Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG KALOOB NA DI MASABI

THE UNSPEAKABLE GIFT
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-25 ng Enero taon 2015

“Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi”
(II Mga Taga Corinto 9:15).


Noong 1994 isang lindol ang umuga sa aming tahanan sa gitna ng gabi. Napaisip ako nito ng tungkol sa halaga ng mga bagay ng nasa aming tahanan. Naisip ko ang bahay naming nasusunog. Paano kung ito’y nasusunog? Paano kung mayroon lamang akong tatlo hanggang apat na minuto upang makatakas? Anong dadalhin ko? Tapos naisip ko, ako’y magmamadali sa aming silid tulugan at bubuksan ang isang dibuhante, at kunin ang mga piraso ng buhok na naputol mula sa aking mga anak na lalake noong nagkaroon sila ng una nilang gupit ng buhok, at kukunin ko ang aking tansong sanggol na sapatos mula sa tuktok ng tokador. Kung mayroon pa aking isa pang minuto, kukunin ko ang larawan ng aking nanay at mga anak na lalake. Ilan pang kaunting segundo at aking huhukayin ang bistidang pangkasal ng aking asawa, naimpake at nakaselyo sa isang kahon, at aking kukunin ang ilang piraso ng panahon ng Depresyon na mga palayok na mga regalo noong kasal ng aking nanay noong 1934.

Ano ang halaga ng mga bagay na iyon? Halos wala. Maari kang makakuha ng $25 para sa lumang pangkasal na bestida. At ang iba ay walang halaga pagdating sa pera. Ngunit ang mga ito ay hindi mabibili ng salapi sa akin! Ang pinaka dakilang regalo ay nakakapit sa ating mga puso, sa ating mga kaluluwa.

Pagkatapos na namatay ng aking lola sinabi nila sa akin na ang kanyang tahanan ay malilinis sa sunod na araw. Naghirap akong makapunta doon. Tumakbo ako sa bahay at kumuha ng isang bagay lamang – isang lumang palayok na may isang baging na tumutubo mula rito. Ito’y isang bagay na gusto niya, at iyan lang ang aking kinuha. Habang isinusulat ko ang sermon ito tinignan ko ang baging na iyon sa aking mesa. Itinago ko ang halaman na iyon asama ko saan man ako sa loob ng anim na pung taon. Hindi ito nagkakahalaga ng dalawang dolyares, ngunit iyan lang ang lahat na kinha ko mula sa kanyang tahanan noong ako’y isang labin limang taong gulang na batang lalake. Hindi ito nagkakahalagang $2 dolyares, ngunit hindi ito mabibibli ng pera sa akin! Ang pinaka dakilang regalo ay nakakapit sa ating mga puso at ating mga kaluluwa.

Noong ang aking pinsang si Johnny at ang kanyang asawa ay namatay, nagmaneho ako papunta sa kanyang tahanan. Ito’y ibinenta at ang lahat ng mga bagay sa kanyang tahanan ay mawawala na sa sunod na araw. Ang lahat ang mga bagay ay nakasalansan sa isang bunton sa harap na silid na sahig. Mayroong nagtanong sa akin, “May gusto ka bang kahit ano?” Sinabi ko, “Oo, gusto ko iyang piraso ng playwud na mayroong ilang mga pato na nakaguhit rito.” Ibinigay nila ito sa akin ang nagmaneho ako papalayo sa kalungkutan. Ito’y nakabitin sa pader ng silid ng aking anak na lalake hanggang sa araw na ito. Ito’y mula sa tahanan kung saan ako’y nanirahan bilang isang labin tatlong taong gulang na batang lalake. Ito’y di nagkakahalaga ng $25, ngunit hindi ito mabibili ng salapi sa akin! Ang pinka dakilang rehalo ay nakakapit sa ating mga puso, at ating mga kaluluwa.

Noong ang tahanan ng aking nanay ay ibinenta, tinawagan nila ako at sinabihan, “Kung gusto mo ng kahit ano, kailangan mong kunin ang mga ito ngayon, ito ang huling araw.” Ito’y lampas na ng hapon. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ako tinawagan isang araw o dalawang araw noon! Nagmadali ako at umarkila ng isang trak. Kinuha ko ang kanyang lumang piyano, ilang piraso ng mga pato na gawa sa plaster, at dalawang lumang estatwa – isa ay ng isang Amerikaong Indyan at ang isa ay isang Espanyol na koboy. Ang lahat ng mga ito ay nagkakahalagang mas kaunti pa sa $200. Ngunit hindi mo mabibili ang mga ito sa akin ng $10,000. Ang mga ito ay hindi mabibili ng salapi sa akin. Oo, ang pinaka dakilang mga regalo ay nakakapit sa ating mga puso, at ating mga kaluluwa.

Isang lumang bestidang pangkasal, dalawang piraso ng buhok, isang banging na tumutubo sa isang palayok, ilang piraso ng lumang babasagin, isang sira nang piyano, dalawang nagasgasan at nawawalan na ng kinang na mga estatwa – mga basura sa mundo – ngunit sa akin ay nagkakahalaga ng isang kayamanan! Hindi ko mailarawan sa iyo, o maipaliwanag sa iyo ang kanilang halaga at ang kanilang pakinabang. Kita mo ang pinaka dakilang mga regalo at nakakapit sa ating mga puso at ating mga kaluluwa.

Mayroon akong isang kaibigan sa hay skul na nagngangalang Mike. Pagkatapos na nilisan ko ang paaralan siya’y nawalang pag-asa at pinatay ang kanyang sarili. Nagpunta ako upang bisitahin ang kanyang nanay. Sinabi ko sa kanya na siya ay aking kaibigan. Sinubukan niyang ibigay sa akin ang kanyang mamahaling makiniliya, sinubukan niyang ibigay sa akin ang kanyang mga damit. Siya’y nagulat at nagluluksa sa mala trahedyang pagkawala ng kanyang nag-iisang anak. Kung mayaman siya, tiyak akong sasabihin niya, “Nagmamay-ari ako ng isang mansion sa Beverly Hills. Mayroong akong 10 milyong dolyares sa bangko. Nagmamay-ari ako ng isang di mabibili ng salaping diyamanteng kuwintas. Ngunit ibibigay ko ang lahat ng ito kung makuha ko lang ang anak kong lalake muli.” Kita mo, ang pinaka dakilang mga regalo ay nakakapit sa ating mga puso at ating mga kaluluwa.

Noong binasa ko ang teksto na isinulat ni Apostol Pablo, sa tingin ko alam ko ang ibig niyang sabihin,

“Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi” (II Mga Taga Corinto 9:15).

Ang Griyegong salitang isinalin na “di masabi” ay anĕkdiēgētōs. Ibig nitong sabihin ay “iyan na di mapapaliwanag ng lubusan, iyan na di mailalarawan” (isinalin mula kay Jame Strong). Ibig nitong sabihin iyong “di maipapahiwatig” (isinalin mula kay George Ricker Berry). Tumutukoy ito sa isang regalo na hindi mo lubusang maipapaliwanag, o mailalarawan, o maipapahiwatig sa mga salita. Titutukoy nito ang Panginoong Hesu-Kristo – ang pag-ibig na aguinaldo ng Diyos sa isang makasalanan, nawawalang mundo! Ito’y si Hesus, ang Anak ng Diyos! Pag-isipan ito sa ganitong pagpapahayag.

I. Una, ang aguinaldo ng Diyos ni Kristo ay gumawa sa lupa na isang espesyal na lugar.

Noong ipinadala ng Diyos si Hesus sa atin, ginawa nito ang ating maliit na mundo na isang di pangkaraniwang lugar. Walang lugar sa di maintindhang mga rehiyon ng malawak na kalawakang iyan ay tulad ng lupang ito. Ang lupa ay ganap na di pangkaraniwan. Sa lahat ng mga di mabilang na mga bituin at mga planeta, walang tulad ng ating lupa. Ngunit bakit ang lupa ay iba mula sa ibang bahagi ng planeta sa solar system?

Kung sasabihin mo na “Ang lupa ay iba dahil ang buhay ay narito,” sasabihin ng di naniniwa, “hindi.” Sasabihin niya na mayroong ibang mga mundo at ibang mga planeta na tinitirahan ng buhay. Hindi ka makapagtatalo riyan. Maari mong sabihin na hindi ito totoo, ngunit hindi mo ito mapapatunayan. Maaring mayroong buhay sa ibang mga planeta. Hindi iyan ang gumagawa sa ating planetang iba. Sa pangwakas na pagsusuri, ang gumagawa sa ating planetang di pangkaraniwan at espesyal ay ang katunayan na si Hesus ay dumating rito. Mula sa di nakikitang mundo kung saan ang Diyos ay naninirahan, mula sa ibang dimension, mula sa Pangatlong Langit, si Hesus ay bumaba at nabuhay kasama natin. Sinasabi ng Bibliya,

“Nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan” (Mga Taga Galacias 4:4).

Noong ang panahon ay dumating, “Sinugo ng Dios ang kaniyang Anak.” Ipinadala Niya si Hesus pasulong. Ang Griyegong salita ay ĕxapŏstellō (upang ipadala papalayo, upang ipadala pasulong, upang ipadala papalabas). Saan ipinadala papalayo si Hesus mula? Saan Siya ipinadala pasulong mula? Saan Siya ipinadala papalabas ng? Siya’y ipinadala papalayo, ipinadala papasulong, ipinadala papalabas ng Langit! Ipinadala pasulong mula sa sinapupunan ng isang babae, ang Birheng Maria. Ipinadala siya mula sa Pangatlong Langit papunta sa mundo natin. Iyan ang gumagawa sa ating mundong iba! Iyan ang gumagawa sa ating mundong di pangkaraniwan! Si Hesus ay dumating rito, sa maliit na planetang ito, sa maliit na lupa natin. Ang Anak ng Dakilang Pinuno ng kosmos, ang mga bituin at ang kalawakan, iyang Anak na iyan ay ipinadala sa planetang ito at sa walang iba! “Sinugo ng Dios ang kaniyang Anak” sa maliit na isla na ito, sa planetang lupa at hindi sa iba! Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak sa lupang ito, at iyan ang gumagawa sa ating planetang kakaiba mula sa iba sa hindi matarok at walang katapusang kalawakan ng Diyos! Si Kristo ay dumating rito! At iyang ang gumagawa sa ating kakaiba! “Sinugo ng Diyos ang kaniyang Anak,” at Siya “ay “nagkatawang-tao, at tumahan sa gitna natin, (at ating nakita ang kanyang luwalhati, ang luwalhati bilang ang nag-iisang Anak ng Ama,) puno ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14). Si William Booth ang nakatagpo ng Salvation Army, kung paano sila minsan. Ang kanyang apong lalake ay isinulat ang magandang himno na ito,

Pababa mula sa Kanyang luwalhati,
   Nabubuhay kailan mang kwento,
Ang aking Diyos at Tagapagligtas ay dumating,
   At Hesus ang pangalan Niya.
Naipanganak sa isang sabsaban,
   Sa Kanyang sarili ay dayuhan,
Isang tao ng pagdurusa, mga luha at paghihirap.
   (“Pababa Mula sa Kanyang Luwalhati” [“Down From His Glory”]
      ni William E. Booth-Clibborn, 1893-1969;
      apo ni William Booth, ang naka tagpo ng Salvation Army).

Malalim sa Probinsya ng Orange, California, sa lungsod ng Yorba Linda, mayroong isang maliit na tahanan. Mayroon lamang itong dalawang maliit na silid at isang maliit na kusina sa unang lapag, at isang napaka liit na silid sa tuktuok ng bahay. Gayon libo libong mga tao ang dumaan sa harap na silid at kusina ng maliit na tahanan na iyon sa loob ng huling kaunting mga taon. Ako mismo ay lumakad sa maliit na bahay sa pinaka kaunti ay 40 na beses, dinadala ang mga bisita upang makita ito. Bakit napakaraming mga tao ang nagpupunta doon? Anong gumagawa sa maliit na bahay na iyon na ganoon na lamang na pantawag-pansin? Ito’y dahil sa kung sino ang ipinanganak doon. Ang ika-37 na president ng Estados Unidos, ay ipinanganak sa maliit na silid sa unang palapag. Iyan ang gumagawa sa bahay na iyong espesyal! Ito’y dahil sa kung sino ang ipinanganak roon. Noong namatay siya, limang nabubuhay na mga president ang umupo kasama ng lamapas sa apat na libong mga tao, habang si Billy Graham ay nangaral ng kanyang panlibing na sermon, sa harap ng maliit ng bahay na iyon, dahil sa kung sino ang ipinanganak doon. Isang president ang ipinanganak doon. At ang lupa ay nahiwalay na isang di pangkaraniwang lugar, isang espesyal na lugar sa kalawakan, dahil si Hesu-Kristo ay bumaba at naipanak rito! sa lugar na ito! sa planetang ito!

“Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi” (II Mga Taga Corinto 9:15).

II. Pangalawa, ang regalo ng Diyos kay Kristo ay gumawa sa buhay ng taong banal.

Pagkatapos ng Dakilang Baha, ang Diyos ay nagsalita sa patriyarkang si Noe,

“Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao” (Genesis 9:6).

Ang tao ay ginawa sa imahen ng Diyos. Dala ng tao ang tatak ng Diyos. Kung gayon ang Diyos Mismo ay nagtatag ng parusang kamatayan para doon sa mga kumukuha ng buhay ng tao sa pamamagitan ng pagpatay. Ang buhay ng tao ay magpakailan mang ginawang banal ng regalo ni Kristo, ang Anak ng Diyos. At iyang ang dahilan na itinatabi natin ang isang Linggo sa Enero kada taon bilang “Karapatan sa Buhay na Linggo.” Inalala namin ito noong huling Linggo, na ang ika-apat na pu’t dalawang anibersaryo ng Roe laban sa Wade, noong kaunting matatandang kalalakihan na nakasuot ng itim na mga damit ang nagasabi na legal para sa isang babae na patayin ang kanyang sanggol. Simula noon 57 milyong mga sanggol ang napatay sa pamamagitan ng aborsyon. Tulungan tayo ng Diyos!

Sinabi ko ang lahat ng iyan sa aking sermon noong huling umaga ng Linggo. Noong ginawa ko iyan, isang babae at ang kanyang anak na babae ang tumayo at umalis papalabas ng aming simbahan. Sa tingin ko iyan ang dahilan kung bakit karamihan sa mga mangangaral ay di kailan man nagsasalita tungkol sa aborsyon. Ngunit iyan ay kahiya-hiya, dahil bawat babae na nagkaroon ng aborsyon ay kailangang malinisan ng Dugo ni Hesus. Sana ang batang babaeng iyon ay nanatilii upang marinig ang tungkol sa pag-ibig ni Hesus para sa kanya! Na hindi nalilinisan sa Dugo ni Hesus, ang konsensya ng isang babae ay magpapahirap sa kanya sa natitira ng kanyang buhay. At siya ay mumultuhin nito sa buong panahon ng walang hanggan. “Pinatay ko ang aking sanggol! Pinatay ko ang aking sanggol! O Diyos, pinatay ko ang aking sanggol!” Ang pag-iisip na iyan ay mumulto sa isang babae na ganyan sa buong panahon at buong walang hanggan. Ang iyong sekular, kumakakaliwang propesor sa kolehiyo ay hindi iyan sasabihin sa iyo! Isang patay ang utak na sekular na psykayatrista ay hindi sasabihin iyan sa iyo. Ngunit ang iyong sariling puso at iyong sariling konsensya ay magsasabi sa niyan sa iyo magpakailan man kung ika’y magkakaroon ng isang aborsyon! “O, Diyos! Pinatay ko ang aking sanggol!” Ang sekular na tumatangi sa Diyos ay nagsasalita tungkol sa “karaptang pumili” ng isang babae. Ngunit hindi nila kailan man sinasabi sa isang babae ang walang katapusang mga bangungot na magkakaroon siya sa natitira ng kanyang buhay! Bakit? Dahil ang buhay ng tao ay banal, iyan ang dahilan! Ang tao ay ginawa sa imahen ng Diyos, iyan ang dahilan!

Nalaman ko noong isang araw na ang pangalawang taludtod ng magandang kantang iyon, “Ang Pag-ibig ng Diyos,” ay isinulat ng isang mahirap na baliw sa isang asilo ng mga baliw. Pagkatapos na isang preso ay namatay, natagpuan nila ang mga salitang itong nakasulat sa pader ng kanyang selda,

Kapag ang matandang panahon ay dumaan,
   At ang mga lupaing trono at kaharian ay bumagsak,
Kapag ang mga kalalakihan, na dito ay tumangging manalangin,
   Sa mga bato at mga burol at mga bundo ay tumatawag,
Ang pag-ibig ng Diyos na napaka tiyak, ay tumatagal pa rin,
   Lahat ay walang sukat at malakas;
Nagliligtas na biyaya sa lahi ni Adam –
   ang mga kanta ng mga santo at mga anghel.
O pag-ibig ng Diyos, napaka yaman at puro!
   Napaka walang sukat at malakas!
Ito’y magpakailan man magtitiis,
   Ang mga kanta ng mga santo at mga anghel.
(“Ang Pag-ibig ng Diyo.” Isinalin mula sa “The Love of God”
      ni Frederick M. Lehman, 1868-1953; pangalawang taludtod di kilala).

Ang regalo ng Diyos kay Kristo Hesus ay magpakailan mang gumawang banal at sagrado ang buhay ng tao, kahit ang buhay ng kawawang sira na namatay sa selda sa isang asilo ng baliw. Bilang isang tao siya mahalaga sa paningin ng Diyos. Minhala siya ng Diyos at ipinadala si Hesus upang mamatay para sa kanya at iligtas ang kanyang kaluluwa! “Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi” (II Mga Taga Corinto 9:15).

III. Ang regalo ng Diyos kay Kristo ay ginawang posible ang pagpapatawad ng ating mga kasalanan at kaligtasan ng ating mga kaluluwa.

Pakinggan muli ang dakilang pasahe ng Kasulatan na binasa ni Gg. Prudhomme bago ng sermon ito,

“Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama. Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay. Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:6-9).

Noong namatay si Hesus sa Krus binayaran Niya ang buong multa para sa ating mga kasalanan. “Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama” (Mga Taga Roma 5:6). Tayo ay lahat na walang sapat na lakas upang mapalugod ang Diyos at iligtas ang ating mga sarili. Tayo lahat ay masama. Ngunit “namatay si Cristo dahil sa mga masama.” Iyan ang di masabing kaloob ng Diyos!

Tayo ay lahat mga makasalanan. Ngunit “na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Mga Taga Roma 5:8). Iyan ang di masabing kaloob ng Diyos!

“Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:9). Ang kanyang kamatayan sa ating lugar – iyan ang di masabing kaloob ng Diyos! Pagpapatunay, ang paglilinis ng lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo – iyan ang di masabing kaloob ng Diyos

!

At ang lahat na hinihingi ng Diyos na gawin ay tumalikod mula sa ating mga kasalanan at magtiwala sa Kanyang Anak, ang Panginoong Hesus. Sa sandaling ika’y magtiwala kay Hesus ika’y ligtas! Iyan ang di masabing kaloob ng Diyos sa bawat isang nagtitiwala kay Hesus!

Ligtas! ligtas! Ang aking mga kasalanan ay napatawad,
      ang lahat ng pagkakasala ay lahat wala na!
Ligtas! ligtas! Ako’y naligtas sa pamamagitan ng dugo
      ng Naipakong Isa!
(“Ligtas sa pamamagitan ng Dugo.” Isinalin mula sa “Saved”
   ni S. J. Henderson, ika-19th na siglo).

Dahil ibinuhos ni Hesus ang Kanyang mahal na dugo
   Mayamang pagpapala upang ibigay;
Tumalon sa pulang baha
   Na naghuhugas na puti gaya ng niyebe.
Magtiwala sa Kanya lamang, magtiwala Kanya lamang,
   Magtiwala lamang sa Kanya ngayon;
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya ngayon.
   (“Magtiwala Lamang Sa Kanya.” Isinalin mula sa
      “Only Trust Him” ni John H. Stockton, 1813-1877).

Anong ibig sabihin na “magtiwala” kay Hesus? Ibig nitong sabihin na ilagay ang iyong sarili sa Kanyang kamay, tulad ng iyong pag-tiwala sa isang mabuting doktor. Noong ako’y pitong taong gulang, sinabi ni Dr. Pratt sa aking ina na ang aing mga tonsil ay kailangang alisin. Ako’y natakot noong sinabi ng Nanay ko na ako’y “papatulugin.” Takot ako rito. Takot akong “mapatulog.” Pagkatapos ng lahat, ako’y pitong taong gulang. Sa oras na kami’y nasa ospital, ang aking puso ay tumitibok ng mabilis at ako’y nanginginig. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag ako’y “papatulugin nila.” Isang malaking nakakatakot ang itsurang nars, nakadamit sa puti, ay dumating at inihanda ako. Ako’y takot na takot na muntik na akong tumalon at tumakbo! Ngunit si Dr. Pratt ay pumasok. Kilala ko siya sa buong kabataang buhay ko. Siya ang nagpanganak sa akin noong ako’y ipinanganak, at siya ang aking doktor simula noon. Siya ay isang mabuting matandang lalake. Minahal ko siya. At nagtiwala ako sa kanya. Sinab Niya, “Huwag kang mag-alala, Robert. Sa isang sandali ako’y “pintulog.” Isa pang sandali, gumusing ako upang makita ang kanyang nakangiting mukha. Sinabi ni Dr. Pratt, “Tapos na ang lahat Robert. Makauuwi ka na sa kaunting sandali.” Pinagkatiwalaan ko ang mabuting, matandang doktor na iyon. Iyan ang gusto kong gawin mo kay Hesus.

Magtiwala sa Kanya lamang, magtiwala Kanya lamang,
   Magtiwala lamang sa Kanya ngayon;
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya ngayon.

Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Roma 5:6-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Pag-ibig ng Diyos.” Isinalin mula sa “The Love of God” (ni Frederick M. Lehman, 1868-1953).


ANG BALANGKAS NG

ANG KALOOB NA DI MASABI

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi”
(II Mga Taga Corinto 9:15).

I.   Una, ang aguinaldo ng Diyos ni Kristo ay gumawa
sa lupa na isang espesyal na lugar,
Mga Taga Galacias 4:4; Juan 1:14.

II.  Pangalawa, ang regalo ng Diyos kay Kristo ay gumawa sa
buhay ng taong banal, Genesis 9:6.

III. Ang regalo ng Diyos kay Kristo ay ginawang posible ang pagpapatawad ng ating mga kasalanan at kaligtasan ng ating mga kaluluwa, Mga Taga Roma 5:6-9.