Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA AHAS AT ANG TAGAPAGLIGTASTHE SERPENTS AND THE SAVIOUR ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:8-9). |
Ang mga tao ng Israel ay napanghinaan ng loob habang sila’y naglakbay sa mga kaparangan. At ang mga tao ay nagsalita laban sa Diyos, at laban sa kanilang pinunong si Moses. Sinabi niya, “Bakit mo kami dinala rito mula sa Ehipto upang mamatay sa kaparangan? dahil walang tinapay, kahit tubig kahit saan, at kinamumuhian namin itong magaan na tinapay na ito.” Nagpadala ang Diyos ng manna mula sa Langit upang pakainin sila, ngunit kinamuhian nila ito. Tinawag nila itong “ang magaan na tinapay na ito,” ang walang halagang tinapay na ito. Tinawag ng Salmista ang manna na “pagkain ng mga ‘anghel’” (Mga Awit 78:25), ngunit ang mga tao ng Israel ay nagsisiungol at nagbubulungan laban sa Diyos at kay Moses. Sinabi nila, “Kinamumuhian ng aming kaluluwa ang manna na ito.”
Ito ay isang mkumentaryo sa kalikasan ng tao. Ipinapakita nito ang kasamaan ng puso ng tao,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7).
Sinasabi ng Bibliya,
“Silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa” (Mga Taga Roma 3:9-10).
Ang puso ng tao ay nakaayos laban sa Diyos. Iyan ang dahilan na nakakagawian nating magreklamo at magbulung-bulungan laban sa Diyos. Ang tao na nasa kasalanan ay hindi mas mabuti at mas iba kaysa doon sa mga Israelites sa kaparangan.
“At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay” (Mga Bilang 21:6).
Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Mga Taga Roma 6:23). Sinasabi ng Bibliya, “ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay” (Ezekial 18:4, 20).
Ngunit ang mga tao na naiwan ay nagpunta kay Moses at nagsabi, “Kami ay nagkasala…idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan” (Mga Bilang 21:7).
Dapat nating tandaan ang dakilang awa na ipinakita ng Diyos sa kanila. Iniligtas sila ng Diyos mula sa pagka-alipin sa Ehipto. Dinala sila ng Diyos sa mga tubig ng Pulang Dagat – sa tuyong lupa sa pagitan ng mga pader na tumatayong tubig. Kumanta sila tungkol dakilang pagliligtas na ito sa buong natitira ng Lumang Tipan. At pinakain sila ng Diyos ng manna araw araw. Mayroong tubig na bumubuhos mula sa isang bato, sapat para sa isang buong bansa at kanilang mga baka. Iniligtas sila ng Diyos mula sa kanilang mga kaaway na may makapangyarihang kapangyarihan. Dinala sila ng Diyos na may isang poste ng apoy sa gabi, at isang maulap na pader sa araw. Ang shekinah na luwalhati ng Diyos ay kasama nila patuloy-tuloy.
Ngunit hindi nila pinuri ang Diyos. Imbes ay nanatili silang di naniniwala. Nagrebelde sila. Nagbulungan sila at nagreklamo laban kay Moses at laban sa Diyos. Sinabi ni Dr. John R. Rice,
Biglaan sa mga tao, dumudulas sa mga damo, gumagapang sa mga tolda, ay mga may lasong mga ahas, mabangis ang kulay na masasamang mga bagay “at higit sa mga tao ng Israel ay namatay.” Dito ang kaparusahan at awa ng Diyos ay ipinapakita sa isang kaganapan. Rito ay poot at biyaya. Rito ay kasalanan at ang Tagapaglitas ay ipinapakita sa kaparangan (Isinalin mula kay John R. Rice, D. D., “Mga Ahas sa Kampo,” [“Snakes in the Camp”] Dugo at mga Luha sa Hagdanan [Blood and Tears on the Stairway,] Sword of the Lord Publishers, 1970, mga pah. 34, 35).
Hindi natin iisipin ang tungkol sa kaganpang ito ng masyadong higit kung hindi ito inulit ni Hesus sa Bagong Tipan, sa ikatlong kapitulo ng Juan.
Isang taong nagngangalang Nicodemus ay dumating kay Hesus sa gabing iyon. Siya ang pangunahing guro ng Israel. Siya ay isang Fariseo at isang miyembro ng Sanhedrin, ang Hudyong korte. Naniwala siya na si Hesus ay “isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka't walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios” (Juan 3:2).
Ngunit hindi alam ni Nicodemus kung paano maging naipanganak muli. Sinasbi ni Hesus sa kanya, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Sinabi ni Nicodemus, “Paanong pangyayari ng mga bagay na ito? (Juan 3:9). Wala siyang ideya kung paano maging naipanganak muli, kung paano maging ligtas. Pinaalala sa kanya ni Hesus ng ahas sa kaparangan, upang ipakita sa kanya kung paano nangyayari ang bagong pagkapanganak.
Ang bagong pagkapanganak ay tinawag na “muling pagkapanganank” ng mga teyolohiyano. Sinasabi ng Ang Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible],
Ipinakita ni Hesus na nagulat na si Nicodemus ay nalito sa mga pangangailangan upang maging naipanganak muli. Dapat ay naintindihan ni Nicodemus mula sa Lumang Tipan na siya ay isang makasalanan, at nangangailangan ng isang bagong buhay…Ang muling pagkapangnak [bagong pagkapangnak] ay isang regalo ng biyaya ng Diyos. Ito’y ang agad-agad na higit sa natural na gawain ng Banal na Espiritu sa atin. Ang epekto nito ay upang buhayin tayo [gawin tayong buhay] sa espirituwal na buhay mula sa espiritiwal na pagkamatay…(Isinalin mula sa Ang Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible], Ligonier Ministries, 2005, pah. 1514; sulat sa Juan 3).
Ngayon tumingin sa Juan 3:14, 15. Ito’y nasa pahina 1117 sa Scofield na Pag-aaral na Bibliya [The Scofield Study Bible]. Dito ay paano ipinaliwanag ni Hesus ang bagong pagkapanganak kay Nicodemus. Alam ni Nicodemus ang Pentateuch sa puso, ang unang limang mga aklat ng Bibliya. Ang Mga Bilang ay ang pag-apat na aklat ng Bibliya. Alam ni Nicodemus ito na napaka husay na namemorya niya ang higit nito, siguro ay lahat nito, sa puso. Kaya ginamit ni Hesus ang pagpapaliwanag ng mabangis na ahas upang ipaliwanag sa kanya kung paano maligtas, paano maging maipanganak muli. Tumayo at tumingin sa Juan 3:14 at 15. Ito’y nasa 117 Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Sinabi ni Hesus kay Nicodemus,
“At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao: Upang ang sinomang sumampalataya ay [di mamamatay at] magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:14-15) [KJV].
Maari nang magsi-upo. Tumingin at mabuhay, upang mananampalataya kay Hesus at maligtas, ito ang pinaka puso ng Ebanghelyo ni Kristo. Pansinin ang tatalong mga bagay sa pasahe.
I. Una, ang kagat ng kamatayan ng kasalanan.
Kung ang isang tao ay nagpunta sa kanyang tolda ang mga ahas ay naroon. Kung siya’y umupo at kumain, ang mga ito’y naroon. Kapag kanyang takpan ang kanyang kama, naroon ang mga ahas na iyon, nagpupulot, handa nang kagatin siya. At kapag ang mga ahas na iyon ay kagatin ang isang tao, ito’y makirot at mahapdi tulad ng apoy. Sa loob ng biktima ay isang lagnat, tapos ay kombulsyon at kamatayan! Ang lahat na nakagat ay namatay ng isang teribleng kamatayan.
Ngayon pakinggan si Dr. W. A. Criswell, ang kilalang pastor ng Unang Bautistang Simabahan ng Dallas, Texas. Sinabi ni Dr. Criswell, patungkol sa mga ahas na iyon,
Ito’y isang tipo [o ilustrasyon] na ginamit ng ating Panginoon patungkol sa malawakang kasamaan ng puso ng tao, ang malakwang pagkakaroon ng kasalanan sa buhay ng tao. Ang kasamaan na ito sa ating mga puso, ang ating mga bahay, ang ating mga tahanan, ang ating mga pag-aalsa at pamamahinga…Hindi matatakasan ay isang masama at bumagsak na lahi; at gaano man natin ipaliwanag, ang pinaka malupit na katuyan sa buhay ng tao at sa kasaysayan ng tao ay ito: Ang mga tao ay nawawala sa kasalanan at pagsusuway. Tayo ay patay sa ating mga kasalanan…ang mga ahas na ito ay isang tipo ng nakasisirang kapangyarihan ng kasalanan..O, ang nakasasayang, nakasisirang kapangyarihan ng kasalanan!
Ang mga makamandag, mabangis na mga ahas na ito ay nasa lahat ng lugar. At ang mga tao ay namamatay ng pisikal na kamatayan, sa espiritiwal na kamatayan, sa moral na kamatayan, sa pangalawang kamatayan, at sa walang hanggang kamatayan…
Ang sangkatauhan ay nagtaas ng sarili nito mula sa pagkawalang alam, pamahiin, at isang libong ibang mga kadiliman; ngunit sa ating mga puso, tayo ay parehas pa rin… Tayo ay pa rin ay nasa parehong moral, espiritwal na patag ni Adam at Eba. Nakahanap tayo ng daan papalabas ng malawakang kalungkutan, pag-aaksaya, pagkasira, at paghahatol ng kasalanan (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., “Ang Gawa sa Tansong Ahas” Isinalin mula sa “The Brazen Serpent,” Anong isang Tagapagligtas! [What a Savior!], Broadman Press, 1978, mga pah. 49-51).
Ang ikinumpara ng Apostol Pablo ang kasalanan ng Israel sa ating kasalanan, bilang isang babala,
“Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas. Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak. Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon” (I Mga Taga Corinto 10:9-11).
Nagdala ang kasalanan ng paghahatol sa kanila – at ang kasalanan ay magdadala ng paghahatol ngayon. “Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin [para sa ating pagtuturo],” I Mga Taga Corinto 10:11 – at dinadala tayo nito sa pangalawang punto.
II. Pangalawa, ang gamot para sa kasalanan ng at kamatayan.
Nadinig ni Moses ang daing ng mga tao. Sila’y kinagat ng mga ahas. Sila’y nagsisisigaw at namamatay. Ang mga ahas na ito ay nasa lahat ng lugar.
“At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:8-9).
Kapag magpupunta ka sa isang ospital karaniwan ay mayroong isang tanda. Ito’y isang poste na may dalawang ahas na nakapalupot sa paligid nito. Maari mong makita ang tandang iyan sa opisina ng doktor o isang estasyonaryo. Ito ang tanda ng isang tao sa nagpapagaling na propesyon. Napaka di pangkaraniwan na ang tanda ng kalusugan, pagpapagaling at kaligtasan ay maging isang ahas na nakabitin sa isang poste! Hindi ito isang tunay na ahas. Ito’y isang ahas na gawa sa tanso at itinayo ng mataas sa isang poste.
Ang Scofield na sulat ay tama noong sinabi nitong, “Ang gawa sa tansong ahas ay isang tipo ni Kristo, ‘ginawang kasalanan para sa atin’ sa pagdadala ng ating paghahatol” (sulat sa Mga Bilang 21:9). Ang lahat ng ating mga kasalanan ay inilagay kay Kristo sa Krus,
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy… na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Ni Pedro 2:24).
Sinabi ni Hesus Mismo kay Nicodemus,
“Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao” (Juan 3:14).
Ang “Anak ng Tao” ay ang paboritong pangalan ni Hesus para sa Kanyang Sarili. Sinabi Niya, “Ako’y itataas (sa isang krus) tulad ng tansong ahas ay itinaas ni Moses.” Anong larawang ng Tagapagligtas!
Nagdadala ng hiya at walang hiyang pangungutya,
Sa aking lugar nakondena Siyang tumayo;
Sinelyohan ang aking kapatawaran gamit ng Kanyang dugo;
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
Itinaas Siya upang mamatay,
“Ito’y tapos na,” ang Kanyang sigaw;
Ngayon nasa langit matayog na itinataas;
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya, Anong Tagapagligtas!” Isinalin mula sa
“Hallelujah, What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
“Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao” (Juan 3:14).
At dinadala tayo niyan sa pangatlong punto.
III. Pangatlo, ang paraan upang matanggap ang gamot para sa kasalanan ay kamatayan.
“Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao: Upang ang sinomang sumampalataya ay [hindi mamatay at] magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:14, 15) [KJV].
Ang maniwala kay Hesus ay ang tumingin sa Kanya. Upang tumingin ay upang mabuhay, upang maniwala upang maligtas, upang mahugasang malinis! Walang mahirap tungkol rito! Tumingin kay Hesus sa pananampalataya. Bawat miyembro ng ating simbahan ay ginawa iyan. Hind maaring ito’y mahirap o ang aking asawa ay hindi maaring nagawa ito sa unang beses na narinig niya akong ipangaral ang Ebanghelyo!
“At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:9).
Kapag ang isang tao ay tumingin sa ahas ng tanso, siya ay nabubuhay! Ang isang taong nakagat na ay maaring tumingin! Ang isang taong halos namatay na ay maaring tumingin! Sila’y naligtas sa pamamagitan ng pagtingin sa ahas ng tanso! At sila’y naligtas sa pamamagitan ng pagtingin kay Hesus!
“Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios” (Mga Hebreo 12:2).
Hindi maaring ito’y mahirap! Milyon-milyong mga tao ang tumingin kay Hesus! Tumitingin kay Hesus! Tumitingin kay Hesus! Tumitingin kay Hesus! Iyan ang paraan upang maipanganak muli! Tumitingin kay Hesus! Iyan ang paraan upang maipanganak muli! Tumitingin kay Hesus! Iyan ang paraan upang mapatawad at malinisan mula sa lahat ng kasalanan! Tumitingin kay Hesus! Iyan ang paraan upang maligtas – para sa lahat ng panahon at para sa walang hanggan!
Pagtitingin kay Hesus hanggang sa ang luwalhati ay kuminah;
Sandali sa sandali, O Panginoon, Ako’y sa iyo!
(“Sandali sa Sandali.” Isinalin mula sa “Moment by Moment”
ni Daniel W. Whittle, 1840-1901)
Kung ikaw mula sa kasalanan ay naghahangad na mapalaya,
Tumingin sa Kordero ng Diyos;
Siya, upang iligtas ka, namatay sa Kalbaryo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
Tumingin sa Kordero ng Diyos, Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
(“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Isinalin mula sa
“Look to the Lamb of God” ni Henry G. Jackson, 1838-1914).
Tumingin at mabuhay, aking kapatid, mabuhay!
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay,
Ito’y naitala sa Kanayng Salita, Aleluya!
Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!
(“Tumingin at Mabuhay.” Isinalin mula sa “Look and Live”
ni William A. Ogden, 1841-1897).
“At nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:9). .
Tumingin at mabuhay, aking kapatid, mabuhay!
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay,
Ito’y naitala sa Kanayng Salita, Aleluya!
Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!
Noong si Spurgeon ay labin limang taong gulang lumabas siya mula sa isang bagyong niyebe sa isang maliit na Primitibong Metodistang Kapilya [Primitive Methodist Chapel]. Ang ministor ay wala roon. Siya’y di nakapunta dahil sa niyebe. Mayroong labing limang mga tao lamang roon. Isang payat at maliit na karaniwang tao ang tumayo upang mangaral. Na may gumiguray na wika ibinigay niya ang Kasulatang teksto,
“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa” (Isaias 45:22).
Tumuro siyang direkta sa batang Spurgeon at nagsabi, “Binata, mukha kang miserable. Ika’y laging magiging miserable kung hindi mo susundin ang aking teksto. Tumingin! Tumingin! Tumingin kay Hesus.” Sinabi ni Spurgeon, “Tumingin nga ako, at iniligtas ako ni Hesus noong tumingin ako sa Kanya sa pananampalataya.”
Tumingin at mabuhay, aking kapatid, mabuhay!
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay,
Ito’y naitala sa Kanayng Salita, Aleluya!
Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!
Wala akong paki-alam sa sinasabi ni Paul Washer! “Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!” Wala akong paki-alam sa kung anong sinasabi ni Dr. MacArthur! “Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!” Ang mga kalalakihang ito ay mabubuting mga tao ngunit “Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!”
Ang magnanakaw sa krus sa tabi ni Hesus ay wala oras upang gawin Siyang Panginoon ng bawat sakop ng kanyang buhay! Namamatay na siya! Wala siyang panahon upang gawin si Kristong Panginoon ng kahit anong lugar ng kanyang buhay! Siya namamatay. Walang oras! Walang oras! Walang oras! Mayroong siyang oras upang gawin ang isang bagay. Tumingin Siya kay Hesus sa pananampalataya! “Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!” Iyan lang ang lahat na ginawa ni Spurgeon! Iyan lang ang lahat na kailangn mong gawin!
Aleluya! Ang magnanakaw sa krus ay naligtas! Sinabi ni Hesus, “Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43).
Tumingin at mabuhay, aking kapatid, mabuhay!
Tumingin kay Hesus ngayon at mabuhay,
Ito’y naitala sa Kanayng Salita, Aleluya!
Ito’y na ika’y tumingin lamang at mabuhay!
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Bilang 21:5-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Tumingin at Mabuhay.” Isinalin mula sa
“Look and Live” (ni William A. Ogden, 1841-1897) .
ANG BALANGKAS NG ANG MGA AHAS AT ANG TAGAPAGLIGTAS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso” (Mga Bilang 21:8-9). (Mga Awit 78:25; Mga Taga Roma 8:7; 3:9-10; Mga Bilang 21:6; I. Una, ang kagat ng kamatayan ng kasalanan, I Mga Taga Corinto 10:9-11. II. Pangalawa, ang gamot para sa kasalanan ng at kamatayan, I Ni Pedro 2:24; Juan 3:14. III. Pangatlo, ang paraan upang matanggap ang gamot para sa kasalanan ay kamatayan, Juan 3:14, 15; Mga Hebreo 12:2; Isaias 45:22; Lucas 23:43. |