Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TAKOT NG MGA DISIPOLO

THE FEAR OF THE DISCIPLES
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-22 ng Marso taon 2015

“At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot...” (Marcos 10:32).


Nakita natin sa pangaral kagabi (Sabado ng gabi) na nilisan ni Hesus ang Galilee at nagsimulang magpunta tungo sa Jerusalem. Alam Niya na siya’y haharapin doon. Gaya ng sinabi ni Dr. John Gill, “na [may] maraming mga kaaway, mga kalalakihan at mga diablo upang makipagsunggaban, at sumailalim sa isang masakit, nakakahiya at sinumpang kamatayan, gayon wala sa mga bagay na ito ang nagpakilos sa kanya, siya ay [matatag na naka-ayos] sa pagpupunta [doon]” (Isinalin mula kay John Gill, D. D., Isang Pagpapaliwanag ng Bagong Tipan [An Exposition of the New Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, pah. 589; sulat sa Lucas 9:51).

“At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot...” (Marcos 10:32).

Dinadagdag ng NIV ang salitang “mga disipolo,” nagsasabi, “Ang mga disipolo ay namangha, habang iyong mga sumunod ay natakot.” Ngunit ang salitang mga “disipolo” ay wala sa Griyegong Textus Receptus na teksto. Ginagawa nito na ang mga Disipolo ay namangha, ngunit iyong mga sumunod sa likuran niya ay natakot. Ginagawa ito ng KJV na malinaw na hindi lamang ang labin dalawa mga Disipolo, kundi ang buong grupo ng mga tagasunod ni Hesus, ang parehong namangha at natakot. Inilalagay rin ng 1599 ng Bibliya ng Geneva malinaw ito,

“At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot...”

Ang bagong mga pagsasalin, ay base sa isang nasirang Gnostikong impluwensyang teksto, ay madalas nagdadala ng pagkalito kaysa isang pagkalinaw. Iyan ang dahilan na nangangaral lamang kami mula sa KJV.

Ngayon magdadala ako ng dalawang simpleng mga punto mula sa mga Kasulatan: una, ang takot ng mga Disipolo; at pangalawa, ang dahilan para sa kanilang pagkatakot.

I. Una, ang takot ng mga Disipolo.

Sinasabi ng ating teksto, “sila’y nangagtaka; at ang nangagsisunod ay nangatakot.” Ang Griyegong salitang isinalin ay “nagtaka” ay ibig sabihin ay “namangha.” Isinasalin ito ng Geneva na Bibliyang ng 1599 bilang “nagulo.” Ang kaisipan ay na sila’y nagtaka, namangha at lubos na nagulo. Sila rin ay “natakot,” nagulat, at naalarma. Ang Griyegong salitang isinalin na “natakot” ay “phobeo,” alin ay pinagmulan ng ating Ingles na salitang “phobia.” Ibig nitong sabihin ay na sila’y tunay na napaka natakot sa pagpupunta sa Jerusalem. Sila’y namangha at lubos na nagulo at lubos na natakot sa pagsunod kay Hesus sa Jerusalem.

Ang ugat ng kanilang takot ay nanggaling mula sa katunayan na hindi pa nila naintindihan ang Ebanghelyo. Ilan buwan na mas maaga tinanong ni Hesus ang mga Disipolo, “Ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 16:5-17;cf. Marcos 8:29). Ipinapakita nito na si Pedro ay mayroong ilang iluminasyon, ilang bigay ng Diyos na pagkakaintindi kung sino si Hesus. Inilantad ng Diyos kay Pedro na si Hesus ay ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. Gayon maikling panahon maya-maya, sa Mateo 16:21-23, mababasa natin,

“Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw. At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo, Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao” (Mateo 16:21-23).

Ibinigay ni Dr. J. Vernon McGee ang mga kumentong ito,

Sa unang pagkakataon ipinapahayag ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga disipolo ang Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Ang panahon ay mahuhulaang mga anim na buwan bago Siya aktwal na naipako sa krus. Bakit Siya nagantay ng napakatagal upang gumawa ng ganoong mahalagang anunsyo? Halata na ang Kanyang mga disipolo ay hindi handa para rito, kahit sa panahong ito, ayon sa kanilang reaksyon. Inulit Niiya limang beses ang katunayan na Siya ay magpupunta sa Jerusalem upang mamatay (Mateo [16-21]; 17:12;17:22-23;20:18-29; 20:28). Sa kabila ng kanyang masidhing pagtuturo, ang mga disipolo ay nabigong makuha ang kahalagahan nito… hanggang sa pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D. Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 93; sulat sa Mateo 16:21).

Inilantad ng Diyos kay Pedro na si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. Ang katunayan na iyan ay naipaliwanag sa kanya ng Diyos, ngunit hindi niya alam ang Ebanghelyo, kahit na sinabi sa kanya ni Hesus na “kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem… at siya'y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw (Mateo 16:22). Sinabi ni Dr. McGee, “Sa diwa sinabi ni Pedro, ‘Ikaw ang Mesiyas; ikaw ang Anak ng Diyos. Hindi ka dapat, hindi maaring magpunta ka sa krus!’ Ang krus ay wala sa pag-iisip ng mga apostol sa anumang paraan, gaya ng nakikita mo” (isinalin mula sa ibid., sulat sa Mateo 16:22).

“Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao” (Mateo 16:23).

Sinabi ni Dr. McGee, “Ito’y Sataniko para sa kahit sinong ikait ang mga katunayan ng ebanghelyo alin ay na si Hesys ay namatay sa krus para sa ating mga kasalanan, ay inilibing, at bumangon muli sa pagkamatay…Ang ating Panginoon ay nagsabi kay Pedro, ‘Magpunta sa likuran ko Satanas.’ Isipin ito: Narito si Pedro alin ay na sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay masasabi na si Hesus ang Anak ng Diyos, at gayon sa sunod na sandali ay hayaang linlangin siya ni Satanas!” (isinalin mula sa ibid., sulat sa Mateo 16:23).

Ako’y nakumbinsi na ipinapaliwanag nito kung bakit ang mga Disipolo ay natakot na magpunta sa Jesrusalem.

“At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot...” (Marcos 10:32).

II. Pangalawa, ang mga dahilan para sa kanilang takot.

Imbes na hinaharap sila, iniulit ni Hesus ang pinaka bagay na nagsanhi ng kanilang takot. Tumayo at basahin ang Marcos 10:32-34 ng malakas,

“At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot. At muling kinuha niya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya'y mangyayari, Na sinasabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at siya'y kanilang hahatulang patayin, at ibibigay siya sa mga Gentil: At siya'y kanilang aalimurahin, at siya'y luluraan, at siya'y hahampasin, at siya'y papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli” (Marcos 10:32-34).

Maari nang magsi-upo.

Paano natin mapapaliwanag ang katunayan na si Pedro at ang ibang mga Disipolo ay alam na si Hesus ay ang Mesiyas, at gayon man ay hindi malalaman na Siya ay mamamatay sa Krus at babangon mula sa pagkamatay? Binigay ni Chuck Missler ang paliwanag,

     Kapagn ang aaralin ng isa ang maraming bilang ng Lumang Tipang mga paghuhula ng pagpapakita ng Mesiya ng Israel, mahahanap natin ang dalawang [waring] mga kontradiktoriyang pagtatanghal. Maraming mga pasahe ang nagpapakita ng isang nagdurusang lingkod; ang iba ay malinaw na nagdidiin ng isang namumunong hari. Ang mga [pagkakaibang] mga pasaheng ito ay resulta ng isang pananaw na naghihintay sa dalawang Mesiyas: Mesiya Ben Joseph, ang nagdurusang lingkod; at ang Mesiyas Ben David, ang namumunong Hari, kani-kaniya.
     Noong ginawa ni Hesus ang Kanyang pagpapakita, ang nagpapawalang bisang inasahang Mesiya Ben David – ang namumunong Hari na magliligtas sa Israel mula sa mga masasamang pinuno ng mundo – ay napaka karaniwan na hindi nila Siya nakilala! Ang pagkakakilala ng isang Mesiya sa dalawang natatanging “pagdating” ay ngayon malinaw na kinikilala sa mga konserbatibong mga eskolar.
     Kahit ang pinaka mataas na ginagalang na Ortodoks na rabi, Rabi Itzak Kaduri, ay iniwan ang kanyang nakagugulat na sulat itinatanghal na ang “dalawang Mesiyas ay isa” at ang Kanyang pangalan ay Yehoshua [Hesus]!...ang kanyang sulat, noon ay nabuksan [pagkatapos ng kanyang pagkamatay] ay nagsanhi sa mga Ortodoks na mga [Hudyo] na nayon sa Israel ng malaking pangingilabot; Isinalin mula sa Israel Ngayon [Israel Today], Ika- 6 ng Abril, 2007 (Chuck at Nancy Missler, Ang Kapangyarihan ng Kaharian at Luwalhati [The Kingdom, Power and Glory], King’s High Way Ministries, 2010 edisiyon, pah. 317).

Tulad ng karamihang iba sa Hudyong nayon ng Israel, inasahan ng mga Disipolo ang Mesiyang Ben David, ang Mesiya, ang Anak ni David, na papalayain ang Israel mula sa Romanong opresyon. Hindi nila inasahanang Mesiyas Ben Joseph, ang Nagdurusang Lingkod. Hindi nila nakita na ang Mesiya ay darating muna upang magdusa – at hindi darating upang mamuno at pagharian ang lupa hanggang sa Kanyang Pangalawang Pagdating. Naniniwala ako na ito ang dahilan na itinakwil ni Hudas si Hesus, noong natanto niya na Siya’y hindi mamumuno ng Israel – sa panahong iyon. Naniwala rin ako na ito ang psikolohikal na dahilan na sinuwat ni Pedro si Hesus sa pagsasabi na Siya ay papatayin (Mateo 16:22). At naniniwala ako ito ang psikolohikal na dahilan na ang lahat ng mga Disipolo ay natatakot na sundan si Hesus sa Jerusalem kung saan sinabi Niya Siya ay mamatay. Hindi nila simpleng maintindihan na “ang dalawang Mesiya ay isa at ang Kanyang pangalan ay Yehoshua” – Hesus! (Isinalin mula kay Missler, ibid.). Ayaw nilang maniwala sa isang nagdurusang Mesiyas! Gusto nila ng prosperidad, hindi pagdurusa! Iyan ang psikolohikal na paliwanag.

“At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot...” (Marcos 10:32).

Gayon, mayroong isa pang mas mahalagang, dahilan para sa kanilang takot, ang espiritwal na dahilan. Lumipat sa Lucas 18:31-34. Tumayo at basahin ang mga bersong iyon ng malakas.

“At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:31-34).

Maari nang magsi-upo. Gusto kong magtuon ka ng pansin sa berso 34,

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34).

“Ang sabing ito ay nalingid sa kanila.” Gaya ng “paglantad” ng Diyos kay Pedro na si Hesus ay ang Anak ng Diyos – kaya ngayon “nalingid sa kanila” ng Diyos ngayon ang pangangailangan nila para kay Kristong magdusa. Pansinin, sa berso 31, sinabi ni Hesus Siya ay magpupunta sa Jersusalem upang matupad ang mga bagay na “naisulat ng mga propeta.” Dito Siya ay tumutukoy sa Lumang Tipang propesiya ng Nagdurusang Mesiya, sa ganoong mga lugar gaya ng Isaias 53 at Mga Awit 22.

“Ang sabing ito ay nalingid sa kanila” – kaya sila ay natakot.” Gaya ng sabi ni Dr. McGee, “Inulit niya ng limang beses ang katunayan na Siya ay magpupunta sa Jerusalem upang mamatay [ngunit] ang mga disipolo ay nabigong makuha ang kahalagahan ng lahat ng ito hanggang sa pagkatapos Kanyang muling pagkabuhay…Ang krus ay wala sa pag-iisip ng mga apostol sa anumang paraan” (Isinalin mula sa ibd.).

“Ang sabing ito ay nalingid sa kanila” hanggang sa gaya ng pagkasabi ni Dr. McGee, “pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay.” Si Hesus ay nagpakita sa mga Disipolo, sa gabi ng araw na Siya ay bumangon mula sa pagkamatay,

“Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan, At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw” (Lucas 24:45-46).

Sa parehong pagkakataon, sinabi ng Ebanghelyo ni Juan,

“Sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:22).

Sinabi ni Dr. McGee, “Ako sa personal ay naniniwala na sa sandali na hiningahan sila ng Panginoon, at nagsabing, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo,’ ang mga kalalakihang ito ay naipanganak muli. Bago nito, hindi sila pinanirahan ng Espiritu ng Diyos” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid., pah. 498; sulat sa Juan 20:21). Hindi ako makasang-ayon pang higit kay Dr. McGee! Nakikinig ako sa kanya sa radyo bawat umaga habang papunta sa trabaho, ng sampung taon noong 1960. Madirinig mo siya sa Internet at www.thruthebible.org. Naniniwala ako na binibigay tayo ni Dr. McGee ng isang dakilang kabatiran rito, hindi naiintindihan ng marming mga tao: Ang mga Disipolo ay hindi naipanganak muli hanggan sa gabi ng Muling Pagkabuhay!

Tulad ng mga Disipolo, mababasa mo ang mga Kasulatan, at masasaulo pa ang mga ito, ngunit ikaw, tulad nila, ay mananatiling matatakutin at di nananampalataya hanggang sa ang Espiritu ng Diyos ay magkukumbinsi sa iyo ng iyong kasalanan at dadalhin ka kay Kristo, binubuhay muli ang iyong patay na kaluluwa, at ika’y nalilinis mula sa lahat ng kasalanan ng Dugo ni Kristo (isinalin mula sac f. I Ni Juan 1:7). Panalangin namin na ito’y mangyayari sa iyo malapit na. Magsitayo at kantahin ang himno bilang 2 sa inyong kantahang papel, “Pagdurusa ni Hesus” [“Jesus’ Sorrow”], ni Richard Mant.

Tignan ang nakalaang araw na bumangaon! Tignan ang handang sakripisyo,
Si Hesus upang iligtas ang ating kawalan, Nakabitin sa isang nakahihiyang Krus.

Si Hesus sino kundi Iyong ipinanganak, Itinaas sa Krus ng pagka-uyam,
Bawat kirot at mapait na sakit, Tinatapos ang Iyong buhay ng kapighatian?

Sino kundi Ikaw ang nangahas na ubusin, Naibabad sa poot, ang tasa ng sakit,
At namay mahapding katawan ay tiniis ang mga Tinik, at mga pako, at tumutusok na mga sibat?
Banal na Hesus, bigyan kami ng biyaya, Sa sakripisyong iyon ay ilalagay
Ang lahat ng aming tiwala para sa buhay ay napanumbalik, Napatawad na kasalanan, at ipinangakong mabuti.
   (“Ang Pagdurusa Ni Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus’ Sorrow” ni Richard Mant, 1776-1848;
      sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).

Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 10:32-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagdurusa ni Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus’ Sorrow” (ni Richard Mant, 1776-1848).


ANG BALANGKAS NG

ANG TAKOT NG MGA DISIPOLO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot...” (Marcos 10:32).

I.   Una, ang takot ng mga Disipolo, Mateo 16:15-17, 21-23.

II.  Pangalawa, ang mga dahilan para sa kanilang takot, Marcos 10:32-34;
Lucas 18:31-34; 24:45-46; Juan 20:22.