Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MAS HIGIT NA PAGKAKAINTINDI
KAYSA AKING MGA GURO!

MORE UNDERSTANDING THAN MY TEACHERS!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-7 ng Disyembre taon 2014


Bago ko basahin ang teksto babashin ko ang isang email na ipinadala sa akin noong huling linggo ng isang taong sumusoporta sa aming ministro ng Internet. Sinabi niya,

“Iniibig ko ang iyong ‘Ang Hinihangang Aklat ng Diyos’ na pangaral noong Linggo. Nakatanggap ako ng mas matinding lalim ng pagkakaintindi. Salamat sa iyo…Alam mo sa tinggin ko, hindi naiisip ng karamihang mga tao na ang iyong mga pagtuturo ay ‘antas kolehiyo’!...Tiyak ako na sa kaharian ng Diyos, isinasaalang-alang na isang ‘Propesor Emeritus.’ Alam ko ika’y isinasaalang-alang kong ganoon.”

Salamat ginoo, para sa mabubuti mga salita! Hindi ko kailan man naisip ang aking sarili bilang isang eskolar, gayon man. Naisip ko ang aking sarili bilang isang mangangaral at isang misyonaryo, hindi isang dakilang tagapag-isip. Ngayon tumingin sa akin sa Mga Awit 119.

“Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko... Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling” (Mga Awit 119:99, 103-104).

Ang ika-119 na Awit ay ang pinaka mahabang kapitulo sa buong Bibliya. Ang paksa ng Awit na ito ay ang Bibliya, na tinatawag ng Salmista ng iba’t ibang mga pangalan: “ang salita,” “ang batas,” “ang iyong mga testomonyo,” “ang iyong mga kautusan” at iba pa. Ipinagtatanggol nito ang Bibliya. Iyan ang tema nito.

Si Dr. W. A. Criswell ay isang dakilang eskolar at isang makapangyarihang tagapagtanggol ng mga Kasulatan. Siya ay ang pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas sa loob na halos anim na pung taon. Iniibig ko si Dr. Criswell! Ang kanyang mayamang tinig at mapakumbabang pananampalataya ay nagbigay ng inspirasyon sa akin sa loob ng limampung taong! Ang kanyang aklat, Bakit Ipinapangaral ko na ang Bibliya ay Literal na Totoo [Why I Preach that the Bible is Literally True], ay naging aking palaging inspirasyon at tulong sa akin.

Iniibig ko ang mga Kasulatan. Hindi ako pinalaki sa isang Kristiyano tahanan. Wala akong pribilahiyo na paglakai sa isang Kristiyanong pamilya. Kung hindi dahil sa Bibliya, ako mismo ay hindi isang Kristiyano ngayon.

Sinabihan ako ng mga Katimugang Bautista na kinailangan kong magkaroon ng isang digri sa kolehiyo upang maging isang mangangaral. Iyan ay isang pangangailangan sa mga Katimugang Bautista. Ngunit wala akong pera upang magpunta sa isang Kristiyanong kolehiyo. Kinailangan kong magtrabaho buong araw at magpunta sa kolehiyo sa gabi. Kaya ko lamang mgpunta sa isang sekular na unibsersidad, at kunin ang mga kurso pagkatapos ng isang mahabang walong oras ng pagtratrabaho araw-araw.

Habang ako’y nag-aral sa isang sekular na paaralan na iyon ang mga propesor ay sinalakay ang Bibliya na walang awa. Sa bawat klase kinutya nila ang mga Kasulatan, nilibak nila ang Salita ng Diyos, ginawa nila ang bawat posibleng bagay upang mauga ang aking pananampalataya sa Aklat ng Diyos. Ito’y doon, sa sekular na kolehiyo na iyon, na una akong nakahanap na kaginhawaan sa mga salita ng tekstong iyon,

“Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko... Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling” (Mga Awit 119:99, 103-104).

Nagtapos ako mula sa makamundong, sekular na kolehiyo. Tapos sinabi ng mga Katimugang mga Bautista sa akin, “Kailangan mong magkaroon ng masters na digri mula sa isang seminaryo upang maging Katimugang Bautistang pastor.” Ngunit wala akong pera upang magpunta sa isang naniniwala sa Bibliyang, konserbatibong seminaryo. Masyadong mahal para sa isang mahirap na bata tulad ko. Dahil ako’y miyembro ng Katimugang Bautistang simbahan, maari akong magpunta sa kanilang seminaryo para sa bahagi lamang ng kung anong halaga nito sa Talbot na Seminaryo, o ibang konserbatibong teyolohikal na paaralan. Kinakailangan ng tatlong taon upang makakuha ng isang masters na digri sa teyolohiyo. Tinanong ko ang aking pastor kung dapat akong magpunta sa liberal na Katimugang Bautistang paaralan, ang Gintong Tarangkahang Bautistang Teyolohikal na Seminaryo [Golden Gate Baptist Theological Seminary]. Sinabi niya, “Sige lang Bob. Alam ko ang Bibliya. Hindi ka nito masasaktan.” Tama siya. Hindi ako nito “nasaktan.” Ngunit halos pinatay ako nito! Di ako nagbibiro!

Kung hindi dahil sa biyaya ng Diyos sa tinggin ko ay di ako mabubuhay ngayon – at tiyak ako na hindi ako mapaparirito sa pangangasiwa! Ako’y napanghinaang loob at nabiyakan ang puso sa teribleng paaralan na iyon na tunay na isinuko ko ang pangangasiwa sa loob ng ilang araw. Gumugol ako ng tatlong teribleng mga taon doon, sa malamig, mapanglaw, di nananampalatayang butas sa impiyernong iyon! Maaring hindi ko ito nagawa at nagtapos kung hindi dahil sa Bibliya. Matutulog ako sa aking dromitoriyo na ang aking Bibliya bukas sa aking mga braso. Halos araw-araw babasahin ko ang mga salita ng ating teksto,

“Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko... Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling” (Mga Awit 119:99, 103-104).

Nadama ko na para bang nahulog ako sa Impiyerno. Naisip ko na hindi ako kailan man makalalabas ng seminaryong iyon na buhay. Hindi ako nagbibiro.

“Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo” (Mga Awit 119:145-146).

Ngunit ito’y doon, sa apoy ng dalamhati, nag-iisa sa mapanglaw, malamig at malungkot na lugar na di paniniwala, na natutunan kong mahalin ang Bibliya ng higit sa buhay mismo.

Ang propesor ng pangangaral ay nagsabi sa akin na nagkakaroon ako ng masamang pangalan dahil sa pagtatanggol sa Bibliya sa klase. Sinabi niya sa akin na ako’y isang mainam na mangangaral, ngunit nagkakaroon ng masamang reputasyon dahil sa pagtatanggol sa Bibliya sa klase. Sinabi niya, “Hindi ka kailan man makakukuha ng isang simbahan.” Ang pangulo ng seminaryo ay tinawag ako sa kanyang opisina at sinabi ang parehong bagay – “Hindi ka kialan man makakukuha ng isang simbahan. Matatagpuan nila na nagsanhi ka ng gulo rito.” Noong nabasa ko ang mga salita ng dakilang si Luther, maaring ang mga ito ay ang aking sariling mga salita,

Dito ako nakatayo, wala akong magagawang iba. Hangga’t ako’y nakumbinsi ng pagkakamali ng Banal na Kasulatan, hindi ko kaya o mangangahas na bawiin ang kahit ano; dahil ang aking konsensya ay dakip ng Salita ng Diyos.

Ang salitang higit sa lahat ng makalupain kapangyarihan,
   Walang pasasalamat sa kanilang namamalagi;
Ang espiritu ang mga Aguinaldo ay atin,
   Sa pamamagitan Niya na kumakampi sa atin.
Hayaan ang mga ari-arian at mga pamilya na magsi-alis,
   Ang mortal na buhay ring ito;
Ang katawan ay maari nilang patayin,
   Ang katotohanan ng Diyos ay mamamalagi pa rin:
Ang Kanyang kaharian ay magpakailan man.
   (“Isang Makapangyarihang Kuta Ang Ating Diyos.” Isinalin mula sa
      “A Mighty Fortress Is Our God” ni Martin Luther, 1483-1546).

“Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan” (Mga Awit 119:99).

Ang Bibliya ay hindi isang aklat-aralin sa siyensya. Ngunit hindi rin ito isang aklat-aralin sa sistematikong teyolohiya. Gayon, kapag ang Bibliya ay nagsasalita tungkol sa paksa ng teyolohiya, ang sinasabi nito ay totoo. At kapag ang Bibliya ay nagsasalita sa isang siyentipikong paraan ito rin ay totoo.

Ang aking pangatlo at paninakahuling taon sa seminaryong iyon, ako’y binoto ng aking mga kaibigan at mga taga-suporta sa katawan ng mga mag-aaral bilang tagapatnugot ng peryodiko ng mga mag-aaral na, Ang Kasalukuyan [The Current]. Ito’y doon na tunay na binuksan ko ang parehong bariles laban sa mga tumatanggi sa Bibliyang mga liberal na mga propesor. Sa aking kolum, sa peryodiko, inilalagay ko ang mga sagot sa mga pagsalakay sa Bibliya na ginagawa sa mga silid aralan. Ang mga mag-aaral ay literal na magsisitakbo upang makuha ang Ang Kasalukuyan kapag ito’y lumalabas. Narinig ko ang isang mag-aaral na nagsabing, “Wala pang nagbabasa nito hanggang sa si Hymers ang naging tagapatnugot.” Isa sa mga bagay na isinulat ko ay ang siyentipikong ganap na kawastuhan ng Bibliya. Kapag ang Bibliya ay gumagawa ng isang pahayag tungkol sa siyensya ito’y laging wasto at totoo. Narito ay maraming siyentipikong katunayan na inilantad sa Bibliya, na walang naka-aalam noong ang Bibliya ay naisulat.

I. Una, ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa dugo ay di nalalaman noong ang Kasulatan ay naisulat.

Tumingin sa Levitico 17:11. Ito’y nasa pahina 150 ng Scofield na Bibliya. Tumayo at basahin ang 10 unang mga salita,

“Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo” (Levitico 17:11).

Maari nang magsi-upo. Sinabi ni Dr. Hnery M. Morris,

Ang mahalagang berso na ito kasama ng iba (Genesis 9:3-6) ay nagsasabi na ang sirkulasyon ng dugo ay ang pahunahing dahilan sa pisikal na buhay (isang pagkatuklas na ginawa noong 1616 ni William Harvey)…Ang makabagong siyentipikong kaalaman ay kumokumpirma kung anong inilantad ng Diyos noong libo-libong taon (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Tagapagtanggol ng Pag-aaral na Bibliya [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995, pah. 154; sulat sa Levitico 17:11)

Kahit na natuklasan ni William Harvey ang mga malalaking ugat ay naglalaman ng dugo imbes na hanggin noong taong 1616, “halos walang nalalaman tungkol sa nakapapanatiling gawain ng dugo hanggang sa makabagong mga panahon” (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Ang Ating Hinihangang Aklat ng Diyos – Ang Bibliya [Our God-Breathed Book – The Bible], Sword of the Lord Publishers, 1969, pah. 319). Noong ang ating unang pangulong, si George Washington ay nagkasakit, isang medikal na doktor ang nagpadugo sa kanya ng tatlong beses. Sa pangatlong beses kumuha siya ng mas higit sa ikaapat na bahagi ng isang gallon ng dugo mula kay Washington. Ang pangulo ay namatay dahil hindi alam ng doktor na inilantad ng Bibliya ilang siglong mas maaga, na “ang buhay ng laman ay nasa dugo.” “Kahangalan niyang naisip na karamihan sa mga sakit ay sanhi ng pagkakaroon ng masyadong maraming dugo” (Isinalin mula kay Rices, ibid.).

II. Pangalawa, sinasabi ng Bibliya ang tungkol sa lupa ay di nalalaman noong ang mga Kasulatan ay isinulat.

Paki lipat sa Job 26:7. Ito’y pahina 585 sa Scofield na Bibliya. Tumayo at basahin itong malakas,

“Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala” (Job 26:7).

Ito’y isinulat 1,500 na taon bago ni Kristo. Isang makabagong pagsasalin ang naglagay nito ng ganito, “Ikinalat niya ang hilagang mga kalangitan sa walang lamang espasyo; ibinitin niya ang lupa sa ibabaw ng wala” (NIV). Sinabi ni kilalang eskolar na si Dr. Charles John Ellicott patungkol sa Job 26:7,

…isang napka mamanghang pang-yayari [inaasahan] ang mga pagkakatuklas ng siyensya. Dito mahahanap natin si Job, higit sa tatlong libong taon noon, na inilalarawan ang wika ng siyentipikong pagkakawasto ng kondisyon ng ating globo, at pinanghahawakan ito bilang isang patunay na banal na kapangyarihan (Isinalin mula kay Charles John Ellicott, Ph.D., Kumentaryo ni Ellicott sa Buong Bibliya [Ellicott’s Commentary on the Whole Bible], Zondervan Publishing House, n.d., kabuuan IV, pah. 46; sulat sa Job 26:7).

“Ibinitin niya ang lupa sa ibabaw ng wala” (NIV). At “ibinibitin ang lupa sa wala” (KJV). Ang mga salitang iyon ay isinulat sa Bibliya bago ni Kristo, noong pinaniwalaan ng mga taga Roma na ang mundo ay nakalatag sa likuran ng isang dakilang diyos na tinatawag na Atlas, at sa panahon noong ang mga Hindu ay nagsabi na ang lupa ay patag at nakalatag sa likuran ng isang elepante, na nakatayo sa likuran ng isang pagong, na lumalangoy sa isang kosmikong dagat! Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Tandaan na ang taong itong si Job ay nabuhay noong edad ng mga partriyarko, at gayon man alam niya na ang lupa ay nakabitin sa kalawakan. Na ibinibitin ng Diyos ang malaking bola ng lupa sa kalawakan na walang sumosuporta rito…ay isang konsepto na di nalalaman sa mga sinaunang mga astronomo” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan II, pah. 632; sulat sa Job 26:7).

Ngayon tumingin sa Isaias 40:22. Ito’y nasa pahina 748 ng Scofield na Bibliya. Magsitayo at basahin ang unang labing isang mga salita ng malakas, nagtatapos sa salitang “lupa.”

“Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa...” (Isaias 40:22).

Maari nang magsi-upo.

Ang gitnang sulat na “g” sa Pag-aaral na Scofield na Bibliya [The Scofield Study Bible] ay nagsasabi, “Isang nakamamanghang pagtutukoy sa pagkabilog ng lupa.” Sinasabi ni Dr. W. A. Criswell, “Si Isaias na nagsusulat ng ilang pitong daang taon bago ni Kristo, ay alam na ang tungkil sa pagkabilog na hugis ng lupa. Ito ay nakamamanghang kaalaman, na ibinigay sa insipirasyon ng Diyos” (Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ni Criswell [The Criswell Study Bible], Thomas Nelson Publishers; sulat sa Isaias 40:22). Sinabi ni Dr. Henry M. Morris na ang Hebreong salita na isinaling “bilog” ay “khug,” at “malinaw na tumutukoy sa pagkabilog ng lupa.” (Isinalin mula sa Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], ibid.; sulat sa Isaias 40:22).

Kaya, itinuturo ng Bibliya na ang lupa ay bilog at nakabitin sa kalawakan saw ala! Sinabi ni Dr. John R. Rice, “…ito’y isinulat na libo-libong taon bago ni Galileo, Columbus at Magellan ay natutunan na ang lupa ay bilog” (Isinalin mula kay Rice, ibid., pah. 320).

III. Pangatlo, anong nalalaman ni Hesus tungkol sa pagkabilog at pag-ikot ng lupa ay di nalalaman ng mundo noong ang Kasulatan ay naisulat.

Teyorya ng mga Griyego na ang lupa ay bilog, ngunit hindi nila alam na ito’y umiikot. Ang karaniwang tao ay nag-akala na ang lupa ay patag. Sa pinaka araw na ito isang grupo ay nabubuhay na tinatatawag na “Ang Patag na Lupang Lipunan.” Ngunit alam ng Panginoong Hesu-Kristo na ang lupa ay bilog, at na ito’y patuloy na umiikot. Alam niya ito higit sa 1,400 na taon bago si Magellan ay lumayag palibot ng mundo. Ilipat ang iyong Bibliya sa Lucas 17:34-36. Ito’y nasa pahina 1100 ng Scofield na Bibliya. Tumayo at basahin ang Lucas 17:34 hanggang sa 36.

“Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan. Magkasamang gigiling ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan. Mapapasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin at ang isa'y iiwan” (Lucas 17:34-36).

Maari nang magsi-upo. Sinabi ni Hesus na, kapag Siya’y darating sa pagdadagit, dalawang kalalakihan ay nasa kama, dalawang kababaihan ay gumigiling ng palay, at dalawang kalalakihan ay nasa bukid. Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,

Kapag ang Panginon ay darating, ito’y gabi kapag dalawang kalalakihan ay nasa kama. Ngunit ito rin ay maagang umaga kapag mga kababaihan ay gumigiling ng palay, at hapon kapag dalawang kalalakihan ay nagtratrabaho sa bukid. Ito’y posible dahil ang mundo ay bilog at umiikot araw-araw sa sarili nitong aksis (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., ibid., pah. 1116; sulat sa Lucas 17:34).

Si Kristo ay darating “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata” (I Mga Taga Corinto 15:52). Kaya sa isang sandali ng panahon ito’y magiging gabi sa isang bahagi ng lupa, bukang liwayway sa ibang bahagi, at gitna ng araw sa ibang lugar. Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Alam ng Panginoong Hesus…ang siyentipikong katunayan na ito tungkol sa rebolusyon ng lupa na gumagawang gabi at araw sa makabaligktad na mga panig na lupa sa parehong beses” (Isinalin mula kay Rice, ibid., pah. 321).

Ang apat na mga pasahe ay malinaw na nagpapakita na, kapag ang Bibliya ay nagsasalita patungkol sa siyentipikong mga bagay, ito’y laging tama. Kahit na walang tao sa lupa ang naka-aalam ng mga katunayan, ang Bilbiya ay laging tama sa mga bagay ng ito ng siyensya. Makikita natin ang tatlo pa sa mga ito sa sunod na Linggo.

Naglalagay ako ng mga simplang mga katunayan sa peryodiko ng mga mag-aaral, noong ako ang tagapatnugot, sa liberal na tumatanggi ng Bibliyang Katimugang Bautistang semrinaryong iyon. Ang ilan ay sumigaw sa akin. Ang iba ay tinawanan ako. Binalaan ako ng pangulo ng seminaryong patalsikin ako, ngunit hindi niya ito magawa dahil ako’y isang A na mag-aaral na higit sa dalawang taon. Sinabi nila na hindi ako kailan man makakukuha ng isang Katimugang Bautistang simbahan. Ngunit hindi ko kinailangang “kumuha” ng isang simbahan! Nagsimula ako ng isa mula sa wala mga dalawang milya ang layo mula sa seminaryong iyon. Narito pa rin ito ngayon! Ito’y isang Katimugang Bautistang simbahan. At apat na pung mga simbahan ang lumabas sa buong mundo, ang lumabas mula sa simbahang iyon. Nakapagtataka, na nangaral ako sa awditoriyum na iyon ng Gintong Trangkahang Bautistang Teyolohiyak na Seminaryo [Golden Gate Baptist Theological Seminary] dalawang taon noon, sa ika-apat na pung anibersaryo ng simbahan na sinimulan ko sa Mill Valley, California! Bawat isa sa liberal na, tumatanggi sa Bibliyang propesor ay wala na – at naroon ako nangangaral! Papuri sa pangalan ni Hesus! At masasabi ko pa rin, na may buong pagpapakumbaba, na ito lamang ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos,

“Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko... Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling” (Mga Awit 119:99, 103-104).

Sana ay di mo kailan man ikahihiyang magtiwala sa Bibliya. Sinabi ni Hesus,

“Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel” (Luca 9:26).

Magpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Magtiwala sa Kanya at malinisan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Bumangon Siya mula sa kamatayan! Tumingin sa Langit at magtiwala sa Kanya!

Ipihit ang iyong mga mata kay Hesus,
   Tumingin lubos sa Kanyang nakamamanghang mukha;
At ang mga bagay ng lupa ay magiging di pangkaraniwang madilim
   Sa ilaw ng Kanyang luwalhati at biyaya.
(“Ipihit Ang Iyong Mga Mata Kay Hesus.” Isinalin mula sa
      “Turn Your Eyes Upon Jesus” ni Helen H. Lemmel, 1863-1961).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Awit 119:97-104.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith: Mga Awit 19:7-10.


ANG BALANGKAS NG

MAS HIGIT NA PAGKAKAINTINDI
KAYSA AKING MGA GURO!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko... Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling” (Mga Awit 119:99, 103-104)

(Mga Awit 119:145-146)

I.   Una, ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa dugo ay di nalalaman noong ang Kasulatan ay naisulat, Levitico 17:11;

II.   Pangalawa, sinasabi ng Bibliya ang tungkol sa lupa ay di nalalaman noong ang mga Kasulatan ay isinulat, Job 26:7; Isaias 40:22.

III. Pangatlo, anong nalalaman ni Hesus tungkol sa pagkabilog at pag-ikot ng lupa ay di nalalaman ng mundo noong ang Kasulatan ay naisulat,
Lucas 17:34-36; I Mga Taga Corinto 15:52; Lucas 9:26.