Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA MANGUNGUTYA SA HULING MGA ARAW(PANGARAL BILANG 6 SA II NI PEDRO) SCOFFERS IN THE LAST DAYS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita, At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito?” (II Ni Pedro 3:3-4). |
Itinuturo ng Bibliya na si Kristo ay darating sa mga ulap. Iyan ang Pangalawang Pagdating ni Kristo. Ngunit ang mga mangungutya ay tumatangging paniwalaan ito.
Ang pangatlong kapitulo ng II Ni Pedro ay napaka mahalaga sa akin. Ako’y napagbagong loob noong nadinig ko ang kapitulong itong ipinangaral. Ito’y ika-28 ng Setyembre taon 1961. Ako’y mag-aaral sa Kolehiyo ng Biola (ngayon ay unibersidad na). Isang serye ng kapilyang paglilingkod ay ibinigay sa linggong iyon. Ang lahat ng mga mag-aaral ay naroon. Sa araw na iyon ako’y umupo sa tabi ni Dr. Murphy Lum. Nag-aaral siya noon sa Seminaryo ng Talbot na nakipagsasama sa kolehiyo. Ang tagapagsalita ay si Dr. Charles Woodbridge. Umalis siya mula sa Seminaryo ng Fuller ilang buwan lang na mas maaga. Nakita niya na ang Fuller ay kumikilos patungo sa liberalism – isang pagtatanggi ng kapangyarihan ng Bibliya. Pinangalanan siya ng seminaryo na isang panatiko, ngunit mali sila. Sa sunod na mga taon ang mga kaganapan ay nagpapakita na siya ay saktong tama. Ang ibang mga miyembro ng pakultad ay sumunod sa kanya at iniwan ang Fuller. Ang mga kalalakihang mga ito kasama nina Dr. Gleason Archer, Dr. Wilber M. Smith at Dr. Harold Lindsell. Ang lahat sila ay mga unang ranggong eskolar. Sinundan nila si Dr. Woodbridge noong ito’y naging malinaw na tama siya. Na ang seminaryo ay kumikilos mula sa isang paniniwala sa walang pagkakamali ng Bibliya patungo sa liberalism at di paniniwala.
Noong narinig ko si Dr. Woodbridge na mangaral sa kapitulong ito, ito’y isang buhay na isyu. Ang lahat ay nag-uusap-usap tungkol sa Seminaryo ng Fuller na patungo sa apostasiya. Ang apostol Pedro ay malinaw na nagsalita tungkol rito.
Sa unang berso, sinabi ng Apostol na siya ay nagsusulat ng isang pangalawang sulat. Ito’y isang sulat na isinulat sa mga naunang mga Kristiyano na “nakakalat” sa iba’t ibang bahagi ng Romanong Imperyo (I Ni Pedro 1:1). Isinulat niya ang pangalawang sulat upang paalalahanan sila ng ilang mga bagay na alam na nila. Sinabi niya sa kanila ang tungkol sa mga mangungutya ng huling mga araw. Sinabi niya sa kanila ang tungkol sa mga tao na hindi naniwala sa Pangalawang Pagdating ni Kristo. Sinabi niya sa kanila ang katapusan ng mundo – at ang bagong mundong darating.
Ako’y namangha sa pasahe. At ipinangaral itong maigi ni Dr. Woodbridge! Siya ay isang dakilang eskolar, nagtapos mula sa Teylohikal na Seminaryo ng Princeton. Ngunit siya rin ay isang nakapanggagayumang ekspositor. Hindi ko naiisip na kailan man nakarinig ng kahit sinong mas mainam. Kahit na narinig ko siya 55 taon na ang nakalipas, malinaw kong natatandaan kung paano ang kanyang mga mensahe ay humawak sa aking puso linggo-linggo. Isa pang mangangaral na kaibigan ay naroon rin. Ang kanyang pangalan ay Dr. Russell Gordon, isang pastor sa Riverside, California. Kinausap ko siya sa telepono tungkol rito maikling panahon palang ang lumilipas. Kaya pa ngang isinipi ni Dr. Gordon ang ilan sa mga salita na binanggit ni Dr. Woodbridge. Ito’y di pangkaraniwang pangangaral, nakapagbabagong buhay na pangangaral. At ang buong kurso ng aking buhay ay nabago sa araw na iyon – dahil iyon ang araw na ako’y napagbagong loob!
Sinabihan ni Pedro iyong naunang mga Kristiyano pinaaalalahanan niya sila ng mga bagay ng alam na nila. Lahat sila ay kailangang mapaalalahanan ng mga bagay na ito, muli’t-muli. Sinabi ng Apostol sa kanila ang mga bagay na ito ay itinukoy noong mas maaga ng mga propeta sa Lumang Tipan. Sinabi niya ang mga ito’y mga bagay na ipinangaral ng ibang mga Apostol. Ang mga ito’y hindi mga bagong doktrina. Ang mga ito’y mga lumang doktrina na kinailangan nilang mapaalalahanan muli’t muli.
Una, sinabi sa kanila ni Pedro, “Sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita” (II Ni Pedro 3:3). Ang mga ito’y mga “huwad na mga guro” at huwad na mga Kristiyano na kanilang itinutukoy sa pangalawang kapitulo, noong sinabi niya, “magkakaroon ng mga bulaang guro” (II Ni Pedro 2:1). Sa palagay ko ay ito’y isang pagkakamali na isipin na ang mga “huwad na mga gurong ito” ay mga propesor lamang sa mga kolehiyo at seminaryo, kahit na kasama sila sa mga ito.
Ngunit napansin mo ba na ang lahat ay isang eksperto sa relihyon? Ang lahat ay nag-iisip na alam niya ang lahat tungkol rito. Hindi mo sila masabihan ng kahit ano. Maari mo silang masalubong sa mga kalye. Maari mo silang masalubong sa simbahan. Sila’y mga eksperto! Ang relihyon ay ang nag-iisang paksa na maari kang maging isang eksperto sa hindi ito pinag-aaralan! Sinasabi ng ating teksto na magkakaroon ng higit-higit pang mga taong tulad niyan sa “huling mga araw.” Sila’y mga mangungutya.
“Sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita” (II Ni Pedro 3:3).
Anong ibig sabihin ng “huling mga araw” sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Ang ‘huling mga araw’ ay isang teknikal na salita na ginamit sa Bagong Tipan; tinutukoy nito ang huling mga araw ng simbahan (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan 5, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 469; sulat sa II Ni Pedro 3:1).
Sa kaunting pagkakataon tumutukoy ito sa buong Kristiyanong dispensasyon. Kailangan mong basahin ang salita sa konteksto. Sa pangatlong kapitulo ng II Ni Pedro ang paksa ay talagang ang Pangalawang Pagdating at ang katapusan ng mundo. Kung gayon “ang huling mga araw” ay tumutukoy sa huling punto ng panahong ito, sa mga taon bago lamang ng Pangalawang Pagdating ni Kristo.
Tapos sinabi ni Pedro, “sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya.” “Manunuya” ibig sabihin ay mga “mangungutya.” Ikinakait nila ang Pangalawang Pagdating ni Kristo at nagbibiro tungkol rito at nililibak ito. “Ha, ha! Iniisip ninyo na si Kristo ay darating muli! Anong biro!” Iyan ay ideya. Tapos sinasabi ng Apostol sa atin bakit sila nangungutya. Ang mga mangungutyang ito ay “na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.” Ibig sabihin niyan “sinusundan ang sarili nilang makasalanang paghahangad.” Kinukutya nila ang Pangalawang Pagdating ni Kristo dahil gusto nilang magpatuloy na mabuhay ng makasarili at makasalanang mga buhay. Ibinigay ni Pedro ang kanilang pangungutya bilang “patunay na ang huling mga araw ay narito na” (Isinalin mula sa Ang Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible]; sulat sa II Ni Pedro 3:4).
Anong problema sa mga mangungutyang mga ito? Una, sila’y materiyalistiko. Kontento sila sa mga bagay ng mundong ito. Ayaw nilang maniwala na si Kristo ay darating upang husgahan sila. Ikinupara sila ni Pedro sa mga tao sa panahon ni Noe (II Ni Pedro 2:5). Ang Diyos ay “ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe… tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama.” Nangaral si Noe sa padating na paghahatol. Ngunit ang mga tao ay hindi nakikinig! Si Kristo ay nagsalita sa kanila bilang mga materiyalistiko – interesado lamang sa pagkakain at pag-iinom, at pagpupunta sa mga salo-salo, “hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat” (Lucas 17:27). Si Pedro rin ay nagsalita patungkol sa paghahatol ng Sodom at Gomorrha – “pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo [isinumpa sila]” (II Ni Pedro 2:6) [KJV]. Muli, ang kanilang pangunahing kasalanan ay materiyalismo. Sinabi ni Kristo, “sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay; Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat” (Lucas 17:28-29). At tapos sinabi ni Kristo,
“Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat” (Lucas 17:30).
Pansinin ang mga kasalanang kanilang nakamit. Sa parehong mga pagkakataon – sa araw ni Noe at sa araw ni Lot – si Kristo ay hindi nagdiin sa sekswal na mga kasalanan. Hindi pa nga niya binanggit ang mga sekswal na mga kasalanan! Bakit hindi? Dahil ang ugat ng mga kanilang mga kasalanan ay konektado sa materiyalismo – nabubuhay lamang para lang sa mundong ito – nabubuhay lamang upang magsaya – nabubuhay lamang upang kumain ng pagkain! Nabubuhay lamang para sa materyal na kasiyahan. Maraming mga Tsinong mga tao ay tulad niyan. Sinabi ni Dr. Charles C. Ryrie na ang mga gawain na binaggit ay di makasalanan sa sarili nila. Kundi “ang mga tao ay hindi handa.” Kapag si “Kristo ay babalik maraming mga tao ay…ligtas at di handa (gaya ng mga araw ni Noe at Lot)” (Isinalin mula sa Pag-aaral na Ryrie na Bibliya [Ryrie Study Bible]; sulat sa Lucas 17:26-30).
Isang tao ay tumatakbo sa Las Vegas ng Linggo. Kinakaligtaan niyang magpunta sa simbahan upang makita ang mga ilaw doon. Tumatakbo siya ng Linggo sa San Francisco. Isa pang tao ay gumugugol ng maraming oras naglalaro ng videyong laro, ngunit wala siya oras magbasa ng Bibliya. Ang iba ay tumitingin ng pornograpiya oras-oras, ngunit walang oras na manalangin. Ang iba ay naksentro ang kanilang buhay sa pera, ngunit hindi sila naglalagay ng kayamanan sa Langit. Sinisira ng materiyalismo ang iyong espiritwal na buhay. Hindi mo kilala ang Diyos. Wala ka si Kristo. Ang lahat na mayroon ka ay mga maliliit na mga bagay ng mundong ito. Sinabi ng Apostol Juan,
“Ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan. At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:16-17).
Noong ako’y isang binata nanirahan ako sa Kalye ng Elizabeth kasama ng aking tiya at tiyo. Mayroong maraming mga binatang kalalakihan sa parehong kalye. Ang ilan sa kanila ay kumuha ng bir at ininom ito sa isang bodega. Ang ilan sa kanila ay gumugol ng maraming oras gamit ng mga gadyet, at nag-aayos ng mga kotse. Ang ilan sa kanila ay nagpunta sa Tijuana sa isang bahay ng mga babaeng mababa ang lipad. Ang lahat sila ay nag-akala na sila’y mas matalino kaysa sa akin. Tinawanan nila ako at kinutya ako. Sinabi nila, “si Robert ay relihiyoso” – na para bang tunay na wirdong maging seryoso tungkol sa Diyos. Maya-maya ako’y naging pastor. Isa isa sila’y namatay. Ang kanilang mga kamag-anak ay tumawag sa akin at hiniling akong magsagawa ng kanilang libing. Ngunit wala ako ni isang salita ng pag-asa upang sabihin doon sa mga malagim na mga libing na iyon. Wala ni isang salita ng pag-asa! Ang lahat na magawa ko ay ipaliwanag ang Ebanghelyo doon sa mga buhay. Alam ng lahat na walang pag-asa para sa mga batang lalake na nabuhay upang uminom at maglaro ng mga kotse at magpunta upang makakita ng mga babaeng mababa ang lipad. Alam ng lahat na walang pag-asa para sa kanila! Sa pamamgitan ng biyaya ng Diyos nalampasan ko ang kanilang mga buhay. Sa pamamagitan ng Diyos nagkaroon ako ng mas higit na kaligayahan sa aking buhay kaysa doon sa kahit sinong kawawang, nawawalang mga batang lalakeng iyon na nakilala ko napaka matagal nang panahon noon.
“Ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man” (I Ni Juan 2:17).
Nabubuhay ka ba para sa mundong ito? Naiisip mo ba kailan man ang tungkol sa walang hanggang mundo? Handa ka na ba para sa paghahatol?
“Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita” (II Ni Pedro 3:3).
Anong problema sa kanila? Una, sila’y materiyalistiko. Ngunit pangalawa, sila’y sa espiritwal ay bulag. Ang apostol Pedro ay nagsalita patungkol sa pangalawang kapitulo. Sinabi niya,
“ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait... na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol” (II Ni Pedro 2:12).
Sila ay sa espiritwal bulag tulad ng mga hayop – sila ay tulad ng “kinapal na walang bait.” Nagsasalita sila laban kay Kristo, ang Kanyang Pangalawang Pagdating, kahit ang Kanyang kamatayan sa Krus. Nagsisitawanan sila sa Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay.
Nakakakita ka ng mga kabataan tulad niyan palagi. Ginagamit lamang nila ang pangalan ni Hesus bilang pangmurang salita – “Jesus Christ!” Kapag susubukan mong makuha silang magpunta sa simbahan, wala silang paki-alam rito. At kapag magpupunta ka rito sa simbahang ito tinatawanan nila kayo at kinukutya at nililibak kayo. Mayroon akong kilalang isang binata na nagbabayad para sa renta ng bahay para sa kanyang ina at kapatid na babae. Gayon sinisigawan nila siya, “Bakit lagi kang nagpupunta sa simbahang iyon?” Sa katunayan ay, kung hindi siya nagpupunta rito hindi siguro sila magkakaroon ng bahay na titirahan. Siya ay magpupunta kung saan, at sila’y maninirahan sa kalye! Sila’y “nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman.” Sila’y espiritwal na bulag.
Itinuturo ng Bibliya na tayo ay naipanganak sa kasalanan. Ang ating unang mga magulang ay nagkasala – at ating namana ang isang makasalanan kalikasan. Tayo ay mga makasalanan sa kalikasan mula sa kanila. Hanggang sa tayo ay napagbagong loob tayo ay “natural” na mga kalalakihan at “natural” na mga kababaihan. Sinasabi ng Bibliya,
“Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Maari kang maging napaka talino, ngunit kung hindi ka napagbagong loob hindi ka lamang isang “natural” na lalake o babae. Sinasabi ng sulat sa Scofield sa I Mga Taga Corinto 2:13-14: “Ang mga di nakikitang mga bagay ng Diyos ay di nadidiskubre ng natural na tao.” Naghahagilap sila sa dilim na hindi kailan man nahahanap ang Diyos.
Ang Panginoong si Bertrand Russell ay isang tanyag na taga Britaniyang matematisyan at pilosopo ng ika-dalawam pung siglo. Noong ako’y isang binata siya ang pangunahing ateyista na kinakatakutan, masyadong matalino upang sagutin. Sa lahat ng puri at parangal na ibinigay sa kanya, iisipin mo na siya ay isang masayang tao. Imbes pinangahawakan niya ang isang walang pag-asang asal tungo sa buhay. Bago ng kanyang kamatayan, isinulat ni Bertrand Russell,
Walang apoy, walang pagkabayani, o lakas ng pag-iisip at pakiramdam, ang makaprepreserba ng isang buhay ng tao lampas sa hukay…[lahat] ay nakadestino sa pagkawala sa malawak na kamatayan ng solar na sistema, at ang buong templo ng nakamtan ng tao ay dapat ay walang salang mailibing sa ilalim ng mga labi ng isang sanglibutan na nasa pagkasira (Isinalin mula kay Lord Bertrand Russell, Isang Pagsasamba ng Malayang Tao [A Free Man’s Worship]).
Siya ang isa sa pinaka matalinong kalalakihan ng ika dalawam pung siglo – ngunit ang lahat na kinailangan niyang harapin ay ang “isang sanglibutan ng pagkasira.” Diyan nagtatapos ang buhay ng isang “natural na tao” – na walang pag-asa, walang kapayapaan, walang hinaharap, at walang Diyos. Ang mga ito ay mga mangungutya, na naglalakad pagkatapos ng kanilang sariling pita, nagsasabi, “Nasaan ang pangako ng Kanyang pagdating?”
Isa pang tanyag na tao ng ika-dalawam pung siglo ay si H. G. Wells. Isinulat niya Ang Makina ng Oras [The Time Machine], Ang Digmaan ng mga Mundo [The War of the Worlds] at Ang Balangkas ng Kasaysayan [The Outline of History]. Si Gg. Wells ay isang pilosipo, isang taga sulat ng kasaysayan, at isang manunulat ng siyensyang bungang-isip. Iginugol niya ang kanyang buhay na sinasalakay ang Kristiyanismo. Ngunit noong siya ay isang matandang lalake sinabi niya, “Narito ako at anim na pu’t lima hinahanap pa rin ang kapayapaan. Ang kapayapaan ay isa lamang walang pag-asang panaginip.” Sa katapusan ng kanyang buhay sinabi ni Gg. Wells na ang sangkatauhan ay nasumpa “sa degradasyon, pagdurusa at kamatayan.”
Hindi mo kailan man mahahanap si Kristo sa pagsusunod ng mga mangungutya at manlilibak ng mundong ito. Hndi mo kailan man mahahanap si Kristo sa pamamagitan ng pagsubok na “makuha ito” upang maligtas. Huwag mo dapat pagkatiwalaan ang iyong sarili, dahil
“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam” (Jeremias 17:9).
Kung gusto mong maligtas mula sa “isang sanglibutan ng pagkasira” dapat mong pagkatiwalaan si Hesus na may isang pananampalataya ng isang bata. Sa mga salita ng himno na kinanta ni Gg. Griffith, dapat mong sabihin sa iyong puso,
Panginoong Hesus, tumingin pababa sa Iyong trono sa mga ulap,
At tulungan akong gumawa ng isang kompletong sakripisyo;
Isinusuko ko ang aking sarili at anumang alam ko;
Ngayon hugasan ako at ako’y magiging mas maputi kaysa niyebe.
Mas maputi kaysa niyebe, oo, mas maputi kaysa niyebe;
Ngayon hugasan ako, at ako’y maging mas maputi kaysa niyebe.
(“Mas Maputi Kaysa Niyebe.” Isinalin mula sa
“Whiter Than Snow” ni James Nicholson, 1828-1876).
Tapos makapagsasalita ka patungkol kay Hesus, na “humugas sa atin mula sa ating mga kasalanan sa kanyang sariling dugo.” Panalangin ko na malapit ka nang magtitiwala kay Hesus. Amen.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Pedro 3:1-4.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Maputi Kaysa Niyebe.” Isinalin mula sa “Whiter Than Snow” (ni James Nicholson, 1828-1876).