Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SI ALEXAMENOS AT ANG KANYANG DIYOSALEXAMENOS AND HIS GOD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” |
Anong matututunan natin sa unang dalawang kapitulo ng I Mga Taga Corinto? Isa sa pinaka nakawiwiling mga bagay ay ang nalalaman natin tungkol sa mga naunang mga Kristiyano. Hindi ka makababasa ng dalawang kapitulo na hindi nakikita kung gaano naka sentro kay Kristo sila. Iyong mga nag-akala na sila’y madunong ay tinanggihan si Kristo, “Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (1:18). “Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus” (1:23). “Si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios” (1:24). “Kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan” (1:30). “Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (2:2). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Si Pablo ay hindi pumasok sa pilosopikal na mga diskusyon...Siya’y simpleng nanatiling tama sa pangangaral ng krus ni Kristo. Nangaral siya ng Tagapagligtas na napako sa krus. Iyan ang uri ng pangangasiwa na napaka desperadong kinakailangan ngayon (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan 5, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 13; sulat sa I Mga Taga Corinto 2:2).
“Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:31).
Ang Griyegong salitang isinalin na “puri” ay nangangahulugang “magmalaki” – upang palakihin, upang ipagmalakihan. Sinasabi ng Apostol sa atin na palakihin si Kristo – upang magmalaki kay Kristo – ipagyabang ang tungkol kay Kristo – upang “magpuri sa Panginoon.” Ang maagang mga Kristiyano ay nagsalita tungkol kay Kristo ng higit na ang mga di nananampalataya ay nagsabi na sinamba nila ang isang patay na Hudyo! Sinabi ni Dr. Michael Green, “Mayroong mga naka pupukaw ng loob na mga halimbawa nitong determinasyong ito [na magsalita patungkol kay Kristo] sa mga tirahan ng mga imperiyal na mga pahinang batang lalake sa Burol ng Palatin sa Roma. Narito ay isang napaka agang pangatlong siglong larawan, iginuhit kamay [ng isang bata], isang batang lalake nakatayo sa isang pagkilos ng pagsasamba, na may isang kamay na nakataas. Ang bagay ng kanyang debosyon ay isang anyo ng isang krus, isang tao na mayroong ulo ng buriko. Sa ilalim ay nakasulat padaskol, ‘Alexamenos sinasamba ang kanyang Diyos.’ Malinaw na isa sa mga pahinang bata ay isang Kristiyano, at di nahihiya rito. Ang kanyang mga kasamang sa paaralan ay nayayamot na kinukutya siya dahil sa kanyang katayuan. Ngunit hindi siya nahiya..Isa pang inskripsyon sa ibang sulat kamay ay [nagsabi] ‘Alexamenos ay nananampalataya.’ Marahil ito ang kanyang sariling tugon sa malupit na karikatura. Sa palagay ko ay ito nga” (Isinalin mula kay Michael Green, D.D., Ebanghelismo sa Maagang Simbahan sa Naunang Simbahan [Evangelism in the Early Church], William B. Eerdmans Publishing Company, 1970, mga pah. 174, 175).
Kinopya ko ang piraso ng bandalismo mula sa orihinal. Ito ay isang larawan ng saktong pagkaguhit, na kinuha mula sa pader ng isang silid para sa mga pahinang mga batang lalake sa Burol ng Palatin sa lumang Roma sa katapusan gn pangalawang siglo.
Noong tinignan ko ang lumang karikaturang iyan mga luha ay bumaba sa aking mga mata. Narito ay isang maliit na batang lalake ng 10 o 12 na tumatayo para kayHesus! At isang masamang batang lalake ang gumuhit ng larawan niya na sinasamba si Hesus – na may ulo ng isa buriko! Naisip ko, “Salamat sa Diyos para sa isang batang lalake tulad ni Alexamenos!” Mga batang lalake at batang babae tulad nila ang nagkalat ng mensahe ni Kristo sa buong Romanong mundo! Hindi ako makaantay na makita ka sa Langit, Alexamenos! Panalangin ko na magkakaroon kami ng mga kabataan na tulad niya sa ating simbahan – mga batang lalake at batang babae na magmamalaki kay Kristo – gaano man sila kinutya at nilibak nitong tinalikdan ng Diyos na henerasyon!
Ang pamilyang Duggar ay inaliktran at inalisan ng balahibo at ibinitay ng walang paglilitis. Mayroon silang labing siyam na mga anak. Labin dalawang taon noon isa sa mga batang lalake ay hinipo ang dalawa sa kanyang mga kapatid na babaeng di tama. Dinala siya ng kanyang mga magulang sa pulis. Siya ay 15 lamang, kaya ang tala ay sinelyuhan. Ilang linggo ang nakalipas isang walang utak na punong pulis nitong maliit na bayan ng Arkansas ay binuksan ang tala ang ibinigay ito sa mediya. Ipinako nila sa krus ang pamilyang ito, tinatawag ang kanilang tahanan ng “Tahanan ng Katatakutan.” Bakit nila ginagawa ito? Dahil ang mga Duggar ay miyembro ng isang Bautistang simbahan – dahil sila’y mga Kristiyano!!! Ang dalawang magkapatid na babae ay nagpunta sa Balitang Fox dahil alam nila na iyon lang ang nag-iisang lugar kung saan sila’y magiging patas sa kanila. Ang dalawang batang babaeng mga ito ay nagpunta sa Balitang Fox upang ipagtanggol ang kanilang mga magulang. Tapos nakita ko ang nakatatakot na mukha ni Whoopi Goldberg, isang nademonyong mukha na sumisigaw sa kanila. “Huwag mong isama ang Diyos rito!” “Kunin ang mga Kristiyano! Kunin sila! Kunin sila!” – walang nagbago simula noong itinapon nila ang mga Kristiyanong babae sa arena upang mapunit ng mga leyon sa lumang Roma! Si Whoopi Goldberg ay naging kamukha ni Nero o Caligula! “Patayin ang mga Kristiyano! Kunin sila! Kunin sila! Kunin sila!” Tulungan tayo ng Diyos – na may mga taong tulad niyan na kontrolado ang mediya! Sa malupit at masamang mga araw na ito, hayaang sabihin sa bawat kabataan rito ngayong umaga, “Si Alexamenos ay nananampalataya.”
“Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:31).
Walang mortal ang maari Siyang makumpara,
Sa mga anak ng mga tao;
Mas mainam Siya kaysa sa lahat ng mga mainam,
Na nagpupuno sa makalangit na masa
Na nagpupuno sa makalangit na masa.
Sa Kanya utang ko ang aking buhay, aking hininga,
At ang lahat ng mga ligaya na mayroon ako;
Ginagawa Niya akong magtagumpay sa kamatayan,
At inililigtas ako mula sa hukay,
At inililigtas ako mula sa hukay!
(“Marilag na Katamisan Nakaluklok Dinakilaan.” Isinalin mula sa
“Majestic Sweetness Sits Enthroned” ni Samuel Stennett, 1727-1795).
Sa iyo na ang kalawang pakpak na mediya! Sa iyo na si Whoopi Goldberg, at ang buong liberal, na namumuhi sa Diyos na pulong ng Hollywood! Sa iyo na sila! Wala silang maiaalay! Wala! Wala! Wala! – “Si Alexamenos ay nananampalataya!” “Si Alexamenos ay nananampalataya!” “Si Alexamenos ay nananampalataya!” Naway ito nga’y ganoon, mahal na Diyos! Naway ito nga’y ganoon!
“Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:31).
Hindi tayo nagpupunta sa simbahan upang malibang. Hindi tayo nagpupunta upang makarinig ng “nagsasambang koponan” na kumanta tulad ng mga tagapagtangghal sa isang Las Vegas na panggabing klab. Hindi tayo nagpupunta upang makadinig ng mga biro, o mga kwento tungkol sa pagpapaunlad ng sarili. Makaririnig tayo ng mga pagpapatawa ni Jimmy Fallon. Makababasa kami ng mga pampaunlad ng sariling mga kwento sa Reader’s Digest. Hindi kami nagpupunta sa simbahan upang masilaw ng “Kristiyanong” rak na musika. Ito’y walang laman. Hindi nito napupukaw ang aming mga kaluluwa. Iniiwanan kami nito na may lasa ng alikabok ng kahoy sa aming mga bibig. Ito’y walang laman, isang aksaya ng panahon!
Ang aking asawa at ako ay nasa isang panggabing Sabado na paglilingkod sa isang malaking simbahan sa malalim na bahagi ng Probinsya ng Orange, malapit sa San Diego. Ang musika ay nakabibingi. Ito’y nakahihipnotiko. Ito’y perpektong ginawang rak na musika. Natapos ito sa isang bumabagsak na rurok. Nilampasan nito ang kahit anong aking nadinig kailan man kahit saan, sa kahit anong lugar.
Tapos ang mga tao ay nagsilabasan. Mukha silang nasilaw, natuliro, kinakaladkad ang mga paa papalabas na tulad ng mga sombi mula sa “Ang Gabi ng Nabubuhay na Patay” [“The Night of the Living Dead.” Walang ngumiti. Walang nagsalita. Walang bumati sa kahit sino. Lahat sila nagpunta roon na nag-iisa – upang maaliw. At lahat sila ay lumakad papalabas na nag-iisa. Sinabi ni Dr. David Wells, “Ang pagiging mag-isa ay isang makabagong peste. Ito’y isang peste ng pagiging nahiwalay, o hindi nauugat, na hindi nakakasama sa kahit saan sa partikular ngunit sa lahat ng bagay sa karaniwan. Ito’y isang dalamhati ng pagiging mag-isa, ng pagiging di napapansin, na pagiging tinatangay ng isang isang malamig na loob na sansinukod” (Isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Ang Tapang upang maging Protestante [The Courage to be Protestant], Eerdmans, 2008, pah. 33).
Si Dr. Wells ay isang dakilang teyolohiyano, at tama siya. “Ang pagiging mag-isa ay isang makabagong peste.” Ngunit ang megang simbahan na iyon ay walang sagot sa pagiging mag-isa. Ang lahat na mayroon ito ay isang rak na banda – at ang lahat ay nadarapa papalabas na nag-iisa – gaya ng ginagawa nila pagkatapos ng isang laro sa Dodger na Istadyum! Ano ang sagot? Ang sagot ay isang simbahan na nakasentro kay Hesu-Kristo Mismo. Si Kristo ang sagot – hindi isang rak na musika. Si Kristo ang sagot – hindi isang malaki, malungkot na masa! Ang mga makabagong malaking mga simbahan na ito ay walang mai-aalay! Wala! Wala! Wala! Isa lamang nakasentro kay Kristo, nagproproklama kay Kristo, nagpaparangal kay Kristong simbahan ang may kasagutan! Ang sagot ay magpakailan man at palaging si Hesu-Kristo Mismo. Ang batang lalakeng iyon na nabuhay sa katapusan ng pangalawang siglo ay alam iyon. Iyan ang dahilan na “Si Alexamenos ay nagsasamba ng kanyang Diyos!” Iyan ang dahilan na “Si Alexamenos ay nananampalataya!”
“Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:31).
Paano ang kaligtasan? Naririnig mo ba iyong “malalaking” mangangaral na magsalita tungkol sa kung paano maligtas? O Diyos, naririnig ko silang magsalita tungkol sa lahat ng ibang bagay! Nagsasalita sila tungkol sa Banal na Espiritu. Nagsasalita sila tungkol sa kung paano maging mabuti ang pakiramdam. Nagsasalita sila tungkol sa kung paano maging matagumpay. Mayroong isang lalake na nagngangalang Joseph Prince na nagsasalita tungkol sa biyaya. Ngunit sinong nagsasalita tungkol sa kung paano maging ligtas? Hindi ko ito naririnig! Sinong nagsasalita tungkol sa Krus? Hindi ko ito naririnig! Sinong nagsasalita tungkol sa Dugo? Hindi ko ito naririnig! Sinong nagbibigay ng isang buong pangaral kay Hesus? Hindi ko ito naririnig!
Isang kawawang tao sa Cuba ang nagsulat sa akin ng isang email ilang araw ang nakaraan. Ang mga pangaral na ito ay nagpupunta sa buong mundo – sa lampas sa 200 mga bansa, sa 32 na mga wika. Kaya ang batang Cubanong ito ay sumulat. Sinabi niya na sumuko siya kay Kristo at nabinyagan. Ngunit isa sa kanyang mga kaibigan gayon ay nagsabi sa kanyang tungkol sa eleksyon. Sinabi niya na nagulo siya nito. Sinabi niya na ang pagkadinig tungkol sa eleksyon ay dapat gumawa sa iyong mas tiyak sa iyong kaligtasan. Hindi ito nakasalalay sa iyo. Ito’y nakasalalay kay Kristo lamang! Amen! Ngunit nagsimula sa manood kay Paul Washer at binasa si John MacArthur. Binasa rin niya ang mga pangaral ni Ray Comfort, “Ang Pinka Mahusay na Nakatagong Lihim ng Impiyerno.” Tapos nakakita siya ng ilang mga videyo tungkol sa Kalvinismo na tinatawag na, “Nakamamanghang Biyaya.” Ang lahat ng ito ay lumito sa kanya. Kaya sumulat siya sa atin at nagsabi, “Naniniwala ako na kailangan kitang rekumendahan ako ng mga aklat tungkol sa batas, nag-iisip at naghahanda upang makumbinsi ng kasalanan.” Sinabi niya, “Kailangan kong maintindihan ang lalim ng batas.” Narito ay kung paano ko siya sinagot,
Pansinin na hindi mo minsan binanggit ang pangalan ni Kristo! Sumulat ka sa akin ng isang mahabang email tungkol sa kumbiksyon at batas na hindi ni minsan binanggit ang pangalan ni Hesus, ang Kanyang gawain sa Krus, o ang Kanyang nakalilinis ng kasalanang Dugo! Ito ang bitag ng higit na makabagong Kalvinismo. Pansinin na maari mong mabasa si Paul Washer at John MacArthur ng maraming oras at lumabas na nag-iisip tungkol sa batas, imbes na nag-iisip tungkol kay Hesu-Kristo! Iyan ang reklamo ko tungkol sa mga kalalakihan tulad nina Washer, MacArthur at Ray Comfort. Sila’y mas mahusay na mga mangangaral ng batas kaysa ng Ebanghelyo! (Iklik ito upang basahin ang aking pangaral, “Isa Pang Mas Nakagugulat na Pangkabataang Mensahe! – Ang aking Sagot kay Paul Washer!”).
Tapos ipinadala ko ang dalawa sa aking mga pangaral: “Si Hesu-Kristo Mismo” at “What Think Ye of Christ.” Iyan ang kailangan niya – Si Hesu-Kristo Mismo! At iyan ang kailangan mo –Si Hesu-Kristo Mismo!
“Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:31).
Walang mortal ang maari Siyang makumpara,
Sa mga anak ng mga tao;
Mas mainam Siya kaysa sa lahat ng mga mainam,
Na nagpupuno sa makalangit na masa
Na nagpupuno sa makalangit na masa.
Nakita niya akong lumubog sa malalim na pagkabalisa,
At limipra sa aking ginhawa;
Para sa akin Kanyang binuhat ang nakahihiyang Krus,
At binuhat ang lahat ng aking pighati,
At binuhat ang lahat ng aking pighati.
Simula sa Kanyang kapabigyanan aking natanggap
Ganoong uri ng patunay ng pag-ibig na banal,
Kung mayroon lang akong isang libong mga pusong maibibigay,
Panginoon, ang lahat ng mga ito’y sa Iyo.
Panginoon, ang lahat ng mga ito’y sa Iyo.
Ito’y napaka simpleng magpunta kay Hesus. Ang batang lalakeng iyon sa lumang Roma ay nagpunta sa Kanya – at kaya kaya mo rin!
Si Alexamenos ay nagsasamba ng kanyang Diyos! Ang Kanyang Diyos ay ipinako sa isang krus, nagdurusa upang magbayad ng multa para sa kasalanan ni Alexamenos.
Si Robert Hymers ay nagsasamba ng kanyang Diyos! Ang kanyang Diyos ay ipinako sa isang krus, nagdurusa upang magbayad ng mulat para sa kasalanan ni Robert Hymers.
Sinasamba ni Alexamenos ang kanyang Diyos! Ang Diyos niya ay si Hesus ng Nazareth. Ang kanyang Diyos ay bumaba mula sa Langit upang mamatay sa isang krus, upang bayaran ang kasalanan ni Alexamenos, at ng iyo. Ang kanyang Diyos ay si Hesus, na bumangon sa katawan, pisikal mula sa pagkamatay, at ngayon nasa Langit – sa kanang kamay ng Ama.
Si Alexamenos ay nagsasamba ng kanyang Diyos. Sinasabi ng mundo ang kanyang Diyos ay may ulo ng isang buriko! Kinukutya ng mundo at nililibak si Alexamenos para sa pagsasamba kay Hesus. Ngunit isinusulat niya sa ibang pader, “Si Alexamenos ay nananampalataya.” Bakit siya nananampalataya? Dahil ang Diyos, si Hesus, ay nagsabi, “sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Si Alexamenos ay nagsasamba ng kanyang Diyos. At ang buong Romanong mundo ay gumuguho at bumabagsak. At ang lahat ng mga idolo ay nabibigo. At lahat ng mga karilagan ay natutunaw. At si Kristo ay bumabangon sa ibabaw ng mga pinagwasakan ng Koloseyum at Partenon.
“Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:31).
Si Alexamenos ay nagsasamba ng kanyang Diyos. At sa propesiya ng Bibliya ang mga alon ay umuungol, at ang lupa ay umuuga, at buwan ay nagiging dugo, at ang mga gusali at ang mga bato at ang mga bundok ay gumuguho at bumabagsak. Ang mga kaharian at ang lupa ay natutunaw. At ang mga kalalakihan ay nagtatago sa mga butas ng bato dahil sa takot. At lahat sila ay mali. At ang batang lalake ay tama. “Si Alexamenos ay nananampalataya.” Magtitiwala kay ba sa kanyang Diyos? Magtitiwala ka ba kay Hesus, at malinisan mula sa lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo? Panalangin ko na gawin mo nga ito. Sa Kanyang pangalan, Amen.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Mga Taga Corinto 1:26-31.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Marilag na Katamisan Nakaluklok Dinakilaan.” Isinalin mula sa
“Majestic Sweetness Sits Enthroned” (ni Samuel Stennett, 1727-1795).