Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA AKLAT AT ANG AKLAT(Isang Pangaral sa Huling Paghahatol) THE BOOKS AND THE BOOK ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:12-14). |
Noong ang aking asawa at ako ay unang nagpakasal nagpunta kami sa Israel. Pabalik huminto kami ng ilang araw sa Roma. Sa lahat ng mga pinuntahan namin, nagpunta kami sa Vatican, sa Basilika ni San Pedro (Saint Peter’s Basilica), kung saan ang Papa ay naninirahan at kung saan mayroong maraming mga kayamanang sining mula sa maraming siglo. Dati ko pa gustong makita ang kisame ng Kapilya ng Sistine (Sistine Chapel). Doon gumawa si Michelangelo (1475-1564) ng isa sa pinaka dakilang piraso ng sining sa buong mundo. Ipinapakita nito ang dakilang kapanahunan ng Bibliya, ang Pagkalikha ng tao, ang Pagbagsak ng tao, ang ating unang mga magulang na pinalayas sa Hardin, at marami pang iba, sa buong Bibliya. Iyan ang dakilang larawang ipininta sa pader na tumatakip sa kisame. Isa pang Papa ang nagkomisyon kay Michelangelo upang takpan ang harapang pader ng isang larawang ipininta sa pader ng Huling Paghahatol. Ito’y isang nakamamanghang tanawin ng Panginoon na inilalagak iyong mga isinumpa sa ilalim na mundo ng Impiyerno. Isa sa mga lalake na lumulubog sa mga apoy ay nakatitig sa iyo na may isang titig ng pangingilabot at pagkamangha sa kanyang mukha. Tumayo ako doon tinitignan ang dakilang larawang pininta sa pader, na ipinapakita ang Huling Paghahatol. Nagtataka ako kung ilang beses na isang papa o isang kardinal ang talagang tumayo doon sa haram ng larawang iyon noong huling mga daang taon, at nangaral sa Huling Paghahatol. Sa tinggin ko wala sa kanila ang gumawa niyan!
At ang ating mga Bautista ang Protestanteng mga simbahan ay hindi mas mabuti. Sa katunayan tayo ay mas malubha. Sa pinaka kaunti mayroon sila noong tanyag na larawang iyon upang magpaalala sa mga tao. Kung iyo’y isang Bautistang simbahan, isa sa mga mahahalagang kababaihan, tulad ng Linggong Paaralang tagapamahala o ang principal ng Kristiyanong paaralan, ay maaring naisip na ito’y masyadong malupit, masyadong nakatatakot para sa mga batang makita. Isang hapon ang pastor ay maaring pumasok at makita na ang babaeng ito ay nag-utos sa isang taong magpunta at takpan ito ng puting puntura! Ang Huling Paghahatol ni Michelangelo ay tumagal ng 450 na taon sa mga pader ng Kapilya ng Sistine. Nagdududa ako na ang mga Linggong Paaralang mga kababaihan ay hindi ito papayagan na manatili ng kahit apat na taon sa isang Bautistang simbahan! o sa isang ebanghelikal na simbahan!
Sa tingin mo ba ako’y masyadong marahas sa ating mga Bautista at ebanghelikal na mga simbahan? Hindi pa siguro ako sapat na marahas!!!
Kailan ang huling pagkakataon na narinig mo ang isang Bautistang pastor na magbigay ng isang pangaral sa Impiyerno? Kailan ang huliling beses na narinig mo ang isang ebanghelikal o karismatikong pastor na nangaral sa Impiyerno? Di nakapagtataka na hindi natin naranasan ang isang pambansang malalawakang muling pagkabuhay na lampas ng 150 na mga taon!
Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay isang dakilang mag-aaral at awtoridad ng muling pagkabuhaya. Sinabi niya, “…hanggang sa ang mga kalalakihan at kababaihan sa Kristiyanong Simbahan ay mapakumbaba at mahamak, at bumagsak sa lupa sa harap nitong banal at makatuwirang, oo, galit na Diyos, wala akong nakikitang pag-asa ng muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987, pah. 42). Iyan ang dahilan na sinabi ng dakilang mangangaral na ito, “Gagawin ko ang pinakalubos upang alarmahin ka sa paningin ng kakilabutan ng impiyerno. Walang hanggang mataos na pagsisisi, walang hanggang paghihirap, walang hanggang paghahamak, di nagpababgong paghihirap, ganoon ang kapalaran ng lahat na nakokontetno sa sarili nilangn na sumasang-ayon lamang at kintutuwaan ang ebanghelyo, ngunit…di kailan man iniiwanan at lahat ng iba at inaakap ito ng kanilang buong puso” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, Ebanghelistikong mga Pangaral [Evangelistic Sermons], The Banner of Truth Trust, 1990, pah. 161).
Tiyak na ang kahit sino na nakaaalam ng kahit kaunti tungkol sa Kristiyanong kasaysayan ay alam ang pangalan ni John Wesley! Si Wesley (1703-1791) ay ang tinatawag nating “isang Episkolayanong saserdote.” Ngunit ginamit siya ng Diyos bilang isang pinuno ng isa sa pinaka dakilang pambansang muling pagkabuhay sa kasaysayan, ang Metodistang pagkagising. Pakinggan ang sinabi ni John Wesley tungkol sa Impiyerno.
“Ang malupit…ay ilalagay sa impiyerno, at kahit lahat ng mga taong nalimutan ang Diyos. Sila’y ‘paparusahan ng walang hanggang pagkasira mula sa piling ng Panginoon, at mula sa luwalhati ng kanyang kapangyarihan.’ Sila’y maitatapon sa ‘lawa ng apoy na nasusunog ng asupre,’ orihinal na ‘inihanda para sa diablo at kanyang mga anghel;’ kung saan kanilang ngunguyain ang kanilang mga dila dahil sa dalamhati at sakit, kanilang isusumpa ang Diyos ang titinggin paitaas. Doon ang mga aso ng impiyerno – pagmamalaki, malisya, paghihiganti, galit, pangingilabot, pagkawalang pag-asa – ay magpapatuloy na lalamon sa kanila. Doon ‘wala silang pahinga, umaga o gami, ngunit ang apoy ng kanilang paghihirap ay tumataas mapakailan pa man!’ Dahil ‘ang kanilang uuod ay di namamtay, at ang apoy ay di natitila.’” (Isinalin mula kay John Wesley, M.A., “Ang Dakilang Paglilitis” Ang mga Gawain ni John Wesley [“The Great Assize,” The Works of John Wesley], kabuuan V, Baker Book House, 1979 edisiyon, pah. 179)
.Sa panahon ng kanilag pagkamatay mayroong walompung libong mga tao sa Metodistang Sosyedad sa ilalim ng kanyang pangangalaga (isinalin mula sa ibid., pah. 45). Pagdating ng 1834 mayroong 619,771 mga miyembro. Ang dakilang ebanghelistang ito ay hindi takot na mangaral sa Impiyerno, gayon din sa tunay na pagbabagong loob bilang isang pangangailangan para sa kahit sinong pumasok sa Langit. Ang Nagkaisang Metodistang Simbahan [The United Methodist Church] ngayon ay gumuguho sa alikabok dahil isinuko nila ang pamamaraan ni Wesley ng pangangaral mahabang panahon na! Kakailanganin nilang bumalik sa mga paksa na ipinangaral ni Wesley upang iligtas ang kanilang denominasyon. Ngunit huwag mong pigilan ang iyong hininga! Ipinapakita ng kasaysayan na ang mga taong ganap na tumalikod sa dating pananampalataya ay laging mananatiling ganoon!
Ngayon pakinggan si Spurgeon. Si Dr. John Brown ay nagsalita patungkol kay Spurgeon sa isang lektura sa Unibersidad ng Yale noong 1899. Pinuri niya ang pangangasiwa ni Spurgeon bilang “isang tagumpay tiyak na di mapaparisan sa Inglatera simula ng mga araw ni Whitefield at Wesley.” Si Dr. W. A. Criswell, isang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas, ay parehong naging pangulo ng Katimugang Bautistang Kumbensiyon, ay nagsabing, “Si Spurgeon ay isa sa pinaka dakilang mangangaral ng mga panahon, at ang kanyang mensahe ay mahalaga at may kinalaman sa lahat ng mga henerasyon.” Ngayon pakinggan ang ipinangaral ng dakilang si Spurgeon patungkol sa Impiyerno.
“Ang paghahatol na ito ay parehong magtatapon ng katawan at kaluluwa sa lawa ng apoy…ang impiyerno ay isang lugar ng pagkawala ng Diyos – isang lugar para sa pag-uunlad ng kasalanan, kung saan bawat pasyon ay di mapipigil, bawat katakawan ay di mapipigil – isang lugar kung saan pinarurusahan ng Diyos gabi at araw iyong mga nagkasala gabi at araw – isang lugar kung saan wala kailan mang tulog, o pahinga, o pag-asa – isang lugar kung saan ang bawat patak ng tubig ay ikinakait, kahit na ang uhaw ay susunog sa dila – isang lugar kung saan ang kasiyahan ay di kailan man humihinga, kung saan ang ilaw ay di kailan man sumilip, kung saan ang kahit anong tulad ng konsolasyon ay di kailan man nadinig – isang lugar kung saan ang ebanghelyo ay ikinait, kung saan ang awa ay iniyuyuko ang kanyang mga pakpak at namamatay…isang lugar ng matinding galit at ng pagsusunog – isang lugar, tulad noong di mailarawan ng imahinasyon. Naway ipatupad ng Diyos na ito’y isang lugar na di mo kailan man makikita…Mamatay, makasalanan, at ang paglipad mula sa impiyerno ay nagiging imposible; ika’y nawawala, gayon, walang hanggang…Mag-isip! Mag-isip! maaring ang babalang ito ay maging ang huli na iyong kailan mang madirinig” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Unang Muling Pagkabuhay,” [“The First Resurrection”] Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit,] kabuuan VII, Pilgrim Publications, 1986 inilimbag muli, pah. 352)
.Maari akong magpatuloy at bigyan kayo ng mga pagsisipi sa Impiyerno ni Luther, Bunyan, Edwards, Whitefield, Moody. Dr. John R. Rice, at maraming mga dakilang mangangaral sa iba’t ibang mga panahon. Ngunit hindi iyan sapat. Hayaan akong simpleng sabihin na ang isang pastor na di kailan man nangangaral sa Impiyerno ay hindi isang mapagpananampalatayang tao, hindi totoo sa mga Kasulatan, at hindi isang tao na ang kahit sino ay mapakinggan. Bakit? Dahil hindi niya ipinangaral ang “buong kapasiyahan ng Dios!” (Mga Gawa 20:27). Hindi siya nangaral tulad ni Pablo, o Pedro, o Hesu-Kristo Mismo – na nangaral sa paghahatol at Impiyerno higit kaysa kahit sinong nakatala sa Bibliya. Huwag mong pakinggan ang ganoong uri ng tao! Kung hindi mo siya mapagkakatiwalaan tungkol sa paghahatol at Impiyerno, paano mo siya mapagkakatiwalaan tungkolo sa kahit anong ibang bagay?
Ngunit ngayon lumipat sa teksto. Magsitayo at basahin ito muli.
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:12-14).
Maari nang magsi-upo. Paki iwan ang inyong Bibliyang bukas sa lugar na ito.
Ito ay tinatawag na “Ang Huling Paghahatol” dahil walang ng mas higit na paghahatol pagkatapos nito. Ito ang huli. Si Kristo ay uupo sa Dakilang Puting Trono. Ang Mga Gawa 17:31 at ibang mga Kasulatan ay magpapakita sa atin na si Kristo ay ang Hukom. Si Kristo ay di na magiging Tagapagligtas. Ang panahon ng kaligtasan ay magiging tapos na. Si Kristo ay di na magliligtas ng mga makasalanan. Siya na ngayon ay hukom ng mga nawawalang mga makasalanan. Ang paghahatol na ito ay ibinigay upang makita kung sino ang ligtas at sino ang nawawala. Iyan ay ipagpapasiya sa buhay na ito. Kung mamatay ka na isang nawawalang tao, ika’y mahuhusgahan sa panahong ito. Ang Berso 12 ay nagsasalita lamang patungkol sa di ligtas na mga patay. Sinasabi nito,
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12).
Tayo ay sinabihan na magkakaroon ng “mga aklat” at ang “aklat ng buhay.” Ang “mga aklat” ay isang talaan ng iyong “mga gawa” sa panahon ng iyong buhay. “Ang mga patay, maliliit [ay tatayo] sa harapan ng Diyos” (20:12). Ang mayaman at mga tanyag ay naroon. Ang “maliit” ay naroon rin. Walang di ligtas na tao ang makatatakas ng Paghahatol. Ang di ligtas na patay ay lahat tatayo sa harap ni Kristo sa Paghahatol. Iyong mga nalunod, o nailibing sa dagat, ay naroon sa nabuhay muling mga katawan. Ang kanilang mga katawan ay natunaw sa mga tubig ng dagat. Ngunit ibubuo ng Diyos ang kanilang mga atom muli, at ibabangon ang kanilang mga katawan para sa paghahatol na ito. Ang mga libingan sa lupa ay isusuko ang kanilang mga katawan, at ang Impiyerno (hades), ang lugar kung saan ang mga nawawalang mga espiritu ay nagpupunta, ay “isusuko ang patay.” Ang kanilang mga espiritu at kanilang mga katawan ay maisasama, at sila’y tatayo sa harap ng Dakilang Puting Trono. Ang Diyos ay di magkakaproblema na gawin ito. Siya ay makapangyarihang lahat. Ngayon pakinggan ang berso 12 muli,
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Apocalipsis 20:12).
Kung hindi ka ligtas ngayon, sa buhay na ito, ika’y huhusgahan “ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa [iyong] mga gawa,” ayon sa lahat na ginawa mo sa buhay na ito.
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Ang isang tao sa kanyang kamang ikinamamatay ay nagsabi sa akin, ‘Mangangaral, hindi mo ako kailangang kausapin tungkol sa hinaharap. Kukunin ko ang aking kapalaran. Naniniwala ako na ang Diyos ay magiging tama at makatuwiran at hahayaan akong itanghal ang aking mga gawa.” Sinabi ni Dr. McGee, “Tama ka. Siya ay tama at makatuwiran, hahayaan Niyang itanghal mo ang iyong mga gawa. Iyan ang sinabi Niya na gagawin Niya. Nugnit mayroong akong balita sa iyo: sa paghahatol na iyon walang ligtas, dahil hindi ka maliligtas ng iyong mga gawa…ang iyong maliliit na mga gawa ay hindi magkakahalaga ng kahit anuman” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan 5, Thomas Nelson Publishers, 1983, pah. 1060; sulat sa Apocalipsis 20:11).
Oo, ika’y makakakuha ng isang “patas” na paglilitis. “Ang mga aklat” ay maglalaman ng lahat ng iyong ginawa sa buhay na ito. Ikinumpara ni Dr. McGee ang “mga aklat” sa isang videyo teyp ng iyong buhay. Sinabi Niya. “Ang iyong buhay ay nasa teyp, at nangyari lamang na na kay Kristo ang teyp na iyon. Kapag i-play Niya ito pabalik, mapapakinggan mo ito [at mapapanood ito]. At ito’y magkakatunog na mabuti sa iyo, sa kahit anong paraan. Ikaw ba ay handang tumayo sa harap ng Diyos at i-play Niya ang teyp ng iyong buhay? Sa tinggin ko ito’y mailalagay Niya sa isang telebisyon upang mapanood mo rin ito. Maiisip mo ba na kakayanin ng iyong buhay ang pagsubok na ito? Hindi ko alam sa iyo, ngunit hindi ko ito makakayanan…si Samuel Johnson [ang dakilang leksikograper] ang nagsabing, ‘Alam ng bawat tao ang tungkol sa kanyang sarili na hindi niya mangangahas na sabihin sa kanyang pinaka mamahal na kaibigan.’ Kilala mo ang iyong sarili, hindi ba? Alam mo ang mga bagay na iyong tinakpan at ibinalot na hindi mo ilalantad para sa kahit ano sa mundo. Ilalabas ng [Diyos] ang mga ito sa paghahatol na ito; habang iyong itinatanghal ang iyong maliliit na [mabubuting gawa], sasabihin Niya ang tungkol sa iyong sarili” (Isinalin mula kay McGee, ibid.). Tapos sinabi ni Dr. McGee, “Ang Dakilang Puting Trono ng Paghahatol ay ang paghahatol ng nawawala. Maraming [mga tao] ang gustong mahusgahan ayon sa kanilang mga gawa. Ito ang kanilang pagkakataon. Ang paghahatol ay tama, ngunit wala ang naliligtas ayon sa kanilang [mabuting] gawa” (Isinalin mula sa ibid.).
Pansinin na ang Diyos ay nagsasalita patungkol sa “mga aklat,” at tapos nagsasalita Siya patungkol sa “aklat ng buhay.” Ang “aklat ng buhay” ay naglalaman ng mga pangalan ng lahat na naligtas ni Hesus, ang lahat na “binili […] sa Dios ng [...] dugo ni Kristo” sa buhay na ito (Apocalipsis 5:9). Ang Dugo ni Hesu-Kristo ay humugas sa kanilang malinis mula sa kanilang kasalanan noong nagtiwala sila kay Hesus sa buhay na ito. Iyong lamang ang mga taong ang kanilang mga pangalan ay nasaa “aklat ng buhay.” Sila iyong mga nakakakanta at napupuri sa kanyang “umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5). Iyon lamang mga ligtas ni Hesus sa buhay na ito, at ginawang malinis gamit ng Kanyang Dugo sa buhay na ito, iyon lamang ang mayroong ang kanilang mga pangalan sa “aklat ng buhay.”
Pansinin na mayroon lamang isang “aklat ng buhay” – ngunit mayroong maraming “mga aklat” na naglalaman ng isang tala ng mga kasalanan noong mga di kailan man naligtas! Natatandaan kong naririnig ang isang mangangaral na nagsabin, “Mayroong marming mga ‘aklat’ dahil karamihan sa mga tao ay nawawala. Ngunit mayroong lamang isang ‘aklat ng buhay,’ dahil kaunti ang ligtas.” At, tapos, tignan ang berso labin lima,
“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15).
Ang “lawa ng apoy” ay walang hanggang Impiyerno, walang hanggang paghihirap, walang hanggang pagdurusa. Ang Panginoong Hesu-Kristo ay nagsabi na mayroong dalawang paraan, ang lahat ay nagpupunta sa isa sa dalawang mga paraan na iyon. Sinabi niya,
“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok: Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13-14).
Sinabi ni Kristo, “kakaunti ang nangakakasumpong [ng tamang daan] na nagdadala sa buhay.” “Kakaunti ang nangakakasumpong noon.” Ikaw ba ay maging isa sa mga kaunti na ang kanyang pangalan ay nasa “aklat ng buhay”? Ang nag-iisang paraan upang makatakas mula sa paghahatol ng Impiyerno – ANG NAG-IISANG PARAAN – ay sa pamamagitan ng pagtitiwala ka Hesus ngayon, sa buhay na ito. Tumalikod mula sa iyong kasalanan at tumingin kay Hesus! Sinasabi ng Bibliya, “manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay?” (Ezekiel 33:11). Sa Aklat ng mga Gawa “isang dakilang bilang ang naniwala, at nanumbalik sa Panginoon” (Mga Gawa 11:21). Tumalikod mula sa iyong makasarili, makasalanang mga praan – at tumingin sa Panginoong Hesus,
“Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 1:7).
Ang Dugo ni Hesus ay tatakip sa lahat ng iyong kasalanan, kaya di makikita ng Diyos ang mga ito! Ang aklat ng Mga Taga Roma ay nagsasabi,
“Mapapalad yaong... ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan” (Mga Taga Roma 4:7).
Ang Dugo ni Hesus ay “tatakip” sa iyong mga kasalanan upang hindi makita ng Diyos ang mga ito! Ang Dugo ni Hesus ay huhugas ng iyong mga kasalanan upang di kailan man matitignan ng Diyos ang mga ito! Muli ang Aklat ng mga Taga Roma ay nagsasabi,
“Ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:9).
At sinasabi ng Apocalipsis 1:5 na iyong mga ligtas at ligtas dahil minamahal tayo ni Hesus at “hinugasan tayo mula sa ating mga kasalanan gamit ng sarili niyang dugo.” Amen! Papuri sa ngalan ni Hesus! sinabi ni Martyn Lloyd-Jone, ang dakilang Welsh na mangangaral,
Ang lahat ng mga solusyon sa mundo ay di sapat upang mawala ang mga mantsa ng aking kasalanan, ngunit narito ang dugo ng Anak ng Diyo, walang bahit, walang sala, at nararamdaman ko na ito ay makapangyarihan.
Maryoong kapangyarihan, kapangyarihan,
Nakamamanghang gumagawang kapangyarihan
Sa mahal na dugo ng Kordero.
Ang Kanyang dugo ay makalilinis sa pinaka marumi,
Nakinabang ako sa Kanyang dugo.
(Isinalin mula kay Charles Wesley)
Iyan ang ating kaginhawaan at kasiyahan. (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Ang Pakikisama sa Diyos [Fellowship with God], Crossway Books, 1994, pah. 144).
Panginoon, ang aking mga kasalanan ay maramin,
Tulad ng mga buhangin ng dagat,
Ngunit ang Iyong dugo, O aking Tagapagligtas, ay sapat para sa akin;
Dahil ang Iyong pangako ay naisulat, sa maliwanag na mga letra na umiilaw,
“Kahit na ang iyong mga kasalanan ay parang iskarlata,
Gagawin ko ang mga itong tulad ng niyebe.”
Oo, ang aking pangalan ay nakasulat doon, sa pahina na puti at mainam,
Sa aklat ng Iyong Kaharian, Oo, ang aing pangalan ay naisulat doon!
(“Ang Aking Pangalan Ba ay Naisulat Doon.” Isinalin mula sa
“Is My Name Written There?” ni Mary A. Kidder, 1820-1905).
Masasabi mo ba iyan? Masasabi mo ba iyan ngayong umaga? Ang iyong mga kasalanan ba ay nahugasan ng Dugo ni Hesus na ibinuhos sa Krus? Magpunta sa Kanya sa pananampalataya at gagawin ka Niyang malinis sa paningin ng Diyos! Dr. Chan, tumayo at pangunahan kami sa panalanagin. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Apocalipsis 20:11-15.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Aking Pangalan Ba ay Naisulat Doon.” Isinalin mula sa
“Is My Name Written There?” (ni Mary A. Kidder, 1820-1905).
|