Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG INA NI PANGULONG REAGAN – ISANG ARAW NG MGA INANG PANGARALPRESIDENT REAGAN’S MOTHER – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Paki lipat kasama ko sa iyong Bibliya sa Exodo, kapitulo dalawa berso dalawa. Ito’y nasa pahina 72 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya.
“At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake: at nang kaniyang makita na maganda, ay kaniyang itinagong tatlong buwan” (Exodo 2:2).
Maari nang magsi-upo.
Ito ang kwento ng pagkapanganak ni Moses. Ang ina ni Moses ay isang Hebreong babae na nagngangalang Jochebed. Noong iniutos ni Pharaoh ng Ehipto na lahat ng mga lalakeng Hebreong bata ay ilunod sa ilog, itinago ng ina ni Moses si Jochebed siya sa loob ng tatlong buwan. Noong hindi na niya siya maitago, gumawa siya ng isang maliit na arko, tulad ng isang basket, at inilagay ang sanggol sa loob nito, at hinayaan itong lumutang sa ilog kung saan ang anak na babae ng Paro ay nagpupunta upang hugasan ang kanyang sarili. Alam ni Jochebed na ang nag-iisang pag-asa na mayroong ang kanyang sanggol ay ang sumadal sa posibilidad na ang anak na babae ng Paro ay ililigtas siya. Maaring nanalangin siyang matindi habang siya’y nagtago sa mga tambo at pinanood ang maliit na bangka na naglalaman ang kanyang sanggol na lumutang pababa sa ilog sa lugar kung saan ang anak na babae ng Paro ay pinaliliguan ang kanyang sarili. Sinagot ng Diyos ang kanyang mga panalangin at ang anak ng Paro ay kinuha ang sanggol at “kaniyang kinaawaan” siya (Exodo 2:6).
Sa kalooban ng Diyos ang anak na babae ng Paro ay pinahanap ang kanyang mga katulong para sa isang Hebreong babae upang mag-alaga sa bata. Dinala nila si Jochebed, ang kanyang tunay na ina, sa kanya upang mag-alaga sa kanya. Inalagaan ni Jochebed si Moses hanggang sa siya’y mga sampu o labin dalawang taong gulang. Pagkatapos siya’y pinalaki sa Egiptong korte bilang anak ng anak ng babae ng Paron.
“At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio” (Mga Gawa 7:22).
Si Moses ay pinalaki sa korte ng Paron. Natutunan niya ang lahat ng tungkol sa hetanong relihiyon ng mga Egiptyanong nagsasamba ng mga idolo. Akala ng lahat siya ay isang Egiptyano. Gayon sa kanyang puso alam ni Moses ang tungkol sa Diyos, dahil ang kanyang tunay na ina, si Jochebed, ay nagsabi sa kanyang tungkol sa Diyos at ang kanyang Hebreong mana noong siya ang kanyang taga-alaga bilang isang bata.
Ang impluwensya ni Jochebed sa kanyang anak ay mas matindi kaysa doon sa Paron ng Egipto. Ang kanyang impluwensya sa kanya ay mas matindi kaysa sa “lahat ng karunungan ng mga Egipcio” (Mga Gawa 7:22). Noong si Moses ay naging isang lalake sinasabi ng Bibliya sa atin na tinanggihan niya ang relihiyon ng Egipto upang sundan ang Diyos ng kanyang ina. Sinasabi ng Bibliya,
“Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon; Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala…Sa pananampalataya'y iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita” (Mga Taga Hebreo 11:24, 25, 27).
Si Moses ay napaka tinding naimpluwensyahan ng pananampalataya ng kanyang ina na ang lahat ng kayamanan, kapangyarihan at pagkakaalam ng Egipto ay hindi pipigil sa kanya mula sa pagsusunod ng Diyos ng kanyang ina.
Ang mga maka Diyos na mga ina sa buong kasaysayan ay mayroong dakilang impluwensya sa kanilang mga anak. Sinabi ni Pangulong Theodore Roosevelt,
Ang mabuting ina, ang madunong na ina, ay mas mahalaga sa komunindad kaysa pinaka may kayang tao; ang kanyang tungkulin ay mas higit na nararapat ng parangal at mas magagamit sa komunidad kaysa sa tungkulin ng kahit ibang mga tao, gaano man ka tagumpay.
Tama ba si Pangulong Theodore Roosevelt? Sa palagay ko nga. Ang buhay ni Jochebed ay nagpapakita nito. Ang kanyang anak na si Moses ay naging isa sa pinaka dakila at pinaka makadiyos na tao sa kasaysayan. Ginabay niya ang mga Hebreo palabas mula sa pagkaalipin ng Egipto. Kahit sa gitna ng paganong pagsasamba ng mga idolo, sa korte ng Egipto, hindi malimutan ni Moses ang kanyang natutunan mula sa kanyang makadiyos na ina.
Iyan ba ay totoo pa rin sa ating panahon? Oo, ito ay totoo pa rin. Maka-iisip ako ng wala nang mas dakilang paglalarawan nito kaysa kay Nelle Reagan – at ang kanyang anak na si Ronald Wilson Reagan, ang ika apat na pung Pangulo ng Estados Unidos.
Si Ronald Reagan ay ipinanganak noong taong 1911 sa maliit na bayan ng Tampico, Illinois, ang pangalawang anak na lalake ni Jack at Nelle Reagan. Si Ronal Reagan ay ipinalayaw na “Dutch” ng kanyang ama. Ang pangalan ay pumirmi, at ang malalapit na mga kaibigan ay madalas tawagin ang yumaong pangulong “Dutch” hanggang sa araw na ito. Ngunit ang ama ni Dutch ay isang nominal na Katoliko at matinding mag-inom. Ang kanyang ina, si Nelle, ay isang Protestante na trinato ang kanyang pananampalatayang seryoso.
Inilipat-lipat ni Jack Reagan ang kanyang pamilya habang siya’y naghanap ng mas mainam na trabaho. Sa wakas lumipat sila mula sa maliit na bayan ng Tampico tungo sa Dixon, Illinois, kung saan nanirahan sila sa limang iba’t-ibang nirentahang mga tahanan. Isang kapit bahay ang nagsabi, “Sila’y lubhang mahirap.”
Naglipat sa napaka raming mga lugar ay nagsanhi kay “Dutch” na maging mahiyain, at mapag-isang tao. Bilang isang bata, sinabi ni Dutch na siya ay “mabagal ng kaunti sa pakikipagkaibigan. Sa ilang paraan sa palagay ko ang pag-aatubiling ito na maging malapit sa mga tao ay di kailan man lubos na lumisan sa akin.” Noong nakatagpo ko siya kasama ng aking pamilya sa kanyang opisina, nadama ko ang isang pagkamahiyain sa kanya. Ngunit tinakpan niya itong mahusay bilang isang Pangulo. Makikita kayo ng mga letrato ng aking lalakeng mga anak, at aking asawa at ako kasama ng Pangulong Reagan sa pader ng ating simbahan, sa pangalawang palapag.
Ako na ngayon direktang sisipi mula sa Ang Diyos at si Ronald Reagan [God and Ronald Reagan], ni Dr. Paul Kengor (Harper Collins Publishers, 2004). Sisipi ako ng maraming mga talata.
[Si Ronald Reagan] ay unang naghanap at umugnay sa Diyos bilang isang nag-iisang batang lalake…Isa pang pagkabigo ng [kanyang ama] ay maaring umambag ng higit pa sa pagtingin ni Dutch sa Diyos… hindi nagtagal pagkatapos ng ika labing isang kaarawan ng batang si Reagan…inaasahan niyang umuwi sa isang walang lamang tahanan. Imbes, siya ay analog sa tanawin ng kanyang [ama] nakahilata sa niyebe sa harapang beranda, nahimatay, patag sa kanyang likuran, giniginaw, masyadong lasing upang maabot ang pinto. “Siya ay lasing,” natandaan ng kanyang anak na lalake. “Patay sa mundo.”
Dinaklot ni Dutch ang sobretodo [ng kanyang ama] at itinaas siya patungo sa pintuan. Kinaladkad Niya siya patungo sa pintuan at hanggang sa silid tulugan… Ito’y nakalulungkot na sandali. Wala galit, o hinagpis ang nadama ni Dutch, kalungkutan lamang…Ang kanyang mundo ay nasa saligutgot – muli… Siya ay 11 taong gulang lamang.
Ang kaganapan ay nangyari sa isang mahalagang panahon sa espiritwal na pag-unlad ng batang si Reagan. Apat na buwan maya maya siya ay bibinyagan, nagsisimula ng buhay muli bilang isang miyembro ng simbahan. Ang alala ng kanyang amang nakahilata sa niyebe ay maaring nagmalagi sa isipan ni Reagan sa araw na iyon, gaya nito sa natitira ng kanyang buhay.
[Sa puntong iyon, ang kanyang ina] ay naging ang tagpaghugis na tauhan na naggagabay kay Ronald Reagan na maging isang Kristiyano.
Ang mga tagasulat ng buhay ay madalas nagsisimula sa kwento ng sariling pananampalataya ni Nelle sa Dixon, ngunit ang kanyang tungkulin mas maaga sa simbahan sa Tampico ay nararapat ng atensyon. Sa huling mga buwan bago inilipat ng [kanyang ama] ang pamilya muli, si Nelle ay naging isang napaka aktibo sa simbahan…Nadala ng isang taong 1910 na muling pagkabuhay na naganap doon, isang pinagkuhanan ay nagsasabi na pinatakbo ni Nelle ang walang pastor na simbahan na halos nag-iisa, nagsusulat ng mga buletin, naghahanda ng mga programa sa Linggo, inuudyok ang kongregasyon na mas maiging suportahan ang naghihirap na simbahan, at pati ginagawa ang sapat na halaga ng pangangaral… Kahit pagkatapos na lumipat sa Dixon, si Nelle ay gumawa ng madalas na mga biyahe pabalik sa Tampico upang tulungan ang dati niyang simbahan, kasama si Dutch na hila-hila.
[Tapos sinalihan ng ina ni Reagan ang simbahan sa Dixon]. Ang [simbahan] ay unang nagkita sa ibaba ng bayan ng YMCA hanggang sa ito’y mataas ng pondo para sa gusali. Ang bagong simbahan ay bumukas…noong ika-18 ng Hunyo taon 1922.
Si Nelle [Reagan] ay naging pinuno, sa huli ay naging isang haligi, sa lokal na simbahan. Bukod sa ministor, siya ang pinaka nakikitang mukha… Ang [Linggong Paaralan] ni Nelle ay ang pinaka malaki. Ang sanggunian ng simbahan para sa taon 1922 ay nagrehistro ng tatlom pu’t isang mga mag-aaral sa kanyang klase; ang klase ng pastor ay mayroong lamang lima, ang kanyang asawa ay siyam.
Si Nelle ay nagbigay ng relihiyosong pagbabasa, pareho sa labas ng simbahan at sa loob – isang paglilingkod alin ay siya ay lubhang hinihingi. Pinagpala ng isang mapang-akit na tinig at lakas ng loob ng isang natural na tagapalabas – mga katangian na naipasa niya sa kanyang anak na lalake – siya rin ay gumanap sa maraming mga dula… Noong Hunyo taon 1926, sumang-ayon ang lahat sa Bautistang simbahan sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang pagbasa na pinamagatang “Ang Barko ng Pananampalataya.”
…Ipinatnugot ni Nelle ang isang “Armistisyong Araw na Tula” noong…taong 1926, kung saan inudyok niya na “Ipinagbabawal ng Diyos na ating kalimutan” iyong mga sundalo na ibinigay ang kanilang mga buhay sa [Unang Makamundong Digmaan]. Iyong mga matatapang nga mg kalalakihan, isinulat ni Nelle, “ay natagumpay ang sanglibutang demokrasya, at isinumpa magpakailan man at palagi ang malupit na autrokrasya”… Noong taong 1927, nagpakita si Nelle sa Amerikanong Lehiyon upang ibigay ang inilawaran na isang “napakagaling na pananalita” sa pakabata ni George Washington – tiyak isang kwento na dapat ay gumawa ng impresyon sa [kanyang batang anak].
Isang priming mananampalataya ng kapangyarihan ng panalangin, namuno siya ng mga panalanging pagpupulong sa simbahan. Noong ang ministor ay nagbakasyon…siya ay inilagay na mamuno ng mga gintang linggong panalangin, at namuno siya ng mga diskusyon sa pangalangin…Si Nelle [rin] ay kumilos bilang “pinuno,” nagbibigay ng “tahanang panalanging paglilingkod.”
[Narito ay isang testimony ni Gng. Mildred Neer, patungkol sa panalangin ni Nelle Reagan para sa kanyang anak na babae. Ang batang babae ay nagkasakit ng lubos na hindi siya makakain o makatulog. Ang ina ay nagpunta sa simbahan. Ito ang sinabi niya]
: Noong ang paglilingkod ay tapos na, hindi ko maiwanan ang aking upuan. Sa wakas ang lahat ay umalis maliban kay Gg. Reagan…
Naisip ko, “Kung makausap ko lang sana si Gng. Reagan,” at nagpunta sa kanya…sinabi ko sa kanya ang tungkol sa aming anak na babae, at sinabi niya, “Magpunta tayo sa likurang silid.” Nagpunta nga kami. Tapos sinabi ni Gng. Reagan, “Tayo at lumuhod at ipagdasal ang tungkol rito.” Nagbigay siya ng isang nakamamanghang panalangin at noong [kami’y tumayo] nadama ko na ang panalangin ay nasagot. Umuwi ako.
Di nagtagal mayroong katok sa pinto. Ito’y si Gng. Reagan. Gingugol niya ang buong hapon [sa panalangin] kasama namin. Umalis siya ng mga halos alas sais. Ilang sandali maya mya ang naknak [sa anak na babae] ay pumutok. Sa sunod na umaga sinabi ng doktor, “Hindi ko na kailangang hiwain ito.” Nadinig ng Diyos ang panalangin ni Nelle Reagan at sinagot ito.
Isa pang miyembro ng kongregasyon ang nakaalala:
…Hindi siya kailan man naglagay ng kanyang kamay sa o kahit anong tulad niyan. Ito’y ang paraan na siya’y nanalangin, sa kanyang tuhod, ang mga mata nakataas at nagsasalita na para bang kilala niya ang Diyos na personal, na parang marami siyang pakikipagtungo sa kanya noon. Kung mayroong may tunay na gulo o may sakit, si Nelle ay magpupunta sa kanilang bahay at luluhod at mananalangin… natitiis ng mga tao ang mga bagay ng mas mahusay pagkatapos niyang umalis.
…ito’y hindi halos nakagugulat na kahit bilang isang matanda nang lalake ang lalakeng anak ni Nelle ay naniwala ng napaka lakas sa kapangyarihan ng panalangin.
Inilaan ni Nelle Reagan ang kanyang buhay na masugid sa “mahirap at walang magawa.” Ito’y isang pangako na sinabi niya ay ginawa niya sa sarili niyang ina sa kamang kinamatayan ng kanyang ina…Nagbigay siya ng espesyal na atensyon doon sa mga nabilanggo…[madalas] siyang nagpupuntang nananampalataya sa bilangguan upang basahin ang Bibliya sa mga nakakulong… Mayroon pa ngang mga kwento ng mga kriminal na binabago ang kanilang asal bilang direktang resulta ng kanyang pangangasiwa – isa sa aktawal na gitna ng kriminal na gawain.
[Isang batang hudlum ay kinausap si Nelle sa bilangguan. Pagkatapos, noong nakalabas siya, nakiangkas siya ng sakay at plinanong nakawan ang nagmamaneho gamit ng isang baril. Noong lumabas siya sa sasakyan, sinabi niya] “Paalam, salamat sa angkas” … “Makahahanap ka ng isang baril sa likurang upuan. Gagamitin ko ito, ngunit kakausap ko lang sa isang babae sa bilangguan…” Nahikayat siya ni Nelle Reagan na iwanan ang isang buhay ng krimen.
Sa tag-init ng taong 1924, tumulong siyang magtaas ng pondo upang itayo ang kapilya para sa Russong simbahan sa Lungsod ng New York, isang sumasagisag na gawain na nagpapakita ng pagkakaisa sa mga Russong Kristiyano [sa ilalim ng Komunismo].
Noong Abril taon 1927…pinamunuhan niya ang isang pag-uusap sa Hapon at ang kalagayan ng mga Kristiyano doon. Si Nelle Reagan ay mayroong puso para sa Diyos, at ginawa niya ang lahat na kanyang makakakaya upang ibahagi ang pananampalatayang iyon sa kanyang anak na lalakeng si Ronald. Ito’y ang kanyang panalangin na isang araw kanyang dadalhin ang pananampalatayang iyan sa mundo.
Noong ika-21 ng Hulyo taon 1922, tatlong araw pagkatapos na ang simbahan ay bumukas…si Dutch, at ang kanyang kapatid na lalakeng si Neil, at dalawam pu’t tatlong iba ay ang mga unang bininyagan sa bagong simbahan. Ito’y ang sariling ideya ni Ronal Reagan na mabinyagan. Sinabi niya na “nagkaroon siya ng personal na karanasan kay Kristo.”
Bilang isang matandang lalake, [si Pangulong] Reagan ay tutukuyin ang Bibliya bilang kanyang paboritong aklat, at bilang ang “pinaka dakilang mensahe na isinulat kailan man.” Na ang mga salita nito ay mga may banal na pinanggalingan at inspirasyon sinabi niya “di siya kailan man nagkaroon ng kahit anong pagdududa.”
Pagkatapos niyang mabinyagan [si Ronald] Reagan ay naging espesyal na aktibong miyembro [ng simbahan]. [Si Reagan, ang kanyang ina, at anak na lalake ay ginawa ang parehong bagay kada Linggo. Natandaan ng kanyang kapatid na lalake ang iskedul]. “Linggong paaralan mga umaga ng Linggo, Linggong umaga simbahan, Kristiyanong Pagsikapan gabi ng Linggo, simbahan pagkatapos ng Kristiyanong Pagsikapan, at panalanging pagpupulong tuwing Miyerkules” …Sa labin lima, si Dutch ay nagsimulang magturo ng kanyang sariling Linggong paaralang klase… “Siya ay naging isang pinuno sa mga batang lalakeng iyon,” ang natandaan ng batang kaibigang si Savila Palmer. “Hinangaan nila siya.”
Si Ronald Reagan ay nagpunta sa isang Kristiyanong kolehiyo. Noong taong 1981, siya ay naging Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika. Sumumpa siya sa opisina bilang Pangulo na ang kanyang kamay sa Bibliya ng kanyang ina at nagsabing, “Kaya tulungan mo ako Diyos.”
Habang tinutulan ni Pangulong Ronald Reagan ang aborsyon ayon sa Biblikal na batayan. Sinabi niya,
Naniniwala ako na walang hamon ay mas mahalaga sa karakter ng Amerika kaysa sa panunumbalik ng karapatan sa buhay sa lahat ng mga tao. Na wala ang karapatang iyan, walang ibang karapatan ang may kahulugan. “Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.”
Sa kanyang taong 1986 na Estado ng Unyong Talumpati, sinabi niya,
Ngayon mayroong isang sugat sa ating pambansang konsensya. Ang Amerika ay di kailan man magiging buo hanggang sa ang karapatan sa buhay na ipinagkalood ng ating Tagalikha ay ipinagkakait sa di naipanangak.
Ang aborsyon ay isang moral na problema alin ay tinanggihan niyang ikompromiso bilang Pangulo.
Si Pangulong Reagan ay malakas na laban sa walang masamang Komunismo sa buong panahon ng kanayang pagkapangulo. Tinawag niya ang Sobyet Unyon na “Masamang Imperyo.” Sinabi niya, sa kanyang dakilang talumpati sa Pader ng Berlin, “Gg. Gorbachev, bakbakin pababa ang pader na ito.” Naniwala siya na ang ateyismo ng Komunismo ay likas na masama. Nagtayo siya ng Amerikanong militar na nalalaman na papantayan ito ng Sobyet na Unyon, at guguho bilang isang resulta. Ito’y gumuho, sakto na gaya na alam niyang ito nga. Higit sa kahit nong nag-iisang indibidwal, si Ronald Reagan ay may reponsibilidad para sa katapusan ng “Masamang Imperyo,” at ang katapusan ng pagkalat ng malawakang Komunismo. Ang kanyang tagasulat ng buhay na si Edmund Morris ay nagsabi, “Gusto niya ng Kristiyanismo sa Moscow, ito’y kasing simple niyan.” At nabuhay si Ronald Reagan ay nabuhay upang makita ang kanyang panalangin na maging katotohanan.
Sa Araw ng mga Inang ito, gusto ko kayong mga ina na umalis mula sa simbahang ito na mayroong inspirasyon na nakuha mula kay Jochebed, ang ina ni Moses – at mula kay Nelle Reagan, ang ina ng ating ika-apat na punt Pangulo. Gusto kong malaman ninyo na si Hesu-Kristo ay namatay sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan, sa Krus. Gusto kong malaman mo na ang Dugo ni Hesus ay makalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Gusto kong malaman ninyo na si Hesus ay bumangon sa katawan mula sa pagkamatay at ay buhay ngayon sa kanang kamay ng Diyos. Gusto kong magpunta kayo kay Hesus at magtiwala sa Kanyang buo. At tapos tiyakin na ika’y nasa simbahan kada Linggo. Tiyakin na ika’y gumawa ng espiritwal na impresyon sa iyong mga anak upang mabuhay para kay Hesu-Kristo. Pagpalain ka ng Diyos. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Hebreo 11:23-27.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pupurihin Ko Siya.” Isinalin mula sa“I Will Praise Him” (ni Margaret J. Harris, 1865-1919).