Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SATANIKONG PAGBUBUBLAGSATANIC BLINDING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3, 4). |
Ako’y magsasalita tungkol kay Satanas ngayong umaga. Ito’y naging isa sa mga pinaka mahihirap na mga pangaral na aking kailan man inihanda. Tiyak ako na ayaw ni Satanas na ipangaral ko ito sa iyo ngayon. Mayroong akong isang aklat ni Dr. W. A. Criswell na gagamitin ko sana bilang isang sipi. Pinag-aralan ko ang kanyang mga sermon kay Satanas at mga demonyo, at naisip ko na gagamitin ko ang ilan sa mga sinabi niya sa panimula ng aking sariling sermon. Inilapag ko ang aklat sa aking mesa. Ngunit noong ang oras ay dumating para sa aking ihanda ang sermon hindi ko ito mahanap! Mukhang ito’y naglaho! Kinailangang ito’y nasa aking silid aralan, ngunit gumuguol ako ng halos tatlong oras na naghahanap para rito, at hindi ito mahanap. Tiyak ako na mayroong kinalaman si Satanas rito.
Tapos si Ileana ay umuwi. Huminto ako at nanalangin sa Diyos na tulungan akong hanapin ito. Tinignan lahat ni Ileana ang lahat ng mga aklat sa sahig sa paligid ng aking mesa. Habang ginagawa niya ito naisip ko titingin ako muli ng isa pang beses kung saan nakito ko ito. Tumingin na ako doon ng tatlong beses, ngunit sinubukan ko muli. Naroon ito! Ang aking puso ay lumundag sa ligaya! Sinagot ng Diyos ang aking panalangin at ipinakita sa akin kung nasaan ang aklat!
Mayroong mag-iisip na ito’y isang maliit na bagay – naghahanap ng isang aklat. Ngunit ito’y madalas sa “maliliit na mga bagay” na nakikita natin kung gaano kaingat at masusi si Satanas. “Satanas” ang kanyang pangalan sa Hebreo. “Sawtan” – ibig nitong sabihin ay “kalaban.,” ibig nitong sabihin ay “katalo,” “kalaban,” at “humahadlang.” Ang “Satanas” ay nanggagaling mula sa isa pang Hebreong salita na ang ibig sabihin ay “salakay.” Si Satanas ay isang kalaban ng Diyos. Humahadlang siya sa Diyos. Sinasalakay niya ang gawain ng Diyos. At siya ay napaka makapangyarihan. Si Dr. W. A. Criswell ay ang pastor ng Unang Bautistang Simabahan ng Dallas, Texas sa loob ng halos anim na pung taon. Mayroon siyang isang Ph.D. sa Biblikal na Griyego at Teyolohiya. Siya ay isang kampiyon ng pagkawalang pagkakamali ng Bibliya. Siya ay isang dakilang Katimugang Bautistang mangangaral, isa sa mga pinakadakilang mangangaral ng ika-dalawampung siglo. Sinabi ni Dr. Criswell,
Si Satanas ay tumatayo sa ating akademikong komunidad at mga lektura na napakatalino. Pinapanguluhan niya ang edukasyonal na proseso, at gusto niyang matiyak na ang Diyos ay maalis mula rito. Si Satanas ang diyos ng mundong ito.
Iniibig ni Satanas ang relihiyon…Ang buong kwento ng matandang mundo ay sinabi ayon sa mga diyos ng taga Babylonia, mga taga Egipto, mga Griyego at mga taga Roma. Mayroong 335 na mga milyong mga hiwahiwalay na mga diyos na sinasamba sa Indiya ngayon. Gusto ni Satanas iyan. Sumamba ng kasing raming mga diyos na gusto mo, iwan mo lang ang tunay na Diyos mula rito. Iniibig ni [Satanas] ang mga relihiyon ng mundo. Iniibig niya ang milyon milyong mga nagsasamba sa mga altar ni Buddha o Shinto. Iniibig niya ang mga diyos ng mga Hindu, at iniibig niya ang pagsasamba ni Allah at ng mga Muslim. Milyon at milyong ang sumasamba sa mga diyos na iyon, siya ay natutuwa. Iwanan ang tunay na Diyos mula rito…
Si [Satanas] ay ang anghel ng ilaw, maingat niyang itinatago ang mga resulta noong mga kanyang naluluko… Itinatanghal niya ang isang tao ng pagkakatangi. Titignan mo siya. Siya ay isang maraming kayang eksekutibo, nakadamit na walang pagkakamali, at mayroong isang mataas na lugar sa isang korporasyon at sa lipunan. Ito ay isang tao ng pagkakatangi na may isang baso [ng alak] sa kanyang kamay. Ngunit itinatago ni [Satanas] ang kanal at ang lasingero sa kanyang suka at ang pagdurusa ng wasak na tahanan at wasak na mga pamilya at mga ulilang mga bata. Siya’y matalino! [Siya ang diyos ng mundong ito].
Niluluwalhati niya ang gayuma at ang kagalakan ng isang Broadway o ng isang Hollywood o isang Las Vegas at lahat ng tukso ng pornograpiya. Ngunit itinatago niya ang sipilis at ang gonoreya at ang herpis at ang AIDS at ang mga wasak na mga puso at ang mga luha at kawalan ng pag-asa. Iyan si Satanas [ang diyos ng mundong ito]…
…Pinapalsipikado niya ang simbahan ng nabubuhay na Diyos at Tagapagligtas, ang Panginoon si Kristo. Ang Apostol Pablo ay inilarawan ang palsipikadong simbahan… “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:5)…Ang palsipikadong simbahan ay alam ang malalalim na mga bagay ni Satanas at ang mga karibal at malalalim na mga bagay ng Diyos. Iniibig iyan ni Satanas. Iniibig niya ang isang relihiyon na walang tagapagligtas…Huwag kang magsalita sa mga nawawala. Huwag mo silang subukang pagbaguhing loob ang mga di ligtas. Gawin mo lang ito maganda, liturhikal, at matalino, ngunit iwan ang nakaliligtas na Tagapagligtas [si Kristo] mula rito. Iyan si Satanas. [Iyan ang diyos ng mundong ito].
At matalino gaya niya, ang anghel ng ilaw na siya, ay maingat [si Satanas] na itinatago ang katapusang resulta noong mga niloloko niya (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., “Ang Pagbagsak ni Lucifer,” Ang Dakilang Doktrina ng Bibliya – Angelolohiya, kabuuan 7, [“The Fall of Lucifer,” Great Doctrines of the Bible – Angelology, volume 7], Zondervan Publishing House, 1987, pp. 93-95).
Ngunit itinatago niya ang pagkasira ng buhay na wala si Kristo. Itinatago niya ang kawalang laman at pagdurusa. Itinatago niya ang walang Kristong kamatayan at walang pag-asang libingan. Itinatago niya ang Huling Paghahatol ng di ligtas na mga patay. Itinatago niya ang walang hanggang paghihirap ng kaluluwa sa mga apoy at ang paghihirap na magpakailan man sa walang hanggang Lawa ng Apoy! Iyan si Satanas. Iyan ang diyos ng mundong ito!
At ito’y ang nilalang na ito, ang Satanas na ito, na tinutukoy ng Apostol,
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3, 4).
I. Una, anong natatago sa kanila na nawawala.
Bakit ito ang Ebanghelyo, “ang maluwalhating ebanghelyo ni Kristo.” Iyan ang natatago mula doon sa mga nawawala. Ang Ebanghelyo ni Kristo ay isang napaka simpleng bagay na matutunan. Maari mong matutunan ang panimulang mga katunayan ng Ebanghelyo sa mas kaunti sa limang minuto. Ibinibigay ni Apostol Pablo ang Ebanghelyo sa dalawang maiikling berso ng Kasulatan. Sinabi niya,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3, 4).
Iyan ay bahagi lamang ng isang pangungusap. Isang pangungusap ang naglalarawan sa Ebanghelyo!
Una, “si Kristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan.” Ito’y si Kristo na namatay para sa ating mga kasalanan, hindi isang ibang tao. Ito’y si Hesu-Kristo, na ipinadala ng Diyos mula sa Langit. Ito’y si Kristo, na ipinanganak ng Birheng Maria. Ito’y si Kristo na ipinanganak na walang kasalanan, na nabuhay na walang kasalanan. Ito’y si Kristo na kahit ang Romanong gobernador na si Pilato ay nagsabing, “Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya” (Juan 18:38). Walang anomang kasalanan! Napaka totoo. Kahit ang Kanyang mga kalaban ay walang mahanap na kasalanan o pagkakasala sa Kanya. Kinailangan nilang magsinungaling tungkol sa Kanya, at sabihin na sinabi Niya na kaya Niyang itayong muli ang Templo sa tatlong mga araw, na hindi Niya kailan man sinabi! Ito’y isang kasinungalingan! Kinailangan nilang magsabi ng isang kasinungalingan upang gawin itong mukhang makatwiran na patayin Siya. Ito’y si Hesu-Kristo, na di kailan man nagsinungalin, at siyang walang ginawa kailan man kahit ano kundi ang tulungan ang mga tao. Ito ang perpekto, walang salang Anak ng Diyos.
Pangalawa, “Si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan.” Si Kristo ay namatay para sa ating lugar sa Krus, upang magbayad ng multa para sa ating mga kasalanan. Sinabi ng Apostol Pedro,
“Si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid” (I Ni Pedro 3:18).
Sinabi ng propetang si Isaias kay Kristo,
“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang” (Isaias 53: 5).
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53: 6).
Ito’y si Kristo, ang ating kapalit. Siya ay namatay para sa ating lugar – upang magbayad para sa ating mga kasalanan sa paningin ng Diyos.
Pangatlo, “siya’y inilibing, at…bumangon muli sa ika’tlong araw.” Namatay talaga Siya sa Krus. Ang kanyang patay na katawan ay inilagay sa isang libingan. Sinelyohan nila ang libingan at iniwan ang Kanyang katawan roon. Ngunit sa ika’tlong araw bumangon Siya mula sa pagkamatay. Siya’y pisikal na bumangon mula sa pagkamatay – upang magbigay ng buhay,
“Ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:15).
Iyan ang Ebanghelyo! Ito’y kasing simple niyan!
“Na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.. lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay” (Mga Taga Roma 5:8-10).
Iyan ang Ebanghelyo. Ang isang bata ay maaring matutunan ang mga katunayan na ito ng limang minuto! Iyon sa inyo na nagpunta sa simbahan na ito dalawa o tatlong beses na ay alam ang mga katunayan na ito. Natutunan mo na ang mga katunayan ng Ebanghelyo. At gayon…at gayon…at gayon, ika’y di ligtas. Alam mo ang Ebanghelyo, ngunit ika’y di ligtas. “At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak” (II Mga Taga Corinto 4:3).
II. Pangalawa, bakit ang Ebanghelyo ay natatago sa kanila na nawawala.
Ang sagot ay nasa ating teksto, “binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 4:4). Si Satanas ay tinatawag na “dios ng sanglibutang ito.” Sa Juan 12:31 si Satanas ay tinatawag na “ang prinsipe ng sanglibutang ito.” Sa I Ni Juan 5:19 tayo ay sinabihan,
“Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (I Ni Juan 5:19).
Ang Scofield na gitnang sulat ay isinasalin ito ng ganito,
“Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa malupit na isa”
at ang NASV ay ibinibigay itong,
“Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa kapangyarihan ng masamang isa.”
Ang mga bersong ito ay ginagawang malinaw na ang makamundong sistema (ang kosmos) kasama ng mga masasamang mga pinuno, at huwad na mga relihiyon nito, masasamang mga tao, at baluktot na mga kaisipan, ay kontrolado ni Satanas. Ang mga ideya, mga opinion, mga layunin at mga pananaw ng malaking karamihan ng mga tao ay kontrolado ng espiritu ng mundo ng panahong ito. Tinawag ito ni Ellicot na “ang espiritu ng kamuhian at pagkahuwad at pagkamakasarili [na] tunay na sumasamba sa diablo” (Isinalin mula sa Kumentaryo ni Ellicott sa Buong Bibliya [Ellicott’s Commentary on the Whole Bible,] kabuuan VII, Zondervan, n.d., p. 375; sulat sa II Mga Taga Corinto 4:4).
At sinabi ni Ellicott na ang “diyos ng mundong ito ay direktang nasa antagonism sa [gawain] ng Diyos” (isinalin mula sa ibid.). Iyan ang ibig sabihin ng pangalan na “Satanas” ibig nitong sabihin ay – kalaban, katunggali, kaaway, humahadlang.
Maarig di mo ito natanto, ngunit ang lahat ng di napagbagong loob ay humahadlang sa Diyos. Ang lahat! Walang eksepsyon! Iyong mga gumagawa ng ating teleponong ebanghelismo ay alam ito sa karanasan. Hindi sila kailan man nakahahanap ng kahit sinong nagpupunta sa sumbahan at naliligtas na hindi nakikipaglaban – napaka dalasi sang higante, malaking pakikipaglaban! At iyan ay doon sa mga aktwal na nagpupunta! Nagpupunta lamang sila na may isang pakikipaglaban. Ngunit ang malaking karamihan ay hindi magpupunta sa anumang paraan! Iyan ay lalong lalao nang totoo sa mga puting Amerikano –
ngunit, sa isang paraan o iba pa, ito’y totoo sa bawat iba pang mga etnikong grupo rin. Kahit isang “mainam” na Tsinong ina ay magsasabi, “Sige, makapupunta siya. Ngunit huwag mo siyang bibinyagan!” Sinasabi nila ang ganoong bagay na napaka dalas na nagsisimula mong matanto na sila’y laban sa Diyos sa kanilang mga puso. Ang kanilang mga pag-iisip ay kontrolado ng diyos ng mundong ito, gaya ng paglagay nito ni Ellicott, “ang espiritu ng pagkahuwad at pagkamakasarili” (isinalin mula sa ibid.)
.Sinimulan ko ang simbahang ito noong Abril ng 1975 – at dumaan na ako ng apat na pung taon ng gahiganteng pakikipaglaban, walang katapusan, lubos na mahirap na kaguluhan sa espiritu ng sanglibutan, doon sa mga ang mga puso ay kontrolado ni Satanas, ang kalaban at kaaway ng Diyos at Kanyang mga tao. Sa Mga Taga Efeso 2:2 tinawag ni Satanas, “ang prinsipe ng kapangyarihan ng ere, ang espiritu na ngayon ay kumikilos sa anak ng pagsusuway.” Iyan ay si Satanas! Iyan ang diyos ng sanglibutang ito! Iyan ang kalaban ng tunay na Diyos! Siya’y kumikilos sa bawat puso ng tao upang pigilan sila mula sa pagiging mga tunay na mga Kristiyano. Ito’y hindi lamang aking opinion. Pakinggan si Dr. Martyn Lloyd-Jones, ang taga Britanyang magnagnaral, isinasa-alang-alang na isa sa pinaka dakilang mangangaral ng ika-dalawampung siglo. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,
Ang diablo ay laging naghihintay upang lituhin tayo. Gusto niyang sirain ang gawain ng Diyos…Sa bawat tusong paraan, ipinapahiwatig niya ang kanyang sariling pag-iisip (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Espiritwal na Pagpapala [Spiritual Blessing], Kingsway Publications, 1999, pah. 158).
Sa isa pang lugar sinabi ni Dr. Lloyd-Jones patungkol sa Diablo, “Ang kanyang dakilang pagsisikap ay ang ihiwalay ang mga kalalakihan at kababaihan mula sa Diyos.” “Si [Satanas] ay ang dakilang kalaban ng Diyos: kinamumuhian niya ang Diyos sa lahat ng kanyang pagkanilalang” (Isinalin mula sa Mapananaligang Kristiyanismo [Authentic Christianity], kabuuan 4, The Banner of Truth Trust, 1966, pah. 42). Si Satanas – siya ang nagbubulag sa iyong isipan at pinapanatili ang Ebanghelyong nakatago sa iyo.
III. Pangatlo, paano na ang Ebanghelyo ay nakatago sa kanilang nawawala.
Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang diablo ay laging naghihintay na lituhin tayo.” Ang Ebanghelyo ay isang maluwalhati, nakamamangha, nagbibigay sa atin ng kalayaan at pag-asa. Ayaw ng Diablong magkaroon ka ng kahit ano niyan! Sinasabi ng ating teksto na kanyang “binulag ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Crist.” Si Satanas “ay laging naghihintay upang lituhin tayo.” Bibigyan ko kayo ng ilang paraan na nililito ni Satanas ang mga tao, pinananatili sila mula sa pagtitiwala kay Hesus. Hindi ko kailangang magbigay ng maraming paraan, dahil ang Diablo ay hindi gumagamit ng napakaraming paraan. Hindi niya kailangan dahil alam niya na mahahawakan ka niya at maaalipin ka niya gamit ng kaunting mga paglilinlang lamang. Narito ay tatlo sa pangunahing paglilito, na ginagamit niya upang pigilan ka mula sa pagiging ligtas.
1. Ipinapahiwatig ng Diablo ang kanyang sarili sa iyong isipan at ginagawa kang isipin mo, “Masyadong maraming isusuko. Mabuting magpunta sa simbahan, ngunit kung ako’y maging isang tunay na Kristiyano, kailangan kong sumuko ng masyadong maraming mga bagay.” Sinagot ni Hesus ang Satanikong pag-iisip na iyan ng isang katanungan. Madalas sumagot si Hesus ng isang katanungan sa pamamagitan ng pagtatanong ng isang katanungan. Kung sasabihin ng Diablo na “masyadong maraming isusuko,” sabi ni Hesus, “Anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang [kaluluwa]?” “Ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang [kaluluwa]?” (Marcos 8:36, 37) [KJV]. Kung makuha mo ang lahat na maihahandog ng mundo at mawala ang iyong kaluluwa, ika’y masusumpa sa walang hanggan, na walang kaligayahan, walang galak, walang pag-asa – lubos na walang pag-asa sa buong walang hanggan.
2. Ipinapahiwatig ng Diablo ang sarili niya sa iyong isipan at ginagawa kang isipin mo, “Ako’y nagpupunta sa simbahan kada Linggo. Narito ako sa simbahan bawat paglilingkod. Sa tingin ko’y ako’y mainam.” Sabi ni Spurgeon, “Hindi sila makikinig kayKristo kapag sasabihin niyang, ‘Siyang nananampalataya ay hindi mamamatay,’ anonmang ka moral ang kanyang karakter. Hindi; nagpapatuloy sila…sa pagkasira na may magaan at masayang puso. Tiyak ang mga taong ito ay nabulag ni Satanas.”
3. Ipinapahiwatig ng Diablo ang kanyang sarili sa iyong isipan at ginagawa kang isipin mo, “Dapat akong magkaroon ng isang tiyak na pakiramdam. Alam ko sinasabi ng Pastor na huwag dapat akong maghanap ng isang pakiramdam. Ngunit kung wala akong pakiramdam wala akong kahit anong sasabihin kay Dr. Cagan sa silid ng pagsisiyasat. Sinasabi ni Dr. Cagan, ‘Sabihin mo sabihin mo sa akin ang tungkol rito.’ Wala akong sasabihin sa kanya kung hindi ako makaranas ng kahit anong pakiramdam.” Pakinggan ang matandang taga Britanyang mangangaral na si Dr. Martyn Lloyd-Jones. Sinabi niya, “Napaka dalas sa pakikipagharap sa mga nagsisiyasat para sa kaligtasan, na ang isa ay kailangang ituro na hindi kailan man sinasabi ng Bagong Tipan, ‘Sinuman ang nakararamdam ay maliligtas,’ ngunit ang ‘sinumang nananampalataya,’… kaya ito’y [sapat] para sa iyong sabihin, ‘Nabubuhay ako ayon rito; nakararamdam man ako o hindi ay hindi mahalaga; hindi tayo naliligtas sa pamamagitan ng pakiramdam kundi sa pamamagitan ng pananampalataya” kay Hesus (Isinalin mula sa Buhay sa Diyos [Life in God], Crossway Books, 1995, pah. 105).
Ngayon alam ko na wala sa sinabi ko ang makatutulong sa iyo maliban na lang na tulungan ka ng Diyos na matanto ika’y di makalalaya mula kay Satanas sa iyong sarili. Dapat mong makita na hindi mo mapili si Kristo. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang ‘diyos ng sanglibutan’ ay ginagawa itong imposible para sa [iyo] na gawin ito” (Kasiguraduhan [Assurance], Banner of Truth, 1971, pah. 310). Kung ika’y maging tunay na makatotohanan sa iyong sarili, at sa Diyos, ang iyong puso ay sisigaw, “Ako’y nawawala! O, Hesus tulukngan mo ako.” Sa isang sandali, si Hesus ay magpupunta sa iyo, at ililigtas ka Niya.
Pakinggan kung gaano ka simple ito para sa leproso mababasa natin ang tungkol sa Ebanghelyo ni Marcos ilang araw ang nakaraan. Ang lalake ay nagpunta kay Hesus at lumuhod. Sinabi niya kay Hesus, “Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.”
“At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay… at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka” (Marcos 1:41, 42).
O, na mayroong isang magpunta kay Hesus tulad niyan ngayong umaga. “Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.” “Ibig ko; luminis ka” – at siya ay nalinis. Iyan ang Ebanghelyo! Iyan ang bagong balita ng kaligtasan! Iyan ang nag-iisa mong pag-asa! Itaboy ang Diablo at kanyang mga kasinungalingan! “Hesus, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.” “Ibig ko; luminis ka.” Kung kaya mong paniwalaan ang mga salita nitong maliit na tula mula kay Spurgeon, ika’y agad-agad maliligta ni Hesus.
O nagkakasala, mahina, at walang pag-asang uod,
Sa mabuting mga braso ni Kristo ako nahulog;
Siya ang aking lakas at katuwiran,
Aking Hesus, at aking lahat.
At magpatuloy ka sa iyong daan na nagpupuri kay Kristo! Makalangit na Ama, panalangin ko na mayroong isa rito ngayong umaga na bumagsak sa mga braso ni Hesus at maligtas. Amen.
At alam ko, Oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ay makalilinis
Ng pinaka masamang makasalanang malinis,
At alam ko, Oo, alam ko,
Ang dugo ni Hesus ay makalilinis
Ng pinaka masamang makasalanang malinis.
(“Oo, Alam ko!” isinalin mula sa “Yes, I Know!” ni Anna W. Waterman, 1920).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Mga Taga Corinto 4:3-6.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!” (ni Anna W. Waterman, 1920).
ANG BALANGKAS NG SATANIKONG PAGBUBUBLAG ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3, 4). (II Ni Timoteo 3:5) I. Una, anong natatago sa kanila na nawawala, I Mga Taga Corinto 15:3, 4; Ni Juan 18:38; I Ni Pedro 3:18; Isaias 53:5, 6; Ni Juan 3:15; Mga Taga Roma 5:8-10. II. Pangalawa, bakit ang Ebanghelyo ay natatago sa kanila na nawawala, Ni Juan 12:31; I Ni Juan 5:19; Mga Taga Efeso 2:2. III. Pangatlo, paano na ang Ebanghelyo ay nakatago sa kanilang nawawala, Marcos 8:36, 37; Marcos 1:41, 42. |