Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KAPUSUNGAN LABAN SA BANAL NA ESPIRITUBLASPHEMY AGAINST THE HOLY SPIRIT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacel ng Los Angeles “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12:31-32). |
Nagsalita ako kaninang umaga patungkolo sa “Bakit ang Amerika ay Wala sa Propesiya ng Bibliya.” Ang aking teksto ay nanggagaling mula sa Amos 8:2, “Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila.” “Hindi na ako daraan pa uli sa kanila.” Iyan ang aking teksto. Kapag ang Diyos ay hindi na darating upang bigyan ka ng biyaya, walang naghihintay kundi paghahatol. Maari itong mangyari sa isang tao, at maari itong mangyari sa isang bansa, “Hindi na ako daraan pa uli sa kanila.” Kapag iyan ay nangyayari sa isang bansa, ito’y naipamimigay sa pagsumpa. Kapag iyan ay nangyayari sa isang tao, siya ay isinusuko sa isang nasumpang isipan, ang kanilang isipan ay hindi na kailanman tatanggapin ang Salita ng Diyos, ang kanilang puso ay hindi mapapalambot ng Banal na Espiritu – sinasabi ng Bibliya, “Ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip” (Mga Taga Roma 1:28), adŏkīmŏs noǔs (isang walang halaga, itinanggi, sirang isipan!). Iyan ay ang di mapapatawad na kasalanan! Iyan ang kasalanan patungo sa kamatayan!
Tumayo ako sa sangtuwaryo ng Trinidad Metodistang Simbahan, sa Kalye ng Flower, sa bayan ng Los Angeles. Ito’y ang simbahan kung saan ang “Nakikipaglabang Bob” [“Fighting Bob”] Shuler ay ang pastor, kung saan seryosong nakipaglaban siya para sa pananampalataya, kung saan ang Ebanghelyo ni Kristo ay ipinangaral para sa loob ng maraming dekada mula sa pulpit, at sa lahat ng mga radiyo. Tumayo ako sa sangtuwaryo ng minsan ay isang dakilang simbahan habang isang nagwawasak na bola ay pumupukpok sa mga pader, at ang gusali ay literal na gumuguho sa paligid ko. Walang may pake-alam. Walang luha ang naibuhos. Ang anak ni Bob Shuler ay nanirahan ilang minuto lamang mula roon. Ito ang simbahan ng kanyang pagkabata. Ngunit wala siya sa araw na binuldoser nila ang gusali. Wala siyang paki-alam. Kahit ang kahit sino! “Hindi na ako daraan pa uli sa kanila.”
Pababa sa kalye ng gusaling ito ay nakatayo ang isang dakilang Simbahan ng Bukas na Pintuan [Open Door], sa 550 South Hope Street. Ang nakatagpong pastor ay si Dr. R.A. Torrey. Sa aking pagkabatang pagkalalake ito’y ipinastor ng isang tanyag na radyong guro ng Bibliya si, Dr. J. Vernon McGee (1904-1988). Nakapagpaupo ito ng limang libong mga tao. Ibinenta nila ito ng 27 milyong dolyares. Akala nila ito’y marami. Ngunit sampung taon maya maya ito’y naibenta ng 227 na milyong dolyares. Ang mga matatanda ay maliliit ang isipang mga kalalakihan. Ang kanilang mga kamay ay nanginginig. Ang kanilang mga mukha ay namumutla sa takot. Akala nila, “Mawawalan tayo kung tayo’y manatili!” At kaya, dahil sa takot at pagkawalan ng pananampalataya sa Diyos, nawalang sila ng 200 milyong dolyares! Isapang simbahan ang nakaisip na bilhin ito. Ngunit ang kanilang mga diakono ay masyadong maliliit ang isipan at matatakutin. Kaya nawala nila ang gusali na maari nila sanang nakuha – na maari nilang sanang nakuha ng $27 milyon. Sila rin ay nawalan ng $200 milyon. At ang mas loob na lungsod ng Los Angeles ay naging isang itim na butas, na walang saksi para sa Diyos o Kristo! “Hindi na ako daraan pa muli sa kanila.”
Tapos inilagay tayo ng Diyos sa gusaling ito ng Kalye ng Hope – tatlong bloke mula sa simbahan ni Bob Shuler, at walong bloke mula sa simbahan ni Dr. McGee – sa puso ng Los Angeles. Tayo rin ay nagkaroon ng mga masasamang mga pinuno na ang mga isipan ay maliliit, at ang kanilang mga puso ay matatakutin. Umalis sila at kinuha ang 300 ng ating mga tao kasama nila. Ngunit malalaking mga puso at walang takot na mga kalalakihan at mga kababaihan ang nagligtas sa gusaling ito at nagbayad para rito. Ang Ebanghelyo na ngayon ay lumalabas mula sa gusali ng simbahang ito – sa apat na sulok ng mundo, sa 29 na mga wika.
Ngunit ngayong gabi sasabihin ko sa inyo mga kabataan, ikaw ba’y magiging malaking sapat at malakas na sapat at espiritwal na sapat upang magpatuloy kapag kami’y wala na? O sasabihin ba ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa muli sa kanila”? Kung iyan ay mangyayari ang simbahan na ito rin ay makakakamit ng kasalanan tungo sa kamatayan, at sasabihin ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa muli sa kanila.” Huwag mo itong kuning masyadong madali! Huwag mong isipin na ito’y di mangyayari! Ang lahat ng pitong mga simbahan ng unang tatlong mga kapitulo ng Apocalipsis ay wala na. Walang tanda o palatandaan, wala ni isang bakas o isang artepakto ang naiwan mula sa kahit sino sa kanila. Hindi natin malalaman na sila’y kailan mang nabuhay kung ang kanilang mga pangalan mga talaan ay hindi isinulat sa tatlong mga kapitulong iyon ng Apocalipsis. Magkakaroon ba ng kahit anong marka, kahit anong palatandaan o bakas na magpapakita ng pagkabuhay ng ating simbahan limam pung taon mula ngayon? O sasabihin kaya ng Diyos mahabang panahon bago pa niyan, “Hindi na ako daraan pa muli sa kanila”? Iyan ang dahilan na dapat kang maging lubos na seryoso tungkol sa pagdarasal para sa muling pagkabuhay! Para sa atin ito’y muling pakabuhay para sa kaligtasan ng buhay, dahil na walang muling pagkabuhay hindi tayo mabubuhay na isang simbahan at isang saksi. Bakit magpunta ng malayo sa bayan kung mayroong simbahan isang bloke lamang ang layo? Kung mawawala ng simbahang ito ang pagkabuhay nito (at mangyayari ito kung walang muling pagkabuhay) gayon ito’y walang kahit anong espesyal na maka-aakit sa mga tao…at ito’y magsisimulang mamatay.
Ang muling pagkabuhay ay isang mahalagang bagay maging o hind imaging kayong mga kabataan ay magkakamit ng kasalanan tungo sa kamatayan. Ang hinaharap ng simbahang ito ay nakasalalay sa iyong mga kamay! Kung ang karamihan sa inyong mga kabataan ay makakamit ng di napapatawad na kasalanna, walang hinaharap para sa gusaling ito, ang kayod na ito, o ang malakawang mundong ministro! Tulungan tayo ng Diyos!
Naniniwala na ako ngayon na ito’y madaling makamit ang di napapatawad na kasalanan. Ang lahat na kailangan mong gawin ay ang umupo sa simbahan at mag-antay. Huwag mong guluhin ang iyong sarili patungkol sa pagiging ligtas. Umupo ka lang at mag-antay. Ika’y di magtatagal magkakamit ng di napapatawad na kasalanan – mas malapit kaysa iyong iniisip! mas madali kaysa iyong iniisip! Mas malapit kaysa iyong iniisip ang mga tanda ng kamatayan ay magsisimulang dumating. Mayroong kaunting puting buhok. Ang linya ng iyong buhok ay nagsisimulang umurong. Nakakikita ka na ng kaunting linya sa iyong mukha na wala roon noon. Ang mga iyan ang mensahero ng kamatayan. Ang malamig, maputlang kalaban ng kamatayan ay nasa likuran mo lamang. Sinasabi ng Bibliya, “At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27).
Sa Arabikong mundo mayroong isang kwento ng isang alipin ng Basra. Dumating siya sa kanyang panginoon at nagsabi, “Nakita ko ang Kamatayan sa mga kalye ng Basra ngayon. Tinignan ako ng Kamatayan. Panginoon, pahiramin mo sa akin ang iyong pinaka mabilis na kabayo upang ako’y makatakas ng Baghdad.” Ipinahiram ng panginoon sa kanya ang kanyang pinaka mabilis na kabayo – at ang mga alipin ay nagpunta ng kasing bilis na kanyang makakaya sa Baghdad. Sa sunod na araw ang panginoon ay naglalakad sa kalye ng Basra noong kanyang nasalubong ang Kamatayan. Lumakad siya sa kanya at nagsabi, “Kamatayan, anong ibig mong sabihin sa pananakot ng aking alipin ng lubos?” Sinabi ng Kamatayan, “Ginoo, hindi ko siya ibig na takutin. Nagulat lamang akong makita siya sa kalye sa Basra. Kita mo, bukas mayroon akong tipanan na salubungin siya sa Baghdad!” Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan. Sa saktong oras, at sa saktong lugar, ika’y tiyak na mamamatay. Tapos sasabihin sa iyo ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa muli sa kanila.” Iyo nang nakamit ang di napapatawad na kasalanan.
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31).
Ano ang kasalanan na “di ipatatawad sa mga tao”? Ito’y kasalanan laban sa saksi ng Banal na Espiritu sa nagliligtas na biyaya ni Hesus. Kapag ang isang lalake o babae ay paulit-ulit na tinatanggihan ang saksi ng Banal na Espiritu, ang taong iyan ay nagkakamit ng di napapatawad na kasalanan. Ang nag-iisang kasalanan na di kailan man mapapatawad ay nakamit kapag ang isang lalake o babae ay tinatanggihan ang tawag ng Espiritung magtiwala kay Hesus. Ito’y tinukoy sa Aklat ng Mga Taga Hebreo, sa kapitulo anim. Binasa ito kanina ni Gg. Prudhomme.
“Sapagka't [ito’y imposible] tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan” (Mga Taga Hebreo 6:4-6) [KJV].
Kapag iyan ay mangyayari sa iyo, “Ito’y imposibleng…baguhin [ka] muli sa pagsisisi” (Mga Taga Hebreo 6:4, 6). Imposible? Iyan ang sinabi ng Diyos, “imposibleng…baguhin silang muli sa pagsisisi.” Ito’y ang di napapatawad na kasalanan. Sinasabi ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa muli sa [kanya].” Ito ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” (Mateo 12:32).
Ito’y madaling makamit ang di napapatawad na kasalanan. Ang aking pinsan ay dating sumasakay sa kanyang kotse kasama ng kanyang mga kaibigan at nagmamaneho papunta sa Tijuana upang makatagpo ng isang burikit. Ngunit hindi siya nagpunta sa Impiyerno dahil nakipagtagpo siya sa isang burikit sa Tijuana. Madalas siyang uminom ng anim na bote ng bir sa likuran ng bahay kasama ng kanyang mga kaibigan. Ngunit hindi siya nagpunta sa Impiyerno dahil uminom siya ng bir na iyon sa likuran ng bahay kasama ng kanyang mga kaibigan. Madals siyang gumawa ng ibang mga bagay na hindi ko babanggitin rito sa simbahan. Ngunit hindi siya nagpunta sa Impiyerno dahil ginawa niya ang mga bagay na iyon. Hindi, nagpunta siya sa Impiyerno dahil nakamit niya ang di napapatawad na kasalanan. Iyan ang sinabi ni Hesus, “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31).
Sinabi ng aking pinsan sa akin, noong ang kanyang anak ay ipinanganak, lumuhod siya at nanalangin. Oo, at tinawag niya ang kanyang sariling Bautista rin, kahit na hindi siya kailan man nagpunta sa simbahan. Sinabi niya sa akin na nanalangin siya, hiniling ko siyang magtiwala kay Hesus at maligtas. Hindi ko kailan man malilimutan ang sinabi niya. Sinabi niya, “Sa bawat isa ay kanya, Robert. Sa bawat isa ay kanya.” Ibig niyang sabihin “iyan ay mabuti para sa iyo, ngunit hindi para sa akin.” Narinig ko siyang sabihin iyan sa kanya bawat beses na nagsalita ako sa kanya tungkol kay Kristo. At sa pagdaan ng panahon nakamit niya ang di napapatawad na kasalanan.
Tapos bigla siyang namatay noong siya lamang ay nasa kanyang edad na apat nap u. Hiniling nilang isagawa ko ang kanyang libing. Walang puting buhok sa kanyang ulo. Walang kulubot sa kanyang mukha. Siya ay isa pa ring batang lalake noong nagpunta siya sa Impiyerno. At nagpunta siya sa Impiyerno dahil nakamit niya ang di napapatawad na kasalanan. At sinabi ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa muli sa [kanya].” “[Ito’y] hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12:32).
Maraming mga tao doon dahil siya ay isang kalugod-lugod na tao. Gusto siya ng lahat. Gusto ko rin siya. Siya ay aking kaibigan. Inibig niya ang mga Taga Kanluran. Nanood siya ng mga Taga Kanluran ng madalas, bawat gabi sa telebisyon. Masasabi niya sa iyo ang lahat ng tungkol sa mga taga paglaban ng baril sa Lumang Kanluran. Masasabi niya sa iyo ang lahat ng tungkol sa Mabangis na si Bill Hickock, si Billy ang Bata, si Doc Holliday, si John Wesley Hardin – at lahat noong mga tanyag na mga mamamaril na mga manlalaban sa Lumang Kanluran. Noong ang aking mga anak na lalake ay ipinanganak dinala ko sila upang makita siya. Tinanong niya ang kanilang mga pangalan. Sinabi ko, “Isa sa kanila ay nagngangalang John Wesley Hymers.” Tumakbo siya sa kabilang silid at tinawagan ang isang kaibigan. Naririnig ko siyang nagsasabing, “Tapat sa Diyos, ipinanganalanan ni Robert and kanyang anak pagkatapos ng isang mamamaril – si John Wesley Hardin!” Hindi niya alam na mayroong dakilang mangangaral noon na nagngangalang John Wesley! Gusto ng lahat ang aking pinsan, pati ako. Siya ay isang kalugod lugod na tao, ngunit nagpunta siya sa Impiyerno. Noong nagsalita ako sa kanyang libing, hindi ko mabigyan ang kanyang pamilya o kanyang mga kaibigan ng isang salita ng pag-asa! Walang isang salita ng pag-asa! dahil siya’y nagpunta sa isang lugar kung saan walang pag-asa. Si Dante Alighieri (1265-1321), sa kanyang tanyag na aklat na The Inferno, ay nagsabi mayroong isang tanda sa ibabaw ng pintuan ng Impiyerno na nagsasabing, “Iwanan ang lahat ng pag-asa, ikaw na papasok rito.” Ang aking pinsan ay nagkamit ng di napapatawad na kasalanan. Noong ang Banal na Espiritu ay nagsalita sa kanyang puso tungkol kay Hesus, sinabi niya “hindi.” at sinabi ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa muli sa [kaniya]. “Ito’y hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12:31-32).
Walang “pangalawang pagkakataon” sa Impiyerno. Sinasabi ng Eclesiastes 11:3, “sa dakong kabuwalan ng kahoy, ay doon ito mamamalagi.” Ang karakter ng isang tao ay kumikilos ng patuloy patungo sa isang kapirmihan, patungo sa matigas at priming naa-yos nang mga kagawian ng pag-iisip. Kung paano ang isang tao sa taon na ito, sa sunod na taon ay maging mas higit na ganyan. Habang bawat taon ay dumaan ang kanyang karakter ay nagiging pirmi. Ito’y nagiging matigas. Sa wakas, ito’y kasing tigas ng semento.
Lagi ko nang iniibig na pakinggan si Dr. W. A. Criswell. Siya ang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas sa loob ng limam pung taon. Narinig ko siyang mangaral noong siya ay gitnang edad na lalake na may pulang buhok. Narinig ko siya noong siya ay isang matandang lalake, na may isang gulat ng purong puting buhok. Siya ang aking uliran ng isang mangangaral. Sasabihin ko sa iyo ang isang kwento mula kay Dr. Criswell.
Sinabi niya, noong siya ay isang batang pastor, isang diakono ang humingi sa kanyang bisitahin ang isang miyembro ng simbahan na na paralisa ng isang atake. Sinabi ni Dr. Criswell,
Noong nagpunta ako sa kanyang bagay, sinabi ng kanyang asawa, “Siya ay nasa silid tulugan.” Tumayo ako at tinignan ang lalake sa kama. Sinabi ko, “Ako ang bagong pastor…dumating ako upang makita ka.” Sinabi niya, “Gol dang!” Sinabi ko, “Nalulungkot ako at ika’y nagkaatake at hindi makatayo mula sa kama.” Sinabi niya, “Gol dang!” Sinabi niya, “Napaka ganda sa labas. Hiling ko na sana ay ika’y makalabas.” Sinabi niya, “Gol dang!” Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko, isisigaw niya ang, “Gol dang!” Ako’y lubos na bigo hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumayo ako at tatanungin siya kung makapagdarasal ako, ngunit akala niya ako’y aalis na. Tumuro siya sa itaas at nagsabi, “Gol dang! gol dang! gol dang! gol dang! gol dang! gol dang!” Sinabi ng kanyang asawa sa akin, “Pastor, gusto ka niyang manalangin.” Sinabi ko sa kanya maligaya akong gawin ito. Lumuhod ako sa tabi ng kama at nagsimulang manalangin, “O Diyos sa langit, maging mabuti ka sa taong itong lubos na may sakit.” Sumigaw siya, “Gol dang!” Sinabi ko, “Pakiusap, mahal na Diyos, ibangon mo siya.” Sumigaw siya, “Gol dang!” Pagkatapos ng bawat bahagi ng panalangin sasabihin niya, “Gol dang!” Noong sa wakas ay nasa katapusan na ako ng aking panalangin sinabi ko, “Amen.” Sinabi niya, “Gol dang.” Noong tumayo ako at nagsabi, “Pagpalain ka ng Diyos,” sinabi niya, “Gol dang!” Noong nasa pintuan ako, tumalikod ako at nagsabing, “Paalam” – sinabi niya “gol dang!”
Noong ako’y nakabalik sa bayan, nakita ko ang diakono at sinabi ko sa kanyang nagpunta ako upang makita ang lalakeng nagka-atake. Sinabi niya sa akin, “O, nalimutan kong sabihin sa iyo. Mayroong siyang isang nakagawiang salitang balbal na kasabihan. Sinabi niya ang salitang balbal na kasabihian paulit-ulit sa kanyang buong buhay. Noong nagka-atake siya lahat ng kanyang wika ay lumisan sa kanya maliban sa isang parirala.” Sinabi ko, “Hindi mo kailangang sabihin sa akin kung ano ito. Ito’y ‘gol dang!’” Isa sa pinaka totoong katangian ng buhay na alam ko ay ito: Ang ginagawa mo at ang sinasabi mo ay sa wakas nagiging ikaw. Ito’y nabubuo sa iyong karakter, sa iyong kaluluwa (“Anong isang Tagapagligtas” Isinalin mula sa “What a Saviour” ni W. A. Criswell, Ph.D., Broadman Press, 1978, mga pah. 41, 42).
Noong hiniling ko ang aking pinsan na magtiwala kay Hesus, sinabi niya, “Sa bawat isa ay kanya, Robert.” Tinanong ko siya ng maraming beses at bawat pagkakataon sinabi niya, “Sa bawat isa ay kanya, Robert.” Iyan ang kanyang kasabihan, ang kanyang palusot. Hindi siya naghanap ng pagkakasala sa akin sa pagtitiwala kay Hesus. Hindi lang ito para sa kanya. Sinabi niya, “hindi” bawat pagkakataon na nagsalita akong tungkol kay Kristo. Maari mong sabihin sa isang tao, “Magtitiwala ka ba kay Hesus?” Sasabihin niya “hindi.” Sasabihin mo, “Magpupunta ka ba kay Hesus?” Sasabihin niya, “hindi.” Sasabihin mo, “Hindi mo ba pagkakatiwalaan ang Tagapaglitas ngayon?” Sasabihin niya, “hindi.” Sa wakas ang salitang “hindi” ay namumuo sa kanyang karakater.
Ang kanyang puso ay nagiging pirmihang naka-ayos na pagtatangi mismo – hindi, hindi, hindi, hindi, hindi! Mapupunta siya sa isang lugar ng sa kanyang buhay na kanyang awtomatik itong sasabihin. Hindi niya kailangang mag-isip. Siya’y naging isang malaking “hindi” mismo. Ang salitang “hindi” ay naging kumakatawan sa kanyang isipan, kanyang puso, kanyang pinaka kalikasan. Ito’y lahat isang malaking “hindi.” Kanyang nakamit ang di mapapatawad na kasalanan, at hindi na niya matilig magsabing “hindi” kay Hesus. “Sa dakong kabuwalan ng kahoy, ay doon ito mamamalagi.” “Hindi na ako daraan pa muli sa [kanya].” “Ito’y hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Iyan ang di napapatawad na kasalanan! Iyan ang kasalanan na hindi kailan man mapapatawad!
Kung ang ating mga kaluluwa ay hindi naging paralisado maari nating piliin ang araw at oras na tayo ay maligtas. Ngunit habang ang mga araw ay dumaraan, ang ating kagustuhan at ang ating mga kaluluwa at ating mga puso ay tumitigas tulad ng semento. Sa wakas, hindi na sila magagalaw ng tao, at hindi sila mapagagalaw ng Diyos. Ang karakter, ang buhay, at ang walang hanggang kapalaran, ay naselyuhan at naisa-ayos magkailan man! Iyan ang di napapatawad na kasalanan! Iyan ang kasalanan na hindi kailan man mapapatawad!
Ito’y pareho sa isang tao na huminhingi ng isang tiyak ng pakiramdam, o panloob na patunay ng kaligtasan. Maari mong ipaliwanag sa kanyang tignan si Hesus, ngunit imbes ay naghahanap siya ng isang pakiramdam. Nagpapatuloy siya – ano man ang sabihin mo sa kanya. Bawat beses na naghahanap siya ng isang pakiramdam, isang patunay na siya ay ligtas. Sa wakas ito’y nagigin bahagi ng kanyang pinaka kalikasan at karakter. Sasabihin mo sa kanyang magtiwala kay Kristo – at agad-agad naghahanap ng isang pakiramdam. Tatanungin mo siya kung nagtiwala siya kay Hesus, sinasabi niya, “hindi.” Nakakita ako ng mga taong dumaan riyan ng paulit-ulit, ulit-ulit, at ulit-ulit – hanggang sa sa wakas ito’y naging nakagawian na hindi na nila ito matakasan gaano man katindi nila itong subukan! Ito’y naging bahagi ng kanilang pinaka kalikasan. Hindi na nila mapagkatiwalaan si Hesus, ano man ang sabihin natin sa kanila.
Natatandaan ko, noong huling mga taon ng 1940, mayroon kaming isang lumang record player at ilang mga record. Isa sa mga record na iyon ay ang ang kanta ni Woody Woodpecker, “Ha, ha, ha, ha, ha. Ha, ha, ha, ha, ha. Ito’y ang Woody Woodpecker na kanta.” Ngunit pinatugtog namin ito ng napakaraming beses na isang uka ay nasira na bahagi ng record. Kapag ang karayom ay napunta sa ukang iyon, ito’y magpapatuloy na – “Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha!” Masisiraan ka ng ulo! Iyan ang naririnig ko mula sa ilan sa inyo, muli’t-muli, sa silid ng pagsisiyasat. Sinasabi ko, “Magtitiwala ka ba kay Hesus?” Sasabihin mo “oo.” Sinasabi ko, “Lumuhod at magtiwala sa Kanya.” Naghihintay ako. Pagkatapos ng ilang minuto hinihiling kong umupo ka sa upuan. Sasabihin ko, “Nagtiwala ka ba kay Hesus?” Sasabihin mo, “hindi.” Ito’y nagpapatuloy tuloy na ganyan. Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha! Ha, ha, ha, ha, ha! Ang iyong isipan ay naging nasementadong uka. Aking kaibigan, ika’y nasa panganib ng pagkakamit ng di napapatawad na kasalanan. Tapos sasabihin ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa muli sa [kanya].” “Ito’y hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Iyang ang di napapatawad na kasalanan! Iyan ang kasalanan di kailan man mapapatawad!
Anong kailangan ng isang taong nagsasabi ng “hindi” kay Hesus? Kailangan ba niya ng isa pang pangaral? Hindi. Kailangan ba niya ng isa pang paliwanag? Hindi. Anong kailangan niya? Kailangan niya ang isang bagay – upang kumilos, upang tumugon, upang magtiwala sa Tagapagligtas, at iwanan ito doon – sa Tagapaglitas! Sinabi ni Hesus, “Ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37). Amen. Magpunta sa Kanya. Magtiwala sa Kanya. Iwanan ito riyan. Iwanan ito kay Hesus. Hindi ka niya itataboy! Gagawin Niya ang lahat para sa iyo. Lilinisan ka Niya mula sa kasalanan. Patutunayan ka Niya. Gagawin ka Niyang banal. Hindi mo ito “mararamdaman,” ngunit di mo ito kailangan maramdaman, dahil ginagawa Niya ito para sa iyo. Magtiwala kay Hesus at maging nalinisan mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo ibinuhos Niya sa Krus! Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme:
Mga Taga Hebreo 6:4-6.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Magpapatagal ka ng Masyadong Matagal.”
Isinalin mula sa “If You Linger Too Long” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).