Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA BUMAGSAK NA MGA ANGHEL –
|
Itinuturo ng Bibliya na si Satanas ay isang dakilang arkanghel na nagrebelde laban sa Diyo, at itinapon palabas ng Langit sa lupa. Ang pagbagsak ni Satanas ay ibinigay sa Ezekiel 28:11-19 at Isaias 14:13-14. Maraming mga anghel ay sumama kay Satanas sa kanyang rebelyon. Ang ilan sa kanila ay naiwang malaya upang maging ang tinatawag ng Bibliya “mga demonyo.” Ngunit ang ilan sa kanila ay itinapon pababa sa Impiyerno. Ang mga demonyong mga ito ay itinukoy sa ating teksto. Sinabi ni Dr. Charles C. Ryrie, “Ang mga ito ay mga bumagsak na mga anghel na nagkasalang matindi sa pamumuhay kasama ng mga kababaihan, gaya ng paglarawan sa Genesis 6:1-4” (Isinalin mula sa Ang Ryrie na Pag-aral na Bibliya [The Ryrie Study Bible], Moody Press, 1978; sulat sa II Ni Pedro 2:4).
Ang mga Taga Efeso 6:11-17 ay nagpapakita na si Satanas ay mayroong libo-libong mga demonyo sa ilalim ng kanyang kapangyarihan – at sila ay napaka aktibo sa mundo ngayon. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Mayroong libo-libong, marahil ay milyon-milyong, mga masasamang espiritu” (Isinalin mula sa Kristiyanong Pagsasama-sama [Christian Unity], The Banner of Truth Trust, 1980, pah. 58).
Ako ang nakatagpo ng isang simbahan para sa mga kabataang Hipi noong maagang mga taon ng 1970. Naroon pa rin ito, kahit na ito’y isa nang Katimugang Bautistang simbahan ngayon. Ang karanasang iyon ay gumawa sa aking matalas na may pagkamalay ng demonikong kapangyarihan. Nakita ko at narinig ang mga bagay na hindi maaring nangmula sa kahit anong natural na pinanggalingan.
Sa kanyang klasikal na aklat na Mga Demonyo sa Mundo Ngayon [Demons in the World Today], ipinakita ni Dr. Merrill F. Unger, ng Teyologikal na Seminaryo ng Dallas, kung paano gumagawa ang mga demonikong puwersa ngayon. Ang kapitulong mga pamagat ay “Mga Demonyo at Espiritismo,” “Mga Demonyo at Salamangka,” “Mga Demonyo at Demonyong Posesyon,” “Mga Demonyo at Huwad na Relihiyon,” at marami pang iba (Isinalin mula kay Merrill F. Unger, Ph.D., Th.D., Ang mga Demonyo sa Mundo Ngayon [Demons in the World Today], Tyndale House Publishers, 1971).
Ngunit ang mga demonyo na itinukoy sa ating teksto ay ginawa ang higit sa ating kinahaharap ngayon. Tamang-tamang sinabi ni Dr. John MacArthur, “Pinasok nila ang mga kalalakihan na hindi namimiling nakibuhay kasama ng mga kababaihan” (Isinalin mula sa Ang MacArthur na Pag-aaral na Bibliya [The MacArthur Study Bible], sulat sa II Ni Pedro 2:4). Ito’y nagbunga ng isang lahi ng mga tao na napaka nademonyo na ipinadala ng Diyos ang Dakilang Baha upang sirain ang lahat nila. Dahil sa krimen na iyon, ang grupo ng mga demonyo ay itinapon pababa sa Impiyerno (Tartarus) – nakagapos sa kadiliman. Sinabi ni Dr. Kenneth Wuest, “Si Pedro ay nagsasalita patungkol sa isang lugar sa di nakikitang mundo kung saan ang mga bumagsak na mga anghel na mga [ito] ay ikinulong hanggang sa Dakilang Puting Tronong Paghuhusga” kapag sila’y itatapon sa lawa ng apoy (Isinalin mula kay Kenneth S. Wuest, Mga Salitang Pag-aaral ni Wuest Mula sa Griyegong Bagong Tipan [Wuest’s Word Studies From the Greek New Testament]; kabuuan 2, Eerdmans Publishing Company, 1954, sulat sa II Ni Pedro 2:4).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Isang partikular na bahagi ng mga anghel ay hindi lamang sumunod kay Satanas sa kanyang…rebelyon laban sa Diyos, ngunit sinubukan ring sirain ang buong sangkatauhan sa pakukuha ng pisikal na pag-aari ng mga ‘anak na babae ng tao’ (Genesis 6:1-4; II Ni Pedro 2:4). Sila…ay ikinulong sa pinaka mababa at pinaka madilim na kompartamento ng Impiyerno inaantay ang pangwakas na paghahatol” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995; sulat sa Judas 6).
“Ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom” (II Ni Pedro 2:4).
Ang pangangatwirang paliwanag rito ay dahil pinarusahan ng Diyos ang mga bumagsak na mga anghel na mga ito, huhusgahan rin Niya ang mga bumagsak na mga kalalakihan at mga kababaihan na hindi naligtas ni Hesus.
I. Una, pag-isipan ang ating teksto bilang isang babala
.“Ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno.”
Tignan rito ang paghahatol ng kasalanan. Tignan rito ang hinaharap na paghihigante, dahil ang mga ito ay inilaan sa paghahatol! Pansinin na ang mga anghel na mga ito na nagkasala ay minsan mga anghel sa Langit! Sila’y minsan nabuhay sa Langit mismo. Wala silang pagkaka-ugnay sa kasamaan. Ang kanilang mga kaibigan ay perpektong mga espiritu tulad nila. Gayon nakayanan nilang piliin ang kasalanan, ang kanilang pinili ang kasalanan. Ang kasamaan ay pumasok sa mga puso ng mga anghel na mga ito. Kainggitan, pagmamalaki at rebelyon ay pumasok sa kanila, at sila’y itinapon pababa sa Impiyerno, di na kailan man magiging malaya muli.
Maari isa’y anak ng makadiyos na mga magulang. Maaring lumaki ka sa simbahan. At gayon maari kang sa katapusan ay maging isang nawawalang makasalanan at “[maibulid]…sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukon.”
Hitler ay ikinumpirma sa simbahan, at bininyagan. Si Hitler ay nagpunta sa isang paaralan ng musika upang matutunang kumanta sa koro. Si Mao Tse Tung ay nagpunta sa paaralan ng Bibliya. Si Stalin ay nagpunta sa seminaryo, nag-aaral para sa pangangasiwa. Si Darwin ay nag-aral ng Bibliya, at mayroong bachelor na digri sa teyohiyo. Sa katunayan iyon lang ang digri na mayroon siya! Gayon libo-libong mga matatalinong mga tao ngayon ay pinaniniwalaan ang kanyang di kombensyonal at di kapanipaniwalang mga teyorya mula sa isang tao na ang pinag-aralan lamang ay isang bachelor na digri sa teyolohiya! Pag-isipan ang mga di masabing mga pinsala na ginawa ng mga kalalakihang ito sa lahi ng tao! Pag-isipan ang kaululan at kasalanan na nagdala sa kanilang sirain ang di mabilang mga buhay ng tao!
Si Vincent Van Gogh ay isang anak ng isang ministor. Kinuha ni Van Gogh mismo ang mga nailimbag na mga sermon ni Spurgeon at ipinangaral ang mga ito sa iba’t ibang mga kapilya sa London. Gayon si Van Gogh ay naging adik sa absint, naging baliw mula sa droga, at pinatay ang kanyang sarili! Ang manunulang si Emily Dickinson ay nagpunta sa isang paarlan na nakaranas ng isang muling pagkabuhay. Ang lahat ng kanyang mga kaibigan ay napagbagong loob. Ngunit si Emily Dickenson ay tumangging magtiwala kay Kristo. Tinapos niya ang kanyang buhay na namumuhay nang ligpit, na di kailan man umalis ng kanyang silid, habang siya’y lumubog sa pagkabaliw at kawalan ng pag-asa. Maari mong sabihin, “Walang bagay na tulad niyan ang mangyayari sa akin.” Tiyak ka ba riyan? Sinasabi ng Bibliya,
“Ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal” (I Mga Taga Corinto 10:12).
Gaano ka man kalakas, gaano ka man katalino, mag-ingat! Kung ang mga anghel ay makababagsak, gayon rin ikaw! Ang dakilang Arkanghel na si Lucifer, Anak ng Umaga, bumagsak sa Satanas! Ang mga anghel ng Langit ay bumagsak sa kasalanan at marami sa kanila ay naging natulak ng pagtatalik na mga demonyo at nilason ang sangkatauhan bago ng Baha! Ang Apostol na si Hudas, na nagsagawa ng mga himala, at nagpatalsik ng mga demonyo, ay naging “anak ng perdisyon,” na itinakwil si Kristo ng Diyos!
“Ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.”
Ang kwentong ito ay hinango mula sa isang pangaral na ipinangaral ni Spurgeon patungkol sa parehong teksto. Isang alagad sa Indiya ay nagpaamo ng isang leopardo. Mula nang ito’y isang kuting siya’y kanyang pinalaki. Ito’y nag-ikot sa kanyang bahay na tulad ng isang pusa, at ang lahat ay nakipaglaro rito. Ngunit ang lalake ay nakaupo sa kanyang upuan tulog isang araw. Dinilaan ng leopardo ang kanyang kamay. Ang balat ay may uka at natikman ng leopardo ang dugo. Sa sandaling iyon hindi na ito nakontentong mabuhay sa bahay. Ito’y nagmadali paharap upang pumatay, at tumakas patungo sa gubat. Ang leopardo ay naamo. Ngunit siya ay isa pa ring leopardo. Kaya ang tao ay maari mukhang isang Kristiyano. Ngunit ang kanyang puso ay di nabago, kaya siya ay isa pa ring bumagsak na tao. Ang lasa ng kasalanan ay di magtatagal maglalantad ng mabangis na animal sa kanya. Ang manipis na balat ng kabutihan ay di magtatagal maglalaho sa ilalim ng temptasyon. Maari kang magmukhang mabuti, ngunit hanggang sa ika’y napagbagong loob makakayanan mo pa ring gawin ang pinaka malubhang kasamaan. Nagkakilala na ako ng mga kalalakihan na pumasok sa pangangasiwa at nangaral ng nakamamanghang mga pangangaral na bumalik sa kasalanan ng pinaka malubhang uri. Kakilala ko ang isang lalake na isang magaling na mangangaral. Ngunit pagkatapos ng ilang taon nagsimula siyang magdroga. Pinalayas siya ng kanyang asawa at nabuhay siya sa kalye. Isang gabi siya ay pinatay sa isang parke. Narinig nila siyang sumisigaw mula sa maraming bloke! Sinasabi ng Bibliya,
“Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan” (II Ni Pedro 2:22).
“Lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una” (II Ni Pedro 2:20).
“Ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala.” Bakit Niya patatawarin ang anak ni Adam na tulad mo? Hangga’t iyong maranasan ang tunay na pagbabagong loob ni Kristo, tiyakin na matagpuang nagkasala ka ng iyong kasalanan. At itatapon ka ng Diyos pababa sa lugar ng pagdurusa, na inihanda para sa diablo at kanyang mga anghel. Parurusahan ng Diyos iyong mga nabuhay at namatay sa kanilang mga kasalanan. Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala – at hindi ka Niya patatawarin kung ika’y magpatuloy sa isang di napagbagong loob na kalagayan. Iyan ang babala na ibinigay sa ating teksto.
II. Pangalawa, pag-isipan ang pag-asa na ipinahiwatig sa teksto.
Ang mga anghel na nagkasala ay isinuko ng Diyos. Ngunit ang isang nawawalang makasalanan ng tulad mo ay maaring maligtas. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ang mga naligtas na mga kalalakihan at mga kababaihan ay tatayo kahit na ang mga anghel ay bumagsak! Iyong mga makasalanang mga anghel ay di kailan man nagkaroon ng Tagapagligtas na mamatay sa kanilang lugar. Di nila kailan man nagkaroon ang Banal na Espiritu na kuminsihin sila ng kasalanan at dalhin sila kay Hesus. Ang Kanyang Dugo ay di kailan man makukuha para sa kanila para sa paglilinis ng kanilang kasalanan. Hindi sila kailan man napangaralan ng Ebanghelyo. Namamangha ako na iaalay ng Diyos ang kapatawaran at kaligtasan sa masasamang kalalakihan at kababaihan. Ang kaligtasan ay di kailan man inialay sa mga bumagsak na mga anghel. Sila’y isinuko agad-agad at itinali sa mga kadena ng kadiliman hanggang sa Huling Paghahatol at sa lawa ng apoy. Hindi binigyan ng Diyos ang mga anghel ng pangalawang pagkakataon. Hindi Siya nag-antay ng maraming mga taon bago Niya sila husgahan para sa kanilang mga kasalanan. Noong sila’y nagkasala sila’y agad-agad na pinutol sa buong walang hanggan.
Gaano ka katagal na nabuhay sa kasalanan? Ang ilan sa inyo ay nanatiling di napagbagong loob ng maraming taon. Iyong tinanggihan si Kristo ng mahabang panahon, kahit na narinig mo ang Ebanghelyong naipangaral sa pulpitong ito kada Linggo! Ang pasensya ng Diyos sa iyo ay nakamamangha! Hindi Niya pinatawad ang mga anghel na nagkasala, ngunit pinatawad ka Niya! Bakit ito ganito
Ang mga anghel na iyon ay di kailan man inalok ng Ebanghelyo. Noong sila’y bumagsak wala silang hinaharap na pagkakataon ng kaligtasan. Bumagsak sila di kailan man babangon muli. Ang mga anghel ay di kailan man nagkaroon ng isang sakripisyo. Walang namamatay na Anak ng Diyos para sa kanila. Walang naglilinis ng kasalanang Dugo para sa kanila. Wala silang mangangaral na magproklama ng Ebanghelyo para sa kanila. Gayon tinawag kita upang mag-sisi at magpunta kay Hesus na maraming beses. Tinawag kita upang magtiwala kay Hesus at magkaroon ng walang hanggang buhay.
Walang pagpapatawad at walang pag-asa para sa mga demonyo. At gayon mayroong pagpapatawad at pag-asa para sa iyo. Muli sinasabi ni Kristo sa iyo,
“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).
Sinasabi ni Hesus sa iyo, “Magsipartio sa akin.” Hindi Niya kailan man ibinigay ang imbitasyong iyon sa mga bumagsak na mga anghel. Ngunit ibinibigay Niya ito sa iyo, “Magsiparito sa akin…kayo’y aking pagpapahingahin.” Magsiparito sa akin, magtiwala sa akin, at lilinisan kita mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng akin Dugo!
Di Niya kailan man inalay iyan sa mga bumagsak na mga anghel, ngunit inaalay Niya ito sa iyo! Iyan ang nakamamanghang pag-ibig na kinanta ni Wesley patungkol,
“Nakamamanghang pag-ibig, paano ito
Na Ikaw aking Diyos, ay mamamatay para sa akin?”
(“At Maari Ba Ito.” Isinalin mula sa “And Can It Be?”
ni Charles Wesley, 1707-1788).
Handa si Hesus ngayon upang iligtas ang kahit sino sa inyo na magtitiwala sa Kanya! Ano mang kasalanan ang iyong nagawa, sa sandaling magtiwala ka sa Kanya, ginagawa ka Niyang malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo!
Gaano ba kahirap na magtiwala sa Kanya? Ito’y napaka daling magtiwala sa Kanya. Binabasa ko ang aklat ni Pastor Wurmbrand na Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ] na maraming beses kada linggo. Sinabi ng pastor,
Minsan ay kakilala ko ang isang Ortodoks na obispo sa Romania. Siya ay isang tao ng mga Komunista, tinutulugsi ang kanyang sariling tupa. Kinuha ko ang kanyang kamay sa pagitan ng akin at sinabi sa kanya ang parabula ng mapaglustay na anak. Ito’y isang gabi sa kanyang hardin, Sinabi ko sa kanya, “Kita mo kong anong pag-ibig na tinatanggap ng Diyos ang isang makasalanan na bumabalik. Tinatanggap Niyang maligaya pati ang isang obispo na nagsisisi.” Kinanta ko sa kanya ang isang Kristiyanong kanta. Ang taong ito ay napagbagong loob (Isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ], Living Sacrifice Books, 1998, pah. 90).
Ano mang mga kasalanan ang iyong nagawa, o naisip na gawin, patatawarin ka ni Hesus. Patatawarin ka Niya at ika’y gagawing malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Ano ginawa ni Hesus para sa Ortodoks na obispong iyon gagawin rin Niya para sa iyo. Magtiwala lamang sa Kanya! Ililigtas ka Niya. Sinabi ni Hesus,
“Ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).
Iniimbita ka ng Panginoong Hesus na magpunta sa Kanya. Kapag iniisip ko si Hesus na nagmamakaawa sa mga makasalanan na magpunta at magtiwala sa Kanya, ako’y namamangha. Para sa akin ito’y mkhang ang kasalanan ang dapat nagmamakaawa kay Hesus na iligtas sila! At gayon ito’y si Hesus na nagmamaka-awa sa mga makasalanan na magpunta sa Kanya! Ito’y ang Banal na Espiritu na nagmamaka-awa sa mga makasalanan na magpunta sa Kanya! Ito’y ang simbahan na nagmamaka-awa sa kanilang magpunta sa Kanya! Ito’y ang mga Kristiyano na nananalangin para sa Kanilang mapunta sa Kanya!
“At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika” (Apocalipsis 22:17).
Ano ito na aming ipinagdarasal? Pinagdarasal namin na ika’y magpunta kay Hesus! Ano ito na ginagawa ng Banal na Espiritu? Tinatawag ka Niyang magpunta kay Hesus! Ano ito na sinasabi ni Hesus? Sinasabi Niya, “Magsiparito sa akin”! Ano ang sinasabi ni Hesus sa ating lahat na gawin natin? Sinasabi Niya, “Pilitin mo silang magsipasok” (Lucas 14:23). Ang lahat sa amin ay gusto kang magpunta kay Hesus at magligtas. Hindi namin sinasabi ito sa mga bumagsak na mga anghel, ngunit sinasabi namin ito sa iyo! Magpunta! Magpunta! Magpunta! Magpunta kay Hesus at magligtas! Magpunta kay Hesus sa lahat ng iyong pagdududa! Magpunta sa Kanya kasama ng lahat ng iyong mga takot! Magpunta sa Kanya kasama ng lahat ng iyong mga kasalanan!
Doon para sa akin ang Tagapagligtas ay tumatayo,
Iniaabot ang Kanyang nasugatang mga kamay;
Ang Diyos ay pag-ibig! Alam ko, nararamdaman ko,
Si Hesus ay lumuluha at iniibig ako pa rin.
(“Lalim ng Awa.” Isinalin mula sa “Depth of Mercy”
ni Charles Wesley, 1707-1788).
Ama, panalangin ko na mayroong isang makasalanan na magpunta sa Iyong Anak si Hesus at maligtas! Sa Kanyang pangalan, Amen.
Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Pedro 2:4-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Lalim ng Awa.” I sinalin mula sa “Depth of Mercy”
(ni Charles Wesley, 1707-1788; kinanta sa tono ng “Just As I Am”).
ANG BALANGKAS NG MGA BUMAGSAK NA MGA ANGHEL – ISANG BABALA SA MGA BUMAGSAK NA MGA TAO (PANGARAL BILANG 4 SA II NI PEDRO) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom” (II Ni Pedro 2:4). (Ezekiel 28:11-19; Isaias 14:13-14; Genesis 6:1-4; Mga Taga Efeso 6:11-17) I. Una, pag-isipan ang ating teksto bilang isang babala,
II. Pangalawa, pag-isipan ang pag-asa na ipinahiwatig sa teksto,
|