Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




IBIG KO – LUMINIS KA!

I WILL – BE THOU CLEAN!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-1 ng Marso taon 2015

“At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako. At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis” (Marcos 1:40-42).


Iniibig kong basahin ang Ebanghelyo ni Marcos. Ang kanyang Hebreong pangalan ay Juan. Marcos ay ang kanyang Latin na pangalan, “Marcus” sa Latin. Si Juan Marcos ay ang espiritwal na anak ni Apostol Pedro. Tinawag siya ni Pedrong, “Marcos na aking anak” (I Ni Pedro 5:13). Isa sa mga maagang mga simbahang ama ay si Papias (70-163). Sinabi ni Papias na nakuha ni Marcos ang kanyang Ebanghelyo mula kay Pedro. Sinabi ni Papias, “Si Maros ang [sekretarya] ni Pedro, isinulat ng maigi ang lahat na naalala ni [Pedro].” Sinabi rin ni Justin Martyr (100-165) na isinulat ni Marcos ang Ebanghelyong ito mula sa mga salita ni Pedro. Isa pang ama ng simbahang si Eusebius (263-339) ay nagsabi na ang maagang mga Kristiyano ay “pinakiusap si Marcos na iwanan sila sa pagsusulat para sa kanila ng doktrina na kanilang natanggap [mula kay Pedro].”

Ang Marcos ay isang Ebanghelyo ng aksyon dahil si Pedro ay isang tao ng aksyon. Ang Ebanghelyong ito ay isinulat lalong-lalo na para sa mga taga Roma, na kilala bilang mga tao aksyon. Ang salitang “at” ay nagaganap ng 1,331 beses sa Ebanghelyo ng Marcos. Ang salitang “kararakang” o “pagdakay” ay nagpapakita rin muli’t muli sa Ebanghelyo ng Marcos. Ang salitang “at” ay laging nagdadala sa mas marami pang aksyon. Pansinin na ang limang mga berso ay nagdadala sa ating teksto ay lahat nagsisimula sa “at.” At lahat ng tatlong mga berso sa ating teksto ay nagsisimula sa “at.”

At lumapit sa kaniya ang isang ketongin” (b. 40).

At sa pagkaawa” (b. 41).

At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis” (b. 42).

Ang mga taga Roma ay naniwala sa kapangyarihan ng aksyon. Ang Ebanghelyo ni Marcos ay mayroon lamang 16 na mga kapitulo, at ang mga ito ay napuno ng kapangyarihan ng aksyon ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Si Kristo at ang Kanyang mga gawain ay hindi ipinaliwanag na mayroong mahahabang mga pasahe at mga pagsisipi mula sa Lumang Tipan. Higit sa mga ito ay hindi inilagay ni Marcos habang ipinakita niya ang kapangyarihan at mga aksyon ni Hesus, na umapela sa Romanong manonood ni Marcos.

Pansinin kung gaano karaming aksyon ang nailagay sa unang kapitulo ng Marcos,

Ang pangangasiwa ni Juan Bautista.
Ang baptismo ni Hesus.
Ang pagtutukso ni Hesus sa kagubatan.
Ang maagang Galileanong pangangasiwa ni Hesus.
Ang pagtawag ni Pedro at Andrew.
Ang pagpapalayas ng mga demonyo sa Capernaum.
Ang pagpapagaling ni biyenan ni Simon Pedro.
Ang pangangaral na paglalakbay ni Hesus sa Galilee.
At ang pagpapagaling ng leproso sa ating teksto.

Si Kristo ay ipinakita bilang isang tao ng aksyon at kapangyarihan. At ang Kanyang kapangyarihan at aksyon ay makaliligtas sa iyo ngayong umaga.

Hesus! ang pangalan na nagbibighani ng ating mga takot,
Na tumatawag sa ating pagdurusang mawala;
Ito’y musika sa tainga ng makasalanan,
Ito’y buhay, at kalusugan at kapayapaan.
   (“O Para sa Isang Libong mga Dila.” Isinalin mula sa
      “O For a Thousand Tongues” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Siyam na mga pangunahing mga kaganapan ay napuno sa unang kapitulo ng Marcos! Sinabi ni Dr. McGee, “Mayroong sigurong mas higit na laman sa unang kapitulo ng Marcos kaysa kahit anong ibang kapitulo sa Bibliya, na may eksepsyon sa Genesis 1” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan IV, Thomas Nelson, 1983, pah. 161).

Ngayon dinadala tayo niyan sa ating teksto, at ang paggaling ng tao na may ketong,

“At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako. At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis” (Marcos 1:40-42).

Ating alamin ang tatlong mahalagang katunayan mula sa pasaheng ito.

I. Una, ang tao na may ketong.

Ang ika labing tatlo at ika labing apat na mga kapitulo ng Levitico ay inilarawan ang kakilakilabot na sakit ng ketong. Inilalarawan nito ang maraming sakit sa balat, kasama pati ang makabagong ketong (o Hansen na sakit). Isang kumentador ay nagsabi mayroong siguro ang taong ito ng tunay na ketong, o ang gamot ay hindi siguro lumikha ng ganoong pakiramdam, na makikita sa berso apat na pu’t lima. Sinasabi ng Bagong Diksyonaryo ng Bibliya ni Unger, “Mayroong maliit na pagdududa na karamihan sa mga Bagong Tipang mga tao ay inilirawan bilang mga ketongin ay sa katunayan mayroong ang Hansen na sakit” (Isinalin mula sa Bagong Diksyonaryo ng Bibliya ni Unger [The New Unger’s Bible Dictionary], Moody Press, 1988, pah. 307).

Ang malubhang anyo ng ketong na mayroong ang taong ito ay nagbunga ng mga patse ng puting balat at pagkawalang pakiramdam. Pagmamaga ay naganap sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. At ang mga ito ay naging ulser, tumatagas ng likido mula sa mga sugat. Habang ang sakit ay lumala ang kanyang mga kamay at paa ay maaring nag-iba ang hugis at namaga. Ang sakit ay maaring nagsanhi na ng kanggrena na mangyari, na mayroong mga bahagi ng kanyang katawan na tunay na nabubulok. Mala tuberkulos na mga sugat ay maaring umakyat na sa kanyang mukha, nagbubunga ng isang teribleng mala maskarang mukha – katulad noon sa ilang paraan sa “Elepanteng Tao” [“Elephant Man”] sa Vikotriyang Inglatera, na napaka tatakot na kinailangan niyang magsuot ng isang belo sa ibabaw ng kanyang mukha. Higit sa balat ng may ketong ay naging makapal na at pula. Ito’y tunay na ketong, ngayon kilalang bilang Hansen na sakit. Ito’y kakilakilabot! (Tignan ang Bagong Diksyonaryo ng Bibliya ni Unger [The New Unger’s Bible Dictionary] ibid.).

Sinabi ni Dr. Walter L.Wilson na ang sakit na ito ay isang tipo (o larawan) ng kasalanan. Ito’y di nagagamot at nakadudungis. Sa Bibliya ang may ketong ay dapat “malinis.” Dahil ang sakit ay nakakahawa ang may ketong ay dapat manirahang mag-isa. Dapat siyang magsuot ng isang tela sa ibabaw ng kanyang bibig at sumigaw ng “Karumaldumal! Karumaldumal!” Dapat siyang pagbawalan mula sa kampo o sa lungsod.

Levitico 13:45, 46 says, Ang lahat ng mga ito ay totoo sa isang di napagbagong loob na tao. Hindi siya maaring maging miyembro ng simbahan. Hindi siya makapapasok sa Langit dahil sa kanyang sakit ng kasalanan. (Tignan ang Walter L. Wilson, M.D., Isang Diksyonaryo ng mga Uri ng Bibliya [A Dictionary of Bible Types], Hendrickson Publishers, 1999 inilimbag muli, pah. 257).

“At pupunitin ng may ketong na kinaroroonan ng salot, ang kaniyang mga suot at ang buhok ng kaniyang ulo ay ilulugay, at siya'y magtatakip ng kaniyang nguso, at maghihihiyaw. Karumaldumal, karumaldumal. Sa buong panahong siya'y karoonan ng salot, ay magiging karumaldumal; siya'y karumaldumal: siya'y tatahang bukod; sa labas ng kampamento malalagay ang kaniyang tahanan” (Levitico 13:45, 46).

Sinasabi ng sulat sa Levitico 13:1 ay nagsasabing, “Ang ketong ay tumutukoy sa kasalanan bilang (1) nasa dugo; (2) nagiging malinaw na nakapandidiring mga paraan; (3) di nagagamot sa kahit anong paraan ng tao” (Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield [The Scofield Study Bible], Oxford University Press, 1917, pah. 141; sulat sa Levitico 13:1).

Ang ketong ay isang tipo, o larawan, ng ganap na pagkasama ng isang tao. Ang kasamaan ay nasa ating dugo, ipinasa sa atin mula kay Adam. Nagsisimula ito bilang maliit, na may kaunting pagrerebelde, at sa katapusan ay nagiging nakapandidiri at kasuklamsuklam.

“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7).

At sinasabi ng Bibliya,

“Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa” (Mga Taga Roma 3:11-12).

Si John Wesley (1703-1791) ay hindi isang Kalvinista, kundi sinabi niya patungkol sa pasaheng ito, na ang di napagbagong loob na mga tao, ay “kaawa-awa, inutil, hindi mapakinabangan ng kanilang sarili o ng iba… [ang lahat ng tao] ay nasa ilalim ng pagkakasala at kapangyarihan ng [kasalanan],” sulat sa Mga Taga Roma 3:12, 9 (Isinalin mula kay John Wesley, M.A.,Nagpapaliwanag na mga Sulat Sa Bagong Tipan [Explanatory Notes Upon the New Testament], kabuuan II, Baker Book House, 1983 inilimbag muli, mga pah. 33, 34; sulat sa Mga Taga Roma 3:12, 9).

Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones (1899-1981), “Ang tao sa kasalanan…ay pinamumunuan at pinagaganap at pinanghahawakan ng kasalanan” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Kasiguraduhan, Mga Taga Roma 5, [Assurance, Romans 5], The Banner of Truth Trust, 1971, pah. 306).

Inilagay ni Dr. Isaac Watts ito ng tulad nito sa kanyang mga himno,

Panginoon, ako’y hamak, nilikha sa kasalanan,
At ipinanganak na di banal at di malinis;
Nagmula mula sa taong ang pagkakasala ay bumagsak
Sumisira sa lahi, at minamantsahan tayong lahat.

Tignan, ako’y bumabagsak sa harap ng Iyong mukha;
Aking nag-iisang kublihan ay Iyong biyaya;
Walang panlabas na mga anyo ay maka gagawang malinis sa akin;
Ang ketong na namamalagi malalim sa loob.
   (Isinalin mula sa Mga Awit 51 [Psalm 51], ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

Binubulag ng kasalanan ang isipan sa kadiliman. Ginagawa ka nitong isipin, “Masyadong maraming isusuko. Kung ako’y maging isang tunay na Kristiyano, masyado akong maraming isusukong mga bagay.” Kung gayon, ika’y napapanatiling alipin ng kasalanan, sinumpa na walang pag-asa para sa buong panahon at walang hanggan. O ang kasalanan ay ginagawa kang isipin, “Ako’y nasa simbahan bawat Linggo. Ako’y ayos lang.” Kung gayon magpatuloy sa ketong ng kasalanan na walang kahit anong pag-asa na anuman. O gagawin kang isipin ng kasalanan, “Kailangan akong magkaroon ng isang tiyak na pakiramdam upang patunayan na ako’y ligtas.” Ngunit sinasabi ng Bibliya sa atin na tayo ay ligtas sa pamamagitan ng isang pakiramdam. Tayo ay ligtas sa pagtitiwala kay Hesu-Kristo. Ang ilan ay nagpatuloy ng mga buwan, ang ilan ay ilang taon, naghahanap ng isang pakiramdam imbes na nagtitiwala kay Hesus. Ano iyan kundi isang puso na nasira ng isang ketong ng kasalanan! Sinabi ni Augustus Toplady, sa isa sa kanyang mga himno,

Nabigla at nabalisa,
Itiningin ko ang aking mga mata sa loob;
Ang aking puso na maraming laman ng kasalanan nahihirapan,
Ang upuan ng bawat kasalanan,

Anong pulong ng masasamang pag-iisip,
Anong napakasamang pagsusuyo ang naroon!
Walang pag-asa, pag-aakala, tusong lalang,
Pagmamataas, inggit, naka-aalipin na takot.
   (Isinalin mula sa “Ang Puso” [“The Heart”]
      ni Augustus Toplady, 1740-1778).

Muli, sinabi ni Dr. Watts,

“Walang panlabas na anyo ang makagagawa sa aking malinis;
Ang ketong ay namamalagi malalim sa loob.”

Hindi ka gagawan ng kahit anong kabutihan na sabihin ang mga sa salit ng tinatawag na “panalangin ng makasalanan.” Isang kabtaan ang nagsabi sa amin, “Sinabi ko lamang ang panalangin upang makalabas ako at maglaro!” Ang bagay na tulad niyan ay hindi makaliligtas sa kahit sino! Ang iba ay “nagpunta sa harap” sa katapusan ng paglilingkod upang “ilaan” ang kanilang sarili. Hindi iyan gumagawa ng kahit anong kabutihan rin. Ang mga ito lamang ay mga huwad at walang kabuluhang na “panlabas na mga anyo.”

“Walang panlabas na anyo ang makagagawa sa aking malinis;
Ang ketong ay namamalagi malalim sa loob.”

Iyan ang kaso nitong kawawang may ketong na ito sa ating teksto. Ang taong ito ay mayroong ketong. Alam niya na wala sa kanyang magagawa o masasabi ang makagagawa sa kanyang malinis.

II. Pangalawa, ang tao ay nagpunta kay Hesus.

“At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako” (Marcos 1:40).

Ang kawawang may ketong na ito ay walang duda na narinig ang tungkol kay Hesus. Sinabi ni John Wesley maaring narinig pa niya si Hesus na mangaral. Sinabi ni Wesley, “Siguro ang may ketong na ito, kahit na [hindi] siya makahahalo kasama ng mga tao, ay narinig ang ating Panginoon mula sa malayo” (isinalin mula sa ibid.). Nalalaman ni Gg. Wesley ang tungkol riyan, dahil napaka raming libong mga tao ang dumating upang pakinggan siyang mangaral mula sa malayo – at naligtas! Narito ay bahagi ng sulat na isinulat ni Gg. Wesley noong 1745,

Hanggang sa narinig ko ang iyong kapatid [si Charles] at ikaw, hindi ko kilala ang aking sarili. Tapos natagpuan ko na ako’y di nanampalataya, na walang makatutulong sa akin kundi si Kristo. Sumigaw ako sa kanya, at narinig niya ako at sinabi ang mga salitang iyon sa may kapangyarihan sa aking puso, “Magpunta sa kapayapaan, ang iyong mga kasalanan ay napatawad na.” (Isinalin mula kay John Wesley, M.A., Ang mga Gawain ni John Wesley [The Works of John Wesley], kabuuan I, Baker Book House, 1979 inilimbag muli, pahina 527).

At iyan mismo ang ginawa ni Hesus para rito sa kawawang may ketong na ito. At gagawin niya ang parehong bagay para sa iyo kapag iyong ipakumbaba ang iyong sarili at magtiwala sa Kanya, gaya ng ginawa ng may ketong.

III. Pangatlo, ang tao ay ginawang malinis.

Dapat akong magsabi ng kaunting mga salita rito tungkol sa ating mga Pentekostal at Karismatikong mga “manggagamot.” Kapag ang pangunahing diin ay inilalagay sa pisikal na pagpapagaling, ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay natatakpan, at madalas naalis ng buo. Huwag tayo dapat magtuon ng pansin sa pagpapagaling ng katawan ng tao. Si Hesus ay namatay sa Krus upang iligtas tayo mula sa ketong ng kasalanan, hindi upang pagalingin tayo mula sa sakit sa tainga o impeksyon sa ngala-ngala! Nagtutukoy patungkol sa mga “manggagamo”" sinabi ni Dr. A. W. Tozer (1897-1963),

Ito’y nagbunga sa isang kahiya-hiyang eksibisyonismo, isang inklinasyon na sumalalay sa karanasan imbes na kay Kristo at madalas isang pagkulang ng abilidad upang makilala ang mga gawain ng laman mula sa operasyon ng Espiritu (Isinalin mula kay (A. W. Tozer, D.D., Mga Susi sa Mas Malalim na Buhay [Keys to the Deeper Life], Zondervan Publishing House, n.d., mga pahina. 41, 42).

Oo, naniniwala ako na ang Diyos ay makapapagaling ng mga katawan. Matatag akong naniniwala na kay Niya! Ngunit paano kung kailangan nating mamili sa pagitan ng pagpapagaling ng ating mga katawan at pagpapagaling ng ating narumihan ng kasalanang mga kaluluwa? Para sa akin, ang napili ko ay madali. Ang ating katawan ay mamamatay na nalalapit nang sapat. Ngunit ang ating mga kaluluwa ay nabubuhay hanggang sa walang katapusang walang hanggan. Madaling makita alin ang mas mahalaga!

Sa maliit na kwentong ito ng napagaling na may ketong hindi natin nakikita lamang ang isang pisika, kundi isang espiritwal na pagpapagaling. Maari nating tiyak na masasabi sa ibang salita ang pagtuturo ni Kristo,

“Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, [kasama pati ang pisikal na pagpapagaling] at mapapahamak ang kaniyang [sariling kaluluwa]?” (Marcos 8:36) – [KJV].

Hindi, alam ng taong ito na ang kanyang ketong ay isang tanda ng isang bagay na mas malalim. Hindi niya hingi kay Hesus na pagalingin siya. Sinabi niya, “[Panginoon] kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.” Hindi niya “hinanap ang laman na nabubulok” lamang. “Ang ketong ay namamalagi malalim sa loob.” At iyan ang dahilan na si Hesus ay napakadali at nakamamanghang iniligtas siya.

“Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako” (Marcos 1:40).

“At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka” (Marcos 1:41).

At pagdakay “siya ay nalinis” (Marcos 1:42).

Ipinapakita niyan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan. Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng bagong buhay. Kapag magpunta ka kay Hesus sa simpleng pananampalataya, tulad ng taong ito, ililigtas ka ni Hesus na “pagdakay,” agad-agad! Sa akin, iyan ang pinaka dakilang mensahe ng Bibliya! “Kung ibig mo, ay maaring malinis mo ako.” “Ibig ko; luminis ka” – at siya’y nalinis! Iyan ang Ebanghelyo! Iyan ang mabuting balita ng kaligtasan! Iyan ang iyong nag-iisang pag-asa! “Hesus, kung ibig mo, maari mo akong gawing malinis.” “Ibig ko; maging malinis ka.” Magpunta kay Hesus. Magtiwala sa Kanya. Madaling magtiwala kay Hesus. Gagawin ka Niyang malinis sa isang sandali! – gaya ng ginawa Niya sa taong ito! Walang pangangailangang mag-antay ng mas matagal pa! Magtiwala kay Hesus at maging malinis! Ama, panalangin ko na mayroong isang magtiwala kay Hesus ngayong umaga, at gawing malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Amen.

Oo, alam ko, Oo, alam ko,
   Ang dugo ni Hesus ay makagagawa
Sa pinaka masamang makasalanang malinis,
Oo, alam ko, Oo, alam ko,
   Ang dugo ni Hesus ay makagagawa
Sa pinaka masamang makasalanang malinis.
   (Isinalin mula sa “Oo, Alam Ko!” [“Yes, I Know!”]
      ni Anna W. Waterman, 1920).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 1:40-42.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!” (ni Anna W. Waterman, 1920).


ANG BALANGKAS NG

ANG BALANGKAS NG

IBIG KO – LUMINIS KA!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako. At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis” (Marcos 1:40-42).

(I Ni Pedro 5:13)

I.    Una, ang tao na may ketong, Levitico 13:45, 46;
Mga Taga Roma 8:7; 3:11-12.

II.  Pangalawa, ang tao ay nagpunta kay Hesus, Marcos 1:40.

III. Pangatlo, ang tao ay ginawang malinis, Marcos 8:36; 1:40, 41, 42.