Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAMUMUHAY SA PANAHON NG APOSTASIYA

LIVING IN A TIME OF APOSTASY
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-26 ng Abril taon 2015

“Ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad [ng Diyos], datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama; At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama; At iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama: (Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan;)” (II Ni Pedro 2:5-8).


Ang Apostol Pedro ay nagsasalita bilang isang propeta sa kapitulong ito. Sa mga berso 1-3, sinasabi niya sa atin na ang mga huwad na mga guro ay darating at magdadala ng mga kasumpa-sumpang mga erehiya. Sinasabi niya na kanilang itatanggi ang Panginoong Hesu-Kristo. Sinasabi niya na marami ang susunod sa kanila. Bilang resulta ang katotohanan ng Biblikal na Kristiyanismo ay babanggitin bilang masama. Sinasabi niya na ang mga huwad na mga gurong ito ay gagawa para sap era, hindi para sa Diyos. Anong larawan iyan para sa ating sariling panahon! Tayo ay ngayon nabubuhay sa isang panahon ng teribleng apostasiya, huwad na pagtuturo – at ang pag-angat ng bagong paganismo.

Kailangan kong aminin na hindi ko ginusto si Carl F. H. Henry (1913-2003) ng lubusan. Siya’y isang bagong ebanghelikal na teyolohiyano. Ngunit mukha itong para sa akin na sinusubukan niya kung gaano ka siya “katalino.” Hindi niya iprinoklama ang katotohanan ng malakas ng lubos sa aking opinion. Gayon hindi ako kailan man nakabasa ng mas malinaw na salaysay tungkol sa apostasiya ngayon kaysa sa anong isinulat niya. Sinasabi ni Dr. Henry,

     Ang ating henerasyon ay nawawala sa katotohanan ng Diyos…Dahil ang sa pagkawalang ito ay nagbabayad ng lubos sa isang mabilis na pagbalik sa dating pagnaismo. Ang mga malulupit na mga tao ay kumikilos na muli; madidinig mo silang dumadagundog at kumakaluskos sa tempo ng ating panahon [sa Gitnang Silangan, hanggang sa Hilagang Aprika, hanggang sa Europa – ang mga Muslim ay darating. Mula sa Puting Bahay [White House] pababa sa ating mga pinuno at nalilito, mahina at masasama]…
     Ang mga malulupit na mga tao ay pinapakilos ang mga alikabok ng isang sirang sibiliisasyon at lumulubog na sa mga anino ng isang nasalantang Simbahan (Isinalin mula kay Carl F. H. Henry, Ph.D., Ang Takipsilim ng isang Dakilang Sibilisasyon: Ang Pag-usog Patungo sa Bagong-Paganismo [Twilight of a Great Civilization: The Drift Toward Neo-Paganism], Crossway Books, 1988; ang aking mga kumento sa mga braket)

Ang tanyag na polster na si George Barna ay nagsasabi sa atin, na walang hinaharap para sa ating mga simbahan. Sinasabi niya na lampas sa 80% ng mga kabataan sa ating simbahan ay aalis, “na di kailan man babalik” – bago nila maabot ang edad na tatlompu. Ang ating mga simbahan ay mukhang walang ideya kung paano magpabagong loob ng mga kabataan mula sa mundo! Ang lahat na mukhang kaya nilang gawin ay ang subukang udyukin ang isang taong lisanin ang kanyang sariling simbahan at sumama sa kanila. Inaalis ng mga mangangaral ang kanilang mga kurbata ang nagdadala ng rock na musika sa kanilang paglilingkod sa isang walang kabuluhang pagsubok na maging “cool” at “napapanahon.” Sa ngayon dapat alam na nila na hindi ito umuubra! Ang nawawalang mundo ay tumitingin sa kanila at tumatawa! Ito’y isang trahedya! Alam ng Diyos gaano ako lumuluha para sa ating mga simbahan!

Marami sa mga mangangaral na ito ay nasira ng mga liberal na mga paaralan tulad ng Fuller na Seminaryo. Sa mga mas konserbatibong mga pangkat sila’y ginawang mga kapangyarihan ng mga paaralan na nagturo sa kanila kung paano suriin ang mga Griyegong salita, ngunit hindi kailan man sila o pinukaw na mangaral. Isinulat ni Dr. Michael Horton ang tungkol sa trahedyang ito. Ang kanyang aklat ay tinatawag na, Walang Kristong Kristiyanismo: Ang Alternatibong Ebanghelyo ng Amerikanong Simbahan [Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church] (Baker Books, 2008). Inilimbag ng Moody Press ang isang aklat (1996) na tinawag na Ang Parating na Ebanghelikal na Krisis [The Coming Evangelical Crisis]. Ang aklat ay isinulat labing siyam na taon noon. Ngayon ang krisis ay narito na! Ang ating mga simbahan sira, at alam ito ng lahat! Ang Linggong pang-gabing paglilingkod ay sarado halos sa lahat ng ating mga simbahan. Iyan ang tanda ng kamatayan! Ang ating mga panalanging pagpupulong ay isinuko ng karamihan sa ating mga simbahan mahabang panahon noon pa.

Iyan ay isang tanda ng kamatayan! Halos walang kahit anong simbahan ay mayroong isang masiglang nagtatagumpay ng mga kaluluwang programa ngayon. Iyan ang tanda ng kamatayan! Ang tinatawag na “pangangaral” ay isa lamang berso-kada-bersong pag-aaral ng Bibliya. Iyan ang tanda ng kamatayan! Kahit na walang ibang magrereklamo – ako’y magrereklamo! Kahit na walang ibang magsasabi nito, sasabihin ko ito. Kailangan itong sabihin, malakas at malinaw! Tayo ay nabubuhay sa isang panahon ng malalim na apostasiya! Tayo ay nabubuhay sa isang panahon tulad ng inilarawan sa II Ni Pedro 2:1-3! Maari mong tanungin, “Bakit ka nagsasalita tungkol riyan? Lilituhin niyan ang iyong mga kabataan!” Mali muli! Hindi nito nililito ang mga tao na sabihin sa kanila ang katotohanan! Sa katunayan, kung hindi ko sasabihin sa kanila ang mga katotohanan na ito sila’y tunay na malilito – malilito ng namamatay na bagong ebanghelikal, at ang Bibliyang pag-aaral na mga grupo! Sila’y magiging napaka nalilito kung hindi nila alam na tayo ay nabubuhay sa isang panahon ng di paniniwala at malubhang apostasiya – ang pinaka malubhang apostasiya na naranasan ng mga simbahan simula ng Repormasyon! Ang pinaka malubhang apostasiya sa loob ng huling 500 mga taon! Iyan ito! Tayo ay nabubuhay sa isang panahon na inilarawan ng Apostol Pedro, sa II Ni Pedro 2:1-3. Kaya ano ang sagot? Magsitayo at basahin ang II Ni Pedro 2:5-8. Iyan ay nasa pahina 1318 sa Scofield na Pag-aaral na Bibliya.

“At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama; At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama; At iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama: (Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan;)” (II Ni Pedro 2:5-8).

Maari nang magsi-upo.

Ang mga salita ng ating teksto ay ibinigay ng Diyos upang ipakita sa atin kung paano mabuhay sa isang panahon ng apostasiya, kasalanan, at pagkalito. Iyan ang paksa ng ating teksto. Ibinibigay ng Apostol Pedro ang mga halimbahan ng dalawang mga kalalakihang ito, Noa at Lot. Sa pamamagitan ng pagsasabi sa atin ng tungkol sa mga kalalakihang ito, ipinapakita niya sa atin kung paano mabuhay bilang isang Kristiyano panahong ito ng espiritwal na pagkalito. Mayroong isang dakilang aral na dapat aralin mula kay Noe at Lot.

Ang Kristiyano ay laging sinusubok ng espiritu ng mundo, lalo na sa isang panahon ng apostasiya na tulad nito. Tayo ay sinusubok ng katunayan na tayo ay kaunti sa bilang. Iyan ay mahirap na pagsibok. Kung tayo ay nabubuhay sa ika-18 siglo tayo ay magigin bahagi ng malaking muling pagkabuhay, isang muling pagkabuhay na kasama ang lahat ng mga Pulo ng Britanya gayun din ang lahat ng Hilagang Amerika. Magkakaroon ng maraming mga tao sa paligid natin na naniniwala sa tunay na pangangaral, tunay na pagbabagong loob, at tunay na panalangin. Iyan pati ay magiging halos totoo sa ika-19 na siglo – at sa mas kaunting antas sa unang 70 o 80 mga taon ng ika-20 na siglo.

Nakagugulat kung gaano kabilis ang panahon ay lumilipad. Kapag ika’y aking edad ang 35 mga taon ay mukhang maikli. 35 taon lamang noon ang sitwasyon ay iba. Ang Presidente ay si Ronal Reagan. Si Billy Graham ay nasa kanyang maagang mga 60 na taon at nagkakaroon pa rin ng malalaking mga krusada. Si Jerry Falwell ay nasa telebisyon kada gabi ng Linggo, kumukuha ng milyon-milyong mga dolyares, na mukhang nagdadala sa “Moral na Karamihan” na pigilin ang aborsyon. Sa tagsibol ng taon 1980 si Dr. John R. Rice ay nangangaral pa rin. Si Dr. Martyn-Lloyd Jones ay buhay pa rin. Gayon din si Dr. Francis Schaeffer. Ito’y hindi perpektong panahon sa kahit anong paraan. Ngunit kumpara sa 2015 ito’y mas maigi para sa mga Kristiyano kaysa ito ngayon. Ngayon tayo ay kinamumuhian na minoridad! Ibig kong sabihin – kinamumuhian tayo ng mga tao! Natatakot sila sa atin at kinamumuhian nila tayo! Ang bawat Bautista, bawat ebanghelikal, bawat Pentekostal, kahit mga Romanong mga Katoliko – na kaugnay sa Kristiyanimo ay nararamdaman ito. Ang panlabas na mundo ay namumuhia sa atin. Ginagawa nitong mahirap na maging mapagpananampalataya sa Diyos, mas mahirap kaysa sa ibang mga siglo at ibang mga panahon.

Tiyak na nadama ni Noe ang pagsubok na iyan – ang pagsubok na pagtatayong mag-isa. Tayo ay sinabihan sa ating tektso na ang Diyos ay “iningatan si Noe […]kasama ng ibang pito pa” (II Ni Pedro 2:5). Si Noe ay nabuhay sa isang teribleng panahon ng moral na pagbagsak at apostasiya bago ng Dakilang Pagbaha. Ito’y isang panahon ng lubos na kalupitan at dakilang demonikong gawain. Ito’y napaka sama na ang sangkatauhan “ay masama lamang ng patuloy-tuloy” (Genesis 6:5). At sinabi ng Diyos,

“Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man” (Genesis 6:3).

Ang kondisyon sa mundo sa panahon iyon ay napaka sama na halos walang naligtas. Tandaan na iniligtas ng Diyos si Noe ang pangwalong tao. Ibig nitong sabihin si Noe, ang kanyang asawa – at ang kanyang tatlong mga anak na lalake at ang kanilang mga asawa ay naligtas. Walo lamang na mga tao ang naligtas sa buong mundo! Ito’y mahalaga na isipin natin kung paano ang lalakeng ito si Noe ay binuhay ang kanyang buhay na napaligiran ng ganoong kasamaan na nagdala sa paghahatol ng Dakilang Baha.

Tapos na riyan si Lot. Habang iyong basahin ang tungkol kay Lot sa Aklat ng Genesis magtataka ka kung bakit tinawag ni Pedro siyang “matuwid na Lot” sa ating teksto (II Ni Pedro 2:7). Ngunit si Pedro ay hindi nagsasalita patungkol sa pagkakamali ni Lot na paglipat sa Sodom. Sinasabi ng Apostol sa atin kung ano ang naramdaman ni Lot at anong ginawa niya pagkatapos niyang lumipat sa Sodom. Sinasabi ng ating teksto na siya’y “na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama” (2:7b). Kung babasahin mo ang Genesis 19 makikita mo kung anong tulad ng lungsod na iyon – sira, malaswa, walang hiya. At sa malupit na lungsod na ito ay nanirahan si Lot at kanyang pamilya.

Sila’y nasa parehong sitwasyon gaya ni Noe at kanyang pamilya. Sa ika-18 na kapitulo ng Genesis mababasa natin na maaring sinira ng Diyos ang Sodom kung sampung mga makatuwirang mga tao ang nabuhay roon. Ngunit walang sampung mga makatuwirang mga tao – si Lot lamang at ang kanyang mga anak. Sila lamang ang mga sumusubok na bumuhay ng mabubuting buhay. Ang lahat ng iba sa malaking lungsod na iyon ay masasama at naisuko sa kasalanan.

Makikita natin mula kay Noe at mula kay Lot, na iyan ay lubos na mahirap na pagsubok na maging bahagi ng isang napaka liit na bilang ng mga Kristiyano. Ito’y mas mahirap pa para sa isang tao sa isang pamilya na mabuhay na isang Kristiyano. Natatandaan kong mahusay kung paano ako kinutya ng aking mga kamag-anak, ininsulto ako, at pinagtawanan ako sa pagsusubok na mabuhay na isang Kristiyano. Kung ikaw lang ang Kristiyano sa iyong paaralan, sa iyong opisina, o kolehiyo, o tahanan, ikaw ay makukutya ng madalas. Ika’y pag-iisipang isang hangal kung ika’y mabuting sapat na Kristiyano. Mas mainam na Kristiyano ka, mas matinding ang mundo ay magiging laban sa iyo. Iyan ay isang napaka hirap na pagsubok. Karamihan sa mga kabataan ay ibinabagsak ang pagsubok na ito. Nararamdaman nila na dapat silang magpadala sa kanilang mga “kaibigan” sa paaralan o trabaho. Dalawang mga bagay ang nangyayari doon sa mga “nagpapadala” sa nawawalang mundo.

1. Kung sila’y ligtas man, kanilang nawawala ang kanilang kaligayahan. Hindi ka maaring maging kaibigan ng mundo at magkaroon ng ligaya ni Kristo, at nawawalan sila ng mga gantimpala sa darating na kaharian ni Kristo.

2. Kung mayroong silang malalapit na mga kaibigan sa nawawalang mundo, hindi sila mapagbabagong loob sa anumang paraan. Sinasabi ng Bibliya, “Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4).


Sabi ni Dr. John R. Rice, “Nawalan ka ba kailan man…ng isang kaibigan para sa Diyos? Kung ang iyong Kristiyanismo ay di kailan man nagkahalaga sa iyo…ng isang kaibigan…gayon masasabi mo ba talaga na iniibig mo ang Panginoong ng lubos? Upang maging tunay na mabuting Kristiyano ay magkakahalaga sa iyo ng mga kaibigan” (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Anong Maghahalaga Upang Maging isang Mabuting Kristiyano [What It Costs to Be a Good Christian], Sword of the Lord Publishers, 1952, pah. 28). Sinasabi ng Bibliya,

“Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak” (Mga Awit 1:1).

Kung titignan mo ang kasaysayan ng Kristiyanismo makikita mo na ang lahat ng mga tunay na dakilang mga Kristiyano ay mga kalalakihan at mga kababaihan na hiwalay mula sa mga makamundong mga tao. Kunin ang dakilang taong si Tertuliyan, bilang isang halimbawa. Nabuhay siya mula sa halos 160 hanggang sa 220 A. D. Nakita niya ang mga Kristiyano na binibitay ng mga paganong mga Romano. Nakita niya ang mga Kristiyanong pinahihirapan at pinupugutan ng ulo, at itinatapon sa arena upang mapunit-punit ng pira-piraso ng mga leyon. Siya ay namangha sa kanilang tapang. Sinabi niya, “Mayroong siguro sa Kristiyanismo na gagawa sa mga taong gawin iyan. Handa silang isuko ang lahat, pati buhay mismo.” Siya’y namanghang lubos sa kanilang pag-ibig para sa isa’t isa. Noong siya ay mga 35 na taong gulang, nagkaroon siya ng biglaang, napagpasiyahang, radikal na pagbabagong loob kay Kristo. Siya’y nagpasiyang ipaglaban ang mga hinamak at nabiktimang mga Kristiyano. Nagsulat siya ng mga aklat laban sa iba’t ibang mga erehiya sa mas maagang simbahan. Sa wakas iniwan niya ang Katolikong Simbahan dahil ito’y nagiging makamundo. Sa simula siya’y sumama sa mga Montanista, na mga tulad ng mga makabagong Pentekostales. Sa wakas nilisan niya sila at nagpastor ng isang simbahan sa kanyang sarili. Gayon siya’y naging isang Protestante. Nakilala ko ang isang Koreayanong tao na napabagong loob sa pamamagitan ng pag-aaral ng makapangyarihang mga pangaral ni Tertuliyan. Mga kabataan maging tulad ni Tertuliyan! dahil siya ay tulad ni Noe at Lot!

Tapos pag-isipan ang tungkol sa dakilang si Peter Waldo. Nabuhay siya sa Pransya mula 1140 hanggang 1205 A. D. Siya ay isang mayamang mangangalakal. Ngunit isang gabi isang kaibigan ay bumagsak na patay sa kanyang mesang panghapunan. Nayanig nito si Peter Waldo, at siya ay naging isang tunay na Kristiyano. Nagsimula siya mangaral, at nagkaroon ng maraming mga tagasunod. Idiniin niya ang pag-aaral ng Bibliya at pagtatagumpay ng mga kaluluwa. Ang mga taong sumunod sa kanya ay tinawag na mga Waldensiyano. Siya’y pinatalsik ng Katolikong Simbahan, ngunit sa pamamagitan ng isang himala, nagpatuloy siyang mangaral ng Ebanghelyo hanggang siya’y namatay. Mga 300 na mga taon maya maya ang mga tagasunod ni Waldo ay sumali sa mga Protestante sa Geneva, Switserland. Mga kabataan, maging tulad ni Peter Waldo! dahil siya ay tulad ni Noe at Lot!

Tapos pag-isipan ang dakilang si Bb. Lottie Moon. Nabuhay siya mula 1840 hanggang 1912. Noong 1873 siya’y nagpunta bilang isang Bautistang misyonaryo sa Tsina. Ito’y napaka mapanganib sa Tsina noon. Umibig siya sa isang propesor ng Lumang Tipan na nagngalang Crawford Toy. Sila’y napagkasunduang ikasal. Ngunit natuklasan ni Lottie Moon na hindi niya pinaniniwalaan ang higit ng Bibliya. Nabiyak ang kanyang puso, ngunit sinira niya ang kasunduhan dahil siya ay isang liberal na di nananampalataya. Nanantili si Lottie Moon sa Tsina. Hindi siya kailan man nagpakasal. Noong 1912 siya’y nagkasakit dahil sa pamimigay ng kanyang pagkaon sa ibang mga misyonaryo at mga Tsinong mga tao. Bumagsak siya sa 50 libra, at ipinadala pabalik sa Amerika. Namatay siya sa daan pabalik. Hanggang sa araw na ito siya ay itinatanging isa sa pinaka dakilang misyonaryo na nabunga ng Katimugang Bautistang Kumbensyon. Pinag-uusapan pa rin nila siya tuwing Pasko bawat taon – kapag kanilang kukunin ang “Lottie Moon na Pag-aalay” para sa banyagang mga misyonaryo. Hindi nila madalas banggitin na isinuko niya ang lalakeng siya’y ipinangakong pakasalan dahil siya ay di nananamapalataya. Ngunit natatandaan ng Diyos! Mga kabataan, maging tulad ni Lottie Moon! dahil siya ay tulad ni Noe at Lot!

“Ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad [ng Diyos], datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama; At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama; At iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama” (II Ni Pedro 2:5-7).

Nagbigay si Dr. Martyn Lloyd-Jones, ang dakilang taga Britanyang mangangaral ng ika-dalawampung siglo ng isang pangaral sa parehong pasahe sa II Ni Pedro. Tinapos ni Dr. Lloyd-Jones ang kanyang pangaral ng ganito,

Nagtatapos ako sa isang katanungan. Tayo ba ay tulad ni Noe at Lot? Ang mundo ngayon ay nakamamanghang tulad ng mundo [ng kanilang] mga araw. Ito ba’y madalli para sa mga taong sabihin na tayo ay mga Kristiyano? Tayo ba ay naiiba, maihihiwalay ba tayo?...Tayo ba ay nagluluksa para sa mga kaluluwa ng mga taong itinatapon ang kanilang mga sarili sa pagkasira? Nagdarasal ba tayo tungkol rito at ginagawa ang sukdulan upang pabilisin ang pagdating ng tunay na muling pagkabuhay? Iyan ang pagsubok ni Noe at Lot sa makabagong Kristiyano (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., “Ang Halimbawa ni Noe at Lot” [“The Example of Noah and Lot”], Nagpapaliwanag na mga Pangaral sa 2 ni Pedro [Expository Sermons on 2 Peter], The Banner of Truth Trust, 1983, pah. 154).

Magsitayo at kantahin ang bilang 6 sa inyong kantahang papel. Kantahin itong malakas!

Ang aking buhay, ang aking pag-ibig ibinibigay ko sa Iyo,
   Ikaw na Kordero ng Diyos na namatay para sa akin;
O naway ako’y magpakailan mang mapagpananampalatay,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napaka nalulugod ang aking buhay!
Nabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!

Ngayon naniniwala ako Ika’y na nagtatanggap,
   Dahil Ika’y namatay na ako’y mabuhay;
At ngayon simula ngayon nagtitiwala sa Iyo, \
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napaka nalulugod ang aking buhay!
Nabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!

O Ikaw na namatay sa Kalbaryo,
   Upang iligtas ang aking kaluluwa at gawin akong malaya,
Aking ilalaan ang aking buhay sa Iyo,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napaka nalulugod ang aking buhay!
Nabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
(“Nabubuhay Ako para sa Kanya.” Isinalin mula sa “I’ll Live for Him”
      ni Ralph E. Hudson, 1843-1901; binago ng Pastor).

Makalangit na Ama, panalangin namin na mayroong isa rito ngayong gabi na magtiwala kay Hesus, Iyong Anak – at maging malinisan mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo na Ibinuhos Niya sa Kurs. Sa Kanyang pangalan. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Ni Peter 2:4-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panhong Tulad Nito.” Isinalin mula sa “In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1902-1972).