Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA AGUINALDO NG MGA MADUNONG
NA MGA KALALAKIHAN

THE GIFTS OF THE WISE MEN
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangarl na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Disyembre taon 2014

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira” (Mateo 2:11).


Noong ako’y nasa ika-limang antas ginanap ko ang isa sa mga madunong na mga kalalakihan, sa isang Pampaskong dula sa isang sekular na paaralan dito sa Los Angeles. Siyampre, iyon ay noong mga maagang taon ng 1950. Simula noon ang ACLU at isang mga Satanikong ahensya ay ipinagbawal ang pagbabanggit ng kahit ano sa mga Paskong kwento sa ating mga paaralan. Ipinagbawal pa nga nila ang salitang “Pasko.” Masasabi natin na sila’y Sataniko dahil inaanunsyo nila ang “Halloween” ng lubos, ngunit ginagawa ang lahat ng makakaya nila upang pigilan ang ating mga bata mula sa pag-iisip tungkol kay Kristo tuwing Pasko at Araw ng Muling Pagkabuhay. Dati nila itong tinatawag na “Muling Pagkabuhay na Bakasyon” – ngunit ngayon ay tinatawag itong “Tagsibol na Bakasayon”!

Ngunit ako ay isa sa mga madunong na mga kalalakihan sa dulang iyon. Kinailangan naming kantahin ang kantang ibinigay ni Gg. Griffith, “Kaming Tatlong Hari ng Oriyente Ay” [“We Three Kings of Orient Are”]. Isa mga batang lalake noong kaming mag-isa, ay nagdagdag ng ilang salita, “Kaming mga tatlong hari ng oriyente ay, Sinisigarilyo ang isang sampung sentimong tabako.” Alam mo, hindi ko na kailan man narinig ang kantang iyan na hindi siya naaalalang sinasabi iyan! At mayroon siyang teribleng tinig. Talagang terible! Sa wakas nakuha ko siyang kumanta ng mahina, na gumawa ritong mas mainam na kaunti. Ngunit nagtataka ako kung sino ang tatlong mga haring ito, at bakit kinailangan nilang maglakbay ng napaka layo upang makita ang sanggol na si Hesus.

Kababasa lang ni Gg. Prudhomme ang kwento ng madunong na mga kalalakihan at ang sanggol na si Hesus sa pangalawang kapitulo ng Mateo. Ang kwento ay simple. Madunong na mga kalalakihan ay nanggaling mula sa silangan, sinusundan ang isang bituwin. Hindi tayo sinabihan kung ilang mga kalalakihan ang naroon. Nakakakita tayo ng mga larawan sa mga Pampaskong mga kard na nag papakita ng tatlo sa kanila. Ngunit hindi sinasabi ng Bibliya na mayroong tatlo sa kanila. Ang ideya ng tatlo ay nanggagaling mula sa katunayan na sila’y naghandog sa sanggol na Hesus ng tatlong mga Aguinaldo, ginto, kamanyang at mira. Ngunit sinabi ni Dr. McGee na maari mayroong mas higit sa tatlo. Sinabi niya na tatlong mga madunong na mga kalalakihan ay hindi “makagugulo kay Herodes o makapagpapa-atat sa Jerusalem” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya[Thru the Bible]; sulat sa Mateo 2:1). Sinabi ni Dr. McGee na maaring mayroong malaking bilang ng mga kalalakihang ito.

Ang mga madunong na mga kalalakihang ito ay nanggaling mula sa Babylonia. Ang Daniel 2:27 ay tumutukoy sa mga “madunong na mga kalalakihan [at] ang mga astrolohiyo.” Bilang isang binata, si Daniel ay nasanay sa ginta ng mga “madunong na mga kalalakihang,” iyon ang Magi ng Babylon. Sa kanyang matandang edad si Daniel ay naging puno ng mga madunong na mga kalalakihang ito. Noong si Kristo ay naipanganak, mayroong pa ring mga madunong na mga kalalakihan doon. Maaring mayroon pa sila ng kopya ng aklat na isinulat ni Daniel. Habang kanilang inaral ang Daniel 9:24-26 maari nilang natutunan ang pagdating ng Mesiyas ng mga Hudyo. Noong ang 69 na mga linggo ng mga taon ay nalalapit sa katapusan nito, maarin naisip nila ang Mesiyas. Tapos nakita nila ang bituwin, na hindi nila kailan man nakita noon. Ito’y isang higit sa natural na bituwin. Pinaniwalaan nila na ito’y isang tanda sa mga kalangitan na ang Mesiyas, ang hari ng mga Hudyo, ay dumating na. Naglakbay sila patungon Jerusalem, dala-dala ang mga aguinaldo sa Kanya. Noong narating nila ang Jerusalem, ang mga eskribe ay nagbasa sa kanila ng Micah 5:2, na ang Mesiyas ay maipapanganak sa Bethlehem, alin ay maikling distanysa mula sa Jerusalem. Tapos ang bituwin ay nagpakita muli at nagpunta sa harap nila “hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol” (Mateo 2:9). Alam natin na ito’y higit sa natural na bituwin dahil ito’y gumalaw, ginagabay sila kay Hesus. Ngayon lumipat sa inyong Bibliya sa Mateo 2:11. Ito’y nasa pahina 995 ng Scofield na Bibliya. Magsitayo habang basahin ko ang bersong iyon,

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira” (Mateo 2:11).

Maari nang magsi-upo.

Mayroong maraming mga aral na matututunan natin mula sa kapitulong ito sa Mateo. Halimbawa, maihahambing natin ang malupit na si Haring Herodes sa madunong na mga kalalakihan. Si Herodes ay naiingit at natatakot na mawala ang kanyang korona. Si Herod ay hindi isang Hudyo. Siya ay isang Idumeyano na binili ang kanyang posisyon bilang hari mula sa Romanong gobyerno. Iyan ang dahilan na gusto niya hanapin ang bata, na tinawag ng mga madunon na mga kalalakihan na “Hari ng mga Hudyo” (Mateo 2:2). Ngunit hindi niya gustong sambahin si Hesus. Gusto niya Siyang patayin, upang pigilan Siya mula sa pangunguha ng kanyang trono. Ang mga madunong na mga kalalakihan ay gustong sambahin si Hesus, ngunit gusto Siyang patayin ni Haring Herodes.

Maari akong magbigay ng isang sermon na nagpapakita na ganyan ang paraan na ang mundo ay tumutugon kay Hesus, ngayon. Ang mga mabubuting mga Kristiyano ay gustong sambahin si Hesus. Ngunit ang mga malulupit na mga tao, tulad noong nasa ACLU, ay gustong mawala Siya. Ipinagbawal nila ang mga Pampaskong mga kanta sa mga paaralan, at pati sa ilang mga publikong lugar ngayon. Ipinagbawal nila ang mga Kapanganakang eksena. Ipinagbawal pa nga nila ang salitang “Krismas,” dahil ang salita ay mayroong Kristo rito. Maari akong mangaral ng isang pangaral na naghahambing doon sa mga tulad ni Herodes, at yoong mga tulad ni madunong na mga kalalakihan, na umiibig kay Hesus at gustong sambahin Siya.

O, maaring kong ihambing ang mga madunong na mga kalalakihan sa mga eskribe. Alam ng mga eskribe na si Hesus ay maipapanganak sa Bethlehem, ngunit hindi sila nagpunta doon upang makita Siya. Alam nila ang tungkol kay Hesus, ngunit hindi nila nilakad ang maikling distansya sa Bethlehem upang magpunta at sambahin Siya. Ang mga madudunong na mga kalalakihan ay naglakbay ng isang mahabang distansya upang mapunta kung asaan si Hesus. Tandaan na naglakbay sila ng malayo, mahirap na paglalakbay sa mga likuran ng mga kamelyo. Hindi ito madali o komportableng sumakay sa isang kamelyo. Alam ko. Sumakay ako sa isang kamelyo noong si Ileana at ako ay nagpunta sa Ehipto. Sumakay ako sa likuran ng isang kamelyo papalibot sa Dakilang Piramido, malapit sa Sphinx. Ito’y isang di magandang karanasan! Maari akong mangaral ng isang pangaral tungkol riyan –inihahambing ang mga eskribe, na alam kung nasaan Siya ngunit di nagpunta, sa mga madunong na mga kalalakihan, na naglakbay ng isang mahaba, at mahirap na paglalakbay upang mahanap si Hesus. Maari kong magamit ang mga eskribe sa mga “anak sa simbahan” na alam ang Bibliya, ngunit hindi magtitiwala kay Hesus – kumpara sa mga kabataan na lumalabas mula sa mundo at na may matinding kahirapan ay nagpupunta kay Hesus.

O maari akong mangaral ng pangatlong pangaral – tungkol sa mga Hudyong mga tao na tumatanggi sa Kanya, gaya ng ginawa ng tagapangalaga ng tuluyan at ng mga eskribe – sa mga Babylonyang mga Gentil na nagsidating, na may matinding kahirapan, upang mahanap Siya. Maari kong ikinumpara ang mga madunong na mga kalalakihan sa mga tao sa Ikatlong Mundo (sa Tsina, sa Muslim na mundo, sa mga gubat ng Cambodia at Vietnam) – na naghihirap laban sa matitinding kahadlangan upang mahanap si Kristo at sambahin Siya. Maari kong ipangaral na ang mga Amerikano, at ang Kanluran sa karaniwan, ay mayroong mga simbahan sa bawat sulok, ngunit di ito pinapansin at lumalakad papalayo. Iyan ay pinaka mapapansin sa panahon ng Pasko.

Mayroon tayong mga taong aktwal na lumalaban laban sa atin, at nagsasabi ng teribleng mga bagay laban sa akin, para sa pagsasabi sa mga taong maging nasa simbahan tuwing Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon! Isa sa mga kababaihan ay ginawa ang lahat ng kanyang makakakaya upang hatakin ang kanyang anak na lalake palabas ng simbahan. Noong nilisan niya ang simbahan nasangkot siya sa gang at napatay. Tapos ang parehong babaing iyon, na humatak sa kanyang anak papalabas mula sa simbahan, ay nagpunta sa aking umiiyak upang isagawa ko ang kanyang libing – noong huli na upang iligtas siya! Siyempre, isinagawa ko ang libing, ngunit huli na upang iligtas ang kanyang anak! Anong hangal na mga tao ang mga ito! Mas gusto pa nila na ang anak nila ay nasa isang walang Diyos na salo-salo kaysa maging nasa simbahan sa Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon. Sa “Isang Gitnang Tag-init ng Gabing Panaginip” [“A Midsummer Night’s Dream” ipinasabi ni Shakespeare kay “Puck”, “Anong mga hangal ang mga mortal na ito!” Nakalulungkot itong totoo! Sila’y kasing bulag ng mga eskribe – at ang ilan sa kanila ay kasing lupit ng matandang si Haring Herodes! Huwag mong hayaan na ang kahit sinong magpanatili sa iyong maging narito sa simbahan sa Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon! Huwag mo silang hayaang hatakin ka mula sa simbahan upang magpunta sa isang lasingang salo-salo, o isang makamundong kaganapan! Huwag mo silang hayaang gawin ito sa iyo! Huwag mo silang hayaang gawin ito sa iyo! Tumayo at maging matatag tulad ng mga madunong na mga kalalakihan! Huwag kaligtaan ang simabahan tulad noon mga di nananampalatayang mga eskribe at makasalanang matandang Herodes! Sinasabi ng Bibliya,

“Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon... at kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17, 18).

“Magsialis kayo sa kanila” at maging kasama ng mga tao ng Diyos sa Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon! Maging kasama ng mga Kristiyano, sinasamba si Kristo – hindi kasama ng mga pagano sa isang makamundong saturnalia, sa isang inuman ng bir na malabis na pagtatalik, o isang walang Kristong maingay na lasingan! Tapusin na ito! Magpunta at sambahin si Kristo sa Bisperas ng Bagong Taon at Bisperas ng Pasko! Magpunta tulad ng mga madunong na mga kalalakihan, at sambahin si Kristo lamang!

O magpunta, ating Siyang sambahin,
   O magpunta, ating Siyang sambahin,
O magpunta, ating Siyang sambahin,
   Si Kristong Panginoon.

Tumayo at kantahin ito kasama ko!

O magpunta, ating Siyang sambahin,
   O magpunta, ating Siyang sambahin,
O magpunta, ating Siyang sambahin,
   Si Kristong Panginoon.
(“O Magpunta, Lahat Kayong Nananampalataya.” Isinalin mula sa
   “O Come, All Ye Faithful,” isinalin mula kay Frederick Oakeley, 1802-1880).

Amen! Maari nang magsi-upo.

Ngunit imbes na mangaral ng isang pangaral tungkol sa mga temang iyon, magsasalita ako tungkol sa ating teksto sa Mateo 2:11,

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira” (Mateo 2:11)

I. Una, sila’y nagpunta sa bahay.

Sinasabi ng teksto, “At nagsipasok sila sa bahay.” “Ngunit,” maari mong sabihin, “Hindi ba si Kristo ay ipinanganak sa isang kwadra ng mga baka at inilatag sa isang sabsaban?” Oo, Siya nga. Sinasabi ng Ebanghelyo,

“Kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan” (Lucas 2:7).

Ngunit ang madunong na mga kalalakihan ay hindi pumasok sa isang kwadra at hindi nahanap si Hesus sa isang sabsaban. Hindi, sila’y “nagsipasok […] sa bahay” (Mateo 2:11). Ang mga madunong na mga kalalakihan ay hindi nagsidating na parehong beses ng mga pastol. Nahanap ng mga pastol ang sanggol na si Hesus sa isang kwadra, sa isang sabsaban, isang sabsaban na naglalaman ng dayami para sa kainin ng mga hayop. Ang mga pastol ay nagsidating maya-maya pagkatapos na si Hesus ay naipanganak. Ngunit ang mga madunong na mga kalalakihan ay nagsidating maya-maya. Nagpunta sila pagkatapos na si Maria at Jose at ang sanggol na si Hesus ay nakalipat na sa isang maliit na bahay, dahil ang lahat ng mga bahay noon ay napaka liit. Ngunit ngayon sila na ay nasa isang bahay.

Sinabi ni Dr. McGee ito’y maaring maraming buwan pagkatapos ng Kanyang pagkapanganak na ang mga madunong na mga kalalakihan ay nagsidating at dinalhan Siya ng mga aguinaldo. Kita mo, maaring nakita nila ang bituwin sa panahon ng pagkapanganak ni Kristo. Tapos ay nagpasyang magpunta sa Kanya, at nagtagal ito ng maraming buwan upang makarating doon. Ito’y sinosuportahan ng katunayan na si Hesus ay natuli na, at isang magkaparis na mga kalapati ang inialay sa Templo (Lucas 2:24). Ang katunayan na hindi sila nag-alay ng isang tupa ay nagpapakita na sila’y napaka hirap. Kung ang mga madudunong na mga kalalakihan ay nagpunta na, dala ang kanilang mamahaling mga aguinaldo, maari sila sanang nakapag-alay ng isang tupa. Ang mga kaganapang ito ay nagpapakita na ang madudunong na mga kalalakihan ay dumating ng maraming mga buwan pagkatapos ng pagkapanganak ni Hesus.

Dapat kong sabihin sa iyo na ang bituwin ay isang higit sa natural na “nova,” na sinasabi ng diksyonaryo na “isang bituwin na biglang lumalaki ang ilaw nito ng lubos at tapos ay nawawala unti-unti sa dati nitong karimlan sa loob ng ilang buwan” (Isinalin mula sa Diksyonaryo ng Merriam-Webster). Nakita nila ang bituwin na ito sa silangan. Tapos ito’y mukhang naglalaho. Ngunit noong ang madunong na mga kalalakihan ay nagpunta sa Jerusalem, ang bituwin ay nagpakita muli. Noong nakita nila ang bituwin muli, “nangagalak sila ng di kawasang galak” (Mateo 2:10). Ngunit ito’y di regular na bituwin. Ito’y gumalaw “hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol” (Mateo 2:9). Ang ilang mga taga-kumento ay ikinumpara ito sa mga “Shekinah” ilaw ng Lumang Tipan, at ang poste ng apoy na gumabay sa mga anak ng Israel sa kaparangan ng gabi, na “nangunguna sa kanila… upang patnubayan sila… sa gabi, ay sa isang haliging apoy” (Exodo 13:21).

Ang mga madunong na mga kalalakihan ay dumating mula sa isang mahabang distansya Nagsakripisyo sila ng matindi at dumaan sa maraming pagsubok at kahirapan upang makapunta kay Hesus sa maliit na bahay na iyon sa Bethlehem. Hayaan na ang bawat isa sa atin ay sundan ang kanilang halimbawa at maging nasa simbahan tuwing Bisperas ng Pasko – imbes na tumatakbo sa isang makamundong salo-salo o kaganapan! Kantahin ang koro muli! Tumayo at kantahin ito.

O magpunta, ating Siyang sambahin,
   O magpunta, ating Siyang sambahin,
O magpunta, ating Siyang sambahin,
   Si Kristong Panginoon.

II. Pangalawa, nangatirapa sila at sinamba Siya.

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria, nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya...” (Mateo 2:11).

Ang ilang mga di nananampalatayang mga “eskolar” at mga kulto ay nagsabi na maling sambahan si Hesus. Sinasabi nila na dapat lamang nating sambahin ang Diyos. Ipinapakita nito na sila’y ignorante sa Bibliya, dahil si Hesus ang naglamang tao ng Diyos – ang Diyos sa laman ng tao! Tinawag ng Apostol Juan si Hesus na “ang Verbo” sa unang kapitulo ng Juan. At sinabi ng Apostol,

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Si Charles Wesley, sa kanyang dakilang Paskong himno ay nagsabi,

Nakatalukbong sa laman ang Punong Diyos makita,
   Papuri sa Nagkatawang taong Diyos,
Nalulugod bilang isang tao nabubuhay kasama ng mga tao,
   Hesus, ating Emanuel.
Makinig! sa paghahayag ng mga angel na kumakanta,
   “Luwalhati sa bagong panganak na Hari.”
(“Makinig, sa Pahayag ng Angkel na Kumakanta” Isinalin mula sa
   “Hark, the Herald Angels Sing” ni Charles Wesley, 1707-1788).

. Tapos pansinin na ang mga madunong na mga kalalakihan ay “nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya” (Mateo 2:11). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Kung mayroon mang panahon kung saan si Maria ay sinamba, ito iyon. Ngunit hindi nila siya sinamba – sila’y mga madudunong na mga kalalakihan! Sinamba nila Siya…” (isinalin mula sa ibid.; sulat sa Mateo 2:11). Hindi kailan man sinasabi ng Bibliya sa atin na sambahain ang Birheng Maria, o manalangin sa kanya! Dapat siyang parangalan bilang Ina ni Hesus, ngunit hindi natin siya kailan man sambahin, o manalangin sa kanya.

O magpunta, ating Siyang sambahin,
   O magpunta, ating Siyang sambahin,
O magpunta, ating Siyang sambahin,
   Si Kristong Panginoon.

Noong nakita ng mga Disipolo ang bumangong Kristo sa Galilee tayo ay sinabihan,

“Siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya...” (Mateo 28:17; Lucas 24:52).

Sambahin nating lahat Siya sa simbahan sa Bisperas ng Pasko, dahil Siya lamang ay nararapat ng ating pagsasamba sa Pasko, sa buong taon! Amen!

III. Pangatlo, inihandog nila Siya ng mga aguinaldo.

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira” (Mateo 2:11).

“Inihandog nila sa kaniya ang mga alay…” Sinabi ni Dr. John R. Rice

,

Bumagsak sila sa kanilang mga mukha at sinamba Siya! Tapos na may mga luha ng galak, at mga nanginginig na mga labi, at mga pulso na nagiging mabangis sa kagalakan, ang kanilang kinakabahan na mga daliri ay nagbukas ng kanilang maliliit na mga gabinete, o binuksan ang sinturon na nakatali sa kanilang mga kayamanan at, binuksa ang mga ito, ibinigay nila ang Panginooon Hesu Kristo ang pinaka mainam sa lahat na mayroon sila! (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., “Mga Aguinaldo ng Madudunong na Mga Kalalakihan” Isinalin mula sa “Gifts of the Wise Men,” Iniibig ko ang Pasko “I Love Christmas,” Sword of the Lord Publishers, 1955, pah. 47).

Tapos sinabi ni Dr. Rice,

Binuksan nilang kanilang mga kayamanan at ibinigay ang mga aguinaldo sa Panginoong Hesus. At nagmamakaawa ako sa iyo ngayon …kuinin si Hesu-Kristo sa pinaka loob na sekreto ng iyong puso, ilatag na hubad ang iyong mga kayamanan, at ibigay sa Kanya ang pinakapipili at pinaka mainam sa lahat, oo, ibigay sa Kanya ang lahat, at magpuri na Kanyang marapating [magpakababang] kunin ang mga ito (Isinalin mula sa ibid., pah. 48).

Laging kong iniibig ang mga lumang kanta ni Frances Havergal, “Kunin ang Aking Buhay, at Hayaan itong Maging” [“Take My Life, and Let it Be],”

Kunin ang aking buhay, at hayaan itong maging,
Benditado, Panginoon, sa Iyo;
Kunin ang aking mga kamay, at hayaan akong gumalaw
Sa udyok ng Iyong pag-ibig, Sa udyok ng Iyong pag-ibig.

Kunin ang aking mga labi at hayaan ang mga
Itong mapuno ng mga mensahe para sa Iyo,
Kunin ang aking pilak at aking ginto,
Hindi maari akong magpipigil, Hindi ako magpipigil.

Kunin ang aking pag-ibig, aking Diyos,
Ibubuhos ko sa Iyong paa ang mga itinatago nitong kayamanan,
Kunin ang aking sarili at ako’y magiging
Kailan man lamang lahat para sa Iyo, Kailan man lamang lahat para sa Iyo.
   (“Kunin ang Aking Buhay, at Hayaan itong Maging.” Isinalin mula sa
      “Take My Life, and Let it Be” ni Frances R. Havergal, 1836-1879).

Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng natubos na kapangyarihan ng aking katauhan;
Lahat para kay Hesus! Lahat para kay Hesus!
   Lahat ng aking mga araw at lahat ng aking mga oras.
(“Lahat Para Kay Hesus.” Isinalin mula kay
      “All For Jesus” ni Mary D. James, 1810-1883).

Kung ang mga kantang iyon ay may kahulugahan ng anuma, tiyak na itinuturo ng mga itong maging nasa simbahan, sinasamba si Kristo sa Bisperas ng Pasko – kaysa sa pagpupunta sa isang makamundong salu-salo!

Noong sinamba ng mga madunong na mga kalalakihan ang Panginoong Hesus, binigyan nila Siya ng ginto, at kamangyan, at mira. Ang mga ito ay napaka mamahaling mga aguinaldo, ang pinaka mainam na nagkaroon ang mga kalalakihan. Ang ginto ay naglalarawan sa isang hari. Ang kamangyan ay isang mamahaling insenso. Ang ama ng simbahang si Origen (185-254) ay nagsabi na ito’y ang insenso ng pagkadiyos. Si Origen ay mali sa ilang mga bagay, ngunit tama siya patungkol rito. Ang kamangyan ay tumukoy sa Kanya bilang ang nagkatawang taong Diyos. Ang mira ay isang pampalasa na ginamit ng mga Hudyo kapag inililibing nila ang patay. Sa Juan 19:39 tayo ay sinabihan na nagdala si Nikodemus ng mira at inilagay ito sa patay na katawan ni Hesus, “gaya ng paraan ng mga Hudyo sa paglilibing.” Ginto para sa isang hari. Kamangyan para sa nagkatawang taong Diyos. Mira para sa Kanyang nagdusa at namatay sa Krus upang bayaran ang buong multa para sa ating mga kasalanan. Magsitayo at kantahin ang himno bilang lima sa inyong katahing papel,

O magpunta kayong mga nanampalataya, maligaya at matagumpay,
   O mapunta, O magpunta kayo sa Bethlehem!
Mapunta at pagmasdan Siya, ipinanganak na Hari ng mga anghel;
   O magpunta, atin Siyang sambahin, O magpunta ating Siyang sambahin,
O magpunta, atin Siyang sambahin, Si Kristo ang Panginoon.

Kumanta, mga koro ng mga anghel, kumanta na may malaking kasiyahan!
   O kumanta, lahat kayong maliwanag na mga karamihan ng langit sa itaas;
Luwalhati sa Diyos, lahat ng luwalhati sa pinaka mataas;
   O magpunta, atin Siyang sambahin, O magpunta ating Siyang sambahin,
O magpunta, atin Siyang sambahin, Si Kristo ang Panginoon.

Oo, Panginoon, binabati ka namin, Ipinanganak sa masayang umagang ito,
   Hesus, sa Iyo maging lahat ng luwalhati ay maibigay;
Salita ng Ama, ngayon nasa laman ay nagpapakita,
   O magpunta, atin Siyang sambahin, O magpunta ating Siyang sambahin,
O magpunta, atin Siyang sambahin, Si Kristo ang Panginoon.
   (“O Magpunta Kayong Lahat na Nananampalataya.” Isinalin mula sa
“O Come, All Ye Faithful,” isinalin mula kay Frederick Oakeley, 1802-1880).

At kung hindi ka ligtas, magpunta sa Kanya! Magtiwala sa Kanya at patatawarin niya ang iyong kasalanan, at huhugasang malinis ang Kanyang mahal na Dugo! Amen. Dr. Chan paki panguhan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 2:1-10.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Kaming Tatlong Mga Hari.” Isinalin mula sa
“We Three Kings” (ni John H. Hopkins, Jr., 1820-1891).


ANG BALANGKAS NG

ANG MGA AGUINALDO NG MGA MADUNONG
NA MGA KALALAKIHAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira” (Mateo 2:11).

(Daniel 2:27; Mateo 2:9, 2; II Mga Taga Corinto 6:17, 18)

I.   Una, sila’y nagpunta sa bahay, Lucas 2:7, 24; Mateo 2:10, 9;
Exodo 13:21.

II.  Pangalawa, nangatirapa sila at sinamba Siya, Juan 1:14;
Mateo 28:17; Lucas 24:52.

III. Pangatlo, inihandog nila Siya ng mga aguinaldo, Juan 19:39.