Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGBABAGONG LOOB NI PEDROTHE CONVERSION OF PETER ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinalangin ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:31-32) – KJV. |
Kamakailan lang na nangaral ako ng isang serye ng tatlong mga pangaral kay Kristo na nagpupunta sa Jerusalem upang mamatay. Ang mga ito ay naka hyperlink rito para sa madaling pagkakuha – “Determinadong Magdusa,” “Ang Takot ng mga Disipolo;” at “Ang Kasabihan ay Naitago mula sa Kanila.” Ang una sa mga ito ay panimula. Ang pangalawa at ang pangatlo ay nakasentro sa takot at di paniniwala ng mga Disipolo. Ito’y malinaw na ang mga Disipolo ay di nanampalataya sa Ebanghelyo hanggang sa si Kristo ay bumangon sa pagkamatay. Sinabi ni Kristo,
“Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya'y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw. Nguni't hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya” (Marcos 9:31-32).
Nagkukumento sa “Hindi nila naunawa ang sabing ito [ng Ebanghelyo] at takot na tanungin siya,” sinabi ni Dr. A. T. Robertson,
Nagpatuloy nilang hindi maintindihan. Sila’y mga agnostiko [di nananampalataya] sa paksa ng kamatayan ni [Kristo] muling pagkabuhay kahit pagkatapos ng Pagbabagong Anyo…Habang sila’y pababa sa bundok sila’y nalito muli sa pagtukoy sa kanyang muling pagkabuhay (Marcos 9:10). Ang Mateo 17:23 ay nagsusulat na “sila'y lubhang nangamanglaw” na marinig si Hesus na magsalita [tungkol sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay] ngunit idinagdag ni Marcos na sila’y “nangatakot […] magsipagtanong sa kaniya” (Isinalin mula kay A. T. Robertson, Litt.D., Salitang mga Larawan sa Bagong Tipan, [Word Pictures in the New Testament] Broadman Press, 1930, kabuuan I, pah. 344; sulat sa Marcos 9:32).
Malinaw na ipinapakita nito na hindi pinaniwalaan ng mga Disipolo ang Ebanghelyo ni Kristo hanggang sa pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay.
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee ang mga Disipolo ay di naipanganak muli (pabagbagong loob) hanggang sa kanilang nakatagpo ang bumangong si Kristo sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay. Sinabi ni Dr. McGee, “Personal kong pinaniniwalaan na sa sandaling si Kristo ay huminga sa kanila [Juan 20:22] ang mga kalalakihang ito ay napabagong loob. Bago nito, hindi sila pinaninirahan ng Espiritu ng Diyos” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, kabuuan IV, pah. 498; sulat sa Juan 20:21).
Base sa aking pag-aaral ng mga Kasulatan, ako rin ay kumbinsido na si Simon Pedro ay di naipanganak muli at di napagbagong loob hanggang sa kanyang nakatagpo ang bumangong si Hesus sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay. Pansinin muli ang teksto,
“Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinalangin ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:31-32) – KJV.
Nakuha na ni Satanas si Hudas, “At pumasok si Satanas kay Judas” (Lucas 22:3). Ngayon, sinasabi ni Hesus kay Pedro, “hiningi ka ni Satanas [rin] upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo” (Lucas 22:31). Sa loob ng pagdurusa ni Kristo, si Pedro ay daraan sa “biyolente at walang tigil na panginginig” tulad ng isang salain (Isinalin mula kay Dr. R. C. H. Lenski). Si Pedro ay mayroong ilang pananampalataya, at si Kristo ay nanalangin na kung anong pananampalataya ang mayroon siya ay “hindi mabigo.” Ang pananampalataya ni Pedro ay ang tinawag ni Spurgeon na, “pananamapalataya bago ng pananampalataya,” iyan ay, isang pagpapaliwanag bago ng pagbabagong loob. Pinailawan na ng Diyos si Pedro, binibigyan siya ng sapat na pananampalataya upang sabihin, “Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:16). Ngayon si Kristo ay nanalangin para kay Pedro na ang kanyang nagsisimulang pananampalataya ay hindi masinghot paalis ni Satanas bago siya mabuhay muli at mapagbagong loob sa gabing Pasko ng Pagkabuhay,
“At ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – KJV.
Hindi ito ang karaniwang interpretasyon ng berso. Gayon sa tingin ko ito’y totoo. Paki-usap ko na pagtiisan ako hanggang sa huli, bago mo husgahan ang aking konklusyon. Narito ay tatlong mga punto na nagdadala sa aking paniwalaan na si Kristo, sa ating teksto, ay tumutukoy sa muling pagkabuhay ni Simon Pedro sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay.
I. Una, ang bersong ito ay tumutukoy sa pagbabagong loob ni Pedro, dahil tamang isinalin ng Haring Santiagong Bibliya at ng 1599 na Geneva na Bibliya ang Griyegong salita na “napagbagong loob.”
Alam ko na ang NIV ay isinasalin ito bilang “pagbabalik muli” at ang NASV ay isinasalin itong “bumalik muli.” Ngunit nagulo ako niyan. Mukhang ito’y salungat, dahil ang ugat ng salita sa Griyego ay pareho sa Mga Gawa 15:3, na tumutukoy sa “pagbabagong loob ng mga Gentil” (tignan ang NIV at NASV, na parehong nagsasabing “pagbabagong loob”). Bakit ang mga Griyegong salitang “epistrephō,” “epistrophe,” kani-kaniya, ay maisaling “maibalik” sa Lucas 22:32 at “napagbagong loob” sa Mga Gawa 15:3? Sa tingin ko ang dahilan ay simpleng sapat – ito’y halata na ang mga Gentil sa katunayan ay “napagbagong loob.” “Pagbalik” ay hindi sapat. Ngunit noong ang mga makabagong tagapagsalin ay dumating kay Pedro sa Lucas 22:32 ang kanilang bagong ebanghelikal at “desisyonistang” pagpapalagay ay hindi makapapayag sa kanilang gamitin ang lumang KJV at 1599 na Geneva na Bibliyang salitang, “napagbagong loob.” Para sa akin ang makabagong bersyon ay isang mahinang kaluwagan kaysa isang nararapat na pagsasalin. Sinabi ni Dr. Bernard Ramm, “Ang Hermenutiko ay isang siyensya at sining ng Biblikal na interpretasyon” (Isinalin mula kay Bernard Ramm, Ph.D., Ang Protestanteng Biblikal na Interpretasyon [Protestant Biblical Interpretation], Baker Book House, 1970 edisiyon, pahina 1). Sinabi ni Dr. Ramm, “Iprinoklama ng mga Taga Reporma na ang Kasulatan ay nagpapakahulugan sa Kasulatan.” Isa sa mga prinsipyo ng hermenutiko ay ang hayaan ang Kasulatan na pakahulugahan ang Kasulatan.
Kung isasalin ng mga eskolar ang “pagbabagong loob ng mga Gentil” sa Mga Gawa 15:3, gayon dapat rin nilang isalin ang Lucas 22:32 “kung [mapagbagong loob] ka[…], gaya ng mas maaasahang isinaling 1599 Genevang Bibliya at Haring Santiagong Bibliya! Kahit si Haring Santiago ay namali ito. Ginamit nila ang “pagbabagong loob” para sa mga Gentil, ngunit “bumalik” para kay Pedro sa Lucas 22:32. Muli, ito ang dahilan na lagi akong nangangaral mula sa Haring Santiagong Bibliya! Upang sabihin sa ibang salita si Moody, ang KJV ay naglalagay ng matinding ilaw sa mga makabagong pagsasalin! Natagpuan ko itong totoo muli’t muli.
“Ikaw ay [ipinalangin] ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – KJV.
Kaibigan ko, hindi lang mga Gentil ang kailangang mapagbagong loob! Ito’y si Pedro rin! Hindi lang mga ito mga tao sa kalye ang kailangang mapagbagong loob. O hindi, mayroong mga tao sa simbahang ito, dito ngayong gabi, na kailangang mapagbagong loob, hindi lang “bumalik muli”! Mapagbagong loob! Sinabi ni Hesus, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Dapat kang mabuhay muli at mapagbagong loob o “hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:5).
“At ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – KJV.
II. Pangalawa, ipinapakita ng bersong ito na walang napagbabagong loob sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus, pagbibinyag, o kahit Banal na Pagpapaliwanag.
Iyan ang pangalawang aral na matututunan natin sa pagbabagong loob ni Pedro. Ang mga Romanong mga Katoliko at maraming mga “desisiyonista” Bautista at Protestante ay nag-iisip na si Pedro ay napagbagong loob noong sinunod niya si Hesus. Sinasabi ng Bibliya,
“Pagdaraan sa tabi ng dagat ng Galilea, ay nakita niya si Simon at si Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya. At sinabi sa kanila ni Jesus, Magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya” (Marcos 1:16-18).
Kung iisipin na ang mga Disipolo ay naligtas sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus ay isang pagkakamali ng Pelagianismo, at ito’y isang karaniwang pagkakamali ng maraming mga simbahan ngayon. Oo, si Pedro at Andrew ay “iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya” (Marcos 1:18). Ngunit hindi tayo napagbabagong loob ng kahit anong makataong pag-gawa tulad niyan. Si Hudas ang “ang anak ng kapahamakan ng kaluluwa,” ay sinundan rin Siya, ngunit siya ay di napagbagong loob. Tinawag siya ng Ebanghelyo ni Lucas na “si Judas Iscariote na naging lilo” (Lucas 6:16). Tinawag siya ni Hesus, “isang diablo” (Juan 6:70).
Oo, si Hudas at Pedro ay sumunod kay Hesus sa loob ng tatlong taon, ngunit ni isa sa kanila ay naniwala sa Ebanghelyo. Pakinggan ang Lucas 18:31-34,
“At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:31-34).
“Ang sabing ito ay nalingid sa kanila.” Anong “sabi”? Ang mga salita ng Ebanghelyo, na si Kristo ay papatayin at babangon mula sa pagkamatay sa pangatlong araw. Si Pedro at Hudas ay gumawa ng isang “desisyon” upang sundin si Kristo, ngunit ang Ebanghelyo pa rin ay “naitago mula sa kanila.” Sinabi ni Dr. Charles C. Ryrie, “Si Hudas ay isang halimbawa ng isang di ligtas na disipolo ni Kristo” (Isinalin mula sa Ryrie Pag-aaral na Bibliya; sulat sa Mateo 10:1). Ngunit bakit hihinto kay Hudas, dahil si Pedro rin ay iniwanan si Hesus? Ni isa sa kanila ang nakaintindi sa Ebanghelyo. Ito’y “naitago mula sa kanila” (Lucas 18:34).
Kaibigan ko, maari kang “magpunta sa harap” sa isang paglilingkot at maging di naipanganak muli. Maari kang magpasiyang sundin si Kristo at di pa rin napagbagong loob. Maari mo pa ngang sabihin ang “panalangin ng makasalanan” at maging di pa rin ligtas. Bakit? Dahil ang lahat ng mga ito ay gawain ng tao, hindi tayo napagbabagong loob sa pamamagitan ng gawain ng tao! Sinasabi ng Bibliya,
“Sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:8-9).
Sinasabi ng Bibliya,
“Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo; Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas” (Titus 3:5-6).
Hindi ka maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus, o sa kahit anong ibang mga makataong gawain. Ako mismo ay sumubok na maligtas sa ganoong paraan, ngunit hindi ito umubra. Ako’y isang Bautistang mangangaral sa loob ng lampas sa tatlong taon bago ako iniligtas ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya! Tapos ako’y nadala kay Kristo sa pamamagitan ng Diyos, at nahugasang malinis mula sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo.
“Ngunit,” mayroong nagsasabi, “Si Pedro ay nabinyagan.” Oo, alam ko. Gayon din si Hudas. Ako rin ay nabinyagan – pitong taon bago ako napagbagong loob! “Ngunit,” sinasabi ng isa pa, “si Pedro ay mayroong pananampalataya upang sabihin, ‘Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay’ (Mateo 16:16) – at sinabi ni Hesus na ‘inilantad ito ng Diyos sa kanya” (Mateo 16:17). Oo, alam ko. Inilantad rin ng Diyos na si Hesus ay Kristo sa akin, bago pa ako napagbagong loob. Pansinin rin na naglantad ang Diyos ang higit na ito tungkol kay Hesus sa mga demonyo, “At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios… sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo” (Lucas 4:41). Sinabi ng mga demonyo ang parehong bagay na sinabi ni Pedro tungkol kay Hesus. Gayon si Pedro ay di nakaalm ng higit tungkol kay Hesus kaysa sa isang demonyo bago siya napagbagong loob.
Tayo ay di napagbagong loob sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus. Tayo ay di napagbabagong loob sa pamamagitan ng pagkakabinyag. At tayo ay di napagbagong loob sa pamamagitan ng paniniwala na si Hesus ay ang Kristo. Si Pedro ay nakaranas ng lahat ng mga iyon. At gayon sinabi ni Hesus sa kanya,
“At ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – KJV.
III. Pangatlo, ang bersong ito ay dapat makita sa kasamang kahulugan ng buong pagsasalaysay ng apat ng mga Ebanghelyo.
Sa apat na mga Ebanghelyo makikita mo na malinaw na sinabi ni Hesus kay Pedro at ang iba na Siya ay magpupunta sa Jerusalem upang mamatay at babangon mula sa pagkamatay sa pangatlong araw. Iyan ay inulit ni Hesus limang beses kay Pedro at mga iba sa Mateo 16:21; 17:12; 17:22-23; 20:18-19; at 20:28. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee patungkol kay Pedro at iba, “Sa kabila nitong masinsinang pagtuturo, ang mga disipolo ay nabigong makuha ang kahalagahan ng [Ebanghelyo] hanggang sa pagkatapos ng muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, kabuuan IV, pah. 93; sulat sa Mateo 16:21).
“At ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – KJV.
Sasabihin ng isa, “saan sinasabi sa Bibliya na si Pedro ay napagbagong loob pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Hesus?” Bakit, ito’y kasing simple ng ilong sa iyong mukha, malapit sa katapusan ng lahat ng apat na mga Ebanghelyo! Ginagawa ito ni Lucas na lalong-lalong malinaw,
“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila. At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan” (Lucas 24:36-45).
At idinaragdag ni Juan,
“Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon. Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo. At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:19-22).
Ito’y gabi ng Pasko ng Pagkabuhay na si Kristo ay nagpakita kay Pedro at ng iba, at ipinakita sa kanila ang mga sugat ng pako sa Kanyang mga kamay, at ang sugat ng sibat sa Kanyang tagiliran. Tapos binuksan Niya ang kanilang pagkakaintindi ng Lumang Tipang mga propesiya ayon sa Kanyang pagpapako sa krus. Tapos huminga Siya sa kanila at kanilang tinanggap ang Banal na Espiritu. Sa sandaling iyon si Pedro ay sa wakas muling nabuhay (naipanganak muli) at sila’y napagbagong loob. Napaka lakas ng gawain ng Espiritu ng Diyos, at ng impersyon na nagawa sa pamamamagitan ng pakakakita sa bumangong katawan ni Hesus, na may marka ng pako sa Kanyang kamay at ang sugat sa Kanyang tagiliran, na wala ng pagdududa si Pedro. Maraming taon maya-maya, isinulat ni Pedro na mayroong matinding lakas ng loob na si Kristo “nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy… na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Ni Pedro 2:24). Ipinapakita niyan sa atin na si Pedro ay tunay na napagbagong loob! Pagkatapos ng kanyang pagbabagong loob sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay hindi na kailan man muli na itinanggi ni Pedro si Kristo. Nangaral Siya ng Ebanghelyo ni Kristo hanggang sa katapusan ng kanyang buhay. Pagkatapos na dumaan sa isang matinding pagdurusa siya ay ipinako sa krus na pabaligtad, at tinapos ang kanyang buhay na nananampalatayang iprinoproklama si Kristo.
Isa pang bagay. Sinabi ni Hesus kay Pedro, “Kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – KJV. Ang pag-iisip na ito lang – kapag ika’y tunay na napagbagong loob ito’y hindi napapatunayan masyada sa kung anong sabihin mo, o higit na kung anong nararamdaman mo. Ang tunay na patunay ng pagbabagong loob ay ito – mapalalakas mo ba ang iba? Matutulungan mo ba ang iba? Sa katapusan ng Ebanghelyo ni Juan ang bumangong si Kristo ay nagsabi kay Pedro, “Iniibig mo baga ako?” Sinabi ni Pedro, “Panginoon, nalalaman mo… na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa” (Juan 21:17). Mula sa puntong iyon si Pedro ay di na kailan mang umurong sulong. Ipinalangin niya ang Ebanghelyo at ginabay ang iba kay Kristo sa natitira ng kanyang buhay. Kung ika’y tunay na napabagong loob, ika’y magagawang makapagpalakas ng iba – at maging tunay na tulong at biyaya sa mga nawawala. Kung ang bungang iyan ay ganap na nawawala sa iyong buhay, gayon ika’y di tunay na napagbagong loob. Ang lahat na mayroon ka ay mga salita. Hindi mo pa nakatagpo si “Hesu-Kristo mismo” (Mga Taga Efeso 2:20). Panalangin namin na dadalhin ka ng Diyos kay Hesus para sa paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Tapos ika’y maging tunay na napagbagong loob, gaya ni Pedro sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay. Amen. Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme:
“Ang Pag-Akit ng Krus.” Isinalin mula sa “The Attraction of the Cross” (ni Samuel Stennett, 1727-1795).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGBABAGONG LOOB NI PEDRO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinalangin ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung [mapagbagong loob] ka[…], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:31-32) – KJV. (Marcos 9:31-32, 10; Mateo 17:23; Lucas 22:3; Mateo 16:16) I. Una, ang bersong ito ay tumutukoy sa pagbabagong loob ni Pedro, dahil tamang isinalin ng Haring Santiagong Bibliya at ng 1599 na Geneva na Bibliya ang Griyegong salita na “napagbagong loob,” Mga Gawa 15:3. II. Pangalawa, ipinapakita ng bersong ito na walang napagbabagong loob sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus, pagbibinyag, o kahit Banal na Pagpapaliwanag, Marcos 1:16-18; Lucas 6:16; Juan 6:70; Lucas 18:31-34; Mga Taga Efeso 2:8-9; Titus 3:5-6; Mateo 16:16, 17; Lucas 4:41. III. Pangatlo, ang bersong ito ay dapat makita sa kasamang kahulugan ng buong pagsasalaysay ng apat ng mga Ebanghelyo, Mateo 16:21; 17:12, 22-23, 20:18-19, 28; Lucas 24:36-45; Juan 20:19-22; I Ni Pedro 2:24; Juan 21:17; Mga Taga Efeso 2:20. |