Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG DAKILANG DIYOS – MAKAPANGYARIHAN AT TERIBLE!A GREAT GOD – MIGHTY AND TERRIBLE! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo...” (II Ni Timoteo 3:16). |
Kapag binubuksan natin ang Bibliya mababasa natin ang naglalantad ng sariling Diyos. Aking sinasabi sa ibang salita si Dr. W. A. Criswell (1909-2002) – Maraming mga bagay na ating matututunan sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-oobserba. Matututunan natin ang tungkol sa lupa at binhi, mga puno at mga prutas, tubig at mga mineral, isda at mga baka, ang puwersa ng grabidad at ang paggalaw ng mga bituin. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-oobserba matututunan natin ang maraming mga bagay sa mundo ng kalikasan. Ngunit anong nasa likuran ng katotohanan? Ano ang katotohanan sa lampas sa anong maaaral natin at maooserba sa pisikal na mundo? Ano ang ibig sabihin at layunin ng buhay? Ito ang mga bagay na matututunan natin sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-oobserba. Sino ang gumawa ng mundo at ng mga bituin at ng daigdig? Ang pagdadahilan at obserbasyon at pag-aaral ay makalalayao lamang ng ganoon kalayo. Ngunit makalalampas pa tayo sa kung anong panlabas at pisikal. Ang ibig sabihin ay nakasalalay lampas sa anong nakikita at nararamdaman at naamoy at naririnig – ito ay hindi natin matututunan.s
Maari nating tignan ang mga bituin magpakailan man at mapunta sa isang pagpapasiya na sinuman ang gumawa ng mga ito ay dakila at lubos na makapangyarihan. Ngunit anong pangalan Niya? Anong tulad Niya? Kilala ba Niya tayo? Matatawag ba Niya tayo sa ating pangalan? Maaaral natin ang mga bituin magpakailan man at hindi kailan malalaman Siya.
Maaral natin ang kagandahan ng isang paglubog ng araw, ang magandang mga puno sa parke, ang mga bulaklak na lumalaki mula sa lupa. Maari nating aralin ang mga kagandahan ng kalikasan. Maari tayong mapunta sa pagpapasiya na sinuman ang gumawa ng mga ito ay iniibig ang kagandahan at pagkakatugma at kulay. Ngunit sino Siya? Anong tulad Niya? Maari nating aralin ang bahaghari at ang mga ulap, at ang iba’t ibang klase ng kulay ng Malaking Canyon [Grand Canyon] at ang nakasisilaw na kagandahan ng paglubog ng araw ng Arizona. Maari natin itong aralin lahat magpakailan man at hindi Siya kailan man makilala.
Maari natin tignan ang ating sarili. Maari nating aralin ang kultura ng mundo. Sa pag-aaral ng sosyolohiyo at moralidad, makapupunta tayo sa pagpapasiya na sinoman ang lumikha ng lahi ng tayo ay mayroong diwa ng ayos at moralidad. Ngunit sino Siya at anong pangalan Niya? Kilala Niya ba tayo? Bakit na ginawa tayo ng Diyos na ganito? Ang mga ito ay mga bagay na lubos na nakatago mula sa tao. Ang mga bagay na ito ay maari lamang malaman sa pamamagitan ng pagbubunyag ng sarili at paglalantad ng sarili ng Diyos. Kung hindi ilalantad ng Diyoa ang Kanyang sarili, gayon di natin Siya kailan man makikilala (hinango mula sa “Ang Naglalantad ng Sariling Diyos” [“The Self-Revelation of God”] ni W. A. Criswell, Ph.D.).
Ngunit inilantad ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin sa pamamagitan ng Bibliya. Ang Bibliya ay ang paglalantad ng sarili ng Diyos sa isang nawawalang mundo. Gaya ng paglagay nito ni Pedro, ang Bibliya ay “isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim” (II Ni Pedro 1:19). Inaral ko ang relihiyon ng higit sa kalahating siglo. Tayo ay sinabihan na mayroong mga 600 na mga relihiyon sa mundo. Alin ang totoo? Paano natin malalaman? Maari nating aralin ang mga relihiyon ng mundo magpakailan man at malalaman pa rin Siya. Kinailangang ilantad ng Diyos ang Kanyang sarli sa atin. At iyan ang ginawa Niya. Inilantad ng Diyos ang Kanyang sarili sa tao sa Bibliya, alin ay “kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo…” (II Ni Timoteo 3:16). Ang Bibilya ay ang nag-iisang ma-aasahang pagkukunan ng kaalaman tungkol sa Diyos. Kung wala ang Bibliya, hindi natin malalaman ang Diyos. Hindi natin malalaman na ang Diyos ay isang Tatluhan. Hindi natin malalaman ang mga katangian ng Diyos – ang Kanyang pagkawalang kinaroroonan, ang Kanyang karunungan sa lahat ng bagay, ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan, ang Kanyang kawalang pagbabago, ang Kanyang kabanalan, ang Kanyang katuwiran, ang Kanyang hustisya, ang Kanyang kabutihan, ang Kanyang katotohanan. Ang mga ito ay mga bagay na hindi natin kailan malalaman tungkol sa tunay na Diyos mula sa Bibliya dahil,
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo...” (II Ni Timoteo 3:16).
Anong sasabihin natin, gayon tungkol sa Diyos na nagpaparusa ng kasalanan? Si Dr. George Buttrick, ang tumatangi ng Bibliyang tagapatnugot ng Ang Tagapagsalin ng Bibliya [The Interpreter’s Bible], ay nagsabi na “Ang Diyos na iyan ay ang aking diablo.” SInabi niya na ang Diyos ng Bibliya ay ang “diablo.” Tinawag ni Robert Ingersoll ang Diyos ng Bibliya, “ang napakahayop na Diyos,” at nagsabing, “kinamumuhian ko siya.” Ang pagkamuhi sa Diyos na nagpaparusa ng kasalanan ay madalas nadirinig ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga propesor sa kolehiyo. Ngunit si George Buttrick ay walang basehan para sa pagtatanggi ng paghahatol Diyos kundi ang kanyang sariling hindi matuwid na palagay. Si Ingersoll ay walang basehan para sa pagtatawag sa Diyos na “napakahayop” kundi ang sarili niyang hindi matuwid na palagay. At ang iyong propesor sa kolehiyo ay walang basehan para sa pagtatanggi ng Diyos na naghuhusga ng kasalanan kundi ang sarili niyang hindi matuwid na palagay.
Paano natin malalaman na sila’y nagkakamali? At paano natin malalaman ang higit kaysa nalalanaman nila tungkol sa Diyos? Ang sagot ay nasa ating teksto,
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo...” (II Ni Timoteo 3:16).
Ang lahat ng Hebreo at Griyegong mga salita ng Biblya ay ibinigay sa pamamagitan ng theopneustos (kinasihan, ‘hininga ng Diyos’) at napakikinabangan (ōphĕlímos – magagamit) para sa doktrina (didaskalian – pagtuturo, doktrina). Sinabi ng Alemang eskolar na si Dr. Fritz Rienecker, “Ang pagsusulat ng [Kasulatan ay] hininga ng Diyos…Ang rabbinikal na pagtuturo ay na ang Espiritu ng Diyos ay namamahinga sa ibabaw at sa mga propeta at nagsalita sa pamamagitan nila upang ang kanilang mga salita ay hindi nanggaling mula sa kanilang sarili, kundi mula sa bibig ng Diyos at nagsalita sila at nagsulat ayon sa Banal na Espiritu. Ang maagang simbahan ay ang buong [ganap] na pagsasang-ayon sa pananaw na ito” (Isinalin mula kay Fritz Rienecker, Ph.D., Isang Lingwistikong Susi sa Griyegong Bagong Tipan [A Linguistic Key to the Greek New Testament], isinalin mula sa Aleman ni Cleon L. Rogers, Jr.; sulat sa II Ni Timoteo 3:16).
Kung gayon ang Bibliya ay isang perpektong kayamanan ng berbal na kinasihan ng mga salita ng Diyos; bawat Hebreo at Griyego ay nanggaling mula sa “bibig ng Diyos” Mismo! Anomang gusto nating malaman tungkol sa Diyos ay dapat magmula sa Bibliya, at wala nang iba pa. Gaya ng paglagay ni Luther nito, “sola scriptura” – ang Bibliya lamang ay ang pinanggagalingan ng ating mga paniniwala at doktrina. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Mayroon lamang dalawang tunay na posisyon; ang ipagsasaalang-alang sa Bibliya bilang may kapangyarihan, o tayo ay magtiwala sa kaisipan ng tao …ang buong kaso ng Bibliya ay na ito ang kakaibang paglalantad ng Diyos” (Pagsasama sa Diyos [Fellowship with God], Crossway Books, 1993, pah. 104). Kaya kapag sasabihin ng mga tao, “Iyan ang iyong opinion” – sumagot ako, “Hindi, hindi iyan ang aking opinion, iyan ang opinion ng Bibliya, ang simpleng doktrinal na pagtuturo ng Salita ng Diyos.” Tapos sasabihin nila, “Ngunit paano mo ito isasalin?” Sinasabi ko, “Sa parehong paraan na isinasalin ko ang peryodiko – ang nais nitong sabihin ay ang sinasabi nito.”
Ayaw ng mga nawawalang tao iyan. Alam mo ba kung bakit? Iyan ay dahil sila’y nakikinig sa Diablo. Nakuha ng Diablo ang ating unang inang nalito sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya na hindi talaga ibig ng Diyos ang sinabi Niya (Genesis 3:1-5). Ang kaisipan na hindi mo mapagkakatiwalaan ang Salita ng Diyos ay ang nagdala ng Pagbagsak ng Tao, at ang pagkasira ng lahi ng tao! Tulungan tayo ng Diyos! Ang lahat ng nalalaman natin tungkol sa tunay na Diyos ay nanggagaling mula sa Bibliya lamang. Pansinin na sinabi ko, “Ang lahat ng nalalaman natin tungkol sa tunay na Diyos…” ay nanggagaling mula sa Bibliya lamang. Hindi mula sa Koran. Hindi mula sa Aklat ng Mormon. Hindi mula sa aklat ni Mary Baker Eddy Siyensya at Kalusugan [Science and Health], hindi mula sa naluray, sinadyang maling pagsasalin, ng Bibliya Saksi ni Jehovah. Ang lahat ng nalalaman natin tungkol sa tunay na Diyos ay nanaggagaling mula sa Bibliya lamang. Ngayon, anong sinasabi Bibliya tungkol sa Diyos? Anong sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos ay napaka iba mula sa anong sinasabi ng mga tao tungkol sa Kanya ngayon. Ang karaniwang tao sa mga kalye ay nag-iisip na isa sa dalawang mga bagay tungkol sa Diyos. Na iniisip niya na,
1. Ang Diyos ay hindi nabubuhay, o
2. Na ang Diyos ay isang Diyos lamang ng pag-ibig, at hindi kailan man magpaprusa ng kasalanan
Ngunit ni isa sa mga kaisipan na iyon ay mula sa Bibliya. Ang pareho ay mga kaisipan mula sa tao, at di nagpapaliwanag ng tunay na Diyos.
Oo, itinuturo ng Bibliya na Siya ay isang Diyos ng pag-ibig (I Ni Juan 4:16). Ngunit ang Diyos rin ay isang Diyos ng paghahatol. Ang poot at paghahatol ng Diyos ay nabanggit sa Bibliya na mas higit na mas madalas kaysa Kanyang pag-ibig. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kung kukunin mo ang kaisipang ito ng paghahatol mula sa Bibliya mayroong kang napakaunting natitira” (Ang Puso ng Ebanghelyo [The Heart of the Gospel], Crossway Books, 1991, pah. 98). Sa ibang lugar, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang tunay na gulo sa mga taong hindi naniniwala sa doktrina ng poot ng Diyos ay na di sila naniniwala sa Biblikal na paglalantad ng Diyos. Kailangan nilang magkaroon ng Diyos ng sarili nilang paglilikha” (Isinalin mula sa Ang Pinakamakapangyarihang Punong Layunin ng Diyos (Mga Taga Roma 9) [God’s Sovereign Purpose (Romans 9), The Banner of Truth Trust, 1991, pah. 212). Ang poot ng Diyos, ang paghahatol ng Diyos ay mga doktrina na nagpapakita sa buong Bibliya, sa parehong Luma at Bagong Tipan. Noong huling linggo nabasa ko ang paghahatol ng Diyos sa Dakilang Baha.
“Lilipulin ko ang tao na aking nilalang” (Genesis 6:7).
“At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa” (Genesis 6:13).
“At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan” (Genesis 7:23).
Iyan ang paghahatol ng Diyos! Nabasa ko rin ang tungkol sa paghahatol ng Sodom at Gomorrah,
“Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon” (Genesis 19:24-25).
Iyan ang paghahatol ng Diyos! Tapos nabasa ko ang tungkol sa teribleng paghahatol ng Diyos sa mga Taga Ehipto – kung paano sila hinusgahan ng Diyos dahil sa pagtatangging pakawalan ang mga taga Hebreo,
“At nangyari sa hating gabi, na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop. At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga Egipcio, at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto; sapagka't walang bahay na di mayroong isang patay” (Exodus 12:29-30).
Iyan ang Diyos ng paghahatol! Tapos nabasa ko ang tungkol sa paghahatol ni Nadab at Abihu, ang mga anak ni Aaron,
“At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa't isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila'y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila. At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng Panginoon” (Levitico 10:1-2).
Iyan ang Diyos ng paghahatol! Tapos nabasa ko ang tungkol sa isang tao na nilabag ang batas sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga patpat sa Sabat,
“At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento. At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises” (Mga Bilang 15:35-36).
Iyan ang Diyos ng paghahatol! Tapos nabasa ko ang tungkol sa Korah, at iyong mga sumunod sa kanya sa rebelyon laban kay Moses,
“At nangyari, na pagkatapos na masalita niya ang lahat ng salitang ito, na ang lupa na nasa ilalim nila ay bumuka: At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kanilang pag-aari. Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buhay sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan. At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila; sapagka't kanilang sinabi, Baka pati tayo'y lamunin ng lupa. At apoy ang lumabas na mula sa Panginoon, at nilamon ang dalawang daan at limang pung lalake na naghandog ng kamangyan” (Mga Bilang 16:31-35).
Iyan ang Diyos ng paghahatol! Tapos sa Akalat ng Deuteronomia nabasa ko,
“Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol” (Deuteronomio 10:17).
At tapos sinasabi,
“Katatakutan mo ang Panginoon mong Dios; sa kaniya'y maglilingkod ka” (Deuteronomio 10:20).
Iyan rin ay ang paghahatol ng Diyos.
Ang lahat ng mga iyon ay ibinigay sa Pentatuk, ang limang aklat ni Moses. ANg mga iyon ay ilan lamang sa mga paghahatol ng Diyos sa unang limang mga aklat ng Kasulatan! Doon Siya ay tinawag na “Dios ng mg adios, Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot…” (Deuteronomio 10:17).
Tapos sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propetang Isaias, “aking niyapakan [ang mga tao] sa aking galit” (Isaias 63:3) – KJV. Tinawag Siya ng propetang Nehemia na, “na dakila at kakilakilabot na Dios” (Nehemia 1:5). Tinawag Siya ng propetang si Daniel, “Dios na dakila at kakilakilabot” (Daniel 9:4).
Ngunit ang ilan ay maaring magsabi, “Iyan ang Diyos ng Lumang Tipan. Naniniwala ako sa Diyos ng Bagong Tipan.” Na nagpapakita na ika’y walang nalalaman patungkol sa Bagong Tipan! Sa Bagong Tipan, mababasa natin, “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 10:31). Sa II Mga Taga Corinto 5, sinabi ng Apostol Pablo, “Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao” At ang Panginoong Hesu-Kristo ay nagsalita tungkol sa paghahatol at Impiyerno higit sa kahit sino sa Bibliya. Sinabi ni Kristo,
“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Sinabi ni Kristo,
“At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno” (Mateo 18:9).
Sinabi ni Kristo,
“Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan; At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 13:41-42).
Sinabi ni Kristo na ang isang di ligtas na tao na nagpunta sa Impiyerno,
“At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito” (Lucas 16:23-24).
At ang huling aklat ng Bagong Tipan ay nagsasabing,
“Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi...” (Apocalipsis 14:10-11).
Hindi, hindi ka makapagkukubli sa Bagong Tipan! Sa buong Bibliya, mula sa isang dulo hanggang sa kabilang dulo, ang Diyos ay itinanghal bilang “isang dakilang Diyos, isang makapangyarihang, at kakilakilabot” (Deuteronomio 10:17).
Ang nag-iisang pag-asa na mayroong ka ay ang magtiwala sa Panginoong Hesu-Kristo. Ipinadala Siya ng Diyos upang mamatay sa Krus – upang magbayad para sa iyong mga kasalanan, at nilisin ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo. Walang ibang paraan upang makalaya mula sa poot at paghahatol ng Diyos! Sinabi ng Apostol Pablo, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Sinasabi ng Bibliya, “Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo” (Mga Kawikain 3:5). At ang Panginong Hesu-KRisto ay nagsabing,
“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).
Gg. Griffith paki kanta ang una at pangalawang taludtod ng mga koro ng “Kapag Nakikita ko ang Dugo” [“When I See the Blood”].
Kristo ating Tagapagligtas namatay sa krus,
Namatay para sa mga makasalanan, binayaran ang lahat ng kanyang utang.
Winisikan ang iyong kaluluwa ng dugo ng Cordero,
At aking lalampasan, lalampasan ka,
Kapag makita ko ang dugo, kapag makita ko ang dugo,
Kapag makita ko ang dugo, lalampasan, lalampasan kita.
Pinaka puno ng mga makasalanan, ililigtas ni Hesus;
Ang lahat na Kanyang ipinangako, na Kanyang gagawin;
Mahugasan sa bukal na binuksan para sa kasalanan,
At aking lalampasan, lalampasan kita.
Kapag aking makita ang dugo, kapag aking makita ang dugo,
Kapag aking makita ang dugo, lalampasan, lalampasan kita.
(“Kapag Aking Makita ang Dugo.” Isinalin mula sa “When I See the Blood”
ni John G. Foote, 19th century).
Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Apocalipsis 14:9-11.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Kapag Makita ko ang Dugo.” Isinalin mula sa “When I See the Blood” (ni John G. Foote, 19th na siglo).