Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGKALIGTAS O PAGKAPAHAMAK

DELIVERANCE OR DAMNATION
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-3 ng Mayo taon 2015

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9).


Sinunog ng Emepror na si Nero ang lungsod ng Roma noon A.D. 64. Si Nero (54-68 A.D.) ay isang malupit at madugong tao. Pinatay niya ang maraming mga miyembro ng sarili niyang pamilya. Noong ang Roma ay nasunog pinaghinalaan nila siya sa pagsusunog nito. Kinailangan niyang humanap ng ibang taong sisihin. Kaya sinisi niya ang mga Kristiyano dahil sa paggagawa ng sunog! Noong mas maagang pangalawang siglo sinabi ni Tacitus (56-117), “Iyong mga nangumpisal na mga Kristiyano ay dinakip…sa kanilang kamatayan sila’y tinakpan ng mga balat ng mababangis na mga hayop, pinunit punit sa kamatayan ng mga aso, ipinako o sinunog – upang kapag ang kadiliman ay bumagsak nasunog sila tulad ng mga tanglaw sa gabi” (Isinalin mula kay Tacitus, [Mga Salaysay] Annals 15:44, maagang pangalawang siglo). Ilang buwan maya-maya noon isinulat ng Apostol Pedro ang sulat ng II Ni Pedro. Tapos sinasabi ng tradisyon sa atin na si Pedro ay naipako sa krus na pabaligtad sa kanyang sariling hiling – hindi niya nadamang nararapat na mamatay ng parehong paran gaya ni Hesus.

Sa mabangis at teribleng pag-uusig, daan-aang mga Kristiyano ang namatay. Si Nero ay nagkaroon ng mga Kristiyanong maitali sa tuktok ng mga poste at sinunog upang pailawan ang kanyang hardin! Bago pa lamang noong si Pedro ay inaresto at ipinako sa krus isinulat niya ang II Ni Pedro.

Sa II Ni Pedro ang Apostol ay nagsasalita ayon sa inspirasyon at awtoridad ng Bibliya (II NI Pedro 1:19-21). Binabalaan niya tayo doon “sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro” (II Ni Pedro 2:1-3). Pinapaalalahan niya tayo na hinusgahan ng Diyos “anghel nang mangagkasala” (2:4), na ginawa ng Diyos ang “mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo” (2:6). Ngunit iniligtas niya ang “ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama” (2:7). At tapos ibinibigay ng Apostol sa iyo ang teksto,

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9).

Bago ako mangaral sa tekstong ito gusto kong malaman kung gaano kinamumuhian ni Satanas ang II Ni Pedro. Kinamumuhian ng Diablo ang maliit na aklat na ito higit sa ibang mga aklat sa Bagong Tipan. Hindi mo kailangang magpunta sa Hollywood o Las Vegas upang makita ang Diablong kumikilos. Ang lahat na kailangan mong gawin ay magmaneho sa Seminaryo ng Fuller sa Pasadena, California. Halos lahat ng mga pangunahing seminaryo sa Amerika ay sinasalakay ang Bibliya ngayon. At kinamumuhian nila ang II Ni Pedro maaring higit sa kahit ibang aklat sa Bagong Tipan. Noong ako’y nag-aaral sa Katimugang Bautistang seminaryo hilaga ng San Francisco, ang mga guro doon ay tinawag ang II Ni Pedro na “isang palsipikasyon.” Ang mga tumatagi sa Bibliyang mga liberal na mga guro ay nagsasabi na niyan ng maraming taon. Ngunit pinagtanggol ni Dr. A. T. Robertson, ang dakilang Griyegong Bagong Tipang eskolar ang II Ni Pedro.

Ipinunto niya na mayroong mga pagsisipi at mga pagtutukoy rito sa Aristides (namatay c. 134 A.D.), sa Justin Martyr (namatay c. 165 A.D.), sa Irenaeus (130-202), sa Ignatius (34-107), sa Clement ng Roma (namatay 99 A.D), sa Athanasius (296-373), sa Augustine (354-430) at ang dakilang Taga Repormang si Martin Luther (1483-1546), (Isinalin mula sa A. T. Robertsyon, D. D., Litt.D., Salitang mga Larawan sa Bagong Tipan [Word Pictures in the New Testament], kabuuan VI, Broadman Press, 1933, mga pah. 139-146 – Ang depensa ni Dr. Robertson’s ng II Ni Pedro).

Ipinunto ni Dr. Robertson iyan, “Myaroon sa Sulat na ito, hindi nakagugulat na bagong ideya…ito’y ay sa katunayan puno ng nagpapatibay na tradisyonal na pagtuturo” (isinalin mula sa ibid., pah. 140). Si Dr. J. Vernon McGee, ang pinaka kilala ng Amerika at pinakamamahal na guro ng Bibliya ay nagsabi, “Ngayon ito’y mahusya na napatibay na isinulat ni Pedro ang sulat na ito” ng II Ni Pedro (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan V, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 714).

Ngunit ang mga liberal sa mga paaralan tulad ng Seminaryo ng Fuller ay nagpapatuloy sa pagpupunit nito ng pira-piraso! Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Ang pagtututol na [ito] ay dahil sa malakas na kondemnasyon ng [II Ni Pedro] ng huwad na mga guro sa simbahan… [II] Ni Pedro ay nagbibigay babala laban sa ‘matusong naisip na mga pabula’ (II Ni Pedro 1:16), mapagkunwari, nagkakait kay Kristong mga guro (II Ni Pedro 2:1), panghuhuthot [nagmamahal sa perang] mga mangangaral (II Ni Pedro 2:3, 15), ang mga antinomiyan na mga guro (II Ni Pedro 2:13, 19), at lalo na ebolusyonismo at unipormitariyanismo (II Ni Pedro 3:3-6)” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagadepensa [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995, pah. 1401).

Hindi nakapagtataka si Satanas at ang kanyang mga huwad na mga guro ay sinasalakay ang II Ni Pedro! Isa pang dahilan na kinamumuhian ng Diablo ang II Ni Pedro ay dahil ibinibigay nito ang isa sa dalawang pinamalakas na pahiwatig tungkol sa inspirasyon at pagkawalang pagkakamali ng Bibliya, sa II Ni Pedro 1:19-21 (ang isa pa ay II Ni Timoteo 3:15-17). Di nakapagtataka na kinamumuhian ng Diablo ang II Ni Pedro!

Ang II Ni Pedro ay naglalaman ng malakas na karne! Noong Setyembre ng 1961 sumali ako sa Kolehiyo ng Biola (ngayon ay Unibersidad na). Sa loob ng Taglagas na semester ang kolehiyo ay nagkaroon ng isabg linggong habang mga serye ng kapilyang paglilingkod bawat umaga. Ang espesyal na tagapagsalita sa taong iyon ay si Dr. Charles J. Woodbridge. Si Dr. Woodbridge ay isa sa mga nakapagtagpong miyembro ng kagawaran ng Seminaryo ng Fuller. Nagretiro siya mula rito ilang taon na mas maaga dahil masasabi niya na ang Fuller ay kumikilos tungo sa liberalism, isang pagkakait ng awtoridad ng Bibliya. Siyempre ang mga administrador ng Fuller ay pinagkait ito.

Tinawag nila si Dr. Woodbridge na taga-gawa ng gulo, at ibang mga masasamang mga bagay. Ngunit wala kailan man ang bumabalik at humihingi ng patawad – sa pinaka kaunti hindi sa gitna ng mga bagong ebanghelikal. Lampas sa limampung taon ay dumaan, at ang hinulaan ni Dr. Woodbridge ay naging mas literal na totoo pa. Ngayon ang Fuller ay lumilikha ng mga mangangaral tulad ni Rob Bell. Isinulat niya ang aklat na nagsasabi na ang lahat (kahit si Hitler) ay magpupunta sa Langit. Kamakailan lang sumulat siya ng isa pang aklat kung saan kanyang inanunsyo ang pinaka masama at malaswang sekswal na mga gawain. Nakita ito ni Dr. Woodbridge simula noong mga huling bahagi ng taon 1950. Palakpakan si Dr. Charles J. Woodbridge! (palakpakan).

Si Dr. Woodbridge ay nagpunta sa Biola at nangaral sa atin sa Kapilyang paglilingkod araw araw ng isang linggo. Nangarl siya ng deretso sa II Ni Pedro! Iyan ang unang pagkakataon na narinig ko ang pangangaral tulad niyan! Nakarinig lamang ako ng ayon sa pakasang mga pangaral, na wala masyadong “karne” sa kanila. Hay naku! Nakuha ni Dr. Woodbridge ang aking punong atensyon habang nag-araro siya sa II Ni Pedro – ang walang pagkakamali ng Bibliya sa kapitulo isa; ang huwad na mga propeta sa kapitulo dalawa; ang mga anghel na nagkasala na pinatalsik; ang Dakilang Baha at ang pagsusunog ng Sodom at Gomora! Inilatag niya itong patag at ipinangaral ito na may matinding lakas. Ako’y napagbagong loob noong Huwebes ng linggong iyon – noong Setyembre 28, 1961 – papuri sa pangalan ni Hesus! Ang aking kurso ay naiayos mula sa araw na iyon! Mula sa pinaka unang araw na ako’y napagbagong loob alam ko na mangangaral ako laban sa liberal na mga pagsalakay sa Bibliya, sa kaligtasan, at sa kasalanan! Alam ko ito noon, at alam ko ito ngayong umaga! Papuri sa pangalan ni Hesus!

Sinabi ni Pedro na ang Bilbiya ay “lalong panatag na salita ng hula” (II Ni Pedro 1:19). Sinabi ni Pedro na ang huwad na mga guro ay babangon sa mga simbahan at magdadala ng isang apostasiya at pagkasira (II Ni Pedro 2:1-3). Sinabi ni Pedro na hinusgahan ng Diyos ang buong mundo sa Dakilang Baha, “iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa” (II Ni Pedro 2:5). Sinabi ni Pedro na nagpadala ang Diyos ng apoy “pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo” (II Ni Pedro 2:6). Sinabi ni Pedro “iniligtas ang matuwid na si Lot” mula sa nasusunog na Sodom (II Ni Pedro 2:7). At ngayon ibinibigay ni Pedro ang ating teksto,

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9).

Oo senor! Pinatunayan ni Pedro ang kanyang punto! Alam ng Panginoon kung paano iligtas si Noe at lunurin ang nawawalang mundo sa mga tubig ng Baha. Alam ng Panginoon kung paano iligtas ang matuwid na si Lot, at sunugin ang lungsod ng Sodom sa abo! Kaya,

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9).

Sa ibang salita, ang Diyos ay mayroong parehong kapangyarihan ngayon na mayroon Siya sa mga araw ng luma!

I. Una, ang Diyos ay mayroong kapangyarihan na iligtas ang banal mula sa tukso.

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso...”

Alam ng Diyos ang ginagawa Niya – at kaya Niya ito! Noong ako’y isa lamag batang lalake iniibig kong madinig ang dakilang tinig ni George Beverly Shea lumlakas sa mga salitang ito,

Tapos kinakanta ng aking kaluluw, aking Tagapagligtas Diyos sa Iyo,
Napaka dakila Mo, napaka dakila Mo!
Tapos kinakanta ng aking kaluluwa, aking Tagapagligtas Diyos sa Iyo,
Napaka dakila Mo, napaka dakila Mo!

Ang Diyos ay makapangyarihan! Ang Diyos ay may pamamahala. Oo, mayroong mtainding kasamaan sa mundo. Ngunit ang kasamaan ay narito lamang dahil hinahayaan ito ng Diyos. Bakit hinahayaan Niya ito? Hindi ko alam. Ito’y kasing simple ng ganoon. Hindi ko alam. Ngunit sa hindi maintindihang, hindi malalamang isipan ng Diyos, hinahayaan Niya ang kasamaan.

“Oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan!” (Mga Taga Roma 11:33).

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso!” Ang mga unang mga Kristiyano sa lungsod ng Roma ay tiyak na dumaan sa matindi at teribleng mga tukso at mga pagsubok. Gaya ng sinabi ko, sinunog sila ni Nero na buhay, itinali sa tuktok ng mga poste. Pinailawan niya ang kanyang mga hardin ng mga nasusunog na mga Kristiyano bawat gabi.

Mayroong nagsasabi, “Iyan ay isang kontradiksyon. Hindi sila iniligtas.” Mali ka. Iniligtas Niya sila “mula sa tukso.” Binigyan Niya sila ng lakas upang dumaan sa mga pagsubok, at lakas upang dumaan sa mga apoy! Isang dakilang lumang himno ang nagsasabi nito lahat!

Kapag sa maapoy na mga pagsubok ang iyong daanan ay nakalapag,
   Ang aking biyaya, lahat ay sapat, ay maging iyong kuhanan ng panustos;
Hindi Ka sasaktan ng apoy, Akin lamang dinesenyo,
   Linab na maubos, at iyong ginto upang maging dalisay.
(“Napaka Tatag ng isang Pundasyon.” Isinalin mula sa
   “How Firm a Foundation” George Keith, 1638-1716,
      “K” sa Seleksyon ng mga Himno ni Rippon, 1787).

Ito’y aking pribilehiyo na personal na makilala ang isang lalake na nabubuhay na isang martyr. Ang kanyang pangalan ay Richard Wurmbrand. Siya ay ang pinaka dakilang Kristiyano na aking kailan man nakilala, at nakilala ko siyang mahusay. Si Pastor Wurmbrand ay nakulong sa isang Komunistang bilangguan sa loob ng labing apat na mga taon dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo. Ang mga Komunistang mga guwardya ay inilagay siya sa medibal na mga pagpapahirap. Ang kanyang katawan ay mayroong labing walong mga sugat na gawa ng pula at maiinit na mga bakal. Sa buong mga taon ng mga paghihirap ibinhagi niya ang Ebanghelyo sa maraming ibang nagdurusang mga bilanggo, at marami sa kanila ay naligtas. Sa loob ng dalawang taon siya ay inilagay sa nag-iisang pagkakulong. Hindi pa niya narinig ang tinig ng isang tao. Halos nabaliw siya sa mga droga na inilalagay nila sa kanyang pagkain. Sa wakas nagsimula niyang ipangaral ang Ebanghelyo sa iba na inilagay minsan minsan sa isang selda malapit sa kanya. Tinuktok niya ang mga berso ng Bibliya at mga panalangin sa kanila sa Morse na mga palahudyat.

Sa wakas siya ay inilagay sa “Silid Apat” – ang “silid ng kamatayan.” Iniwan nila siya doon, namamatay ng tuberculosis. Walang kailan mang umalis ng “Silid Apata” na buhay. Ipinapadala sila doon upang mamatay. Ngunit si Pastor Wurmbrand ay nagpatuloy na mabuhay. Sa “silid ng kamatayan” na iyon ginabay niya ang isang namamatay na bilanggao pagkatapos ng isa pa kay Hesu-Kristo, Sinabi niya, “Ito’y para bang ang selda ay naglalagablab ng espiritu ng pagsasakripisyo ng sarili at napanumbalik na pananampalataya. Sa ganoong mga sandali ang mga anghel ay mukhang nasa aming buong paligid.”

Kapag nalulungkot ako madalas kong pulutin ang aklat ni Richard Wurmbrand na Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ] at nagbabasa ng kaunting mga pahina. Noong huling linggo nabasa ko muli ang isa pa sa kanyang mga aklat, Sa Palihim ng Diyos [In God’s Underground] (Living Sacrifice Book Company, 2004). Ang mga aklat na ito ay terible. Nagbibigay sila ng mga detalye tungkol sa pagpapahirap ng mga Kristiyano. Ngunit lagi akong napapalakas ng loob ng mga ito. Ako’y napapalakas ng loob sa pagkakakilala ng taong ito, si Richard Wurmbrand, na naransan ang ating teksto. Ito ay isang teksto na nagbibigay ng dakilang lakas ng loob, “Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso…” (II N Pedro 2:9).

Libo-libong mga Kristiyano ay pinahihirapan at pinapatay ng mga Muslim ngayon, sa ating panahon. Ang lahat na kailangan nilang gawin ay upang tumakas mula sa kamatayan ay sabihin ang mga salitang ito: “Walang diyos kundi si Allah at si Mohammed ang kanyang propeta.” Ngunit tumatanggi silang sabihin iyan at maging mga Muslim. Ang kanyang mga simbahan ay nasusunog. Ang kanilang mga tahanan ay nasusunog. Marami ang napupugutan ng ulo. Maraming ibang mga nasusunog ng buhay. Gayon tumatanggi silang isuko ang kanilang pananampalatay kay Hesus. At sa Muslim na mundo libo-libo ang tumitinggin kay Kristo, kahit na ito’y napaka mapanganib para sa kanila. Maari kang makabasa ng mga kwentong ito sa pagpupunta sa iyong kompyuter sa www.persecution.com. Alam nila ayon sa karanasan ang karamihan sa mga Kanularang simbahang mga miyembro ay di alam – “Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso…”.

Kapag sa malalim na mga tubig tinatawag kitang magpunta,
   Ang mga ilog ng pagdurusa ay hindi aapaw;
Dahil ako’y makakasama mo, ang iyong mga pagsubok upang pagpalain;
   At pabanalin ka sa iyong pinaka malalim na pagkabalisa.

Ipinagdiwang natin ang ika-40 na anibersaryo ng simbahang ito tatlong linggo ang nakaraan. Nagkaroon tayo ng magandang panahon ng papuri, at tawanan pati! Ang mga taong nanood ng videyo ay nagsabi sa akin kung anong dakilang simbahan ang mayroon tayo! ngunit hindi nila alam ang pagdurusa na dinaanan natin upang ipanganak ang simbahang ito. Hindi nila alam na “Ang 39,” na nagbayad para sa simbahan, ay madalas dumaan sa nakasisira ng ulong sakit at gulo, habang 400 na mga tao ang nag-iwan sa atin. “Ang Tatlom Pung,” nagbayad para sa dalawa’t kalahating milyong dolyares na gusali. Ngayon ang pagsubok ay tapos na. Dinala tayo ng Diyos sa loob nito. Ngunit magkakaroon ng iba pang mga pagsubok sa hinaharap, ang ilan sa mga ito ay marahil mas malubha pa. Ngunit hindi tayo takot dahil “Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso…” (II Ni Pedro 2:9).

II. Pangalawa, inilalaan ng Panginoon ang di matuwid sa araw ng paghahatol.

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9).

Sa kanyang klasikong aklat ng apolohetiko, Kung Gayon Tumayo [Therefore Stand], ang dakilang si Dr. Wilbur M. Smith ay nagsabi tungkol nito sa pagdating na paghahatol,

Ang mga Kasulatan ay siguradong nagsasalita patungkol sa isa sa nag-iisang kaganapan ng pahahatol na darating, at tayo ay nagkasala sa halos pagnanakaw sa pangangaral sa ating araw ng nitong terible ngunit banal na inilalantad na katotohanan… Marami sa atin…ha natakot upang tumayo at gamitin ang kasulatang wika patungkol sa araw ng paghahatol. Ang ating pinagpalang Panginoon ay ginagamit ang pariralang “ang araw ng paghahatol” muli’t muli… Ang Apostol Pedro ay nagsasalita tungkol sa “araw ng paghahatol,” at “ang araw ng pahahatol at pagkasira ng mga di matuwid na mga tao.” Ang Apostol Juan ay nagasasalita tungkol sa “araw ng paghahatol,” at “ang araw ng paghahatol” at “ang panahon ng mga patay upang mahatulan” (Isinalin mula kay Wilbur M. Smith, D.D., Kung Gayon Tumayo [Therefore Stand], W. A. Wilde Co., 1945, p. 443).

Ang Apostol Juan ay nagsalita patungkol sa Huling Paghahatol. Sinabi niya,

“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:12-15).

Ang nag-iisang paraan upang tumakas mula sa kaparusahan ng “lawa ng apoy” ay ang magsisi at magtiwala sa Panginoong Hesu-Kristo. Namatay Siya sa Krus upang bayarang buo ang halaga ng iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siyang laman at buto, mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Ngunit dapat mo Siyang pagkatiwalaan ngayon, sa buhay na ito. Ito’y huli na, pagkatapos mong mamatay, upang maligtas.

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9).

Ang mga “banal” ay iyong mga nagsisisi at nagtitiwala sa Panginoong Hesu-Kristo. Ang “di matuwid” ay iyong mga tumatangging magtiwala sa Kanya. Nanalangin kami na kayo’y tumingin kay Hesus ngayon bago ito huli na! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Pedro 2:1-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pananampalataya ng Ating mga Ama.” Isinalin mula sa
“Faith of Our Fathers” (ni Frederick W. Faber, 1814-1863).


ANG BALANGKAS NG

PAGKALIGTAS O PAGKAPAHAMAK

DELIVERANCE OR DAMNATION
ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9).

(II Ni Pedro 1:19-21; 2:1-3, 4, 6, 7; 1:16; 2:1, 3, 15, 13, 19; 3:3-6;
II Ni Pedro 1:19; 2:1-3, 5, 6, 7)

I.   Una, ang Diyos ay mayroong kapangyarihan na iligtas
ang banal mula sa tukso, II Ni Pedro 2:9a;
Mga Taga Roma 11:33.

II.  Pangalawa, inilalaan ng Panginoon ang di matuwid sa araw ng
paghahatol, II Ni Pedro 2:9b; Apocalipsis 20:12-15.