Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




HAHAWAKAN KA NIYANG MATATAG!

HE WILL HOLD YOU FAST!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptista Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Hunyo taon 2015

“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28).


Natatandaan ko ang isang mangangaral na nagsabi na ang pangakong ito ay dapat di ipangaral sa mga di nananampalataya. Sinabi niya na ang mga nawawalang mga tao ay magiging masyadong malakas ang loob. Ito’y magdadala sa kanila sa kasalanan. Kinailangan silang mapanatiling sa isang di mapakaling kalagayan, di kailan man lubos na tiyak na sila’y makatatagal sa katapusan. Sa ilang panahon pinaniwalaan ko ito. Kilala ko ang maraming taos-pusong mga Kristiyano ang pinanghahawakan ang pananaw na ito. Mga mangangaral na naniniwala na madalas takot sa tekstong ito.

Ngunit dapat nating tignan ang mga taong nakarinig kay Kristong ipangaral ito muna. Ayon sa besro 31 “nagsidampot uli ng mga bato [sila] upang siya'y batuhin” (Juan 10:31) Kinaumhian nila si Kristo dahil sa pagsasabi nito. Ipinangaral ni Kristo ang mensaheng ito sa mga di nananampalataya. Tiyak ako na mayroong mga di nananampalataya rito na ilan sa atin. Nagtratrabaho kaming lubos, nananalanging matindi, upang magkaroon ng mga di ligtas na mga tao sa bawat paglilingkod. Sasabihin ko sa iyo ang parehong bagay na sinabi ni Hesus doon sa galit na grupo ng mga di ligtas na mga tao,

“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28).

Sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay.” Sinasabi ng konteksto sa atin na “sila” ay tumutukoy sa mga tupa ni Kristo. “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin.” Ang mga tanda ng isang tunay na Kristiyano ay ang mga ito – naririnig nila si Kristo, kilala nila Siya at kilala Niya sila, at sinusundan nila Siya sa pagtalima. Ang mga ito ay mga tanda ng isang tunay na Kristiyano. At patungkol sa kanila na si Hesus ay nagsasalita patungkol

.

“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28)..

“Pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig” (Mga Taga Galacias 5:6) ay isang tanda ng tunay na tupa ni Kristo. Ito’y sa kanila na sinasabi ni Hesus, “At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.” Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Kay Kristo hindi tayo nasa kondisyon ng probasyon, at walang posibilidad ng ating pagbagsak mula sa biyaya” (Isinalin mula sa Kasiguraduhan [Assurance] (Mga Taga Roma 5), The Banner of Truth Trust, 1971, pah. 236).

Mayroong maaring magsabi, “Ako’y nasa Ebanghelyong bisyo. Alam ko na dapat akong magpunta kay Kristo, at sa parehong beses alam ko na hindi ko kaya. Dapat kong gawin ito ngunit hindi ko magawa. Anong dapat kong gawin?” Ang sagot ay simple, sumuko kay Kristo. Sumigaw sa Kanya. Sasagutin Niya ang lahat ng iyong mga tanong. Sisirain Niya ang bisyo ng Ebanghelyo gamit ng isang pako at ililigtas ang iyong kaluluwa. Sasabihin mo, “hindi ko iyan maintindihan.” Siyempre hindi. Iyan ay isang misteryo. Ang Griyegong salita ay “musterion.” Ibig nitong sabihin isang bagay na hindi maiintindihan ng isipan ng tao, kundi gayunman ay totoo sa Bibliya. Sabi ni Apostol Pablo, “Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan…” (I Mga Taga Corinto 2:7). Itapon ang iyong sarili kay Kristo. Magtiwala sa Kanya. Ang lahat ng iyong katanungan ay sasagutin Niya. Ililigtas ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang Dugo at katuwiran. At Siya’y Kanyang pangangalagaan hanggang sa katapusan. Pangangalagaan ka Niya sa lahat ng ito. Ika’y magigin isa sa mga tupa ni Kristo!

“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28).

Ang tatlong mga sugnay ng ating teksto ay binibigay ang tatlong mga dahilan para sa paniniwala sa walang hanggang kasiguruhan ng tupa ni Kristo.

I. Una, nariyan ang regalo ni Kristo.

Una sinasabi ng Tagapagligtas, “Sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay.” Walang hanggang buhay ay dumarating sa bawat isa sa atin bilang isang regalo. Hindi tayo nagtaglay ng walang hanggang buhay noong tayo ay ipinanganak. Tayo ay ipinanganak bilang mga anak ni Adam. Tayo ay ipinanganak upang mamatay. Hindi natin ito na kita sa pamamagitan ng isang gawain. Hindi natin ito makikita sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. Hindi natin ito makikita sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga berso ng Bibliya. Hindi natin ito makikita sa pagsasabi ng mga salita ng isang panalangin. Ito’y isang regalo. Dahil ito ay isang regalo hindi ito maaring makita. Kapag ang isang tao ay tumatanggap ng walang hanggang buhay sa kanyang kaluluwa, ito’y libreng regalo. Hindi natin ito tinatanggap bilang isang gantimpala. Ito’y isang libreng regalo.

Alam ng Diyos ang katapusan mula sa simula. Kapag nagbibigay Siya ng walang hanggang buhay sa isang tao, alam Niya ang bawat isang di pagkaganap at pagkabigo ng tao. Alam Niya bago sa lahat kung paano ang tao ay minsan mabibigo. Hindi Niya kailan man binigyan ang tao ng walang hanggang buhay at tapos bawiin ito dahil sa isang pagkabigo – dahil alam Niya kung anong mga pagkabigo magkakaroon ang isang tao bago pa Niya Siya binigyan ng regalo.

Paano ito posible na dapat kang mabigyan ng walang hanggang buhay at tapos mamatay? Kapag sinasabi ni Hesus, “walang hanggan” ibig Niyang sabihin “walang hanggan.” Sinasabi ni Spurgeon, “Ito’y di possible para sa akin gayun din ang magkasala gaya ng pagkawala ng espiritwal na buhay sa pamamagitan ng kahit anumang paraan.” Ito’y “walang hanggang buhay.”

Noong si Kristo ay nagsalita sa babae sa balon sinabi Niya,

“Ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14).

Sinasabi ng Repormasyong Pag-aaral na Bibliya, “Nabubuhay na tubig sa Lumang Tipan [ay tumutukoy sa] dumadaloy na tubig – ginamit na pasimbolo bilang isang pagtukoy sa gawain ng [Diyos].” “Lumilitaw” ay nagpapakita ng kasaganahan; “walang hanggang buhay” ay walang katapusan at umaagos ng maramihan magpakailan man! Ito ang pinaka buhay ng Diyos sa loob ng kaluuwa ng tao! Binibigyan ni Hesus ang Kanyang tupa ng walang katapusang buhay ng Diyos sa loob ng kanilang mga puso – laging lumilitaw – di kailan man natatapos – laging umaagos! Ito’y isang regalo. Hindi ito makikita. Ito’y isang regalo mula kay Kristo. Hindi Niya kailan man binabawi ang ibinibigay Niya!

Sinasabi ng isa, “Ngunit paano kung hindi ako magtagal? Paano kung sumuko ako?” O, kaibigan, nag-iisip ka pa rin na parang isang medibal na Katoliko! Hindi ito nakakamit sa pamamagitan mo! Paano ito? Ikaw ay “patay sa mga kasalanan.” Pano na ang isang patay na tao ay makatagal? Paano na ang isang patay na tao ay makagawa ng kahit ano upang makamit ang kaligtasan? Salamat sa Diyos, sinasabi ng Bibliya,

“Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay [ng Diyos] na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),” (Mga Taga Efeso 2:5).

Walang hanggang buhay ay ibinigay sa isang patay na kaluluwa. Walang hanggang buhay isang regalo, ibinigay sa mga kalalakihan at kababaihan na patay sa kasalanan! Iyan ang mabuting balita ng Ebanghelyo! Papuri sa Panginoon! “Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol” (Juan 10:28)

Hindi niya hahayaan ang aking kaluluwang mawala,
   Hahawakan Niya akong matatag;
Binili Niya sa matinding halaga,
   Hahawakan Niya akong matatag.
Hahawakan Niya akong matatag,
   Hahawakan Niya akong matatag;
Dahil iniibig ako ng aking Tagapagligtas,
   Hahawakan Niya akong matatag.
(“Hahawakan Niya Akong Matatag.” Isinalin mula sa
      “He Will Hold Me Fast” ni Ada R. Habershon, 1861-1918).

Sinabi ni Spurgeon, “Inaasahan namin ang mananampalataya na maging matatag hanggang sa katapusan, dahil ang buhay na inilagay ng Diyos sa loob niya ay noong kalikasan na dapat magpatuloy na mabuhay, dapat ay malupig ang lahat ng mga kahirapan, dapat mahinog…dapat magdala sa kanya ng walang hanggang buhay” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Pagtiyaga na Walang Paghihinuha” [“Perseverance Without Presumption”], MPT, Number 1,055). Ito’y dapat! Ito’y dapat! Ito’y dapat magdala sa iyo ng walang hanggang luwalhati! Ito’y isang regalo! Ito’y isang regalo ni Hesu-Kristo! Sinasabi Niya, “Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay.” Papuri sa Kanyang banal na pangalan! Binibigayan Niya tayo ng walang hanggang buhay! Wala tayong binabayaran. Nagbayad si Hesus para rito sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus! Nakuha ni Hesus ito para sa atin sa pamamagitan ng pagbangon mula sa pagkamatay!

Aleluya, tapos na! Naniniwala ako sa Anak;
Ako’y ligtas sa pamamagitan ng dugo ng naipakong Isa!
   (“Aleluya, Tapos na.” Isinalin mula sa “Hallelujah, ‘Tis Done”
      ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28).

Walang hanggang buhay ay regalo ni Kristo.

II. Pangalawa, nariyan ang pangako ni Kristo.

“Sila’y ibinibigay ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol…” Sinasabi Niya, “ginagawa ko ito.” Anong nakamamanghang pangako! “Kailan ma’y hindi sila malilipol.” Kasama nito ang lahat ng panahon. “Kailan ma’y hindi sila malilipol.” Sila ba ay batang mga mananampalataya na mayroong kaunting nalalaman? Ang kanilang pananampalataya ba ay maliit dahil sila ay mga bagong napabagong loob? “Kailan ma’y hindi sila malilipol.” Kapag sila’y mas matanda at ang mga problema ng buhay sisikip sa kanilang maagang pananampalataya, sila ba ay magiging makamundo at mawala ang kanilang pananampalataya? “Kailan ma’y hindi sila malilipol.”

Malilipol sila kung ang pagka makamundo ay sisira sa kanila. Malilipol sila kung ang kasamaan ay mag-aalipin sa kanila muli, ngunit hindi ito. “Kailan ma’y hindi sila malilipol.” Ang lahat ng oras ay pinagsasarhan ng salitang “di kailan man.” Paano kung sila’y matinding natukso? “Kailan ma’y hindi sila malilipol.” Paano kung sila’y lumamig na napaka lamig na ang kanilang pag-ibig at sigasig ay wala na? “Kailan ma’y hindi sila malilipo.” Ang kasalanan ay di kailan muling panghahawakan sila. “Kailan ma’y hindi sila malilipol.”

Ako’y isang Kristiyano na ng limam pu’t apat na taon. Mayroong mga panahon na para bang ang Diyos ay malayo. Mayroong mga panahon na pinagdudahan ko ang aking sariling kaligtasan. Mayroong mga panahon na akala ko ang aking paa ay dudulas at maging nawawala magpakailan man. Ngunit si Hesus ay laging nagdala sa akin rito. Lagi akong dinadala ni Hesus pabalik mula sa dulo ng desperasyon. Hindi ako pinalaki sa isang Kristiyanong tahanan. Wala akong mabuting mga halimbawang susundan. Ang mga hangin ng takot ay iniihip akong paikot-ikot. Ako’y halos wala na. Nakakita ko ng napaka raming ibang bumagsak. Naramdaman ko na ako’y maitatangay kasama nila. Masyado akong mahina upang magpatuloy. Naramdaman ko na para ako’y isang palaboy. Naramdaman ko na parang si David noong siya’y nasa kweba, nagtatago mula sa kanyang kaaway, si Haring Saul.

“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Mga Awit 142:4).

“Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon” (Mga Awit 94:18).

Alam ko ito sa karanasan. “Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.” Alam ko sa karanasan na sinabi ni Hesus ang katotohanan. “Kailan ma’y hindi si malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.” Hindi ito isang doktrina lamang sa akin ngayon. Ito ay isang nabubuhay na katotohanan – mula sa bibig ng Panginoong Hesu-Kristo. “Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol.”

Hindi ko kailan man mapanatili ang aking hawak,
   Hahawakan Niya akong matatag;
Dahil ang aking pag-ibig ay madalas malamig,
   Dapat Niya akong hawakang matatag.
Hahawakan Niya akong matatag,
   Hahawakan Niya akong matatag;
Dahil iniibig ako ng aking Taga pagligtas,
   Hahawakan Niya akong matatag.

Mga kabataan ako’y minsan isang bata at ngayon matanda na ako. Alam ko ang pangako ni Hesus ay totoo. Alam ko ito’y totoo sa pinaka ubod ng aking mga buto! “Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.” Alam ko na sinabi ni Hesus ang katotohanan,

“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”

Hinawakan Niya akong pataas. Hinawakan Niya akong matatag. Alam ko magagawa Niya parehong iyan para sa iyo! Iyan ang dahilan na nangangahas kong sasabihin sa iyong pagkatiwalaan ang aking Tagapagligtas na si Hesus. Nagtiwala ako sa Kanya mahabang mga taon noon, at di ako kailan man nalipol. Kung magtiwala ka sa Kanya, hindi ka Niya kailan man hahayaang malipol rin! Iyan ang pangako ni Kristo Mismo!

III. Pangatlo, nariyan ang kapangyarihan ni Kisto.

“Hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28b). Pansinin ang salitang “sinoman” ay naka italiko sa Haring Santiagong pagsasalin. Ibig niyang sabihin inilagay ng KJV na mga tagapagsalin ang salitang “sinoman” – dahil wala ito sa Griyegong teksto. Ang Griyegong salita ay “tis.” Ibig nitong sabihin ay “kahit sino” (Isinalin mula kay George Ricker Berry) o “kahit sinong tao o bagay” (Isinalin mula kay Strong). Kung gayon ang dakilang Griyegong eskolar A. T. Robertson ay nagsasabi patungkol sa bersong ito, “Ang tupa ay maaring maramdamang ligtas…walang lobo, walang magnanakaw, walang tulisan, walang upahan, walang demonyo, hindi pait ang daiablo ang maka-aagaw ng tupa mula sa aking kamay (Isinalin mula sa Mga Salitang Larawan [Word Pictures]; sulat sa Juan 10:28). Si Dr. Robertson ay nagbibigay ng isang pagtukoy sa Juan 6:39,

“At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw” (Juan 6:39).

Muli, nagbigay si Dr. Robertson ng isang pagtukoy sa Juan 17:12, “iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak…” At muli sinipi niya ang Mga Taga Colosas 3:3, “ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.” Ang Bagong Haring Santiago ay mayroon nito, “hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”

Sinabi ni Spurgeon, “Alam mo sa teksto sa harapan natin na hindi natin kailangang basahin ang salitang ‘sinoman,’ dahil ito’y wala sa orihinal na [Griyego]…at kaya maari natin itong basahin – ni ang kahit sinoman ay aagaw sa akin mula sa aking mga kamay.’ Hindi lamang – kahit sinong tao, kundi kahit ang diablo pati…Hindi nito simpleng isinasama ang mga tao lamang, na minsan ay ang ating pinaka malubhang mga [kaaway]…Kasama rin nito ang mga bumagsak na mga espiritu; ngunit walang maka-aagaw sa atin mula sa kanyang kamay. Na wala sa kahit anong posibilidad na ang kahit ano ay, sa kahit anong kanilang mga pamamaraan, upang alisin tayo mula sa pagiging kanyang…ari-ariaan, ang kanyang mahal na mga anak, ang kanyang mga naprotektahang mga anak. O anong pinagpalang pangako!” (Isinalin mula sa ibid.).

Tandaan si Pastor Wurmbrand. Marahil ay nagtataka ka bakit binabasa ko ang kanyang aklat, na Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ], na paulit-ulit. Maaring nagtataka ka bakit iniibig kong magbasa ng ganoong teribleng aklat. Narito ang dahilan. Hindi ko ito binabasa dahil sa isang mapanglaw na interes, o dahil sa pag-ibig sa dugo at manuwag. Binabasa ko ang kanyang mga aklat dahil inakit ako nito sa pamamagitan ng pagpapakit ng kapangyarihan na mayroon si Hesus upang panatilihin ang Kanyang pangako. Ang mga Komunistang panatiko ay pinahirapan si Pastor Wurmbrand dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo. Binugbog nila ang mga ilalim ng kanyang paa hanggang sa hindi na siya makatayo upang mangaral. Noong nagsalita siya rito sa aming simbahan kinailangan niyang alisin ang kanyang sapatos at umupo sa isang upuan dahil sa mga malalalalim na mga peklat sa kanyang paa. Naglagay sila ng labing walong malalim na mga butas sa kanyang katawan gamit ng isang namumulang mainit na mga bakal. Pinatayo nila sa siya ng maraming oras. Ginutom nila siya. Ipinako nila siya sa isang pinamugaran ng dagang selda. Inilagay nila siya sa nag-iisang pagkakulong kung saan di siya kailan man nakarinig ng tinig ng tao ng maraming buwan. Gayon nalampasan niya ang lahat ng paghihirap na iyon – at nagsalita ng maraming beses rito sa aming simbahan. Sasabihin mo, “Mayroon siya sigurong bakal na kalooban.” Hindi, siya ang unang magsasabi sa iyo na siya ay isang napaka hinang tao. Nalampasan niya ang lahat ng mga pagpapahirap dahil ang pangako ni Kristo ay totoo!

“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28).

Alam ko na ito’y totoo, dahil naranasan ko rin ang katotohanan nito sa mas maliliit na kaguluhan ng aking sariling buhay. Sumandal kay Hesus at magkakaroon ka ng walang hanggang buhay. Si Hesus ay di makapagsisinungaling.

Ngayon dapat akong magtapos sa pagsisipi sa dakilang si Spurgeon muli, “Nakita ko kahit na bata pa ako ang maraming mga may pag-asang mga batang lalake na gumawang lubos na mga riwara maaga sa kanilang mga buhay sa pamamagitan ng pagkakahulog sa mga mahalay na mga bisyo [at mga kasalanan]. Naramdaman ko sa aking kaluluwa ang isang [pagkamuhi] ng mga kasalanan na narinig ko ay kanilang nakamit. Ako’y inilayo ng [aking mga magulang] mula sa kanila. Ngunit kinatakutan ko pa rin ang mga kasalanan na nagkaroon ang mga batang lalakeng ito mamuno sa akin. Ang kasamaan ng aking sariling puso ay nagdala sa aking di pagtitiwala sa aking sarili. Ako’y kumbinsido na maliban na ako’y napagbagong loob, naipanganak muli, at natanggap ang isang bagong buhay, wala akong kaligtasan. Kung hindi baka kagatin ko ang pain ng diablo. Takot ako na aking moral na mapahiya ang aking sarili, gaya ng mga ibang mga lalakeng kilala ko. Ang kaisipan ay tumakot sa akin. Ngunit noong narinig ko pananatilihin ako ni Hesus mula sa pagbagsak naakit ako ng doktrina at gumawa sa aking umasa na maligtasa niya ako. Naisip ko, ‘Kung magpupunta ako kay Hesus at kumuha sa kanya ng isang bagong puso at isang tamang espiritu, ako’y mailalayo mula sa kasalanan na napagbagsakan ng iba; ako’y mapananatili niya.’ Ang kaisipang iyan ay umakit sa aking magtiwala kay Kristo. Ako’y natuwang marinig na si Hesus ay isang nananampalatayang tagapagtago noong lahat na nakapangako sa kanya; na kaya niya at handa siyang kunin ang isang batang lalake ang gawin siyang linisan ang kanyang daan at panatilihin siya kahit sa katapusan. O mga kabataan, walang kasiguraduhan ng buhay na tulad ng paniniwala kay Hesu-Kristo” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, ibid., pinasimple ni Dr. Hymers para sa mga makabagong for tagapakinig).

“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28).

Isa pang pag-iisip ang maaring dumating sa iyo. Sinabi ko walang taong kaaway at walang demonyo ang maka aagaw sa iyo mula sa kamay ng Tagapagligtas. “Ngunit,” sasabihin mo, “Paano kung ako mismo ay tumalikod mula kay Hesus? Paano kung ako mismo ay umalis mula sa simbahan at bumalik sa mundo?” Mahal na kaibigan, “Ako mismo” ay kasama sa salitang “sinoman.” Alam ko na maraming iba ang nagkaroon ng huwad na mga pagbabagong loob umalis at bumalik sa pagka makamundo. Ngunit alam ko rin na hindi sila nagkaroon ng mga tanda ng sariling mga tupa ni Kristo . Hindi nila kailan man narinig ang Kanyang tinig. Hindi sila kailan man kilala Niya. Hindi nila Siya kailan man sinundan. Gumawa lamang sila ng isang mababaw na desisyon, at tapos binawi ito. Ngunit hindi ko hinihinging gawin mo iyan. Hinihingi kong magpunta ka kay Hesus ng Nazareth, ang Anak ng Diyos. Hinihinggi ko na magtiwala ka sa Kanya at sumandal sa Kanya. Sinabi ni Spurgeon, “O! makasalanan, naway ika’y magabay ngayon na sumandal kay Hesus at kay Hesus lamang, at tapos kunin ang teksto. Huwag matakot rito – ‘Ibinibigay ko sa aking tupa ang walang hanggang buhay; at di sila kailan man malilipol, ni aagawin ng sinoman sa aking kamay’” (Isinalin mula sa ibid.).

Hahawakan Niya akong matatag,
   Hahawakan Niya akong matatag;
Dahil iniibig ako ng aking Tagapagligtas,
   Hahawakan Niya akong matatag.

Ama, panalangin ko na mayroong nakikita o nagbabasa ng pangaral na ito ay makahanap ng pahinga sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Hesus, na magbibigay sa kanila ng walang hanggang buhay. Sa Kanyang pangalan, Amen.

Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Juan 10:22-29.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Jack Ngann:
“Hahawakan Niya Akong Matatag.” Isinalin mula sa “He Will Hold Me Fast” (ni Ada R. Habershon, 1861-1918).


ANG BALANGKAS NG

HAHAWAKAN KA NIYANG MATATAG!

HE WILL HOLD YOU FAST!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay” (Juan 10:28).

(Juan 10:31, 27; Mga Taga Galacias 5:6; I Mga Taga Corinto 2:7)

I.    Una, nariyan ang regalo ni Kristo, Juan 10:28a; 4:14;
Mga Taga Efeso 2:5.

II.  Pangalawa, nariyan ang pangako ni Kristo, Juan 10:28a; Mga Awit 142:4;
Mga Awit 94:18.

III. Pangatlo, nariyan ang kapangyarihan ni Kisto, Juan 10:28b; 6:39; 17:12;
Mga Taga Colosas 3:3.