Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG AKING SAGOT SA BAGONG “EXODUS” NA PELIKULA AT ANG PAGSALAKAY NITO SA BIBLIYA!

MY ANSWER TO THE NEW “EXODUS” MOVIE
AND ITS ATTACK ON THE BIBLE!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Disyembre taon 2014

“Kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat. Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?” (Juan 5:46, 47).


Noong ako’y labing pitong taong gulang ganap kong naramdaman na tinatawag sa ministro. Hindi pa ako ligtas noon, ngunit gusto ako ng Diyos na mangaral. Sinabi nila sa akin na kailangan ko ng kolehiyong digri. Pinag-isipan ko iyan ng mahabang panahon. Bumagsak ako mula sa hay skul kaya walang kolehiyo ang tatanggap sa akin. Bumalik ako sa hay skul. Masyado akong matanda na upang bumalik sa regular na hay skul, kaya nagpunta ako sa isang espesyal na paaralan para sa mga “masasamang mga batang lalake.” Hindi ako noong masamang bata, ngunit ito lamang ang nag-iisang hay skul na tatanggap sa akin. Pagkatapos ng isang taon nagtapos ako nagsimulang pag-isipan ang kolehiyo. Sa panahong ito nakabasa ako ng isang aklat tungkol kay James Hudson Taylor, ang dakilang tagapangunang misyonaryo sa Tsina. Naisip ko, “Iyan ang gagawin ko. Ako’y magiging misyonaryo sa mga Tsinong tao.”

Ako’y labing siyam na taong gulang noong sumali ako sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles. Iyon ay lampas sa isang taon bago si Dr. Timothy Lin ang naging pastor. Sa parehong taong iyon, noong tagsibol, nagpalista ako bilang isang mag-aaral sa Kolehiyo ng Biola (ngayon ay unibersidad na). Wala akong pera at walang tulong mula sa pamilya, kaya kumuha ako ng isang bahagyang oras na trabahao tuwing hapon at nagpunta sa kolehiyo sa umaga. Wala akong sasakyan, kaya kinailangan kong sumakay ng isang bus mula Los Angeles hanggang sa La Mirada, kung saan ang kolehiyo ay matatagpuan. Hindi ko alam kung paano mag-aral ng mabuti. Ang maagang mahabang biyahe sa bus kada umaga at ang mga oras ng trabaho tuwing hapon ay masyadong marami para sa akin. Inilagpak ko ang karamihan sa mga klase ko sa Biola at umatras mula sa paaralan pagkatapos ng isang semester. Ngunit mayroong nangyari sa Biola na nagbago sa aking buhay magpakailan man.

Bawat semester ang Biola ay nagdala ng isang espesyal na mananalita para sa isang mahabang serye ng mga sermon sa kapilya bawat umaga. Ang ang mananalita noong semester na iyon ay si Dr. Charles J. Woodbridge (1902-1995). Siya ay isa sa mga tagapagtatag na propesor sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller sa Pasadena, California. Ngunit si Dr. Woodbridge ay nagbitiw mula sa kagawaran sa Fuller ilang buwan ng mas maaga dahil nakita niya na ang seminaryo ay patungo na sa liberalismo.

Sa loob ng paglilingkod sa kapilya sa Biola, ipinangaral ni Dr. Woodbridge na berso kada berso ang II Ni Pedro. Siya ay ipinanganak sa Tsina dahil ang kanayang mga magulang ay mga misyonaryo. Iyan ay gumawa sa kanya na napaka importante sa akin. Nakinig ako sa kanya ng mas matindi kaysa kailan pa man sa kahit sninong mangangaral sa aking buhay. Noong dumating siya sa II Ni Pedro 2:1-3, nagdiin siya ng matindi laban sa nagsisimulang liberalism sa Fuller, at punong sumabog na liberalism sa maraming ibang mga seminaryo. Hindi siya isang hangal. Nagtapos siya na mayroong Ph.D. sa Kasaysayan ng Simbahan mula sa Unibersidad ng Princeton at nag-aral pa ng higit sa Unibersidad ng Duke. Si Dr. J. Gresham Machen ay humirang sa kanya bilang puno ng Independyenteng Lupon para sa Presbiyteriyanong Banyagang mga Misyon [Independent Board for Presbyterian Foreign Missions]. Pagkatapos na makinig sa kanya ng isang linggo ako’y napagbagong loob. Hindi lamang na ako’y naligtas, naniwala ako sa salita-kada salitang insipirasyon ng Bibliya, ang lubos na walang pagkakamali ng Hebreong Lumang Tipan at ang Griyegong Bagong Tipan. Nagpunta lamang ako sa Biola ng isang semester. Ngunit ito’y doon na iniligtas ako ni Hesus, at ito’y doon na natutunan kong magtiwala sa mga salita ng Banal na Kasulatan. Ang mga Fariseo sa unang siglo ay nagsabi na sila’y naniwala sa Lumang Tipan, ngunit talagang tinanggihan nila ang mga propesiya nito patungkol kay Kristo. At sinabi niya sa kanila,

“Kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat. Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?” (Juan 5:46, 47).

Itinuro ni Dr. W. A. Criswell na “ang pinaka kaunting itinukoy patungkol sa [pahayag] ni Hesus ay na talagang isinulat ni Moses ang mga Kasulatan at na alam na mga Hudyo kung sino ang Kanyang mga itinukoy” (Isinalin mula sa Ang Criswell na Pag-aaral na Bibliya; sulat sa Juan 5:45-47 [The Criswell Study Bible; note on John 5:45-47]). Sinabi ni Dr. R. C. H. naniniwala sa sinasabi ni Hesus” (Ang Interpretasyon ng Ebanghelyo ni San Juan; sulat sa Juan 5:46 [The Interpretation of St. John’s Gospel; note on John 5:46]). At sinasabi ni Dr. Charles John Ellicott, “Hindi nila pinaniwalaan si Moses, at kung gayon ay hindi naniwala sa Kanya” (Isinalin mula sa Kumentaryo ni Ellicott sa Buong Bibliya; sulat sa Juan 5:46 [Ellicott’s Commentary on the Whole Bible; note on John 5:46]).

“Kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat. Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?” (Juan 5:46, 47).

Sinabi ni Dr. Lenski na ang mga salita ni Hesus ay “…mas mahalaga kaysa sa lahat na mga tinatawag na mga ‘pagsasaliksik’ na kailan man iniharap at ito’y tumatayo laban sa mga kritikong ito” (Isinalin mula kay Lenski, ibid.). “Kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin” (Juan 5:46).

Ngayon mayroon tayo nitong pelikulang tinatawag na “Exodus: Mga Diyos at mga Hari” [“Exodus:Gods ang Kings”] – idinerekta at bahagyang inilikha ni Ridley Scott. Ayon sa Wikipedia, “Noong 2013 iminungkahi ni Ridley na siya ay isang ateyista.” Kung gayon hindi tayo dapat magulat na sinabi ni Dr. Albert Mohler, “Ang nakikita namin sa pelikula ay isang Moses na walang higit sa natural” (isinalin mula sa www.albertmohler.com). Hindi nakapagtataka! Ang kasamang manlilikha at direktor ng pelikula ay isang ateyista! Paano na isang tao na hindi naniniwala sa Diyos ay makalikha ng isang pelikula tungkol sa Exodus na totoo sa Kasulatan at totoo sa testimony ng Panginoong Hesu-Kristo? Walang pagtataka na iginaganap ni Ridley Scott ang Diyos bilang isang labing isang taong gulang na batang lalake! Walang pagtataka na “ipinapakita niya ang mga sakita t mga himala bilang mga di higit sa natural na mga kaganapan na mayroong mga naturalistikong pagpapaliwanag” (Isinalin mula kay Mohler, ibid.). Ngunit sinabi ni Dr. Mohler, “malinaw na ipinapakita ng Bibliya ang Exodus bilang isang kasaysayan, at ang kasaysayan ng Kristiyanismo ay nakatayo sa makasaysayang pundasyon na iyan” (isinalin mula sa ibid.).

Ngunit “…ginawang malinaw ni [Ridley Scott] na hindi siya naniwala na si Moses ay kailan man nabuhay – at na ang kwento ng Exodus ay hindi dapat kunin bilang isang makasaysayang katotohanan. Sinabi niya sa Relihiyosong Balitang Paglilingkod [Religious News Service] na tinitignan niya ang [kanyang] pelikula kasing higit na tinitignan niya ang isang siyensiyang bungang isip, ‘Dahil hindi ako kailan man naniniwala rito…” (Isinalin mula kay Mohler, ibid.). Kaya inilalagay niya ang kanyang sariling paghahatol laban sa sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo,

“Kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat. Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?” (Juan 5:46, 47).

Noong Abril 13, 2001 (pah. A-1) ang Los Angeles Times ay mayroong pangharap na pahinang artikulong pinamagatang, “Pinaghihinalaan ang Kwento ng Exodus” [“Doubting the Story of Exodus”] ni Teresa Watanabe, ang Times relihyong manunulat. Ang artikulo ay isang pagsalakay sa Exodus, na halos kapareho ng kabuktutan sa pelikula, “Exodus:Mga Diyos at mga Hari.” Babasahin ko ang pangunahing punto ng Times na artikulo at tapos sasagutin ang mga ito.

Pinaghihinalaan ang Kwento ng Exodus

Maraming mga eskolar ang naghinuha na ang epiko ni Moses ay di kailan man nangyari, at kahit ang mga Hudyong kleriko ay nagtataas ng mga katanungan…

Ang mga pangalan ng mga eskolar na mga ito ay di ibinigay, gayon man. At isa lamang Hudyong “kleriko” ay isinipi, ang rabay sa sinagoga sa Westwood, malapit sa Los Angeles. Ngunit hindi sinabi ng artikulo na ito’y hindi isang Tradisyonal na sinagoga. At hindi sinabi ng artikulo na ang rabay ay isang liberal na hindi kailan man seryosong kinuha ang Lumang Tipan, gaya ng mga Tradisyonal na mga rabay. At hindi sinabi ng artikulo na mayroong masyadong maraming mga Lumang Tipang mga eskolar tulad ni Dr. Gleason Archer ng Trinidad Ebanghelikal na Paaralan [Trinity Evangelical Divinity School], si Dr. Charles L. Feinberg, ng Paaralan Teyolohiya ng Talbot [Talbot School of Theology], at si Dr. Timothy Lin na pangulo ng Tsinong Ebanghelikal na Seminaryo [China Evangelical Seminary] sa Taiwan. Ang mga kalalakihang mga ito ay nag-akala na ang Aklat ng Exodus ay literal na totoo. Ngunit ang mga kalalakihang mga tulad nila ay di nabanggit sa Times na artikulo. Mga teyolohikal na mga liberal na eskolar lamang ang binanggit, nagbibigay ng impersyon na walang konserbatibong mga eskolar ang nabubuhay. Ang artikulo ay nagpatuloy na nagsabing,

Sinasabi ng mga arkyolohista na walang kapani-paniwalang ebidensya na ang mga Israelites ay kailan man nasa Ehipto, ay kailan man mga alipin, at kailan man nagsilaga sa kaparangan ng Sinai ng 40 na mga tao o kailan man sinakop ang lupain ng Canaan (isinalin mula sa ibid).

Binasa ko ito sa aking anak na lalakeng si Leslie. Noong ang peryodiko ay lumabas, siya ay labing pitong gulan. Pagkatapos kong nabasa iyan sinabi ng aking anak, “Kung ang mga bagay na ito [sa Exodus] ay nangyari sa isang normal na bahagi ng mundo, tulad ng Tsina o Inglatera, maari silang nakahanap ng ebidensya mahabang panahon noon. Ngunit hindi ‘normal’ sa Gitnang Silangan. Mayroon silang digmaan parati at kaguluhan. Simula na ang Aklat ng Exodus ay naisulat, ang mga Hudyo ay dalawang beses na naikalat sa buong mundo. Ang mga lugar sa Bibliya [sa Exodus] ay napanloob at nabugbog at nawasak sa loob ng libo-libong mga taon. Hindi dapat natin asahan na makahanap ng ebidensya na nakalatag na perpekto pagkatapos ng lahat ng iyan.” Noong sinabi niya iyan, naisip ko sa aking sarili, “Ang labing pitong taong gulang na batang ito ay mayroong mas higit na utak kaysa sa isang liberal na kritiko ng Bibliya.”

Si Rabay David Elizrie, ang pangulo ng Rabbinical na Konsel ng Orange County ay isinipi sa panahon ng artikulo, nagsasabing,

Ilang taon lang noon, ang parehong arkeyolohista na pinagdudahan ang Exodu ay nagsabi sa atin na si Haring David ay di kailan man nabuhay. Ang teyoryang ito ay [nasupil] noong isang inskripsyon tungkol kay Haring David ay nahanap sa Israel (Isinalin mula sa isinipi sa Hudyong Peryodiko [Jewish Journal] 4/20/01, pah. 11).

Isang kaibigan ko sa Israel ay nagsulat sa akin na nagsasabi na, ilang taon lang bago ng Times na artikulo, isang arkeyolohista ay humukay ng isang piraso ng palayok, mula sa saktong panahon ng buhay ni David, na mayroon ang mga salitang “Harid David” na malinaw na nakasulat rito.

Si Dr. W. A. Criswell ay isang matalinong eskolar. Mayroong siyang Ph.D. sa Biblikal na mga wika mula sa Katimugang Bautistang Teyolohikal na Seminaryo sa Louisville, Kentucky. Siya ang may-akda ng maraming aklat, kasama ang mga komentaryo sa maraming mga aklat sa Bibliya. Siya ang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas sa loob ng higit sa limam pung taon. Siya ay dalawang beses na hinirang bilang Pangulo ng Katimugang Bautistang Kumbensyon, ang pinaka malaking “Protestanteng”denominasyon sa Amerika. Siya’y madaling maarang naging pangulo ng isang teyolohikal na seminaryo! Sa kanyang tandang aklat na Bakit Ko Ipinangangaral na ang Bilbiya ay Literal na Totoo [Why I Preach that the Bible is Literally True] (Broadman Press, 1969) sinabi ni Dr. Criswell,

     Dati rati ito’y naisip na di kapanipaniwala na makasusulat ni Moses ang Pentateuck [ang unang limang aklat ng Bilbiya] dahil nabuhay siya bago ng imbensyon ng pagsusulat. Ito ay isa sa mga nasiguradong mga resulta ng makabagong [liberal] na kritisismo. Alam na natin ngayon, gayon man, na ang pagsusulat sa Malapit na Silangan ay naitatag na sining 2,000 taon bago ni Kristo. Imbes na ang pagsusulat ay di kilala sa mga araw ni Moses, nadiskubre natin na maraming mga siglo bago ng panahon ng pagsusulat ni Moses ay isang mahusay na umunlad na sining, malayo [bago] ng panahon ni Moses…
     Isa pang arkeyolohikal na saksi sa katotohanan ng Bibliya ay mahahanap sa kayamanang lungsod ng Pithom na naitayo para kay Ramses II ng mga Hebreo sa loob ng panahon ng kanilang mahirap na pagkaalipin sa Ehipto. Ang lungsod na ito ay kamakailan lang na nahukay, at ang mga pader ng mga bahay ay nahanap na gawa sa nalutong mga ladriylo, ang ilan ay nagawa gamit ng dayami at ang ilan ay nagawa na walang dayami, saktong nakaalinsunod sa Exodus 5:7…Muli napatunayan ang kasaysayan ng Bibliya na wastong-wasto, habang ang nangungutyang mga [liberal] na kritiko ay napatunayang katawatawa at baligho.

Ngunit mas lalayo pa ako. Ang mga liberal na mga kritiko, na mga propesor sa Gintong Tarangkahang Bautistang Teyolohikal na Seminaryo [Golden Gate Baptist Theological Seminary], noong ako’y nagpunta doon at nagtapos doon, ay nagsabi sa aming mga mag-aaral doon na walang tala ng mga Hebreong nasa Ehipto kailan man. Binili ko ang isang letrato nila, nagpapakit ng mga taong may mga balbas na gumagawa ng mga ladrilyo, gaya ng pagkasabi sa atin sa ika-limang kapitulo ng Exodus. Ipinakit koang mga letratong iyon sa mga propesor, na kinuha mula sa pader ng isang piramide. Gayon ay kanilang kinutya at tinawanan, at sinabihan ako na isang panatiko dahil pinaniwalaan ko ang mga Kasulatan. Ngunit isang letrato ng isa sa mga may balbas na mga kalalakihang ito ay makikita sa Makasaysayang Atlas ng Hudyong mga Tao [Historical Atlas of the Jewish People] (cf. Ang Hudyong Peryodiko [The Jewish Journal], 4/20/01, pah. 11). Dahil ang lahat ng mga Taga Ehipto ay malinis na naahit, ang mga kalalakihan na gumagawa ng mga ladrilyo, ay malinaw na tumuturo sa mga Hebreong mga tao sa lupain ng Ehipto sa panahon ng Exodus! Ang Tradisyonal na Rabay na si David Eliezrie ay nagsabi sa Times na artikulo, patungkol sa liberal na mga kritiko ng Exodus,

Ang kanilang pamumuhay at edukasyon ay nagbunga ng isang kaisipan na naglilikha ng isang pananaw na naglalantad laban sa kahit anong patunay ng Exodus. Kapag lamang mayroon silang ganap na walang alternatibo na kanilang aaminin na mayroon sa Torah [ang Lumang Tipan] ay maaring totoo (Isinalin mala sa Ang Hudyong Peryodiko [The Jewish Journal,] 4/20/01, pah. 11).

Muli, ang Times na artikulo ay nakatatawang, balintunang, mali noong sinabi nitong, “Ang kaso laban sa Exodus ay nagsimulang humubog mga 13 taon noon… Ang alam ng mg eskolar na higit sa isang dekada.” Iyan ay isang lubos na kasinungalingan. Ang mga kritiko ng Bibliya ay nagsasabi ng mga bagay na tulad niyan ng higit sa 200 na mga taon na! Si Johann Semler (1725-1791) ay nagsimula ng kritisismong ito ng Bibliya sa Alemanya noong ika-18 ng siglo. Sinabi ni Dr. Harold Lindsell,

Noong 1757 siya’y [naging] puno ng teyolohikal na kagawaran ng Halle. Siya ang nagpaunlad ng prinsipyo ng tekstwal na kritisismo ng Bibliya. Lumisan siya mula sa pagkatradisyonal ng kanyang ama noong kanyang sinubok ang ideya ng berbal na inspirasyon ng mga Kasulatan (Isinalin mula kay Harold Lindsell, Ph.D., Ang Bibliya sa Balanse [The Bible in the Balance], Zondervan Publishing House, 1979, pah. 280).

Sinabi ng Times na artikulo na nalalaman lamang ng mga liberal na mga eskolar ang tungkol sa mga tinatawag ng mga “pagkakamali” sa Exodus ng ilang mga taon – 10 hanggang 13 mga taon noong ang artikulo ay naisulat noong 2011. Ibig nitong sabihin na hindi nagsimula ang mga kritikong pabulaanan ang Exosus hindi hanggang 1988 o 1991. Gayon bakit narinig ko ang lahat ng mga ito sa Gintong Tarangkahang Seminaryo noong 1972 at 1973 – mga 15 mga taon na mas maaga? At bakit tinanong ni Dr. Henryo M. Morris ang mga sumusunod na mga katanungan noong 1951, mga 50 mga taon bago ng Times na artikulo ay lumabas? Noong 1951 sinabi ni Dr. Morris,

Paano na ito’y posible na walang, pababa sa mga siglo, na mukhang mayroong pinaka maliit na suspetsa na ang mga pagsusulat ay hindi mga tunay na mga gawain ni Moses hanggang sa makabagong mas mataas na mga kritiko ay nagsimulang magtrabaho patungkol sa mga ito? (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Bibliya at ang Makabagong Siyensya [The Bible and Modern Science], Chicago: Moody Press, 1951, pah. 102).

At kung ang mga pagsalakay sa Exodus ay nagsimula lang ilang taon noon, bakit nagsulat si Winston Churchill tungkol sa mga ito noong 1932? Mga lampas ng 82 ng mga tao pinaglaban ni Churchill si Moses at ang Exodus laban sa mga liberal na mga kritiko ng Bibliya sa kanyang panahon. Sinabi ni Churchill,

Tinatanggihan namin na may pag-uuyam, ang lahat ng mga iyong mga natutunan at ginawang mga kathang isip na si Moses ay isa lamang tauhan ng alamat kung saan ibinitin ng mga tao ang kanilang mahahalagang sosyal, moral at relihiyosong mga ordenansa. Naniniwala kami na karamihan sa mga siyentipikong mga pananaw, ang pinaka nakakapanahon at rasyonalistikong konsepsyon, ay mahahanap ang pinaka puno nitong kasiyahan sa pagkukuha ng kwento ng Bibliya [sa Exodus] na literal, at sa pagkikita sa isa sa pinaka dakilang taong [si Moses] kasama ng pinaka tiyak na paghakbang paharap na kailan man nawawari sa kwento ng tao. Nananatili kaming di magugulo ng mga [pagsusulat] ni Propesor Gradgrind at Dr. Dryasdust [ang liberal na mga kritiko ng Bibliya]. Matiyak natin na ang lahat noong mga bagay [sa Exodus] ay nangyari kung paano sila inilabas ayon sa Banal na Pagsusulat...nanantili kami na may kasiguraduhan sa ‘di magugupong baton g Banal na Kasulatan’ (Isinalin mula kay Winston S. Churchill, “Moses,” sa Sa Gitna ng mga Bagyong Ito [in Amid These Storms], New York, Scribners, 1932, pah. 293).

Si Churchill ay hindi isang eskolar ng Bibliya. Ngunit siya ay isang nagtagumpay ng Nobel na Premyong tagasulat ng kasaysayan (1953). Bilang isang tagasulat ng kasaysayan alam niya na ang Aklat ng Exodus ay kinaialangang base sa tunay na pagyayari kaysa mga kathang –isip. Ang kanyang kabatirang pang tagasulat ng kasaysayan ay nagbigay sa kanya ng mas matinding pagkakaintindi kaysa kay “Dr. Dryasdust” o kahit sinong ibang mga kritiko ng Bibliya. Ito’y parehong uri ng kaibatiran na nagpakita sa kanya kay Hitler bilang isang delikadong ulol na tao, noong ang lahat ng Inglatera at mga pinuno ng Amerika, kasama ang tatay ni John F. Kennedy, ay nakita si Hitler na isang dakilang “tao ng bayan” nong mga taon ng 1930.

Ang tunay na dahilan na ang mga kritiko, at mga kalalakihan tulad ni Ridley Scott sa kanyang pelikulang Exodus, ay di pinaniwalaan ang Bibliya ay dahil sila’y bulag sa espirituwal. Sinasabi ng Bibliya,

“Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).

Ang mga bagay ng Diyos ay nakatago sa “natural na tao.” Hindi hangang sa ang isang tao ay magpakumbaba ng kanyang sarili, at magtiwala kay Kristo, na ang kanyang mga espiritwal na mga mata ay mabubuksan upang makita ang katotohanan ng Kasulatan.

“Kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat. Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita?” (Juan 5:46, 47).

Si Hesu-Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multo para sa iyong kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Sinabi ni Kristo, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Kapag lamang na ika’y maipanganak muli, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, na iyong maiintindihan ang dakilang katotohanan ng Exodus, at ang buong Bibliya. Amen. Dr. Chan, paki panguhan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Juan 5:39-47.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Alam ko na ang Bibliya ay Totoo.” Isinalin mula kay
“I Know the Bible is True” (ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952).