Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB –
|
Malinaw na sinabi ni Hesus, “Malibang kayo’y magsipanumbalik…hindi kayo magsisispasok sa kaharian ng langit.” Sinabi Niya na kung di mo mararanasan ang pagbabagong loob “hindi kayo magsisispasok sa kaharian ng langit.”
Ngayong umaga sasabihin ka sa inyo kung anong nangyayari sa isang taong nararanasan ang isang tunay na pagbabagong loob. Pansinin na sinabi ko ay “tunay” na pagbabagong loob. Sa pamamagitan ng paggamit ng “Panalangin ng Makasalanan,” at ibang mga anyo ng Desisyonismo, milyon milyong mga tao ang nakaranas lamang ng huwad na pagbabagong loob.
Mayroong kaming ilang mga tao sa aming simbahan kasama ang sarili kong asawa, na napagbagong loob sa unang beses na kanilang narinig ang Ebanghelyong malinaw na naipangaral. Ngunit ang lahat ng mga ito ay mga matatanda na na mainam na naihanda sa pamamagitan ng mga kalagayan ng buhay bago pa nila narinig ang Ebanghelyo. Wala sa kanila ay maliliit na mga bata. Karamihan sa aming mga tunay na pagbabagong loob, ay sa mga batang may sapat na gulang na nagpunta kay Kristo pagkatapos ng maraming buwan (at mga taon) ng pakikinig ng Ebanghelyong sermon. Sinabi ni Spurgeon, “Maaring mayroong ganoong isang bagay na pananampalataya sa unang paningin, ngunit karaniwan ay naaabot natin ang pananampalataya sa mga yugto” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Sa Paligid ng Maliit ng Tarangkahan [Around the Wicket Gate], Pilgrim Publications, 1992 inilimbag muli, pah. 57). Narito ay ang mga “yugto” na karamihang pinagdaraanan ng mga tao.
I. Una, nagpupunta ka sa simbahan para sa ibang dahilan kaysa upang maging napagbagong loob.
Halos lahat ay nagpupunta sa simbahan sa unang kaunting pagkakataon dahil sa “maling” dahilan, tulad ng ginawa ko. Nagpunta ako sa simbahan bilang isang binatilyo dahil ang mga pamilya sa kabilang bahay ay inimbita ako na magpunta sa simbahan kasama nila. Kaya nagsimula akong magpunta sa simbahan noong taong 1954 dahil ako’y nag-iisa, at ang mga tao sa kabilang bahay ay mabuti sa akin. Hindi talaga iyan ang “tamang” dahilan, dib a? Nagpunta ako sa “harap” sa katapusan ng unang pangaral na aking nadinig at ako’y bininyagan na hindi pinapayuhan sa anumang paraan, na hindi manlang tinatanong kung bakit ako nagpunta sa harap. Ganyan ako naging isang Bautista. Ngunit hindi ako napagbagong loob. Nagpunta ako dahil ang mga tao sa kabilang bahay ay mabuti sa akin, hindi dahil gusto kong maligtas. Kung gayon, dumaan ako sa mahabang pagkikipaglaban na tumagal ng pitong taon bago ako sa wakas napagbagong loob noong ika-28 ng Setyembre taon 1961, noong narinig ko si Dr. Charles J. Woodbridge na mangaral sa Kolehiyo ng Biola (ngayon ay Unibersidad ng Biola). Iyan ang araw na nagtiwala ako kay Hesus, at nilinis niya ako at iniligtas niya ako mula sa kasalanan.
Paano ka? Nagpunta ka ba sa simbahan dhail nag-iisa ka – o dahil dinala ka ng iyong mga magulang sa simbahan na isang bata pa? Kung ika’y narito ngayong umaga dahil sa nakagawian na, tulad ng isang batang pinalaki sa simbahan, hindi ibig sabihin na ika’y napagbagong loob. O nagpunta ka na tulad ko, dahil nag-iisa ka at mayroong nag-imbita sa iyo, at ang mga tao ay mabuti sa iyo? Kung ito ang ginawa mo, hindi nito ibig sabihin na ika’y napagbagong loob. Huwag mo akong ipagkakamali. Natutuwa ako na ika’y narito – maging ito man ay dahil sa nakagawian na tulad ng isang bata ng simabhan, o dahil sa pagka-mag-isa, tulad ko noong ako’y labing tatlong taong gulang. Ang mga iyon ay naiintindihang mga dahilan para sa pagpupunta sa simbahan – ngunit ang mga ito ay di magliligtas sa iyo. Dapat kang magkaroon ng tunay na pagbabagong loob upang maging ligtas. Dapat mong tunay na gustong maligtas ni Hesus. Iyan ang “tamang” dahilan – at ang nag-iisang dahilan na makaliligtas sa iyo mula sa isang buhay ng kasalanan.
Hindi masama upang maging narito dahil sa nakagawian na o dahil ika’y nag-iisa. Hindi lang ito ang tamang dahilan. Dapat mong gustuhin ang higit pa upang mapagbagong loob, hindi lang dahil napapaganda nito ang iyong pakiramdam tuwing nagpupunta ka sa simbahan.
II. Pangalawa, nagsisimula mong malaman na mayroong isang tunay na Diyos.
Maari mong matanto na ang Diyos ay nabubuhay bago ka pa nagpunta sa simbahan. Ngunit ang karamihan sa mga tao ay mayroon lamang malabong paniniwala sa Diyos bago sila maharap ng Ebanghelyo. Maaring iyan ang iyong kalagayan rin, kung mayroong nagdala sa iyo rito.
Kung ika’y pinalaki sa simbahan, alam mo na ang marami tungkol sa mga Kasulatan. Madali mong mahanap ang iyong lugar sa Bibliya. Alam mo ang plano ng kaligtasan. Nalalaman mo ang maraming mga berso ng Bibliya at mga himno. Ngunit ang Diyos pa rin di totoo at di malinaw sa iyo.
Tapos, maging ika’y isang bagong tao o isang bata ng simbahan, mayroong magsisimulang mangyari. Magsisimula mong matanto na mayroong talagang isang Diyos – hindi lang magsalita tungkol sa Diyos. Ang Diyos ay nagiging napaka totoong tao sa iyo.
Mayroon akong isang madilim, di malinaw na paniniwala sa Diyos simula noong ako’y isang maliit na bata. Ngunit hindi ako naging nagkamalay ng “dakila at kakilakilabot na Dios” (Nehemiah 1:5) ng Bibliya hangang sa ako’y labin limang taong gulang – higit sa dalawang taon pagkatapos kong magsimulang magpunta sa isang Bautistang simbahan kasama ng mga kapit bahay sa kabilang bahay. Ang araw na ang aking lola ay inilibing tumakbo ako sa mga puno sa sementeryo at bumagsak na hinihingal sa lupa. Biglang ang Diyos ay bumaba sa akin – at nalaman ko na Siya’y totoo, at Siya ay isang makapangyarihan, pati kakilakilabot, sa Kanyang pagkabanal. Ngunit hindi pa rin ako napagbabagong loob.
Naramdaman mo ba ang tulad niyan kailan man? Ang Diyos ng Bibliya ba ay isang tunay na tao sa iyo? Iyan ay lubos na mahalaga. Sinasabi ng Bibliya,
“kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios [ibig sabihin na Siya’y nabubuhay]” (Mga Hebreo 11:6).
Ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangn ng isang tiyak na halaga ng pananampalataya – ngunit hindi ito nakaliligtas na pananampalataya. Ito’y hindi pagbabagong loob. Madalas sabihin ng nanay ko, “Lagi akong naniwala sa Diyos.” At walang pagudududa sa aking isipan na siya nga ay naniwala sa Diyos. Naniwala siya sa Diyos simula nang pagkabata. Ngunit hindi siya napagbagong loob hangang sa siya’y 80 taong gulang. Ito’y mahalaga na siya’y naniwala sa Diyos, ngunit mayroong isang bagay na higit pa riyan na dapat mangyari sa isang taong maging tunay na napagbagong loob.
Kaya, sinasabi ko, na maaring ika’y nagpunta sa simbahan ngayong umaga na hindi nalalaman ang katotohanan ng Diyos. Gayon, marahil dahan dahan, marahil mas mabilis, makikita mo na mayroong talagang isang Diyos. Iyan ang pangalawang yugto, ngunit hindi pa ito pagbabagong loob.
III. Pangatlo, natatanto mo na iyong napagalit ang Diyos sa pamamagitan ng iyong kasalanan.
Sinasabi ng Bibliya, “Ang nangasa laman [ibig sabihin iyong mga di napagbagong loob] ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:8). Kaya nagsisimula mong matantao, gaya ng isang di napagbagong loob na tao, na wala sa mga bagay na ginagawa mo ang makapagpapalugod sa Diyos. Sa katunayan, nagsisimula mong matanto na ika’y isang makasalanna. Araw-araw ang iyong “iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot” (Mga Taga Roma 2:5). Sinasbai ng Bibliya:
“Dios [ay] galit [sa masama] araw-araw” (Mga Awit 7:11) – KJV.
Pagkatapos mong madiskubre na mayroon talagang isang Diyos, nagsisimula mong matanto na iyong napagalit ang Diyos dahil sa iyong kasalanan. Napagalit mo ang Diyos sa pamamagitan ng di pagmamahal sa Kanya. Ang mga kasalanan na iyong nakamit ay laban sa Diyos at Kanyang mg autos. Ito gayon ay magiging napaka linaw sa iyo na ito’y totoo. Ang pagkakulang ng pag-mamahal sa Diyos ay makikita mo bilang isang matinding kasalanan sa panahong ito. Ngunit, higit pa riyan, nagsisimula mong makita na ang iyong pinaka kalikasan ay makasalanan, na walang mabuti sa iyo, na ang iyong pinaka puso ay makasalanan.
Ang yugtong ito ay madalas tinawag na ang yugto ng “pagkagising” ng mga Puritano. Ngunit di maaring magkaroon ng pagkagising na walang matalim na pagka-isip ng kasalanan at malalim na pagkondena sa sarili. Mararamdaman mo gaya ni John Newton noong isinulat niya:
O Panginoon, napaka sama ko, Di Banal at di malinis!
Paano ako mangangahas na maglakas loob na lumapit Na mayroong ganoong uri ng bigat ng kasalanan?
Ang maruming pusong ito Isang tirahan para sa Iyo?
Nakukulumpungan, Sayang! Sa bawat bahagi, Anong kasamaan ang nakikita ko!
(“O Panginoon, Napakasama Ko” Isinalin mula sa
“O Lord, How Vile Am I” ni John Newton, 1725-1807).
Magsisimula mong maisip na malalim, gayon, ang tungkol sa panloob na pagkamakasalanan ng iyong isipan at puso. Maiisip mo, “Ang aking puso ay napaka makasalanan, at napaka layo mula sa Diyos.” Ang isipang iyan ay manggugulo sa iyo. Ika’y magiging lubos na nababalisa at nagugulo sa iyong sariling makasalanang pag-iisip at ang iyong pagkakulang ng pag-ibig sa Diyos. Ang malamig na pagkawalang buhay ng iyong puso tungo sa Diyos ay makagugulo sa iyong lubos sa yugtong ito. Magsisimula mong matantao na ang isang tao na mayroong isang makasalanang puso tulad mo ay walang pag-asa. Makikita mo na ito’y kinakailangan at tama para sa Diyos na ipadala ka sa Impiyerno – dahil nararapat sa iyo ang Impiyerno. Ito ang maiisip mo kapag ika’y tunay na nagising at natanto na iyong napagalit ang Diyos at napagalit Siyoa dahil sa iyong kasalanan. Ang yugtong ito ng pagkagising ay isang mahalagang yugto, ngunit hindi pa ito pagbabagong loob. Ang isang taong nakikita kung gaano siya makasalanan ay nagising na – ngunit hindi pa siya napagbagong loob. Ang pagbabagong loob ay mas lumalayo pa kaysa sa pagiging nakumbinsi ng kasalanan.
Maari mong biglang matatanto na iyong napasama ng loob ang Diyos, o ang ganoong uri ng pagkaka-alam ay maaring lumago mula sa isang simpleng doktrina sa isang magpunong pagkakaintindi na ang Diyos ay napasama ang loob at lubos na nagagalit sa iyo. Kapag lamang na ika’y lubos na nagising sa katunayan na ika’y makasalanan at di banal na ika’y magiging handa para sa pang-apat at panglimang “mga yugto” ng pagbabagong loob.
Si Charles Spurgeon ay naging nagkamala ng kanyang kasalanan noong siya ay 15 na taong gulang. Ang kanyang ama at lolo ay parehong mga mangangaral. Nabuhay sula sa araw noong ang makabagong “desisyonismo” ay hindi pa nagagawa ang tunay na pagbabagong loob na maputik at malabo. Kaya, ang kanyang ama at lolo ay hindi siya “itinulak” na gumawa ng isang mababaw na “desisyon para kay Kristo.” Imbes, inantay nila ang Diyos na gumawa ng isang masusing gawain ng pagbabagong loob sa kanya. Sa tingin ko ay sila’y tama.
Noong siya’y labin lima sa wakas si Spurgeon ay napunta sa ilalim ng malalim na kumbiksyon ng kasalanan. Ipinaliwanag ni Spurgeon ang kanyang pagkagising sa kanyang pagkamakasalanan sa mga salitang ito:
Biglaan nalang, nasalubong ko si Moses, buhat buhat sa kanyang kamay ang batas ng Diyos, at tinignan niya ako, para bang sinasaliksik niya ako gamit ng kanyang mga mata ng apoy. [Sinabi Niya sa akin na basahin] ang sampung mga salita ng Diyos – ang sampung mga utos – at habang binasa ko ang mga ito para bang mukhang ang lahat sila’y nagsasamang inaakusa at kinokondena ako sa paningin ng isang banal na Diyos.
Nakita niya sa karanasan na iyan, na siya ay isang makasalanan sa paningin ng Diyos, at na walang halaga ng “relihiyon” o “kabutihan” ay makaliligtas sa kanya. Ang batang si Spurgeon ay dumaan sa ganoong panahon ng matinding pagkabalisa. Sinubukan niya ang maraming paraan upang magana ang kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap, ngunit ang lahat ng kanyang pagsusubok upang gumawa ng kapayapaan sa Diyos ay nabigo. Iyan ay nagdadala sa atin sa pang-apat na yugto ng pagbabagong loob.
IV. Pang-apat, sinusubukan mong makit ang iyong kaligtasan, o matutunan kung paano maligtas.
Ang nagising na tao ay mararamdamang makasalanan, ngunit hindi pa rin titingin kay Hesus. Inilarawan ng propetang Isaias ang mga tao sa kondisyon na ito noong sinabi niyang, “at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao…hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3). Tayo ay tulad ni Adam, na alam na siya ay makasalanan, ngunit nagtago mula sa isang Tagapagligtas, at sinubukang takpan ang kanyang kasalanan gamit ng mga dahon ng igos (Genesis 3:7, 8).
Tulad ni Adam, ang nagising na makasalanan ay sumusubok na gumawa ng isang bagay upang iligtas ang kanyang sarili mula sa kasalanan. Sinusubukan Niyang “matutunang” maging ligtas. Ngunit nakikita niya na ang “pag-aaral” ay di gumagawa sa kanya ng mabuti, na siya ay “Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Timoteo 3:7). O maari siyang maghanap ng isang “pakiramdam” imbes na si Hesus Mismo. Ang ilang mga tao na naghahanap ng isang “pakiramdam” ay nagpapatuloy na tulad nito ng maraming buwan, dahil walang naliligtas sa pamamagitan ng isang “pakiramdam.” Si Spurgeon ay nagising sa kanyang kasalanan. Ngunit hindi siya naniwala na maari siyang maligtas sa simpleng pagtitiwala kay Hesus. Sinabi niya,
Bago ako nagpunta kay Kristo, sinabi ko sa aking sarili, “Tiyak na di maari na, kung maniwala ako kay Hesus, bilang ako lang, ako’y maliligtas? Dapat akong makadama ng isang bagay; dapat may gawin ako” (Isinalin mula sa ibid.).
At dinadala ka nito sa panlimang yugto.
V. Panlima, sa wakas ika’y magpupunta kay Hesus, at magtitiwala sa Kanya lamang.
Ang batang si Spurgeon ay sa wakas nakarinig ng isang mangangaral na nagsabing, “Tumingin kay Kristo…Walang silbe ang pagtitingin sa iyong sarili…Tumingin kay Kristo.” Pagkatapos ng lahat ng kanyang pakikipaglaban at panloob na kagulukhan at sakit – si Spurgeon ay sa wakas tumingin kay Hesus at nagtiwala sa Kanya. Sinabi ni Spurgeon, “Ako’y naligtas sa pamamagitan ng dugo [ni Hesus]! Maari akong nakasayaw hanggang sa aking bahay.”
Pagkatapos ng lahat ng pakikipaglaban na iyon at pagdududa, huminto siya sa paghahanap ng isang pakiramdam, o kahit ano sa kanyang sarili. Simpleng nagtiwala siya kay Hesus – at iniligtas siya ni Hesus sa oras na iyon. Sa isang sandali siya ay nalinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesu-Kristo! Ito’y simple, at gayon man ang pinaka malalim na karanasan na maaring magkaroon ang isang tao. Iyan, aking kaibigan, ay totoong pagbabagong loob! Sinasabi ng Bibliya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31). Sinabi ni Joseph Hart,
Sa sandaling isang makasalanan ay maniwala,
At magtiwala sa kanyang napako sa krus na Diyos,
Ang Kanyang pagpapatawad agad kanyang tinatanggap,
Kaligtasang buo sa pamamagitan ng Kanyang Dugo.
(“Sa Sandaling isang Makasalanan ay Maniwala.” Isinalin mula sa
“The Moment a Sinner Believes” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Pangwakas
Sinabi ni Hesus,
“Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).
Tulad ng pangunahing karakter sa Pag-unlad ng Perigrino [Pilgrim’s Progress], huwag makontento sa isang mababaw na “desisyon para kay Kristo.” Huwag! Huwag! Tiyakin na ang iyong pagbabagong loob ay totoo, dahil kung hindi ka tunay na napagbagong loob, “hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).
Upang magkaroon ng tunay na pagbabagong loob
1. Dapat kang magpunta sa isang lugar ng tunay na paniniwala na mayroong isang Diyos – isang tunay na Diyos na nagkokondena sa makasalanan sa Impiyreno, at kinukuha ang mga ligtas sa Langit kapag sila’y mamatay.
2. Dapat mong malaman, na malalim sa loob, ika’y isang makasalanan na lubos na napagalit ang Diyos. Maari kang magpatuloy tulad nito ng mahabang panahon (o maari itong sa mas maikli para sa ilan). Si Dr. Cagan ang aming pangalawang pastor, ay nagsabi, “Nakipagbunong braso ako sa mga walang tulog na mga gabi ng maraming buwan pagkatapos na ang Diyos ay naging totoo sa akin. Mailalarawan ko lamang ang panahong ito sa aking buhay bilang dalawang taon ng lubos na pagdurusa ng isipan” (Isinalin mula kay C. L. Cagan, Ph.D., Mula kay Darwin hanggang sa Disenyo [From Darwin to Design], Whitaker House, 2006, pah. 41).
3. Dapat mong malaman na hindi ka makagagawa ng kahit anong mabuting bagay upang maipagkasundo ka sa isang napasamang loob at napagalit na Diyos. Wala kang masasabi, o matututunan, o magagawa, o mararamdaman ang makatutulong sa iyo sa anumang paraan. Iyan ay dapat maging malinaw sa iyong isipan ang puso.
4. Dapat kang magpunta kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, at maging malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Sinabi ni Dr. Cagan, “Natatandaan ko hanggang sa pinaka kaunting segundo, noong ako’y nagtiwala kay [Hesus]…ito’y mukhang biglaang ako’y nakaharap kay [Hesus]…ako’y tiyak na nasa piling ni Hesu-Kristo at tiyal na Siya ay naroon para sa akin. Sa loob ng maraming taon akin Siyang tinaggihan, kahit na Siya ay laghing naroon para sa akin, nagmamahal na inaalay ang sa akin ang kaligtasan. Ngunit sa gabing iyon alam ko na ang oras ay dumatin na para sa aking magtiwala sa Kanya. Alam ko na dapat akong magpunta sa Kanya o tanggihan Siya. Sa sandaling iyon, sa ilang segundo lamang, nagpunta ako kay Hesus. Hindi na ako isang nagtitiwala sa sariling di nananampalataya. Nagtiwala ako kay Hesu-Kristo. Naniwala ako sa Kanya. Ito’y kasing simpleng noon… Ako’y tumatakbo buong buhay ko, ngunit sa gabing iyon lumingon ako at direktong nagpunta at agad-agad kay Hesu-Kristo” (Isinalin mula kay C. L. Cagan, ibid., pah. 19). Iyan ay isang tunay na pagbabagong loob. Iyan ang dapat mong maranasan upang mapagbagong loob kay Kristo Hesus! Magpunta kay Hesus at magtiwala sa Kanya! Ililigtas ka Niya at lilinisan ka mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Dugo na ibinuhos Niya sa Krus! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Panalangin bago ng pangaral ni Gg. Abel Prudhomme.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa “Amazing Grace” (ni John Newton, 1725-1807).
ANG BALANGKAS NG TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). I. Una, nagpupunta ka sa simbahan para sa ibang dahilan kaysa upang maging napagbagong loob. II. Pangalawa, nagsisimula mong malaman na mayroong isang tunay na Diyos, Nehemiah 1:5; Mga Hebreo 11:6. III. Pangatlo, natatanto mo na iyong napagalit ang Diyos sa pamamagitan ng iyong kasalanan, Mga Taga Roma 8:8; 2:5; Mga Awit 7:11. IV. Pang-apat, sinusubukan mong makit ang iyong kaligtasan, o matutunan kung paano maligtas, Isaias 53:3; Genesis 3:7, 8; II Ni Timoteo 3:7. V. Panlima, sa wakas ika’y magpupunta kay Hesus, at magtitiwala sa Kanya lamang, Mga Gawa 16:31. |