Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA DI NAPAGBAGONG LOOB NA MGA MIYEMBRO NG SIMBAHAN SA HULING MGA ARAW(PANGARAL BILANG 5 SA II NI PEDRO) UNCONVERTED CHURCH MEMBERS IN THE LAST DAYS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak” (II Ni Pedro 2:1). |
Sinabi ng Apostol na ang mga huwad na mga guro ay magiging isa sa kanila sa mga simbahan. Iyan ay tunay na totoo ngayon.
“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita” (II Ni Timoteo 4:3).
Gusto ng mga taong makarinig ng isang bagay na kumikilit sa kanilang mga tainga. Kaya ang mga huwad na mga guro ay napaka popular ngayon. Ang mga guro na nakikita ko sa telebisyon ngayon ay tunay na lahat nasa kategoriyang iyan. Palihim nilang dinadala ang kanilang mga kasumpa-sumpang mga hiduwang pananampalataya.
Inilalarawan ng II Ni Pedro ang mga huwad na mga gurong ito. Sinabi ng Apostol na kanilang ituturo ang mga “kasumpa-sumpang mga hiduwang pananampalataya,” ikinakaila si pati si Kristo. Ikinakaila nila si Hesus sa pamamagitan ng di pangangaral ng Ebanghelyo. Sinabi niya sila ay magiging mga antinomiyan. Ituturo nila na sila’y maaring mabuhay sa kasalanan at maging mga Kristiyano pa rin. Sila’y magtratrabaho para sa pera kaysa para sa Diyos. Ang kanilang paghahatol ay malubha. Sila’y hahatulan gaya ng mga anghel na nagrebelde “itinapon sa impiyerno.” Sila’y huhusgahan gaya ng mga tao sa araw ni Noe ay hinusgahan sa Matinding Baha. Sila’y huhusgahan gaya ng mga lungsod ng Sodom at Gomorrah ay hinusgahan ng apoy mula sa Langgit.
Sa pamamagitan ng tatlong mga halimbahawang iyon ipinapakita ni Pedro na ang mga huwad na mga guro, at iyong mga sumusunod sa kanila, ay huhusgahan. Ang mga huwad na mga guro ay nagsasabi na ang mga Kristiyano ay mabubuhay sa kasalanan at maliligtas pa rin. Sila’y mga mapagmalaking mga malalaki ang bunganga. Sila’y nagsasalita ng masama patungkol sa mga tunay na mga Kristiyanong pinuno. Tumatanggi silang sumunod sa awtoridad ng Bibliya. Ang mga huwad na mga gurong ito ay di pa nga naiintindihan ang mga bagay na kanilang pinagsasaliataan laban sa. Sila’y mga alipin ng kasalanan. At sila’y mamamatay sa kanilang kasalanan. Ang mga taong ito ay mga “dungis” at “bahid” sa mga simbahan. Ang kanilang mga mata ay puno ng pangangalunya. Hindi sila makapigil na magkasala. Inaakit nila ang mga mahihinang mga tao. Sila’y sinumpa. Sila ay tulad ng mga huwad na propetang si Balaam, na nangaral para sa pera.
Ang mga huwad na mga Kristiyano ay tulad ng mga tuyong balon, mga balon na walang tubig. Nagsasalita silang mabuti, ngunit nililinlang nila ang kanilang mga tagasunod. Ipinapangakuan nila ang kanilang mga tagasunod ng kalayaan. Ngunit sila mismo ay mga alipin ng makasalanan na kasakiman. Sila’y mga alipin ng kasamaan. Dinadala nila ang mga bagong mga nananampalatayang maligaw. Sila’y huhusgahang malubha dahil sa sadyang pagtalikod mula sa mga utos ng Bibliya. Sila’y tulad ng mga aso at mga baboy. Nagkukunwari silang mabubuting mga Kristiyano, ngunit ngayon sila’y bumabalik sila sa kanilang lumang mga kasalanan. Tulad ng mga aso at mga baboy, ang kanilang mga kalikasan ay hindi pa na bago ni Kristo. Iyan ang sinasabi ng pangalawang kapitulo ng II Ni Pedro.
Bakit gumugugol si Pedro ng isang buong kapitulo na nagsasalita tungkol sa mga huwad na mga Kristiyanong ito? Una, sila’y namalagi sa buong kasaysayan ng Kristiyanismo, at kailangan nating mabigyang babala. Pangalawa, sila’y lumalago sa bilang at lakas sa huling mga araw. Tignan ang II Ni Pedro 3:3. Tumayo at basahin ito ng malakas.
“Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita” (II Ni Pedro 3:3).
Maari nang magsi-upo. Pansinin na sinasabi nito, “sa mga huling araw.” Ang mga manunuyang iyon ay ang parehong huwad na mga Kristiyano na mababasa natin sa kapitulo dalawa. Maraming nasasabi ang Bibliya tungkol sa malaking bilang mga huwad na mga Kristiyano sa huling mga araw. Mayroon silang panlabas na anyo ng kabutihan, ngunit walang kapangyarihan mula sa Diyos sa kanila (II Ni Timoteo 3:5). “Sa mga huling panahon…[sila’y nakikinig] sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio” (I Ni Timoteo 4:1). Sa panahon na ang mundo ay mapupunta sa Tribulasyon ang mga simbahan ay inilalarawang bilang “tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon” (Apocalipsis 18:2). Sa puntong ito ang simbahan ay tatawaging, “Ang Dakilang Kalapating Mababa ang Lipad” (Apocalipsis 17:1; 19:2). Sinasabi ni Dr. J. Vernon McGee na ang “dakilang kalapating mababa ang lipad” ay maglalaman noong mga di kailan man nagtiwala kay Kristo bilang Tagapagligtas” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan 5, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 1030; sulat sa Apocalipsis 17:1).
Si Dr. John F. Walvoord, matagal ng pangulong ng Dallas Teyolohikal na Seminaryo, ay nagsabi, “Ang isang tao na ikinakaila ang pagkatao at gawa ni Hesu-Kristo sa biblikal na kahulugan ay hindi isang Kristyano sa anumang paraan. Siya ay laban sa Kristiyano; siya ay labag sa ebanghelyo; siya ay isang heretiko, isang di ligtas na tao. Siya ayisang di pa nahawakan ng biyaya ng Diyos Ang trahedya ay ang hinulaan ni Pedro ay lahat-lahat masyadong nakikita sa nagdedeklarang mananampalatayang simbahan ngayon…Maraming mga Kristiyano ay di natatanto na ang hangganan at lalim ng di pananampalataya na lumaganap sa simbahan…inasahan ni Pedro ito mahabang panahon noon. Walang pangangailangang mag-antay para sa isang katuparan. Ito’y natupad na” (Isinalin mula kay John F. Walvoord, Th.D., “Nasaan Patungo ang Makabagong Simbahan?” [“Where is the Modern Church Going?”] in Mga Propesiya at ang Panahon ng mga tapng Setenta [Prophecy and the Seventies], Charles L. Feinberg, Th.D., Ph.D., tagapatnugot, Moody Press, 1971, mga pahina. 113, 114).
Masasabi ko sa iyo, bilang isang nakakitang sakshi, na isang malaking bilang ng mga bagong ebanghelikal ay “hindi pa nahawakan ng biyaya ng Diyos” at “di ligtas” – gaya ng sinabi ni Dr. Walvoord. Ito ay totoo sa mga seminaryo at mga pakikisapi ng ating mga simbahan. Sinabi ni Dr. Walvoord, “Karamihan sa mga Kristiyano ay di natatanto ang hangganan at lalim ng di pananampalataya na lumalaganap sa simbahan.”
Ang tanong ko ay ito – paano nangyari ang teribleng kondisyon na iyan? Ang kailangan nating gawin ay hanapin ang sagot ay ang tumingin pabalik sa anong nangyari. Simula sa ika-labing siyam na siglo, noong mga 1824, binago ni Charles G. Finney ang pagbabagong loob sa isang madalian at walang kabuluhang “desisyon.
”Ang bagay na nawawala sa makabagong mga “desisyon” ay kumbiksyon ng kasalanan! Sinabi ni Dr. Martyn-Lloyd-Jones, “Sinasabi ni John Bunyan sa Biyayang Sumasagana [Grace Abounding] na siya ay [nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan] at nasa isang matinding pagdurusa ng kaluluwa sa loob ng labing walong buwan. Ang elemento ng oras ay di mahalaga, ngunit ang kahit sinong tao na nagising at nakumbinsi ng kasalanan ay dapat nagugulo tungkol rito. Paano siya mamamatay at harapin ang Diyos?” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Kasiguruhan [Assurance] (Mga Taga Roma 5), The Banner of Truth Trust, 1971, pah. 18).
Noong huling Biyernes binabasa ko ang Progreso ng Peregrino [Pilgrim’s Progress] ni John Bunyan. Ang sinabi niya tungkol sa kumbiksyon ng kasalanan at tunay na pagbabagong loob ay napaka karaniwan bago ni Finney na ito ang karaniwang paniniwala ng halos lahat ng ebanghelikal. Ang Progreso ng Peregrino ay inilimbag para kay George Whitefield, at ibinenta sa mga Kalvinistikong Metodistang simbahan sa buong Inglatera at Amerika. Pitong mga edisyon ng Progreso ng Peregrino ay inilimbag para kay John Wesley at binasa ng mga Weleyanong Metodista sa buong nagsasalita ng Ingles na mundo. Ang Progreso ng Peregrino ay binasa at inibig ng libo-libong mga tao sa lahat ng mga Protestanteng denominasyon. Si Bunyan mismo ay malawakang binabasa ng mga Bautistang may-akda sa lahat ng panahon. Unang inilimbag noong taong 1678, ang aklat ni Bunyan ay dumaan sa mas maraming edisyon, at nakabenta ng mas higit na kopya kaysa kahit anong aklat sa Ingles na wika, maliban sa Haring Santiagong Bibliya. Ang dakilang si Spurgeon ay binasa ang Progreso ng Peregrino higit sa 75 na beses. Mga pagsisipi at paglalarawan mula rito ay nagpapakita ng paulit-ulit sa mga pangaral ni Spurgeon. Ito’y isang aklat tungkol sa pagbabagong loob – at ito ang tunay na pinaniniwalaan ng lahat ng mga Protestante at mga Bautista tungkol sa pagbabagong loob hanggang sa binago ni Finney ang pagbabagong loob sa isang desisyon sa ika-labin siyam na siglo.
Sa bahagi na tinatawag na “Mapag-asa ay Nagsabi patungkol sa Kanyang Pagbabagong Loob” matututunan natin ang maraming mga bagay tungkol sa kaligtasan na nalimutan na bilang bunga ng “desisiyonismo” ni Finney.
Ang bahaging ito ay nagsisimula sa isang pag-uusap sa pagitan ni Nananampataya at Mapag-asa. Sinasabi ni Mapag-asa na unang sinimulan niyang isipin ang kanyang kaligtasan noong ipinakita sa kanya ang kawalang laman ng mundo – nakakaligtaang magpunta sa simbahan, nagsisinungaling, nagmumura, mga kawalang-habas tulad ng pagpupunta sa Las Vegas. Ngunit sinabi niya, “Una, isinara ko ang aking mga mata laban sa ilaw (ng Bibliya).” Tapos sinabi niya,
“Una – ignorante ako na ito ay gawainng Diyos sa akin. Hindi ko kailan man naisip na sinisimulan ng Diyos ang pagbabagong loob ng mga makasalanan sa pagigising sa kanila sa kasalanan. Pangalawa – ang kasalanan ay napaka tamis pa rin sa aking makasalanang kalikasan, at kinamuhian ko itong iwanan. Pangatlo – hindi ko alam kung paano isuko ang aking mga nawawalang mga kaibigan, dahil ang kanilang presensya ay kanais-nais sa akin. Pang-apat – ang mga panahon na naramdaman ko ang mga kumbiksyon ay napaka panggugulo at nakatatakot sa pusong mga oras na hindi ko matiis ang mga ito.”
Sinabi ni Kristiyano, “Minsan mukhang na alis mo ang iyong mga kaguluhan.”
“Oo,” ngunit sinabi ni Mapag-asa, “ngunit ang tukso ay darating sa aking isipan muli’t-muli, at tapos ako’y mas malubha pa kaysa sa dati.”
Sinabi ni Mapag-asa na ang kumbiksyon ay babalik sa kanya at pahihirapan siya.
Sinabi ni Kristiyano, “Anong ginawa mo gayon?”
Sinabi ni Mapag-asa, “Sinubukan kong ayusin ang aking buhay.” Sinubukan kong di magkasala. Tumakbo ako mula sa aking mga kasalanan at mula sa aking mga nawawalang kaibigan. Nagsimula akong manalangin, nagbabasa ng Bibliya, at ibang mga mabubuting bagay.”
Sinabi ni Kristiyano, “Natulungan ka ba niyan?”
Sinabi ni Mapag-asa, “Oo, sa ilang sandali. Ngunit di magtatagal nagugulo ako muli, kahit na nireporma ko ang aking sarili.”
Sinabi ni Kristiyano, “Paano iyan nangyari?”
Sinabi ni Mapag-asa, “Kapag aking natatandaan na ang lahat ng aking makatuwirang gawain ay parang mga maruruming basahan, at kapag aking natatandaan na sa pamamagitan ng pag-oobserba ng batas walang mapatutunayan, gayon alam ko na ako’y hangal na isipin na makapupunta ako sa Langit sa pamamagitan ng pagiging mabuti at magsusunod sa batas. Gayon rin akala ko, na kahit na maari akong maging perpekto ngayon, ang aking mga lumang mga kasalanan ay nakatala pa rin sa mga aklat ng Diyos. Ang mga lumang mga kasalnan ay susumpa sa akin kung hindi sila maaalis – at hindi ko sila maalis! Dumaan ako sa mas higit pang paghihirap, ngunit wala pa rin akong kapayapaan. Natanto ko ang aking sariling puso ay masyadong makasalanan para sa aking baguhin. Sinabi gayon sa akin ni Mapagpananampalataya na maliban na makuha ko ang katuwiran ng isang Tao na di kailan man nagkasala, hindi ako maliligtas. Sinabi niya sa akin na ang Taong ito ay si Hesus, na nakaupo sa kanang kamay ng Diyos. Sinabi ni Mapagpananampalataya, ‘Dapat kang mapatunayan Niya – na nagdusa para sa iyong kasalanan sa krus.’”
Sinabi ni Kristiyano, “Anong ginawa mo gayon?”
Sinabi ni Mapag-asa, “Tumutol ako rito. Akala ko hindi handa si Hesus na iligtas ako.”
“Anong sinabi ni Mapagpananampalataya sa iyo gayon?”
“Sinabi niya sa akin magpunta kay Hesus.”
“Ginawa mo ba gaya ng pagkasabi sa iyo?”
“Sinubukan ko, muli’t-muli.”
“Inilantad ban g Ama ang Anak sa iyo?”
“Hindi sa umpisa, o sa pangalawa, o pangatlo, o panlima kahit sa pang-anim.”
“Hindi ka ba nagkaroon ng mga pag-iisip na huminto?”
“Oo, daan-daang beses.”
“At bakit hindi ka huminto?”
“Naniwala ako na ito’y totoo ang sinabi sa akin, na wala ang katuwiran ni Kristo ang lahat ng mundo ay hindi makaliligtas sa akin. Kung gayon, naisip ko sa aking sarili, ‘Kung tumigil akong, mamamatay ako, at hindi ako mamamatay maliban sa Trono ng Biyaya.’ Kaya nagpatuloy ako hanggang sa ipinakita ng Ama sa akin ang Anak.”
“At paano inilantad si Hesus sa iyo?”
“Hindi ko Siya nakita sa aking pisikal na mata, ngunit nakita ko siya sa mata ng aking puso. Ganito ito nangyari: Isang araw ako’y napaka lungkot. At ang kalungkutang ito ay dahil sa bagong pagkakita ng kalubhaan at kasamaan ng aking mga kasalanan. Wala na aking inaasahan kundi ang Impiyerno at walang hanggang pagkasumpa ng aking kaluluwa. Biglang alam ko na ang Panginoong Hesus ay tumitingin sa akin pababa mula sa Langit at nagsasabing, ‘Mananampalataya sa Panginoong Hesus, at ika’y maliligtas.’ Sinabi ko,
‘Panginoon, ako’y isang lubhang napaka lubang makasalanan.’ At sumagot Siya, ‘Ang Aking biyaya ay sapat para sa iyo.’ Tapos sinabi ko, ‘Ngunit Panginoon, ano ang pananampalataya?’ Tapos narinig ko Siyang nagsasabi, ‘Siyang nagpupunta sa Akin ay di kailan man gugutumin, at siyang nananamapalataya sa Akin ay di kailan man magiging uhaw,’ ang pananampalatayang iyon at pagpupunta ay parehong bagay. At siyang nagpunta – iyan ay, tumakbo mula sa kanyang puso tungo sa kaligtasan kay Kristo – totoong nanamapalataya kay Kristo. Tapos mga luha ay dumating sa aking mga mata at sinabi ko, ‘Ngunit, Hesus, ang ganoong isang dakilang makasalanan tulad ko ay tunay na tatanggapin mo at maligtas mo?’ At narinig ko Siyang sabihin, ‘Ang sinomang magpupunta sa akin hindi ko kailan man itataboy.’ Tapos sinabi Niya, ‘Si Hesus ay dumating sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan.’ ‘Minamahal Niya tayo at hinugasan tayo mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo.’ Mula sa lahat ng mga iyan alam ko na dapat akong tumingin ng katuwiran sa Kanya, at para sa kapatawaran ng aking mga kasalanan dapat akong tumingin sa Kanyang dugo, na ibinuhos Niya sa krus upang bayaran ang multa para sa aking mga kasalanan. Nagpunta ako kay Hesus. Ang aking mga mata ay puno ng mga luha, at ang aking puso ay puno ng pag-ibig para kay Hesu-Kristo, para sa Kanyang mga tao at Kanyang mga paraan.
Sinabi ni Kristiyano, “Anong epekto nagkaroon ito sa iyo?”
Sinabi ni Mapag-asa, “Ginawa ako nitong makita na ang buong mundo ay makasalanan at sinumpa. Ginawa akong makita na ang Diyos ang Ama ay maaring mapatunay ang makasalanan na nagpupunta kay Hesus Kanyang Anak. Ginawa ako nitong nahihiya sa arilin kong pagkawalang alam, na bago noon wala pa kailan mang pag-iisip sa aking puso, tungkol sa kagandahan at pag-ibig ni Hesu-Kristo. Ginawa akong ibigin ang isang banal na buhay at hangaring gumawa ng isang bagay upang parangalan at luwalhatian ang Panginoong Hesus. Oo, naiisip ko na kung mayroong akong isang libong gallon ng dugo sa aking katawan, gugustuhin kong ibuhos ang lahat ng ito para sa Panginoong Hesus” (Pinasimple ni Dr. Hymers mula sa Ang Progreso ng Peregrino sa Makabagong Ingles [The Pilgrim’s Progress in Modern English], binago ni L. Edward Hazelbaker, Bridge-Logos Publishers, 1998, mga pah. 180-186).
Minamahal kong mga kaibigan, iyong mga salita ni John Bunyan ay pagpapala sa libo-libong mga puso, hanggang sa ang dumi at baho ng “desisyonismo” ay nagbago sa kaligtasan sa isang bagay na halos tulad ng salamangka. Panalangin ko na babasahin mo ang mga salitang ito paulit-ulit, dumaan sa kumbiksyon ng kasalanan, at magpunta sa Panginoog Hesus sa pananampalataya.
Ito ang tunay na paraan. Iyan ang tamang paraan. Ito ang daan kay Hesu-Kristo. Ito ang paraan na ako’y naligtas. Ito ang paraan na si Gg. Griffith ay naligtas. Ito ang paraan na si Dr. Cagan at Dr. Chan ay naligtas. Ito ang paraan na ang aming mga tao ay naligtas. At ito ang paraan na dapat kang maligtas.
“Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14).
Ama, panalangin ko na Iyong malalim na kumbinsihin ang isang makaririnig o makababasa ng pangaral na ito. At panalangin ko na Iyong dalhin sila sa Iyong Anak, na si Hesus, na namatay sa Krus upang magbayad para sa kanilang kasalanan, at bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan sila ng buhay.Sa Kanyang ngalan, Amen.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Pedro 2:15-22.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Bato ng Buong Panahon.” Isinalin mula sa “Rock of Ages” (ni Augustus M. Toplady, 1740-1778).