Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BAKIT ANG AMERIKA AY WALA SA PROPESIYA NG BIBLIYA

(ISANG PANGARA NA IPINANGARAL SA “KARAPATAN SA BUHAY” NA LINGGO)

WHY AMERICA IS NOT IN BIBLE PROPHECY
(A SERMON PREACHED ON “RIGHT TO LIFE” SUNDAY)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-18 ng Enero taon 2015

“Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila. At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon” (Amos 8:2-3).


“Hindi na ako daraan pa uli sa kanila.” Ibig sabihin ni Dr. C. F. Keil, “ang daraanan ang kahit sino na hindi siya pinapansin, na hindi tinitignan ang kanyang pagkakasala o pagpaparusa sa kanya; dahil rito ay patawarin” (Isinalin mula kay Keil at Delitzsch). Ngunit naglabas si Dr. John Gill ng isang mas mapagpahatol na kahulugan, “gumagawa ng ganap na katapusan sa kanila” (isinalin mula kay John Gill). Idinagdag ni Dr. Charles John Ellicott, “Mayroong darating na panahon na ang panalangin ay di na makakatulong. Ang lahat ng mga pamamagitan, gaano man ka madamdamin o masugid, ay masyado nang huli. Ang pintuan ng awa ay isinara na” (Isinalin mula sa Kumentaryo ni Ellicott sa Buong Bibliya). At ibinigay ni Mathew Henry ang aplikasyon na ito ng teksto, “Ang pasensya ng Diyos, na matagal na pinagkakasalaan laban sa, ay mapalalayo dahil sa kasalanan; at ang panahon ay darating na iyong mga iniligtas na madalas ay din a ililigtas. Ang aking espiritu ay di laging magpupunyagi. Pagkatapos ng maraming pagpalugit, gayon man ang araw ng pabibitay ay darating” (Isinalin mula sa Kumentaryo ni Mathew Henry).

Sinabi ni Amos na si Haring Jeroboam ay mamamatay sa espada, ang mga tao ng Israel ay mapupunta sa paglabilanggo, bilang mga alipin sa Assyria. Sinabi ni Amos na sinabi sa kanya ng Diyos, “hindi na ako daraan pa uli sa kanil.” Iyon na ang katapusan niyon! Tapos na sila! Masyado nang huli upang magsisi! Masyado nang huli upang manalangin! Masyado nang huli para sa Israel na maligtas! Ang paghahatol ng Diyos ay tapos na –

“Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila” (Amos 8:2).

Ang teksto ay mayroong dalawang aplikasyon. Una, magagamit ito sa isang bansa. Sa bansa ng Israel, sinabi ng Diyos,

“Hindi na ako daraan pa uli sa kanila.”

Pangalawa, maisasagawa ito sa isang indibiwal. Kay Amaziah, ang huwad na saserdote na tumutol kay Amos, sinabi ng Diyos, “Ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag” (Amos 7:17). Mayroong paghahatol para sa bansa – at paghahatol para sa indibiwal rin.

“Hindi na ako daraan pa uli sa kanila.”

I. Una, ang teksto ay magagamit sa Amerika at ang Kanlurang mundo.

“Hindi na ako daraan pa uli sa kanila” (Amos 8:2).

Mayroong nagsasabing, “Dr. Hymers tiyak ka ba?” Oo, tiyak ako! Pinalayo natin dahil sa kasalanan ang biyaya, at ang Diyos ay di na daraan sa atin kailan man. Nadarama kong tiyak na iyan ay nangyari sa Amerika!

Binabasa ko ang isang blog na isinulat ng isang independyenteng Bautista. Isa siyang matalinong tao. Tama siya sa marming mga bagay. Minsan mayroong siyang naka-iinters at nakatutulong na mga pag-iisip. Ngunit mali siya kapag ikinukumpera niya ang Amerika at ang Kanluran sa Inglatera bago ng Unang Dakilang Paggigising. Sinasagot ko siya dahil nagbigay siya ng huwad na pag-asa na narinig ko na ibinigay ng ibang mga tao – at dapat itong masagot. Ang huwad na pag-asa ay ito – na ang makasalanang mga kondisyon ng Inglatera ay di pumigil sa Unang Dakilang Pagigising (ang Wesley/Whitefield na muling pagkabuhay). Kaya (idinadahilan niya) ang kasalanan ng Amerika at ang Kanluran ay di pipigil sa Diyos mula sa pagpapadala ng muling pagkabuhay sa ating bansa at ating mga alyansa. Ang Bautistang taga sulat ng blog ay nagtatapos ng kanyang artikula sa pagsasabing, “Manalangin tayo at kumayod hanggang sa katapusan, at magmakaawa sa Diyos na dalhin itong [muling pagkabuhay] mangyari.”

Ito’y parang isang malokong kalokohan. Narinig ko iyan sa aking buong buhay. Sa tinggin ko ay di siya seryoso. Sinasabi niyang manalangin. Nakahanda ba siyang magkaroon ng buong gabing panalanging pagpupulong, tulad ng maaagang mga Metodista? Gagawin ba ng simbahang ito iyan? May alam ba siyang kahit anong simbahan na gagawin iyan? Mag-aayuno ba siya at mananalangin tulad ng mga tao ni Whitefield at Wesley? Ang simbahang ito ba tatawag ng isang pag-aayuno? May alam ba siyang kahit anong simbahan, kahit saan, na magtatagal? Mangangaral ba siya laban sa “Desisyonismo,” at simpleng sabihin na ang karamihan sa mga independyenteng Bautista ay nawawala, di kailan man napagbagong loob, at di naipanganak muli – gaya ng ginawa ni Whitefield at Wesley sa mga tao sa kanilang simbahan? Ang pastor ba niya ay gagwin iyan? May alam ba siya na kahit anong independyenteng Bautista, o Katimugang Bautistang pastor, na gagawiniyan? May alam ba siya ng kahit anong pastor na magiging handa na maisarhan mula sa lahat ng mga simbahan, gaya ni Wesley at Whitefield? May kakilala ba siya na kahit isa na pastor na pagdadaanan iyan? Siya ba mismo ay pagdadaanan iyan? Iyan laman ang uri ng pangangaral na magagamit sa tunay na muling pagkabuhay ngayon. May kakilala ba siyang kahit sinong mangangaral na gagawin iyan? Huwag mong sasabihin si Paul Washer! Ang kanyang pangangaral ay di kalahati ng kinakailangan!

Tapos ang ating taga sulat ng blog na kaibigan ay nagsasabi, “Manalangin tayo at kumayod hanggang sa katapusan” [muling pagkabuhay]. Anong gawain ang mayroon siya sa kanyang isipan? Isang bagay ang sinabi ni Jerry Falwell na lubos na totoo. Sinabi ni Jerry Falwell, “Ang aborsyon ay ang pambansang kasalanan ng Amerika.” Oo, tama, si Jerry Falwell ay ganap na tama tungkol riyan! Tiyak, Gg. Taga sulat ng blog, “kumayod hanggan sa katapusan” ay kailangan na kasama ang pagkakayod upang pahintuin ang pagkakatay sa di naipanganak! Mayroon ka na bang kahit anong “pagkayod sa katapusan na iyan,” Gg. Taga sulat ng blog? May kakilala ka ba na kahit sinong Bautistang pastor na gumawa ng “pagkayod hanggang sa katapusan?” May kakilala ka bang kahit anong Bautistang simbahan na nagsasara ng mga klinika ng pang-aborsyon? Mayroong ka bang kakilala na “kumakayod hanggang sa katapusan”? Wala akong kilala. Ang sarili naming simbahan ay nagpasara ng dalawang aborsyon na klinika sa Los Angeles. Ipinasara namin ang pareho sa mga ito na ganap sa pamamagitan ng legal na pagpipiket sa mga ito! Kung kalahati ng mga Bautistang simbahan sa Amerika ay magpasara ng dalawang aborsyon na klinika, ang aborsyon ay maaring nagtapos na matagal na. Ang aming pangalawang pastor na si Dr. Cagan, at ako ay umupo kasama ng daan-daang mga Katoliko habang mga pulis na nakasakay sa kabayo ay tinakot kami, at ipinamartsa ang kanilang mga kabayo sa paligid namin na may mga baton sa kanilang mga kamay, habang kami’y nagprotesta sa aborsyon. Nasaan ang mga Bautista, Gg. Taga sulat ng blog? Wala akong nakitang kahit sino! Nakakita lamang ako ng matatandang mga madre at ilang mga kabataan mula sa isang Katolikong paaralan. Nasaan ang mga Bautistang mga mangangaral? Nasaan ang mga Bautistang mga kababaihan na nagtuturo ng Linggong Paaralan? Ang ayos na ayos na gitnang edad na Bautistang kababaihan na nagpatakbo ng ating mga simbahan at pinapalakad ang ating mga mangangaral, nasaan sila? Wala akong nakitang kahit sino sa kanila! Wala ba silang paki-alam? Hindi, wala sa tinggin ko silang paki-alam! Hindi sila tulad sa anumang paraan ng mga kababaihan ni Wesley, sa dakilang muling pagkabuhay na tinukoy ng taga sulat ng blog.

Ang Amerika ay pumapatay ng isang milyong mga sanggol kada taon! Pumatay tayo ng 57 milyong mga sanggol simula ng Roe v. Wade noong Enero ng taon 1973. Sa ngayon, dugo ay tumutulo mula sa mga kamay ng bawat Amerikanong ebanghelikal na “Kristiyano.” Hinayaan natin silang pumatay ng 57 na milyong mga sanggol habang umupo tayo sa ating mga naka “air-conditioned” na mga simbahan sa loob ng isang oras at nakarinig ng mga pamapasiglang pananalita! Saan tayo noong 57 milyong mga sanggol ay pinatay? Tayo ay napaka naliligay at bulag na ang ngumingiting pampalakas ng loob na pananalita ni Joel Osteen ay nakakakuha ng mga taong “maligtas” – dahil nag-alay siya ng isang maliit na tinatawag na “panalangin ng makalasanan” pagkatapos siya nagsabi ng ilang kaunting mga kwento at nakuha ang mga taong tumawa sa kanyang mga pagbibiro. Ngunit ang pagbibiro ay nasa atin! Walang naligtas! Wala! Wala! Wala! Wala! Wala! Ang ganyang uri ng pangangaral ay di napagbagong loob ang ating bansa o ating mga tao! At hindi nito ipagbabagong loob sila ngayon! Sinabi ni Dr. A. W. Tozer, “Isang laganap na muling pagkabuhay ng uri ng Kristiyanismo na alam natin ngayon sa Amerika ay maari magpatunay na isang moral na trahedya na mula sa ay di tayo maka babawi sa isang daang taon” (Isinalin mula kay A.W. Tozer, D.D., Mga Susi sa Mas Malalim na Buhay [Keys to the Deeper Life], Zondervan Publishing House, 1957, pah. 12).

“Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila” (Amos 8:2).

Gayon rin ang ating bansa ay walang katulad ng Inglater noong mga maagang ika-18 na siglo – wala sa anumang paraan! Ang di ligtas na mga tao sa Dakilang Britanya ay mas seryoso kaysa sa atin! Kahit ang mga minero ng uling at mga magsasaka ay mas higit na may pinag-aralan kaysa sa atin. Kahit ang mga taong di makabasa ay makadirinig ng isang mahirap unawaing sermon ni Whitefield at Wesley at maintindihan ang mga ito! Ang ating mga tao ba ay maka-uupo sa isang komplikadong pangaral sa ganap na pagkasama gaya nila? Tumayo sila sa niyebe kada umaga ng alasingko upang marinig silang mangaral! Gagawin ba iyan ng ating mga tao? Hindi, hindi nila iyan gagawin! Ang ating mga tao ay emosyonal na napilit ng biyelonteng videyong laro, pornograpiya, madugo at maruming programa sa telebisyon, droga at patuloy na pag-agos ng mahalay at Satanikong pelikula. Wala sila ng mga iyan sa Inglatera ni Wesley! Walang diborsyo sa anumang paraan sa mga karaniwang mga tao sa Inglatera ni Wesley. Ang mga tahanan ay buo at matatag, hindi napilay tulad ng sa atin ngayon. Tapos tignan ang ating gobyerno kumpara sa kanila. Ang kanilang bansa ay pinangunahan ng isang malinwanag ang isip at makatuwirang mga kalalakihan ng Parliyamento na, kahit na di mga tunay na Kristiyano, at sa pinaka kaunti ay naimpluwensyahan ng Kristiyanong moralidad. Ang ating bansa ay pinamunuhan ng mga mahinang loob na mga kalalakihan, na mahina at walang Kristiyanong moral na pamantayan. Wala silang pinayagang sekswal na mga kabuktutan sa Inglatera ni Wesley. Kailangan ko pa bang magsabi ng higit pa? At paano ang ating relihiyon? Oo, ito’y sa karamihan isang deistang relihiyon sa Inglatera ni Wesley. Oo, halos lahat ng mga pastor ay di napagbagong loob. Ngunit – at ito’y isang napaka alking “ngunit” – hindi sila naimpluwensyahan ng “Desisyonismo” sa anumang paraan.” Hindi nila naisip na sila’y napagbagong loob, tulad ng kaunting 75% ng ating mga tao. Gayon rin, noong naisip nila ang tungkol sa pagbabagong loob, naisip nila ito gaya ng naisip ni John Bunyan – sa kanyang napaka popular na mga aklat, “Biyaya Managana sa Pinuno ng mga Makasalanan” [“Grace Abounding to the Chief of Sinners”] at “Ang Progreso ng Perigrino” [“Pilgrim’s Progress”]. Ang mga kaisipan na mayroon sila ng pagbabagong loob ay ang mga pananaw ng mga Puritano – nakakukumbinsi ng kasalanan at malinis – hindi “magulong pagtunganga”!

At saka, mayroong silang isang Bibliya. Ang Haring Santiago ay ang nag-iisang mayroon sila. Kung gayon hindi sila nalito ng isang kalabisan ng iba’t ibang pagsasalin, maraming dosena ng mga ito, base sa sirang Griyegong tekstong, naimpluwensyahan ng Nostikong kaisipan, gaya ng ating mga Bibliya ngayon. At walang pagbabawal sa Haring Santiagong Bibliya sa kanilang mga paaralan at mga unibersidad. Kahit na sila’y di napagbagong loob, naniwala sila na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Kahit si Haring George II (1727-1760) mismo ay maaring nagsabi na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos! Walang pagbabawal sa Bibliya sa mga paaralan. Bawat kabataan ay alam ang mga kwento ng Bibliya. At ang Bibliya ay di ipinagbawal sa mga unibersidad, mga korte, o sibil na gobyerno, gaya nito sa ating bansa. Imbes na pagbabawal ng Bibliya, inapirmado nila ito at inaaprobahan ito, kahit na sila ay di naipanganak muling mga Kristiyano. At saka, walang mga polyeto mula sa gobyerno. Ang lahat ay nagtrabao, at ang lahat ay naniwala sa kawastohan ng pagtratrabaho gaya ng itinuro sa Bibliya Ngayon, ang pagtratrabaho ng matindi ay pinaliliit at kinukutyang tinatawag na “Puritanong etiko ng gawain,” na para bang ito’y masama. Dahil lahat sila ay nagtrabaho o nagutom, walang mayroong oras na gumala sa piligid at managinip ng iba’t ibang mga kawirdohan gaya ng ating mga tao. Wala silang oras na magsagawa ng meditasyon, Zen na Budismo, o Silangang mistisismo ng kahit anong uri. Iyan ang dahilan na napaka kaunting mga tao ay nasapian ng demonyo – habang ito’y malinaw na libo-libong (kung hindi milyon) ng ating mga tao ay nasa ilalim ng panghawak ng demonikong mga espiritu.

Hindi, si Gg. Taga sulat ng blog ay mali upang ikumpara ang ating mga tao doon sa mga sa Inglatera, bago ng Dakilang Pagkagising sa ilalim ni Whitefiel at Wesley. Maari itong mas malayo sa katotohanan na ikumpara ang mga Amerikanong mga tao doon sa mga araw ni Noah! Hindi ba iyan saktong ang sinabi ni Kristo tungkol sa kanyang generasyon? Sinabi ni Kristo,

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe [Noah] sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39).

Hindi kinumpara ni Kristo ang ating generasyon sa mga tao ng Inglatera sa ika-18 na siglo! Ikinumpera nila ang ating generasyon sa mga tao ng araw ni Noah,

“At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso” (Genesis 6:5-6).

“At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa” (Genesis 6:13).

Ang ating taga sulat ng blog na kaibigan ay nagsabi, “Mayroong pag-asa…gaya ng pagligtas ng Diyos sa Inglatera mula sa nagbabalang ganap espiritwal at moral na pagbagsak…sa espiritwal na muling pagkabuhay ni George Whitefield, John at Charles Wesley, kaya magagawa ng Diyos ang parehong bagay muli sa ating araw.” Tama siya kapag sinasabi niya na kaya ito muli ng Diyos. Ngunit hindi iyan ang tanong. Ang tanong ay hindi kung kaya ba ng Diyos na magpadala ng pambansang muling pagkabuhay. Ang tanong ay gagawin ban g Diyos na magpadala ng isang pambansang muling pagkabuhay? At ako’y kumbinsido na ang sagot ay isang tumataginting na “hindi!” Gaya nang nabasa natin sa ating teksto,

“Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang…; hindi na ako daraan pa uli sa kanila. At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon” (Amos 8:2-3).

Sa tingin ko ay walang pag-asa, walang anuman, para sa Amerika at ang Kanlurang mundo. Wala. Makinig sa mga salita na inilagay ng ISIS sa Internet noong huling linggo. Pagkatapos ng pagpatay sa 17 na mga tao sa Paris, ang mga Muslim na mga teroristang ito ay nagpadala ng mga email sa Amerika. Dalawa sa mga email na ito ay nagsabi,

“Kami’y magpupunta para sa inyo. Bantayan ang inyong mga likuran.”

“Hindi kami titigil. Alam namin ang lahat tungkol sa inyo, inyong mga asawa at mga anak.”

Tayo ay kanilang tatakutin sa pagsuko? Iyan ang ibig sabihin ng “Islam”! Ibig nitong sabihin ay “pagsuko.” Susuko ba tayo sa kanila? Sila ba ang mamumuno sa Amerika at Kanluran? Ang Diyos lamang ang nakaka-alam ng tiyak, ngunit hindi ito mukhang maganda! Ito’y higit ang tiyak. Sinasabi ng Diyos,

“Hindi na ako daraan pa uli sa kanila” (Amos 8:2).

Walang pambansang muling pagkabuhay sa Amerika o Europa. Hindi ito mangyayari. Masyado nang huli mapakailan man. Si Dr. W. A. Criswell, ang pinka dakilang mangangaral nagbunga ng Amerika noong ika-20 na siglo ay nagsabi, “Ang ating mga tao ay nabuhay sa madalas na pangingilabot at pangangamba para sa bukas dahil tayo ay malupit na mga tao…sa bawat paraan ang Amerika ay nagiging lumalagong laban sa Diyos at para sa sekular. Mayroong isang paghahatol na araw na darating at nararamdaman natin ito.” Si Dr. Criswell ay ang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas na lampas ng limampung taon. Siya ay ang pastor ni Billy Graham. (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Ang Dakilang mga Doktrina ng Bibliya –Bibliyolohiyo [Great Doctrines of the Bible – Bibliology], Zondervan Publishing House, 1982, pah. 43).

Hinaharap natin ang paghahatol bilang isang bansa at isang tao. Iyan ang dahilan na ang Amerika ay wala sa propesiya ng Bibliya. Hindi na tayo isang dakilang bansa. Hindi na tayo maging nararapat ng komento sa katapusang panahon ng propesiya ng Kasulatan! Ngunit sinabi ko na mayroong pangalawang aplikasyon ng teksto.

II. Pangalawa, ang teksto ay magagamit sa bawat tao na nagkakamit ng kasalanan sa kamatayan.

Mayroong darating na panahon, kung hindi pa ito dumating, na sasabihin ng Diyos tungkol sa iyo,

“Hindi na ako daraan pa uli sa kanila” (Amos 8:2).

Kapag sasabihin ng Diyos tungkol sa iyo, ibig nitong sabihin na ika’y magpakailan mang napakahamak. Maari kang mabuhay ng maraming taon. Ngunit ika’y napahamak na sa walang hanggang apoy ng Impiyerno kapag sasabihin ng Diyos, “Hindi na ako daraan pa uli sa kanila.” Bakit iyan mangyayari? Dahil nakamit mo ang di mapapatawad na kasalanan! Maraming mga dakilang mga mangangaral ng nakaraan ay nagsalita patungkol sa di mapapatawad na kasalanan. Nagsalita si Dr. Martyn Lloyd-Jones, patungkol sa “ang kasalanan laban sa Banal na Espiritu” (Isinalin mula sa Ang mga Anak ng Diyos [The Sons of God], pah. 230). Si Jonathan Edwards, Asahel Nettleton, Moody, Torrey, George W. Truett, at lahat ng mga lumang panahong mangangaral ay nagsalita patungkol sa “Di Mapapatawad na Kasalanan.” Sinabi ni Dr. John R. Rice,

Mayrong isang kasalanan “na hindi mapapatawa sa mga tao.” Mayroong isang kasalanan, na kung nakamit ng tao, “ito’y di patatawarin, kahit sa mundong ito, kahit sa mundong darating,” Mayroong isang di kapatapatawad na kasalanan...Ang di kapatapatawad na kasalanan [ay] na ang isa ay maaring tumawid sa huling araw habang sila’y nabubuhay pa lang, maaring dumaan sa lupain ng sinumpa habang sila’y nabubuhay, maaring dumaain sa lupain ng siumpa, maaring dumaan sa magpakailan man lampas sa awa habang sila’y nabubuhay sa mundong ito!...Oo, ang di napapatawad na kasalanan ay maaring makamit na ngayon. Kahit sinong makasalanan na narinig ang Ebanghelyo, na lubos na nakumbinsi ng kasalanan, na napalinawan ang isip sa kanyang kasalanan at kanyang pangangailangan ng Tagapagligtas, ay nasa nakamamatay na panganib ng pagkakamit ng kasalanan na walang kapatawaran (Isinalin mula kay Dr. John R. Rice, Pagtatawid sa Huling Araw [Crossing the Deadline], Sword of the Lord, 1953, mga pah. 3-4).

Kung ang Diyos ay madadaanan ang isang bansa, madadaanan ka Niya! Kung ang isang bansa ay maaring makakamit ng isang kasalanan sa kamatayan, ika’y rin ay maaring makakamit nito! Sinasabi ng I Ni John 5:16, “May kasalanang ikamamatay” (I Ni Juan 5:16). Nakamit ni Cain ang kasalanang iyan, sumuko ang Diyos sa kanya magpakilan man. Kahit na nabuhay siya ng maraming taon, hindi na siya maaring maligtas. Si Paro, sa panahon ni Moses, ay nagkamit ng kasalanang iyan, at sumuko ang Diyos sa kanya. Kahit na nabuhay siya ng maraming taon, hindi na siya maliligtas. Si Judas ay nagkamit ng kasalanang iyan at sumuko ang Diyos sa kanya – nabuhay siya ng ilang oras, ngunit masyado nang huli para sa kanya upang maligtas! Kung lalabanan mo ang Banal na Espiritu at tatangging magtiwala kay Hesus, mayroong darating na araw at oras na isususko ka ng Diyos rin! Tapos sasabihin sa iyo ng Panginoon,

“Hindi na ako daraan pa uli sa kanila” (Amos 8:2).

Pakinggang maigi ang mga salita ng kanta ni Dr. John R. Rice,

Nag-antay ka at nagpatagal Tinatanggihan pa rin ang Tagpagligtas;
Ang lahat ng Kanyang pagbabala napaka pasensya,
Lahat ng Kanyang pagmamakaawa napaka buti;
Gayon iyong kinain ang ipinagbawala na prutas,
Pinaniwalaan mo ang pangako ni Satanas;
Gayon ang iyong puso ay napatigas;
Napadilim ng kasalanan ang iyong isipan.
Tapos nakalulungkot na nakaharap sa paghahatol
Matatandaan mo na walang awa
Na nagbaalam ka at nagpatagal
Hanggang sa ang Espiritu ay wala na;
Anong pagsisisi at pagluluksa,
Kung mahanap ka ng kamatayang walang pag-asa,
Ika’y nagsisi at nagpatagal At nag-antay na masyadong matagal!
   (“Kung Magpatagal Ka na Masyadong Matagal.” Isinalin mula sa
      “If You Linger Too Long” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Nagmamakaawa ako sa iyo ngayong umaga – tumalikod mula sa iyong kasalanan at magtiwala kay Hesus ngayon, habang may panahon pa. Magtiwala kay Hesu-Kristo ngayon – bago sumuko ang Diyos sa iyo – tulad ng pagsuko Niya sa Israel! tulad ng pagsuko Niya sa Amaziah sa mga araw ni Amos! tulad ng pagsuko Niya kay Cain! tulad ng pagsuko Niya kay Paro! tulad ng pagsuko Niya kay Judas! Susuko Siya sa iyo!!! Magpunta kay Kristo. Magtiwala kay Kristo ngayon, bago ito huli na! Sinasabi ng Bibliya

“Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan” (Mga Kawikain 3:5).

Magtiwala kay Hesus. Ang Kanyang Dugo ay magtatakip sa lahat ng iyong kasalanan at huhugasan papalayo ang mga ito. Ang Kanyang kamatayan sa Krus ay magbabayad para sa lahat ng iyong kasalanan, at ililigtas ka mula sa walang hanggang poot. Ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay magbibigay sa iyo ng pag-asa! Magtiwala kay Hesus ngayon at papatawarin Niya ang iyong kasalanan magpakailan man! Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Amos 7:14-8:3.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Magpapatagal Ka Ng Masyadong Matagal.” Isinalin mula sa
“If You Linger Too Long” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

BAKIT ANG AMERIKA AY WALA SA PROPESIYA NG BIBLIYA

(ISANG PANGARA NA IPINANGARAL SA “KARAPATAN SA BUHAY” NA LINGGO)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila. At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon” (Amos 8:2-3)

(Amos 7:17)

I.       Una, ang teksto ay magagamit sa Amerika at ang Kanlurang mundo,
Mateo 24:37-39; Genesis 6:5-6, 13; Amos 8:2-3.

II.      Pangalawa, ang teksto ay magagamit sa bawat tao na nagkakamit ng kasalanan sa kamatayan, I Ni Juan 5:16; Mga Kawikain 3:5.