Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI HESU-KRISTO MISMO

JESUS CHRIST HIMSELF
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-12 ng Abril taon 2015


Ito’y isang dakilang araw para sa aking asawang si Ileana at ako. Parehong aming mga kaarawan at ipinagdiriwang ngayon. Sa pinaka araw na ito, Abril 12, ay ang aking ika pitom pu’t apat na kaarawan. Ngayon rin ang limampu’t pitong anibersaryo ng aking pagkatawag sa pangangasiwa noong taong 1958. Ngunit, higit sa lahat, ito ay isang dakilang araw para sa ating simbahan. Saktong apat na pung taon ang nakalipas sinimulan ko ang simbahang ito na mayroon lamang anim o pitong mga kabataan sa aking apartment, sa sulok ng Westwood at Wilshire Boulevard, kaunting bloke lamang mula sa UCLA, ang dakilang unibersidad ng Kanlurang Los Angeles. Dalawang tao lamang ang narito pa rin ngayon, si Gg. John Cook at ako. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, si John at ako ay narito pa rin ngayong umaga – apat na pung taon maya-maya. Naway si Hesu-Kristo ay mapuri!

Ang simbahang ito ay dumaan sa apat na pung taon ng pagsubok. Gaya ng mga anak ng Israel ay gumugol ng apat na pung taon sa kagubatan, gayon din ang simbahan na ito ay dumaan sa maraming mga paghihirap, maraming mga kaguluhan, at higit na kagipitan. Magsasalita pa ako ng higit tungkol riyan mamayang gabi. Ngunit narito tayo ngayon, isang dakilang nangangaral ng Ebanghelyong simbahan sa pambayang sentro ng bayan ng Los Angeles. At alam natin ngayon, na sa lahat ng ating mga masklap na karanasan, ang Diyos ay kasama natin at nabigyan tayo ng isang dakilang tagumpay upang magdiwang ngayon, sa ika apat na pung anibersaryo ng ating simbahan! Naway si Hesu-Kristo ay mapuri!

Si Pastor Roger Hoffman ay nagsalita sa aming panalanging paglilingkod kagabi. Siya’y magsasalita muli ngayong gabi sa aming anibersaryong pagdiriwang. Ngunit si Pastor Hoffman ay tumanggi noong hiniling ko siyang mangaral ngayong umaga. Sinabi niya, “Dr. Hymers, gusto kitang madinig na mangaral sa umaga ng Linggo.” Tapos, habang ako’y nanalangin tungkol sa kung anong dapat kong sabihin, ako’y nadalang ipangaral ang isang pangaral na ibinigay ko sa isa pang Bautistang simbahan noong Agosto ng 2010. Paki lipat kasama ko sa aklat ng Mga Taga Efeso, kapitulo dalawa. Ito’y nasa pahina 1251 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Tumayo habang aking basahin ang Mga Taga Efeso 2:19, 20.

“Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios; Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus [mismo] din ang pangulong bato sa panulok” (Mga Taga Efeso 2:19, 20) – [KJV].

Maari nang magsi-upo.

Dito sa mga bersong ito sinasabi ni Apostol Pablo sa atin na ang simbahan ay ang pamamahay ng Diyos. Tapos sinasabi niya sa atin na ang simbahan ay naitayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta, ngunit si Kristo Hesus Mismo ang “pangulong bato sa panulok.” Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee ang ibig sabihin nito na “si Kristo ang bato sa kung saan ang simbahan ay naitayo” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Kabuuan V, Thomas Nelson, pah. 241; sulat sa Mga Taga Efeo 2:20). Si Hesu-Kristo Mismo ay ang pundasyon ng lahat ng ating gawain, at lahat ng ating mga buhay. “Si Hesu-Kristo mismo” ay ang pinaka pundasyon ng ating simbahan. Itinataas ko ang mga salitang iyon mula sa katapusan ng Mga Taga Efeso 2:20 bilang ang ating teksto ngayong umaga.

“Cristo Jesus [mismo]” (Mga Tag Efeso 2:20) – [KJV].

Si Hesu-Kristo Mismo ay ang paksa ng pangaral nsa ito. Ang Kristiyanong pananampalataya ay naglalaman ng walang napaka mamangha gaya ni Hesu-Kristo Mismo. Hindi pa kailan man noon at di pa kailan man ngayon na magkakaroon ng kahit ibang tulad ni Hesu-Kristo. Siya ay ganap na walang katulad sa kasaysayan ng tao. Si Hesu-Kristo Mismo ay ang Diyos tao. Si Hesu-Kristo Mismo ay bumaba mula sa Langit at nabuhay kasama ng mga tao. Si Hesu-Kristo Mismo ay nagdusa, dumugo at namatay para sa ating mga kasalanan. Si Hesu-Kristo Mismo ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay para sa ating pagpapatunay. Si Hesu-Kristo Mismo ay umakyat pabalikl sa kanang kamay ng Diyos upang mamagitan sa atin sa panalangin. Si Hesu-Kristo Mismo ay babalik mula upang itayo ang Kanyang Kaharian sa lupa sa loob ng isang libong taon. Iyan si Hesu-Kristo Mismo! Tumayo at kantahin ang koro na iyon!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang iba kundi Siya,
Tapos ang aking kanta magpakailan man ay –
   Hesus! Hesus lamang!
(“Hesus Lamang, Hayaan Akong Makita.” Isinalin mula sa
      “Jesus Only, Let Me See” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986).

Maari nang magsi-upo.

Ang paksa ng Hesu-Kristo Mismo ay napaka lamlim, napaka lawak, at napaka importante na hindi natin kailan man maipapaliwanag ito sa isang pangaral. Maari lamang nating mahawakan ang kaunting punto ngayong umaga patungkol kay Hesu-Kristo Mismo.

I. Una, si Hesu-Kristo Mismo ay hinamak at itinakuwil ng mga tao.

Ang ebanghelikal na propetang Isaias ay ginawa itong malinaw noong sinabi niyang,

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaiah 53:3).

Sinabi ni Dr. Torrey, “Ang pagkabigong [magkaroon] ng pananampaltaya kay Hesu-Kristo ay hindi isang kasawiang palad, ito’y isang kasalanan, isang mabigat na kasalanan, isang nakapanlulumong kasalanan, isang nakapipinsalang kasalanan” (Isinali mula kay R. A. Torrey, D. D., Paano Magtrabaho Para kay Kristo [How to Work for Christ], Fleming H. Revell Company, n.d., pah. 431). Ang propetang si Isaias ay inilarawan ang kasalanan ng paghahamak at pagtatakwil kay Kristo, ang panloob na kasamaan ng nagsasanhi sa mga nawawalang mga tao upang itago ang kanilang mga mukha mula kay Kristo. Ang pinaka dakilang patunay sa lubos na kasamaan ng tao ay nag-iisip sila ng napaka kaunti patungkol kay Hesu-Kristo Mismo. Ang pinaka dakilang patunay na ang nawawalang sangkatauhan ay nararapat ng walang hanggang kaparusahan sa lawa ng apoy ay kanilang sadya at patuloy na pagtatago ng kanilang mga mukha mula sa Kanya.

Sa isang di napagbagong loob na kalagayan ang mga kalalakihan ay hinahamak si Hesu-Kristo Mismo. Sa kanilang kalagayan ng lubos na kasamaan, hindi nila pinapahalagahan si Hesu-Kristo Mismo. Hanggang sa ika’y matusok sa iyong konsensya, hanggang sa iyong maramdamang napatunayang nagkasala ng iyong mga kasalanan, hanggang sa iyong maramdaman ang iyong puso ay patay tungo sa Diyos, ika’y magpapatuloy na hamakin at itakwil si Hesu-Kristo Mismo.

Sa ating simbahan makikita namin iyang nangyayari sa silid ng pagsisiyasat, pagkatapos ng mga pangaral. Nadirinig namin ang mga taong nagsasabi ng maraming mga bagay. Magsalita tungkol sa mga berso ng Bibliya. Nagsasalita sila tungkol sa “pagtatanto” ng bagay na ito o bagay na iyan. Nagsasabi sila ng mga bagay tungkol sa anong nadama nila at anong ginawa niya. Karaniwan ay nagtatapos sila sa pagsasabing, “Tapos ako’y nagpunta kay Hesus.” Iyan lang! Hindi sila makapagsabi ng isa pang bagay tungkol kay Hesus! Wala silang ibang bagay na masasabi tungkol kay Hesu-Kristo Mismo! Paano silang posibleng ligtas?

Dakilang si Spurgeon ay nagsabi, “Mayroong isang sirang kaugalian sa mga tao na iwan si Kristo mismo mula sa ebanghelyo” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Sa Paligig ng Maliit na Tarangkahan [Around the Wicket Gate], Pilgrim Publications, 1992 inilimbag muli, pah. 24).

Ang pagkakaalam ng plano ng kaligtasan ay hindi magliligtas sa iyo! Ang pagtututo ng higit pa sa Bibliya ay hindi makaliligtas sa iyo! Ang pagdirinig sa higit pang mga pangaral ay hindi magliligtas sa iyo! Ang pagkakadama ng kalungkutan para sa iyong mga kasalanan ay hindi makaliligtas sa iyo! Hindi ito nagligtas kay Hudas, hindi ba? Ang pag-lalaan ng iyong buhay ay hindi magliligtas sa iyo! Ang iyong mga luha ay di magliligtas sa iyo! Walang makatutulong sa iyo hangga’t ika’y madalang tumigil sa paghahamak at pagtatakwil kay Hesu-Kristo – hanggang sa ika’y tumigil sa pagtatgo ng iyong mukha mula sa Kanya – hanggang sa ika’y madala kay Hesu-Kristo Mismo! Kantahin ito muli!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang iba kundi Siya,
Tapos ang aking kanta magpakailan man ay –
   Hesus! Hesus lamang!

Maari nang magsi-upo.

II. Pangalawa, si Hesu-Kristo Mismo ay ang sentral na tema ng buong Bibliya.

Hindi ba di makatuwiran para sa aming sabihin sa iyo na si Hesu-Kristo Mismo ay dapat maging sentral sa iyong isipan? Hindi, hindi ito makatuwiran. Bakit, pag-isipan ito, si Hesu-Kristo Mismo ay ang dakilang tema ng buong Bibliya – mula sa Genesis hanggang sa Apocalipsis! Pagkatapos na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay nakipagtagpo Siya sa dalawang mga disipolo na naglalakad patungong Emmaus. Ang sinabi Niya sa kanila ay magagamit rin ngayon.

“At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta! Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:25-27).

Mula sa limang mga aklat ni Moses, at sa buong natitira ng Bibliya, ipinaliwanag ni Kristo sa kanila “ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.” Ano pa kayang mas sisimple pa? Ang pangunahang tema ng buong Bibliya ay si Hesu-Kristo Mismo! Dahil si Hesu-Kristo Mismos ay ang pangunahing paksa ng Bibliya, hindi makatuwiran sa iyong gawin si Hesu-Kristo Mismo bilang pangnahing paksa ng iyong mga kaisipan at ng iyong buhay? Sinasabi ko sa iyo, pag-isipang lubos ngayong umaga ang tungkol kay Hesu-Kristo Mismo! Kantahin ito!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang iba kundi Siya,
Tapos ang aking kanta magpakailan man ay –
   Hesus! Hesus lamang!

Naniniwala ako na ang pagkakakilala kay Hesu-Kristo Mismo, sa isang tunay na pagbabagong loob, ay ang pinaka mahalagang bagay na mangyayari sa iyo kailan man. Kung tunay mong pagkakatiwalaan si Hesu-Kristo Mismo kakailanganin mo ng napakakaunting pagpapayo. Naniniwala ako na ang tunay na pagkaalam kay Hesu-Kristo ay aalisin ang pangangailangan ng 90% ng lahat ng mga Kristiyanong pagpapayo! Kapag ang nalalaman ng tayo si Kristo, sa isang tunay na pagbabagong loob, matatagpuan niya na si Kristo,

“...ay ginawang [sa kanyang] karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan” (I Mga Taga Corinto 1:30).

Kung aalisin natin ang lahat ng mga “desisiyonismo” sa ating mga simbahan, kung sinigurado natin na ang mga tao ay lubos na napagbagong loob kay Kristo, di na kakailanganin ang 90% ng mga pagpapayo na ginagawa sa mga simbahan ngayon! Hayaan si Hesu-Kristo Mismo ang maging taga-pagpayo! Kantahin ito!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang iba kundi Siya,
Tapos ang aking kanta magpakailan man ay –
   Hesus! Hesus lamang!

III. Pangatlo, si Hesu-Kristo Mismo ay ang diwa, ang sentral na elemento, ang pinaka puso ng Ebanghelyo.

Ang propetang si Isaias ay nagsalita patungkol kay Hesu-Kristo Mismos bilang ang puso ng Ebannghelyo,

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).

“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasaaan nating lahat.” Ang bikaryong, nagbabayad na kamatayan ni Kristo, sa iyong lugar, nagbabayad ng halaga at pinagdurusahan ang poot ng Diyos sa iyong lugar – iyan ang puso ng Ebanghelyo! Ito’y si Hesu-Kristo Mismo tinatanggap ang iyong mga kasalanan sa Kanyang sarili sa kadiliman ng Gethesmani. Ito’y si Hesu-Kristo Mismo sa Hardin, na nagsabi,

“Ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan” (Marcos 14:34).

Ito’y si Hesu-Kristo Mismo,

“nang siya'y nanglulumo…pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Ito’y si Hesu-Kristo Mismo na inaresto doon sa Hardin ng Gethsemani. Ito’y si Hesu-Kristo Mismo na kinaladkad sa harap ng Sanhedrin, binugbog sa mukha, kinutya at pinahiya. Dinuraan nila ang mukha ni Hesu-Kristo Mismo! Hinatak nila ang mga pats eng buhok mula sa balbas ni Hesu-Kristo Mismo. Ito’y si Hesu-Kristo Mismo na dinala kay Pontiu Pilato, binugbog sa kanyang likuran gamit ng isang Romanong pagbubugbok, pinutungan ng mga tinik, Dugo ay tumutulo sa Kanyang noo sa pinagpalang mukha ni Hesu-Kristo Mismo, ang Kanyang mukha ay nabugbog na hanggang sa di na ito makilala,

“Ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao), (Isaias 52:14).

“At sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).

Ito’y si Hesu-Kristo Mismo na dinala mula sa korte ni Pilato, kinakadladkad ang Kanyang Krus sa lugar ng pagbibitay. Ito’y si Hesu-Kristo Mismo na naipako sa krus sa sinumpang kahoy. Ito’y si Hesu-Kristo Mismo ang nagdusa hindi lamang ng sakit ng mga pako sa Kanyang mga kamay at paa – kundi nagdusa ng isang mas matinding sakit noong “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). Si Hesu-Kristo Mismo “nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24). Sinabi ni Dr. Watts,

Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang kamay, Kanyang paa,
   Pagdurusa at pag-ibig umagos na makahalo pababa:
Ang ganoong pag-ibig ba at pagdurusa ay kailan man nagsama,
   O mga tinik na gawang napaka yaman na isang korona?
(“Kapag Aking Tinitignan ang Nakamamanghang Krus.” Isinalin mula sa
“When I Survey the Wondrous Cross” ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

Tumayo at kantahin ito! Ngayon kantaihin ang koro!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang iba kundi Siya,
Tapos ang aking kanta magpakailan man ay –
   Hesus! Hesus lamang!

Maari nang magsi-upo.

IV. Pang-apat, si Hesu-Kristo Mismo ang nag-iisang pinagkukunan ng walang hanggang kaligayahan.

Kinuha nila ang katawan ni Hesus pababa mula sa Krus at inilibing ito sa isang sinselyuhang libingan. Ngunit sa pangtalong ara, bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay! Tapos nagpunta siya sa mga Disipolo at nagsabi, “Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).

“At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon” (Juan 20:20).

“Ang mga alagad nga’y nangagalak nang makita nila ang Panginoon” (Juan 20:20). Si Hesu-Kristo Mismo ay nagbigay sa kanilang ng kaligayahan “nang makita nilang ang Panginoon.” Hindi mo kailan man malalaman ang malalim na kapayapaan, at kaligayahan hanggang sa iyong makita si Hesu-Kristo Mismo!

O, sinasabi ko sa iyo ngayong umaga – natatandaan ko ang pinaka sandali noong nagtiwala ako kay Hesu-Kristo Mismo! Anong banal na karanasan! Nagmadali ako sa Kanya! O, lalo pa, mukhang Siya’y nagmadali sa akin. Ako’y nahugasang malinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Ako’y ginawang buhay sa pamamagitan ng Anak ng Diyos! Kantahin ang koro!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang iba kundi Siya,
Tapos ang aking kanta magpakailan man ay –
   Hesus! Hesus lamang!

Maari nang magsi-upo.

Magpunta kay Hesu-Kristo Mismo! Huwag mong alisin ang Tagapagligtas mula sa iyong buhay. Huwag mo Siyang alisin sa iyong testimony. Huwag mong gawin ang tinawag ni Spurgeon na “nasirang kaugalian…na alisin si Kristo mismo mula sa ebanghelyo.” Huwag! Huwag! Magpunta na ngayon kay Hesu-Kristo Mismo. Pakinggan ng mabuti ang mga salita habang kinakanta ko ang mga ito.

Bilang ako lamang, na walang isang pagmamakawa,
   Ngunit ang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At na ako’y Iyong tinatawag na magpunta sa Iyo,
   O Kordero ng Diyos, Pupunta na ako! Pupunta na ako!
(“Bilang Ako Lamang.” Isinalin mula sa “Just As I Am”
      ni Charlotte Elliott, 1789-1871).

Si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang banal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Magpuntak kay Hesus. Magtiwala sa Kanya at ililigtas ka Niya mula sa lahat ng kasalanan. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 53:1-6.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Kapag Duraduhin ng Umag ang mga Ulap.” Isinalin mula sa
“When Morning Gilds the Skies” (isinalin mula sa Aleman ni Edward Caswall, 1814-1878).


ANG BALANGKAS NG

SI HESU-KRISTO MISMO

JESUS CHRIST HIMSELF

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Si Hesu-Kristo [Mismo]” (Mga Taga Efeso 2:20) – [KJV].

I.   Una, si Hesu-Kristo Mismo ay hinamak at itinakuwil ng mga tao,
Isaias 53:3.

II.  Pangalawa, si Hesu-Kristo Mismo ay ang sentral na tema ng buong
Bibliya, Lucas 24:25-27; I Mga Taga Corinto 1:30.

III. Pangatlo, si Hesu-Kristo Mismo ay ang diwa, ang sentral na elemento,
ang pinaka puso ng Ebanghelyo, Isaias 53:6; Marcos 14:34; Lucas 22:44;
Isaias 52:14; 53:5; I Ni Pedro 2:24.

IV. Pang-apat, si Hesu-Kristo Mismo ang nag-iisang pinagkukunan ng walang
hanggang kaligayahan, Juan 20:19, 20.