagpunta ay mga kabataan. Hindi pa nga ako maka-isip ng isa na nanatili kasama namin!
Sa wakas sinubukan namin ang isang simpleng imbitasyon. Hindi kami nagdala ng isang Bibliya, o mga polyeto, o kahit ibang mga literature. Nagsimula naming ipadala ang aming mga tao sa mga mol, mga kolehiyo, at ilang mga napiling mga sulok ng kalye. Sila’y lalapit sa mga tao at magkakaroon ng isang kaswal na pag-uusap sa kanila. Iimbitahin nila ang mga taong magpunta sa isang salo-salo sa aming Bautistang simbahan. Sila gayon ay magtatanong sa tao para sa kanilang pangalan at numero. Kami’y tututok sa mga kabataan. Sinabi ni Dr. Timothy Lin, “Ayon sa estatistiko, ang pursyento ng mga taong lampas ng 40 na taon na tinatanggap si Kristo ay lubos na maliit, lalo na mga Tsino (isinalin mula sa ibid., pah. 73). Sa katunayan, mas maliit pa nga ito sa mga di Tsino! Ang ibang estatistiko ay nagpapakita na halos lahat ng mga pagbabagong loob (90% o higit) ay nagaganap bago edad na 30. Namamangha ako nito na napaka raming mga mangangaral sa huling mga araw ay naglalagay halos ng lahat ng kanilang pagwawawgi ng kaluluwang mga gawain sa mas matatandang mga tao, na lahat ng pag-aaral ay nagpapakita na sila ang pinaka lumalaban na grupo ng mga tao! Sinabi ni Dr. Lin dapat ilagay natin ang karamihan sa ating gawain sa paggagawang alagad ng mga kabataan. Upang ating maasinta natin iyong mga nasa edad sa pagitan ng 16 at 25. Maraming mga mangangaral sa huling mga araw ay gusto ng agad-agarang mga resulta.
Kung gayon hinahanap nila, sa lahat ng paran, upang kunin ang mga “handang gawa” nang mga Kristiyano mula sa ibang mga simbahan. Nakukuha nila ang mga taong iwanan ang kanilang lumang simbahan at sumama sa kanila. Sinabi ni Dr. James Dobson halos lahat ng paglago sa ating mga simbahan ay mga lipat. Ito’y isang mala-trahedyang sitwasyon. Ang mga mangangaral ay napupuwersa na gawin ito dahil hindi nila alam kung paano makakuha ng mga bagong alagad mula sa nawawalang mundo. Maraming mga mangangaral ay walang nalalaman ideya kung paano maka-akit ng nawawalang mga tao at makuha silang maging alagad at mapagbagong loob. Wala silang ideya kung anong gagawin! “Maka-nanakaw [lamang sila ng] tupa” mula sa ibang mga simbahan! Hindi nakapagtataka na walang muling pagkabuhay!
Kapag ang aming mga tao ay bumabalik mula sa “ebanghelismo” ibinibigay nila ang mga pangalan at mga numero na nakukuha nila sa mga taga tawag sa telepono. Ang mga taga tawag sa telepono ay natutunan kung paano tawagan ang mga taong ito at imbitahin silang makasama namin. Sinasabi namin sa knila sakto kung anong pupuntahn nila – magsasalita ako, tapos magkakaroon ng kaarawang salo-salo at isang hapunan na magkakasama. Laging mayrooong may kaarawan kada ilang araw! Pagkatapos na ang bagong mga tao ay nagpunta na kaunting mga linggo iniimbita namin silang magpunta sa ebanghelismo. Hindi kami nag-aantay para sa kanilang mapagbagong loob. Sinusundan namin ang halimbawa ni Hesus. Tinawag niya sa Simon Pedro, nagdududang si Tomas, at iba na sumunod sa Kanya bilang mga alagad bago nila maintindihan ang Ebanghelyo at napagbagong loob. Si Hudas ay isang alagad ng tatlong taon na hindi kailan man napagbabagong loob. Kung gayon, sila’y naging mga alagad bago sila napagbagong loob! Iyan ang paraan na ginamit ni Hesus. At ito ang nag-iisang paraan na sinubukan ko na umuubra!
At saka, si Jesus ay hindi “dahan-dahang” silang ginabay tungo sa pagka-alagad. Hindi! Inilubog Niya sila rito! Pansinin kung paano niya tinawag ang unang mga alagad. Tayo ay sinabihan na nakita ni Hesus si Simon Pedro at Adrew na nangingisda. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sundan ako” at agad-agad iniwan nila ang kanilang mga lambat at sinundan Siya (tignan ang Mateo 4:19, 20). Tapos, nakita ni Hesus si Santiago at Juan sa isang maliit na bangka. Tinawag Niya sila. “At pagdaka'y iniwan nila ang daong… at nagsisunod sa kaniya” (Mateo 4:21, 22). Hindi nila alam kung sino Siya.
Sinabi nila, “Anong tao ito?” (Mateo 8:27). Sa oras na ito mayroong Siyang labin dalawang mga Disipolo. Hindi pa nga nila nalalaman kung sino Siya. Anong ginawa ni Hesus? Ipinadala Niya sila papalabas dalawa dalawa upang mag-ebanghelismo! Tapos pinamunuhan niya sila sa maraming mga gulo sa mga Fariseo. Nakatagpo nila ang Mayamang Batang Mamumuno. Tinanong niya si Hesus anong dapat niyang gawin upang magkaroon ng walang hanggang buhay. Sinabi ni Hesus, “Ibenta ko ang mayroon ka, at ibigay ang pera sa mahihirap, at magpunta at sundan ako” (Isinalin mula sa cf. Mateo 19:21). Ang mayamang batang lalake ay umalis na nagdurusa. Hindi siya naging isang alagad.
Tapos sinabi ni Hesus sa Kanyang mga Alagad na Siya’y magpupunta sa Jerusalem upang maipako sa krus. Wala silang ideya anong ibig Niyang sabihin. Mga tatlong taon ang lumipas at hindi pa rin nila naintindihan ang Ebanghelyo! Natutunan nilang maging mga alagad bago sila naipangnak muli! Noong si Hesus ay inaresto at dinala papalayo upang maipako sa krus, lahat sila ay tumakas, at sa wakas nagtago sa isang taas na silid. Sa Linggo ng Muling Pagkabuhay na gabi ang nabuhay muling si Hesus ay dumating sa kanila. Sila’y natuwa ng lubos noong nakita nila Siyang buhay! Tapos hinihangan Niya sila, at nagsabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:22). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Personal akong naniniwala na sa sandaling ang Panginoon ay huminga sa kanila at nagsabing, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo,’ ang mga kalalakihang ito ay nabuhay muli [naipanganak muli]. Bago nito hindi sila pinamamahayan ng Espiritu ng Diyos” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan IV, pah. 498; sulat sa Juan 20:22).
Sa tinggin ko si Dr. McGee ay tamang-tama. Ngunit kahit hindi ka lubusang sumasang-ayon sa huling puntong iyan, malinaw na ginawanag alagad ni Kristo ang mga Apostol sa isang lubos na ibang paraan mula sa ginagawa ng ating mga simbahan ngayon. Ginawa Niya silang mga alagad bago sa lahat ng iba.
Sa huling daang taon sinubukan nating “dalhin” ang mga tao kay Kristo muna. At tapos lamang na ating silang “sinundan.” Ginawa ni Kristo ang saktong kabaligtaran. Ito’y aking pangarap na ang ilan sa inyo ay tumalikod mula sa nabigong paraan na ito – at bumalik sa paraan na gumawa si Hesus ng mga alagad. At, kung ikaw na narito kasama namin, hinihingi kitang maging isang alagad ni Hesu-Kristo. Magpuntang lubusan sa ating simbahan! Buhatin ang krus at sundan si Kristo! Magpunta sa Linggong umaga at Linggong gabi! At magpunta sa panggabing Sabadong panalanging pagpupulong rin! Matutong mabuhay ng isang seryosong Kristiyanong buhay. Tapos magtiwala kay Hesus at maging naipanganak muli – at mahugasang malinis mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Amen.
Hiniling ko sa iyong sumama sa amin. Hinihiling ko sa iyong maging isang alagad ni Kristo – isang natututo mula sa Kanya at sinusundan Siya. Hinihiling ko na magpunta kang lubusan sa aming simbahan, sa Linggong umaga, Linggong gabi – at Sabado ng gabi, para sa panalangin at ebanghelismo. Sumama sa amin at gagawin ka ni Kristong “mangingisda ng tao!” Gagawin ka Niyang isang mananagumpay ng kaluluwa – isang mangingisda ng tao! Sinabi ni Hesus, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19). Kantahin ang koro kasama ko!
Gagawin ko kayong mga mangingisda ng tao,
Mangingisda ng tao, Mangingisda ng tao
Gagawin ko kayong mga mangingisda ng tao
Kung susundan mo Ako.
Kung susundan mo Ako, Kung susundan mo Ako,
Gagawin ko kayong mga mangingisda ng tao
Kung susundan mo Ako!
(“Gagawin Ko Kayong Mga Mangingisda ng Tao.” Isinalin mula sa
“I Will Make You Fishers of Men” ni Harry D. Clarke, 1888-1957).
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
Dalhin sila papasok mula sa kaparangan ng kasalanan;
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
Dalhin ang mga nawawala kay Hesus.
(“Dalhin Sila Papasok” Isinalin mula sa “Bring Them In”
ni Alexcenah Thomas, Ika-19 na siglo).
Namatay si Kristo sa Krus upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Magtiwala kay Hesus at ililigtas ka Niya. Sumama sa amin upang magtagumpay ng mga kaluluwa. Amen.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mateo 28:16-20.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dalhin Sila Papasok” Isinalin mula sa “Bring Them In” (ni Alexcenah Thomas, Ika-19 na siglo).