Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
REHENERASYON – ANG NAG-UUGNAY SA KRISTIYANONG PAG-IBIGREGENERATION – THE LINK TO CHRISTIAN LOVE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon” (I Ni Juan 5:1). |
Hindi ako pinalaki sa isang simbahan. Nagsimula akong magpunta sa isang Bautistang simbahan noong ako’y labin tatlong taong gulang. Isa sa mga bagay na natutunan ko agad-agad ayna ang mga kabataan sa simbahan ay hindi nagmamahal sa isa’t-isa, hindi nila ako iniibig, at hindi nila inibig ang mga matatanda o ang pastor. Nagsabi sila ng maruruming mga biro at nagsalita ng masama sa likuran ng isa’t-isa na patuloy. Nagbulungan sila at nagpasahan ng mga sulat sa isa’t-isa habang ang pastor ay nangaral. Natuklasan ko rin na ang mga matatanda sa simbahan ay walang pag-ibig para sa isa’t-isa. Sa katunayan, mukhang kinaiinisan nila ang isa’t-isa at marami sa kanila ay namumuhi sa isa’t-isa. Sila’y naipagsama karamihan dahil sa puwersa ng nakagawian. Nasanay na silang maging magkakasama. Gumugol sila ng maraming oras na magkakasama sa Linggo dahil sa nakagawian na. Ito ang kanilang tradisyon na magpunta sa simbahan. Ngunit walang pag-ibig para sa isa’t-isa. Noong ang orihinal na pastor ay nagpunta sa ibang simbahan, ang kanilang nakagawiang pagpupunta sa simbahan ay nagulo. Sa maikling panahon nabiyak sila sa tatlong mga grupo na nagsimulang mag-away. Maraming mga tao isinuko ang simbahan ng lubusan. Ang mga nanatili ay mabagsik na sinalakay ang isa’t-isa na parang mga mababangis na mga hayop. Nagtapon sila ng mga himnong aklat sa isa’t-isa habang nagaganap ang Linggong umagang paglilingkod. Minura nila ang isa’t-isa gamit ng masasamang salita sa paglilingkod na iyon.
Sa wakas ang Katimugang Bautistang grupo ay umalis at nagsimula ng isa pang simbahan. Sumama ako sa kanila. Ngunit hindi nagtagal na nagsimula kami ng isa pang simbahan ang parehong bagay ang nagsimulang mangyari! Karamihan sa mga kabataan ay lumisan. Sa wakas umalis ako at nagpunta sa isang Tsinong simbahan, kung saan ay nanatili akong miyembro ng dalawampu’t tatlong taon. Ngunit kahit na ang mga Tsinong mga tao ay hindi ganoong kabangis, mayroong kaunting magmamahal sa pagitan ng mga miyembro hanggang sa ang Diyos ay nagpadala ng muling pagkabuhay at ang mga bagay ay nagsimulang magbago para sa ikabubuti.
Ngunit kaagad-agad pagkatapos na ang muling pagkabuhay ay nagsimula nagpunta ako sa seminaryo. Nagsimula ako ng isang simbahan malapit sa seminaryo. Ang mga bagay naging mabuti ng ilang sandali. Tapos parehong bagay ay nagsimulang mangyari muli. Mayroong mga pagtatalo at argumento at mga taong nagsisialis. Ito’y isang gulo. Umalis ako at bumalik sa Los Angeles.
Nagsimula ako ng isang simbahan rito apat na pung taon noon, na sa wakas ay naging simbahang ito kung nasaan kami ngayon. Ngunit ang simbahan na ito ay dumaan rin sa kumbulsyon, pag-aaway at teribleng paghihiwalay ng simbahan. Tumagal ng dalawampu’t limang taon para ang mga bagay ay lumamig at naging tulad nito ngayon.
Ngayon iyan ang aking karanasan. Maari kang magtaka paano ko nagawang dumaan sa kalituhan ng kaguluhan. Madalas akong magtaka tungkol riyan sa sarili ko. Maari ko lamang sabihin, sa lahat ng lahat ng ito, alam ko na mayroong Diyos at alam ko na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Hindi ko lamang pinaniwalaan ang mga bagay na iyon. Alam ko ang mga ito, sa pinaka-ilalim ng aking kalulurwa. Alam ko ang mga bagay na iyon, “Hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan” (Tito 3:5).
Ang aking karanasan ay hindi di pangkaraniwan. Karamihan nito kung hindi lahat, ,ay mga parehong karanasan na pinagdaanan ng kabataang mga ebanghelikal. Anong gumagawa sa aking karanasan na kahit papaano ay di pangkaraniwan ay na dumaan ako sa mga ito at lumabas na pinaniniwalaan ang Diyos at ang Bibliya ng higit pa kaysa noon!
Ngunit bago ako magpatuloy aking isisipi si Christin Wicker, ang may-akda ng Ang Pagbagsak ng Ebanghelikal na Bansa: Ang Nakagugulat na Krisis sa Loob ng Simbahan [The Fall of the Evangelical Nation: The Surprising Crisis Inside the Church ](HarperOne, 2008). Sinabi niya,
Ang Ebanghelikal na Kristiyanismot sa Amerika ay namamatay. Ang dakilang ebanghelikal na pagkikilus ngayon ay hindi isang pangunang hanay ng hukbo. Sila ay mga labi, na kumakalas sa pinaka dulo. Tignan ito sa kahit anong paraan na gusto mo: Mga Pagbabagong loob. Baptismo, Pagiging Miyembro…Pagbibigay….Papupunta…lahat ay mababa at bumabagsak (isinalin mula sa ibid., panimula, pahi. ix).
At sinusuportahan niya ang salaysay na iyan ng mga katunayan at mga estatistiko na imposibleng magpabulaanan. Habang aking binasa ang kanyang aklat kinailangan kong sumang-ayon sa kaniyang basehang sanaysay: ang ating mga simbahan ay nasa malalim na kaguluhan.
Ngunit hindi ito bago. Anim na taon noon sumulat si Dr. A. W. Tozer, panahon pagkatapos ng panahon, ang tungkol sa mga problema ng ating mga simbahan. Halimbawa sinabi ni Dr. Tozer,
Ang buong ebanghelikal na mundo ay sa malaking saklaw ay di pabor sa malusog na Kristiyanismo. At hindi ko iinisip ang modernism [liberalism] pati. Ang ibig ko sabihin ay ang mga naniniwala sa Bibliyang grupo na buhat ang pangalan ng ortodoksiya…Tayo ay gumagawa ng mga napagbabagong loob sa ating pagkawalang bunga, pagkasirang uri ng Kristiyanismo na nagbubuhat ng maliit na pagkakaparehas sa Bagong Tipan…Malinaw na dapat tayong magbunga ng mas maiging mga Kristiyano (Isinalin mula sa Patungkol sa Diyos at mga Tao [Of God and Men], Christian Publications, 1960, mga pah. 12, 13).
Si Dr. Tozer tinawag na isang propeta sa kanyang sariling buhay!
Paano tayo magkakaroon ng isang nagmamahal na simbahan sa gitna ng napaka raming kalituhan at apostasiya? Dapat tayong magsimula sa kung saan nagsimula ang Bibliya – sa pagbabagong loob. Hind ka maaring magkaroon ng nagmamahal na simbahan na gawa ng mga di napagbagong loob na mga tao! Ang tunay na pagbabagong loob ay isang radikal na kaganapan. Si Dr. Martyn Lloyd-Jones, ang dakilang Taga-Britanyang mangangaral ay nagsabi,
Ang pagiging isang Kristiyano ay isang krisis, isang kritikal na kaganapan…alin ay sa Bagong Tipan ay inilarawan sa ganoong kalagayan gaya ng bagong pagkapanganak, o isang bagong paglilikha, o isang bagong simula. Higit pa riyan, ito’y inilarawa na isang higit sa natural na gawain yari ng Diyos Mismo, isang bagay na makukumpara sa isang patay na kaluluwa na ginawang buhay…sa loob at sa pamamagitan ni Hesu-Kristo ang Kanyang Anak (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Ebanghelistikong mga Pangaral [Evangelistic Sermons], The Banner of Truth Trust, 1990, pah. 166).
At dinadala tayo nito pabalik sa ating teksto.
“Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon” (I Ni Juan 5:1).
I. Una, anong ibig sabihin ng “pananampalataya” sa teksto.
“Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo …” (I Ni Juan 5:1).
Ang Griyegong salitang isinaling “pananampalataya” ay “pisteuōn.” Sinabi ni Dr. A. T. Robertson na hindi ito “simpleng intelektwal na kumbiksyon, kundi punong pagsuko kay Hesu-Kristo… pisteuōn sa buong diwa” (Isinalin mula kay A. T. Robertson, Litt.D., Salitang mga Larawan sa Bagong Tipan [Word Pictures in the New Testament], kabuuan VI, Broadman Press, 1953, pah. 237; sulat sa I Ni Juan 5:1).
Sinasabi ni Strong na ang “pisteuōn” ay nangangahulugang “magkaroon ng pananampalataya sa, sa ibabaw ng…isang tao” (isinalin #4100). Sinabi ni Spurgeon, “Tignan ang kahit anong Griyegong leksikon na gusto mo, at mahahanap mo na ang salitang pisteuōn ay hindi lamang simpleng nangangahulugang maniwala, kundi magtiwala…ang ibig sabihin ng pananampalataya ay lakas ng loob sa, pananalig kay Hesu-Kristo, [hindi]…isang simpleng nasa isip na pananampalataya...[alin] ay di makaliligtas ng iyong kaluluwa” (Isinalin mula sa “Pananampalataya at Rehenerasyon,” [“Faith and Regeneration”] Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [Metropolitan Tabernacle Pulpit], bilang 979, pah. 138; sulat sa I Ni Juan 5:1).
Ang mga demonyo ay mayroong isang “nasa isip” na paniniwala kay Hesu-Kristo. Hindi mo kailangang basahin ang Bagong Tipan na napakatagal bago mo mahanap ang isang berso tulad ng Lucas 4:41,
“At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios…sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo” (Lucas 4:41).
Naintindihan ng mga demonyong ito na si Hesus ay ang Kristo. Ngunit hindi nila siya pinanampalatayaan. Hindi sinasabi ni Juan sa atin na simplang maniwala sa katunayan na si Hesus ay ang Kristo, ang Mesiyas. Sinasabi niya sa atin na manalig kay Kristo – pisteuōn – “magkaroon ng pananampalataya kay Kristo, upang magtiwala sa Kanya.”
Si Spurgeon ay nagpatuloy na magsabi sa atin ang tungkol sa ahas ng tanso. Ang mga ahas ay kinakagat ang mga taga Israel, at pinapatay sila. Sinabi ng Diyos kay Moses na gumawa ng isang ahas ng tanso at tignan ang ahas ng tanso at maging mapagaling at mabuhay. Sa Juan 3:14, 15 ginamit ni Hesus ang kwentong iyan upang ipaliwanag kung paano tayo maliligtas. Sinabi ni Spurgeon, “Ang maniwala kay Hesus ay ang itingin [lamang] ang mata ng pananampalatay sa kanya, upang magtiwala sa kanya ng iyong kaluluwa” (isinalin mula sa ibid., pah 140). Gaano man kaliit ang iyong pananampalatay, kung titingin ka kay Hesus at magkakaroon ng pananampalataya sa Kanya lamang, mayroong kang pananampalataya na sa bawat pangyayari ay nagpapakita na ika’y naipanganak muli.
“Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo…” (I Ni Juan 5:1).
II. Pangalawa, sinomang magtiwala kay Hesus ay ipinanganak muli, ipinanganak ng Diyos.
Ngayon, marami na hindi nagtiwala kay Hesus ay nagsasabina sila’y naipanganak muli. Sila’y nagtitiwala sa ibang bagay. Si Dr. Cagan ay sumama kasama ni Ileana at ako sa isang libing malapit sa San Diego. Pabalik ay huminto kami sa isa sa pinaka malaking Katimugang Bautistang simbahan sa California. Isang Sabadong paglilingkod ay patapos pa lamang. Tapos lumabas kami at nakakita ng isang kabataang babae na isang gwardya. Tinanong ko siya kung siya ay isang Kristiyano. Sinabi niya, “Oo.” Tinanong ko siya, “Paano ka naging isang Kristiyano?” Sinabi niya, “Ako’y naging miyembro ng simbahang ito ng aking buong buhay.” Sinabi ko, “Sa tingin ko ay hindi mo naintindihan ang aking tanong. Sabi ko ‘paano ka naging isang Kristiyano?’” Sinabi niya, “Ako’y bininyagan.” Sinabi ko muli, “Ngunit paano ka naging isang Kristiyanoiyano?” Sinabi niya, “Nagpupunta ako sa simbahan kada linggo.” Lumakad ako papalayong malungkot. Ang kawawang babaeng iyon ay hindi mahimok na magsabi ng kahit isang salita tungkol kay Hesus! Ang pastor ng malaking Katimugang Bautistang simbahan ay kilala sa buong mundo. Ang babaeng iyon ay narinig siyang mangaral sa buong buhay niya. Gayon siya ay walang nalalaman patungkol sa bagong pagkapanganak tulad ni Nicodemo, na nagsabi kay Hesus, “Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?” (Juan 3:9).
Tulungan tayo ng Diyos! Hindi nakapagtataka sinabi ni Christine Wicker, “Ang Ebanghelikal na Kristiyanismo sa Amerika ay namamatay.” Hindi nakapagtataka sinabi ni Dr. Tozer, “Ang buong ebanghelikal na mundo ay sa isang malaking saklaw ay di pabor sa malusog na Kristiyanismo.” Na hindi nagtitiwala kay Hesus ikaw ay nawawala tulad ng kawawang dalagang iyon, na buong buhay na miyembro ng malaking Katimugang Bautistang simbahan. O, huwad magtiwala sa pagiging miyembro ng simbahan! Huwag magtiwala sa baptismo! Huwag magtiwala sa iyong sariling kabutihan! At anumang gawin mo, huwag magtiwala sa isang pakiramdam o emosyon! Magtiwala kay Hesu-Kristo! Maging mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristong ibinuhos sa Krus! Gaya ng madalas sabihin ni Spurgeon, “Humigang patag kay Kristo.” Tumingin kay Kristo. Magtiwala kay Kristo. Tumingin patungo kay Kristo! Hindi ito mahirap! Tumingin patungo sa Kanya gaya ng mga pagtingin ng mga taga Israel patungo sa ahas ng tanso at napagaling!
Tumingin at mabuhay, aking kapatid, mabuhay!
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay,
Ito’y naitala sa Kanyang Salita, Aleluya!
Ito’y na ika’y tumingin at mabuhay!
(“Tumingin at Mabuhay.” Isinalin mula kay
“Look and Live” ni William A. Ogden, 1841-1897).
III. Pangatlo, anong lumalabas mula sa bagong pagkapanganak.
“Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon” (I Ni Juan 5:1).
Pansinin ang pangalawang hati ng teksto, “…at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon” (I Ni Juan 5:1). Ang pag-ibig ng mga kapatid na lalake at babae sa simbahan ay ang resulta ng bagong pagkapangnak. Ang pagsubok sa isang tunay na pagbabagong loob, gayon ay, kung ating iniibig ang isa’t-isa na tunay na napagbagong loob. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Ika’y naipanganak muli kapag iyong pinagkakatiwalaan ang Panginoong Hesu-Kristo…at ang patunay nito ay na iyong inibig ang Diyos. Iniibig mo ang [Diyos] ang iyong Ama – ipinanganak ka niya – at iyong iibigin ang Kanyang ibang mga anak dahil sila ang iyong mga kapatid na lalake at babae” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson, 1983; sulat sa I Ni Juan 5:1).
Ako’y kumbinsido na ito ang pangunahing dahilan na mayroong tayong napakaraming mga pagtatalo sa mga simbahan, napakaraming mga paghihiwalay, napakaraming mga umalis ng simbahan, lalo na ang mga kabataan. Ang aking pastor ng maraming taon ay si Dr. Timothy Lin. Nagsulat siya patungkol sa isang simbahan na nakaranas ng marming mga problema,
Marami sa kongregasyon ay nag-aangkin na isang Kristiyano ngunit walang walang hanggang buhay; nakipaglaban sila para sa mga pribilehiyo ngunit umurong mula sa responsibilidad. Ang ganoong mga miyembro ay malamang na mali ang pagngangasiwa ng mga ministro ng simbahan…Sa kasaiwang palad, ang mga tao ay madalas hayaan ang may kanser na mga sel [di napagbagong loob na mga tao] na maitusok sa katawan ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit…ang mga simbahan ngayon ay nagdurusa mula sa terminal na mga karamdaman (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], FCBC, 1992, mga pah. 38-40).
Nakita rin ni Dr. Lloyd-Jones ang problemang ito. Sinabi niya,
Ang kaisipan na ito na dahil ang mga tao ay miyembro ng simbahan at nagpupunta ng regular na sila nga ay Kristiyano ay isa sa pinaka nakamamatay na pagpapalagay, at iminumungkahi ko na ito’y pangunahing nanangot para sa [masamang] kalagayan ng Simbahan ngayon (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Pangangaral at mga Mangangaral [Preaching and Preachers], Zondervan Publishing House, 1981 edisiyon, pah. 149).
Ang mga nawawalang mga tao ay nagiging mga miyemrbo ng halos lahat ng Bautista at ebanghelikal na mga simbahan na walang tanong na itinatanong. Sila’y tinatanggap agad-agad. Karamihan sa kanila ay di kailan man nagiging mga tunay na Kristiyano. Gaya ng paglagay ni Dr. Lin nito, sila’y “umaangkin na mga Kristiyano ngunit walang walang hanggang buhay.” Siyempre ibig niyang sabihin ay walang zōē aiōnio – walang buhay na Diyos sa kanila. Ang buhay ng Diyos ay napupunta sa mga tao kapag sila’y napagbabagong loob. Gaya ng paglagay nito ng ating teksto, sila’y “naipanak ng Diyos.” Ang dakilang mangangaral na si George Whitefield (1714-1770) ay naligtas pagkatapos niyang nabaasa ang aklat ni Henry Scougal (1650-1678) na tinawag na “Ang Buhay ng Diyos sa Loob ng Kaluluwa ng Tao.” Ang buhay ng Diyos ay nagpapabagong buhay ng mga tao sa sandali na sila’y magtiwala kay Hesus. Maari hindi nila “maramdaman” ang kahit ano, ngunit ang mga ganap na mga Kristiyano ay makikita na mayroong isang bagay na iba sa tungkol sa isang bagong napagbagong loob. Isa sa mga pangunahing pagkakaiba ay na sila’y malilim na magmamahal sa mga iba sa simbahan na “ipinanganak ng Diyos.” Mararamdaman nila iyong mga mayroong buhay sa kanila. Magkakaroon sila ng Kristiyanong pag-ibig para sa kanila, pag-ibig na ang nawawalang mundo, o nawawalang mga miyembro ng simbahan, ay di maiintindihan. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kailangan natin ng banal na kalikasan sa loob natin bago nating tunay na mahalin ang isa’t-isa” (Isinalin mula sa Ang Pag-ibig ng Diyos [The Love of God], Crossway, 1994, pah. 45). Gaya ng sinabi ng Apostol Juan na mas maaga sa sulat na ito,
“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Ni Juan 3:14).
Ang taong iyan ay nananatili sa isang kalagayan ng espiritwal na kamatayan. Panalangin namin na ika’y daran mula sa kamatayan tungo sa buhay ngayong umaga. Maniwala kay Hesus. Magtiwala kay Hesus. Magtiwalang buo kay Hesus. Ang Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyong mga kasalanan. Ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay magbibigay sa iyo ng buhay. Sa sandali na ika’y tumingin kay Hesus at magtiwala lamang sa Kanya – ika’y daraan mula sa kamatayan sa buhay. Ika’y espiritwal na mauugnay sa pamamagitan ng banal na pag-ibig doon sa mga kasama nating nagtiwala rink ay Hesus.
“At malalaman nila na tayo ay mga Kristiyano sa pamamagitan ng ating pag-ibig, sa pamamagitan ng ating pag-ibig,
“Oo malalaman nila na tayo ay mga Kristyano sa pamamagitan ng ating pag-ibig.”
(Isinalin mula sa Koro ni Peter R. Scholtes, 1938-2009).
Panalangin ko na malapit na ito’y maging iyong karanasan! Magtiwala kay Hesus. Lilinisan ka niya mula sa kasalanan gamit ng Kanyang Dugong ibinuhos sa Krus. Ililigtas ka Niya mula sa kasalanan at bibigyan ka ng walang hanggang buhay – pati buhay ng Diyos! Ika’y maipapangank muli, maipapanganak mula sa itaas!
Hayaan akong tapusin ko ang pangaral na ito sa pagpapaalala sa iyo ng isang eksena sa “Oliver Twist.” Si Oliver ay isang payatot na maliit na ulilang batang lalake mga 9 o 10 taong gulang. Ang kanyang nanay ay namatay sa panganganak sa kanya at wala siyang mga kamag-anak. Siya ay isang ulila – na-iisa sa mundo. Siya ay nasa isang bahay para sa mga ulila noong ika-19 na siglong Inglatera. Siya ay kalahating nagutom. Binibigyan lamang nila siya ng maliit na mangkok ng matubig na lugaw para sa hapunan bawat gabi. Ang ibang mga batang lalake sa mesa ni Oliver ay bumulong sa kanya, “Magpunta ka at humingi ng marami pa.” Sa wakas gipit sa gutom, ang maliit na batang lalake ay dinala ang kanyang mangkok at naglakad patungo sa malaking, matabang lalakeng namumuno. Ang matabang lalake ay tumingin sa kanya pababa at nagsabi, “Anong gusto mo?” Sa isang maliit na natatakot na tinig, sinabi ni Oliver, “Pagmamakawa ginoo, gusto ko pa.” Sinabi ng matabang lalake, “Ano?” Sinabi ng batang lalake, “Pagmamakawa ginoo, gusto ko pa po.” Ang matabang lalake ay sumigaw, “Ano? Gusto mo pa! MARAMI PA! MARAMI PA! Gusto mo ng MARAMIPA!” Si Oliver ay hinampas at ikinulong sa isang selda. Pinatalsik nila siya. Sa loob ng ilang araw siya’y ipinadala upang magtrabaho para sa isang manlilinbing, na gumawa sa kanyang matulog sa isang madilim na silid, sa ilalim ng isang kabaong.
Kung nakabasa kailan man ng aklat ni Dickens, o nakakita ng 1948 na pelikula, hindi mo kailan man malilimutan ang eksenang ito – kung saan ang malaking, matabang si “Beadle” ay tumanging bigyan ang nagugutom na batang lalakeng ito ng isa pang kutsarang puno ng matubig na lugaw.
Natatakot ako na ang ilan sa inyo ay si Kristo ay ganito. Iniisip mo na Siya ay masama at matigas. Iniisip mo na ayaw ka Niyang bigyan ng kaligtasan. Napaka mali mo! Iniibig ka ni Kristo! Handa Siyang ibigay sa iyo ang gusto mo – at higit pa! Sinasabi ni Hesus, “Magsiparito sa akin…at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28). Sinasabi ni Hesus, “sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay” (Juan 10:28). Sinasabi ni Hesus, “Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay” (Apocalipsis 21:6).
Bibigyan ka ni Hesus ng kaligtasang libre. Bibigyan ka Niya ng buhay at kapayapaan. Bibigyan ka Niya ng kaligtasan mula sa kasalanna. Bibigyan ka Niya ng walang hanggang buhay. Ang lahat na kailangan mong gawin ay magtiwala sa Kanya, tumingin sa Kanya at maligtas.
Tumingin at mabuhay, aking kapatid, at mabuhay!
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay,
Ito’y naitala sa Kanyang Salita, Aleluya!
Ito’’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Ni Juan 4:7-11; 3:11-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagpalain ang Tali.” Isinalin mula sa “Blest Be the Tie” (ni John Fawcett, 1740-1817)/
“Malalaman Nila na tayo ay Kristiyano sa pamamagitan ng ating Pag-ibig.”
Isinalin mula sa“They’ll Know we are Christians by our Love” (ni Peter R. Scholtes, 1938-2009).
ANG BALANGKAS NG REHENERASYON – ANG NAG-UUGNAY SA KRISTIYANONG PAG-IBIG ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon” (I Ni Juan 5:1). (Tito 3:5)
I. Una, anong ibig sabihin ng “pananampalataya” sa teksto,
II. Pangalawa, sinomang magtiwala kay Hesus ay ipinanganak muli,
III. Pangatlo, anong lumalabas mula sa bagong pagkapanganak,
|