Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGKAHIRANG

ELECTION
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-1 ng Pebrero taon 2015

“At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan” (Mga Gawa 13:48).


Sa kanilang paglalakbay si Pablo at ang kanyang mga kasamahan ay nagpunta sa Antioka sa Romanong probinsya ng Pisidia. Nagpunta sila sa sinagoga. Ang mga pinuno ng sinagogang iyon ay nag-imbita kay Pablong magsalita. Noong ang mga Hudyong mga matatanda ay nagpunta sa lahat ng daan papuntang Antioka, tradisyonal na tinatanong silang magsabi ng ilang bagay. Gusto nilang makarinig ng ilang salita tungkol sa kung anong nangyayari sa relihiyosong sentro ng Jerusalem. Nagbigay ito kay Pablo ng isang matinding pagkakataon na mangaral. Si Pablo ay tumayo at nagsimulang magsalita. Iniulat ni niya ang kasaysayan ng Israel. Nagsalita siya patungkol sa pagdating ni Hesus, ng Kanyang kamatayan sa Krus, ng Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay. Noong si Pablo ay natapos, ang ilan sa mga Hudyo at maraming mga Gentil na napagbagayong loob sa Hudyanismo ay napaka interesado na marinig ng higit pa ang tungkol sa Ebanghelyo.

Sa sunod na Sabat halos ang buong lungsod ay nagsidating upang pakingan si Pablong ipangaral ang mabuting balita ng kaligtasan.

“At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan” (Mga Gawa 13:48). .

Literal na, “ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.” Pinili ng Diyos ang ilan sa mga taong ito sa simula palang. Ngayon dinala sila ng Diyos kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Ginamit ni Lucas ang pabalintiyak na tinig “itinilaga” – “hinirang” nagpapakita na ang Diyos ang gumagawa ng gawaing ito. Ang Diyos lamang ang makabibigay ng walang hanggang buhay. Ito ang isa sa pinaka malinaw na salaysay ng pinakamakapangyarihang punong gawain sa pagliligtas ng mga makasalanan. Pinipili ng Diyos kung sinong maliligtas. Tinatawag Niya sila. Dinadala Niya sila. Pinagbabagong loob Niya sila. “nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.” Sinabi ni Dr. W. A. Criswell patungkol sa ating teksto,

Iyong mga hindi naitalaga wa walang hangga buhay ay di nagsisampalataya. Iyong mga hinirang ay nagsisampalataya (“Paghihirang: Ang Pinakamakapangyaraihang Punong Layunin ng Diyos ay Nakamit” [“Election: God’s Sovereign Purpose Achieved”]).

Ito’y ksaing simple niyan! Ang doktrina ng paghihirang ay isang doktrina ng Bibliya. Ito’y nasa buong Bibliya.

Mababasa natin si Noe na nabubuhay sa mundo ng kasamaan, bisyo at kasuklam-suklam na kasalanan. “Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon” (Genesis 6:8). Si Noe at ang kanyang pamilya ay naligtas mula sa matinding Baha dahil pinili sila ng Diyos at niligtas sila sa pamamagitan ng biyaya. Iyan ay paghihirang!

Mababasa natin ang patungkol kay Abraham, na tinawag mula sa Ur ng mga Chaldees, isa sa pinaka mapagsamba sa mga diyos-diyosan na mga lungsod ng nakatatandang mundo. Tinawag ng Diyos si Abraham palabas ng pagsasamba sa mga diyos-diyosan at iniligtas siya at ginawan siya ng isang dakilang bansa. Iyan ay paghihirang!

Mababasa natin si Lot na nabubuhay sa napatigas ng kasalanang lungsod ng Sodom. Ang lungsod ay nasumpa. Ayaw lisanin ni Lot ang lungsod,

“Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan” (Genesis 19:16).

Iyan ay paghihirang! “Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin” (Genesis 19:26). Bakit iyan nangyari sa asawa ni Lot? Hindi siya isa sa mga hinirang. Iyan ang dahilan na siya’y nasawi!

Mababasa natin ang patungkol sa Israel sa Egipto, sa pagkakaalipin. Ipinadala ng Diyos si Moses upang iligtas sila. Sa umaapoy na palumpong sa kaparangan, sinabi ng Diyos kay Moses,

“At ako'y bumaba upang iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot” (Exodus 3:8).

Iyan ay paghihirang! At iyan ay itinuro muli’t muli sa buong Lumang Tipang Kasulatan.

Sa panahon ng propetang Isaias ang bansa ng Isarael ay naging magpagsamba ng diyos-diyosan at malupit. Sa panahong iyon, sinabi ng propeta,

“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9).

Ang mga labi lamang ang naligtas. Iyan rin ay eleksyon!

Sa Bagong Tipan mababasa natin muli na ang Diyos ay pinakamakapangyarihang puno, naghihirang na biyaya. Sa Mga Taga Roma mababasa natin,

“Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya... Ano nga? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas” (Mga Taga Roma 11:5, 7).

Sa Mga Taga Efeso mababasa natin,

“Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban... Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin: Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko: Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban” (Mga Taga Efeso 1:5, 9-11).

Sa II Mga Taga Tesalonica mababasa natin,

“Nguni't kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios buhat nang pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo” (II Mga Taga Tesalonica 2:13-14).

Ang Diyos ay pumipili, ang Diyos ay tumatawag, ang Diyos ay naghihirang ng Kanyang mga tao. Anuman ang sinasabi ng kahit sino politiko, o sabihin ng kahit anong korte ng bansa, o sabihin ng kahit anong Muslim na terorista, ipinangako ng Diyos ang lupa ng Israel kay Abraham at ang kanyang binhi magpakailan man. Ang lupain iyan ay pinagmamay-ari nila. Ito’y dahil sa naghihirang na layunin ng Diyos na ang Israel ay naligtas at bumalik sa lupa na ibinigay sa kanila ng Diyos. At walang bansa o terorista ang makakukuha nito mula sa kanila. Iyan ang paghihirang!

Ang ilang mga tao ay nagsasabi kung maniwala ka sa paghihirang hindi ka makatatagumpay ng mga kaluluwa. Ipinapalagay ko na nakakita sila ng ilang makabang Kalvinista na hindi nagtatagumpay ng mga kaluluwa. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones hindi sila tunay na mga Kalvinista, mayroon lamang silang paniniwala bilang isang “pilosopiya.” Ang mga kalalakihang tunay na naniniwala sa paghihirang ay ang pinaka dakilang nagtatagumpay ng kaluluwa sa lahat ng panahon – si Whitefield, ang makapangyarihang ebanghelista; si William Carey, ang tagapangunang misyonarayo; si Adoniram Judson, ang unang Amerikanong misyonaryo; si Dr. David Livingstone, ang apostol sa Aprika; si C. H. Spurgeon, ang dakilang Bautistang mangangaral ng lahat ng panahon – ang mga kalalakihang ito ay naniwala sa paghihirang!

Sinimulan ko ang simbahang ito apat na pung taon noon nitong Abril. Hindi ako laging naniwala sa paghihirang. Naisip ko na ito’y lahat nakasalalay sa akin. Halos nawasak ako nitong buhatin ang bigat! Ngunit habang nagsaimula kong makita ang dakilang katotohanan, ang naghihirang na biyaya ng Diyos, ang gawain ng ebanghelismo ay naging kalugod-lugod sa akin, gaya ng inaasahan ko rin sa iyo! Hindi ka mabibigo! Nagpupunta kami sa mga kalye at mga tindahan ng malaki at malupit na lungsod na ito – at lahat ng karunungan ng tao ay magsasabi, “Hindi mo ito magagawa. Hindi ito magagawa! Ang lahat na iyong dalhin sa simbahan ay mabibigo!” Ngunit iyan ang tinig ng Diablo! Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi,

“Ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan” (Mga Gawa 13:48).

Hindi tayo maaring mabigo! Ang mga nahirang ay papasok at mananatili! Ang mga hinirang ay maliligtas! Magpunta at kunin sila! Gawin ito! Gawin ito! Gawin ito! At si Kristo ay maluluwalhatian sa kanila! Ang mga hinirang ay maliligtas! “Dalhin Sila Papasok.” Kantahin ito!

Dalhin sila papasok, Dalhin sila papasok,
   Dalhin sila mula sa mga parang ng kasalanan;
Dalhin sila papasok, Dalhin sila papasok,
   Dalhin ang mga nagsisigala kay Hesus.
(“Dalhin Sila Papasok.” Isinalin mula sa “Bring Them In”
      ni Alexcenah Thomas, ika-19 na siglo).

Sinasabi ng Diablo, “Hindi kailan man magkakaroon ng muling pagkabuhay! Sinubukan mo ito noon! Hindi kailan man ito mangyayari!” Ngunit sa naghihirang na layunin ng Diyos maari itong mangyari! At naniniwala ako na ito ay mangyayari! Gagawin ng Diyos ang hindi natin magawa! Pangingoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay! Kantahin ito!

Pangingoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay,
   Pangingoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay,
Pangingoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay
   At hayaan itong magsimula sa akin!

Ngunit mayroong isang teribleng babala sa Bibliya na magagamit sa atin ngayon. Ito’y ito,

“Ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas” (Mga Taga Roma 11:7).

“Ito” ay tumutukoy sa kaligtasan, at ang berso ay magagamit sa ating simbahan.

Bakit ito naitatalaga ng paghihirang? Dahil binigyan sila ng Diyos ng mga tainga upang makarinig, at mga mata upang makakita. Nakikinig silang maigi sa mga pangaral. Nakikita nila ang kanilang mga kasalanan. Nagtitiwala sila kay Kristo. Ito’y kasing sinple nito. “At ang mga iba’t pinapagmatigas.” Sana ay hindi iyan totoo sa iyo, natatakot ako na maaring ito nga ay ganito sa ito. “Ito’y kinamtan ng paghihirang at ang mga iba’y pinagmatigas.”

Kita mo, ang “iba’y”nakarinig nito lahat noon pa, at kaya, kanilang isinasara ang kanilang mga isipan rito. Nakita na rin nila ang videyo ni mga peklat ni Pastor Wurmbrand na natanggap niya mula sa pulang-mainit na mga panusok, pihahirapan para kay Kristo. Nakita na nila ito noon. At dahil nakita na nila ito, ang kanilang mga isipan ay nagsara nito. Hindi sila nakaririnig, at hindi nila iniisip ang tungkol sa mga sinasabi ni Pastor Wurmbrand! Narinig na nila si Dr. Chan na magsalita – maraming beses. At kaya ang lubos na kasimplehan ng kanyang puso, at ang malinaw na pagkamakatotohanan at pagkasigasig ng kanyang mga pangaral ay hindi humahawak sa kanila. Narinig na nila siyang mangaral at manalangin, kaya ang kanilang mga isipan ay sarado sa anong sasabihin niya. Narinig na nila akong mangaral – maraing, maraming beses. At kaya, walang kumukulog na tinig ko ang makatatagos sa mga pader ng pagtututol. Narinig na nila ang aking mga denunsasyon at pagmamakaawa. At kaya, ang aking mga pangaral ay hindi humhawak sa kanila. Ang kanilang mga isipan ay nakasara sa anong aking ipangaral.

Ngunit ang mga nahirang ay hindi ganoon. Kayapang narining nila si Pastor Wurmbrand sa videyo na iyan, sila’y nagugulat sa pagkamangha at pagtataka. Nakikinig sila na para bang siya ang Apostol Pablo, presko mula sa mga kadena ng kadiliman ng isang Romang bilangguan. Narinig na nila si Dr. Chan na para bang siya’y ang manggagamot na si Lucas, presko mula sa isang pagkakatagpo sa Diyos. Naririnig nila ang aking kumukulog na pangangaral na para bang ako’y si Luther, na prinoproklama ang mga kasindakan ng batas ng Diyos, at ang konsolasyon na mahahanap sa dumurugong mga sugat ni Kristo.

“Ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas” (Mga Taga Roma 11:7).

Bago inilagay si Pastor Wurmbrand sa nag-iisang pagkakulong siya’y nakapagsalita sa ibang mga bilanggo sa Komunistang konsentrasyong kampo, Isa sa mga lalakeng nagngangalang Stancu, ay nagsabi sa kanya,

Minsan si [George] Bernard Shaw ay nagmungkahi minsan ang mga tao ay masyadong nabakunahan sa pagkabata ng maliliit na dosis ng Kristiyanismo na bihira nilang nakukuha ang totoong bagay (Isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Sa Palihim ng Diyos [In God’s Underground], Living Sacrifice Book Co., 2004 inilimbag muli, pahin 120).

Iyan ba ay nangyayari sa iyo? Ikaw ba’y nabakunahan? Nakatanggap ka ban g napaka raming maliit na dosis ng Kristiyanismo na hindi mo matanggap ang tunay na bagay?

Upang maramnasan ang isang tunay na pagbabagong loob dapat mong makita ang lahat na may bagong mga mata at marinig ang lahat na may bagong mga tainga. Ang mga katotohanan na iyong nababasa tungkol sa Bibliya ay dapat maging mahalaga sa iyo. Ang kahalagahan ng iyong kaluluwa, ang mga kasalanan ng iyong puso, ang pagkatakut-takot ng kawalang hanggan nahiwalay mula kay Kristo – ang mga ito ay dapat kumapit sa iyo pinaka kaluluwa sa isang bagong paraan, o hindi magkakaroon ng kaligtasan.

Si Dr. Cagan at ako ay nakakita ng mga taong di kailan man namin naisipa na kailan man maliligtas, biglang nahaharap sa kanilang mga kasalanan at ang kanilang masasamang mga puso. Nakita na namin silang lumuha para sa kanilang mga kasalanan. Nakita na namin silang magtiwala kay Kristo. Nakita na namin silang dumaan mula sa hangganan ng mundong ito at makatagpo si Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaharian ng espiritwal. Hindi natin makatuwirang maipaliwanag itong biglang pananampalatayang ito, ang banal taong pagtatagpo. Ito’y hindi bunga ng isang bagay na sinabi o ginawa naming espesyal. Sinabi namin ang parehong mga salita na kanilang narinig ng maraming beses non. Ngunit biglang nagsalita ang Diyos sa kanilang mga puso. Naramdaman nila ang kabuktutan ng kanilang makasalanang kalikasan. Nagmadali sila kay Kristo sa pananampalataya. Sila’y nahugasang malinis mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Sila’y naipanganak ng Diyos. Sila ngayon ay na kay Kristo Hesus. Ito ang himala ng pagbabagong loob. Ito ang pagkamangha ng kaligtasan. Ito ang dahilan na si Kristo ay dumating sa lupa upang mamatay sa Krus. Ito ang dahilan na ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo – upang ang iyong mga kasalanan ay mahugasan magpakailan man! Ito ang dahilan na bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay – upang bigyan ka ng buhay.

“Ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas” (Mga Taga Roma 11:7).

“O pastor,” maaring mayroong magsabi, “Ayaw kong mabulag. Gusto kong maging isa sa mga nahirang.” Gayon “mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo!” (II Ni Pedro 1:10). Huwag mong tanggihan ang Espiritu ng Diyos, tumatagos sa iyo at inilalantad sa iyo ang iyong marumi at mapaglinlang na puso. Huwag mong labanan ang Espiritu ng Diyos habang dinadala ka Niya kay Kristo. Magin mailubog sa ilalim na agos ng Kanyang Dugo.

Ang aking ina ay naging labas pasok ng simbahan maraming beses sa kanyang buong buhay. Gayon man ang kanyang isipan ay naulapan at di malinaw ayon sa Ebanghelyo. Hindi niya ito mahawakan. Ito’y mukhang di pangkaraniwan sa kanya at banyaga sa kanyang isipan. Siya ay nawawala. Tapos narinig niya ang aking dalawang mga anak na lalakrng kumakanta sa likuran ng aming tahanan. Sila noon ay pitong taong gulang lamang. Narinig niya silang kumakanta,

Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Ang iyong mga damit ba ay walang bahid?
Ang mga ito ba ay puti gaya ng niyebe?
Ikaw ba’y nahugasan ng dugo ng Kordero?
   (“Ikaw Ba’y Nahugasan ng Dugo.” Isinalin mula kay
“Are You Washed in the Blood?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).

Nagkumento siya rito patungkol rito maya maya sa araw na iyon. Sinabi niya, “Anong di pangkaraniwang kanta iyan para kantahin ng maliliit na mga bata, ‘Ikaw Ba’y Nahugasan sa Dugo?’ Anong di pangkaraniwang kanta!”

Gayon, maikling panahon maya maya, hindi na ito di pangkaraniwan sa kanya. Nagpunt siya kay Kristo at napagbagong loob. Sinabi niya sa akin, “Si Hesus ay totoo, Robert. Noong dumating Siya sa akin, ang amoy Niya’y napaka linis at presko.” Hindi ko pa narinig ang kahit sinong magsabi niyan noon. Hindi ko ito nabasa kahit saan. Wala akong kilala na mayrong saktong karanasan sa pagbabagong loob kundi siya. Gayon iyon ang ang karanasan ng aking ina, noong nagpunta siya kay Hesu-Kristo sa pananampalataya. Siya’y “nahugasan sa dugo ng Kordero!”

Huwag mo dapat asahan na ang parehong karanasan ay mangyayari sa iyo – ngunit pagkamagpupunta ka kay Kristo sa simpleng pananampalataya, ikaw rin ay mahuhugasan sa Dugo ng Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Kahit na hindi ka magkaroon ng saktong karanasan gaya niya, ipinapangako ni Hesus, “Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13). Kapag magtiwala ka kay Hesus, ikaw rin, ay mailalantad na isa sa mga nahirang! Dr. Chan paki panalangin para sa isang taong magtiwala kay Hesus ngayon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Gawa 13:44-48.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Nakahanap ako ng isang Kaibigan.” Isinalin mula sa
“I’ve Found a Friend” (ni James G. Small, 1817-1888).