Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG NAKABIBIGAY NA BUHAY NA TAGAPAGLIGTAS!

THE LIFE-GIVING SAVIOUR!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-19 ng Abril taon 2015

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay”
(Juan 5:40).


Ang salitang “buhay” ay pagsasalin ng Griyegong salitang “zōē.” Ito ang buhay ng Diyos ang Ama at ang Anak. Gaya ng sinabi ni Kristo,

“Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay (zōē) sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay (zōē) sa kaniyang sarili” (Juan 5:26).

Si Hesus ay dumating sa mundo upang bigyan tayo ng buhay na ito, upang tayo ay mabuhay. Sinabi ni Hesus, “ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay (zōē)” (Juan 10:10).

Si Hesus ay namatay sa Krus upang tayo’y magkaroon ng buhay. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang mahal na Dugo upang magkaroon tayo ng buhay. At iyong mga napagbagong loob ay mayroon nitong “buhay” na ito. Sinabi ni Kristo, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan [zōēn aiōnion],” Juan 3:36. Sinabi ni Dr. A. T. Robertson na siyang naniniwala kay Hesus “ay mayroong ito rito at ngayon” (Isinalin mula sa Salitang mga Larawan [Word Pictures]; sulat sa Juan 3:36)

Si Henry Scougal (1650-1678) ay 28 na taong gulang lamang noon siya’y namatay. Kaya hindi siya mas matanda sa 26 o 27 noong isinulat niya ang isang maliit na aklat na tinawag na, Ang Buhay ng Diyos sa Kaluluwa ng Tao [The Life of God in the Soul of Man (Martino Publishing, 2010 edisiyon).

Ang Buhay ng Diyos sa Kaluluwa ng Tao ay ibinigay kay George Whitefield ni Charles Wesley. Si Whitefiled ay napagbagong loob sa pamamagitan ng pagbabasa nito at nagpatuloy na maging isa sa pinaka dakilang Ebanghelyong mangangaral ng buong panahon. Habang binasa ito ni Whitefield sinabi niya, “O anong isang sinag ng banal na buhay ang gayon ay pumasok sa aking kaluluwa!” Sinabi ni Whitefield, “Si Hesu-Kristo…ay naglantad ng kanyang sarili sa akin at binigyan ako ng bagong pagkapanganak.” Ang aklat ay gumanap ng isang pangunahing kaganapan sa Una at Pangalawang Dakilang mga Paggigising. Inilimbag ito ni John Wesley ng labing apat na beses. Ito’y inilimbag sa Amerika ni William Staughton, ang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Philadelphia. Si Benjamin Franklin ay naglimbag pati ng isang edisyon nito!

Sa Ang Buhay ng Diyos sa Kaluluwa ng Tao, sinabi ni Henry Scougal na dapat tayong di magkamali sa panlabas na mga anyo ng relihiyon para sa tunay na Kristiyanismo. Sinabi ni Henry Scougal na ang tunay na Kristiyanismo ay ang “pagsasama ng kaluluwa sa Diyos, isang tunay na [pagsasalo] ng banal na kalikasan” (Isinalin mula sa ibid., pah. 30). Sa ibang salita, Ang Buhay ng Diyos sa Kaluluwa ng Tao! Ang buhay ng Diyos ay makapapasok lamang sa ating mga kaluluwa kapag tayo’y magpunta kay Hesus. Ngunit sinabi ni Kristo,

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

o gaya ng paglagay nito ng makabagong pagsasalin,

“Tumatanggi kang magpunta sa akin upang magkaroon ng buhay” (NIV).

Sinabi ito ni Kristo sa mga taong naniwala sa Diyos. Sinabi Niya ito sa mga taong naniwala sa bawat salita ng Kasulatan. Sinabi Niya ito sa mga taong nag-ayuno ng dalawang araw kada taon. Sinabi Niya ito sa mga taong sumusubok ng masidhing maging banal. At kaya sinasabi Niya ito sa iyo na hindi pa napagbagong loob ngayong umaga,

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Ang nag-iisang paraan upang maging isang tunay na Kristiyano ay ang magkaroon ng buhay ng Diyos sa iyong kaluluwa. At ang nag-iisang paraan upang matanggap ang buhay na iyan sa iyong kaluluwa ay ang magpunta kay Hesus. Gayon man sinasbai ng Tagapagligtas, “Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.” Gagamitin ko ang bersong ito sa maraming paraan.

I. Una, bakit hindi ka pa nagpunta kay Hesus.

Ang mga “desisyonista” ay nag-iisip na ang kahit sino ay makapupunta kay Kristo sa kahit anong oras. Ang lahat na kailangan nilang gawin ay itaas ang kanilang kamay o “magpunta sa harap” sa katapusan ng isang pangaral. Ang lahat na kailangan nilang gawin ay sabihin ang mga salita ng isang “panalangin ng makasalanan.” Ang lahat ng mga ito ay mga gawain ng tao na magagawa ng kahit sino sa kahit anong oras. Ngunit wala sa mga “desisyon” na ito ang maklaliligtas ng iyong kaluluwa. Sinabi ni Dr. Isaac Watts,

Walang panlabas na mga anyo
Ang makahuhugas sa aking malinis,
Ang leproso ay nakalagay na malalilim sa loob.

“Nangasa ilalim ng kasalanan” – anong teribleng pahayag, ngunit tunay na isa. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones ibig nitong sabihin “Ang lahat ng sangkatauhan sa kalikasan ay nasa ilalim ng pagkakasala ng kasalanan, sa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, at nasa ilalim ng karumihan ng kasalanan… Tayo ay ipinanganak na mga makasalanan, ‘lahat nasa ilalim ng kasalanan.’ At ang salitang ‘ilalim,’ sa tinggin ko ay nagbibigay sa atin ng impresyon na tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan, iyan ay ang buong lupain na tayo ay kasapi…dahil tayo ay mga kaapu-apuhan ni Adam, tayo ay ipinanganak sa ilalim ng kasalanan… [ang kasalanan ni Adam] ay ang pinaka katalismiko at nagwawasak na bagay na nangyari kailan man sa mundo” (Mga Taga Roma, Kapitulo 2:1-3:20 [Romans, Chapters 2:1-3:20], The Banner of Truth Trust, 1989, mga pah. 190-191).

Nagpatuloy siya sa pagsasabing, “Kung hindi mo tatanggapin ang paglalarawan na ito ng iyong sarili…gayon walang pangangailangang makipagtalo tungkol rito, hindi ka lang isang Kristiyano…hindi ka pa nakumbinsi at napatunayang nagkasala ng kasalanna, at hindi ka isang mananampalataya ni Kristo, kahit na maaring naisip mo na ikaw nga ay ganito. Kung ikaw sa kahit anong paraan ay tumututol rito, ikaw ay kusang naglalagay ng iyong sarili sa labas ng Kristiyanong pananampalataya. Ang paglalarawan na ito ng tao sa kasalanan ay ang simpleng katotohanan, ang teribleng katotohanan” (Isinalin mula sa ibid., pah. 214).

Sinabi ni Arthur W. Pink, “Napakalayo mula sa pagiging lamang isang ‘impermidad,’ ang nanininirahang kasalanan ay isang nakapandidiring sakit” (Ang Ganap na Kasamaan ng Tao Isinalin mula sa Man’s Total Depravity, Moody Press, 1981). Ang sakit ng kasalanan ay mayroong ganoong kapit sa iyo na ayaw mong magpunta kay Kristo. Hindi ka magpupunta sa Kanya dahil ayaw mo Siya. Ikaw isang alipin sa kasalanan na wala kang gustong kinalaman kay Kristo!

Maari mong sabihin, “Ngunit nagpupunta ako sa simbahan. Hindi ba niyan ipinapakita na ako’y ayos lang?” Hindi, hindi nito ipinapakita iyan! Ipinapakita niyan na ikaw ay nagpupunta dahil sa isang makasariling motibo. Harapin natin ito. Ikaw hindi narito dahil gusto mo si Kristo. Ikaw ay narito dahil gusto mong nasa isang grupo ng masasayang mga kabataan. Gusto mo ang mga tao rito, dahil ayaw mo kay Kristo! Ngayon, hinihingi ko sa iyong ika’y maging tapat sa iyong sarili. Totoo iyan hindi ba? Maaring mayroong magsabi, “Oo, totoo iyan. Kaya hindi na ako magpupunta. Magiging tapa ako at hindi na ako magpupunta.” Ngunit pinapatunayan lamang niyan na mas higit pa ang sinabi ko!

Pinapatunayan pa nitong higit na ayaw mo kay Kristo! Pinapatunayan pa nitong higit pa na ika’y nakatali at nakagapos ng kasalanan – na ang kasalanan ay mayroong ganap na kapangyarihan sa iyo. Ika’y pinamamahalaan ng kasalanan. Gaya ng paglagay nito ni Apostol Pablo, ika’y “nangasa ilalim ng kasalanan.” Hindi nakapagtataka na hindi ka pa nagpupunta kay Kristo! Di nakapagtataka na sinsasabi sa iyo ni Kristo, “Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.” Ayaw mo si Kristo. Ayaw mo ng buhay. Gusto mo nga kasalanan. Sinabi ni Hesus, “inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw” (Juan 3:19). Hanggang sa iyong aminin sa iyong sarili na wala talagang kahit anong pag-asa para sa iyo. Dapat kang maging may pagkakamalay nito. Dapat mong sabihin sa iyong sarili, “Oo, ito’y totoo. Iniibig ko ang kadiliman kay sa ang ilaw. Iniibig ko kung paano ako, at ayaw kong maligtas ni Hesus! Hindi nakapagtataka na sinasabi ni Kristo,

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

II. Pangalawa, anong nangyayari doon sa mga hindi nagpupunta kay Hesus.

Natatandaan kong mahusay kung anong nangyari sa akin. Isinusulat ko ang kwento ng aking buhay kaya ito’y nasa aking isipan kamakailan lang.

Sa una akala ko na ang pagpupunta sa simbahan ay ang lahat na kailangan ko. Ang mga tao sa kabilang bahay ay dinala ako kasama ng kanilang anak sa Unang Bautistang Simbahan ng Huntington Park, California. Nagpatuloy akong magpunta sa simbahan dahil gusto kong nakakasama iyong mga palakaibigang mga tao. Walang ibang dahilan. Gusto ko ito. Iyon lang.

Nagtataka ako kung hindi iyan ang dahilan na ika’y nagpupunta sa simbahan. Natutuwa ka sa karanasan— walang nang iba. Iyan ay maaring tumagal ng mahabang panahon. Ngunit maaga o maya-maya hindi na ito magiging sapat. Kung hindi ka magpupunta kay Hesus, pagkatapos ng ilang panahon hindi ka na masisiyahan sa panlabas na kaligayahan na mahahanap mo sa pagpupunta sa simbahan. Mayroong mangyayari sa iyo gagawa sa iyong di masisiyahan sa simpleng pagpupunta lamang sa simbahan.

Mayroong masamang mangyayari sa simbahan. Dahil walang simbahan ay ganap, makakakita ka o makaririnig ka ng isang bagay na gugulo sa iyo. Nagsimula kong sabihin, “Maari kang makakita o makarinig ng isang bagay na makagugulo sa iyo.” Ngunit binago ko ito na, “Makakakita ka o makaririnig ka ng isang bagay na makagugulo sa iyo.” Ito’y takdang mangyayari. Ito’y palaging takdang mangyayari. Walang isang tao sa platapormang ito na kasama ko na hindi lubos na nagulo ng isang bagay na nakita nila sa simbahan na ito. Ngunit narito pa rin sila. Gayon ang iba, na nakakita ng mga parehong mga bagay, ay nagsihiwalay at humintong magpunta. Sila’y inilarawan sa parabula ng maghahasik,

“Ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13).

Sinabi ni Dr. R. C.H. Lenski, “ang temptasyon sa isang anyo ay takdang darating sa bawat mananampalataya” (sulat sa Lucas 8:13). Ngunit iyong mga naka-ugat kay Kristo ay hindi nagsisihiwalay. Iyong mga naka-ugat kay Kristo ay hihiwalay kapag sila’y susubukan ng isang kahirapan. Bakit sila humihiwalay mula sa simbahan? Ito’y dahil wala silang “buhay” ni Kristo sa kanilang mga kaluluwa!

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40)

ay pinatunayan ng katunayan na umaalis sila ng simbahan pagkatapos ng ilang panahon.

Nakilala ko ang mga taong nagpunta sa simbahan isa pagkatapos ng isa. Ngunit sila’y di kailan man nakontento. Lagi silang nakahanap ng isang pagkukulang. Ngunit hindi nila kailan man natanto na ang pangunahing pagkukulang ay ang kanilang sarili. Sa kanila sinasabi ni Kristo,

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

III. Pangatlo, iyong mga nagpupunta kay Hesus.

Iyong mga nagpupunta kay Hesus ay iyong mga nadadala sa Kanya sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Bilang isang binata dumaan ako sa isang tunay na teribleng “paghihiwalay” ng simbahan sa Unang Bautistang Simbahan ng Huntington Park. Hindi ko ito mailarawan lahat sa maikling pangaral na ito. Ito’y sapat na sabihin na ito’y terible. Dinakma ng mga tao ang isa’t-isa at nag-away na tulad ng mga hayop sa isang umaga ng Linggong paglilingkod. Nagtapos sila ng mga himnong aklat sa isa’t-isa. Nagsabi at gumawa sila ng mga bagay na masyadong terible upang banggitin sa isang simbahang paglilingkod. Nakita ko ang lahat ng mga ito bilang isang di ligtas na binata. Gayon narito pa rin ako, nangangaral sa inyo, pagkatapos ng limampung taon maya-maya. Sa tinging ko ang lahat ng ibang mga kabataan ay nagsihiwalay na. Bakit ako narito pa rin? Hindi ako nanggaling mula sa isang Kristiyanong tahanan. Bakit ako rito pa rin? Ang nag-iisang paraan na maipapaliwanag ko ito ay sa pagsisipi mula sa Mga Taga Efeso 1:4, “[pinili niya tayo] sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan.” Ito’y walang kabutihan sa akin na nagligtas sa akin. Ito’y ang Diyos na pumili sa akin! Ito’y lahat sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos!

Nakamamanghang biyaya! napakatamis ng tunog,
Na nagligtas sa isang sirang tulad ko!
Ako’y minsan nawawala, ngunit ngayon nahanap na,
Noon ay bulag, ngunit ngayon ay nakakakita na.

Sa pamamagitan ng maraming mga panganid, mga pagpapasakit mga umang,
Ako’y nagpunta na;
Ito’y biyaya na nagdala sa aking ligtas hanggang ngayon,
At biyaya ang gagabay sa aking pauwi.
   (“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa
      “Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).

Nagsimula kong ibighin sai Hesys bago ko Siya pinagkatiwalaan. Ang iba ang naglolokohan sa simbahan, ngunit ako’y isang walang tahanang batang lalake, walang amang batang lalake. Sa una akala ko maari kong iligtas ang aking sarili sa pamamagitan ng pagiging mabuti. Ngunit hindi ako maaring maging mabuting sapat. Sa wakas, sa isang sandali ng oras, nagpunta ako kay Hesu-Kristo Mismo – o mas maiigi pa, Siya’y nagpunta sa akin. Iniligtas Niya ako at nilinis Niya ako mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo!

Nakahanap ako ng isang kaibigan, o isang ganoong kaibigan!
   Inibig Niya ako bago ko Siya nakilala;
Hinatak Niya ako gamit ng mga tali ng pag-ibig.
   At gayon ay itinali Niya ako sa Kanya.
At sa paligid ng aking puso ay mahigpit na nakapalupot
   Iyong mga tali ay walang anumang makapuputol,
Dahil ako’y sa Kanya at Siya’y akin,
   Magpakailan man at magpagkailan man.

Nakahanap ako ng isang kaibigan, o isang ganoong kaibigan!
   Nagdugo Siya, namatay Siya upang iligtas ako;
At hindi nag-iisa ang regalo ng buhay,
   Kundi ang Kanyang sarili ibinigay Niya sa akin;
Wala anumang mayroon ako na tinatawag kong akin,
   Hinahawakan ko ang mga ito para sa Tagabigay;
Ang aking puso, aking lakas, aking buhay, aking lahat
   At sa Kanya, at sa Kanyag magpakailan man.
(“Nakahanap Ako ng isang Kaibigan.” Isinalin mula sa
      “I’ve Found a Friend” ni James G. Small, 1817-1888).

Iniibig Kita, dahil inibig Mo ako muna,
   At binili ang aking pagpapatawad sa puno ng Kalbaryo;
Iniibig Kita dahil sa pagsusuot ng mga tinik sa Iyong noo;
   Kung kailan man iniibig Kita, Aking Hesus ito’y ngayon.

Iniibig Kita sa buhay, iniibig Kita sa kamatayan,
   At pupurihin Ka hanggang sa pinahihiram Mo ako ng hininga;
At sasabihin kapag ang mga katas ng kamatayan ay nasa aking malamig na noo,
   Kung kailan man iniibig Kita, Aking Hesus ito’y ngayon.
(“Aking Hesus, Iniibig Kita.” Isinalin mula kay
      “My Jesus, I Love Thee” ni William R. Featherstone, 1842-1878).

O, minamahal kong mga kabataan, nagmamakaawa ako sa inyo na ibigin ang aking Tagapagligtas, si Hesus! Nagdugo Siya para sa iyo sa Krus upang gawin kang malinis at maging nararapat sa Langit. Magpunta ka kay Hesus at ibigin Siya at magtiwala sa Kanya. Magpunta kay Hesus at bibigyan ka Niya ng walang hanggang buhay at walang hanggnag kaligayahan! Siya’y buhay! Siya’y buhay! Siya’y nasa pangatlong langit, nakaupo katabi ng Diyos ang Ama. Siya’y buhay! Magpunta sa Kanya. Magtiwala sa Kanya! Iniibig ka Niya!

Umiibig Siyang napakatagal, Umiibig Siyang napakahusay,
   Iniibig ka Niya higit sa masasabi ng dila;
Umiibig Siyang napakatagal, Umiibig Siyang napakahusay,
   Namatay Siya upang iligtas ang iyong kaluluwa mula sa Impiyerno.
(“Iniibig Ka Niya Pa Rin.” Isinalin mula sa “He Loves You Still”
      ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Ama, panalangin ko na mayroon rito ngayong umaga na magpunta sa Iyong Anak, si Hesus, at maligtas magkailan man at magkapakailan man. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Juan 5:33-40.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Higit na Pag-ibig sa Iyo.” Isinalin mula sa
“More Love to Thee” (ni Elizabeth P. Prentiss, 1818-1878).


ANG BALANGKAS NG

ANG NAKABIBIGAY NA BUHAY NA TAGAPAGLIGTAS!

THE LIFE-GIVING SAVIOUR!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay”
(Juan 5:40).

(Juan 5:26; 10:10; 3:36)

I.   Una, bakit hindi ka pa nagpunta kay Hesus, Mga Taga Efeso 2:3, 5; Mga Taga Roma 3:9; Juan 3:19.

II.  Pangalawa, anong nangyayari doon sa mga hindi nagpupunta kay Hesus, Lucas 8:13.

III. Pangatlo, iyong mga nagpupunta kay Hesus, Mga Taga Efeso 1:4.