Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MAGKASAMA TAYO AY MALAKAS!
MAG-ISA TAYO AY MAHINA!

TOGETHER WE ARE STRONG! ALONE WE ARE WEAK!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-21 ng Hunyo taon 2015

“At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa: Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw” (Mga Taga Hebreo 10:24-25).


Tulad na marami sa aking mga pangaral, ito’y nagsimula na isang di maliwanag na pagkabalisa. Narinig ko na dalawang bagong mga batang babae ay gusto ang aming mga kabataan. “ Sila’y napaka palakaibigan!” ang sabi nila. Ngunit hindi nila ako gusto. Iniisip ko ito, pinag-isip-isipan ito sa aking isipan. Ito’y hindi dahil ang aking mga pangaral ay nakayayamot. Nagtratrabaho ako ng husto upang gawin ang mga itong interesado. Ang mga kabataan ay madalas umuupo na ang kanilang mga bibig na bukas nang kaunti, at ang kanilang mga mata naka ayos sa akin habang ako’y nangaral. Hindi rin ito ang aking personalidad. Gusto kong makasama ang mga kabataan. At masasabi nilang gusto ko nga. Sa tingin ko ang nagpasama ng loob sa dalawang batang babaeng iyon ay isang bagay na sinasabi ko sa katapusan ng halos bawat pangaral. Nagbigay ako ng isang maikling panalangin. Tapos naglalakad ako ng mas malapit sa kamera ng telebisyon. Kausap ko ang mga manononood sa YouTube at aming websayt. Nagsasabi ako ng isang bagay tulad nito sa mga taong nanonood – “Anomang gawin mo, pumasok sa isang nangangaral ng Bibliyang simbahan, lalo na iyong mayroong Linggong gabing paglilingkod. Maging naroon bawat oras na ang pintuan ay bukas.” Nakuha ko ang huling kaunting mga salita mula kay Jerry Falwell, habang tinatapos niya ang kanyang mga programang telebisyon. “Maging naroon bawat oras na ang pintuan ay bukas.” Tapos madalas kong sabihin, “Huwag tumakbo mula sa isang simbahan patungo sa isa pa.” Ito’y ang mga salitang ito, sa katapusan ng aking mga pangaral, na hindi nagustuhan ng dalawang batang babaeng ito. Sa katunayan, iniwan nila ang simbahan dahil rito.

Hihinto ba ako sa pagsasabi niyan? Hindi – magpapatuloy akong sabihin ito. Bakit? Dahil iyan mismo ang kailangang gawin ng mga kabataan – iyan ang dahilan! Ang ating simbahan ay lumalago halos ekslusibo sa pagdaragdag ng mga napagbagong loob sa kanilang bandang huling bahagi ng kanilang kabataan at maagang bahagi ng kanilang ika-dalawamgpung taong gulang. Iyan ay di pangkaraniwan. Karamihan sa mga simbahan ay nawawalan ng 88% ng kanilang mga kabataan. Ngunit iyan ay para sa iba pang pangaral. Tayo ay lumalago sa pamamagitan ng pagdaragdag ng matibay na mga kabataan mula sa parehong grupo ng edad na karamihan sa ating mga simbahan ay nawawalan. Hindi namin ito ginagawa sa pagmamagitan ng paglilinlang – o subukang “kausapin silang matamis.” Ang mga kabataan ngayon ay matalinong sapat upang makita ang mga manloloko sa ganyang paraan. Nagsasalita akong diretso sa kanila. Sinasabi ko, “Ito ang kailangan mo – at ito ang dahilan na kailangan mo ito.” Walang laro! Diretsong pagtuturo! Tangapin ito o hindi! Kahit na umalis sila malalaman nila na tapat ako sa kanila! Hindi ko sinusubukang gustuhin mo ako! Sinusubukan kong mapagbagong loob ka. Ang aking layunin ay ang tulungan kang maging isang tunay na Kristiyano at maging isang matibay na miyembro ng simbahan!

Maari mong sabihin, “Bakit kailangan ko ng simbahan na ito nang lubos?” Sasabihin ko ang dahilan? Dahil na wala ang simbahan na ito wala kang bagay na permanente, iyan ang dahilan! Nagsulat si Alvin Toffler ang tungkol sa Hinaharap na Pagkabigla. Nagsalita siya patungkol sa “kamatayan ng pamamalagi,” “ang konspeto ng pansamantalang bagay,” “mga pakikipagkaibigan sa hinaharan,” “sunod-sunod na mga pagpapakasal,” at “paano mawalan ng kaibigan.” Pagbabago, pagbabago, pagbabago. Ang pagkilos at pagbabago ay di nagbibigay sa atin ng permanenteng tahanna, walang permanenteng mga kaibigan, at walang permanenteng mga kaugnayan! Ang lahat ng mga bagay at lahat nga taong kilala natin ay pansamantala lamang! Nagbibigay ito sa mga kabataan ng hinaharap na pagkabigla! Isinulat ni Toffler ang aklat noong taong 1970. Tapos noong nabasa ko ito muli noong huling Huwebes naisip ko pwedeng isinulat ito nang mga anim na buwan lang ang nakalipas! Ang lahat ay kumikilos ng higit, at nagbabago ng napaka dalas, na ang mga kabataan ay lumalabas na tulad ng mga tao sa kalye, na naninirahan sa ilalim ng ibang kartong kahon, sa isang ibang kalye, bawat gabi. Di nakapagtataka na napaka raming mga kabataan ay umiinom ng isang anyo ng medikasyon! Ang mundo ay umiikot-ikot na nilalampasan sila – napaka bilis na iniisip nila na kailangan nila ng mga tabletas upang gawin ang buhay na katiis-tiis. Lagi akong nagugulat na marinig ang mga kabataan na tinutukoy na mga “kaibigan” ang nakilala sa loob ng isa o dalawang lamang. Hindi ako naghahanap ng pagkakamali. Nag-oobserba lamang ako. Ito’y mukha sa akin na ang mga kabataan ngayon ay nagbabago ng mga “kaibigan” na kasing bilis na kung paano nating dati palitan ang ating damit panloob!

Si Paul McCartney ay saktong isang taong mas bata kaysa sa akin. Siya ay batang sapat lamang upang maging isang Hipi. Katulad ng napaka raming mga Hipi, si Paul McCartney, ng Beatles, ay nag-aalala patungkol sa pagkamag-iisa. Nagsulat siya ng isang di pangkaraniwang kanta na kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali lamang – na naging isang malaking tampok para sa Beatles noong kinanta niya ito kasama ni John Lennon. Tinutukoy nito ang tungkol sa dalawang tao, si Eleanor Riby (isang di kasal na gitnang edad na babae) at si Padre McKenzie, isang pari na naniniraheng mag-isa.

Padre McKenzie isinusulat ang mga salita
Ng isang pangaral na walang makadirinig.
Walang lumalapit.
Tigano mo siyang nagtratrabaho, isinusulsi
Ang kanyang mga medyas sa gabi kapag walang tao doon.
Anong paki-alam niya?

Isang matandang pari, na nagsusulat ng isang pangaral na walang mabibigay pansin rito. Inaayos ang mga butas ng kanyang medyas “kapag walang tao doon.” “Anong paki-alam niya?” Siya’y lubos nang sanay sa isang malungkot na pagkabuhay hindi na ito naaapektuhan nito.

Si Eleanor Riby ay namatay sa simbahan
Ay inilibing kasama ng kanyang pangalan.
Walang nagpunta.

Namatay siya na walang mga anak na dala ang kanyang pangalan. Walang nagpunta sa kanyang libing.

Si Padre McKenzie pinupunasan ang dumi mula
Sa kanyang mga kamay habang naglakad siya mula sa libing.
Walang naligtas.

Walang nagpunta sa kanyang libing. Walang nakarinig ng kanyang pangaral. Walang naligtas. At tapos ang koro,

Ang lahat ng mga malungkot na mga tao,
Saan sila lahat nanggaling?
Ang lahat ng malungkot na mga tao,
Saan sila lahat kasapi?

Ang mga kaisipang mga ito ang nagpa-alala sa mga Hipi. Nagpunta silang magkakasama ng libo-libo sa Berkeley, sa Haight Ashbury ng San Francisco, sa Hollywod Blvd., o sa Baybayin ng Venice. Isang dami nila ay kukuha ng isang lumang tahanan. Sila’y lahat maninirahan doon. Ang iba ay “babagsak” doon ng ilang gabi o dalawa. Gusto nilang maging magkakasama. Gusto nila ng isang komunal na pakiramdam. Madali ito makuha silang magpunta sa simbahan, lalo na kung hahayaan mo silang kumaladkad ng isang sako maleta at umupo sa sahig. Sila’y tinawag na mga “Mga Baliw kay Hesus” o “Mga Tao ni Hesus.”

Ang mga Bautista ay talagang nawalan ng pagkakataon. Maari sana nilang nakuha ang libo-libo sa mga kabataang iyon. Ngunit takot sila sa kanila. Ngayon masyado nang huli – walang hanggang huli na. Ang mga karismatiko at Pentekostal ay nakakuha sa kanilang lahat na. Ngayon ang mga Bautista ay takot sa mga Oriyental at mga Hispanikong mga kabataan. Napaka dali nilang makakuha ng libo-libo sa kanila. Ngunit takot silang gawin ito. Di magtatagal huli na – walang hanggang huli na – muli.

Ngunit kayong mga kabataan ay hindi kailangan ng komunal na tahanan upang “pagbagsakan.” Hindi mo pa nga nararamdaman ang pangangailangan para sa isang komunidad na tulad nito. Hindi katagalan lang kausap ko ang isang kaibigan na katrabaho noong “Mga Tao ni Hesus.” Tinanong ko siya bakit ang mga kabataan ngayon ay hindi nararamdaman ang pangangailangan para sa isang komunidad tulad ng mga Hipi noon. Sinabi niya, “Hindi ko pa naisip ito. Hindi ko alam.” Pagkasabi niya nito ang sagot ay dumating sa akin – “Hindi nila kailangan ng komunal na lugar dahil mayroong silang mga iPhones at mga smartphones.”

Hindi nila kailangan ng pakikipagniig tulad ng mga matatandang mga Hipi. Mayroon na silang mga iPhones at mga smartphone. Makasusulat sila sa mga ito – at magkunwari na marami silang malalapit na mga kaibigan. Ang mga makinang iyon ay kinukuha ang lugar ng tunay na mga kaibigan. Bakita daraan sa lahat ng gulo ng paggagawa ng mga tunay na mga kaibigan – na ito’y mas madali na magkaroon ng mga elektronikong mga kaibigan? Si Eleanor Rigby at Padre McKenzie ay hindi mararamdamang napaka lungkot kung mayroon sila ng iyong mga elektrinikong mga kagamitan. Magkakaroon sila ng mga “hipotetikal” na mga kaibigan na mayroon ka. Ngunit ang isang “hipotetikal” na kaibigan ay di tulad ng isang tunay na kaibigan! Wala sa anumang paraan! Nadinig mo na ba ang tungkol sa batang lalake sa Timog Carolina? Pumatay siya ng siyam na mga tao noong huling taon. Anong mali sa kanya? Oo, siya ay nabuhay sa Internet! Inuukyabit nito ang kanyang utak. Iwanan ang mga ng mga makina, kahit na sa kaunting panahon! Iwanan ang mga makina at mabuhay sa isang tunay na buhay! At maging nasa simbahan! At iyan ay nagdadala sa akin sa ating teksto,

“At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawaNa huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw” (Mga Hebreo 10:24-25).

Mayroon akong higit sa sampung mga kumentaryo sa pasaheng iyon. Lahat ng mga ito ay nagsasabi na ang pasaheng ito ng Kasulatan ay tumutukoy sa pangangailangan ng pakikisama sa lokal na simbahan. Sinabi ni Dr. W. A. Criswell, “Ang pasaheng ito ay nagbibigay ng isa sa pinaka malalakas na apimarsyon sa Bibliya ng napaka-importanteng kahalagahan ng lokal na simbahan…upang maging nananampalataya sa [simbahan]” (Isinalin mula kay Ang Pag-aaral na Bibliya ni Criswell [The Criswell Study Bible], Thomas Nelson Publishers, 1979 edisiyon, pah. 1438; sulat sa Mga Hebreo 10:25).

Hayaan akong bigyan ka ng isang makabagong pagsasalin. Nangagnaral lamang ako mula sa KJV. Hindi ko nirerekomenda ang ibang pagsasalin. Ngunit minsan maari itong makatulong upang basahin ang makabagong pagsasalin upang “maramdaman” ang lakas ng pasahe. Narito ang NASV at NIV na pagsasalin na ipinagsama,

Ating pag-aralan kung paano pasiglahin ang isa’t isa sa pag-ibig at mabuting gawain. Huwag nating isuko ang pagsasama-sama, dahil ang iba ay mayroong kaugalian ng paggagawa, ngunit ating palakasin ang loob ang isa’t-isa – at lahat ng higit pa habang makita mo ang Araw na padating (Mga Hebreo 10:24 NASV; 10:25 NIV).

Kailangan nating maging nasa simbahan upang “pasgilahin” sa pag-ibig at mabuting gawain. Kailangan nating maging nasa simbahan upang “mapalakas ang loob ng isa’t isa.” Tapos naroon ang tinatawag ni John MacArthur na “eskatolohikal na pagpupumilit” – na nagpapakita na ito’y lumalago ng higit-higit na kahalagahan na maging nasa simabahan, “habang ang araw ay papalat.” Iyong “araw” ay tumutukoy sa araw ng pangalawang pagdating ni Kristo. Ito’y isang mahalagang propesiya. Habang ating pasukin ang mga huling mga araw ng mundong ito ito’y nagiging mas higit na mahalaga upang mgaing dedikado sa lokal na simbahan. Bakit? Dahil magkakaroon ng mas higit-higit na sosyal na puwersa na mawalang ng pananampalataya sa mga huling mga araw na ating binubuhay. Sa mga mas lumang mga panahon nagagawa ng mga taong nagpupunta lamang ng isang araw sa isang linggo. Ngunit ang mga umuungol na hangin ng sosyal na pagbabago (hinaharap na pagkagulat!) ay ginagawa ito kailan man na mas mahalaga na maging kasama ng ibang mga Kristiyano sa pakikisama ng lokal na simbahan. Pakinggan ang sinabi ni Thomas Hale sa kanyang kumentaryo, “Kung ang kahit sino ay nagsisimulang mag-alinlangan [sa kanyang pananampalataya] tayo ay maging mabilis upang palakasin ang kanyang loob at palakasin siya. Let us spur [or stimulate] each other toward love and good deeds. Ating udyokin [o pasiglahin] ang isa’t isa patungo sa pag-ibig at mabuting gawain. Hayaan nating makita na wala sa atin ang bumabagsak [sa kasalanan at pagka makamundo]. Magkakasama tyao ay malakas, ngunit nag-iisa tayo ay mahina” (Isinalin mula sa Thomas Hale, Ang Aplikadong Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary,] Kingsway Publications, 1997, mga pahi. 913, 914; kumento sa Mga Hebreo 10:24; mga sulat ni Dr. Hymers’ sa mga panaklong).

Ang lokal na simbahan ay hindi lamang isang lugar kung saan magpupunta ka upang mag-aral ng Bibliya, kahit na iyan ay napaka halaga. Ang ating pakikisama ay hindi lamang naitayo sa paligid ng mga pagkain na mayroon tayo kada paglilingkod, kahit na ito’y napaka mahalaga. Ngunit ang ating pakikisama ay naitayo sa paligid ng pangunahing layunin ng simbahan – alin ay umaabot upang magdala ng ibang mga kabataan na hindi pa Kristiyano. Sinasabi ng Thomas Hale na kumentaryo, “Ang Ebanghelismo ay ang unang-una layunin ng simabahan…ang unang-unang pag-aalala ng mga namumunong mga kalalakihan at kababaihan kay Hesu-Kristo at sa kaligtasan” (isinalin mula sa ibid., pah. 125).

Kaya sinasabi namin sa mga bagong mga tao, “Sumama sa amin! Kumain kasama namin! Makipagkaibigan kasama namin! Magsamba kasama namin! Magpungta sa ebanghelismo kasama namin! Pumasok ng lubusan sa simbahan! Magpunta sa panggabing paglilingkod! Magpunta sa mga panalnaging pagpupulong! Pumasok sa pamilya ng Diyos!” “Magkakasama tayo ay malakas. Nag-iisa tayo ay mahina.”

Hindi lahat ay gagawin iyan agad-agad. Aantayin ka namin. Ipapaliwanag namin kung bakit ito kinakailangan. Gagawin namin ang lahat ng magagawa namin upang makatulong. Iyan mismo ang ginawa ng mga naunang mga simbahan. Si Dr. Michael Green ay nagsulat ng isang nakamamanghang aklat na pinamagatang, Ebanghelismo sa Naunang mga Simbahan [Evangelism in the Early Church] (Eerdmans Publishing Company, 2003 edisiyon). Sinabi ni Dr. Green, “…ang pakikisama ay lubusang mahalaga upang pagsulong ng simbahan. Ang mga kalalakihan ay kailangang maakit sa [mga simbahan] sa pamamagitan ng isa pang pakikisama na mas mayaman at mas maligawa…[Nakita nila] kung paano minahal ng mga Kristiyano ang isa’t isa” (pah. 256).

“Ang pakikisama na inaalay ng simbahan, nilalampasan ang mga hadlang ng lahi, kasarian, klase at edukasyon, ay isang malaking pag-akit” (isinalin pah. 253). Itinuro ni Dr. Green na walang ginawang sekreto. Ang mga di nananampalataya ay dinala at trinato na tulad ng kahit sinong iba. Ang naunang Kristiyanong si Tertullian (160-220 A.D.) ay nagsalita patungkol sa Kristiyanong pag-ibig at pakikisama sa mga simbahan. Sinabi niya na ito ay isang malaking sanhi ng pag-aakit ng malaking bilang mga pagano upang maging mga Kristiyano sa naunang mga taon ng ating pananampalataya (isinalin mula sa ibid.). Sinabi ni Tertullian na libo-libong mga pagano ang sumapi sa mga simbahan sa Hilagang Aprika dahil sa pag-ibig at samahan na mayroon sila

.

Ako’y isang nag-iisang batang lalake. Ang aking mga magulang ay nagdiborsyo. Kinailangan kong manirahan sa mga kamag-anak na ayaw talaga akong nasa kanilang tahanan. Nilakad ko ang mga kalyang nag-iisa. Isa ako doon sa mga tulad ni John Lennon na kumanta patungkol rito,

“Ang lahat ng mga malungkot na mga tao,
Saan sila lahat kasapi?”

Sasabihin ko sa iyo kung saan sila kasapi. Kasapi sila sa isang simbahan tulad nito! Diyan ka kasapi! Napaka lungkot na ang kawawang si John Lennon ay di kailan man nagtiwala kay Hesus at di kailan man nagpunta sa lokal na simbahan! Sa katapusan nagdroga siya at nanatili sa kama sa karamihan ng araw.

Kung hindi ako pumasok sa isang malakas na simbahan, tiyak ako na wala ako rito ngayong umaga. Tiyak ako na patay na ako matagal na tulad ng kawawang si John Lennon. Pinatay ng aking kaibigan ang kanyang sarili. Maari bang ginawa ko rin iyan? Hindi ko alam. Ngunit alam ko na ligtas ako mula sa isang madilim at malungkot na mundo ng init at pakikisama na nahanap ko sa lokal na simbahan. Noong ako’y isang binata ang simbahan ang naing aking pangalawang tahanan.

Alam ko marami sa inyo ay hindi makikinig sa akin. Alam ko na hindi ka papasok ng lubusan kasama namin. Ngunit tandaan lagi na inimbita ka namin papasok! Palaging tandaan na gusto namin na maging kasama namin. Oo, makakahalaga ito ng isang bagay! Siyempre! Ang pangangako ng sarili ay maghahalaga ng isang bagay. Hindi ka maaring magkaroon ng nagtatagal na pag-aasawa na walang pangangako ng sarili. Gusto kong ipangako ang aking sarili sa iyo. At hininingi na ipangako ang iyong sarili sa akin rin. Gaya ng paglagay ni Thomas Hale sa kanyang kumentaryo, “Magkasama tayo ay malakas, ngunit nag-iisa tayo ay mahina” (Isinalin mula sa ibid., pah. 914). Mayroong maaring magsabi, “Kaya kong gawin iyan.” Maging tapat sa iyong sarili. Maari mong gawin ito, ngunit ayaw mo. Gusto mong maging “malaya.” Sayang. Ibig sabihin niyan ay ika’ y magiging nag-iisa. Magkasama tayo’y malakas. Nag-iisa tayo ay mahina!

Magkasama tayo ay malakas! Nag-iisa tayo ay mahina! Iyan ang aking mensahe sa iyo ngayong umaga! Si Hesus ay nariyan para sa iyo ngayon. Magpunta sa Kanya! Namatay Siya sa Krus upang iligtas ka mula sa paghahatol. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng isang bagong buhay. Siya buhay muli ngayon – sa itaas sa Paraiso, sa Pangatlong Langit. Huwag tumayo sa labas ng pintuan tulad ng mas matandang anak ng mapaglustay na anak. Sinasabi ng Bibliya siya “ayaw pumasok” (Lucas 15:28). Ang iba ang nasa loob nagkakaroong ng isang malaki, at masayang salo-salo. Ngunit ang mas matandang kapatid ay nagsabi, “ayaw [kong] pumasok.” Ang ilan sa inyo ay ginagawa pa rin iyan. Sinasabi namin, “mapunta kay Hesus! Pumasok at sumali sa salu-salo!” Ngunit sinasabi mo, “hindi ako papasok.” Nag-aantay pa rin kami para sa iyo! Mapunta kay Hesus at sumali sa salu-salo!

Umuwi, umuwi,
   Ikaw na napapagod umuwi,
Masigasig, magiliw, si Hesus ay tumatawag,
   Tumatawag, O makasalanan, umuwi.
(“Malumanay at Magiliw si Hesus ay Tumatawag.” Isinalin mula sa
   “Softly and Tenderly Jesus is Calling” ni Will L. Thompson, 1847-1909).

Sa wakas, panalangin ko na mayroong aktwal na magpupunta kay Hesus – at pumasoks sa pamilya ng ating simbahan rin. Sa Kanyang pangalan, Amen. “Magkasama tayo ay malakas! Nag-iisa tayo ay mahina!” Kung malimutan mo ang lahat ng ibang mga bagay ngayon umaga, tandaan na! Magkasama tayo ay malaks. Nag-iisa tayo ay mahina. Amen.

Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Dr. Kreighton L. Chan: Mga Hebreo 10:19-25.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Eleanor Rigby” (ni Paul McCartney, 1942-).